March 25, 2017

100 Cigarettes - VII

VII

Nauna akong nagising kinaumagahan at nauna na rin akong kumain. Nagising ka rin naman agad matapos kong makapag-almusal at agad-agad pumatong sa akin. Itinuro ko sa bag ang ilan pang natirang adya at sabik-paatras ka namang pumayag at suotan ako. Nagsindi ka ng panibagong load, saka inihanda ang sarili sa akin namang, well, load.

Madalas kong mamiss yung mga ganitong umaga natin.

Gutom pa rin ako. Nauna na akong naligo sa ’yo dahil mukhang pagod ka pa. Pagkatapos kong makapaglinis ay dumiretso ako sa isang kaha ng yosi at laptop. Lumabas ka na rin para maligo. Dumaan lamang ang ilang saglit ng paglipad ng utak ko sa internet at katiting na luntian e nakabalik ka na rin kaagad sa kuwarto. Habang ika’y nagbibihis, sinabi kong mag-almusal muna tayo sa Sinangag Station.

Pagbaba, pansin kong medyo lampas tayo sa inaasahan nilang pagcheck out natin pero hindi naman tayo pinatungan ng bayad. Hindi ko alam kung dahil madalas na nila tayong kliyente o may grace period na isang oras, kung sakaling may hangover pa sa kagabi ang mga nagcheck in. Ang hindi naman nila alam e sabog pa tayong dalawa.

Dumiretso na tayo sa Sinangag Station at umorder na ng almusal. Saka ko lamang tinext si Jose na nasa Quezon City na tayo. Saka ko lamang din tinanong kung anong oras yung tugtog nila sa Ayala Museum mamayang gabi. At saka ko lang din tinext si Nanay kung bakit niya ako hinahanap kagabi. Sinabi ko kaagad na nag-almusal lang ako sa Maginhawa at maya-maya’y tatawag ako sa opisina niya para magkuwento, ng siyempreng tungkol sa aking thesis.

Mayroon ka namang hindi maunawaang linya ni Loonie tungkol sa barya. Hindi ko makuha masyado dahil sabog pa yata ako simula kagabi o may nasinghot ako sa hinithit mo kanina. Favorite mo yatang naliligo nang sabog. Mabuti na lamang at umorder ako ng sariling kape ngunit naramdaman kong kailangan ko pang magising talaga. Humingi ako kina Ate Sinangag Station ng asukal at nag-abot naman sila sa akin ng isang maliit na mala-vial na tasa. Ewan ko ba. Sabog pa ako eh. Inamoy ko muna kung suka ba iyon para sa ulam ko/mo. Tinikman ko gamit ang tinidor. Matamis. Baka ito yung asukal. Sumigaw ako ng, “Ito po ba yung asu-,” pero nagmukhang walang sasagot sa akin. Bahala na. Binuhos ko lahat sa tasa ko. Lalo namang tumamis. Edi okay.

Sumagot na rin si Jose na mga alas said pa ang kanilang tugtog ngunit may kailangan pa siyang ipaliwanag sa akin pagdating ko ng UP. Tinanong kita kung anong oras mong balak umuwi at sinabi mong okay pa namang gabihin ka. Hindi ko pa rin sigurado, kahit na ganoon. Hindi naman sa wala akong tiwala sa iyo kundi matagal mong hindi nakausap sa cellphone ang iyong mga magulang at baka lalo ka pa nilang pagalitan. Mukha ka namang kampante sa iyong mga ngiti. O nainlove lang ulit ako sa iyo.

Pagkaubos ng pagkai’y nakapagyosi na mula sa natitira sa kahang iniwan na natin sa lamesa. Sumakay na tayo kaagad ng tricycle dahil mainit at wala pa ako sa mood maglakad tungo sa sakayan ng Ikot.

~

Pagdating ng Ikot sa tapat ng Sunken, saka ko lamang naramdamang nasa UP nang muli tayo. Marami na ulit mga papansing nagsasaluhan ng frisbee at feeling na pumapayat sa Acad Oval. Wala na rin akong pakialam sa kanila dahil gusto ko nang isampal kay Jose yung unan natin ng wee-, putang ina yung pipe nga pala!

Dumating na tayo sa 108 agad at kinamayan ko na si Jose. Kinuwentuhan saglit saka mo sinampal yung unan natin ng luntian. Ibinalita naman ni Jose na puwedeng makahanap ng pipa sa bazaar na malapit sa Ilang-ilang.

Pumasok muna akong saglit sa bahay para makausap yung Nanay ko nang makapagpaalam at makahingi na rin ng perang pambili ng ticket para suportahan ang paskong soundtrip ng mga kakulektibo ni Jomil Supot. Ipinaliwanag ko na ring palusot na naubos yung pera ko kasi nga nagcelebrate ako masyado at nanlibre ako dahil naprint na lahat-lahat ng thesis ko. Tapos mahal talaga yung concert nina Jose. Pero okay lang naman.

Pinapunta naman ni Jose si Mitzi. Hindi sila makapagsasabay tungong Ayala Museum. Mayroon pa kasi siyang klase. Ninais ni Jose na sumabay na lamang sa atin si Mitzi. Ipinaliwanag kong magkita na lamang kami sa may Ayala station ng MRT dahil naramdaman kong kaya namang puntahan iyon ng girlfriend niya dahil malapit lang sa kanilang paaralan ang LRT 2.

Napagkasunduan na ang lahat ng plano at iniabot ko na rin ang lenguang mga pasalubong. Pinaiwan mo na muna sa aking kuwarto ang ilan sa iyong mga gamit bago tayong nagpunta sa bazaar para maghanap ng pipa. Sinuyod na natin lahat ng tindahan ngunit wala pa rin tayong nakita. Sa may bandang dulong stall ay may nakilala kang kapatid mo at nagkamayan naman kayo. Sa kalagitnaan ng ating ikalawa/huli sanang suyod ay naisipan kong ipatanong sa brod mo kung alam niya kung sa’n banda makakabili ng hithitan. Madaling pumayag yung brod mo at dinala tayo sa isang stall na sarado pa. Sayang. Gabi pa magbubukas ang tangi sigurong tagapagligtas na tindahan at mangilang oras pang pangangatal ni pareng Jose.

Nagbalik na agad tayo sa mansyon at nagsoundtrip/yosi/kuwentuhan na lamang hanggang sa pagpatak ng takdang oras para sumakay na ng jeep tungong MRT station. Nakailang mga awit at gaguhan din tayong may masasarap na tawanan at ilang mga nakaw na halik at yakap, at sa wakas, dinatnan na rin tayo ng oras para sumakay papuntang sakayan ng tren.

Wala muna masyadong nag-usap sa pampasahero ngunit may mababakas pa ring tila nais ilabas na mga kung ano. Hindi ko maiwasang tingnan ka nang paulit-ulit at pagmasdan ka sa tuwing hindi nakabaling ang atensyon mo sa akin. Iniisip ko kung ako ba yung iniisip mo. Kakapalan man ng mukha pero masayang isiping sa bawat oras na lumilipas e hindi mo sinasadyang isama ako sa iyong mga panaginip at pansariling mga pangarap. Araw-araw tayong bumubuo ng ating mga alaala para lang sa tuwing may mga puwang at kakulangan, madalas, mayroon tayong paghuhugutan. Kaya lamang, kadalasan din ang hindi sinasadyang paglimot o pagpapaulit ng ayaw asahan.

Naghuling yosi na muna tayo pagbaba ng jeep at napag-usapan ang tungkol sa datingan ng mga bullshitan nating thesis. Naniniwala na siguro akong pinaparating mo halfway na lampas kalahati ng mga undergraduate thesis e kalokohan lamang. Hindi naman ako naoffend kasi ako lang naman din ang nag-isip no’n. At medyo nang-ulol lang naman talaga ako sa thesis ko.

Pumasok na tayo sa mall pagkapaalam sa huli na munang nikotina. Lumusot, umakyat nang ilang palapag, at naglakad pang ulit. Wala pa ring binatbat sa mga dinaanan natin sa Baguio. Wala pa ring binatbat magpahanggang sa ngayon ang lahat-lahat ng mga sumunod pang nangyari sa mga nagdaan sa Baguio. Pilit ko mang iwanan, mahirap ding makalimot sa tuwing dadalawin ako ng ginaw o aakyat/bababa. Naikintal na rin siguro sa akin yung pag-akyat at pagbaba e legit na lamang sa Baguio. Pero kagaguhan ko lang iyon.

May kaunti ring kagaguhang naganap pa sa ilang madaraanang paskil habang nakasakay tayo sa dumadagundong nang tren. Tayo lang ang may lakas ng loob mag-usap at magtawanan sa loob, at gusto ko yung pakiramdam na hanggang ngayon, wala pa rin tayong pakialam sa kanila, sa paligid, sa mundo. Tayo lang ang mundo natin. Ikaw at ako.

Walang makakaunawa sa atin. Tayo lang. Kahit sabihin natin/nila na alam nila/natin, e wala pa rin talagang katiyakan. Iba pa rin ang samyo kapag alam mo kung kailan, alam mo kung paano, gaano at ano. Kahit mata lang natin ang magtinginan, ating mga labing nangungusapan/sabik mangusap muli, mga braso/kamay na hindi pinipilit.

Maya-maya’y nakababa na tayo sa Ayala station at nagtungo na sa KFC. Medyo gutom na ako at atat na rin sa paghihintay. Naramdaman ko naman kaagad na ililibre rin tayo ni Nanay ng kain pero lecheng makatakam madalas ang amoy ng fast food. Umorder na muna ako ng isang meal, yung may mashed, cheese, mais, at manok. Famous daw siya, malay ko rin.

Pagbalik ko sa ating lamesa, tinext ko na rin si Mtizi na naghihintay na tayo, pero hindi naman tayo galit. Nakatanggap naman ako ng reply mula sa kanya nang maubos ko ang aking inorder. Malapit na raw. Napagdesisyunan kong lumabas na para baka sakaling maligaw si Mitzi e tayo rin ang kabagsakan.

Hindi ko masyadong makita yung mga taong nagsisipasukan. Sobrang sikip na nga pala sa station nang ganitong mga oras. Maya’t maya akong tumitingkayad at baka sakaling makawayan ko siya. Hindi rin masyadong nagtagal at nagkawayan na rin tayong tatlo. Inanunsyohan ko kayong dalawa na sundan niyo lamang ako at magtiwala sa akin. Wala namang mga bangin sa bahaging daraanan natin sa Ayala.

Pinasok natin ang lampas sa isang mga mall at kinutya ang karamihan sa mga mannequin bago tayo nakarating ng Ayala Museum. Hinatid na natin si Mitzi sa may entrance saka kumaway ng ingat at pagpapasalamat.

Tinext ko na kaagad si Nanay na kararating lamang natin. Nagreply naman kaagad at pinapunta niya tayo sa likod ng kanyang office dahil doon siya maghihintay. Kaso, bago pa man tayo makarating doon e nag-usap at binullshit mo muna for 5 minutes yung papa mo. May mga sinabi ka namang legit, tapos yung iba, pinaimagine mo na lang sa kanya.

Matapos ay sinimulan nang muli ang matinding pause sa nagbabadyang pangunguwestiyon. Nang makita ko si Nanay’y kinawayan ko na kaagad saka tayo lumapit at nagbless na dalawa. Tinanong niya kung nagugutom tayo at siyempre, umoo ako. Nauna sa ating naglakad si Nanay tungo sa isang kainan habang nagkukuwento ako ng mga kunwaring nangyari sa’kin para sa linggong iyon. Nakarating tayo sa isang restaurant na nagseserve ng napakasarap na bagnet. Inisip ko kaagad na kahit malate tayo sa pilantikan ng mga tropa ni Jose e iinggitin ko siya sa pakain ni Nanay.

And as usual, tinuloy ko pa rin yung pagpapaimagine din kay Nanay habang ipinapakita yung kaisang hardbound na nauwi ko. Sinabi niyang babasahin niya raw iyon pagdating sa bahay. May mangilan pang tanungan tungkol sa iyong kurso at pekeng pangarap ko sa buhay na makapagsulat talaga.

Tapos na rin sa wakas at busog na tayo. Nakapuslit pa ako ng iilang laman mula sa iyong pinggan dahil napusuan ko rin namang madali kang mabusog. Iniabot na ni Nanay ang pambili ng ticket na pauso lang ng orkestra ni Jomil Supot para kunwari astig at may paggagamitan o kaya’y donation. Pero siyempre nagbibiro lamang ako. Wala munang umpugan sa gate.

Inihatid na tayo ni Nanay sa entrance ng museo at sinabi kong kinabukasan na ako uuwi dahil ihahatid pa nga kita kunwari. Tsaka dahil gabi na rin, na as if makapagdudulot ng difference. Matapos makapagbayad at pagpasok, una kong hinanap si Jose. Halata namang tapos na yung first act dahil panay rin naman ako silip sa aking relo habang ngumangasab ng baboy. Ngayun-ngayon ko lang din naisip yung kagaguhang bakit hindi na lang kalahati ng presyo yung binenta sa atin, tutal, kalahati na lang din naman ng performance yung maaabutan.

Wala nang pakialam ulit yung mundo sa kabullshitan ko. Nagpakita na rin si Jose Periwinkle. Bati, kamay, na parang hindi nagkita kaninang hapon. Hindi pa nakatugtog kaagad sina Jose kahit na matagal silang pinaupo sa harap. At least sila, nakaupo. Kaso, pinili ko lang din namang tumayo, at gaya-gaya ka naman. Magdamagan lamang tayong magkayakap habang inaasar ang mga taong nagtatanghal. Ikaw lamang ang aking tanghal, wala nang iba. Sana’y napalitan na yung mga karanasan mo sa bawat badtrip na Christmas song na napakinggan/mapakikinggan mo. Tanging mga puso lang natin ang nag-indakan sa loob, kahit na galit sa atin at walang pakialam ang musika. Sino ba sila para magpaalala.

Natapos na ang mga tugtugan at uyam. Hindi sana tayo/ako pinansin/napansin. Paglabas, nagyosi na tayo kaagad. Ngatal na rin siguro nang sagad simula noong unang makita si Nanay. Maya-maya’y lumabas na rin si Jose at tinanong kung saan natin gustong kumain. Ikinuwento ko naman kaagad yung masarap na inggit. Napayosi na lang yung supot.

Hindi ko sila makabisang dalawa pero ang alam ko, sa umpisa ng ating paglalakad, pagkalaglag ng huling stick e may isa sa kanilang nais kumain, dinner siguro o merienda. Basta ang alam ko, may kakain, si Mitzi siguro, dahil minsan, kuripot si Jose sa sarili niya. Bigla na lamang nagbago ang isip na dumiretso na tayo ng uwi dahil gabi na. Pinapili ko kayong lahat kung gusto niyong magbus o tren. Inemphasize kong mas hassle yung tren pero mas mabilis.

Edi nagbus nga tayo.

Ngayon ay may hindi tayo pagkakaintindihan dahil hindi ko mabasa kung galit ka ba sa akin. Hindi ko naman kasi tantyado ang bagal ng daloy ng mga sasakyan ngunit malakas ko ring ininsist na magbus tayo kaya panay siguro ang atat mo sa cellphone at nagpapanic na ako sa sasaluhin kong galit mula sa ’yo. Ayokong matapos nang ganito yung huling gabi nating panamantala kung kaya’t nagsorry ako nang maraming-marami pagbaba natin sa Sentral. Sinabi mong okay ka naman na at ipinaliwanag kung bakit medyo nanahimik ka sa kahabaan ng alingawngaw.

Pagdating sa 108, tumambad ang mga nag-iinuman sa tapat. Okay lang din naman, hindi ganoon kahassle. Umakyat na akong muli sa aking kuwarto para kunin ang mga pinaiwan mong mga gamit. Inayos at naghati na rin tayo sa gabimpo na luntian. Pagbaba ko’y hindi kita nakita sa kusina kung saan kita huling iniwan. Madali akong naglakad sa zen garden at doon kita nakita, niyakap, at naramdaman kong unti-unti ka nang malalayo talaga sa akin.

Nagpaalam na muna tayo kay Jose at nang maihatid na kita.

Mabagal. Hindi ko alam kung bakit. Sumasabay ang liwanag ng buwan sa bawat makapigil na hakbang na binibitawan natin papalapit sa hanggan. Tiningnan kita, malayo ang tingin mo ngunit napalingat ka rin sa akin. Ang ganda mo. Inabot ko na ang iyong kamay at inibig na huwag na masyado pang tulinan ang paglakad. Sana’y nasiraan na lang yung bus kanina. Sana, kumain na lang muna si Mitzi. Sana tatlo hanggang madaling araw pa yung tugtugan. Sana, sa atin na lang ang oras.

Walang ni isa sa atin ngayon ang may kakayahang masunod. Huling tapak na bago ka tumawid at sumakay ng bus. Ayoko ng ganitong pakiramdam kahit na tatlong araw na nating pilit na kinakalimutan. Alam nating sa isa’t isa lamang tayo tutuon ng pansin ngunit isa’t isa lang din ang siyang dahilan ng ating pagkarupok.

Yumakap ako nang mahigpit sa ’yo, sinabing iniibig kita. Hinalikan kang matagal sa labi, at inulit ang pagsintang lumanay. Lalong humigpit ang ating mga yakap. Humalik ka sa aking pisngi, gayun din naman ako. Pumiglas ang yakap.

Nagkatitigan tayo. Namamaalam sa isa’t isa ang ating mga mata. Hinila kitang muli para sa isa pang yakap. Dumampi ang aking labi sa iyong noo, habang humihigpit ang iyong yakap. Hinigpitan ko rin ang akin. Nagbalik ako sa iyong pisngi, sa iyong noo, kahit pa sa iyong mga mata. Nagbalik tayong mas matagal sa labi.

Muling piglas.

Bawat pagbalik, lalong tumatagal. Hinihingi ka na ng buwan sa akin. Wala nang pakialam muli ang mundo sa atin. Matagal nating pinilit na tayo dapat ang walang pakialam sa kanya ngunit bawat higpit at pisil ay nagbabadya na ng paubos na nating lakas ngunit hindi kailanmang mag-aapaw na kakuntentuhan sa isa’t isa. Piglas.

Nagkatitigan tayong muli. Putang ina, haha, mukhang kailangan na talaga. Tumawid ka na sa kabila at naghintay ng bus. Minabuti kong hintayin kang makasakay dahil ayaw ko pang magpaawat. Gusto pa kitang nakikita, kahit likod mo na lamang. Maya-maya’y lumingon ka, at nakailang bus din ang lumampas sa iyo. Bumalik ka sa akin, please.

At bumalik ka sa akin. Huling yakap, huling mga ngiting mapapait. Huling halik. Huli na talaga, sa ngayon.

March 19, 2017

100 Cigarettes - VI

VI

Naalimpungatan ako sa mga kuskos ng putang inang kahoy na mga sahig ng tinutuluyan natin. Mahimbing pa rin ang tulog mo. Inayos ko na lamang ang kumot at muling yumakap sa ’yo.

Nahirapan na akong makatulog. Madilim ang buong kuwarto, I mean, walang makapasok na liwanag as in. Maginaw na maginaw na rin. Humigpit na lamang ang yakap ko sa ’yo’t nagparelax sa iyong amoy. Ang kaso, hindi na talaga nakakapalagay ng loob yung bawat kaladkad ng yapak sa itaas. Nagpaulit-ulit na ako ng pagkilos para makahanap ng magandang puwesto. Walang bisa.

Lumingon ka na rin sa wakas, ngunit nakapikit pa rin. Hinalikan kita agad sa labi. Humalik pa akong muli, hanggang sa hindi ko na tinanggal ang aking mga labi sa iyo. Nagsinding muli ang mitsa. Mangilan pang palitan natin ng samyo’y pumatong ka na sa akin.

“Nandun yung condom,” sabay turo ko sa mesa. Umalis ka muna’t kumuha ng isa, sabay bumalik ka sa akin. Nakapagprepara na rin, handa naman nang agad ang lahat dahil kapwa tayong nagising nang walang suot.

~

“Gusto kong mag-almusal,” although katatapos ko lang kumain at napag-usapan natin kahapon na magbbrunch na lamang tayo.

“Okay, sige.” Napansin kong nauna ka nang nagbihis sa akin at may dalang isang stick ng yosi. “Magpapaload lang ako sa labas.” Pinunyeta ka na nang tunay ng phone mo dahil wala pa ring pumapasok na load.

“Sige.” Tinabihan na lamang ako ni Janine matapos ka niyang pakyuhin. Ang tagal na nakasara ng ilaw. Hindi ko kinaya ang dilim. Matagal-tagal kitang hinintay at kinabahan na ako sa takot, sa dilim. Dumukot ako ng isang stick at ibinulsa ko na ang susi. Matapos ikandado ang pinto ay saka ko lang narealize na dala mo pala yung lighter.

Mabuti na lamang at nandun ka na sa harap at nakapagsindi ako.

“Pumasok na yung load mo?”

“Hindi pa rin eh,” sabay check muli ng phone. “Tingin mo ba may telepono sa may Victory Liner?”

“Tingin ko naman. Oo.” Kaso, bigla mong napagtantong ‘wag na pala dahil may caller ID yung bahay niyo.

Iminungkahi kong sa UP tumawag e kaso, fucking caller ID. Noong una’y ninais kong kumain sa KFC para sa aking almusal. Wala ka pa sa mood kumain at pinoproblema mo pa sa ngayon kung paano mong macocontact yung magulang mo. Sa ating paglalakad para makahanap ng makikigamitan ng telepono’y may nakita akong maliit na kainan at iniwan mo muna ako roon para mag-almusal. Bumili ako ng isang cup ng rice at dalawang ulam, kasama ang isang sunny side up.

Hindi ka pa nakakabalik sa akin nang matapos ko ang aking hapag kung kaya’t lumabas na ako. Punyeta ulit kasi nakalimutan kong magbulsa ng lighter. Naglakad-lakad muna ako para makahanap ng tindahang may panindi. Nasalubong naman kitang may hawak na isang cup ng kape’t dismaya.

Sa ating paglalakad pabalik ay tumingin tayo sa isang maliit na grocery store para sa huling pagkakataong makahiram ng telepono. Wala pa rin. Bumili na lamang ako ng dalawang lalagyan ng lengua bilang pasalubong pag-uwi sa QC.

Napagdesisyunan mong bumili na lamang ng bagong sim card sa SM, pagkatapos nating makapananghalian. After lunch din natin kikitain yung sis mo pati si Job sa UP. Matapos makapagsex sa Baguio sa huling pagkakatao’y naligo na tayo’t tinriple check ko na ang kuwarto bago iabot ang susi sa empleyado ng inn.

Naglakad na lamang tayo tungong SM at kumain sa unang restaurant na nakita. Italian. Siyempre lumasap ako ng Italian shit and stuff. Walang patumayaw naman ang soundtrip na Frozen sa may kalapit na store. Kinumpirma mo na rin ang oras ng pagkikita sa UP. Matapos nating ubusin ang ating lunch ay umakyat tayo ng isang floor para sa kaisa-isa yatang smoking area ng Baguio, sa mall pa. Siyempre joke lang.

Inayos ko pa yung sign post na nagsasabi kung sa’n lang dapat magmeeting yung mga yosi people kung sakali. Nakadikit lang nang sagaran sa pader at mangilang paso ng halaman at bench ang naghiwalay sa atin sa lipunang pinapatakbo ng mga turista at komersyalismo.

Nagkaubusan na ng sticks at pumasok na tayo sa loob ng mall para maghanap ng sim store. Sun Cellular yung unang nakita. Doon na agad tayo unang bumili at nacontact mo na agad yung magulang mo. Nakahinga ka na medyo nang maluwag at ako pa rin ang contact person nina Job at Pura.

Siyempre, tinanong ko na naman kung malapit lang ba rito yung UP at sinabi mong lalakarin lang naman natin. Ngayo’y aaminin kong medyo nakakasabik dahil parang ramdam kong handa na akong asarin yung school mo dati. Para rin akong kinakabahan kasi baka alam na ng mga kikitain natin na galing naman akong Diliman at kilatisin na nila kaaagad yung buong campus ko/natin base sa mga idudura kong palabas at ikikilos kong balahura. Pero hindi naman yata mangyayari yun kasi nga, pareho lang din namang UP.

Parang nung dumating ako sa Baguio, hindi ko mapigilan yung sarili kong isiping ibang tao yung mga nandito. Parang kapag inaasar kita ng QC moves, o ako naman, ng galawang Cavite. Sino ba naman tangang magpapakarehiyunal sa puntong ito.

Maliit lang yung entrance na pinasukan natin, tapos may guard (lol). Hindi naman niya na rin chineck kung may ID tayo maging ang ating mga bag ay hindi na siningitan pa ng kanyang mahiwagang patpat, kung meron man siya. Tinext ko na kaagad yung sis mo pati yung kaibigan mo na nakarating na tayo. Dumiretso tayo kaagad sa tambayan ng kapatiran ninyo.

Hindi rin nagtagal ay sumagot na si Job at binanggit na marami silang darating. Naghintay pa tayo ng ilang saglit at maya-maya na lamang ay may mga kumakaway na sa ‘di kalayuan at tinatawag ka. Nilapitan mo kaagad sila at iniwang muna akong panumandali sa benches ng tambayan ninyo. Kapuwa kayong mga nakangiti, nagbatian.

Sa ’yo lamang ako nakatingin, at paminsan-minsang sa basketball court. Iniisip ko kung may tumira na kaya ng bola pashoot sa ring mula rito sa aking kinatatambayan.

Bigla ko na lang napansing nilingon mo na akong muli sa wakas at pinalapit nang muli sa piling mo (nux). Agad naman akong sumunod at iniwan na muna ang ating mga bitbit. Pagsapit, isa-isa mo silang ipinakilala sa akin, assuming na matatandaan kong lahat. Joke lang. Siyempre hindi ko sila matatandaan lahat. Nginitian ko lang din sila sabay bitaw ng, “’Suppp.”

Kaway rin ang ilan pabalik, kaunti lang din ang ngumiti. Hindi naman ako naoffend kung lahat sila’y hindi matuwa sa akin. Napansin ko lang naman. At alam kong hindi ko kailangang pansinin. Pansin ko ring walang kuwenta ‘tong paragraph na ’to.

Ipinakilala mo akong karelasyon at tagapagpigil ng iyong pagwawalwal. Bigla mo rin namang binawi na umiinom ako habang nagtithesis. Ang mas malala pa, ipinamukha mo sa kanilang ipinanglaban for best thesis yung kagaguhan ko kahit na sobrang hiyang-hiya ako roon. Mukhang hindi rin naman matutuloy. Wala namang hard feelings sa adviser para sa false hopes. Okay lang din namang ikuwento nang pamayabang minsan. Pero sa mga kakilala ko lang.

Pinilit tayo ng ilan sa mga kaibigan mo na magstay pa hanggang Pasik. PASIK! Hahaha. Pah-seeekkk. Pahh-pahhh-siiicckkk! As usual, nagpakawala tayo ng tawang, “Wala na kaming pera.” Wala namang nag-alok na manlibre. Hindi ko naman tiningnang peke dahil wala rin naman silang mga trabaho. Joke lang, promise.

Mababait silang lahat, may bisita yata kasi siguro, although may inaasar kayong isang kabatch niyo na hindi ko masigurado kung tanga ba or gusto niyo lang tinitingnan siyang tanga. Nagkapalitan din ng mga salaysay sa kung sino na lang bang natirang tigang sa pagiging single.

Maya-maya’y meron nang tumatawag sa cellphone ko. Hinuha kong para sa ’yo dahil kasasaksak nga lang ng bagong sim card sa cellphone mo at meron pa tayong isang inaasahang tawag mula sa kakilala mo. Inaasahang luntian para sa lahat ng dagdag pang kaligayahan dahil nalalapit na rin ang mahabang pause.

Sinagot ko ang tawag, babae ang sumagot. Binanggit niyang nandun na siya malapit sa atin. Lumingat ako nang kaunti, sinilip ang kanang bahagi ng panig. May nakita akong babaeng may kausap din sa kanyang cellphone. Kinawayan ko, kumaway rin siya pabalik. Tinawag na kita at sinabing dumating na yung sis mo.

Nagpaalam ka nang sumandali sa iyong mga kabatch, saka tayo nagtungong muli sa tambayan bench ng kapatiran ninyo. Siyempre, kamay. Ipinakilala mo na rin ako, “’Suppp.” Hindi ko napansin kung iniabot niya na pero naisip ko namang madali mo ring isinilid sa iyong bag. Nagkamustahan lamang kayo nang saglit at umalis na rin siya. Dumaan din ang ilang saglit bago umalis at nagpaalam ang iba mo pang mga kaibigan. Tahimik nang muli tayong nakaupo sa bench na tila may hinihintay pa rin.

Kausap mo na ang isa mo pang sis sa cellphone na gusto ring makipagkita sa iyo ngunit binanggit niyang nasa klase pa siya at ang room kung saan siya matatagpuan ay wala kang ideya kung paanong tutunguhin. “Nakita mo ba? Ang dami, bruh.”

“Ang alin?” panguna kong pagtataka. “(Ahh) Yung luntian?”

“Oo. Ang dami niya, bro.”

“Gaano karami? Paanong marami?”

Sumenyas ka ng tila isang malaking tipak ng tae. Malapad na papel at medyo makapal. Napa-wow na lamang ako nang saglit, “Patungan mo ng mga gamit mo. Yung hindi makikita ng guard. Baka kasi magcheck sa Victory Liner mamaya. May hinihintay pa tayo?”

“Sige. Yung isa ko pang sis. Nasa klase pa raw siya eh.”

Gusto kong itanong kung anong oras tayo uuwi pero mukhang may gusto ka pang kitain. Ayoko muna kung sakaling mangill joy. “Gusto kong magyosi. Sa’n puwede magyosi?” Sinabi mong meron naman ngunit sa labas pa ng campus. Hindi naman ganoon kalayo ang ating nilakad. May ilang mga binabaang hagdan at dinaanang building. Dumating tayo sa isang gate/labasan ng UP. Nauna na akong nagsindi dahil nangangatal na ako. Nakadagdag pa siguro sa atat yung pagbabawal ng campus na magyosi sa loob.

Itinanong mo sa akin kung anong gusto kong regalo at kung paano mong maipapaabot ito sa akin. Sinabi ko namang baka magkita pa kaming muli ni Jose dahil pinapupunta pa niya ako sa Bulakan para sa isang tugtugan nilang magpipinsan. Sinabi ko ring mukha namang puwede kitang isama roon.
Kung sakali namang hindi mangyari lahat ng nais na magkataon, sinabi kong maaari naman tayong magkita sa UP na lamang at iabot sa akin lahat ng regalong gusto mong ibigay.

Matapos makapaghuling buga, iginala mo na lamang muna ako sa mga lugar na pamilyar ka sa loob ng campus. Ginusto ko rin kasing malaman kung saan ba banda yung college mo. Inisip kong hindi rin naman tayo mapapagod masyado sa paglalakad dahil maginaw pa rin naman ang simoy at maliit lang naman talaga yung campus. Ipinakita mo kung saan ka madalas magyosi at kung saan din may madalas naniningkit na ang mga mata kakahithit ng luntian.

Nauhaw na rin ako sa wakas at tinanong ko kung saan merong mabibilhan ng inumin. Dinala mo naman ako sa tila cafeteria na gusali sa campus at bumili ako ng isang maliit na bote ng coke. Pagbalik natin sa bench ninyo ay naramdaman kong mukhang may hinihintay ka pa rin kung kaya’t naglabas na ako ng isang garapon ng lenguang binili ko kanina. Hindi naman ako natakam masyado ngunit unti-unti ko ring inubos.

“Anong oras tayo aalis?”

Hindi ka pa sigurado kung sasagot ka, ngunit panay pa rin ang check mo sa iyong cellphone. “Gusto mo na bang umalis?”

“Okay lang naman. Saan na ba yung sis mo?”

“Nasa klase pa yata eh.”

Inilabas ko na lamang ang laptop ko at sinubukang maglaro nang hindi mainip. Nang mainip na ako sa paglalaro ay nagbukas na ako ng isang episode ng Adventure Time. Hindi rin naman ako nakatapos ng isang palabas dahil madali pa rin akong mainip dahil wala naman talaga ako sa mood na gamitin ang laptop ko. Pero okay lang, hindi naman ako nagmamadali ni galit sa ’yo. Kailangan ko lang talaga siguro ng may ginagawa dahil kanina pa hindi gumagana yung utak ko.

Sa gitna ng aking panonood ay may dumating kang isang kaibigan mula sa isang pulang org na sinalihan mo. Ipinakilala mo rin siya kaagad sa akin at madaling ko naman siyang binagsakan ng isang malupit na sssuupppp. Dumaan din nang saglit si Aine ngunit hindi na natin nakausap dahil sobrang late na raw siya sa kanyang exam. Minabuti nating lumipat doon sa tambayan ng org na binanggit at nakipag-usap din naman tayo, nakipagkilala. May mangilan-ngilang maiingay at madadaldal ngunit okay lang naman kasi at least, may nangyayari nang bago sa paningin ko.

Mangyayari kaya iyon? Hindi naman siguro. Sobrang taas ng tsansang hindi mangyari ‘yon kasi mataas ang tsansang sigurista ako kahit lasing o sabog, o kahit inaantok man lang. Ito na siguro yung kanina pang bumabagabag sa loob ko kung kaya’t hindi na rin ako mapakali masyado. Hindi ko naman maaaring itanong nang harapan sa ’yo kung kaya’t dinukot kong muli ang aking cellphone nang maisulat ang aking tanong.

Nakagagaan sa pakiramdam ang kalmado mong kalagayan. Parang wala naman talagang problema kahit na sinubukan nating manigurado. Ikaw lang madalas ang nagpapakalma sa akin, kahit simpleng mga salita mo lang. Kahit ngitian mo lang ako na nagsasabing okay naman talaga ang lahat.

Paunti-unti kong muling pinapanatag ang aking kalooban habang humihingi sa iyo ng lakas. Ngumiti kang sansaglit muli sa akin at feeling ko iniimagine ko na lang ang eksenang ito. Nakapagdesisyon ka na rin sa wakas na hindi na natin mahihintay pa sina Aine at yung isa mo pang sis at nagpaalam na tayo sa org tambayan mo dati matapos makapagyabang na may isa ka pang org na kahawig sa Diliman.

Hindi naman sa nagmamadali pero agad din tayong nakabalik sa terminal ng Victory Liner. Bago makapasok e may guard na nakaantabay sa entrance. Naalala ko yung luntian na isinilid mo sa bag kanina. Sana naman e naitetris mo nang maayos sa bag mo ang pagkakakubli.

Una kang nakapasok. Hindi ko alam kung paano kang nakalusot. Nakalampas din ako sa guard nang maraos. Mabuti na lamang at walang pila at nagfeeling dire-diretso lang tayo sa balakid. Sinabi mo rin sa akin na buti na lang at kinausap ka ng isa pang guard at hindi na nabusisi ng guard na nagchecheck yung bag mo.

Agad na rin tayong pinasakay sa bus ng konduktor. Ang akala ko’y bibili pa tayo ng ticket sa ibang bintana para mas hassle pero hindi na. Pagkaupo sa bus, nagkanya-kanya munang laglagan ng puwet at suot ng mas mahahabang manggas.

Ginusto mong manood sa laptop ko ng kung anong series. Pumayag naman ako at inilabas na kaagad ang aking laptop. Pumili ng animé tungkol sa malungkot na nakaraan. Sinabi kong hindi ko pa napapanood yung series ngunit sa katunaya’y hindi ko lang talaga maalala kung anong nangyari sa palabas na iyon, kaya siguro iyon ang pinili ko. Marami-raming animé na rin ang gusto kong panooring muli ngunit nakakaiyak yung pinili ko. Ang naaalala ko lang, umiyak ako sa may bandang dulo, at sa isang episode lang yata. Gusto ko lang yatang maramdaman yun ulit. Pero hindi ko inasahang magiging sinlambot mo ako.

Hindi rin masyadong nagtagal at sakto pa rin talaga sa schedule ang bus ng Victory Liner. Sa wakas, kinamusta kong saglit sa aking isip kung anu-ano nga bang nangyaring signipikante sa Baguio. Ngayon lang din na sobrang obvious na ng pamamaalam natin sa lugar. Dapat talaga, sinulat ko lahat, nandirito naman at dala ko ang aking laptop, hindi naman masamang magnote nang madalian para sa mas mabibilis na pag-alala. Ang inisip ko na lang, nandun nga ang lahat ng pagkakataong makatulong nang sandali sa pagsusulat pero wala rin naman yun sa lahat ng pagkakataong mas makakatabi pa kita. Ayoko rin namang magtrabaho nang may gising na taong malapit sa akin o malapit sa ’yo. Minsan nakakahiya, minsan, ayokong isipin mong wala akong oras para sa ’yo. Alam kong maiintindihan mo naman lahat ng ginagawa ko pero hindi ko rin naman kakayaning sayangin lang din yung pinunta natin dito. Bahala na si future Mart. (Putang ina mo, past Mart.)

Nabalikan na rin sa wakas ang paliku-likong daan, pauwi naman ngayon, at mismong saktong palubog na ang araw. Nang makailang liko pa’t hikab ng araw, papalapit na rin ang nagbibigay ng ticket at pinause ko na muna yung pinanonood natin, at dinukot ang wallet mula sa bag. Kinuha mo na rin ang wallet mo. Binanggit ko na ring ihanda na ang ID na hindi ko alam kung bakit ko pa pinaalala e nakailang uwi ka naman na sa rutang ito.

Muli, hindi na naman tinanggap ng konduktor ng bus yung alok nating makahingi ng student discount mula sa ID mo kahit na mas mukha kang bata sa akin. Sinabi ko kaagad na hindi ka pa kasi bayad sa tuition pero enrolled ka naman ngayong sem. Inulit mo lang yung sinabi ko at milagrong naniwala na si Kuya Konduktor at binigyan ka na rin sa wakas ng discount. Sana ginawa na rin natin yun sa Cubao pa lamang. Kaso mukhang hindi rin gagana dahil mukhang mas hassle yung puwestuhan kapag nakatayo kaysa sa nakaupong may aircon.

Pinindot nang muli ang pinanonood na series sa at pinagmasdan kita nang makailang saglit kung nakatulog ka na ba dahil mabilis at matagal kang nanahimik. Maya’t maya nama’y may mga tanong ka na ayaw ko namang sagutin at nagkunwari pa rin akong hindi ko pa talaga nga napapanood ang palabas. Inilabas mo na rin si Janine para tayo naman ang panoorin.

Malayo na sa kulay ng mga ulap ang bakas ng araw. Palayo na rin ang mga alaalang nabuo sa init at ginaw. Miss na rin ng baga kong magyosi. Mabuti na lamang at nagmabagal nang muli ang bus at madali akong nakaamoy ng stop over. Matapos makawiwi, tinanong kita kung may pera ka dahil nagugutom na ako at tinatamad ako/ayaw kong bumalik sa bus para kumuha ng pera. Tsaka mas convenient na bayaran na lang kita agad mamaya sa utang ko. Pumasok na tayo sa isang mini grocery store. Tinitigan ko for 20 seconds yung Pringles bago ako kumuha ng isang plastic ng fish crackers. Madaling pumunta sa counter at pinambayad ang 100 pesos mo, kasabay na rin ang isang bote ng Gatorade.

Play. Binuksan ko na agad yung fish crackers at mabilis na inubos. Nakailang episode na rin tayo ng Ano Hana. Nakahingi ka naman ng ilang lutong at mukhang busog pa si Janine. Solb na siguro siya, kakapakyu sa ’yo. Dumaan ang ilang oras at sinabi mo sa aking susubukan mo na sa susunod na bus stop. Gusto ko sanang ipause lahat ng bagay para lang makapagconcentrate ako sa mga hindi ko naman makokontrol na reaksyon kapag nagkataon. Pagbaba ng bus, dumiretso na kaagad ako sa yosi place at ikaw naman, sa banyo. Bawat paghithit at buga’y tinalo pa ang bawat hiblang bumubura sa relong binubullshit lang ako. Agad-agad kong naubos ang stick kaya’t sinubukan ko na lamang aliwin ang aking sarili sa mga taong nakapaligid. May mangilang nag-uusap na gusto kong pakinggan, mabaling lamang ang atensyon ko. Pero wala pa rin. Panay pa rin ang silip ko sa direksyon mo.

At sumulpot ka nang bigla. Nagsisulputan din lahat ng daga, ipis, punyeta, leche, tang ina, sa dibdib ko. Papalapit ka nang papalapit ng lakad sa akin habang papalayo naman nang papalayo lahat ng iniisip ko. Sumakto ka na sa harap ko. Ginusto kong magsinding muli pero naunahan mo ako. Hithit.

“Hindi ako makaihi,” buga.

Buga.

Hindi ko alam kung gusto kong tumawa o ngumiti. Hindi ko rin alam kung malulungkot ako.

“Mamaya na lang ulit.”

“Sige.”

Inubos mo na ang yosi mo at sumakay nang muli tayo sa bus. Bigla na lamang akong ninotify ng laptop na malapit na raw siyang himatayin kaya isinara ko na. Hindi ka naman nagreklamo. Wala nang pagkain. Wala na ring Gatorade. Wala pa ako sa mood para sa lengua na naman. Ibinalik ko na ang laptop sa bag at isinandal na ang aking likod, hindi ka naman nagreklamo. Pumikit ako. Wala pa rin. Sinubukan ko nang humimlay.

Ang alam ko, ramdam ko pa rin ang lambot ng kinauupuan ko, maging pagkumot ng aking jacket. Alam kong marami na ring ilaw sa labas, at maraming pasaherong pagod, katulad natin. Ramdam pa rin ang mga nakakalusot na ginaw sa ating may saplot pang mga katawan. Pero wala pa muna ako sa mood bumangon. May mga ilang pagsilip ako, pero tungo lamang sa ’yo at sa mga magkabilang bintana, sabay pipikit din kaagad. Minsan, naaabutan kong tulog ka. Minsan, nakatingin sa akin. Minsan naman, nakatingin sa akin at nagsasalita, pero wala akong nauunawaan. May isang beses na nalingat na talaga ako dahil narinig kong muli ang iyong boses, at mukhang may tinuturo ka sa bintana. Binuksan ko pa ang kurtina at tinanong kung ano ba yung tinuturo mo. Sumagot ka pero hindi ko pa rin naintindihan. Tinanong ko ulit. Inulit mo naman ang iyong sinabi. Pero wala pa rin talaga. Umarte na lamang ako na naintindihan ko at tumingin nang matagal sa bintana. Sumandal at pumikit na akong muli pagkatapos.

Nalalabi na rin ang antok ko, masakit na ang aking puwetan. Chineck ko na ang aking relo, malapit na yata tayong bumaba kahit na hindi ko pa rin nakikilala yung dinaraanan natin. Nabawasan nang kaunti ang pagkaatat nang tumigil muli ang bus at napansin kong nakapila na tayo sa toll gate. Umidlip ako nang ilang saglit, at namataang nasa Quezon City na tayo ulit sa pagsuko ko na talagang matulog. Sumilip-silip ka na rin sa bintana, may paakmang nais na bumaba. Nang mamataan ang SM North, niyaya mo na ako.

Tinanong ko kung nasa bag mo na ulit si Janine. Umoo ka naman. Tinanong ko rin kung sigurado ka bang bababa na tayo. Oo ulit. Hindi ko naman na kinuwestiyon pa dahil parang natatae na ulit ako at nginatal kong magyosi. Pagbaba natin ay kita sa malayo ang pasarado nang mga mall. Nagsindi na ako kaagad.

“Kain muna tayo.”

“Sa’n?”

“Kahit saan. Uhm, Philcoa?”

“Sige, Philcoa,” ang alam ko, 24 hours naman yung Mcdo run. Tsaka malapit na rin naman ang Yuj Inn. Matapos kong makapagyosi at matantyang mukhang bubulwak na talaga yung bituka ko, agad akong pumara ng taxi dahil wala na ako sa mood pang maghanap ng masasakyan ng jeep. Mabilis naman yung biyahe, tulog na rin siguro yung mga tao. Sinilip ko yung itaas na palapag nang makababa mula sa taxi.

“May KFC nga pala rito. KFC na lang?”

“Uhh, sure.”

Agad na akong nakapili ng order. Sinabi mo na rin ang iyo. Naghanap ka na ng mauupuan. Matapos makapagbayad at iabot sa’kin ni Ate Kahera yung dinner natin e hinanap na kaagad kita. Nakapili ka naman nang maayus-ayos na upuan, malambot. Medyo magkagalit sa simula dahil gutom na siguro tayong pareho. Maya-maya’y may mga naoverhear akong estudyante mula sa FEU na pinag-uusapan ang kanilang mga grade. Sabi ko sa sarili ko, psh. Sabay, psh, yabang mo naman, Mart.

‘Di nagtagal at nagsalita ka na rin sa wakas para magkuwento. Nagkalaman na siguro yung tiyan mo o maaari ring inaayos mo lang kanina kung paano kang magsisimula. Nagsalaysay ka lang naman kung paanong kakaibang magalit at mag-utos yung papa mo sa inyo. Yung tipong ipapamukha pa sa inyo kung paano niya kayong tinitingnan bilang isang indibidwal at kung gaano nga ba kataas ang gusto/inaasahan niya sa inyo kahit na lakas makabaliktad ng datingan.

Ang lakas ng tawa mo. Hindi ko naman kayang maimagine kung paano nga ba yung itsura ni Ivan nung tapos nang ipaliwanag sa kanya ng papa mo kung paano bang puntiryahin ang kamatis. Okay lang. Okay na ako sa legit mong mga tawa at ngiti. Hindi ako sigurado kung kailangan mo ako sa mga ganoong pagpapakilala ng sarili, pero masaya akong isa ako sa mga taong napili mo para maging kausap, at katawanan. Maski umabot tayo sa simpleng mga usapang kamatis na ‘yan, walang pag-aatubiling ikinukuwento mo sa akin. Siguro alam mo kasing makikinig ako, dahil mahal kita. O kaya’y mahal mo ako’t magaan ang pakiramdam mo sa akin.

Bumigat nang todo yung tiyan ko pagkainom ng softdrink. Matapos ang huling subo, mukhang handa na tayong muli sa panibago. Lumabas na tayo ng KFC, maliwanag pa rin ang buwan. May ilan pang mga tao sa labas, ngunit karamiha’y nagtitinda na lamang at naghahanap ng maghahatid/masasakyan. Nilakad na natin tungong sakayan ng tricycle, kaunting lampas lamang mula sa nadaanang Mini Stop, “Holy Family po.”

Nakababa’t muling nagyosi. Isinara ko na muna ang cellphone ko dahil may iniwang text sa akin ang nanay ko na kinabukasan ko na lamang napagdesisyunang sagutin. Pagdating sa reception, usual na bagsakan at galawan, at bullshit na ngitian pa rin. Parating tunay na pangalan ang inilalagay ko roon dahil doon at doon lang din naman tayo nagbabalik. Baka rin kasi ireport pa ’ko sa kung saan kung ibang pangalan na lamang ang ilagay ko sa bawat panulit ng 600.

Iniabot na sa akin ni Kuya Yuj yung susi pagkapasok natin ng kuwarto. Isinet up ko na kaagad yung laptop at humiga sa kama. Lumabas ka munang saglit para umihi na talaga. Talagang-talaga na ’to. Napansin kong inubos mo talaga yung inumin mo matapos nating maghapunan kung kaya’t ipinatong ko na lamang sa aking mukha yung kung anong nahugot ko sa ating kama. Medyo matagal. Oo nga pala, siguro’y hindi lang naman pagwiwi ang kasama sa proseso. Diniinan ko ang pagkapit sa rilim at muling binalikan lahat ng ating pag-eskapo. Wala naman talaga akong ginawang sablay/mali kaya imposible talaga. Tanggap naman nating dalawa na irreg ka at unti-unting napakalma kong muli ang aking sarili at tinanggap ang mga pinakalohikal na rason.

Narinig ko na ang pinto. Umakma akong tulog sa pagod. Tumabi ka naman sa akin. Palaki na nang palaki ang tanda sa akin. Bumigat lalo yung kumot sa aking ulo. Hindi ko na rin napigilan. Niyakap muna kita, hinalikan, saka ako bumangon. Tumingin ako sa lamesa, nagkunwaring walang nakitang bago. Tinype ko na ang password sa laptop. Sumunod ka na sa pagbangon. Ipinaliwanag mo sa akin ang bago.

Nawala lahat ng punyetang buwaka sa dibdib.

Inasar mo pa ako nang saglit bago magrequest na tapusin na natin ang palabas na sinimulan sa bus. Mabuti’t naalala ko maski papa’no kung anong episode na nga ba tayo.

“Inom pa ba tayo?”

“Ikaw.”

Tinatamad lahat bumaba at bumili sa Mini Stop.

“Luntian na lang.”

“Uhh, yeah sure.”

Ikaw na lang din ang nagload. Apat na stick, habang nanonood ng Ano Hana. Naging ano nahang nahangyayari matapos ang isang episode at tigdalawang stick na bugahan ng luntian. Napaiyak pa rin ako sa may bandang dulo nang magpakita ang kapatid ng isa sa mga pangunahing tauhan. Hindi ko na chineck kung tinawanan mo ba ako or nakyutan ka lang sa akin. O hindi mo napansin. O wala ka na ring pakialam sa mundo, over all.

Humiga ka na sa aking kanlungan. At dahan-dahan kong minasahe ang iyong ulo at ilong. Panay ang singhot mo sa lahat ng pahina at yosing nagdaan, at ngayon lang ulit ako nagkaroon ng pagkakataong pagaanin kahit saglit ang iyong pakiramdam. Gusto ko rin sanang magpasalamat sa lahat ng effort mo sa lahat ng araw ng pananatili natin sa Baguio. Sa mga kinainan natin, ininuman, pinuntahan. Sa lahat ng mga ipinakita mo, ipinakilala. Sa lahat ng pag-aalala, pag-aalaga. Sa lahat ng bawat hiblang hindi mo pinalampas para ipadama sa akin kung gaano mo ako kamahal. Salamat sa lahat. Salamat. I love you. I love you so much.

Tinapos ko na ang pagmasahe sa iyong noo. Lumipat ang aking kamay sa iyong dibdib. Kumapa, humimas, pumabilog. Naramdaman kong muli ang kinasasabikan kong paulit-ulit. Ang iyong paghinga sa ganitong mga pagkakataon. Umungol kang malumanay at hinalikan ko ang iyong kaliwang tenga. Matapos ay ipinasok ko ang aking dila, sinusuyod ang bawat kurba at lalim ng loob. Lalong tumitindi ang iyong paghinga. Sumasabay sa bawat lamsik ng laway ko sa tenga mo’t pandiril sa iyong dibdib.

Kumukulo na ang bawat sulok ng iyong katawan habang hinihila ka pa rin pabalik ng magkahalong antok, luntian, at ligalig sa kama. Unti-unti akong bumaba sa iyong pundya at hinalikan muna siya. At isa pa. Sa ikatlo’y naramdaman na ng mga labi ko ang basa kung kaya’t unti-unti ko nang ibinaba ang iyong takip.

March 12, 2017

100 Cigarettes - V

V

“Babe?” bati mo sa akin.

“Hm,” sagot ng aking pikit pang mga mata. “Sa’n tayo magdidinner?” kahit na wala pa rin akong ideya at ikaw pa rin ang bahala. Kahit na wala akong inasahang maiintindihang sagot. Pagbangon. Naglakad tayo ng ilan at tinanong mo ako kung saan ko gustong uminom. Mayroon akong dalawang pinagpilian kahit na hindi ko alam ang mga ito. Pumili ako ng isa’t sinabi mong huminto muna tayo para magyosi. Hiniram mo ang cellphone ko nang makapagtanong kay Yina dahil hindi mo pa rin pala ganoong naaalala ang ating pupuntahan.

Habang naghihintay ng sagot, ikinuwento mo sa aking binabasa mo na ang librong iniregalo ko sa ’yo bilang pamasko. Inilarawan mo kung paanong naiiba-iba ang author sa bawat form ng literature ang tinatahak niya. Hindi rin nagtagal at dumating na ang sagot ni Yina’t sumakay na tayo ng taxi.

Sarado ang bar na pupuntahan dapat natin para sa dinner + inom. Hindi ka naman nawalan ng pag-asa’t naglakad-lakad pa rin tayo dahil marami naman tayong nadaanang mga kainan. Nakahanap din tayo sa wakas ngunit mukhang walang alkohol sa loob. At kung sakaling meron, mukhang mamahalin.

May nag-abot sa atin ng dalawang magkaibang menu mula sa dalawang magkaibang kainan. Nang makapili with no hard feelings towards the other, sinundan na natin yung waitress sa loob. Okay naman yung interior, mukhang mas maganda rito tuwing gabi at nakatsamba tayo. Napansin kong may hagdan paakyat.

“Ate, puwede po ba sa taas?”

“Yes, Sir,” sabay sunod sa kanya. Bumati ang isang floor ng hindi ganoong kaluwag sa baba ngunit hindi naman masikip. May iilang mga mesang may mga nakapatong na kandila. Dumiretso ako ng upo sa mesang may upuang malambot. Inabot na ni Ate yung menu at nakaorder na tayo ng dalawang mamahalin.

“Sa’n tayo iinom,” ngayon? Aking pag-aalala sa plano.

“Baka sa Red Lion na lang, baby,” kung sa’n man yun.

“Okay.”

Sinindihan ko ang mga kandila natin sa mesa para medyo sweet unte. Nagsindi na rin ako ng yosi kasi adik ako sa nikotina. Matapos ang unang hithit ay nagbalik ako sa pagmamasid ng lugar. Maginaw pa rin. Tamang sakto ang bawat puwesto ng hindi ganoong kaliwanag na mga bumbilya. Sa bandang hagdana’y may isang shelf ng mga libro, puno ng Reader’s Digests na pinaglumaan at ilan pang mga libro. May kinuha kang isang makapal at mabigat na aklat, at bumalik na sa ating mesa.

Dinukot ko ang aking phone at nagbakasakaling kunan ka habang nagbabasa. E punyeta yung labo ng Blackberry.

“May battery ka pa?”

“Yes, baby. Bakit?”

“Pahiram phone,” pipiktyuran kita. Ang ganda mo eh. Kahit saan naman. Araw-araw akong naiinlove sa ’yo. Kahit anong liwanag pa ‘yan. Pagtanda natin, ikaw pa rin ang pinakamaganda sa lahat. Kukunan ko lang ‘tong moment na ’to nang maalala ko siguro kung gaano ako kasuwerte sa ilan mo pang mga katangiang hinding-hindi ko ipagpapalit at ipapahiram kahit na kanino. Atin lang yung mesang ito. Atin lang yung mga kandila. Ang sarap mong magpakawala ng ngiti, na kaysarap ipagdamutan sa lahat. Atin lang lahat. Kukunan ko lang. Akin ka lang.

Napansin mong kinukunan kita kaya sinabi kong kukunan kita ng picture. Medyo nahiya ka’t kinapalan ang mukha nang kaunti nang hindi harangan ng sariling palad ang lens ng iyong camera ngunit wala pa rin sa mood tumingin. Inaachieve mo yatang magkaroon ng candid pic, kung saan ka sanay. Alam mo namang mas sanay ako sa nakangiti mong mga labi sa tuwing nakikita mo ako.

May ilan akong nakuha ngunit medyo punyeta rin ang lens ng Samsung. Hindi ko alam kung bakit hindi siya makapagfocus nang maayos. Hindi ka na nakapagpigil at lumapit ka na sa akin, at nagmungkahi ng selfie. Nabigla ako ngunit pumayag naman.

Ayaw mo naman ngayong ngumiti habang nakatingin sa camera.

“Magsmile ka kaya.”

“Ehh.”

“Ano ba, uhm. Sige. Ganito. Imaginine mo na lang. Isipin mo yung ngiti mo kapag nakikita mo ako.” Napangiti ka, ngumiti na rin ako. Kinuha ko kaagad yung picture. Medyo okay naman. Parang first time kong nakakita na nakangiti ka habang nakatingin sa camera. Tapos kasama mo pa ako. Kaso hindi ko alam kung napilitan ka lang o hindi mo pa rin alam kung gaano ka kaganda sa harap ng lens.
Dumating na ang ating mga order habang kumukuha pa tayo ng ilan pang mga selfie. Pagbalik mo sa puwesto mo’y ako naman ang iyong kinuhanan ng ilang mga larawan. Siyempre ako yung nagfeeling na maganda para magpose. Masaya ka naman.

Nakapagreklamo ka pa sa cellphone mong hindi napapasukan ng load. Nakapagpaload na tayo kay Wame at kay Miguel ngunit mukhang walang tumatalab. Nag-aalala ka na tuloy kung paano kang makakalusot muli sa iyong papa. Nakikitext ka na lamang sa akin simula noon at nag-isip ng kung anong plano. Umabot na sa puntong naubos na ang ating pagkai’t nakapagyosi na tayo.

Paglabas ng kaina’y tinanong kita kung magtataxi pa ba tayo. Sinabi mong malapit lang yung Red Lion. Umokay naman ako. Mahaba-haba ang ating nilakad.

“Dito ako naglalakad dati kapag gabi,” na nagpapanatag naman sa loob kong hindi tayo naliligaw.

“Mag-isa lang? Buti hindi ka nirape.”

“’De, baby. Nililigaw talaga kita. Iiwan kita rito.”

“Okay lang,” sabay tawa mo. “Marami namang taxi eh.”

“Dinaanan ba ng taxi ‘to kanina?” pagpasok natin sa daang may building na may nakasabit na malalaking parol.

Putang ina. Haha. Gusto ko nang tumawa at nagpipigil na akong pumiglas ng halakhak nang sandaling ito, “Naliligaw na tayo ‘no? Magtataxi na ba?”

Hindi ka pumayag sumakay ng taxi. Mukhang malakas pa rin yung kutob mo na malapit pa rin tayo kahit kanina pa tayo naglalakad. Sinabi kong wala akong matandaang nadaanang ganito kaya lumipat tayo sa isang kalsada. Nakalipas pa ang ilang minutong pawalang-pag-asa at naramdaman kong naramdaman mong malapit na tayo. Maya-maya pa’y tinuro mo na ang Red Lion.

Sa bungad ng pagpasok ay may bumati sa ating matanda na okay naman yung boses kaya pumayag akong sundan natin. Ipinakilala niya ang ilang mga option na maaari nating iavail ngunit pinili ko na lamang kaagad yung isang puwesto sa may 2nd floor na kita yung kalsada kapag sumilip mula sa itaas. Sumunod ka naman at umokay yung matanda.

Mayroong isang malaking bonfire na pagkainit ngunit humihikayat na lapitan dahil sa ihip ng kabundukan. May mga, excuse me, N-word people ding may dalawang, hindi ko alam, “kaibigang babae” na kasama. Marami-rami sila’t may kanya-kanyang bong na sinisinghot/hinihigop. Nainggit ako sa kasiyahan nila’t ginusto ko nang lagyan ang kalam ng alkohol. Umorder na tayo ng tig-isang beer kaso putang ina, mahal ang isang kaha ng yosi at paubos na yung binili ko sa terminal sa Cubao. Nagdagdag ka ng isang shot ng bourbon.

Matapos makapagcheers ay nagtig-isang sindi na tayo mula sa karampot na kaha. Bawat hithit ay kinaluguran dahil nagtitipid tayo’t nasa matarik tayong puwesto. Album cover nang muli.

Nakarinig na ako maya-maya ng nagtotono ng drums at electric guitar sa mas mataas pang tuktok, “Good evening.” Uy, nice. May banda. Nakapagsound check sila nang mangilang minuto’t tumugtog na.

“Reggae. Bob Marley. No Woman No Cry?”

“’Di ba iisa lang naman lahat ng reggae na kanta,” tulad ng makailang ulit mo nang pagbibiro nito sa akin pagkatapos ngumiti. Ngunit nagbanggit ka sa ngayon ng ilang artists na legit tumugtog. Bawat matapos at simulang tugtog ng banda’y humihiyaw at pumapalakpak ako. Nakakairita minsan kapag nakikigaya/sumusunod sa galaw yung nigger boyz. Paubos na ang aking bote. Lasing na yata ako.

“Isa ka pa?”

“Hindi na.”

“Isa pa ’ko.”

“Tsaka order mo ako ng isang coke, baby.” Chineck ko yung menu.

“Coke Zero lang meron. Puwede na yun?”

“Yeah, sure.”

Dumating na ang ikalawang bote ko. Nagbuhos ka naman ng coke sa shot mo ng bourbon. Napansin mong pinansin ko nung nilagay mo ito. Ngayong nakuha mo na nang solong muli ang aking atensyon, “Ito yung unang cocktail na pinainom sa’kin ng sis ko. Tikman mo dali.” Sabay tikim naman ako. Isinalaysay mong ito na raw yung baka sakaling iinumin mo kapag namumroblema ka. Masarap naman. Ramdam mo yung pag-alala mo sa nakaraan nang matikmang muli yung mix. “Pagkatapos natin dito, punta tayong Session Road. Dun na lang tayo magkape at magsober up,” and yes, before magsex.

“Malayo ba yun dito?” as usual, lagi kong concern.

“Magtataxi tayo, baby.” Yuss!

“Bottoms up?”

“Uh, yeah, sure.”

“Hindi ibababa ah,” lul mo, Mart. Kininam kaya nga bottoms up eh.

Kumatok na sa kahoy na mesa natin ang bote ko’t iyong baso. Agad naman tayong nakasakay ng taxi sa paglabas dahil hindi ka na kinocontact ng papa mo. Gusto ko na ring etsapuwerahin yung naghit on sa ’yo na lalaki nung umakyat ka pa para sa huling pag-CR kaya sinabi kong nakasakay tayo nang agaran. Sa dinami-dami ng dapat kong alalahaning linya, yung mga nakakaasar pa. Pansin ko/mo na ring kumakaunti yung direct quotations sa prokeytong ito. Kung hindi nababawasan, puro bullshit na improvisation na lang yung nagagawa ko. Hindi ko naman makakalimutan yung mga tono ng convos natin. Sana lang hindi ako maprocrastinate sa ganitong mga pseudo-important na gawaing hilaw nang sinimulan at matatapos nang hilaw pa rin.

Ikaw pa rin naman ang masusunod kaya kinausap mo na ang taxi driver kung saan tayo bababa. Medyo tipsy na ako kaya kinausap ko nang thug life yung driver. Okay naman siya’t mabait. At mukhang kabisado niya yung dadaanan. Napag-alaman din nating marami siyang salitang kayang bigkasin, kahit na ako lang yata yung may pakialam doon.

Pagbaba sa Session Road ay bumigla sa akin ang isang malawak na kalsadang sarado. Isinara dahil may mga magbebenta. Marami sila. Samu’t sari.

“Mahaba siya, baby. Hanggang dun sa dulo,” sabay tumuro ka sa malayong kabila ng daan. Inilahad mong mas mura ang mga binebenta rito kaysa sa ibaba. Binullshit naman kita na mali ‘yon gamit ang magiconomics na alam ko. Then, boom! Siyempre, bullshit lang yun. Inexplain mo sa’kin kung paanong muli akong tangang mag-isip.

“Kailangan ko nang matuto ng sleight of hand.” Parang ang dali kasing magnakaw sa ganitong lugar at oras. Mukhang inaantok pa yung mga tindero/a dahil gabing-gabi na. Kung sakaling papalag pa yung antok nila’y aasa na lang ako sa siksikang mga mamimili rin. O alam din nilang puwede ring magpuslit palabas.

Sa paglalakad sa kahabaan ng sikip, may nakita akong isang babae sa malayo. Kamukha siya ni Anin, sabi ko sa aking sarili. Papalapit na tayo nang papalapit sa kanya kung kaya’t, “Tabilin,” bulong ko nang may hirit na maririnig niya ako. Naghintay muna ako nang ilang segundong paglampas sa kanya at ng kasama niya bago ako lumingon.

Nagkatitigan kami nang ilang sandali’t nagkaroon na ng kasiguraduhan upang kumaway.

“Wazzzuuuuppp!” lasing kong bungad. “Si Anin pala, pinsan ko,” pakilala ko sa ’yo. “Danielle, girlfriend ko. Danielle, Anin. Anin, Danielle.”

“Hello!” bati niya sa atin. Nagkawayan sa huling pagkakatao’t bumalik na tayo sa paglalakad.

“Hindi ko alam kung naikuwento ko na sa iyo yun. Siya yung pinsan kong naging kaklase ko sa Math. Janine din yung pangalan nun. Nickname niya yung Anin,” duh.

“Nakuwento mo na, baby.”

Pero parang may nakalimutan yata akong gawin. Hinila kitang pabalik at hinanap kung maabutan pa yung pinsan ko.

“Bakit?”

“Wait lang.”

Naabutan naman natin siya. “Anin!” sabay lingon. “Can you not tell anyone about this?”

“Actually, ako rin sana. Haha.”

“Hahaha. Sige sige. Don’t fucking tell anyone, okay.”

“Sige sige!”

“Thank you!”

“Salamat! Sige!” huling kaway na talaga. Nakahinga na ako nang maluwag ulit. Pagdating natin sa dulo ng hanay ng mga tindaha’y sinubukan kong maghanap ng bangketang mabibilhan ng yosi. Sa ‘di kalayua’y may nakita akong gasolinahan. Inassume kong may available na convenience store na malapit doon o doon mismo sa gasolinahan dahil Baguio ito at gasolinahan iyon at gusto ko na talagang magyosi.

Nakasuwerte dahil meron pero genius talaga ako, isip-isip ko, nang matupad ang assumption. Bumili ako ng isang kaha ng Ice Blast ngunit hindi naatat na sindihan dahil nga, nasa gasolinahan pa tayo.

“Nagugutom ako,” hindi nakakapanibagong marinig mo mula sa akin. Napagdesisyunan kong kumain na lang dun sa tusok-tusok na tinda sa bungad ng Session Road. “Kumakain ka naman ng street food, ‘di ba?” asar na anyaya ko sa ’yo.

Sumama ka naman. Muntik na talaga tayong umabot agad dun sa bilihan ng mga pagkain nang makakita ako ng mga tinitindang stuffed toy sa kabilang side ng Road na hindi natin dinaanan. May ilan akong pinet na malalambot at napansin kong may keychain din silang binebenta, “Ate? Ate. May bibe kayo?”

“Ano yun?” Huh?"

“Bibe po. Duck. Bibe.” Wala na akong pakialam at energy mag-explain at describe. Chineck ko na lamang yung pile. Meron nga. Pero mukhang platypus. Hindi ko naman sinabi agad sa ’yo. “Gusto mo?” Hindi ko na rin hinintay yung sagot mo dahil mukhang nakyutan ka agad sa kanya.

Dala-dala mo yung keychain. Mukha namang gustung-gusto mo siya. Ipinasok mo na muna ito sa iyong bag saka tayo bumili ng crispy bituka ng manok. Nakipagkulitan pang sumandali yung amats ko. Binudburan ko ng suka yung cup ng cholesterol. Kumain ka naman ng ilan.

“Sa’n tayo magkakape?” wala ulit ako pakialam at ideya sa Baguio. Pero mukhang sigurado ka naman na sa pupuntahan dahil mukhang madalas ka sa Session Road dahil ikinuwento mo sa aking dito ka bumibili ng ilan sa mga murang damit mo at medyas.

Tawid. Akyat, baba. Kaso badtrip dahil sarado pa rin yung gusto mong puntahan. Hindi naman ako nawalan ng pag-asa at nagmasid pa nang kaunti. May nakita akong isang café na isang tawiran lamang ang pagit mula sa atin. Niyaya na kita roon at pumayag ka naman. Pagpasok nati’y sinabi ng waitress na malapit na silang magsara ngunit pasalamat natin dahil pinaunlakan pa rin tayong umorder ng kape. Mga 40 minutes pa naman bago nila tayo sipain.

Umakyat tayo sa taas at pumuwesto sa isang mesang malapit sa bintana. Tumunog yung cellphone ko’t nagtaka kung sino na namang nagtext sa akin. Medyo inasahan ko namang si Jose yun. Si Jose nga. Nag-ululan lang kami ng English at kilig. Kilig dahil kasama kita sa ginaw at liwanag ng buwan. Kaharap. Okay lang kahit wala tayo medyong pinag-uusapan, o hindi na naman ako madaldal. Okay na sa akin yung medyo tahimik tayong ganito at nakangiti, magkapiling.

Nilabas mo na yung cute na platypus. “Anong pangalan niya? Bigyan mo siya ng pangalan.”

Ilang segundo ka lamang nag-isip, “Janine!”

Ahh, “Haha, okay.” Ipinuwesto mo sa gitna ng mesa. Dumating na ang order nating mga kape. Nagsindi nang muli ako ng isa, “Agh, fuck. Sarap magyosi ulit ng menthol.”

“Actually. Haha.”

“Sa’n pala tayo bibili ng luntian?” buti na lang nagtext si Jose.

“Ay oo nga pala! Pahiram ng phone, itetext ko sis ko.” May sumagot naman sa ’yo kaagad at pumayag na makipagkita sa UP kinabukasan. “Magkano raw?”

“Uh, 300? Tig-150 tayo.”

“Okay, sige.”

“Daan tayong 7-Eleven mamaya. Bibili pa tayo ng alak? Hard?”

“Ikaw, baby.” Ay, nagsosober up nga pala tayo ngayon.

“Haha, ‘wag na pala. Nagkape nga tayo eh. Bibili lang akong tubig,” pati condom.

Umakyat na rin sa wakas yung isang waiter para magbadyang magsasara na sila. Hudyat na rin ng huling silip ko sa relong inaabangan ko ng patak ng kuwarenta minutos. Inubos ko na yung kape ko, sinimot ko na rin yung iyo. Ipinasok mo na si Janine sa iyong bag at nagpasalamat nang muli tayo kina Ate at Kuya.

Ikaw lang yung nanghinayang sa taxi ride natin. Napansin ko ngang malapit lang yung lalakarin natin pero gusto ko na rin talagang mmfftt. Ang tingin ko rin nama’y mmffggrrhfmm ka na rin sa akin. Dumiretso ako sa counter ng convenience store para mamili sa nakatambad nilang mga condom. “Ate yung,” napasingkit yung mga mata ko at inilapit ko nang kaunti yung aking ulo dahil nanlalabo yung paningin ko sa maliliit na ngalan ng brand. Pansin naman ni Ate Cashier yung tinutukan kong produkto, pero wala pa ring eye contact, “Performa na lang. Durex,” dahil ‘nyeta, walang dotted. May inihabol ka ring chocolate flavored stuff thingamajing na may larawan ng nakabukang mga labi at lawit na dila.

Oh god, were you in some good, sweet stuff tonight.

March 5, 2017

100 Cigarettes - IV

IV

“Kinocontact ka na ba ni, Janine?” tumayo na ako sa kama’t nagbanyong sumandali. Paglabas ko’y nagbibihis ka na. Hinanap ko na rin ang aking pantalo’t T-shirt. Sinabi ko sa iyong ikaw na lang ang kumausap sa kanya. Tutal, sa tingin ko nama’y mas marami kayong pinag-usapan sa text, kasama si Wame kagabi. Idinagdag ko na lamang na sa Mt. Cloud ang tinext na lugar ni Janine kasama ang oras na available siya. “Alam mo ba kung saan ‘yon?”

“Yes, baby.” Pumanatag naman ang loob ko. Mukhang nagbabalik nang muli ang galawang Baguio mo.

Paglabas natin ng tinutuluya’y nakapagsindi nang muli ng yosi. Malamig pa rin ang simoy na maya’t maya ko pa rin inaabangan. Tanga na lang siguro ang pagpawisan sa Baguio.

Dinala mo muna ako sa isang cupcake bakery dahil hihintayin pa muna natin para sa eksaktong plano ng pagdeliver ng mga libro ni Wame. Umorder tayo ng magkaibang cupcake. Tinikman ko ang iyo at pinatikim ko rin ang akin. Matapos makakain at makainom ng tubig ay tinanong ko kung saan tayo manananghalian. Matagal ko na rin binanggit sa iyo na hindi dapat tayo sa fast food kakain. Nag-Baguio pa tayo kung ganun din lang ang kababagsakan. Paglabas nati’y hinawakan ko ang iyong kamay at naglakad na tayo. Nakita ko kaagad ang terminal ng Victory Liner at napatawang bahagya. Naasar ka nang kaunti sa akin at ipinaliwanag ang karimlan kanina sa iyong pag-alala.

Hinila at dinala mo na ako. Maya’t maya kang nagsisilbing tour guide na nagtuturo ng mga lugar nang may pagsasalaysay sa mga karanasan mo noong unang taon mo sa kolehiyo. Sinabi mo rin sa aking one-way lang halos lahat ng mga daan at may mga hassle na pedestrian lane. Paanong hassle? Tanong ko sa aking sarili. Sinagot ko sa iyo na dapat e alam ng mga gumagawa ng daan kung saan nila ipipinta ang mga daanan ng tao, na alam nila ang kanilang mga ginagawa. Pero siyempre, ipaglalaban mo ang iyong opinyon. Hindi bale dahil maaga ko rin namang narealize sa ating mga pagtawid na ang babait ng mga nagmamaneho sa mga tumatawid. Para bang sanay sila na maraming naglalakad sa kalsada, na marami nga namang bumibisita sa Baguio.

Makalipas ang ilang minuto pang pagkukuwento mo habang tayo’y naglalakad ay nakarating tayo sa 50’s Diner. May nakaparadang isang sasakyang mukhang hindi naman umaandar at mukhang pampiktyuran lamang ng mga turista. Pumasok na tayo sa kainan at isang ambience ng pagkalumang panahon sa US ang nagpatayo sa aking mga balahibo sa batok.

Nakahanap na tayo kaagad ng bakanteng lamesa at dalawang magkaharap na upuan. Maaga na tayong pumuwesto at humingi ng menu.

Ang laki ng menu. Ang daming choices. Lalong nagpalula sa aking pagpili ang aking matinding gutom. Ilang minuto rin bago akong may napusuan talaga. Dalawa ang nais kong orderin para sa akin.

“Malalaki ang servings nila rito,” paalala mo sa akin. Okay lang, humanay ko sa aking sarili. Alam ko sa sarili kong gutom na gutom na talaga kasi ako. Tumawag na ako ng isang waitress at umorder na ako ng signature burger sandwich nila, at isang platong spaghetti.

“Ano sa ’yo?”

“Tsaka po isang… cordon bleu,” banggit mo naman sa waitress. “Tsaka isa pong chocolate milkshake.”

“Tubig lang sa’kin,” huli kong bira kay Ate. Kinuha na niya ang menu at nagsimula na tayong maghintay. Napansin kong pare-parehong nakapink na uniform lahat ng waitress. “Yosi lang muna ako,” bilang bobo kong segway.

“Bawal magyosiii,” pagpigil mo sa akin. Nagbuntong-hininga na lamang ako ngunit pumayag. Ang lakas mo sa’kin eh. Tinanggal ko ang aking kamay sa yosi pocket at kinilala na lamang ang interior ng kainan.

May ilan pang mga mesa’t mga upuan sa gitna ng restaurant at mayroon ding mga nakapuwesto sa mga gilid ngunit malambot ang mga salumpuwitan maging sandalan. Lumingon ako’t napansing bakante na ang isa sa mga ito. Hinimok kitang lumipat doon.

Pagkaupong muli sa malambot ay itinuro ko ang mga movie poster na nakaframe at display sa mga pader.

“Dami nilang lumang movie posters dito,” 50’s nga e, ‘di ba. “Nilabasan ka ba?” Umakto akong pasalsal at ipinutok ang imaginary kong tamod sa ilang poster na abot ng aking paningin. Sinundan mo na lang ito ng pagtawa.

Maya-maya’y may papalapit na matandang may dalang tray ng isang malaking burger. Tingin ko’y ito na yung akin. Iyon na nga. Kasama na rin sa tray ang spaghetti na mukhang hindi kamatis ang timpla. Isinerve na rin ang order mo. Medyo nagulat pa rin ako kahit na binalaan mo na ako kanina sa laki nga ng mga serving. Ang tataba rin ng fries, na hinalf-expect ko rin naman.

Halos mabusog na ako sa aking sandwich. Muntik ko nang hindi maubos ang bawat pilit kong pagsubo ng fries. Tiningnan ko ang iyong plato at nakakalahati ka naman na. Hinanap mo na rin ang iyong milkshake. Tumayo na ako at finollow up ang natitira mong order.

Hindi na rin naman na tumagal pa’t inabot na sa ’yo ang tsokolate. Ako ang unang tumikim, siyempre. Naubos ko na ang aking mga order sabay reklamong parang instant spaghetti na nasa pakete lamang yung niluto para sa akin. Mabuti na lamang at sinalo ng sarap ng sandwich yung pagkabadtrip ko, o gutom lang talaga ako nung nilamutak ko ang burger at fries.

Hindi ka pa rin tapos kumain. “Ano ba ‘yan, nagugutom na ulit ako,” biro ko. Sinundot ko ang aking tinidor sa iyong ulam dahil mukha namang malapit ka nang mabusog nang hindi mauubos ang iyong inorder. Kumuha pa akong muli ng dalawa hanggang tatlong pilas sa cordon bluweh at nabusog ka na rin. Sumipsip na ako sa huling pagkakataon sa iyong milkshake at saka mo ito inubos.

Matapos makapagbayad ng bill ay dumiretso tayo sa isang bench na malapit sa harapan ng 50’s. Nakapagsinding muli.

“Alam mo ba kung sa’n yun?” Ano nga ulit yun, “Cloud Mountain ba yun?”

Ngumiti ka’t nilinaw na Mt. Cloud, “Ang cute mo, haha.” Napangiti na lang din ako. Alam ko naman. HEHE. Kinilig pa rin akong kaunti, kahit na madalas akong makatanggap ng papuri sa ’yo.

Naubos nang hanggang upos at umalis na tayo sa bench. Kinuha kong muli ang iyong kamay at hinila mo na ako na parang bata. “Marami bang ulap do’n? Haha.”

“Bookstore siya, baby. Haha.” Sige lang. Akala ko naman kasi nasa Baguio nga naman tayo’t baka may lugar na maaaring maabot ang mga ula-- you know what. Never mind. Nahiya na ako nung binanggit ko sa ’yo ang aking inasahan. Ngumiti ka lamang muli’t nakyutan ulit sa akin, siyempre.

Nakarating na tayo sa bookstore at madali kong tinext si Janine. Ninais mong mag-CR ngunit naligaw ka lamang at hindi na ito hinanap pa kahit nagbigay na ng instructions si Ate sa Mt. Cloud.

“Will be there in a few minutes daw,” pagbasa ko sa iyo ng aking nareceive na text. Tiningnan na lamang natin ang mga libro sa marami-raming shelf na kahoy. May mangilan-ngilan ding mesa na puno ng stacks ng mga libro. Maya-maya’y nakareceive na ako ng text na nakarating na si Janine. “Andito na raw siya.”

Pumaligid ang aking paningin. Sumilip din ako sa labas. Pagpasok kong muli’y nakita kong kinakausap mo na pala siya. Inabot ko na ang sampung kopya ng Sansaglit matapos silang dukutin sa aking bag.

“Gusto niyong magyosi?” aya niya sa atin. “Kaso lights lang.” Natawa akong bahagya dahil hindi ka nagyoyosi ng lights. Hindi ko nasabi agad na may dala naman tayong reds. Lalo akong natawa sa aking sarili dahil inabutan ka niya kaagad ng isang stick sa ating paglabas sa smoking area bago pa man kita mabigyan. Nagkuwentuhan tayong tatlo sandali tungkol sa kanyang pananatili sa Baguio. Ikinuwento niya kung paanong ang sandaling pananatili rito ay nagbunga sa kanyang pagkuha ng mas matagal na trabaho.

Nagkaubusan na ng bullshit at usok, pumalapit na rin sa wakas ang pamamaalam ng pabigat na mga libro ni Wame, hindi naman sa nagrereklamo ako. Tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo. Binanggit mo sa aking malapit lang naman yung SM dito. Pumayag naman akong pumunta dahil wala naman tayo gaanong plano masyado at gabi pa naman natin gustong uminom. Kinuha ko nang muli ang iyong kamay nang ako’y magabayan.

Matapos ang ilang pagtawid, pag-akyat, pagbaba’y narating na natin ang nasabing mall. Hindi pa rin alam ang gagawin pagpasok kung kaya’t naglakad-lakad na lamang tayo, at umakyat pa ng ilang palapag. Sinabi mong mayroong magandang puwesto sa taas kaya sumunod pa rin ako sa ’yo. Maya-maya’y may nakita kang ice cream stand at lumapit dito. Siyempre, tinanong mo ako ulit kung may gusto akong bilhing ice cream. Tiningnan ko naman yung menu nang medyo matagal pero wala pa rin akong nagustuhan.

Sa aking pagkainip ay napalingat akong saglit at may napansing Blue Magic. Wala naman ako sa wisyong magpakahayskul at surpresahin ka ng isang matabang teddy bear pero hindi ko pa rin napigilang pumasok. Umoorder ka pa naman at mukhang medyo matagal pa ang proseso. Pagpasok ko’y maraming nagpapakahayskul at bumibiling kalalakihan ng teddy bear. May mangilan-ngilan lamang na kababaihang katulad ko na inaappreciate lang yung kakyutan ng mga ohmygod na stuffed animal sa loob.

Kaya ko rin namang magkaroon ng katabing mga ganito at kayakap. Kay lalambot kaya nila. Wala ako sa mood magpakapeminista pa noong puntong iyon kung kaya’t lumabas na ’ko’t napansin kong hawak mo na ang iyong ice cream. Pagkita ko’y may mga halong strawberry at inisip ko kung bibigyan mo ba ako. Well siyempre, inaya mo akong tikman yung ice cream mo. Nagpasubo ako ng isa at sinamahan mo pa ng strawberry.

Lumabas tayo sa isang tila balkonaheng ulit na bahagi ng palapag at tumambad ang isang view ng matataas at mabababang gusali’t kabahayan sa harap ng SM. May ilang mga tao rin ang nandoon sa floor. Sari-saring edad. Yung iba, nag-aaral sa Baguio. Yung iba naman, obvious na mga turista. May isang bata rin na hindi natin napigilang pagtripan nang hindi nahahalata.

Maya-maya’y nilagyan mo ng ice cream yung pisngi ko, sabay dila rito. Hindi ko maibulalas pero it’s so fucking hot. Inulit-ulit mo pa ito hanggang sa kumaunti na ang iyong kinakain. Ginusto kong sa kama mo na lang iyon ubusin.

“Anong plano?”

“Sex muna pag-uwi. Then dinner, tapos inom,” tapos sex ulit.

“Natatae na ’ko,” bungad ko para umuwi. Tang ina kasing Baguio ‘yan bawal magyosi amputa. Ay, kaso, wala nga pala tayong tissue at sabong malaki. Ang liit kasi ng sabong dinala mo. Okay naman na nagdala ka, at hindi ako nagrereklamo. Pero ang genius ng tingin ko sa sarili ko nung naisip kong dumaan sa Watson’s para bumili ng ilang stuff na kakailanganin natin. “’Di ba may Watson’s kanina? Daan muna tayo do’n.”

“Anong bibilhin mo?”

“Tissue,” ang una kong naisip. Parang taeng-tae na kasi talaga ako. Baka hindi na tayo umabot kung sakali at sa mall na ako sumabog. “Tsaka sabon na rin,” panghugas ng puwet siguro kung sakaling umatras yung sinapunan ko. Kinuha ko na ang iyong kamay kahit na alam kong ikaw pa rin ang mauuna. Dumiretso na nga tayo sa Watson’s at kumuha na ako ng tissue at sabon. Pag-abot ko sa counter ay nakapagsingit ka ng para rin sa kung sakaling nasa punan mo. Sana naman wala. Pero, malakas naman ang kutob ko sa wala.

Inisip ko kung magtataxi tayo paglabas ng mall dahil hindi ko pa rin matantya kung babati na ba yung tae ko sa akin. Natatantya ko namang kaya ko pang pigilan pero hindi ko sigurado. Ang dami na rin natin kasing nilakad kung kaya’t baka malayo nga tayo mula sa tinutuluyan natin. Sinabi mo namang malapit lang tayo at kaya namang lakarin.

Medyo nabigla pa rin ako sa inabot mo kanina kaya ramdam kong ramdam natin nang sabay kung bakit medyo tahimik tayo ngayong naglalakad. Nagconcentrate na lamang ako sa pagpipigil ng utot, although medyo nahirapan ako kasi nagswitch ako sa pag-utot nang walang tunog. Hindi naman ako nahihiyang umutot kasama ka. Hello, mahal na mahal kaya kita. Pero baka kasi may mga tao sa likuran at baka marinig nila ako, kahit na alam kong umuutot naman lahat ng tao.

Ilang pagtawid pa’t pagbaba’y nakikilala ko nang muli yung dinaraanan natin. Pagkarating sa inn ay nauna ka sa banyo dahil magbabawas ka rin pala. Hindi ko na napigilan yung akin, “Danielle?”

“Babe?”

“Tapos ka na? Hindi ko na kaya eh.” Nakalabas ka naman matapos ang ilang segundo. “Tapos ka na?”

“Hindi pa. Pero sige, ikaw muna.” Gusto na kitang halikan kasi ang bait-bait mo pero kailangan ko na talagang ilabas ‘to.

Matapos kong makaraos ay dumukot ako ng yosi at nagsindi na sa labas. Paginaw na ang simoy. Lalo akong nagpayakap sa jacket na suot. Hindi ko na rin alintana ang yapak sa aking talampaka’t minsan lang naman ako magpakita ng paa sa lupa/semento. Maginaw na talaga. Maginaw nga talaga sa Baguio. Iba rin ang bawat kapal ng usok at init sa bawat hithit ng sigarilyo. Damang-dama ang apat na piso kung sakaling tumama ang math na reds. Sumigaw na ako ng Cut! sa shinushoot kong commercial ng Baguio at Marlboro at bumalik na sa iyong tabi.

Nakadapa ka nang muli sa kama. Tumabi na ako sa ’yo, humalik sa iyong labi at hinilang muli sa pagtakas at kubli.

March 4, 2017

100 Cigarettes - III

III

Nagising ako sa kaunting kaluskos. Hindi ko alam kung nanggaling sa iyo o sa bus. Hindi ko rin alam kung guni-guni ko lang at trip na ’kong gisingin ng utak ko. Baka rin kasi dahil sa iyo ‘pagkat maya’t maya mo ako nilalambing. Ikaw ang una kong sinilip, ikalawa, sa bintana. May ilang minuto pang umusad pero hindi ko na ramdam ang usok ng lungsod. Alam kong malayo na tayong muli sa pamilyar. Kaunting usad pa’t kumanan ang sinasakyan nating bus sa isang building na maraming kainan at nakaparada ring mga bus. Pumarada sa isang tabi’t inannounce ng konduktor na mayroon tayong labinlimang minutong stop over.

Ayos. Yosi break.

Tumayo na tayo at napansin kong iniwan mo ang isa sa mga bitbit mong bag. Sinabi mo sa aking wala namang kukuha no’n. Isang bag lang naman yung dala ko pero dinala ko pa rin. Naalala ko na lang kasi bigla yung minsang napagtripan ako sa bus malapit sa Sentral.

Pagbaba ng bus ay maraming nagbebenta ng hotdog, buko pie, at chicharon. O yun lang din yung mga kilala kong pagkain. Tinanong kita kung may gusto kang kainin. Wala ka pa yata sa mood ngumata. Inalok din kita ng yosi ngunit ayaw mo pa rin. Hinila na lamang kita tungo sa aking dibdib, niyakap at hinalikan ang puyo.

Napansin mong ubos na ang yosi ko’t matapos ang ilang saglit pa’y niyaya mo na ulit tayong bumalik sa ating mga upuan. Nakailang kilig ka na rin sa ginaw ng aircon kanina pa kung kaya’t hinubad ko na ang aking jacket at nakipagpalit sa iyong, uh, cardigan? Polo? Anyway, nakapagpalit na tayo bago pa man umandar muli ang pagbiyaheng umakit sa panibagong paghimlay.

Napagkuwentuhan nating panumandali ang pelikulang isinaksak ng konduktor hanggang sa pinasuyo na natin ang antok. Nakailang oras muli sa kalsada ng panaginip bago makarating muli sa panibagong stop over. Pagbaba’y dinala ko pa rin ang aking bag at sinundan ka tungo sa isang McDonald’s.

“Anong gusto mo, baby?” pabalik na alok mo sa akin. Ako ma’y wala talaga sa mood gumastos para sa pagkain o kung anupaman hangga’t hindi pa ’ko mamamatay sa gutom.

“Wala. Sige lang.”

Nagpatuloy ka sa iyong pag-order. Bumili ka ng isang sandwich at isang order pa ng fries. “Sure ka, baby? Libre kita.” Magic word muli. Saka ko lang din naisip na hindi pa rin naman ako gutom.

“Sige lang.”

Naipunch na ng kahera ang bill at inabot mo na ang limandaang pisong tinanggihan kanina ng taxi driver.

“Ma’am, wala ho ba kayong smaller bill?” tangging muli ng kahera. Tingin ko nga e wala. Sinabi mo sa aking puro 500 bills yung laman ng pitaka mo.

“Ito na,” sabay kuha ng wallet ko sa bag, buti na lang dinala ko yung bag ko. Kung hindi, baka nagreklamo pa ’kong pabulyaw sa kawalan nila ng panukli bilang din namang stop over sila at 24 hours ang kanilang restaurant.

Pero hindi ko rin naman nga kabisado ang galawan sa mga fast food sa kadahilanang wala naman akong karanasan sa pagtatrabaho sa mga ganito. Nag-abot na ako sa kahera ng smaller bill na pangarap niyang isuksok sa kaha nang makapagserbisyo pa sa nagugutom ding nakapila.

Bumalik na tayo kung saan nakaparada ang bus matapos mo pa akong takuting iniwan na tayo ng bus. Ha-Ha. Hindi na muna tayo sumakay ng bus bagkus ay nagsindi na muna ng yosi. Binuksan mo na rin ang lalagyan ng sandwich na binili.

“Anong sabi sa ’yo ng mga tao?”

“Saan?” pagtataka ko. “Dito? Sa Baguio?”

“Sa’kin puro ingat eh.”

Si Jose lang din naman nakakaalam halos na magpupunta ako ng Baguio. Pati mga kapatid ko. Jemar, Guno at Raylyn pa pala, fuck. “Wala. Puro pabili ng ganito tsaka pabili ng ganyan.”

Inalok mo ako sa huling pagkakataong kumagat sa iyong sandwich. Itinuro ko na lamang ang aking retainer. Pagkaubos natin ng ating mga yosi e bumalik na tayo sa ating mga upuan. Ipinagpatuloy mo ang pagkain sa fries at ipinatong ang cup ng coke sa gilid na bintana.

Baka matapon, sabi ko sa aking sarili. Tinanong ko kung diretso lang ba yung dadaanang kalsada at tinawanan mo lamang ako. Ipinaliwanag kong baka ‘pag lumiko kasi yung bus e matapon nga yung coke. Hindi ko na sigurado kung pinakinggan mo pa ’ko dahil patuloy ka pa rin sa pagtawa. Inilipat mo na lamang ng puwesto yung coke. Hiniram mo na rin ang aking laptop dahil may ipagpapatuloy ka pang gawin para sa ilan mo pang mga subject. Kinuha ko na agad, binuksan, at iniabot sa ’yo. Pinaingatan ko ring huwag matapunan ng coke at fries ang keyboard. Nang maubos na ang natirang fries at coke, at makasiguro’y isinandal ko na ang aking ulo sa likod bago pumikit.

Naramdaman kong paunti-unti akong dumudulas tuwing halos mananaginip. Minabuti kong sumandal naman/na lang sa iyong balikat. Pinahintulutan mo naman ako kahit na baka mahirapan ka’t nakikibigat lamang ako sa mga pasanin mo.

Nakapuslit pa rin naman ako ng ilang mga hilik at pekeng gunita. Sa ngayo’y nagtagal at noong sumapit na ang mapang-asar na hila ng pagbango’t pagmulat, pinilit kong sumandal muli sa aking likuran, habang makapagsingit ng isang halik sa iyong pisngi at makasilip sa iyong boses. Good morning sa tanghali.

Nilingon ko ang kanang bintana habang ginagalaw-pansilay ang kurtina. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon e wala naman nga akong kaide-ideya kung saan na nga ba dumadaan ang bus. Tiningnan kong muli ang pelikula sa TV at sina Piolo at Sarah na ang umaarte. Chineck ko ang aking phone kung nagreply na nga ba yung tinext ko na pag-aabutan ko ng mga tula ni Wame.

Wala pa rin. Ibinalik ko na sa aking bulsa ang phone at makalipas ang ilang minuto’y tumunog nang may tumatawag sa phone ko. Puta sinong tatawag sa’kin? Kinabahan ako nang saglit kasi baka hinahanap ako sa boarding house, ng nanay ko. Paranoid android.

Madali kong sinagot ang phone. Nanay ko nga.

“Tite,” bungad ng caller.

“Tite,” putok-panumbalik ko sa kanya.

“Sa’n na kayo?”

“Hindi ko alam,” silip kong muli sa maaliwalas na araw sa labas. “Maraming puno eh.”

“Haha. Puta para pa ’kong tatay ah. Kamusta kayo.”

“Hahaha. Okay lang,” Sabay kaunting bullshitan lang ulit, tapos baba. “Si Jose, tumawag,” paliwanag ko sa iyo. Parang nanay amputa. “Namiss na agad ako.”

Niyakap kitang muli at hinalikan sa pisngi. Sinesend mo na yata ang mga tinapos mo sa laptop dahil panay reklamo ka na sa kupad ng connection. Patuloy pa rin sa paglalandian sina Piolo at Sarah sa TV habang nanririndi na ako sa pagpansin ni Piolo sa mga flat na tono. Akala niya, siya, hindi. Nakikitawa ka na rin sa bawat bullshit na binibitawan ng pelikula.

Pasok pa rin ang tirik ng araw sa mga kurtina ng bus. Walang bahid ng pagbisita ng kulimlim. Napipinto na ang paghinto natin sa pagdiss sa ilang banong linyahan ng emosyon sa palabas. Parang pumapatag na naman yata yung puwet ko. Naramdaman kong nais ko nang muling manigarilyo. Dumaang muli ang ilang bukirin, puno, baka, paayusan ng kotse, at tarpaulin ng mga tindahan at ilang mga kupal. Humintong saglit ang bus sa gitna ng kalsada’t kumabig pakaliwa.

Ikatlong stop over ng biyahe. Halos palampas na rin sa tanghali ang oras. Bumaba na tayo para makapagyosing muli. Ako na ang nauna’t sumaglit ka muna sa banyo. May isang malaking sementong ash tray muli sa may paradahan. May mangilan-ngilan din akong kasabay na humihithit. Sa kabila ng kalsada’y isang malawak pang bukirin at isang lumang tindahang hindi ko mawari kung bukas o kung ano. Ilang hithit pa’y palapit ka nang muli sa akin at umakma na akong iabot ang kaha. Hindi ko sigurado kung magsisindi pa ako ng panibago pero minabuti kong hintayin ka na lang matapos.

Pagsakay muli ng bus, inisip ko kung malayu-layo pa ba tayo sa Baguio, at baka may oras pa ako para buksan yung laptop ko at mangalikot ng mga hindi ko naman mapapakinabangan nang matagal dahil sa pesteng attention problem. Tiningnan kita para kung sakaling may maisip akong iba. Ikaw lang tuloy yung naisip ko, kaso nakatingin ka lang muna sa bintana. Binaling ko ang atensyon sa TV matapos kang titigan panumandali.

Naramdaman ko na lamang bigla ang iyong pabalik na lingon sa akin, “Mga isang oras na lang, baby.” Sabay sabi kung nasaang kalsada na tayo. Medyo lumuwag ang aking loob at piniling matulog na lang muli. Maya’t maya kong muling nararamdaman ang paglalambing mo sa aking pandinig. Maya’t maya rin ay naramdaman kong nakakaidlip ka dahil wala nang lumalambing sa akin. Lumipas ulit ang ilang minutong pag-usad ng bus sa ating pag-idlip at tumambad na lamang sa aking sumunod na pagmulat ang pakiramdam na paulit-ulit na paliku-liko ng bus, liku-likong kalsada. Kumakapal na rin ang maninipis na tila ulap kung tingnan. Pakiramdam ko noon, ang taas-taas na natin sa bundok. Lumalabo na rin ang bintana at bumibisita na rin ang kulimlim. Dumarami ang mga kubo sa daan at sunud-sunod na mga paggiling ng bus.

Naalimpungatan ka siguro habang iniisip kong tanungin kung malapit na ba tayo. “Fog,” banggit mo sa akin matapos silipin ang kalsada. Kinuha at binuksan mo ang iyong bag. Napansin kong magreretouch ka yata ng makeup. Napaisip tuloy ako sa tuwing kailan ka lang ba nag-aapply/nagreretouch o random lang yung bilangan. Tinanggap ko na lamang sa sarili na malapit na nga yata tayo sa Baguio.

Nakailang akyat at liko pang muli ang bus bago pa man pumasok ang ginaw ng kabundukan at magkatao na naman ang mga kalsadang dinaraanan. Lalong dumarami ang mga tindahan, restaurant, iba’t ibang establishment, mga inn, at matataas na kabahayan. Nanumbalik ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil papalapit na nang papalapit ang kahapon ko pang hindi matulugan. Tapos ka nang magmakeup at umakma na sa iyong mga dalahin. Hinanda ko na rin ang aking bag at sarili. Unti-unti nang bumabagal ang takbo ng bus at nadaragdagan pa lalo ang mga taong naglalakad. Madali lang tantyahin minsan kung turista lamang silang tulad natin dahil sa wala pa silang nahahanap na matutulugan sa dami rin ng kanilang mga dalahin. Puwede ring kauuwi lang nila kung saan.

Pumasok at pumarada na ang bus sa isang terminal ng Victory Liner bilang hudyat ng huling stop ng biyahe. Saan tayo unang pupunta, tanong ko sa aking sarili ngunit panatag dahil ikaw naman ang bahala sa atin.

“Anong sasakyan natin?” bago pa man tayo makalabas ng terminal.

“Taxi,” madaliang sagot mo sa akin habang tumitingin sa labas kung mayroon man. Paglabas nati’y naglakad tayo’t tumawid at napansin kong may tinarget ka na palang taxi/taxi driver na kakausapin. Kinausap mo nang saglit ang driver saka niya tayo pinasakay. Weird dahil nakabukas lahat ng bintana sa sasakyan. Magmumukha naman tayong gago kung nag-aircon pa tayo dahil napakalamig ng simoy kahit na tirik na tirik ang araw. Natanga lang din ako dahil nakailang liko at usad lamang ang taxi’t bababa nang muli tayo. Ang lapit lang pala ng ating tutulugan. Hindi mo na rin siguro lubos na maalala kung pasaan nga bang muli ang mga pasikut-sikot at nangangapa ka pa sa iyong alaala.

Mura din lamang ang bayad sa taxi at ako na ang sumagot dahil kanina ka pa nga pala hindi nakakapagpabarya. Pagbaba nati’y tiningala ko ang inn na tutuluyan natin. May isang nakaparadang puting kotse at ilang mga display na proof ng gusali na isa silang legit na tulugan. Pagpasok ay walang taong sumalubong sa atin.

Magkano kaya rito. Alam kong matagal na nating tinantya ang gastos natin para sa buong karanasan sa Baguio at mukha namang kinonsidera mo ang ating budget. Sa reception area’y may isang bell at isang computer. Maya-maya’y may dumating na isang empleyadong may bitbit na ‘di ko malaman kung kubrekama o tuwalya, “May reservation po ba sila?”

“Tumawag po ako kagabi,” paglilinaw mo. “Sabi po nung nakausap ko, meron pa raw pong vacancy.”

“Sandali lang.” Pumasok sa isang kuwarto ang empleyado’t tungangang muli tayo. Maya-maya ulit ay may lumabas na isang matanda. Napansin niyang mukhang wala nga tayong tutulugan kung kaya’t may hinanap/binanggit siyang pangalan nang maasikaso na tayo. Salamat naman. Kanina pa nga yata ako naninikip at naninigas.

Hindi naman nagtagal at may pumuwesto nang tunay sa reception. “May reservation po ba sila?”

“Ay, tumawag po ako kagabi at sabi po nung kausap ko, may vacancy pa raw po.” Sinilip ko at may chineck na table ang empleyado. Mukhang hindi naman siya iritable at makakakuha tayo ng kuwarto. Kumuha na siya ng susi’t sinundan na natin siya pababa kung saan ipapakita sa’tin ang isang bakanteng kuwarto.

Pagbukas ng pinto’y may isang kama at pribadong palikuran. Ibinaba na natin ang ating mga bag saka ako humimlay nang wagas sa hindi gaanong malambot. Sinabi mo sa aking ikaw na muna ang magbabayad at napagkasunduan natin, habang kausap ang empleyado, na hindi natin kakayaning bayaran ang pandalawang gabing pananatili’t magyu-Yuj Inn na lamang tayo kinabukasan. Umakyat ka na’t sumunod sa kanya, at naiwan ako upang unti-unting tanggaping nasa Baguio na nga pala tayo.

Okay naman ang lawak ng kama’t kuwarto ngunit hindi ko gusto ang dami ng bintana. Mayroong bintana sa itaas na pasok na pasok ang init ng liwanag ng araw. Sa gawing harapan ng kama’y isang bintanang bagamat may kurtinang makapal e hindi kumportable sa pakiramdam. Hindi ako kumportable sa kuwartong ito. Kinuha ko ang aking bag pati ang isa mo pang bitbit at umakyat muli sa reception.

Mukhang nakapagbayad ka na’t iniabot na sa iyo ang susi. Tumabi ako sa ’yo sa harap ng bell, “Puwede pa po bang lumipat?”

“Oo naman, Sir. Saan po ba?” tanong sa akin ng empleyado. Tinanong mo naman ako kung bakit at sinabi kong ayaw ko doon. Hindi ko na binanggit na dahil sa dami ng bintana.

“Doon na lang sa katabi, Kuya.”

Pumayag na si Kuya at sinundan natin siyang muli sa katabing kuwarto. Suwak dahil walang bintana at liwanag lamang mula sa butas sa itaas ng pinto ang nakakapasok. Iniabot na niya sa atin ang susi’t isinara na ang pinto. Kaunting pananabik muli. Ibinaba na natin ang mga gamit sa isang mesang may salamin sa gawing pader at mangilan pa sa kama. Chineck ko lahat ng switches ng ilaw sa kuwarto. Mayroong isa para sa banyo at isa para sa kuwarto. Walang pintong naghahati tungong palikuran ngunit wala na tayong pakialam doon. Mayroong dalawang tuwalya ang nakapatong sa mesa at minabuti kong ilipat ang mga ito sa banyo, saka ako umihi sa bowl.

“Mga kumot ‘yang mga ‘yan, baby,” nginitian mo lamang ako.

“Huh? E mukha kaya silang tuwalya.”

“Kumot ‘yan, baby.” Alright, fine. Kinuha kong muli ang mga tuwalya at napagtantong walang mga kumot sa ating kama. Oo nga ‘no. Sinara ko na ang ilaw sa banyo.

Naisip kong masyadong maliwanag at nais mo nga palang magsex pagkahanap natin ng kuwarto. Masyado namang madilim kapag walang nakabukas na ilaw at hindi sapat ang mga butas sa napili kong kuwarto. Hindi naman ako nag-alala dahil pagbukas ko ng ilaw ng banyo’y voila. Perfect.

Nauna ka nang dumapa sa kama’t mukhang pagod na pagod ka na rin. Ibinagsak ko na rin ang aking katawan katabi mo sa pagod ng pag-upong biyahe. Unti-unti akong lumapit sa ’yo’t hinalikan ka agad sa labi. Humalik ka rin agad pabalik sa’kin. Bawat kumpas ng mga labi nati’y parang kay tagal nating hindi nakapagsamang muli.

Unti-unti na ring bumibilis ang balikan ng pakiramdam hanggang sa ipinasok mo na ang iyong dila sa akin. Malumanay siyang pinahintulutan ng aking mga labi’t naghintay ako ng pagkakataong ipadala naman ang akin. Maya-maya’y umuungol na tayong dalawa ngunit wala pa ring bakas ng kasawaan sa palitan ng lamutok at dulas.

Hinihila natin ang bawat isa, palapit nang palapit, padikit nang padikit ang ating mga katawan. Kapwang nakikiramdam sa susunod na gagawin kahit naging likas lahat ng mga kilos. Bawat himas at lambing sa ating mga tagiliran at buhok ay naaayon ang tulin. Sobra nating namiss muli ang isa’t isa.

Ibinaba ko na ang aking kamay sa iyong mga pagkababae. Dahan-dahan kong hinimas ang bawat sangkatlong tig-iisa habang patuloy pa rin sa pag-uusap ng ating mga dila’t labi. Hindi rin nagtagal ay ‘di ka na nakapagpigil na bisitahin ang akin.

Bawat dampi ng iyong kamay ay kumalabit sa aking pagkalalaki. Lalong nadagdagan ang higpit sa aking pantalon at gusto ko nang magpumiglas. Hinila na lamang kita bigla at naramdaman mong kailangan mo nang pumatong sa akin. Habang ika’y nasa itaas ay unti-unti ko nang hinubad ang iyong pantaas. Tinanggal ko na rin ang akin. Bumalik ang iyong mga labi sa akin at sinadya ko nang tanggalin ang tumatakip sa iyong dibdib. Para ulit akong batang first time mag-Google search ng hubog ng babae. Hinimas at pinisil ko silang dalawa habang ibinababa mo na ang zipper ng aking pantalon.

Hinila mo na ang aking pambaba kasunod ng pang-ilalim. Matapos, pinagmasdan naman kitang hubarin ang iyo nang wala halos pagmamadali. Sakto lang naman dahil marami tayong oras at ang sarap mong panoorin kapag naghuhubad ka, o ‘di kaya’y nagbibihis. Itinapon mo na sa gilid ng kama ang iyong pambaba’t lalo akong nasabik pa sa ’yo. Hinawakan mo na ang akin at itinapat sa iyo. Nakailang saglit lamang ng tapyas sa hanggan at pinapasok nang muli tayo sa makapangwala sa sarili na alapaap.

Taas-baba. Ramdam sa bawat agos ng dulas ang pumalibot sa ating mga katawan. Bumibilis muli ang tibok ng ating mga puso’t naging iisa na lamang ang ating pintig. Iisa nang muli tayo. Baba-taas. Hindi alintana ang lahat ng mga problema sa buhay. Ang isa’t isang mga mata lamang ang ating pakialam. Malayo na tayong muli sa kanilang lahat. Wala na tayong muli sa mundo.

Lalong nadagdagan ang sarap at napansin kong unti-unti nang nauubos ang aking mitsa. Humalik kang muli sa aking labi, saka bumiyahe ang iyong dila sa aking pisngi, tungo sa aking tenga. Bawat ungol mo’t halik sa aking dinig ay isang bagong patong na saksakan ng hitik na ligaya. Inilibot ko ang aking mga braso sa iyong likod at niliyaban pang lalo ang alab. Kaunting saglit na lamang at malapit na ’kong umabot sa marahas/masaya na rurok.

Humudyat ako sa iyong tagiliran. Umakmang iangat ka muna mula sa akin, “Malapit na akong labasan.”

“Seryoso?” nang may kaunting pagod. Nalungkot ako at nagalit sa aking sarili. Ngunit wala pa rin talaga ako sa wisyong magpakairesponsable.

“Sorry,” na lamang ang naisagot ko.

Ngumiti kang bahagya. Lalo mong diniinan ang bawat pagsalo mo sa akin, “Gusto mo namang iputok sa loob ‘di ba, baby?” May lambing sa iyong boses na kay hirap tanggihan. Parang gusto mong saluhin lahat ngayon. Umiling ako na parang gago ngunit kinagat mo lamang ang iyong labi habang patuloy pa rin sa paghingi sa aking pagtatapos. “’Di ba, baby gusto mo naman?” sabay ungol pang lalong nagpabilis sa nagbabadyang pagsabog ng aking kalamnan.

Umiling akong muli at pinilit ka nang tanggalin sa pagkapako. “Sorry,” pangulit kong atungal sa iyo.

Umangat ka na’t nagpahingang saglit sa aking tabi, “Okay lang, baby.” Hinalikan mo na lamang ako sa pisngi.

“Gusto mo bang iputok na lang sa boobs mo?” pahabol kong request at baka sakaling mabawasan ang hinayang mo sa iyong sariling kagustuhan.

“Sure, baby.” Mabuti na lang, at salamat na rin. Sabay nating tinungo ang dulo ng kama’t lumuhod ka na sa harap ko nang makapuwesto na ako ng maayos na upo. Kinuha na siyang kaagad ng iyong kanang palad at dumiretso ka nang muli sa pag-atim sa aking lagkit. Minasdan kita habang tinatantya pa ang diin at bilis ng iyong paghimba.

Nagtagpong muli ang ating mga mata’t lalo akong ginanahan sa iyong palad. Maya-maya’y umuungol na ako’t naramdaman mong malapit na ako. Hindi ko na tinanggal pa ang aking pagtingin sa iyong mga mata’t unti-unti nang bumibilis ang aking pintig. Kaunti na lamang. Sige pa. Malapit na. Malapit na. Sige pa, baby. Malap-FUUCCCK!

Sa aking bawat ungol ay lumapat na ang bawat pagkawala ng katas sa iyong dibdib. Parang nawala na ako sa aking sarili’t inabot ng magkabila kong kamay ang malalambot mong alindog. Idinikit at ipinanghimas ko sa bawat shot ng ligayang aking pinakakawalan.

“Ang dami ah,” unang dinig kong muli sa iyong boses. “Yep, ang dami, baby.” Parang masaya ka’t marami kang sinasalo. Unti-unti na akong nanlambot at bahagya nang bumagal ang aking paghinga. Napahiga na lamang akong muli sa kama, bumagsak sa ikalawang pagkakataon. Humiga ka sa tabi ko. Nagpahinga lamang ako nang sandali’t pinuwersa ko na ang iyong katawan sa panibagong puwesto. Siyempre, ikaw naman.

Hinalikan muna kita sa iyong labi, saka ako lumipat sa iyong pisngi, at saka nagtagal sa iyong tenga. Kinalikot ng aking dila ang bawat sulok ng iyong pandinig. Nakakalimutan ko minsang huminga. Hindi kita kayang tiisin. Hinawakan ng aking kanang kamay ang iyo. Pinalibot, pinaikot nang marahan at saka lumipat ang aking bibig sa iyong dibdib. Pinaikot kong muli ang aking dila sa isang gitna habang hinihimas at pinipisil ang kabila. Unti-unti akong nag-outro at hinalikan na ang iyong dibdib sa huling pagkakataon. Nagpaalam na ang aking dila’t hinalikan nang paisa-isa ang iyong pusod, tiyan, katawan. Hindi nagtagal ay nagkatagpo kaming muli. Hinalikan ko na muna siya. Dalawang beses. Hindi ko na rin napigilan ang gutom at binuka ko na ang aking bibig nang siya’y matikmang muli.

Ice cream.

Sana’y hindi na maubos. Unti-unti ka nang dumudulas. Hindi na rin sana tumigil pa ang iyong pag-ungol. Ipinasok ko na ang aking daliri nang maramdaman ko ang iyong pag-apaw. Nang makaramdam pang muli’y dalawang sabay na ang aking ipinasok. Labas. Pasok. Pasok-labas. Basang-basa ka na, baby. Basang-basa na kita. Diniinan ko pa nang bahagya ang bawat pag-eenjoy ng dila ko sa ’yo. Taas-baba, baba-taas muli. Paulit-ulit lamang.

Lalong dumiin din ang iyong mga pag-ungol at maya-maya’y kumapit ka na sa aking buhok. Sumabunot, pumisil, at kumikilos nang walang kontrol ang iyong mga binti at boses. Napansin kong palakas na nang palakas ang iyong bawat ungol. Humigpit nang humigpit ang iyong pagkakakapit. Diniinan ko pang lalo ang aking pagkain sa ’yo’t paglambing ng aking mga daliri nang hindi nagbabago ng tyempo. Nakaramdam na ’kong muli sa ’yo at hindi mo na napigilan ang pinakamalakas mong ungol. Lalo akong nasarapan sa tindi ng iyong pahintulot sa akin. Hindi mo na rin nakontrol ang pag-angat at gaslaw ng iyong buong katawan sa kahibangang ipinararamdam ng aking dila. Dumaan ang ilang saglit ng kawalang muli sa mundo’t humigpit pang lalo ang pagsabunot mo sa’kin, “Mart.”

Tumigil nang impunto ang aking bibig. Hinalikan ko na siya sa huling pagkakataon. Tumabi na akong muli sa iyong pagkakahiga. Niyakap kong muli ang ngayong lansaplot mong katawan. Inayos ang buhok sa iyong tenga. Hinalikan sa iyong pisngi at labi. Yumakap ka nang muli sa akin.

March 3, 2017

100 Cigarettes - II

II

Okay naman yung The Stanford Prison Experiment. Alam kong maganda yung pinapanood ko kapag hindi ako napa-alt tab. And I tell you, brother. I tell you. Hindi ako lumipat ng window. Not even once. Ho. Ly. Shit. Hindi ko alam kung natutuwa ako kapag may tinotorture psychologically pero nakuha ng actors yung puso ko.

Siguro, may nakalipas na lampas isang oras bago ako makarinig ng yapak ng pag-akyat sa hagdan patungong kuwarto namin. Bumukas ang pinto. Hindi ko nakilala agad kung sino. Nagtitigan pa yata kami nang dalawang segundo. Sino ‘to?

“May yosi ka pa?”

“(Jose?) Meron pa, kaso menthol ‘to,” narinig ko nang muli ang paghakbang ni Jose sa hagdan kaya pinause ko na yung film (Putang ina, pero okay lang. Narealize ko ring ngatal na pala ako sa nikotina. Kung may gano’n mang pakiramdam talaga.) at dinala yung kaha ko ng yosi na ninakaw ko lang sa kama ng isang roommate.

Pagdating ko sa garden, nakaupo na si Jose. Inabutan ko na siya ng yosi. Nagsindi na kaming pareho. Liwanag na lamang na dumidikit sa usok ang tanging mapaglaro sa aming mga paningin. Inaantok na siguro ako.

“Ready ka na?”

“Hindi pa. Sandali lang naman ako mag-impake. Nagpadala pa ng laptop si Danielle. Hindi ako makatanggi.”

“Kung sa bagay, kung mahal mo talaga yung nagsabi, hindi ka talaga makakahindi.”

Tawanan.

“Hindi ako makatulog. Ikaw rin ba?”

“Nakatulog ako. Kaso nagising ako kaninang mga alas tres. Hindi ulit ako makatulog.”

“Binangungot ka ba?”

“Hindi.”

“Excited lang yata ako,” kunwaring paliwanag ko. Ang alam ko kasi, noong maliit pa ako, hindi ako makatulog nang ganito kapag may field trip kami, or swimming kung saan mang malayo, tapos kailangang gumising nang maaga. “Mamayang 5:15 siguro maliligo na ako.” Chineck kong muli yung relo ko, “Mga isang oras na lang naman.”

Ululang muli. Kuwentuhan. Hinanaing. Hiling. Hithit. Buga. “Kape tayo.”

“Tara. Baka may kape si Gio,” sabay pasok sa loob. Narinig kong kinatok ni Jose yung kuwarto ni Gio. Maaga nga palang gumising si Gio dahil may training siya sa track araw-araw. Pagpasok ko, “Energen lang eh.”

“Puwede na ‘yan.” Kaso, unang putang ina ng umaga.

“Shit.”

“Wala nang mainit? Putang ina hahahaha!” Naisalin na kasi ni Jose yung laman ng sachet bago pa man tingnan yung thermos kung may laman. Binuksan niya yung ref para kumuha ng malamig na tubig.

“Malamig yung ilalagay mo?”

“E wala eh.”

“Ayoko. Ikaw na lang,” sabay talikod sa hindi ko trip na malamig na Energen. Mainit na strawberry juice, papatusin ko pa. Lumabas na lamang akong muli sa garden nang huling makapagyosi bago maligo. Maya-maya’y lumabas na rin si Jose dala-dala yung walang kuwenta niyang tasa ng bullshit.

Pinilit niya talaga eh ‘no. Seryoso ba siya. Hithit. Buga. Pabawas na ang kapal ng usok simula kaninang madaling araw pang muling pagkikita namin ni Jose. Pasilip na rin ang liwanag ng araw. Sana wala pang tao sa banyo.

“Malapit na ’ko maligo,” hithit.

“Gising na ba si Dane?” usisa ni Jose.

“FX na raw eh. Pero medyo malayo pa raw naman.” Pero tingin ko, wala ring siksikan sa traffic. Maaga pa eh. Buga. Tinapon ko na sa kalsadang may araw-araw na janitor ng upos sa umaga. Hindi ko alam kung mapagpasalamat siya kasi may nadagdag sa gagawin niya sa bawat paglilinis niya o wala siyang pakialam sa pagpapasalamat ko na hindi napupuno kailanman yung ash tray namin sa harap ng gate ng 108.

Umakyat na ’ko sa kuwarto ko’t inihanda na ang lahat ng dapat dalhin bago bumaba para maligo. Matapos makapagtoothbrush, maghilamos, at manginig ang buto sa putang inang lamig ng tubig ay umakyat nang muli ako sa kuwarto’t tinriple check lahat ng bibitbitin. Brief. T-shirt. Laptop. Charger ng laptop. Charger ng phone. Wallet. Coin purse. Sampung kopya ng Sansaglit. Shoelaces at malaking panyo (just in case). Lalagyan ng retainer.

“Magdadala ba 'ko ng iPod?” aking pagdadalawang-isip. “Hindi na siguro.”

Isinalpak ko na ang lahat sa backpack. Naglagay ng isang panyo sa kanang bulsa, kasama ang lighter. Ang alam ko, may isa pa akong stick sa baba. Kinuha ang phone sa aking mesa’t inilusot naman sa kaliwang bulsa. Pinatay ang ilaw sa kuwarto. Lumingon kung sakaling may nakalimutan. “Putang ina ang dilim,” at bukas muli ng ilaw. Wala na, “Game.”

Napansin kong bumilis muli ngunit nang bahagya ang pagtibok ng puso ko. Excited na naman ako. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit hindi constant yung pananabik ko sa ’yo. Minsan kasi, ikaw lang namimiss ko. Minsan, iniisip kong muli yung pupuntahan natin. Minsan, nasobrahan lang sa nikotina yung dugo ko.

Sinindihan ko na agad ang huling stick habang hinihintay ko ang text mo.

“Nasaan na raw si Dane?”

“Hindi ko alam. Sabi ko itext niya ’ko ‘pag maglalakad na ’ko pa-Sentral.”

“Yung pipe ah,” huling paalala.

“Sige.”

“Sa’n yung jacket mo?”

Oo nga ‘no. “Putang ina, oo nga ‘no? Haha.”

“Tang ina mo. Haha.”

Nagmadali akong umakyat sa kuwarto. Tang inang ‘yan. May palingun-lingon ka pang nalalaman, hayop ka. Tang ina mo. Hindi ko na alintana kung may nakalimutan pa akong iba. Dineretso ko lamang kunin yung makapal na itim kong jacket saka tumakbong pababa, pabalik sa garden. May gana pa yung yosi ko.

“Magdadala ba ’ko ng tuwalya? Hindi na ‘no?”

“’Wag na. Meron naman dun yun.”

“’Wag na ‘no? Halos lahat naman ng motel may tuwalya eh. Dapat.” Sana. Dapat. Hindi ko na rin kasi maisip kung magkakasya pa yung tuwalya sa bag ko dahil sa kumpol ng mga libro ni Wame. Hindi naman ako naninisi o ngalit. Mas okay ring mas magaan/hindi ganoong umaapaw yung laman ng bag ko. Huling hithit.

Huling buga. Wala ka pa rin. I mean, yung text mo. “Ang tagal ng text ni Danielle. Maglalaptop na lang muna ’ko. Anong oras kayo magkikita ni Mitzi?”

“Wala pa nga ring text eh.”

Binuksan kong muli yung laptop ko. Kaso badtrip kasi bigla ko na lamang naalalang wala nga pala kaming internet. Tinuloy ko na lang yung panonood ng pelikula. Maya-maya’y dumating na rin sa wakas yung text mo na maghuhudyat ng aking paglabas ng gate. Bumilis muli ang saya ng puso ko.

“Punta na ’ko do’n.”

“Ingat. Babayu.”

“Babayu.”

Sobrang excited kong maglakad, as in. Hindi ko mapigilang minsan pang ngumiti. Gusto na kitang makita. Gusto na kitang mayakap at halikan. Maamoy, marinig ang boses. Makausap, makatabi. Mahigit tatlong araw lamang tayong hindi nagkita pero hindi ko na maisip kung kakayanin ko pa bang wala ka nung oras na matanggap ko yung message mo na makapagkikita na tayong muli. Hindi ko na ininda kung matatalisod pa ba ako sa mabatong daan patungong gate ng UP.

Paglabas ko sa kanto ng bukid, inasahan kong masisilayan na kita agad. Wala pa rin. Itinuloy ko pa ang mapangmadaling lakad. Parang nagugulat ako sa tuwing may taong pumapasok sa gate, kahit hindi ikaw. Papalapit na ako nang papalapit sa gate, hindi pa rin kita nakikita. Sinilip ko pa yung likod ng guard house at baka sakaling nag-aabang ka roon habang nagyoyosi.

Wala pa rin.

Nakalampas na ako ng gate. Sinilip sa huling pagkakataon yung guard house. Wala pa rin. Paglingon ko sa kaliwa, nakita na kita. Hindi ko na napigilan. Napangiti ako. Ngumiti ka rin noong makita ako. Kumaway ka rin nang bahagya lamang. Napansin kong nagyoyosi ka pala. May hawak ka ring bimpo. Nang tayo’y muling nagkalapit ay nagyakapan na tayo kaagad nang mahigpit. Hinalikan kita sa pisngi. Hindi ko masabi nang harapan kung gaano kita namiss pero siguro pareho lang din naman tayo ng nararamdaman sa isa’t isa.

“Sabi mo, malapit ka na.”

“Nagyosi lang ako, baby.”

“Tara.”

Inakyat na natin ang overpass. Dalawa yung dala mong bag. Hindi na ako nag-atubili pang tumulong kasi mukhang magaan naman. Tsaka alam mo namang hindi mo na kailangang mahiya pang magpabuhat sa akin kung sakaling mabigatan ka. “Saan tayo bababa?”

“Cubao.”


Nakarating na tayo sa kabila. Ubos na ang hingal ng puso ko kakahintay nang kapanabik sa ’yo kung kaya’t tila hindi ko na naramdaman pa ang pagod sanhi ng ilang baitang din ng pagpanik at pagpanaog. Mga ilang minuto rin tayong naghintay nang biglang, “Gusto mong magtaxi na lang tayo?”

Uhm.

“Sagot ko.” Magic word.

“Sige.”

Lumipas muli ang katiting na mga minuto at nakapagpara rin ako ng masasakyang taxi. Binuksan mo ang pinto at binanggit sa driver kung saan tayo bababa. Mabuti’t pinasakay tayo agad. Nauna ka nang sumakay sa taxi’t tumabi na ako sa ’yo.

Nakadalawang minuto muna ng pagbuwelo bago ang isa sa’tin ang nagsalita. Hindi ko na rin napigilan pang halikan yung ilong mo dahil sa tuluy-tuloy mong sipon. Humalik din ako sa ulo mo, maging sa pisngi. Napangiti ka naman. Sinubukan kong magkuwento tungkol sa pinanood kong pelikula. Tingin ko, hindi ko naisalaysay nang maayos. Mahina rin kasi ang memorya ko sa maraming detalye. Nagpakita ka naman ng maliit na kutsilyong binili para sa ’yo ng pinsan mo. Binanggit mong matulis ito. Pag-abot mo sa aki’y hindi ko mabuksan. Napansin mong natanga na ako sa mekanismo ng punyeta kung kaya’t kinuha mo sa akin, binuksan nang wasto, saka ibinalik. Matulis nga.

Magmula sa East Avenue, bigla na lamang kumanan ang driver. Pansin ko namang masikip ang traffic, mabuti na lamang at napagdesisyunan mong magtaxi tayo. Nakabalik din naman nang pumasok/gumamit ng isang U-turn yung driver sa Edsa. Ang kaso, mahaba pa rin ang pila ng mga kotse sa kalsada.

“We… have a problem.”

“Ano?”

“Hindi makakasama si Jose sa Cavite. Kaya bang dalawang araw tayo sa Baguio?”

“Yeah, sure. Kaya naman.”

“Hindi kasi puwedeng ikaw lang yung mag-overnight. Sorry kung ngayon ko lang nasabi. Late na rin kasi nagsabi si Jose. (Nawala lang talaga sa isip kong itext ka.)”

“Okay lang.”

“Kaya ba?”

“Kaya naman.”

Unti-unti nang bumagal ang arangkada ng taxi. Medyo maluwag naman na ang daan. Tumingin ako sa aking kanan at tumambad sa akin ang isang terminal ng mga bus. Mag-aabot ka na sana ng limang daang bayad para sa pagsakay natin sa taxi pero wala pang panukli ang driver. Ako na ang nagbayad ng pamasahe para hindi na magpabarya pa yung driver kung saan at naaatat na rin akong bumaba. Sandali ko lang naman inisip kung madali ba kitang mapagbibigyan at hindi na sisingilin sa taxi na sinabi mong ikaw ang sasagot. Hindi ko rin kasi tantyado kung makakamagkano tayo sa Baguio.

Pagbaba mula sa taxi, madali kitang tinanong kung may naiwan ba sa loob. Sinilip ko na rin para makasiguro. Wala naman. Muntik na akong dumiretso sa daan kung saan lumalabas ang mga bus ng terminal. Mabuti na lamang at hindi ako gaanong nagmadali at tiningnan kung saan ka paraan. Sinundan kita at nakitang papalapit sa entrance para sa mga pasahero. Hindi na chineck ng guwardiya yung mga bag natin, hindi ko rin sigurado kung bakit.

Pagpasok, una kong napansin ang maraming upuan sa waiting area para sa mga pasahero. Hindi naman siksikan, hindi kulob, saktong kaunti lang ng mga pasahero. Nakita ko rin ang ilan sa mga bilihan ng pagkain at inumin, at sana, yosi. Dumiretso ka na sa bilihan ng mga ticket at pareho na tayong naglabas ng kanya-kanyang ID. Hindi ka nabigyan ng discount ng nagbebenta ng ticket dahil sa wala pang sticker ng unang semestre yung ID mo. Sabi mo naman, okay lang. Naglalaro lang naman sa isang daan yung patong.

“May yosi ba diyan?” turo ko sa tindahan ng sari-saring pagkain at inumin, merienda.

“Tingnan natin.”

“Anong yosi mo? Reds? Black?”

“Isang pack na bilhin mo.”

“Reds na lang.” Marlboro.

“Okay, baby.”

Sinamahan mo akong bumili ng isang kaha ng pula. Naatat na akong bumili ng yosi hindi lang dahil ngatal na tayo pareho. Ramdam ko rin naman yung haba ng biyaheng ating lalakbayin. Lighter lang din kasi yung laman ng kanang bulsa ko. Parang kulang ‘pag walang isang kaha ng yosi eh.

“Magsi-CR lang ako, baby.”

“Saan ba yung CR?” Retorika. Sinundan kita nang hindi naghihintay ng sagot. Siyempre, nauna akong natapos sa iyo. Paglabas ko ng palikuran e nakita ko sa harap ang isang malaking sementong malapasong ash tray. Hindi ko alam kung abo lamang at mga upos ng yosi yung laman no’n pero mukhang may mga dagdag na ring alikabok at buhangin. Nauna na akong nagsindi. Maya-maya’y lumabas ka na rin at inabutan na kita ng isang stick.

Hindi nagtagal ay may lumapit na isang aleng may bitbit na sanggol. Unti-unti akong lumayo, paatras tungong harapan ng CR. Iniba ko rin ang direksyon ng buga ng yosi. Putang inang hassle. Napansin mo ang aking paglayo maging ang sanhi nito kung kaya’t sumunod ka at tumabi sa akin. Hindi ko naiintindihan kung anong sinasabi ng ale. Tila umaawit siya o kung ano, o kung kinakausap niya yung sanggol. Hindi ko alam kung wala akong balak intindihin yung sinasabi niya o hindi siya nananagalog. Hindi ko rin maintindihan kung bakit inilapit niya yung bata sa malaking smoking sign. Baka hindi marunong magbasa? Hindi rin. Nakita niya tayong nagyoyosi at nagkalat sa bahaging iyon ng terminal ang mga upos. Mabuti na lamang at umalis na siya bitbit ang bata matapos ang ilang minutong katangahan.

“Ang weird lang na lumapit siya dito.”

“Baka pinapahamak niya yung alaga niya or something.”

Lumapit ka sa akin at idinikit ang iyong katawan. Humawak sa aking kanang pisngi’t nag-abot ng panibagong halik. Niyakap kita’t hinalikan sa ulo matapos amuying panumandali ang iyong buhok. Yumakap ka rin sa’kin.

“Nasa ’yo yung tickets ‘di ba? Nakalagay ba dun yung bus number?” Baka kasi maiwan tayo. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako e alam mo naman yung galawan dito. Parang natatakot akong maiwan e makailang ulit ka na nga palang nakasakay tungong Baguio. Siguro’y sanay lamang ako sa kadalasang mga kasablayan ng mga pinaplanong mga bagay. Maya-maya’y,

“O yung mga bibiyahe po ng Baguio diyan, nandito na po yung bus ninyo,” nagparada na ang isang Victory Liner bus na may libreng wi-fi. Habang pasakay na tayo’y ipinaliwanag mo sa akin na mayroong mga pagkakataong may sumasakay na mga pasaherong walang ticket noong nagtanong ako tungkol sa kung paano kung paalis na ang bus at hindi pa naman ito napupuno. Inilahad mo ring parating saktong umaalis ang bus ng Victory Liner, na sumusunod sa oras noong nagtanong naman ako kung nagpupuno ba ng mga pasahero ang mga bus dito.

“Guaranteed seats naman ‘di ba?” sabay hanap ng seat numbers sa mga upuan. Ikinagulat ko ang bigla mong pag-upo. “Pa’no mo nalamang diyan tayo?” Hindi ko kasi mahanap. Itinuro mo sa akin kung saan matatagpuan ang hinahanap ko sabay tawa sa kawalang-muwangan ko. Tumabi na ako sa ’yo, huminga nang maluwag, ipinuwesto sa baba ang bag, at nagsuot na ng jacket.

“Nasa ’yo ba yung ticket?” pag-aalala ko pa rin. Alam ko namang nasa iyo, nasa bag mo. Hindi pa rin ako mapakali. Bahala na. Ikaw naman ang bahala sa akin, sa atin.

Makaraan ang sampung minutong paghihintay, umarangkada rin ang bus na ating sinakyan. Ang galing, sabi ko sa aking sarili. Ngayon lamang ako ulit nakasakay ng pampasaherong sumusunod sa schedule. Madali akong naatat kung kaya’t inilabas ko ang aking laptop nang maipagpatuloy at matapos ang pinapanood kong pelikula kaninang madaling araw.

“Alam ko ‘yan,” matapos mong makita ang title ng aking piniling video file.

“Napanood mo na or yung experiment mismo?”

Sinagot mong hindi mo pa napapanood ang pelikula ngunit may kaalaman ukol sa experiment. Doon ko lamang napagtantong kilala pala ang experiment na ito. Interesante kung bakit sumikat o kung bakit hindi ako napalipat ng window, kumaligtang bagot sa pinanonood.

Noong una’y sumandal ka sa akin habang nanonood. Maya-maya’y hindi na ako sigurado kung nanonood ka pa nga ba. Tinanggal mo na ang saplot sa iyong mga paa saka namaluktot pahiga sa iyong puwesto habang nakasandal pa rin ang iyong ulo malapit sa aking dibdib. Tuluy-tuloy pa rin ako sa panonood. Saka ko lamang namalayang tulog ka na nang hindi ka na nagreact nung nagsalita ako isang beses tungkol sa pinanonood.

Tahimik ka na sa iyong pagkakahimlay. Naramdaman ko na ring makikisiping ang antok sa paparating na haba ng biyahe. Sinubukan kong manood ng panibagong mga pelikula/episode ngunit hindi ko rin nakayanang tagalan. Isinara ko na ang aking laptop at nagbaka sakaling makakuha rin ng tulog na hindi ako sinundo kagabi.

E punyeta, hindi rin ako makatulog. Hanggang pikit-blackout lang ang kaya ko. Hindi naman maingay yung mga pasaherong kasabay natin. Kaso, bukod sa nararamdaman ko pa yung bawat pagliko ng bus at pagbabanggaan ng mga gamit sa loob, hindi ko rin maiwasang mairita sa tunog ng binuksang TV ng konduktor.

Doon ko lang narealize na hindi ko kayang matulog nang sapilitan sa bus kapag umaga, kahit wala pa akong tulog. Hinayaan ko na lang. Pinilit kong panoorin yung palabas. Natuwa naman ako nang ilang minuto. Hindi ulit nagtagal, nabagot na naman ako. Pasilip-silip ako minu-minuto sa magkabilang mga bintana. Pakiramdam ko, nasa Kamaynilaan pa rin tayo. Pero pakiramdam ko rin, malapit na tayo tumahak ng N-lex.

Kakaisip kung anong gagawin, at matapos ang ilang minuto pang palingat-lingat ng gagawin at aatupagin habang nakaupo, dinapuan na rin ako sa wakas ng katiting na antok. Yumuko akong bahagya at sinilip ang iyong mga talukap kung mahimbing ka pa rin. Ikinilos ko nang kaunti ang aking katawan hanggang sa makahanap ng puwestong maaari kong isandal na rin ang aking ulo. Naghandang muli managinip.