IV
“Kinocontact ka na ba ni, Janine?” tumayo na ako sa kama’t nagbanyong sumandali. Paglabas ko’y nagbibihis ka na. Hinanap ko na rin ang aking pantalo’t T-shirt. Sinabi ko sa iyong ikaw na lang ang kumausap sa kanya. Tutal, sa tingin ko nama’y mas marami kayong pinag-usapan sa text, kasama si Wame kagabi. Idinagdag ko na lamang na sa Mt. Cloud ang tinext na lugar ni Janine kasama ang oras na available siya. “Alam mo ba kung saan ‘yon?”
“Yes, baby.” Pumanatag naman ang loob ko. Mukhang nagbabalik nang muli ang galawang Baguio mo.
Paglabas natin ng tinutuluya’y nakapagsindi nang muli ng yosi. Malamig pa rin ang simoy na maya’t maya ko pa rin inaabangan. Tanga na lang siguro ang pagpawisan sa Baguio.
Dinala mo muna ako sa isang cupcake bakery dahil hihintayin pa muna natin para sa eksaktong plano ng pagdeliver ng mga libro ni Wame. Umorder tayo ng magkaibang cupcake. Tinikman ko ang iyo at pinatikim ko rin ang akin. Matapos makakain at makainom ng tubig ay tinanong ko kung saan tayo manananghalian. Matagal ko na rin binanggit sa iyo na hindi dapat tayo sa fast food kakain. Nag-Baguio pa tayo kung ganun din lang ang kababagsakan. Paglabas nati’y hinawakan ko ang iyong kamay at naglakad na tayo. Nakita ko kaagad ang terminal ng Victory Liner at napatawang bahagya. Naasar ka nang kaunti sa akin at ipinaliwanag ang karimlan kanina sa iyong pag-alala.
Hinila at dinala mo na ako. Maya’t maya kang nagsisilbing tour guide na nagtuturo ng mga lugar nang may pagsasalaysay sa mga karanasan mo noong unang taon mo sa kolehiyo. Sinabi mo rin sa aking one-way lang halos lahat ng mga daan at may mga hassle na pedestrian lane. Paanong hassle? Tanong ko sa aking sarili. Sinagot ko sa iyo na dapat e alam ng mga gumagawa ng daan kung saan nila ipipinta ang mga daanan ng tao, na alam nila ang kanilang mga ginagawa. Pero siyempre, ipaglalaban mo ang iyong opinyon. Hindi bale dahil maaga ko rin namang narealize sa ating mga pagtawid na ang babait ng mga nagmamaneho sa mga tumatawid. Para bang sanay sila na maraming naglalakad sa kalsada, na marami nga namang bumibisita sa Baguio.
Makalipas ang ilang minuto pang pagkukuwento mo habang tayo’y naglalakad ay nakarating tayo sa 50’s Diner. May nakaparadang isang sasakyang mukhang hindi naman umaandar at mukhang pampiktyuran lamang ng mga turista. Pumasok na tayo sa kainan at isang ambience ng pagkalumang panahon sa US ang nagpatayo sa aking mga balahibo sa batok.
Nakahanap na tayo kaagad ng bakanteng lamesa at dalawang magkaharap na upuan. Maaga na tayong pumuwesto at humingi ng menu.
Ang laki ng menu. Ang daming choices. Lalong nagpalula sa aking pagpili ang aking matinding gutom. Ilang minuto rin bago akong may napusuan talaga. Dalawa ang nais kong orderin para sa akin.
“Malalaki ang servings nila rito,” paalala mo sa akin. Okay lang, humanay ko sa aking sarili. Alam ko sa sarili kong gutom na gutom na talaga kasi ako. Tumawag na ako ng isang waitress at umorder na ako ng signature burger sandwich nila, at isang platong spaghetti.
“Ano sa ’yo?”
“Tsaka po isang… cordon bleu,” banggit mo naman sa waitress. “Tsaka isa pong chocolate milkshake.”
“Tubig lang sa’kin,” huli kong bira kay Ate. Kinuha na niya ang menu at nagsimula na tayong maghintay. Napansin kong pare-parehong nakapink na uniform lahat ng waitress. “Yosi lang muna ako,” bilang bobo kong segway.
“Bawal magyosiii,” pagpigil mo sa akin. Nagbuntong-hininga na lamang ako ngunit pumayag. Ang lakas mo sa’kin eh. Tinanggal ko ang aking kamay sa yosi pocket at kinilala na lamang ang interior ng kainan.
May ilan pang mga mesa’t mga upuan sa gitna ng restaurant at mayroon ding mga nakapuwesto sa mga gilid ngunit malambot ang mga salumpuwitan maging sandalan. Lumingon ako’t napansing bakante na ang isa sa mga ito. Hinimok kitang lumipat doon.
Pagkaupong muli sa malambot ay itinuro ko ang mga movie poster na nakaframe at display sa mga pader.
“Dami nilang lumang movie posters dito,” 50’s nga e, ‘di ba. “Nilabasan ka ba?” Umakto akong pasalsal at ipinutok ang imaginary kong tamod sa ilang poster na abot ng aking paningin. Sinundan mo na lang ito ng pagtawa.
Maya-maya’y may papalapit na matandang may dalang tray ng isang malaking burger. Tingin ko’y ito na yung akin. Iyon na nga. Kasama na rin sa tray ang spaghetti na mukhang hindi kamatis ang timpla. Isinerve na rin ang order mo. Medyo nagulat pa rin ako kahit na binalaan mo na ako kanina sa laki nga ng mga serving. Ang tataba rin ng fries, na hinalf-expect ko rin naman.
Halos mabusog na ako sa aking sandwich. Muntik ko nang hindi maubos ang bawat pilit kong pagsubo ng fries. Tiningnan ko ang iyong plato at nakakalahati ka naman na. Hinanap mo na rin ang iyong milkshake. Tumayo na ako at finollow up ang natitira mong order.
Hindi na rin naman na tumagal pa’t inabot na sa ’yo ang tsokolate. Ako ang unang tumikim, siyempre. Naubos ko na ang aking mga order sabay reklamong parang instant spaghetti na nasa pakete lamang yung niluto para sa akin. Mabuti na lamang at sinalo ng sarap ng sandwich yung pagkabadtrip ko, o gutom lang talaga ako nung nilamutak ko ang burger at fries.
Hindi ka pa rin tapos kumain. “Ano ba ‘yan, nagugutom na ulit ako,” biro ko. Sinundot ko ang aking tinidor sa iyong ulam dahil mukha namang malapit ka nang mabusog nang hindi mauubos ang iyong inorder. Kumuha pa akong muli ng dalawa hanggang tatlong pilas sa cordon bluweh at nabusog ka na rin. Sumipsip na ako sa huling pagkakataon sa iyong milkshake at saka mo ito inubos.
Matapos makapagbayad ng bill ay dumiretso tayo sa isang bench na malapit sa harapan ng 50’s. Nakapagsinding muli.
“Alam mo ba kung sa’n yun?” Ano nga ulit yun, “Cloud Mountain ba yun?”
Ngumiti ka’t nilinaw na Mt. Cloud, “Ang cute mo, haha.” Napangiti na lang din ako. Alam ko naman. HEHE. Kinilig pa rin akong kaunti, kahit na madalas akong makatanggap ng papuri sa ’yo.
Naubos nang hanggang upos at umalis na tayo sa bench. Kinuha kong muli ang iyong kamay at hinila mo na ako na parang bata. “Marami bang ulap do’n? Haha.”
“Bookstore siya, baby. Haha.” Sige lang. Akala ko naman kasi nasa Baguio nga naman tayo’t baka may lugar na maaaring maabot ang mga ula-- you know what. Never mind. Nahiya na ako nung binanggit ko sa ’yo ang aking inasahan. Ngumiti ka lamang muli’t nakyutan ulit sa akin, siyempre.
Nakarating na tayo sa bookstore at madali kong tinext si Janine. Ninais mong mag-CR ngunit naligaw ka lamang at hindi na ito hinanap pa kahit nagbigay na ng instructions si Ate sa Mt. Cloud.
“Will be there in a few minutes daw,” pagbasa ko sa iyo ng aking nareceive na text. Tiningnan na lamang natin ang mga libro sa marami-raming shelf na kahoy. May mangilan-ngilan ding mesa na puno ng stacks ng mga libro. Maya-maya’y nakareceive na ako ng text na nakarating na si Janine. “Andito na raw siya.”
Pumaligid ang aking paningin. Sumilip din ako sa labas. Pagpasok kong muli’y nakita kong kinakausap mo na pala siya. Inabot ko na ang sampung kopya ng Sansaglit matapos silang dukutin sa aking bag.
“Gusto niyong magyosi?” aya niya sa atin. “Kaso lights lang.” Natawa akong bahagya dahil hindi ka nagyoyosi ng lights. Hindi ko nasabi agad na may dala naman tayong reds. Lalo akong natawa sa aking sarili dahil inabutan ka niya kaagad ng isang stick sa ating paglabas sa smoking area bago pa man kita mabigyan. Nagkuwentuhan tayong tatlo sandali tungkol sa kanyang pananatili sa Baguio. Ikinuwento niya kung paanong ang sandaling pananatili rito ay nagbunga sa kanyang pagkuha ng mas matagal na trabaho.
Nagkaubusan na ng bullshit at usok, pumalapit na rin sa wakas ang pamamaalam ng pabigat na mga libro ni Wame, hindi naman sa nagrereklamo ako. Tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo. Binanggit mo sa aking malapit lang naman yung SM dito. Pumayag naman akong pumunta dahil wala naman tayo gaanong plano masyado at gabi pa naman natin gustong uminom. Kinuha ko nang muli ang iyong kamay nang ako’y magabayan.
Matapos ang ilang pagtawid, pag-akyat, pagbaba’y narating na natin ang nasabing mall. Hindi pa rin alam ang gagawin pagpasok kung kaya’t naglakad-lakad na lamang tayo, at umakyat pa ng ilang palapag. Sinabi mong mayroong magandang puwesto sa taas kaya sumunod pa rin ako sa ’yo. Maya-maya’y may nakita kang ice cream stand at lumapit dito. Siyempre, tinanong mo ako ulit kung may gusto akong bilhing ice cream. Tiningnan ko naman yung menu nang medyo matagal pero wala pa rin akong nagustuhan.
Sa aking pagkainip ay napalingat akong saglit at may napansing Blue Magic. Wala naman ako sa wisyong magpakahayskul at surpresahin ka ng isang matabang teddy bear pero hindi ko pa rin napigilang pumasok. Umoorder ka pa naman at mukhang medyo matagal pa ang proseso. Pagpasok ko’y maraming nagpapakahayskul at bumibiling kalalakihan ng teddy bear. May mangilan-ngilan lamang na kababaihang katulad ko na inaappreciate lang yung kakyutan ng mga ohmygod na stuffed animal sa loob.
Kaya ko rin namang magkaroon ng katabing mga ganito at kayakap. Kay lalambot kaya nila. Wala ako sa mood magpakapeminista pa noong puntong iyon kung kaya’t lumabas na ’ko’t napansin kong hawak mo na ang iyong ice cream. Pagkita ko’y may mga halong strawberry at inisip ko kung bibigyan mo ba ako. Well siyempre, inaya mo akong tikman yung ice cream mo. Nagpasubo ako ng isa at sinamahan mo pa ng strawberry.
Lumabas tayo sa isang tila balkonaheng ulit na bahagi ng palapag at tumambad ang isang view ng matataas at mabababang gusali’t kabahayan sa harap ng SM. May ilang mga tao rin ang nandoon sa floor. Sari-saring edad. Yung iba, nag-aaral sa Baguio. Yung iba naman, obvious na mga turista. May isang bata rin na hindi natin napigilang pagtripan nang hindi nahahalata.
Maya-maya’y nilagyan mo ng ice cream yung pisngi ko, sabay dila rito. Hindi ko maibulalas pero it’s so fucking hot. Inulit-ulit mo pa ito hanggang sa kumaunti na ang iyong kinakain. Ginusto kong sa kama mo na lang iyon ubusin.
“Anong plano?”
“Sex muna pag-uwi. Then dinner, tapos inom,” tapos sex ulit.
“Natatae na ’ko,” bungad ko para umuwi. Tang ina kasing Baguio ‘yan bawal magyosi amputa. Ay, kaso, wala nga pala tayong tissue at sabong malaki. Ang liit kasi ng sabong dinala mo. Okay naman na nagdala ka, at hindi ako nagrereklamo. Pero ang genius ng tingin ko sa sarili ko nung naisip kong dumaan sa Watson’s para bumili ng ilang stuff na kakailanganin natin. “’Di ba may Watson’s kanina? Daan muna tayo do’n.”
“Anong bibilhin mo?”
“Tissue,” ang una kong naisip. Parang taeng-tae na kasi talaga ako. Baka hindi na tayo umabot kung sakali at sa mall na ako sumabog. “Tsaka sabon na rin,” panghugas ng puwet siguro kung sakaling umatras yung sinapunan ko. Kinuha ko na ang iyong kamay kahit na alam kong ikaw pa rin ang mauuna. Dumiretso na nga tayo sa Watson’s at kumuha na ako ng tissue at sabon. Pag-abot ko sa counter ay nakapagsingit ka ng para rin sa kung sakaling nasa punan mo. Sana naman wala. Pero, malakas naman ang kutob ko sa wala.
Inisip ko kung magtataxi tayo paglabas ng mall dahil hindi ko pa rin matantya kung babati na ba yung tae ko sa akin. Natatantya ko namang kaya ko pang pigilan pero hindi ko sigurado. Ang dami na rin natin kasing nilakad kung kaya’t baka malayo nga tayo mula sa tinutuluyan natin. Sinabi mo namang malapit lang tayo at kaya namang lakarin.
Medyo nabigla pa rin ako sa inabot mo kanina kaya ramdam kong ramdam natin nang sabay kung bakit medyo tahimik tayo ngayong naglalakad. Nagconcentrate na lamang ako sa pagpipigil ng utot, although medyo nahirapan ako kasi nagswitch ako sa pag-utot nang walang tunog. Hindi naman ako nahihiyang umutot kasama ka. Hello, mahal na mahal kaya kita. Pero baka kasi may mga tao sa likuran at baka marinig nila ako, kahit na alam kong umuutot naman lahat ng tao.
Ilang pagtawid pa’t pagbaba’y nakikilala ko nang muli yung dinaraanan natin. Pagkarating sa inn ay nauna ka sa banyo dahil magbabawas ka rin pala. Hindi ko na napigilan yung akin, “Danielle?”
“Babe?”
“Tapos ka na? Hindi ko na kaya eh.” Nakalabas ka naman matapos ang ilang segundo. “Tapos ka na?”
“Hindi pa. Pero sige, ikaw muna.” Gusto na kitang halikan kasi ang bait-bait mo pero kailangan ko na talagang ilabas ‘to.
Matapos kong makaraos ay dumukot ako ng yosi at nagsindi na sa labas. Paginaw na ang simoy. Lalo akong nagpayakap sa jacket na suot. Hindi ko na rin alintana ang yapak sa aking talampaka’t minsan lang naman ako magpakita ng paa sa lupa/semento. Maginaw na talaga. Maginaw nga talaga sa Baguio. Iba rin ang bawat kapal ng usok at init sa bawat hithit ng sigarilyo. Damang-dama ang apat na piso kung sakaling tumama ang math na reds. Sumigaw na ako ng Cut! sa shinushoot kong commercial ng Baguio at Marlboro at bumalik na sa iyong tabi.
Nakadapa ka nang muli sa kama. Tumabi na ako sa ’yo, humalik sa iyong labi at hinilang muli sa pagtakas at kubli.
No comments:
Post a Comment