BLKD
'Tong si Zero Hour, real old rapper. Ugat-ugat na palasumbat, talagang emo nagger. Napagkakamalang malakas kasi ang deep voice, loud. Lasing na Baron Geisler ka lang, ako 'pag nagbeast mode, Hound. Kaya naman tuluy-tuloy kahit na medyo nawawala dahil itong si Zero Hour, katapat ko na nabigla. Ako'y tumatalo ng armado, parang People Power. Ikaw, hanggang salita ka lang, parang keyboard gangster. Gusto mong maging batas? Ako ang veto power.
Ano, pamilyar ba yung iskemang hinataw ko? Pinapaalala ko lang sa 'yo yung panalong ninakaw mo. Akala mo, 'tong labang 'to, deserve mong maachieve? Substitute ka lang kasi yung maestro nagleave. Kaya nga kasaysayan ng pangalan mo ang panampal kong malala dahil ang zero ay place holder lang naman sa wala. Math bars.
Bawat linya ko, may bilang, kay Zero nakasentro. Ang lakas magmataas, angat lang naman kay Negatibo. Ni hindi mo nga magawang maging top dog Davaoeño. Hindi mo maaangatan si Sak. Bakit? Kasi nga, positibo.
'Yang talino mo, overrated, parang si Tito Boy. Hari-harian ka lang sa Davao, parang si Quiboloy. Ako yung tibak sa Etibak, ako yung demonyong demigod. Kaya 'yang ego mong delicate, lagay sa akin, delikads. Isang maling tingin, makakakita ka ng heavy jab. Dumating kang banlag, uuwi kang Fetty Wap.
Kaya ibahin niyo 'ko sa mga lokong ang talino, minimal. Gaya ang 'stilo, kaliwa't kanan, yun ang stereotypical. Walang meta-metapisikal, mga metapora ko, pisikal. Lahat ng liriko ay tunay 'pagkat tunay na lirikal. Aking mekanismo, iligal, sa batas ng realismo, kriminal. Ako'y rebeldeng may puso, bumibilib ang sinikal. Ang kalawakan ng aking utak ay armas-pangmilitar. Kaya 'pag ako ang nagbanta ng balang araw, literal. Banga! Banga! Banga!
Round 2
BLKD
Isa lang ang sasagutin ko sa napakahaba mong binato. Tatanggalin mo yung mata ko kasi ipapalit mo diyan sa isa mo.
Round 2
BLKD
Isa lang ang sasagutin ko sa napakahaba mong binato. Tatanggalin mo yung mata ko kasi ipapalit mo diyan sa isa mo.
Sa lahat ng laban mo, lagi kang nagyayabang na nagrarap ka na noong kami, bata pa lang, na hip hop ka na, kami, hilaw pa ang muwang. E 'di ikaw na, ikaw na ang gurang. Sa sobra mong tanda, yung habambuhay mo, walang haba. Sa sobra mong tanda, wala kang kababata. Iba ang old sa mature, iba ang luma sa classic. Iba ang senior sa señor, ikaw yung G na geriatric.
Hindi tamang basehan ng husay ang pagiging datihan. Tandaan: Hindi lahat ng beterano, batikan Pastilan! Ilan na nga ba ang natalo mo sa iyong past? Ilan? Ang paghanay mo sa mga bata ang mismong testamento kung gaano ka kahina at nagkukulang sa talento. Matanda ka na, panget pa, pero mali ka ng tinakot dahil kung tunay kang malakas, dapat hindi na kita inabot.
Fifty years from now, BLKD? Ang galing mo naman? Aric, bago 'ko maging ganyan, patayin niyo na lang. Siya raw ang BLKD ng hinaharap kaya dapat lang magsalubong. Ako'y magiging ikaw lang, 'pag aking utak na sulong sa batak nalulong nang dalawampung taon, nababad sa bubong, nalutong sa pugon, lumutang, lumutong, at sa old school, nakulong. Ako'y magiging ikaw lang 'pag tumanda ako nang paurong.
Ikaw yung luma sa salitang pluma, ako yung ulat sa panulat. May dunong ka nga sa sulat pero bano sa sukat. Kaya may mga bara mang kasintigas ng kongkreto't bato, kung walang flow na pambigwas, kumpleto na 'to? Ito raw ang modernong balagtasan, kuntento kayo? Magbalagtasan ka na lang, walang moderno sa 'yo.
Kasi, Vincent Manalili, mukha kang inbred na paniki. Mapangmatang banlag, nandidiri sa sarili. Sa pagiging simpleng old school, ang iyong skill set, nanatili. Paulit-ulit ka lang sa cam, parang sa deep-set ka nawili. Nahuhuli ka na nga, kulang pa sa sisi. Stay out of my lane, kulang ka sa CC. Ang pagbangga mo sa BLKD ay instant harakiri. Baho kag kilikili.
Round 3
BLKD
Hindi ako jobless, full-time artist ako ngayon. Ayoko kasing maging katulad mo, alipin ng mga kapitalistang Hapon. Ikaw, binabarat para magsilbi sa Honda. Ako, sinusuwelduhan para magsindi ng honda.
Ang sabi-sabi sa tabi-tabi, mahusay daw 'tong si Zero sa Tagalog. Kung gano'n, ang tanong, ano ba ang zero sa Tagalog? Wala, o wala? Either way, wala lang 'tong Zero sa Tagalog. Dumayo pa 'ko ngayon para lang patunayang wala 'tong Zero sa Tagalog.
E wala ka pala e, kaya wala kang karapatang magmagaling kasi wala ka na ngang dating, wala ka pang narating. Kaya mawalang galang na po, wala nang mano-mano. Oo, wala nang manu-mano, mga bara ko, armado. Kung tingin mo, wala ka pang talo, at wala pang tumba, 'pag ako nagwala, magkakaro'n ka.
Kaya wala akong paki sa 'yong dekadang dedikasyon. Ito'y walang pagkatuto laban sa walang limitasyon. Top-tier ng Mindanao, palakpakan. Top-tier daw ng Mindanao. Top-tier ng Mindanao? Nahihibang ka ba? May top-tier ba sa Mindanao? Bilangin niyo nga kung iilan. Kahit sa bata itanong, ang sagot, easy lang. Hindi binabanggit ang zero tuwing nagbibilang.
Simple lang, kung tunay kang malakas, bakit kailangan mo pang mandaya? Lumalampas ka pa sa time limits para lang mangmama. Kung sa bagay, sa pangalan pa lang, parang 'di na tama. Hindi ba't ang sulat ng 0 ay round na pinahaba? Yawa.
Ako na nga ang dumayo, ikaw pa ang nasindak. Mas mahal ako ng Davao, mga bars ko, matingkad. Pinaglaruan ko lang 'tong Zero, meanings na baliktad. Kasi hindi ka na nga pumuntos, hindi ka pa rin love.
At shoutouts sa kagrupo mo, mga idol, Down Loud Crew, #TataySwag. Istilo'y inutang lang sa Wu-Tang kaya kulang pa ang ambag. Bisayang Pamilya Dimagiba, e 'di Pamilya Dimaguba? Pamagat ng album, TULAmbuhay, wala namang buhay ang mga tula. Tuloy, 'yang lamya niyo sa pagrarap,
immortalized na. Baka sa demo ko pa lang, demolished ka na, demoralized pa.
immortalized na. Baka sa demo ko pa lang, demolished ka na, demoralized pa.
Kasi pinatay ko na yung ibang BLKD, ang naiwan, masama. Ito'y the one laban sa zero, may bilang sa wala. Bawat obra ko ay tadtad ng nakakahiwang kataga. Sa tigang na kaisipan ay mabisang pataba. 'Yang makaluma mong pananakot, madali lang magawa. At yun ang pagkakaiba ng halimaw sa banga. Banga! Banga! Banga! Tanda!
No comments:
Post a Comment