Ayos lang bang mahulog na lamang sa isang larawan? Mahinang paglayon na lamang siguro para sa mga 'di mapaaming karaniwang anyo ng pagmasid / pagtitig.
Mahilig kaming mga kupal lang sa eksena ng pagbabanggaang abnormal na maisatitik na ang lahat ng nasa aming paligid, maging mismo ang paligid, kahit na inuulol na lang namin ang aming mga sarili. Nandoon kami nagkukumpol sa malapalusot na panig na maaaring pagmumurahin lahat ng manghihimasok na boses ukol sa kawastuhan. Lahat, maging maganda o gago, ngunit walang itinuturing na mali.
Hindi na rin minsan pinag-iisipan pa ang isang malupit na pagliko. Ang kaya lang naming isipin ay yung sarili naming panlasa, kung paano kaming titikim, lalasap, kakain, mabubusog, magtitimpla, mamimili ng sangkap, gagamit ng mga taranta, at magpapakulong ermitanyo.
Kung gayo'y hindi tungo sa akin ang pagtanong. Hindi rin ako naghahanap ng kausap. Iba't ibamg ganda lamang ang aking pakay sa iba't ibang anyo. Ang tanging paghusgang bibigyang-halaga ay ang inalala nang mga pagmasid / pagtitig.
No comments:
Post a Comment