BLKD
Hoy, bata, kasasabi mo lang, mahangin ka pero 'yang hangin mo, yabang lang na hindi na maawat. Ako, hangin ko, pangwagayway ng watawat 'pagkat tinig ko, amihan, ihip ko, habagat.
Kaya, bata, 'di ba dati kang bata ni 2khelle na naging bata ni Nico? Do'n pa lang, dalawa na panalo ko,
ba't ka nandirito? Batang agresibo, mamamatay-tao? E, minama ka lang nung bata ni Cardo. Pero hindi naman talaga sa taon, sa tapang kinulang 'yan. Wala sa gulang 'yan, nasa gulang 'yan.
Kaya pagkabrutal mo, hindi na mabenta. Napatunayan nang tumitiklop 'tong lanseta. Ika'y armas-pang-away, ako, panggiyera. Bigla ka na lang hahandusay sa bangketa. Tutok na tutok sa tuktok ang punglo. Bang! Taktak-bungo, tagaktak-dugo pero hindi 'to tokhang na nagmamaang-maangan. Pa'no manlalaban ang walang kalaban-laban?
Ano, masakit ba? Hindi mo kayang tanggapin? Sige, gagawin kong mas patas 'tong bakbakan ng galing. Gagamitin kong sandata, matalinghaga ang dating. Oo, lanseta sa lanseta, saksakan ng talim. Oo, lanseta sa saksakan, talagang nakakashock. Kahit magblank ang utak ko, ang labas mo, sugat-sugat.
Kaya pa'no uubra ang blade mo, 'di nga tumalab yung chainsaw. Pinapahirapan mo lang sarili mo, dukhang pabor sa Train Law. Pa'no gagalos ang lanseta kay Vic Von Doom? Hanggang banta lang mga pasabog nitong si Kim Jong-un.
Ako'y mula sa hinaharap na battle rap ng 3030 kaya malinaw pa sa 20-20, ang lagay mo ay 50-50. Mabangis kang talaga kaso hanggang rap lang pala. 'Kala ko batang may K, batak lang pala. Tamang trip, naobsess sa laro ng pantig. Ang dami mo ngang multi, dami mong wordplay. Wala ka namang gig.
Panay sagad sa lalim lang ang kanyang bawat bayo. Hoy, si Invictus na lang ang nakakaintindi sa 'yo. Oo, tunay kang malakas pero lumalabas na mahina kasi aanhin ko ang malalim kung hindi naman mabisa.
Ako'y balakid na simbolo ng dedikasyon mo 'pagkat ang tunay na balakid ay ang limitasyon mo. Ang aking adhikain, ebolusyon ay tuparin kaya ang matalo mo 'ko ay tagumpay ko pa rin. Giba!
No comments:
Post a Comment