Ilang taon ka nang nag-iisip? Ilang mundo na ang nilakbay mo? Ilang mundo ang kaya mong lakbayin? Ilang mundo ang ayaw mong puntahan? Ilang mundo ang ayaw na ayaw mong puntahan? Eh, yung ayaw mong makita? Ayaw mong makasalamuha? Ayaw mong makisalamuha.
Ikaw ang pumili nito, at ako naman ang siyang kakausap sa iyong tunay / ibang kilanlan. Mabilis silang magtampo, alam ko. Sila lang minsan ang matibay. Minsan naman di'y hindi. Sila lamang ang mayroong mga gusto. Sila ang nagpapakilala sa mga ayaw. Sila ang may kakayanang lumipad. Sila lamang ang may kakayanang tumakas.
Mayroon silang kakayahang pumaslang at lumikha, gawing ipis ang mga paruparo, panatilihing nananalaytay ang likas ng hari, panatilihing sira-ulo ang hindi tugma, payamanin ang mahihirap, paghirapan ang kapayakan, pigilan ang mga karuwagang ragasa, bumantikyas nang siyang tumama na.
Ni hindi kailanman hinangad dito o ng mga ito na tumayog o makisapi. Mangyaring sila ay nagkusa lamang dahil sa simpleng katamaran at / o paglalakbay nang walang pupuntahan talaga kasabay ang kani-kanilang pag-iisip.
Iwan na ang mutyang sala.
No comments:
Post a Comment