Parehas lamang tayong minangmang ng panahon. Kabit-kabit na mga talata. Tinalagang mga pagpapayukong uto, hindi na malagkit ang iyong kapalaran. Bawat saglit ay sagisag ng hindi makatarungang pagbagsak sa mga maaamo. Hindi mo sila kakayanin. Malaya ka lamang na tunay kung maaari nang makihigop ng serbesa.
Mainit na sa ngayon ang pagtanggap, kakaliskis ang buhangin sa mga papikit nang mga siklab. Malabo ang tanyag ngunit may pag-ibabaw sa malalandi. Magagalit ka sa mga may husay kumontrata sa dilim, at ang sarili'y may sarili nang pagkaako.
Saglit lamang tayong magmahalan, malapit mo na rin akong itanggi. Hindi naman kita masisisi. Sa pahapyaw mong pagpaalalang ang mga tala ay nahuhulog pa rin pala, laking pag-alay ko sa iyong iganti ang silaw ng aking hindi mapapawing gutom.
No comments:
Post a Comment