Sa sigurong may mawala sa aki'y saka mo lamang ako mamahalin. Ako pa mismo itong magpapadausdos mahila lamang ang iyong walang saplot na pag-ibig. Ako ang iyong tanging iibigin sa dulo ng mga tagpo, sa preno ng mga tricycle na luma, sa lumilipad na mga jeepney sa kalsada. Hari-harian lamang ang mga naunang umupo sa trono ng pangkamatayang ibon at alapaap. Sa magdilirim nang kalangitan at nagsisilaglagang ipot, hahawakan ko ang iyong kamay pasulong sa ating piitan.
Hindi kita papakawalan hanggang sa pagsawaan mo na ang siyang pag-ibig. Ipadadanas sa iyo ang buhay ng pag-aalinlangan at galit na hinding-hindi maaaring pakawalan. Sa bawat pagpalag ng puso mong ligaw, ako ang sasalo sa aking palad nang hindi pilit na uunawa sa iyo, sa iyo na tanging ikaw, ikaw na tanging akin, tanging aking uunawain.
Lalabo ang mundo, magkakaroon ng panibagong mga talang magpapatingkad sa iyong mga umaga, sa mga ngiti mong ako lang ang hindi magsasawang hanapin. Magpapalitrato sa mga bagitong paaalalahanan natin kahit na hindi pa natin siya pang kilala ang tunay na pag-ibig. Tunay man ang ating hagip, tayo na lamang mismo ang lilikha ng ating sariling inunawang kilalang siguradong pag-ibig.
No comments:
Post a Comment