Nasa puso lagi ang kirot. Masasanay ka ring limot ang dangal. Sa panibagong mga pahinang aakay sa iyong pagtanda, asahang ang pagpapasya'y isasabit na pati ang mga sandaling nilalampasan lamang kadalasan. At sa mga sandaling ito rin aakalang hindi na muling makilala ang siyang sarili. Kung sa ganang ganito nang mag-umpisa ang bawat umaga'y ipagpasalamat na lamang din ang bawat higanting presensya at aliw ng buhay.
Malimit ang pagtatanggol, likas na mangingikil tungong paalamat ang kutitap sa iyong mga kamay. Walang dagliang makapapansin ngunit wala rin kung sa bisyong may pagpapahinto. Dala-dala pati nito ang mga ikinalulugod lamang ng mga hindi pinagtibay ng panahon. Magmumukha lamang agawan ng ensayo ang lalampas kung sakali mang sumimple't dumagsa ang mangilan-ngilang pagdaragdag sa mga pagtingalang kampante.
Kalmado lamang sila, at ikaw'y kukuruting muli sa puso. Magpairap kung magpapairap. Nakasakay rin naman silang katulad mo. Sa biyaheng ito na kaunti na lamang ang marunong magpatawad, kaibigan ng mga trumpeta at bulaklak ang siyang palaging maiipit sa daan. At sa iyong paisa-isang hakbang pabalik sa pag-ibig, luluwas kang panibagong hangad sa pagitan ng mga kalugud-lugod.
No comments:
Post a Comment