Ngayon lamang yata tayong nagkatapat. Nakakapanibagong pakiramdam. Hindi naman sa ayaw ko ngunit may kung anong kumukuwit sa aking mga kilos. Mayroon akong mga nais pang patunayan, ano pa nga ba ang mga balak? Nariyan ka't ubos na ang aking mga pakialam. Sa bawat tagaktak ng aking hiya'y may pagkalampag pa sa aking dibdib.
Naisipan kong magpahele nang masapian na lamang ng kakaibang atupag sa kabila ng lahat ng panggugulo ng aking isipan. Sa bawat sulyap ay may sunud-sunod na nakakahiyang iwas nang hindi mapaghalataang hindi ko pa rin nais huminto. Palalampasin ko lamang lahat ng pagkakataon hanggang sa makilala ko nang husto kung bakit nga ba ngayon lamang tayo pinagtapat.
Wala naman ako sa wisyong magbago, nariyan ang matalas. Sa kabila ng pagtahak ko tungo sa kamuntikang kamatayan at kalkal, paulit-ulit akong magpapasyang napasaya lamang akong hindi magsisisi. Mahaba pa ang aking lalakbayin, malayo pang muli tayong magtatapat. At sa pagkakataong malaya pa ang pagbati ng buwan sa umaga, nawa'y magsalubong ang kanilang mga ngiting hindi ipasisilay kanino man.
No comments:
Post a Comment