Pumikit na lamang nang hindi mapagbintangan. Namamantal na naman ang kaliwa kong kamay. May mga bagay na naman akong hindi matitiis. Saglit lang. Paano na nga bang ulit gumagana ito? Hindi ko na malaman-laman sa ngayon kung bakit pa nga ba naririto ang isang iglap lamang na sandali. Paumanhin. Salamat na rin. Magkabilang ibayo tayo ngunit ako'y iyo pa ring pinakikinggan nang hindi ko nalalaman. Sa mga hindi mo maunawaan, ipakatago mo na lamang sa likuran ng iyong puso, saka mo balikan kung malapit mo na akong maunawaan.
Tuluy-tuloy lamang ang ragasa ng panahon, walang maghihintay sa atin. Ikaw lamang ang madalas na basehan ng halos lahat ng aking mga hilig. Ikaw ang tipo, ikaw ang ngarag. Palaging nag-uumpisa ang ngatal ng palipat-lipat na bintana makaalala lamang akong muli ng una't tanging una kong magbigyang muli ng kislap. Ayos lang ako sa lahat, ayos pa rin naman lahat pa ng mga nangyayari. Ni hindi minsan akong nalito sa kung bakit ba ang umpisa'y patuloy pa ring nakikipagpatayang-abo at hindi na sinikatan pa ng buwan.
Sa kamay ng poon, tayo'y umasa. Hindi lamang bale sa wala, sa bathalang na ang gawa. Kikilos nang may kuwit lamang, pagaganahin ang loob, ang tibay ng loob sa bawat pagsubok na ipararanas sa atin. Magkikitang muli, sa tunay na panahon, ang araw at ang buwan. Tatagusan nang malumanay ang oras na madalas walang kampihan. At kung magkagayon man, tayo'y magiging handa, lahat ng mga tipo'y bibisa, lahat ng mga pangako'y matutupad. Kamutin man nang kamutin ang paghingi sa pila na mga medalya, ibang yamang siyang aakuhin sa yari ng sansinukuban.
No comments:
Post a Comment