Kahit na ilang ulit pang lubayan ang dalumat sa ipinagkikisigang mga sinlapot, 'di hamak na sumisimple pa rin ang mga saglit na hindi na dapat pupuwedeng. Tila nagmamadaling umahon paragsa hanggang ito na naman ang malupit na ibinubulalas. Mangyaring ito rin ang sadyang pilit na lumalabas na mula sa imbak na ibinabalik din ng lupa.
Maaari ring ito rin ang siyang boses na kakarampot pa rin ang nalalaman mula sa mahihigpit na tiklag sa magkabilang braso't bulwagan. Ang mga lumilipad na huni'y kay hirap mahuli at sadyang malabo na nang agaran sa tuwing makikitil sa hulihang bigkis.
Patawad, oo. Patawad sa mga layag na tungong paghigop na lamang ng matagal pang makukuntentong uhaw. Maririkit pa rin ang mga gabing isinanla ng katawang hapo sa nagmamadaling kurso ng daigdig. Hindi na bale, hindi rin naman magtatagal. Ang tao'y lagalag tungong sapat lamang, nagbabaka sakaling umimbot nang makasariling matikman ang tamis ng palad na ipinataw ng diyos.
No comments:
Post a Comment