January 31, 2022

The Jessica Soho Presidential Interviews, 2022 (Lacson, Isko, Pacquiao, Leni)

source: https://youtu.be/W7g82nFdWig
disclaimer: this is not an official transcript.
average reading time: 1 hr 8 mins

note: 
before remarking on errors,
check the audio from source first.

Jessica: What is wrong with us? Ano ang inyong diagnosis, o sa tingin niyo ay sakit nating mga Pilipino, o ng ating bansa, at ano naman po sa inyong palagay ang gamot dito, o prognosis for recovery?

Lacson: Ang isang kamalian nating mga Pilipino, tumigil tayo na mangarap. We have become dreamless, hopeless, and helpless. Ang dapat dito, baguhin yung attitude ng ating mga kababayan sa ating gobyerno. Kaya nga dapat ang manguna sa pagbabago ng attitude ng mga Pilipino ay yung gobyerno mismo. Kaya yung aming plataporma, yung aming battle cry, dapat ayusin ang gobyerno para mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino. There's no other way because lahat naman, nanggagaling sa gobyerno. Ang napakalaking problema ng ating bansa, gobyerno, at ang solusyon, gobyerno rin.

Leni: Ako, number one, hindi tayo natuto sa mistakes in the past. Maraming mga leksyon na naibigay sa 'tin sa mga pagkakamali natin nung nakaraan pero paulit-ulit natin 'tong ginagawa, at parang hindi tayo natututo. Yun yung number one, and yung prognosis nito, kailangan talagang maembed na siya sa ating educational system para bata pa lang, naiintindihan niya na kung ano yung mali, at ano yung tama para hindi natin paulit-ulit na nagagawa ulit yung mga maling nangyari in the past. Yung number two, yung value system. Yung value system natin, yung paniniwala, pag-uugali, parang nakakalimutan natin from time to time, na baka yung educational system din natin yung makakatulong nito.

Pacquiao: Ang kailangan natin, unang-una, ang problema natin is yung minsan, matigas din ang ulo natin, at hindi tayo sumusunod sa batas, at ang solusyon dito ay kailangan makipagcoordinate tayo at sumunod tayo sa kinauukulan which ang ating gobyerno, at magtulungan tayo, magkaisa. Ang kailangan dito ay nag-uusap, nagkakaisa, para resolbahin ang anumang problema ng ating bansa.

Isko: Sana matigil na talaga yung pasa-pasa ng pulitika sa mga kanilang mga kamag-anak. O, para naman magkaroon ng opportunity yung ibang tao na makapamili sa mga leader ng ating kanya-kanyang komunidad, and particularly, sa bansa, kasi nangyayari, for the past forty years, parang nag-aaway, dalawang pamilya lang. Minsan, parang yung tungkol lagi sa kanilang mga buhay-buhay at pamilya lamang nila, at higantihan lang ang nangyayari.

---

Jessica: Senator, kung mabibigyan ka ng superpower, ano pong pipiliin mo?

Lacson: Yung masolve yung problema ng Pilipinas, at masolve yung problema ng bawat mamamayang Pilipino. 'Yan lang yung aking hangarin.

Jessica: Anong problema po kaya 'yon?

Lacson: Napakalaki. Ang problema ng Pilipinas, talagang patung-patong, dala pa ng pandemya at tsaka napakarami pang pinagdaanang problema.

Jessica: Sino sa mga naging Presidente ang hinahangaan mo?

Lacson: Ang hinahangaan ko, si President PNoy. Unang-una, pinangunahan niya yung no wang-wang policy. Symbolic. Napakasimple, pero napakasymbolic. Ibig sabihin, walang entitlement. Sa mga nakaraang Pangulo natin, talagang siya yung hinahangaan ko kasi hindi siya corrupt, yun ang pagkakakilala ko sa kanya dahil nakatrabaho ko siya.

Jessica: Ano po ang inyong ipinagdarasal bawat gabi?

Lacson: Ang, 'Sana maging maayos ang buhay nating mga mamamayan,' kasi for the longest time, talagang naghihirap tayo dahil sa mostly self-inflicted, and mostly because of bad governance. Ang pinagdarasal ko, sana dumating yung panahon na tayong mga Pilipino, mamulat na magbantay sa ating mga government officials.

Jessica: Ano ang itinuturing mong most prized possession?

Lacson: Yung aking integridad. Sa napakahabang panahon, mula nang nagchief PNP ako, even before that, nung nasa law enforcement hanggang maging senador ako, 'yan ang aking pinagmamalaki, yung aking mataas na integridad. Ni minsan, hindi ako tumanggap ng suhol kapalit ng serbisyo-publiko.

Jessica: Ano po ang inyong biggest fear o kinatatakutan?

Lacson: Ang biggest fear ko sa ating buhay, mawalan ng pag-asa yung ating mga kababayan, at tuloy mawala ang kanilang respeto at tiwala sa ating pamahalaan. 'Yan ang nakakatakot sa lahat kasi 'pag ganyan ang nangyari ay wala na tayong kinabukasan.

---

Jessica: Ano po ang isang bagay na hindi puwedeng mawala sa inyo?

Leni: Siguro yung aking holding cross. Lagi ko 'tong hawak, all the time. Lagi kong dala all the time.

Jessica: Sino sa mga bayani ang gusto niyong makausap?

Leni: Jose Rizal dahil yung pinagdaanan niyang panahon, napakahirap. Gusto ko siyang tanungin kung pa'no niya yun nalagpasan, at papa'no niya natutunan yung mga lessons na tinuro niya sa 'tin despite the very difficult times.

Jessica: Kung hindi ka kandidato, sino ang iboboto mo sa mga tumatakbo ngayon for President?

Leni: Manny Pacquiao. Kilala ko siya. Alam ko na napakasinsero niyang tao.

Jessica: Ano ang iyong guiding principle sa buhay?

Leni: Na laging gumawa ng tama, at itreat yung ibang tao kung papa'no natin itreat yung sarili natin.

Jessica: Ilang oras ka nagtatrabaho sa isang araw?

Leni: Ako siguro, on the average, mga eighteen hours. Eighteen hours a day kasi on the average, mga anim na oras yung tulog ko.

---

Jessica: Ano ang ginagawa mo kapag ikaw ay nalulungkot?

Isko: Nagmumuni-muni. Nasa tabi, nagkakape-kape, trying to look at things differently, quietly, to see the clear picture. 

Jessica: Ano ang pinakamahal na gamit na meron ka?

Isko: Tsekot. I mean, kotse, kung gamit na maituturing yung tsekot.

Jessica: Puwedeng malaman anong kotse yun, tsaka magkano?

Isko: A, meron akong ano, van. Hiace ba tawag do'n? Toyota. Parang mahigit isang milyon. Malaking pera 'yon.

Jessica: Sa anong pagkakataon po kayo umiiyak?

Isko: Yung may mga sakit na bata kasi nung bata 'ko, nagtae ako so dinala 'ko San Lazaro, ta's yung nanay ko, maglalabada para makabili ng kulay dilaw na dextrose, so lagi kong naaalala 'yon kaya 'pag may sakit yung bata, medyo nadudurog ako.

Jessica: Kung hindi ka isang pulitiko, ano sa tingin mo ang trabaho mo ngayon?

Isko: Artista, at kung hindi ako nag-artista, malamang, seaman. Oo, kasi yun yung pangarap ko, maging kapitan ng barko dati, nung bata 'ko dahil pagka naging kapitan ka ng barko, yayaman ka e.

Jessica: Sino ang itinuturing mong real-life hero sa 'yong buhay?

Isko: Ay, yung mga magulang ko kasi marami silang naituro sa akin, na kung paano iraos ang buhay, paano maging matatag sa buhay, paano makaalis sa kinalalagyan. Lalung-lalo na tatay ko.

---

Jessica: Sino ang gusto mong makita sa paper bill? Yung pera po natin.

Pacquiao: Yung ating mga bayani. Yung nagbigay ng inspirasyon at karangalan sa ating bansa, bilang pagpapahalaga ng kanilang naambag at nagawa sa ating bansa.

Jessica: Ano ang inyong paboritong libro, at sino po ang author?

Pacquiao: Purpose Driven Life ang binabasa ko, at yun ang talagang nagbigay sa akin ng guide para magbagong buhay, and then ang Panginoon, nagbigay sa akin ng conviction.

Jessica: Sino hong author pala no'n?

Pacquiao: Rick Warren.

Jessica: Ano o sino ang itinuturing na greatest love ng buhay mo?

Pacquiao: Ang greatest love ng buhay ko ay siyempre, yung Panginoon. Pangalawa, yung pamilya ko, yung asawa ko.

Jessica: Anong ugali ng tao ang pinakaayaw mo?

Pacquiao: Ang pinakaayaw ko sa ugali ng tao ay yung hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, at hindi maawain.

Jessica: Sino ang taong inyong pinakahinahangaan?

Pacquiao: Ang taong pinakahinahangaan ko, siyempre, yung Mommy D ko at tsaka Daddy ko dahil sila ang nagpalaki sa akin nang tama.

---

Jessica: ...kung saan magpapakita kami ng mga larawan at hihingan namin ang ating mga aspirant ng one-word description sa bawat larawan.

Jessica: Si Kian delos Santos, isa pong victim ng EJK o extrajudicial killing.

Lacson: Hustisya.
Isko: Panagutan.
Pacquiao: Kawawa.
Leni: Nakakadurog.

Jessica: Siargao, after Odette.

Isko: Bilis-kilos.
Pacquiao: Kawawa.
Leni: Devastation.
Lacson: Kawawa.

Jessica: Philippine flag.

Pacquiao: Bandila ng Pilipinas.
Leni: Pagka-Pilipino.
Lacson: Igalang.
Isko: Mahal ko.

Jessica: Isang estudyante sa online class.

Leni: Edukasyon.
Lacson: Helpless.
Isko: Persevere.
Pacquiao: Pag-asa.

Jessica: Mga estudyanteng tumatawid ng ilog po.

Lacson: Corruption.
Isko: Imprastraktura.
Pacquiao: Hirap.
Leni: Kahirapan.

Jessica: (photo of President Rodrigo Duterte)

Isko: Leader.
Pacquiao: Pangulo.
Leni: President of the Philippines.
Lacson: Sayang.

Jessica: (photo of a virus, COVID-19)

Leni: COVID.
Lacson: Tapusin.
Isko: Threat.
Pacquiao: Salot.

---

Jessica: Nung 2017, sinabi po ninyo na maaaring nakapanlulumo ang sitwasyon ng inyong partido, ang Liberal Party, and, 'It's time to work. It's time to rebuild the party,' pero ngayon, hindi ba para hong inabanduna ninyo ang Liberal Party when you declared yourself as an independent candidate sa pagtakbo sa Mayo?

Leni: Hindi ako umalis ng Liberal Party, Jessica. Hindi ako umalis ng Liberal Party pero kaya ako nagkandidato as independent, kasi gusto namin, hindi ilimita sa partido namin yung makakasama sa labang ito. By running independent, we hope to convey the message that we are open to everyone, even those not belonging to the party so sa 'kin, Liberal Party member pa din ako pero kumakandidato ako as an independent, not as a Liberal Party member.

Jessica: Sa kasaysayan, wala pa pong independent candidate na nanalo for President. Sa tingin po ninyo, mababago niyo ito?

Leni: Ako, there is always a first time. Yung sa 'kin, tingin ko nga, baka fresh start ito para sa bansa natin, na yung uupo na Presidente ay Presidenteng hindi lang nanggaling sa isang partido pero Presidenteng bukas sa kahit anong partido kaya ito, Jessica, ano 'to, maraming firsts na nangyayari ngayon. Maraming first na nangyayari pero yung mensaheng gusto nating iconvey na bukas tayo para sa lahat, papakinggan lahat kahit hindi kapartido, ganun naman ako sa lahat ng eleksyon na pinasukan ko, na pagkatapos ng kampanya, tapos na yung pulitika. Trabaho na. Kabahagi na yun lahat, papakinggan yun lahat.

Jessica: May mga patutyada na you failed to unite the opposition. Hindi niyo raw napag-isa ang ibang mga kandidato. Parang failure ho ba ito on your part as a leader?

Leni: Ako, aaminin ko sa 'yo, Jessica, frustrated ako nung hindi nangyari. Frustrated ako kasi iniisip ko, ito sana yung best chance for us to unite under one candidate pero kung nung hindi siya nangyari, at ultimately, kumandidato ako, andaming nangyari after that, na maraming mga sumali sa aming grupo, na hindi naman kasali sa aming partido. Gusto kong sabihin, kahit hindi ko siguro yun naunite, yung mga presidential contenders, naging successful tayo in uniting so many different groups na non-politicians, at eto ay nagbibigay sa 'tin ng inspirasyon. Kahit yung mga politicians na kabahagi natin sa kampanya ngayon, iba-ibang partido din yung pinanggalingan.

Jessica: At this point ho ba, imposible nang magkaroon pa ng unification among all the other candidates?

Leni: Mas mahirap ngayon na nakapagfile na kami kasi invested na yung lahat. Marami nang supporters na invested pero hindi imposible. Sana magkaroon pa din ng pagkakataon na yung opportunity to unite ay magrab namin, pero I would have to admit na it would be more difficult now than before the filing.

Jessica: Matagal niyong pinag-isipan bago kayo nagdesisyon na tumakbo for President. Sinabi niyo rin noon na kung kayo ang pipiliing kandidato ng united opposition, tatakbo kayo, pero kalaunan, sinabi niyo rin na basta laban kay Bongbong Marcos ay lalaban kayo. Kaya tuloy ang puna sa inyo, kaya lang kayo tumakbo ay para labanan si Marcos na para bang yun ang inyong primary motivation for running.

Leni: Hindi yun yung primary motivation pero that is one of the factors that helped to decide to run, pero ito kasi, naaalala naman natin, merong isang bayan, merong isang multi-sectoral na pagkakaisa ng mga iba't ibang grupo na ito, sumailalim tayo sa proseso, and yung commitment ko do'n, na kung ako yung napili ay kakandidato ako. 'Pag hindi ako napili, kung sino yung napili ng grupo ay susuportahan ko yung kanilang choice, and because of the fact na ako yung pinili nila, nagcomply ako sa commitment, pero alam mo, mahaba yung journey pero I think I made the right decision.

Jessica: Napakapolarized ng ating lipunan. Hati-hati, hindi magkaisa, noon hanggang ngayon. Paano ho kaya 'yon 'pag kayo ang manalong Pangulo, paano niyo pag-iisahin ang Pilipinas? Paano niyo pagbubuklurin ang mga Pilipino, kahit pa yung mga hindi sumuporta sa inyo, o yung mga pro-Marcos?

Leni: Ako, dapat talaga, Jessica, merong mechanism para bigyan ng boses lahat kahit hindi mo kasundo. Yung aking palagay, yun yung ating missed opportunity after 2016, na dapat sana, after 2016, after the campaign, yung mga nakaupo ay nag-extend ng hand para siguraduhin na yung hindi kasama sa laban ay nagkaro'n ng pagkakaisa.

Jessica: Meron kayong supporters na nagsagawa ng crowdfunding o paglikom po ng pondo para sa inyong kandidatura pero ayon sa COMELEC, kailangang maging maingat ang mga kandidato o ang kandidato sa pagtanggap ng mga donasyon, lalo pa 'pag mula sa foreigners, na bawal sa batas. Paano niyo sinisigurong lehitimo ang inyong mga donor?

Leni: Unang-una, hindi ako kabahagi noon. Pangalawa, nung ginagawa na nila 'yon, talagang sinabi namin sa kanila yung mga bawal, and in fact, tiningnan namin yung parang social media account kung saan ginagawa yung fundraising. Meron dung mga disclosure. Ano yung inyong citizenship. Nakalagay do'n na 'pag hindi ka Pilipino, hindi ka puwedeng magdonate, so ano sila, well-informed, and yung kanilang nasosource na funds ay ginagamit para sa activities ng mga volunteers din, so none of that amount nireceive namin.

Jessica: How do you make sure that those donations do not come with strings attached, or donations in general?

Leni: Ako, unang-una, Jessica, I think eto nga yung pinakamabisang paraan, na iba yung nagsosolicit, iba yung nagcocrowdsource, iba din yung gumagastos ng funds na nalikom. Wala akong personal relationship sa mga nagdodonate. Walang commitments na binibigay, kasi ano 'to, parang independent activity ng mga volunteers.

Jessica: Ito ho yung medyo kontrobersyal sa inyo: Sinabi niyo na tanggapin ang pera pero iboto kung sino ang nasa konsensiya. Kalaunan, nilinaw niyo 'yon at sinabing hindi kayo pabor sa vote buying pero dapat bukas ang mata natin sa realities on the ground, exact quote po yun sa inyo. Sinabi niyo rin na hindi maayos ang pag-implement ng regulations sa vote buying. Yun nga lang, sinabihan po kayo ng COMELEC na vote buying pa rin daw 'yon, bawal, hindi dapat ginagawa, at hindi dapat sinusuggest sa mga botante. Pinaninindigan mo pa rin ba ang nauna mong pahayag na tanggapin ang pera at iboto ang nasa konsensiya?

Leni: Jessica, ako, dalawang eleksyon na yung aking dinaanan. Hindi lang ako pero yung asawa ko, anim na eleksyon yung pinagdaanan. Bawat eleksyon, nagrereklamo kami. Bawat eleksyon, nagrereklamo kami na ang vote buying activities na nangyayari sa paligid namin ay tuluy-tuloy. Hindi natin naiimplement yung batas na maayos, and dahil dito, lalo lang na parang namamayagpag yung mga namimili ng boto. Yung sa 'kin, tayong mga hindi naniniwala sa pagbibili ng boto, ano yung gagawin natin? Sasabihin natin na kahit kayo tumanggap, ay dapat gamitin niyo pa din yung konsensiya niyo, pero sa 'kin, Jessica, yung realities on the ground, nangyayari siya e. Nangyayari siya, and it is up for government, COMELEC, yung PNP, kung sino pa, mga law enforcement agencies na siguruhin sana na hindi ito pinapayagan.

Jessica: Kung ikaw ang mananalong Pangulo, paano mo sisiguruhing matitigil na ang ganitong kalakaran?

Leni: Lahat kasi, Jessica, nag-uumpisa sa pagiging mabuting halimbawa. Lahat nag-uumpisa sa pagiging mabuting halimbawa, sa hindi pagcocondone ng mga masasamang ginagawa. Ginawa namin ito sa Office of the Vice President. Nung umupo kami, Jessica, pinagtrabahuhan namin yung aming ISO certification. Pinagtrabahuhan namin yung aming unqualified COA audit rating, na eto, pagpapakita na ang aming isinusulong, malinis na pamamahala. Eto, dapat kami yung maging ehemplo at inspirasyon para yung lahat ay gagaya sa aming pinapakita sa kanila.

Jessica: Sa mga tumatakbo sa pagka-Pangulo, kayo ang nasa pinakamataas na puwesto. Kayo po, as Vice President, pero kayo rin ang may pinakamaikling karanasan sa pulitika. Sa inyong palagay, hinog na ba kayo o handa para sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno?

Leni: Jessica, maiksi yung aking panunungkulan sa pulitika pero long before I became a politician, I was already a public servant. Nakita ko na yung iba't ibang sides ng coin. Development worker ako for a very long time. Talagang yung aking pagsisilbi ay nasa pinakalaylayan ng lipunan. Itong aking eksperyensiya, karanasan sa pakikipagtulungan sa pinakamahihirap, nadala ko ito at yung mga aral nito nung ako ay nagcongresswoman. Dala-dala ko ito nung ako, nasa Office of the Vice President na, and para sa 'kin, ito yung mahalaga: Mahalaga na yung nakaupo ay yung puso niya, nasa pagsilbi talaga sa pinakamahihirap.

Jessica: Ina ng Bayan ang tingin sa inyo ng inyong mga tagasuporta, pero may mga nagsasabi't naniniwala na ang kailangan daw ng bansang katulad ng Pilipinas ay Pangulong may kamay na bakal. Ano pong reaksyon niyo rito?

Leni: Ako, depende sa kung papa'no mo dinedefine ang kamay na bakal. Kung ang kamay na bakal, pagpapakita ng katapangan, at in many stages in my being a Vice President, Jessica, pinakita ko 'to. Unang-una, nung ako ay tinanggal bilang HUDCC chairman, pinagpatuloy ko yung adbokasiya. Walang pagkatakot na sabihin yung mga nararamdaman kahit yun ay ikakagalit sa akin ng mga namumuno. Nung inoffer sa akin yung ICAD ay tinanggap ko 'yon, knowing for a fact na parang pumapasok ako sa lion's den. Kung katapangan lang naman yung pag-uusapan, Jessica, in many stages of my life, pinakita ko ito. Nawalan ako ng asawa, lumaban ako. Nung kumandidato ako bilang congresswoman, kalaban ko, isa sa pinakamatinding political dynasties sa lugar namin, pero lumaban ako. Nung lumaban ako bilang Vice President, baguhan ako. Kalaban ko, lahat, senador na nakaupo, lahat, lalaki, ako lang yung babae pero nagtagumpay ako, so kung katapangan lang naman, hindi ito nakikita sa gender. Nakikita ito kung papa'no ka nagdedesisyon sa maraming aspekto ng iyong buhay.

Jessica: Sa mga pinakahuling survey, pumapangalawa po kayo, pero malaki ang agwat sa inyo ng nangunguna sa survey. Ano ang tingin niyo ho rito, at how are you going to improve your numbers?

Leni: Ako, tuluy-tuloy yung aming mga ginagawa, Jessica. Marami ngayon na wala, na nandoon sa amin nung 2016. Nung 2016, meron kaming political machinery. Ngayon, wala na 'yon. Yung ating katunggali, napakalakas ng political machinery, napakaraming resources, yung political might, napakalakas, pero meron kami na wala sila, at 'yon yung passion, yung commitment, yung dedication ng napakaraming volunteers, and para sa 'kin, Jessica, walang sinabi yung resources, walang sinabi yung political might sa desire ng taumbayan na lumaban para sa bansa natin.

Jessica: Ano po ang sagot niyo sa mga hindi nakakaappreciate o natutuwa sa ipinamamahagi po ninyong lugaw sa inyong pag-iikot? Meron din pong nagcomment na patronizing ang lugaw sa masa. Maidagdag ko na rin po: Lugaw na nga raw ang madalas nilang kinakain, bakit kailangan pang ipamukha ito sa kanila?

Leni: Actually, Jessica, mas symbolic siya. Yung lugaw, mas symbolic siya in the sense na kaya lang naman 'yon na parang nadikit sa 'kin, kasi nung 2016 na kumakandidato ako, wala din akong resources; yung mga volunteers namin, eto yung mga ginawang fundraising activities, and yung mga volunteers ngayon na 2022, yun din yung naassociate nila sa 'kin, so yun yung paraan nila para ipakita yung pakikiisa. Yun yung paraan nila para ipakita sa tao na kaisa niyo kami sa laban na 'to.

Jessica: Malinaw na kahirapan ang isa sa pinakamalaking problema po ng ating bansa, at sa listahan ng pinakamahihirap na rehiyon, maraming pamilya ang nagmumula sa Region V, kabilang na ang inyong probinsiya na Camarines Sur. Ang tanong sa inyo, at t'yak, pati na rin po ng inyong mga kababayan, anong nagawa ninyo para mabawasan ang kahirapan sa inyo mismong probinsiya?

Leni: Alam mo, Jessica, nung ako ay congresswoman, eto yung aking pinakaflagship program; yung aming probinsiya, isa sa pinakamahirap na probinsiya, and ang dahilan talaga nito, hindi lang yung mga calamities na laging pumapalo sa 'min, pero bad governance. Eto din yung dahilan kung bakit at one point, pinag-iisipan kong tumakbo. Pinag-iisipan kong tumakbo sa isang local na executive position, kasi 'pag tumakbo ako sa isang local executive position, marami akong magagawa, gaya nung nagawa nung asawa ko nung mayor siya ng Naga.

Jessica: Sa pandemya pong ito, lalo lang nahighlight yung napakalayong agwat sa ating sosyedad, between the mga mayayaman at mga mahihirap, o yung tinatawag niyo pong laylayan. Mamanahin niyo ho ito. Papaano ho kaya 'yan? Paano niyo po ito sosolusyunan?

Leni: Ako, marami na kaming programang inihain. Hindi lang ngayon na kandidato ako pero mula pa nung sinimulan namin sa Office of the Vice President. In fact, yung pinakaflagship program namin, yung anti-poverty program namin, Angat Buhay, yung pag-asikaso talaga sa pinakamahihirap na mga communities, pero yung driver kasi nito, Jessica, good governance. Ang driver nito, yung tiwala ng tao sa kanyang pamahalaan. Ang driver nito, inclusivity saka empowerment, at yun yung tututukan natin.

---

Jessica: Isa sa pinakakontrobersyal niyong pahayag nung sinabi niyo na masahol pa sa hayop ang nakikipagrelasyon sa kapuwa nila kasarian. Nagsorry na ho kayo pero nauungkat pa rin ito. Nagsisisi ho ba kayo na nasabi niyo 'yon? At nagbago na ba ang inyong pananaw tungkol sa LGBT? Ano po ba ang sabi ng bibliya tungkol dito?

Pacquiao: Marami pong salamat, at sa ngayon, nagkaintindihan na po kaming lahat, at yung paniniwala ko po ay manatili po 'yon, ang aking paniniwala sa Panginoon, at yung pagkakalinga sa kanila, pagtulungan sa kanila, nandiyan pa rin po, yung mga LGBTQ. In fact, mas marami pong mga supporters ako ngayon ng LGBTQ na sumusuporta sa atin at naniniwala sa atin.

Jessica: Hindi ho kayo nagsisisi na nasabi niyo 'yon?

Pacquiao: Yun pong namisquote lang po talaga ako. Mali lang yung pagkaintindi sa akin. Mahaba po yung explanation ko doon sa paliwanag ko na 'yon.

Jessica: Pero anong stand niyo sa same-sex marriage?

Pacquiao: Hindi po ako pabor diyan.

Jessica: Bakit?

Pacquiao: 'Yan po ay bilang sa paniniwala natin, sa faith natin sa Panginoon ay kailangan, doon tayo sa gusto ng Panginoon.

Jessica: Top absentee ka. Ikaw yung pinakamadalas mag-absent nung 2010-2016, habang kayo po'y konggresista. Sa senado, naging top absentee ka rin nung July 2018 hanggang June 2019, pero nung July 2020 to June 2021 naman, perfect na ang inyong attendance, para ho fair din sa inyo. Sinabi niyo dati na hindi naman balakid ang inyong pagiging absent para magampanan ang inyong tungkulin, pero uubra ho kaya 'yon 'pag nanalo kayong Pangulo?

Pacquiao: Nacorrect ko na po iyang mga bagay na iyan. Nung araw po, absent po ako palagi, nung sa congressman pa po ako dahil busy po ako sa pagpapagawa ng mga bahay, yung mga housing ko sa Sarangani, kaya doon po ako palagi sa Sarangani, sa distrito ko. Ito pong senador na ako, hindi po kailangang mag-absent dahil importante, ginagampanan mo yung trabaho mo, at talagang tutulungan mo yung mga tao, kaya pinakita ko sa taumbayan na disiplinado akong tao, kaya makita niyo po, perfect po iyong attendance ko.

Jessica: Nung nanalo kayo nung 2016, ipinangako niyo raw na hindi na kayo lalaban sa boxing at magreretiro na kayo, pero tila napako daw ho 'yon kasi six times pa kayong lumaban as a senator, pero papaano kaya kung manalo kayo as President tapos biglang naghamon ng rematch si Floyd Mayweather Jr.?

Pacquiao: Nag-announce na po ako ng formal retirement. Tapos na po 'yon, at yun po yung pinakasign na tapos na po yung boxing career ko, at nagpapasalamat ako sa sambayanang Pilipino sa matagal nilang pagtutok ng aking career, at nakapagbigay ako ng karangalan sa ating bansa.

Jessica: Sinabi mo na hindi hakot ang inyong mga supporter, at hindi bayaran para sumama sa motorcade, pero kayo naman mismo, panay ang pamumudmod daw ng pera sa inyong pag-iikot. Sa totoo lang, meron daw ho bang pagkakaiba yung ginagawa ninyo sa pinupuna naman ninyong ginagawa ng inyong mga kalaban?

Pacquiao: Totoo po 'yan, hindi po hakot ang mga tao na sumusuporta sa atin, at yun pong ginagawa kong pamimigay ng ayuda, pamimigay ng pera sa taumbayan, mula pa nung 2002 pa po, nagbibigay na po ako niyan. In fact, marami pong video ang GMA diyan, at tsaka ang ABS, nung araw na namimigay na po talaga ako bago pa ako pumasok sa pulitika, at pinagpatuloy ko lang po yung ginagawa ko mula noon hanggang ngayon, yung pamimigay ko ng pabahay, pagbibigay ng trabaho at hanapbuhay sa bawat pamilya.

Jessica: Kung tatanungin ko ang COMELEC, kasi technically speaking, wala naman daw paglabag dahil hindi pa start ng official campaign period, pero sa tingin po nila, may mali sa ganitong gawain ngayon dahil baka makaimpluwensiya ito sa pagpapasya ng mga botante. Anong masasabi niyo ho riyan?

Pacquiao: Yun nga po, nahighlight lang ngayon yung pamimigay ko ng pera at ayuda sa mga kababayan natin dahil pulitiko ako at kumakandidato ako, pero kung babalikan po natin since 2005 to 2002 ay talagang ginagawa ko na po iyan. Minamaximize ko lang po ngayon bago po magstart ang campaign period which is February 8, na hindi na po tayo mamimigay diyan sa ano na 'yan dahil susunod po tayo sa patakaran ng COMELEC, patakaran ng gobyerno.

Jessica: Kilala ho kayong matulungin sa tao, pero kulang pa raw sa kakayahan at karanasan para maging Presidente ng Pilipinas. Handa na raw ho ba kayong maging leader ng ating bansa?

Pacquiao: Handang-handa na po, at yung experience ko sa buhay mula nung ako ay bata hanggang ngayon ay talagang malaking impact po 'yon at magagamit natin; kung paano ko inahon yung pamilya ko sa kahirapan, paano ako nagsikap, gano'n ko rin po ang plano kong iahon ang ating bansa sa kahirapan, ang mga kababayan natin na naghihirap. Ang kailangan po ng ating bansa ay isang leader, hindi po politician, at hindi pulitiko, kasi po ang leader ay ang tinitingnan ay yung kinabukasan ng ating bansa, hindi lamang yung eleksyon, kasi sanay po ako diyan dahil kinabukasan ng pamilya ko ang lagi kong iniisip mula pa noon.

Jessica: Ang laki po ng inilundag niyo mula boxing papuntang pulitika. Ano pong reaksyon niyo dun sa mga nagsasabing baka kulang pa kayo sa karunungan, karanasan, at kakayahan para sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno?

Pacquiao: Alam niyo po, sa mahigit isang dekada kong pagseserbisyo sa ating gobyerno, nakita ko ang problema, kaya po ako talaga lumaban dahil ang laban ko na ito ay hindi laban ko lamang kundi laban ng bawat Pilipino dahil nakita ko ang problema at ang mga pang-aapi sa ating mga kababayan, kaya ipaglalaban ko, at panahon naman na ang mga mahihirap ang mananalo sa laban na ito.

Jessica: Noong 2012, kinasuhan po kayo ng BIR, at sinisingil para sa 'di umano'y tax deficiencies, o yung mga pagkukulang sa ibinayad niyo pong buwis na 3.3 billion pesos. Pending ho ito, at nakaappeal sa Court of Tax Appeals. Ano po ang sagot niyo sa mga paratang na kulang yung binayad niyong buwis?

Pacquiao: Hindi po, wala pong katotohanan 'yan. Nagbabase lang po sila sa report sa social media po pero kumpleto naman po tayo ng mga papeles diyan, at hindi ko po, hihintayin na lang po natin yung maging resulta ng desisyon ng ating gobyerno, ng ating korte, at mga abogado ko na po ang nag-aasikaso niyan. 'Yan po ay tapos na noong araw pa. Nagkaroon ng favor sa akin, at dahil kumpleto naman po ako sa lahat ng mga papeles.

Jessica: Si Pangulong Duterte mismo, sinabihan kayo na when you cheat the government, you're corrupt. Tumutuligsa ka sa mga corrupt pero ikaw mismo, sinabihang corrupt ng Pangulo dahil sa iyong tax deficiencies. Ano ho reaksyon niyo sa sinabi ni Pangulong Duterte?

Pacquiao: Alam niyo po, diyan sa tax issue ko po ay nagbabase lamang po 'no, kumbaga, kasama pa 'yan, siyempre, pulitiko ako. Nung pumasok ako sa pulitika ay naging issue po iyan dahil ginamit mo iyan ng mga kalaban ko, pero nandiyan naman po ang korte natin. Tiwala naman ako na mananaig pa rin ang batas. Kumpleto naman po yung mga papers natin pagdating sa mga ganyan.

Jessica: Ang inyong partido, ang PDP-Laban ay nahahati ngayon sa dalawang paksyon, kaya ang tanong ho sa inyo, ni hindi niyo nga napag-isa ang inyong partido, paano niyo raw ba pag-iisahin ang buong bansa kapag kayo ang nanalo?

Pacquiao: Magandang tanong po 'yan, at talagang may mga tao po na gustong buwagin ang partidong PDP, pero ako, pinipigilan ko po na hindi mabuwag, dahil ang PDP po, ang adbokasiya ng PDP po ay para po sa kapakanan ng sambayanang Pilipino. Gusto ko pong magkaisa, at hindi lamang, huwag po nating gamitin para sa ating mga vested interest. Kailangan, sa interest ng mga Pilipino.

Jessica: Paano ho 'yan, kapag kayo ang nanalo, paano niyo kaya pamumunuan ang ating bansa na watak-watak sa ngayon? Kahit pa yung mga hindi bilib sa inyo, yung mga tumutuligsa sa inyo ngayon na kayo'y kumakandidato, ano sa palagay ninyo ang tamang formula para magkaisa ang ating bayan?

Pacquiao: Ang tamang formula is ipatupad mo yung tama, ipatupad natin yung batas. Ang nagkasala, parusahan, at ipakita sa kanila ang pagkalinga ng ating gobyerno, lalung-lalo na sa ating mga mahihirap na tao na maging pantay ang ating batas sa lahat ng mga Pilipino. Mayaman ka man, o mahirap, importante po 'yan dahil diyan po nakasalalay ang kapayapaan at kaunlaran ng ating bansa.

Jessica: Noong 2016, ipinagtanggol mo si Pangulong Duterte at ang kanyang giyera kontra-droga. Sinabi mo pa nga na sumunod sa due process ang mga pulis. Heto pa, sinabi niyo rin na ang mga pumapatay, o yung mga nasa likod ng EJK ay yung mga drug lord, pero ano hong nangyari? Bakit tila naging magkaaway na kayo ni Pangulong Duterte, at tinuligsa mo pa ang administrasyon, hindi lang tungkol sa kurapsyon, kundi pati sa mga paglabag ng karapatang pantao?

Pacquiao: Ang sinasabi ko lang po nung panahon na yun ay respetuhin natin yung imbestigasyon. Kung may EJK na nangyari, imbestigahan at parusahan. Kung wala naman ay kung ano yung imbestigasyon, respetuhin natin, at kung ano yung mga sinasabi ng ating Pangulo ay rerespetuhin din natin.

Jessica: Ano ho bang paninindigan niyo kay Pangulong Duterte at sa kanyang administrasyon? Ano hong turing niyo sa sarili ninyo, oposisyon o administrasyon? At anong tingin niyo sa kanyang leadership? Naging mabuting leader ba siya o hindi?

Pacquiao: Ako po kasi, gusto kong pagkaisahin ang sambayanang Pilipino, kasi sa pamamagitan ng pakikipaglaban ko sa ring, nagkakaisa ang bawat Pilipino. Ang ayaw ko lang po, yung masama, lalo na yung kurapsyon na nagpapahirap sa ating mga kababayan. Yung mga masasamang gawain, na tinotolerate natin yung batas ay dapat pairalin yung batas, mayaman ka man o mahirap. 

Jessica: Bilang minsan na gumamit ng droga, at sinabi mo pa nga na ikaw ay naging naïve user, anong tingin mo sa problemang ito sa ating lipunan? Anong tingin niyo po sa mga drug addict?

Pacquiao: Sinasabi ko po iyan noon na naranasan ko po iyan, natikman ko pa nung araw, nung bata ako, ay hindi po maganda sa ating sarili kaya galit na galit po ako diyan sa pagdating sa droga, at yung war against illegal drugs, itutuloy po natin 'yan pagdating ng panahon pero in the right way, na bibigyan natin ng pagkakataon ang bawat isa na idepensa ang sarili sa ating batas.

Jessica: Ano ho kayang solusyon sa salot na ito sa ating lipunan, itong illegal drugs?

Pacquiao: Ay, talagang parusahan po iyong mga manufacturers ng drugs. Talagang yung mga illegal drugs na ginagawa nila, lalo na dito sa bansa natin, kailangang maparusahan talaga sila. Kasi kung hindi sila maparusahan ay kawawa yung mga maliliit na tao. Ang maliliit na tao, yun ang naparusahan, at yung mga manufacturer, yung mga mayayaman na 'yan ay hindi sila napaparusahan, kaya kailangan talagang magpakita ng pangil din ang ating gobyerno.

---

Jessica: ...kung saan magpapakita kami ng mga larawan, at hihingan namin ang ating mga aspirant ng one-word description sa bawat larawan.

Jessica: (photo of Malacañan Palace)

Isko: Presidente.
Pacquiao: Malacañang.
Leni: Seat of power.
Lacson: Public servant.

Jessica: (logo of Pharmally Pharmaceutical Corporation)

Pacquiao: Company.
Leni: Corruption.
Lacson: Abuso.
Isko: Kurapsyon.

Jessica: Mga mangingisda sa Scarborough.

Leni: Naaabuso.
Lacson: Tulungan.
Isko: Hanapbuhay.
Pacquiao: Protektahan.

Jessica: (larawan ng isang batang malnourished)

Lacson: Iling lang. Walang masabi.
Isko: Health.
Pacquiao: Tulungan.
Leni: Malnutrition.

Jessica: (USA flag)

Isko: Allies.
Pacquiao: Amerika.
Leni: American flag.
Lacson: Pilipinas.

Jessica: (Flag of China)

Pacquiao: China.
Leni: Chinese flag.
Lacson: Naku.
Isko: Trade partner.

Jessica: (photo of Manila Baywalk Dolomite Beach)

Lacson: Sayang. Dugtong ako, sayang pera.
Isko: View.
Pacquiao: Tao.
Leni: Dolomite at the height of the pandemic.

---

Jessica: Isa ka sa mga nakibahagi sa unification talks kasama si Vice President Leni Robredo at iba pang personalidad, pero hindi po ito nangyari. Sinabi niyo sa Twitter na, 'Unification could have succeeded if it was the ultimate objective. It failed because it was a scheme.' Quote ho yun sa inyo. Sinabi niyo rin na walang meeting of minds. Pakilinaw niyo nga ho ito, kung bakit, sa inyong palagay ay hindi nagkaisa sina VP Robredo, Senator Pacquiao, Mayor Isko Moreno, at kayo po?

Lacson: Kasi nahinto kami sa konsepto. Ang pinakamadaling pag-usapan, yung konsepto, yung theory. Ako kasi, iba yung aking pananaw dito. Gusto ko, merong kongkreto, merong closure sa pag-uusapan, kaya ako nagpropose ng isang kongkretong solusyon o approach, para magkaisa ang oposisyon, or non-administration for that matter. Ang problema, hindi gano'n ang dating, o mukhang 'di gano'n yung pakay nung aking, at least, yung aking isang kausap. Hindi na 'ko magmemention ng pangalan, pero sa kasamaang palad, hindi natuloy kasi nga sure formula for unification ang aking pinresenta pero ito'y kagyat na tinanggihan kaya hindi natuloy, so nakakalungkot din pero sa isang banda, mabuti na ri't nakilala natin yung ating mga kausap.

Jessica: Nung 2004, tumakbo kayo as President pero hindi po kayo nanalo at pumangatlo lang. Nung 2019, sinabi niyo naman na tatakbo lang kayo kung meron kayong clear chance of winning. Sa latest Pulse Asia survey, panlima po kayo sa mga tumatakbo. Sa tingin niyo ho, meron pa kayong tyansang manalo?

Lacson: Meron, kasi dapat hindi tayo mawalan ng pag-asa. Ako, I'm only inspired by my supporters, lalo na yung mga on their own, ano? Walang pag-iimbot, at talagang gumagastos ng sariling pera. Ito yung mga nasa ground, ano? Mostly, sasabihin ko na kung sino sila, ito yung mga mostly, retired na mga military at tsaka mga police officials na nandiyan sila sa ground, tahimik na nagtatrabaho, nagkokonsulta sa mga kakilala nila, mga mayors, barangay chairmen, even magtataho, even yung simpleng magsosorbetes, kinakausap nila, at I can see them, I can hear them everyday, kasi namomonitor ko yung kanilang ginagawa.

Jessica: So, you're saying, you just might pull a surprise a, Senator? Ganun ho ba?

Lacson: Well, let's put it this way, ano: Three months pa para magtalagang selection. If yung elections were held today, at saka kung accurate lahat yung mga poll surveys about gumagawa, malinaw na merong isang klarong mananalo, pero it so happens na hindi pa naman ngayon ang eleksyon, hindi pa sa araw na ito, tatlong buwan pa, at puwedeng marami pa mangyari, at in the course of time, we're making some adjustments, ano, sa aming, narecalibrate kami kasi nga, because of the pandemic, lalo 'tong Omicron, kailangan talaga, maggawa ng mga adjustments.

Jessica: Nung bagong luklok sa puwesto si Pangulong Duterte, sinabi niyo na sinusuportahan niyo siya, at sinabi niyo rin na, 'I will continue to support him and his program because obviously, he is not the more of the same type of a leader. Change is more likely to happen during his term because he is different,' pero noong September 8 lang, nung inanunsyo niyo ang inyong kandidatura, iba na ang sinabi niyo, na sabi niyo ho, tama na at kaunting tiis na lang. Ano ba ang inyong paninindigan tungkol kay Pangulong Duterte at sa kanyang administrasyon? Maituturing po ba kayong parte ng oposisyon?

Lacson: Ako, I've always been consistent, ano? Ang tama ay ipaglaban. Ang mali ay labanan. Cinicriticize ko si Pangulong Duterte maski nung una pa, nung nagchair ako ng Committee on Public Order and Illegal Drugs, nagcicriticize ako. In fact, I called him out several times, pero kung panahon naman, at meron naman siyang ginawang maganda na dapat purihin, bakit hindi natin dapat purihin? Yun ang aking pananaw. Colorblind sa politics. Hindi dapat kung dilaw ka, kailangan, lahat ng sasabihin mo, makadilaw, at kung ikaw ay maka-DDS, lahat ng sasabihin mo, maka-DDS. Hindi ako gano'n. Ako, lagi, ang tinitingnan ko, ano yung tama, ano yung makakabuti sa ating mga kababayan. I've always been consistent, Jessica.

Jessica: Sinabi ni Pangulong Duterte nung August 2021 na meron daw po siyang alam tungkol sa inyo, at tinatanong niya nga ho kayo nang deretsahan, 'Are you honest?' Kung sumagot ka raw ng, 'Yes,' 'May ipapakita ako,' yun ho ang sabi ni President Duterte. Alam niyo ho ba kung ano ang pinatutungkulan ng Pangulo, at ano po ang sagot niyo dun sa kanyang tanong na, 'Are you honest?'

Lacson: I dared him. Sinabi ko sa kanya noon, ilabas niya kung meron, at ako, I'm honest, ano? Alam ko yung sarili ko. Napakatagal ng panahong nagsilbi ako sa gobyerno. I know myself, ano? Alam ko yung kung papa'no lumaban sa temptation, even panahon ni Pangulong Estrada, I defied him, dahil ang alam ko, pagka mali yung tatanggap 'pag sa illegal na jueteng, mali 'yon, at Chief PNP ako no'n. I've tasted power, and I know how to handle power through personal experience. Hindi ako abusado, at hindi ako corrupt na government official. 'Yan lang ang puwede kong ipagmalaki. 

Jessica: Sa librong Dark Legacy: Human Rights under the Marcos Regime na isinulat ng American writer at historian na si Alfred McCoy nung 1999, binanggit po ang inyong pangalan bilang miyembro ng Metrocom Intelligence and Security Group o MISG, na sinabi niyang elite torture group daw nung panahon ng Martial Law. Ano pong masasabi niyo do'n? Kasama ho ba kayo dun sa mga sinasabing nangtorture o 'di umano, nang-abuso nung panahon ng Marial Law? Malinis ho ba ang inyong mga kamay?

Lacson: Yes. Alam mo, maraming mali dun sa sinulat ni Alfred McCoy. Nilahat niya yung aming buong klase, yung Class '71. Ako po, naggradute nang 1971, so 1972, nagdeklara ng Martial Law. Ang hawak ko po no'n sa Metrocom Intelligence and Security Group, police intelligence branch. Ang aking pong tinututukan, kriminalidad, hindi po yung, meron kaming tinatawag na security branch. Yun po yung naghahandle ng mga insurgence, yung mga security issues na hinahandle ng Metrocom. Ako po, nakatutok dun sa kidnap for ransom, mga robbery hold up, at mga common crimes. Yun po yung aking pinamumunuan noon, kaya mali ho agad yung kanyang premise na ako, kasama dun sa mga nagtotorture ng mga political prisoners. Hindi po totoo 'yon.

Jessica: Sa isang tweet nung September 2019, sinabi niyo na, 'Martial Law was declared for many good reasons. I saw it firsthand during the first 6 months, at least from the peace and order perspective. Everything that followed was wrong. Greed and abuse took over.' Ang tanong ho sa inyo ngayon, may ginawa ho ba kayo para mapigilan ang mga mali at pang-aabuso?

Lacson: Marami, kasi kaya nga peace and order ang nagreign noon, kasi nga ang hawak ko no'n, police intelligence branch na naghahandle dun sa mga peace and order problems ng bansa. For six months, napakadisiplinado ng mga tao. Alam mo, Jessica, nagkawala maski istambay. Ang dumarating sa aming mga complaints noon, away ng kapitbahay, yun ang pinakamalala, but over time, after six months, pumasok na yung abuso, pumasok na yung greed. Well, you said it all, at yun din ang uulitin ko, sayang yung Martial Law. Kung nagpatuloy lamang katulad ng ginawa ni Lee Kuan Yew sa Singapore, malayo na sana ang Pilipinas.

Jessica: You have been on all sides of the law in your career. Law enforcer, in fact, you became the number one law enforcer in the land as Chief PNP. Tapos naging lawmaker po kayo as senator of the Republic for eighteen years, pero at one point, you were also a lawbreaker, kasi tumakas ho kayo at nagtago nung kayo'y pinahuhuli in connection with the Dacer–Corbito double murder case. The same law that you have vowed to defend and uphold, you also made a mockery of. Anong masasabi niyo ho doon?

Lacson: Hindi po ako nagbreak ng law. Meron pong jurisprudence na pinapayagang magfile ng pleadings ang isang nasasakdal maski meron nang warrant of arrest. Noong po ako'y umalis, wala pa akong warrant of arrest, wala akong viniolate kasi wala akong Hold Departure Order, at ito'y tinanong ko sa aking abogado. Iresearch po natin yung Tuliao case, kasi maliwanag doon, yun lang ang swerte ko kasi yung lawyer ko, alam yung kanyang batas, at tinanong ko sa kanya, puwede ba 'kong maging scarce kung sakaling lumabas yung warrant. Ang sabi niya, yes, kasi merong Supreme Court ruling. Hindi po ako lumabas dun sa criminal justice system. Napaloob pa rin po ako, at virtually, preso rin po ako, wala lang ako dun sa confines of the four walls ng isang prison cell. Hindi rin ako malayang nakakagalaw pero nilabanan ko yung aking kaso within the criminal justice system. Wala po akong nilabag.

Jessica: Kung kayo po ang mananalong Pangulo, follow-up lang po, paano niyo kaya tatratuhin ang mga umaalis din ng Pilipinas para magtago sa mga kasong kanilang kinakaharap?

Lacson: Uutusan ko yung ating PNP, yung ating NBI, na hanapin at hulihin. Ganun kasimple, at karapatan ng tao na 'yon na maging scarce kasi hindi naman sila lumalabag, kasi merong existing na jurisprudence in that regard, so, kasi kung yung dating jurisprudence ang susundin, catch-22 ako dun dahil hindi aandar yung aking kaso kung hindi ako magpapasailalim sa legal custody ng korte, meaning, magsurrender ako. Nagkataon lamang na merong bagong jurisprudence at yung aking option na tinake.

Jessica: Nasangkot po kayo sa iba't ibang mga kaso katulad ng Dacer–Corbito double murder case at Kuratong Baleleng, pero in fairness po sa inyo, yung mga nag-accuse sa inyo, nagrecant, at nabasura ang mga kaso kalaunan. Deretsahang tanong lang po, can you look people in the eye at masasabi niyo ho bang wala kayong nilabag na batas at karapatang pantao?

Lacson: Right now, I'm looking at you straight in the eye, Jessica. Napatunayan ng korte at talagang wala akong kinalaman. Katunayan, nag-apologize nga, even Victor Corpus, ano, yung handler ni Ador Mawanay. E, nag-apologize sa akin personally. Nagpunta sa akin, at nag-apologize siya publicly. Maski yung si Cesar Mancao, na madiin at sinabi niya, talagang ginamit lang siya, pinilit siya ni dating Pangulong Arroyo para idiin ako, 'no? Napakaflimsy nung ebidensya pero look, alam niyong ginawa? Yun talaga yung injustice na ginawa sa akin, at hindi ako papayag makita ni Ginang Arroyo at that time na nasa likod ng rehas at nakakulong, not even for a second, kaya tinaga ko talaga sa bato: Hindi mo 'ko mahuhuli. Lalabanan ko yung kaso ko in the best way na ligal naman that I can.

Jessica: Inamin niyo rin po, ilang beses, I think, na meron kayong mga napatay o pinatay in self-defense and in the performance of duty. Dun po sa mga insidenteng 'yon, meron ho ba kayong pinagsisisihan, at kung makakaharap niyo po yung mga pamilya ng mga napatay o pinatay po ninyo, meron ho ba kayong gustong sabihin sa kanila?

Lacson: Wala, kasi talagang ganyan ang buhay. Nasa law enforcement ako. Trabaho ko 'yon para iligtas yung aking mga kasama o iligtas yung aking sarili. Ito po'y nasa naaayon sa batas kasi in self-defense, we can always, you know, defend ourselves, and kaysa ikaw naman ang mamatay. Ako, alam mo patakaran ko, Jessica, sa aking mga tauhan, mabuti na yung buhay ka na may kaso, kaysa doon sa napatay yung kasama mo na wala kang ginawa, o napatay ka nang wala man lang ginawa para protektahan ang sarili mo. 'Yan ang essence ng law enforcement. You have to protect innocent people. You have to protect yung iyong mga kasamahan sa trabaho, at you have to protect yourself.

Jessica: Nung 2013, binigyan po kayo ng napakalaking responsibilidad para tulungang makabangon ang mga nabagyo ng super typhoon Yolanda, pero two years after, nagresign po kayo nung 2015. Magpahanggang ngayon po, hindi pa rin lubusang nakababangon ang mga taga-Leyte. Doesn't this reflect badly on your track record na meron kayong hindi tinapos na trabaho?

Lacson: Hindi. Tapos na yung trabaho ko, Jessica. Ang mandate ko, magcraft ng comprehensive rehabilitation and recovery plan. Ginawa namin 'yon in a record time of six months, ano? Record time 'yon, buong mundo. United Nations ang nagsabi niyan, yung United Nations Development Program at maraming mga international organizations. Ayoko tumanggap ng suweldo na wala na akong ginagawa. Kung binigyan ako ng authority o mandate to implement, hindi ako aalis. Sinabi ko kay Pangulong Aquino 'yan. Magreresign ako kasi wala naman akong gagawin na. Natupad ko na yung mandate na binigay niyo sa akin. Yung implementasyon, wala po sa akin 'yon. Kung saan man nagfail yung implementation, labas po ako do'n.

Jessica: Couldn't you have extended a little longer, Senator Lacson, para sana ho yung mga kababayan nating wala pang mga bahay, nakatira sa mga tent, yung mga nandun pa sa mga danger zones, na dun na rin po sila nagrebuild, e, nailipat sila sa mas ligtas po sanang lugar?

Lacson: Lalabas po sa aking mandate. Ang mandate ko, walang implementasyon. Limited nga po yung aking mandate. Limited yung aking budget. Alam niyo bang apat na buwan kaming walang suweldo ng aking mga staff? Nagtiis kami, dahil alam niyo naman yung bureaucracy, napakabagal, pero hindi kami umalis, naandiyan kami. Nagtrabaho kaming tahimik, at ginawa namin yung aming magagawa. 

Jessica: Co-author po kayo o author at sponsor ng kontrobersyal na Republic Act 11479 o the Anti-Terrorism Act of 2020, na sinasabi ngang ilang mga probisyon nito ay lumalabag sa karapatang pantao, and in fact, kinatigan po ito ng Supreme Court nung sinabi na dalawang probisyon nito ay unconstitutional. Sa kabila ng desisyon po ng Supreme Court, dinepensahan niyo raw ang batas, na ayon sa inyo ay win for peace over terror. Kung kayo nga ho ang maging Pangulo at meron tayong batas na katulad nito, paano niyo po sisiguraduhing hindi malalabag ang mga karapatang pantao ng mga Pilipino, lalo na po yung higit na nakararami, yung mga mahihirap?

Lacson: Nakasigurado na po iyon. Nakagarantya na dun sa batas mismo. Katakut-takot po ang safeguards diyan sa Anti-Terror Law. Nilamon lang kami, nilunod lang kami ng black propaganda nung mga kontra dito. Alam niyo ba na collegial body ang senado, ang konggreso? Hindi ako nag-iisa na nagcraft niyan. Ako po ay isang co-author, ako yung nagsponsor, kasi sa akin narefer bilang chairman ng Committee on National Defense and Security, so kailangang idefend ko, pero kami yung naglagay ng katakut-takot na safeguards. Jessica, iyan lang ang batas na kailangang ireport ng arresting officer, within twenty-four hours, yung kung sino yung inaresto, saan inaresto, papa'no inaresto, sa pinakamalapit na huwes, sa Commission on Human Rights, at saka sa Anti-Terrorism Council. Walang ganyang ibang batas. Napakaraming safeguards.

Jessica: Pero ano po ang personal stand niyo dun sa dalawang probisyon na sinabi po ng Supreme Court na unconstitutional?

Lacson: Ang nastrike down ng Supreme Court, yung qualifier lamang, na kung hindi magcacause ng death o destruction, ano? Bale, wala pa ho 'yon. Katunayan, wala po sa original na committee report na sinubmit ko 'yon. Iyon po ay amendment na inintroduce ng ilan naming, I remember, si Senator Drilon ang nag-amend no'n, at tinanggap ko kasi nga, collegial body kami, so ngayong nastrike down 'yon, e parang pasalamat na rin ako kasi wala naman sa original version yun e, ng aking dinefend na version ng Anti-Terrorism Act.

Jessica: Sa 17th at 18th Congress, consistent po kayo sa pagsusulong ng death penalty, o pabor kayo na patawan ng pinakamabigat na parusa ang mga guilty sa heinous crimes, pero nito pong pandemya, sinabi niyo, na nung nakapanood ho kayo ng isang pelikula sa Netflix, nagbago ang inyong posisyon. Paano ho nangyari ito, Senator?

Lacson: Well, simple lamang e, kasi doon sa movie na iyon na true to life, ano, maliwanag na sinet up niya yung sarili niya para siya'y mahatulan ng death penalty at maexecute, at meron siyang pinanghahawakan na record na talagang hindi siya yung gumawa, so doon ko napagtanto, 'no. Awakening sa akin yun e. I was awakened by the fact na puwede talagang maexecute ang isang taong inosente. Napakaliwanag. So, masama ba kung magpalit ka ng pag-iisip dahil namulat ka sa isang katotohanan na talagang puwedeng mangyari sa isang tao? So, mas mahirap yung alam mo nang, narealize mo nang meron ka palang maling pag-iisip, ayaw mo pa rin baguhin ang iyong pananaw o yung iyong position sa isang bagay.

Jessica: Ifofollow up ko lang po yung tanong na 'yan, kasi in all your years working as an intelligence officer, kabisado niyo ho t'yak yung galaw ng mga crooks and criminals, and kayo mismo, sinasabi niyo, you were wrongly accused in cases like the Kuratong Baleleng at Dacer–Corbito case, pero nagtataka lang ho ako, all it took for you to change your stand on death penalty is a Netflix movie, kung saan po nakita niyo na ang isang tao, puwede palang iframe up o mawrongly judged? Can you explain further, Senator, your stand?

Lacson: Napakakongkreto kasi e. Kasi talagang vivid at tsaka napakaconcrete yung pinakita niyang halimbawa na pupuwedeng yung ang isang inosente, at sinadya na talagang ipakitang siya'y mahahatulan saka macoconvict, pero alam niya sa sarili niya at meron din siyang nakarecord siya'y talagang inosente, so dun ko narealize na teka nga pala, puwedeng mangyari ito sa isang inosente na mapaparusahan.

---

Jessica: Ikaw lang ang wala sa posisyong nasyonal, kundi lokal na posisyon ang iyong hawak, at nasabi mo na kaya ka tumatakbo sa pagka-Pangulo ay gusto mong ulitin yung ginawa mo sa Maynila sa buong Pilipinas, pero sa totoo lang, Yorme, sapat na ba ang iyong karanasan? Hinog ka na ba para sa pinakamataas na puwesto sa gobyerno, o baka naman daw hinog lang sa pilit?

Isko: I've been working in the government for twenty-three years. Half of my life was dedicated to public service, at saka talagang binuno ko 'yon. In fact, Ma'am, noong araw nga, hindi ako nakapag-aral, totoo naman, dala ng kahirapan, pero pinunan ko pa rin yung kakulangan, and I've been, I've worked with the national government as being undersecretary of DSWD. I've seen the country, and I saw it, and I've been continue, ikot pa rin ako nang ikot sa buong Pilipinas to know the real situation of our people, and what happened in Manila is scalable, so may prototype na with regard to housing, education, and health care, and jobs, that we did in Manila.

Jessica: Pero hindi pa nga ho umpisa ng official campaign period e panay na ang inyong ikot sa iba't ibang panig ng ating bansa. Ang tanong sa inyo, pa'no naman ang mga tiga-Maynila? Lalo't meron pa ho tayong pandemya. Hindi niyo ho ba sila napapabayaan?

Isko: Tama po kayo. Kaya nga nito, nung dumating nung Omicron, hinayaan ko yung pulitika. Pinamigay ko na lang sa kanila, nagpokus kami on how to save lives as many as possible, as soon as possible, kaya kung bakit, kung makikita ninyo, ang Maynila ang takbuhan ng mga gamot, bakuna, at saka mga testing kits or swab testing, because we've been preparing for this. Gusto namin, laging ahead of whatever yung mga hindi nating inaasahan na paglago ng COVID-19, which, so far, sa awa ng Diyos, nagagamit kami ngayon ng ating mga kababayan sa Metro Manila, sa ibang bahagi ng probinsiya sa Central Luzon and Southern Luzon.

Jessica: Dating basurero, laki sa Tondo, naging yorme, at ngayon, gustong maging Presidente. 'Yan po ang inyong narrative o kuwento sa buhay, lagi niyong binabanggit sa inyong pag-iikot, pero sinasabi niyo rin po na tapos na ang panahon ng mga elitista, basurero naman ngayon, na para bang may tunog-nag-uudyok ng class war, o yun bang parang pilit niyong pinag-aaway yung mga mayayaman at mga mahihirap.

Isko: A, hindi naman. Ang sina-

Jessica: Kung hindi ba dapat, sorry po, matapos ko lang, hindi daw ho ba dapat ang ikinakampanya ninyo ay pagkakaisa o unity sa ating lipunan?

Isko: Katulad ng nabanggit ko sa tanong mo kanina, kasi baka nakakalimutan natin na for the past forty years, ang magkaaway lang, dalawang pamilya sa pulitika, yung mga partido lang nila, and where are we now as a country? Nasaan na tayo bilang mga tao? Ganun pa rin. Same kuwento. Kurapsyon, hirap, mga pagsubok sa buhay, so kaya sabi, maiba naman. O, ngayon, ako, basta ako, nauunawaan ko yung katayuan ng isang tao at higit ng nakararami sa atin, kaya kung bakit nakikita niyo sa Maynila, puro sa tao yung mga ginawa namin. Pabahay, edukasyon, kalusugan, trabaho. Basic governance. Baka minsan kasi, sa sobrang laki ng mga pinangarap ng iba, nakalimutan na nila yung basic, o yung tao. 

Jessica: Yung ganyan pong rhetoric, o yung inyong binabanggit na ganyan ay tinatawag pong populist, na nahahanay kina Trump sa Amerika, kay Bolsonaro sa Brazil, at kahit kay Pangulong Duterte, and it's not very highly regarded. Medyo tinutuligsa po yung ganyang populist rhetoric. Ano pong reaksyon niyo diyan?

Isko: Well, I respect everybody's opinion, they are entitled to that, but what matter most to me is the result, 'no? Ako, basta tayo, ang at the end of the day, there is a goal and there must be a result, and results matter. Yun ang importante. Kapakinabangan ba ng tao? Napapakinabangan ba ng tao? Nararamdaman ba ng tao? Yoong mga pagbabago o mga programa, tumatama ba sa kapakinabangan ng tao? Yun ang mahalaga sa akin. More than naming things about what a person is doing. It's about the result. Results matter.

Jessica: Nung Eleksyon 2010, kinampihan niyo si Mayor Lim, at nanalo kayong vice mayor niya. Nung 2013, iniwan niyo po si Mayor Lim, ang kinampihan niyo naman, si Mayor Erap Estrada, at nanalo rin po kayong vice mayor niya, pero nung 2019, iniwan niyo si Erap, at kinalaban niyo siya't kayo ang naging mayor. So, kung ang pagbabasehan daw po ay ito, itong track record niyong ito, nasa'n daw po ang inyong loyalty?

Isko: Sa taumbayan. Kapag wala silang ginagawang katinuan, katulad nitong mga nakikita kong kandidato, na sila-sila na naman, sila-sila na naman, sila-sila na naman, pamilya na naman nila, asawa na naman nila, anak na naman nila, 'Dahil sa tatay ko,' 'Dahil sa asawa ko,' e paulit-ulit na lang, then, e, sabi nga ni Edmund Burke e, for evil to succeed is for good men to do nothing. Basta ako, ang loyalty ko, sa tao. Ang kapakinabangan ng tao ang mahalaga sa akin, hindi kapakinabangan ng pulitiko. Kung naging mabuti ka ngayo't tinupad mo yung sinabi mo, sasamahan kita, pero kung hindi ka totoo sa sarili mo, at hindi ka totoo sa tao, hindi ako para maging tapat sa 'yo, dahil ang katapatan ko, sa taumbayan.

Jessica: Palipat-lipat ka rin ng partido at ng kinampihan. In fact, dati ho kayong miyembro ng Liberal Party, naging PDP-Laban, Nacionalista, UNA, PMP, National Unity Party, hanggang naging miyembro ng Aksyon Demokratiko. Paano mo sasagutin yung mga paratang na isa ka ring traditional politician?

Isko: No. I am the president of a local party. Yun local party namin, nagdedesisyon kung sino sasamahan naming kapartner sa national party. That's what transpired. That's what happened in the past. So, anyway, at the end of the day, basta kung sinong mabuting kandidato, kahit ano pang partido niya, at siya'y mabuting tao, sasamahan namin siya, basta ikabubuti ng tao.

Jessica: Kung baga, sa relationship status po sa Facebook, Yorme, you were in a relationship with the Duterte administration dati. In fact, dalawang beses ho kayong naappoint ng administrasyon. Una, bilang chairman ng North Luzon Railways Corporation, at bilang undersecretary rin ng DSWD, at nasabi niyo rin daw po na si Pangulong Duterte ang inyong inspirasyon sa pagiging leader, pero mukhang yung inyong relationship status ay naging it's complicated yata dahil nagpatutyadahan na kayo ni Pangulong Duterte, nagbangayan in public, bagay na parang nabago ulit nitong huli, nung sinabi niyo na susuportahan niyo ang kanyang pagkakandidato sa pagkasenador, that was before he withdrew his candidacy, so ang tanong po sa inyo, ano ba talaga, Yorme? Like mo ba o not like si Pangulong Duterte at ang kanyang pamumuno?

Isko: Maraming bagay na ginawa si Pangulong Duterte na puwedeng kopyahin at ipagpatuloy, at yung mga ginawa naman ng ilang mga gabinete niya, na hindi naman maganda, dapat lang punahin. O, pagka palpak, palpak. Pagka tama, suportahan. Hindi puwedeng lahat, kontra lang nang kontra, kasi pagka kontra ka na lang nang kontra, ikaw na lang yung magaling, so pagka marunong, magaling, mabuti, episyente, kinakampihan. Pagka mali, yung pananahimik mo ay pagpayag mo, so 'pag may kaunting mali, dapat panawagan, itama, at in our own little way, ginagawa naman namin kung ano yung makabubuti sa tao. Katulad niyan, halimbawa, yung face shield, for example, o, 'di ba, sabi ko, ayusin ninyo, pag-aralan ninyo. Hindi nakinig, may nagsalitang gabinete, o, sumagot kami, 'Dapat gamot ang bilhin ninyo,' remdesivir, tocilizumab, baricitinib, molnupiravir, 'yon, but other than that, these are part of relationship and governance.

Jessica: So, sa eleksyon po na ito, ang tanong ho uli sa inyo, ano ba ang inyong branding? Saan ba kayo panig? Sa oposisyon ba, o sa administrasyon, nasa gitna ho ba kayo, somewhere in the middle daw, o baka naman daw po naliligaw?

Isko: Ako, hindi ko kailangan ng brand. Yung brand-brand, binebenta mo lang yung kandidato. Dapat ang ibenta mo, yung nagawa mo, yung patunay mo, yung pruweba mo, para naman sa ganun, yung tao, maliwanagan at maraming choices, at ang magiging choices niya, yung pruweba, kung ano ang nagawa. E, kasi yung branding, gawa lang ng scriptwriter yun e.

Jessica: Tinawag mo si Vice President Robredo, o nagpaparinig ka lang ho ba sa kanya, bilang fake leader with fake color is fake character, at pinuna mo rin, dati siyang liberal na ngayo'y independent, pero coming from you, Yorme, na nagpalipat-lipat din po ng partido at ng kakampi, bakit niyo nasabi 'yon?

Isko: Hindi, pagka fake ang pagkatao, hindi naman siya ang tinatawag ko e. Basta fake ang pagkatao, fake na tao. Kahit na anong gawin mo pa, fake ka pa rin, na magpalit-palit ka pa ng kulay, fake ka pa rin, kasi nakikita 'yan, nararamdaman 'yan ng tao. Ako, as a citizen, I can see it, 'no, not only as mayor, so we don't allow those things, kasi sabi nga ni Edmund Burke, for evil to succeed is for good men to do nothing. Hindi mo hahayaan na yung mga fake diploma, fake person, fake claims, e, kasi sila rin naman ang magpapakalat ng mga fake news, so 'yan ang laban natin, para maliwanagan ang tao, mabura sa kanila yung smokescreen. Importante minsan kasi yung real talk.

Jessica: From the numbers or the ratings sa survey, makikita na kapag nagsama-sama kayong ibang mga presidential aspirant, mas may laban kontra sa nangunguna. Sa inyo pong palagay, sa puntong ito, posible pa ang unification among Lacson, Pacquiao, Robredo, and yourself?

Isko: Kung ang unification ay pag-uusapan yung katatayuan paano ihahaon ang tao, e 'di sasali ako, pero kung ang unification na naman ay para lang sa isang kandidato, 'di sila-sila na lang. E, eto, at least, kahit papaano, in my own little way, binibigyan ko ng option ikaw, at ang iyong pamilya, at ang ating mga manonood, na kapagka saka-sakali, meron kayong pagpipilian na iba, which is available ako.

Jessica: So, hindi niyo nakikita yung possibility na pagka nagsama-sama kayo, mas may laban?

Isko: E, yung unification naman na gusto nila, unification sa karera ng pulitika nila e. Ang gusto kong unification, para iayos ang tao. Kung doon ang punta, I'll be there.

Jessica: Sinabi niyo raw dati na hinahangaan mo si dating Pangulong Ferdinand Marcos because of his infrastructure and his vision, pero in fairness po sa inyo, sinabi niyo rin na, 'We don't forget what happened in the past, but what I want is for us to move forward.' Tuloy, ang puna sa inyo, wala kang paninindigan tungkol sa nangyaring karahasan sa Martial Law at sa nakaw na yaman ng Pamilya Marcos.

Isko: Actually, it's the other way around. May paninindigan ako. Kinokopya ko yung magaling. O, may pabahay. Si Lee Kuan Yew, si Marcos, ginaya ko, pero pinagbuti natin, mas ginandahan natin. Imprastraktura, edukasyon, and so on, and so forth. Kinokopya natin yung mabuti. Pinupuri natin yung mabuti. Yung maganda, ginagaya, dinadala sa kasalukuyan para sa kinabukasan. Yung mali, hindi natin kakalimutan, so that we will not do the same mistake in the future. That's why I want to move on, we will make those people liable, who committed corruption, crimes, or even violation of human rights. Ang may kasalanan, papapanagutin, pero we must move forward, we must work together, build together, for a better future. Yun ang kailangan natin, na mabilis kumilos, dahil mabilis na sinisira ng pandemyang 'to ang buhay ng bawat Pilipino.

Jessica: So, yung move forward o move on ninyo, puwede rin ho 'yon dun sa mga pinatay, tinorture, yung bigla na lang nawala nung panahon ng Marial Law?

Isko: Lahat ng may kasalanan, papapanagutin, so kung may nabubuhay pa diyan na nagkasala, dapat pinapanagot na nila sa panahon nila. In fact, Ma'am Jessica, e, hindi ba, nabigyan sila ng mahabang panahon, ng paglilingkod bilang Pangulo o leader ng ating bansa? E, bakit naman na parang sa atin pa inaatang yung kapabayaan nila noong araw? Now, what matter most to me today is paano ko maililigtas ang tao, mailigtas kita sa pandemyang ito, at kung maimpeksyon ka, paano ka magkakaroon ng access to better health care, at paano ka magkaroon ng hanapbuhay dahil nawalan ka ng hanapbuhay, nagsara negosyo mo, nawalan ka ng trabaho. I think that for me is the most important thing today sa buhay ng bawat Pilipino.

Jessica: Tandang-tanda ko ho, sa interview ko sa inyo, matapos niyong manalo bilang yorme ng Manila, binanggit niyo na may kumikita ng one hundred fifty million pesos a month sa pagpapatakbo ng mga illegal sidewalk vendors sa Maynila, at sinabi niyo pa na merong nagtangkang suhulan kayo. Sa ngayon, may mga lugar na pinayagan na muli ng city hall ang mga sidewalk vendor, katulad ng ilang bahagi ng Divisoria, Quiapo, at iba pang mga lugar sa Maynila, at meron pong nakakapuslit na illegal sidewalk vendors do'n a. Ang ibig sabihin ho ba nito e nagkakabayaran po ulit? Alam niyo ho ba ito?

Isko: Very clear, Jessica. Walang nagbago. Ang sabi ko, 'pag nabalik ang Recto, nabalik ang Juan Luna, nabalik ang Solaire, Carriedo, at Blumentritt, nakatanggap na ako, kasi ang ginawa natin, yung mga dating tindahan, doon sa Ilaya, Sto. Cristo, Carmen Planas, Asuncion, 'yon, nakapagtitinda pa rin sila, simply because itong mga kalyeng nilinis ko ay daanan ng mga tao na sumasakay ng pampasaherong sasakyan na napeperwisyo. 'Yon ang thirty years problem, gone in forty-eight hours, na hindi na nababalik hanggang ngayon. In the case of Carriedo, yung Carriedo, bukas, pero mapapansin mo, yung perpendicular road, dati pa ring may tindahan, so ibig sabihin, live and let live. Yung mga mahihirap nating kababayan, pinipilit nating yakapin, pero kailangang may gobyerno, katulad nung mga kalyeng non-negotiable.

Jessica: Pero bakit ho recurring problem ito? Hindi ho nareresolve.

Isko: Dahil maraming pumupunta sa Maynila, at maraming naghikayat sa Maynila, na, 'Dito tayo magtinda sa Maynila,' o dahil maluwag ang polisiya nung araw. Noong naging mayor ako, inilagay ko lang sa ayos. Now, marami mawawalan ng trabaho? Yes, pero hindi naman puwedeng kailangan, lahat, biglain ko, so naaawa din naman siyempre ako sa iba, so kung ano yung tolerable, as long as hindi sila nakakapamerwisyo sa kapuwa, katulad ng malalaking kalye na daanan ng mga mahihirap nating kababayan din na sumasakay ng jeep, o, dapat hindi sila maaargabyado.

Jessica: Categorical question.

Isko: Sure.

Jessica: Sir Yorme, yung inyong city hall, hindi ho kumikita sa operations ng sidewalk vendors na 'yon, ng illegal sidewalk vendors na 'yon?

Isko: Sa awa ng Diyos. Ang binabayaran nila, may resibo. Etneb sa umaga, etneb sa hapon. Takuwarents, isang araw. 'Yon ang pumapasok sa city hall na may resibo ng gobyerno.

Jessica: Nung 2007, sa inyo pong SALN o Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth, ang inyong net worth na nakasaad doon ay 7.5 million pesos. Nung 2017, naging 55.6 million pesos ito. Nung 2016, nung tumakbo kayong senador, sa inyong SOCE o Statement of Contribution and Expenditures, idineklara ninyong meron kayong nakuhang 171 million pesos na campaign contributions. Noon din pong 2016, sa report po naman ng PCIJ o ng Philippine Center for Investigative Journalism, nagbayad kayo ng tax na 9.7 million pesos para sa income na 50.5 million pesos. Clarification lang po, yun po bang 50.5 million pesos na 'yon is the same 50 million pesos na nasave po ninyo from your campaign contributions?

Isko: Yes, because I had to pay taxes. Kapag may natira sa kampanya, dahil 'yan naman ay pooled account, pooled money, iba't ibang tao, you have to declare. Tapos kapag 'yon ay nasa 'yo na ay kailangan mong magbayad ng buwis, which is yun ang ginawa ko.

Jessica: Pero tama ho ba na nasa income niyo po 'yon?

Isko: E, yun ang sinasabi ng BIR e. Kailangan mo, kasi hawak-hawak mo yung pera, e, limited ang gastusin mo sa kampanya, sumobra ang donation mo, so tangan-tangan mo yung pera, o, kailangan ka magbayad ng buwis, at 'yon ay lumalabas na income mo.

Jessica: Nasa'n na po yung pera?

Isko: Nasa akin.

Jessica: Income? Part of your income?

Isko: Yes.

Jessica: Wala hong violations dun?

Isko: As long as nagbabayad ka ng buwis.

---

Jessica: Sa yugtong ito ng inyong buhay, ano po ang maituturing ninyong pinakamalaking naiambag niyo sa ating lipunan?

Lacson: Kung iququantify, alam mo, sa loob ng labing-walong taon, tatlong daang bilyong piso ang aking natipid sa kaban ng bayan dahil sa aking pag-iiscrutinize, kung quantified a? Pero kung yung sa ambag ko sa ating lipunan, napakalaki po, kasi mapagbantay ako dun sa, kasi anti-corruption talaga yung aking pinaglalaban lagi, and you can just imagine, kung walang watchdog na katulad ko, maski napapaaway ako sa aking kapuwa-mambabatas, dun sa mga implementing agencies, sige pa rin ako kasi yun ang aking tinayuan, at yun talaga ang aking laging tatayuan.

Jessica: Magbigay ng pagkakataong sinubok ang inyong judgment o pagpapasya sa gitna ng krisis. Anong katangiang meron ka na nakatulong sa pagresolba ng mga pagkakataong gano'n?

Lacson: Ang katangian ko, yung pagiging resolute, ano? Maski ano yung temptation, maski ano yung pressure, hindi ako bibigay. Basta't yun ang pinaniniwalaan ko, yung aking prinsipyo, tatayuan ko 'yan, kaharap dito yung mga staff ko, kilala nila ako, kung ano yung klase ng aking pagkatao, kung anong klaseng liderato meron ako, laging leadership by example ang aking pinaiiral. There's no other way. Hindi ka puwedeng magpreach ng hindi mo kayang ipractice. 'Yan ang aking basic na panuntunan sa aking leadership.

Jessica: Minsang sinabi ni Pangulong Duterte, 'Your concern is human rights, mine is human lives.' Ano po sa inyo ang mas matimbang sa dalawang ito?

Lacson: Kailangan, may balanse, pero yung human rights, napakaimportante, ano? Pagka sinabi mong human rights, kasama ang human lives, so baka kailangang iexpound, na ang sinasabi niya, yung individual human rights against the human lives of the majority of Filipinos, ano? I think he was referring to his fight against illegal drugs. Ang problema, marami naman puwedeng approaches na gawin na both can be satisfied, 'no? Meron tayong rule of law. Sumunod tayo sa rule of law. At the same time, maaaccomplish natin yung ating mission. Hindi puwedeng bara-bara dito, kasi meron ngang human rights na involved dito. Kailangan, titimbangin natin, at nando'n tayo, hindi tayo lalabas sa rule of law.

---

Jessica: Sa 1987 Constitution, nakasulat, the State shall maintain honesty and integrity in public service. Kung ikaw ang maging Pangulo, paano mo ito paiigtingin o paiiralin?

Leni: Sa akin, may tatlong mahahalagang bagay para pairalin 'yan. Yung number one, transparency. Sisiguraduhin ko na lahat ng government processes and transactions, transparent. Yung pangalawa, accountability, yung pagsiguro na lahat ng public officials, accountable sa ginagawa nila. Pero yung pangatlo, na as important, is people empowerment. Meaning to say, dapat yung tao, kalahok sa governance, para yung gobyerno napipilitan maging matino.

Jessica: Ano ang iyong pananaw sa pagkakaroon ng mahigit sa isang partner ng ibang public servant?

Leni: Hindi ako sang-ayon do'n, kasi yung pagkakaro'n ng, yung moral ascendancy, para sa 'kin, napakahalaga para sa isang public servant, kasi kami yung modelo dapat ng lahat. Parati nating sinasabi na sa isang Filipino family, napakaimportante na ito ay solid, napakaimportante na yung respect saka pagmamahal sa loob ng pamilya ay pinopromote. 'Pag kaming mga public servants yung nagiging examples ng bad behavior, ano yung message na nacoconvey namin sa ordinaryong mamamayan?

Jessica: Ano ang mas uunahin mo: tungkulin sa bayan, o tungkulin sa pamilya?

Leni: Hindi dapat 'yan nahihiwalay. Hindi dapat nahihiwalay yung tungkulin sa pamilya sa katungkulan sa bayan kasi yung pagiging mabuting public servant, parati 'yon, magiging mabuti lang kaming public servant kung mabuti kaming miyembro ng aming pamilya, so para sa 'kin, hindi siya and/or.

---

Jessica: Sa inyong palagay, naging mabuti ka bang ehemplo? May mga nagawa ka bang ayaw mong tularan ng iba?

Pacquiao: Meron po. Marami po akong nagawang mabuti para makainspire ng iba, at yung hindi mabuting nagawa ko na ayaw po tularan ng iba, yung pagiging sugarol ko noon, lasinggero ko noon, at tsaka yung pagiging babaero ko noon, yun pong palamura ko noong araw, ay yun po ang mga bagay na dapat huwag tularan ng ating mga kababayan.

Jessica: Ang pangako ng bawat kandidato, madalas daw pong napapako. Ano ang mga pangakong tinitiyak mong 100%, hindi mapapako?

Pacquiao: 'Yan po ang kadahilanan bakit po tayo tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas, dahil ang dami pong nangangako sa tuwing eleksyon, at marami pong, dumadami po ang naghihirap na mga Pilipino, kaya ang sinasabi ko sa kanila, ipapakulong ko lahat ng mga kawatan, at magbibigay tayo ng trabaho sa ating milyung-milyong mga Pilipino, at libreng pabahay, at aayusin po natin 'yang ekonomiya natin, palakasin natin yung ekonomiya po natin.

Jessica: Masasabi mo bang sumusunod ka sa lahat ng mga batas at alituntunin kabilang na ang mga simpleng batas sa trapiko?

Pacquiao: Opo, at kailangan po na sumunod tayo sa batas-trapiko, batas ng ating gobyerno, dahil kung 'di po tayo susunod ay ganito po ang mangyayari sa atin: maghihirap po tayo.

Jessica: Ni minsan ho, hindi kayo nagviolate ng traffic rules?

Pacquiao: Hindi ko naman masabi na ni minsan, minsan po, nagviviolate ako dahil bilang tawag ng aking trabaho ay importante, kaya minsan, nagviviolate ako pero ito po ay may dahilan.

---

Jessica: Ang Pangulo, kailangang maging decisive ang kanyang mga desisyon at aksyon. Magbigay po ng isang pagkakataon na ipinakita niyo na ito.

Isko: Araw-araw sa city hall. Lalo na sa pandemyang ito. When we promise that we are going to build Manila COVID-19 Field Hospital, para abatan yung growth, which nangyari nung Marso nung 2021, and promise building it sixty days - fifty-two days. When we said, magbabakuna bukas, magbabakuna bukas. When we said, bibili kami ng gamot, bumili kami ng gamot. It has to be decisive, yes, and I agree with it, especially in trying times. Ngayong maraming pagsubok at paghihirap ang tao, kailangan, malaki ang desisyon at may disposisyon ang Pangulo.

Jessica: Paano mo pinipili ang mga taong iyong dapat pagkakatiwalaan o pinagkakatiwalaan?

Isko: Base on merits. Sa city hall, nung naging mayor ako, kahit tao ng kalaban ko, inappoint ko, as if like secretary, like department head. As long as merong asset, magaling, mahusay, it doesn't matter, binoto 'ko o hindi ako binoto, kaya makikita mo sa city hall, marami do'n, mga leader ng iba't ibang pulitiko na pinagkakalap ko kasi base on their galing, sipag, at dedikasyon.

Jessica: Pakilarawan ang inyong style o approach sa pakikipagnegosasyon.

Isko: I always listen first to the ideas of mga kausap ko, then at the end of the day, we must meet halfway kung merong balakid. Hindi pupuwede, matatapos ang araw na wala tayong napagkasunduan, kasi ayoko ng analysis paralysis. We must do something so when I negotiate, I negotiate straightforward, I open my cards, then I hope, hindi namemeke yung kausap mo.

---

Jessica: Aalamin ang posisyon ng aspirants sa iba't ibang mga issue sa pamamagitan ng pagtaas ng placard. Itaas ang yes kung pabor, at no naman kung hindi pabor.

Jessica: Susuportahan mo ba ang panukalang nagbabawal sa substitution by withdrawal sa paghahain ng kandidatura ng mga tumatakbo?

Lacson: Yes.
Isko: Yes.
Pacquiao: No.
Leni: Yes.

Jessica: Dapat bang isulong ang mandatory drug testing sa lahat ng tatakbo?

Lacson: Yes.
Isko: Yes.
Pacquiao: Yes.
Leni: Yes.

Jessica: Pabor ka ba sa same-sex marriage?

Lacson: Kung civil union, yes. Kung same-sex marriage sa simbahan, no.
Isko: No.
Pacquiao: No.
Leni: Same-sex unions, pabor ako.

Jessica: Pabor ka ba sa divorce?

Lacson: Yes.
Isko: Yes.
Pacquiao: No.
Leni: At this point, no.

Jessica: Pabor ka bang ibalik ang death penalty sa bansa?

Lacson: No.
Isko: No.
Pacquiao: Sa ngayon, no.
Leni: No.

Jessica: Pabor ka bang baguhin ang Saligang Batas o ang Constitution, at payagan ang 100% ownership ng foreigners?

Lacson: No.
Isko: Yes.
Pacquiao: No.
Leni: Yes, only to open the debates and discussions.

Jessica: Sang-ayon ka ba sa pagpapababa ng age of criminal liability na ngayon ay fifteen years old?

Lacson: No.
Isko: No.
Pacquiao: No.
Leni: No.

---

Jessica: Panghuli ang Pilipinas sa fifty-three o limampu't tatlong mga bansa sa COVID-19 resilience ranking ng Bloomberg News Agency mula September to November 2021. Dahil daw po ito sa mabagal na COVID response at vaccination. Sabi naman ng Malacañang, kulang sa context ang pag-aaral ng Bloomberg, at kamakailan, umakyat na ang Pilipinas sa 50th place. Ano po sa palagay niyo ang magandang ginawa ng administrasyon sa pandemyang ito na gusto mong ipagpatuloy, at ano naman ang gusto mong itama o ituwid?

Leni: Para kasi sa 'kin, Jessica, yung pinakaproblema talaga, marami namang magandang ginawa, pero yung pinakaproblema talaga, number one, walang sense of urgency. Maraming mga problema na naprevent sana nating mangyari kung mas mabilis tayong umaksyon. Halimbawa, nung nag-uumpisa pa lang, wala tayong mga PPE sets. Hindi tayo, alam na natin na merong epidemic sa ibang lugar, hindi pa nun pandemic, pero hindi tayo nag-asikaso. Alam natin na kailangan na tayong magclose ng ating borders. Parang sobrang tagal ng ating pagdesisyon. So, while may mga bagay na magagandang ginawa, nababagalan talaga.

Pacquiao: Alam niyo po, pagstart pa lang nitong virus na ito na lumaganap dito sa ating bansa, ang sinasabi ko na po noon ay yung mass vaccination dahil para hindi po tayo maglockdown nang maglockdown, at dahil po sa daming lockdown, marami pong mga businesses na nagsarado, marami pong nawalan ng trabaho, pero po from the beginning, kung ang focus natin is to vaccinate the Filipino people, hindi po tayo magkakaroon ng lockdown nang lockdown, at magresulta ng pagsarado ng mga businesses, at mawawalan ng trabaho yung mga kababayan natin. At ngayon, maraming nagugutom, at kaya po masasabi ko na talagang yun po ang pagkakamali, na dapat ang pondo, nilaan natin doon sa pagpurchase ng, procure ng vaccines.

Isko: Una, totoo, nagkaroon ng hardship to access to vaccines sa buong mundo, kasi yung matatayog na bansa, kinopo nila yung mga bakuna, pero in fairness, nung dumating yung bakuna, nagdeploy kaagad na lahat ng local government unit. In the case of city of Manila, we were given task, at September, 70%. We went up to 110% at that time. Now, we are 149% vaccinated, 'no? Double to the goal. So, maraming dapat lang iadjust. For example, yung pagbibigay ng ayuda, 'no? Dapat mas efficient. So, yun ang talaga naging hamon sa national government.

Lacson: Ang dapat itama rito, dapat naging proactive, ano? At tapos dapat laging science-based at tsaka data-driven. Lahat ng kilos natin, dapat nakabase sa siyensya, at tsaka nakatuon dun sa mga datos na available. Ang problema, inuuna pa, halimbawa sa ayuda, 'no, 'di ba dapat iramp up ng gobyerno yung paggastos? Ang problema, anong inuna? Hindi ba yung bureaucracy? Pagkatapos, hindi nakakarating. Tapos may corruption pa. Ako, talagang kaya ako galit sa corruption, sa panahon ng pandemya, may sakit na nga yung inaattendan mo, tapos nanakawin mo pa yung pera na nakalaan para sa pandemya? That's unforgivable.

Jessica: Sa mismong tala nga PNP, twenty-nine thousand ang tinatawag po nilang DUI o death under inquiry sa war on drugs. Kabilang na yung mga 'di umano'y nanlaban. Kamakailan, nakita nga po ng Department of Justice ang ilang iregularidad, katulad ng labis na paggamit ng puwersa at hindi pagsunod ng mga pulis sa SOP o Standard Operating Procedure. Ipagpapatuloy mo ba ang war on drugs? Paano mo ito babaguhin, kung gayunman, sa gitna ng natuklasang mga iregularidad ng DOJ?

Lacson: Kailangan, comprehensive. Natutok ang administration na ito sa law enforcement. Nakalimutan yung prevention at tsaka yung rehabilitation. Dapat holistic at tsaka comprehensive ang approach, ano? Kaya nga nung ako'y chairman ng Committee on Public Order and Illegal Drugs, marami kami naitulong. Yung kay Kian delos Santos, yung mga abuso ng pulis tungkol sa mga extrajudicial killings, kaya nga may nasakdal, at meron pang naconvict. Hindi natin papayagan na yung pulis ay mag-abuso pagdating sa law enforcement kasi sila yung first line of defense sa napakaraming lugar, sa malalayong lugar, at kapag ang pulis ay hindi naging protektor sa pagsisilbi nila, walang mangyayari sa ating fight against illegal drugs at tsaka sa criminality.

Leni: Ipagpapatuloy ko, Jessica, with the same vigor pero ibang paraan. Napakahaba nung ako ay nagco-chair ng ICAD, I was there for eighteen days. Pagkatapos ng aking termino, nung ako ay tinanggal na, naghain ako ng isang mahabang paper na nandun nakasuggest yung lahat na dapat sanang gawin para maayos yung laban kontra sa droga. Ako, naniniwala ako na malaki yung problema natin sa drugs pero there are better ways of doing it. Alam natin na hanggang ngayon, problema pa din natin yung droga. Andami nang namatay pero hindi pa rin natin nareresolbahan.

Isko: Una, kung ano yung ginawa namin sa Maynila para labanan ang droga, naging matagumpay kami, buhay ang mga suspek. Pati yung mga hardcore criminal, pati mga wanted, pinagkakalawit namin, nakuha namin. Inilagay namin sila sa husgado. Rule of law is being observed, at very specific ang order ko: Never violate human rights. If there is, in the future, may lumabag sa nakaraan, ay, papapanagutin ko sa mata ng batas. Walang abuso na magaganap ang gobyerno sa mga suspek o suspected o whoever they are, but war on drugs must continue. We must pursue that.

Pacquiao: Katulad po ng sinasabi natin na ipagpatuloy po natin yung war on drugs in the right way, at yung mga lumabag sa batas, mapulis ka man, masimple citizen ka man, ay kailangan, maparusahan. Yun po ang kailangan nating sundin, ang batas palagi, dahil 'pag hindi po tayo sumunod sa batas ay maviviolate natin yung mga karapatan ng pantao.

Jessica: Corruption ang question number three. Ayon sa pagtataya ng Deputy Ombudsman, nasa six hundred seventy billion pesos ang nawalang pera ng bayan nung 2017 dahil sa kurapsyon, at seven hundred fifty-two billion pesos naman nung 2018. Sumatutal, 1.4 trillion pesos sa loob lang ng dalawang taon. Lumalabas po na 20% ng annual budget ng pamahalaan ay nawawala dahil sa katiwalian. Ano ang kongkretong hakbang ng iyong gagawin para tugunan ang nagpapatuloy pa ring katiwalian sa ating gobyerno?

Isko: Kung may datos na yung sinasabi mong ahensya, o, humanda na kayo, bilang na ang araw ninyo dahil papapanagutin ko kayo lahat, lahat nung tumira nung pera na yun, 'pag ako naging Presidente. I will not tolerate those things. Hahabulin natin sila.

Lacson: 'Yan ang number one advocacy ko. Number one sa plataporma, talagang itama yung gobyerno. There's a lot of fixing to do sa government natin. Why? Government lahat ng pinagsisimulan ng problema, nabanggit ko kanina, at yung mamamayan natin, over time, nawala yung tiwala sa gobyerno dahil nakikita nila. Alam mo, yung publiko, susunod lang naman 'yan e, but you know, 'pag gobyerno nangunguna sa corruption, e, talagang walang susunod na mamamayan. Mahahawa pa yung ating mga kababayan, lalo yung pribadong sektor. Overregulation, at pagkatapos, yung nakikitang talamak na kurapsyon, dapat talaga icorrect ito. Ako, I've been very consistent in this regard, Jessica.

Leni: Ako, sinabi ko na kanina, Jessica, na yung sa 'kin, yung transparency yung number one. Transparency, accountability, and people empowerment, na yung transparency, yung una kong gagawin ay yung full disclosure policy. Nung ako ay congressman, eto yung pinakauna kong bill na finile, na lahat ng government processes, lahat na binibili ng gobyerno, dapat imake public, para nadedeter yung mga overpricing, nadedeter yung kurapsyon. Tapos dapat yung lahat na guilty of corruption, maparusahan. Napakabagal ng ating justice system kaya so many people get away with it.

Pacquiao: 'Yan po ang dahilan, at puno't dulo ng paghihirap ng sambayanang Pilipino, yung kurapsyon na 'yan, at ang pangarap ko na makita lahat sila sa loob ng kulungan. I will not compromise. Magdasal na lang talaga sila na hindi ako manalo kasi 'pag nanalo ako, sisiguraduhin ko na ang lahat ng mga nagsasamantala sa ating mga kababayan, nagnanakaw ng pera sa ating gobyerno, mapasok ko sa kulungan. Lahat 'yan. Wala tayong pagbabago kung nandiyan 'yan sila palagi.

Jessica: Isa sa pinakatinamaang sektor ng pandemya ang edukasyon. Mula taong 2020 hanggang 2021, higit eight hundred na private schools ang napilitang magsara ayon sa DepEd. Nasa mahigit one million students ang hindi nakapag-enroll ngayong school year, at daan-daang mga teacher ang nawalan ng trabaho. Ayon po sa NEDA o sa National Economic and Development Authority, nung nagdaang school year, nawalan ng two hundred thirty billion pesos ang education sector. Ano po ang kongkretong planong inyong gagawin para malagpasan ang mga hamong kinakaharap nito?

Isko: Kung magpapatuloy itong pandemyang 'to sa next school year, may awa ang Diyos, ako naging Presidente at may pandemya pa rin, ganito pa rin ang itsura, online, kung ano yung ginawa namin sa Maynila, na ang mga bata, may tablet, ang mga bata, may bandwidth o internet, every month, ang mga teacher, merong laptop, may bandwidth, we'll do the same in the entire country. Isusurvive natin ang pag-aaral. Ayokong isang henerasyon, nagkaroon ng bakante sa edukasyon, so kung ano ang ginawa sa Maynila, gagawin ko sa buong bansa.

Lacson: Unang-una, kailangang malagpasan natin yung pandemya, 'no, kasi may limitasyon talaga yung face-to-face na 'pag sa edukasyon, ano, at sa mga ibang bagay pa, so talagang pagtuunan dapat ng pansin na makawala tayo dito sa pandemya na ito. Ang problema nga, hinahaluan pa ng kalokohan, hinahaluan pa ng corruption yung sa pagtrato ng pandemya. Nakita natin yung anomalya sa PhilHealth, pati yung anomalya sa pagbibigay ng ayuda. Napakaraming dapat baguhin na, Jessica. Hindi lamang sa sektor ng edukasyon, kundi sa napakaraming o pangkalahatang sektor ng ating lipunan. Kurapsyon talaga papatay sa atin 'pag hindi natin ito talagang tinutukan at ginawan ng paraan para masolve.

Leni: Jessica, as early as May of 2020, sinasabi na namin in public, sinabi namin sa DepEd, sinulatan namin yung pamahalaan, sinabi namin, na kailangan nang buksan yung mga paaralan lalo na dun sa mga lugar na mababa naman yung COVID cases, na low-risk areas. Kailangan na magface-to-face classes kasi grabe na yung damage na nagagawa sa mga estudyante. Sa mga high-risk areas, siguraduhin, kung hindi pa kaya magface-to-face classes, siguraduhin na bawat estudyante, may gadget, para hindi sila naiiwan ng ating pinag-aaralan. Ngayon, two years after already, nasa pareho pa din tayong sitwasyon. Ngayon, two years, tayo na yung pinakahuling bansa na hindi pa nagbubukas ng mga paaralan. Meron pa lang tayo, parang mga pilot openings. Ngayon na surge na naman, nahinto na naman 'yon, pero kung inumpisahan na natin nung sinasabi natin na magbukas na, marami sana tayong problema na naiwasan.

Pacquiao: Unang-una po, marami rin akong nabalitaan na kurapsyon diyan sa DepEd dahil diyan, at unang-una po, bigyan natin ng suporta ang ating education. Bigyan natin ng tag-iisang gadget ang lahat ng mga estudyante, at hindi lamang po - armasan din po natin yung mga teachers natin na kulang sa armas. Bigyan natin ng mga gadget, at tulungan po natin sila dahil sila po ang nagsakripisyo para magturo sa ating mga kabataan.

Jessical: Nasa halos limanlibong mga kaso ng pang-aabuso sa mga OFW ang naitala po ng POLO o ng Philippine Overseas Labor Office nung 2020 sa iba't ibang bansa. Naitala rin ng POLO ang contract violation sa mga OFW na umabot sa mahigit twenty-three thousand nung 2020. Ano po ang mga dapat gawin para mapangalagaan ang karapatan ng ating mga OFW?

Isko: Ay, unang-una, makikipag-ugnayan ako sa mga bansa na 'yon, yung host na bansa. Bakit wala silang ginagawa dun sa mga citizen nila na nang-aabuso sa Pilipino? Because the sauce for the gander is the sauce for the goose. Kung sila, inaalagaan natin dito bilang mga banyaga, alagaan din nila yung mga kapuwa nating Pilipino na nagtatrabaho't nagsisilbi sa kanila. Second, we will make sure that we will put good people in our POLO.

Leni: Ang pinakauna, ayusin natin yung ating ekonomiya para yung paglalabas para magtrabaho sa ibang bansa, hindi dahil sa necessity pero by choice. Pangalawa, hanapin natin yung mga lugar na, yung karamihan ng mga OFWs, nandun, siguraduhin natin na pumasok tayo sa mga bilateral contracts with them para sa protection ng mga manggagawa natin na nando'n. Mahirap na nando'n sila na wala tayong bilateral contracts kasi hindi natin sila napapangalagaan in the manner na kailangan natin silang pangalagaan. Pangatlo, kailangan, inuupscale natin o nireretool natin yung mga skills ng ating mga kababayan na lumalabas para yung mga trabaho nila ay yung medyo nakakaangat, na pupunta sila do'n, pupunta sila bilang professionals, pupunta sila bilang opisyal ng barko, pupunta sila dahil mga skilled workers sila. Dapat yung gobyerno yung nagpoprovide ng training na 'yon para handa yung ating mga kababayan. 

Pacquiao: Alam niyo po, ito ang pinakaunang batas na naipasa natin, yung handbook for OFW, dahil importante po sila na protektahan natin at pangalagaan natin dahil malaki po ang naiambag nila sa ating bayan, at higit sa lahat, yung handbook po na 'yan, kailangan lang maimplement dahil magkakaroon po sila ng tinatawag natin na puwedeng contactin ang 'pag magkaroon sila ng problema, hindi lamang isa o dalawa, kundi marami.

Lacson: Unang-una, dapat mawala yung isipang kailangang mag-ibang bansa para kumita ng pera. Dapat naandito yung ating kabuhayan, dapat naandito sila hangga't maaari. Now that nandiyan na yung situation na talagang helpless naman at kailangang mag-OFW, meron na tayong naipasa 'di ba? Yung department para sa mga OFWs. Again, departamento ito. Kailangan lang dito, execution, implementasyon. 'Pag ito'y nagkaroon na naman, nahaluan na naman ng kalokohan, wala nang mangyayari. Sayang yung batas na ipinasa ng konggreso patungkol dito. So, ang programa natin, Jessica, more on execution, more on implementation. Madaling gumawa ng batas pero ang problema, pagka sa execution, do'n nagkakaloko-loko.

Jessica: Pangsiyam ang Pilipinas sa riskiest countries dahil sa extreme weather events ayon sa World Risk Index nung 2021. Halos taun-taon po tayong binabayo ng napakalalakas na mga bagyo. Lagi rin may banta ng pagsabog ng bulkan, lindol, at iba pang mga sakuna. Anong mga hakbang ang gusto mong ipatupad para mas mapaghandaan at maibsan ang epekto ng mga kalamidad?

Leni: Hetong pinakarecent na typhoon Odette, grabe yung damage sa atin. Eto, Jessica, opportunity for us to build back better. Antagal na nating inuulit-ulit yung build back better, pero yun sa 'tin, halimbawa, 'pag nagpagawa tayo ng mga low-cost na mga houses ulit para sa ating mga kababayan, sa susunod na bagyo, sila ulit yung mawawalan ng bahay, so para sa 'kin, bakit hindi na tayo mag-invest, na itong mga kababayan natin sa mga danger zones, una, mailikas na sila do'n. Pangalawa, 'pag narelocate na sila, ito, meron naman, yung eastern portion ng Pilipinas, eto yung laging tinatamaan, siguraduhin natin na yung pagkagawa ng mga bahay ay resilient na sa bagyo. Yung paggawa ng mga paaralan ay sinisiguro na natin na at the same time, nagagamit siya bilang evacuation centers. Yung paggawa ng mga paaralan, sinisiguro natin na 'pag dumating yung bagyo, hindi na siya masisira. Kung magpapagawa tayo ng mga evacuation centers, sisiguraduhin natin na hindi siya masisira pagdating ng bagyo para nalelessen  yung loss of lives and properties sa atin.

Pacquiao: Kailangan po natin pangalagaan ang ating mga kapaligiran. Magtanim po tayo nang magtanim ng puno. 'Wag po natin putulin ang mga puno sa ating kabundukan para hindi po, wala pong buhay na masayang pagdating po ng mga calamity na 'yan, at higit sa lahat po, alagaan po natin yung environment natin. Isulong po natin yung clean and green dahil po bahagi po 'yan ng buhay natin. Alalahanin din bahagi ng buhay natin kasi when God created the world, hindi Niya sinabing there's mankind. Doon Niya tayo kinuha galing sa lupa kaya pangalagaan natin. 

Isko: Una, we will acquire more technology that are available in this world. We will acquire more equipment that are available in this world. Second, magtatatag tayo ng mga pasilidad na nakatitiyak na yung ating mga kababayan, hindi naman maging basang sisiw kapagka tag-ulan, pagka binagyo, pagka nasunog, pagka binaha, 'no? Eto, mga bagay na ito'y paulit-ulit na nangyayari kaya I think we'd learned our lesson very well so better, ihanda natin ang tao na mayro'n silang kapanatagan kapagka may aberya katulad ng ginagawa namin sa Maynila.

Lacson: Well, unang-una, ang Pilipinas, napakaliit na bansa para makapaglagay ng dent, ano, dun sa tinatawag na sa climate change yung problema, but then we're still part of an international community of nations, and we can do our share, ano? Dapat mag-isip tayo ng, alam mo yung renewable energy? Meron tayong batas diyan e. Ngayon, yung carbon emission, isang nakapalaking problema. Mabuti na lang at nagkaroon ng pagpupulong sa Glasgow, hindi ba, at ito'y natalakay ng malalaking bansa. We can do our share in this regard, ano? Yung kalamidad, dapat nakaready tayo. Ang problema, maski yung kalamidad, pinagkakakitaan pa.

---

Jessica: Ipagpapatuloy mo ba ang VFA o ang Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika?

Lacson: Yes.
Isko: Yes.
Pacquiao: Yes.
Leni: Yes.

Jessica: Susuportahan mo ba ang abolition ng PCGG?

Lacson: No.
Isko: No.
Pacquiao: No.
Leni: No.

Jessica: Naniniwala ka bang may EJK o extrajudicial killings sa anti-drug war campaign?

Lacson: Yes.
Isko: Yes.
Pacquiao: Yes.
Leni: Yes.

Jessica: Ipagpapatuloy mo ba ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDF?

Lacson: Yes.
Isko: Yes.
Pacquiao: Yes.
Leni: Yes.

Jessica: Papayagan mo ba ang POGO operations?

Lacson: Yes.
Isko: Yes.
Pacquiao: Yes.
Leni: No.

Jessica: Pabor ka bang isabatas ang pagbabawal sa political dynasty?

Lacson: Yes.
Isko: Yes.
Pacquiao: Yes.
Leni: Yes.

Jessica: Sang-ayon ka ba sa legalization ng jueteng?

Lacson: Yes.
Isko: Yes.
Pacquiao: No.
Leni: No.

Jessica: Sang-ayon ka ba sa legalization ng medical marijuana for medicinal or medical purposes?

Lacson: Yes.
Isko: Yes.
Pacquiao: No.
Leni: Yes.

---

Jessica: Isusulong niyo ba ang pagpapatupad ng desisyon ng International Tribunal, at paano mo kukumbinsihin ang China na sumunod at igalang ang desisyong ito?

Leni: Ako, Jessica, matagal na 'kong naglalabas ng statements dito, at lagi kong inuulit-ulit na kailangan, yung desisyon na 'yon, ileverage na natin. Ileverage natin para makabuo tayo ng coalition of nations, na yung coalition of nations na mabubuo natin, andaming kumakampi sa 'tin because of the arbitral ruling. Pag-isahin natin yung coalition of nations para sabay-sabay nating harangin yung ginagawang militarization ng West Philippine Sea. Yung sa 'kin, sobrang tagal na, at andami nang nangyari, even after pinanalo na natin yung kasong ito, and meron tayong armas. Ang armas natin, yung ating pinanalunan, and sa 'tin, eto yung armas natin para mahikayat yung ibang bansa na tulungan tayo, magkaisa sa 'tin, para sabay-sabay nating harangin yung ginagawang pagsakop ng ating teritoryo.

Lacson: Kailangan, ituloy yun kasi permanent yung ruling na 'yon, kaya lang hindi implementable, ano? Kaya kailangan, dumulog tayo at magpalakas tayo ng alliances with the militarily-strong countries like the United States, European Union countries, Japan, Australia, at marami pa, 'no? Balance of power ang kailangan sa West Philippine Sea. Ang foreign policy, nakaanchor lagi sa national interest. Icapitalize natin yung national interest ng iba't ibang bansa dahil kailangan din nila sa freedom of navigation, diyan dumadaan yung 10-12% ng international trade, so doon tayo kumuha ng lakas kasi hindi natin kayang harapin ang Tsina rito.

Pacquiao: Unang-una po, ipaglaban natin yung karapatan natin. Hindi naman tayo puwede rin magpabully, at kailangan din, pag-usapan kung ano yung mga problema kasi hindi po nareresolba ang problema sa isang pag-uusap o dalawang pag-uusap, lalung-lalo na pagdating sa usapin na itong West Philippine Sea. Ang kailangan, maraming dialogue, maraming pag-uusap para magkaintindihan, kasi matagal na 'yang problema na 'yan, at hindi natin maresolba-resolba kasi wala pong pag-uusap. Mismo sana na dapat hindi lamang isa o dalawang pag-uusap.

Isko: In a civilized world, in a civilized time, we are gathered by law and order. O, e, pabor sa atin yung Hague, o, dapat kilalanin nila 'yon, o hindi naman nila kikilalanin, pero sisiguraduhin ko muna, first things first: food security. Yung mga mangingisda natin, sisiguraduhin ko, makakapangisda kayo diyan. 'Yan ang katiyakan. Second, hindi na lalawak pa kung anuman yung mga nakuha nila, habang binabawi natin yoong mga nakuha na nila, hindi na sila makalalawak, at third, I will make sure that there is presence of our armed forces in that archipelagic area.

Jessica: Nung 2018, nasa 16.7% ang poverty rate sa ating bansa. Katumbas po 'yan ng 17.7 million na mga Pilipino na naghihirap. Sa pagtataya ng NEDA, inaasahang tataas pa ito nang 17.5% o 19 million Filipinos ngayong 2021. Anong mga programa ang iyong ipatutupad para mapababa ang bilang ng mga naghihirap, at paano mo paglalapitin ang lumalawak na agwat o puwang sa pagitan ng mga mahihirap at ng mga mayayaman sa ating bansa?

Isko: Alam mo, Ma'am Jessica, galing ako sa hirap, squatter ako. Mahirap maging squatter sa sarili mong bayan. Ang unang-una kong binalik sa mga taga-Maynila, dignidad. Magkaroon sila ng masisilungan, panatag ang buhay nila. Kapag ang tao, ang mahirap, binigyan mo ng pabahay, tumataas kaagad ang kalidad ng pamumuhay. Binigyan mo ng maayos na ospital, kapag nagkasakit ang mga magulang, may matatakbuhan silang maayos at disenteng ospital. Pinag-aaral mo nang maayos yung mga anak, may pasilidad na maganda, I think, naturally, these basic services, basic needs, addressing basic needs will alleviate yung katatayuan ng buhay ng isang mahirap na pamilya.

Lacson: 'Pag nawala o nabawasan nang malaki ang katiwalian sa gobyerno, aasenso yung ating mga hirap, ano? Alam mo yung equitable distribution ng wealth, ng resources ng country? Anlaki ng disparity, kaya nga meron akong budget reform advocacy, na kung saan yung budget, ikalat natin sa malalayong kanayunan, icapacitate natin sila para nang sa ganun, marunong silang magprepare ng kanilang local development plans at mag-implementa ng mga proyekto nang sa gano'n, liliit yung pagitan ng mga mayayaman tsaka mahihirap kasi magkakaroon ng opportunity sa malalayong bayan. Ito'y number one na aking pinaglalaban: budget reform advocacy. Yung budget, ito'y napakalaking tool, napakamainam, mabisang tool para maibsan yung kahirapan ng ating mga kababayan.

Pacquiao: Makapagbigay ng trabaho sa kanila, yun po ang importante. Makapagbigay ng sariling tahanan, hanapbuhay, yun po ang pinakaano, at libreng edukasyon, yung talagang libre talaga na wala nang binabayaran ang ating mga, ang mga pamilya. So, yun po ang kailangan nating tutukan. Palakasin natin yung ekonomiya natin nang sa gayon, ang trabaho, maghanap ng tao, hindi ang tao, maghanap ng trabaho. Kahit nga ngayon kaya, ang tao, maghanap ng trabaho, walang makitang trabaho e. Hindi makapaghanap, mahirap maghanap ng trabaho, kaya po ang gagawin natin, palakasin natin ang ekonomiya natin at magbigay ng trabaho.

Leni: Ang pinakakailangan talaga, trabaho. Magkakacreate lang tayo, Jessica, ng trabaho dito 'pag inayos natin yung ating governance at 'pag inayos natin yung ating ekonomiya. Nung nakaraang buwan, naglatag na ako ng aking hanapbuhay para sa lahat na platform. Mahaba ito, at ito ay makikita na sa lenirobredo.com. Nakalagay do'n yung detalye, at yung detalyeng ito, aayusin natin yung governance, ififix natin yung ating institutions, imamaximize natin yung opportunities ng mga local industries, sisiguraduhin natin yung kapakanan ng ating mga workers, sisiguraduhin natin na kung saan tayo may opportunities, magagamit natin, pero ito, hinihikayat ko yung lahat na bisitahin yung ating website, kasi dito po, detalyeng nakalagay yung ating hanapbuhay para sa lahat program.

Jessica: Sa mismong pagtataya ng PhilHealth, maaaring tumagal na lamang nang hanggang 2027 ang actuarial life ng ahensya. Ibig sabihin, hanggang 2027 na lang daw po ang kayang itagal ng reserbang pondo ng PhilHealth. Dahil daw ito sa mababang koleksyon, pero malaking benefit payout dahil sa COVID-19. Paano mo tutugunan ang problemang hinaharap ngayon ng PhilHealth para masigurong maging tuluy-tuloy ang benepisyong hatid nito sa kanyang mga miyembro?

Isko: Ang PhilHealth is a financial institution. I will put financial person. Hindi 'yan para sa mga doktor o mga kung sinu-sino lang na inaappoint. We will appoint right person in that particular agency, or GOCC, para lumago ulit yung salapi ng PhilHealth na pera naman ng tao, so we have to put a financial guy or group of people who understand finances and how to grow the money of PhilHealth.

Lacson: Unang-una, anong ginagawa ng isang abogado na dating NBI director para mamuno sa PhilHealth? Sa tingin ko, ang PhilHealth ay isang health insurance, hindi ba? Dapat isang maalam sa finance ang naghahandle diyan, so dun pa lang sa paglalagay ng, yung skills matching, parang mali na kaagad. Pangalawa, yung corruption na naman. Kaya kinakapos ng pera ang PhilHealth, kung saan-saan napupunta. Nung 2019, nagkaro'n kami ng investigation, ano? Yung aking privilege speech, PhilWealth and the Department of Wealth, fourteen billion pesos ang nawala doon sa corruption, kung saan napunta. So, ayon, hanggang ngayon, nasasakdal yung mga dating opisyales ng PhilHealth, nasa Ombudsman, pero napakabagal ng paggrind ng wheels of justice, so yun ang problema natin dito sa ating bansa, wala napaparusahan, bagkus, minsan, nagagantimpalaan pa.

Pacquiao: Unang-una po, sugpuin natin 'yan kurapsyon. 'Yang kurapsyon ay talagang cancer ng ating bansa. Pangalawa, magfocus tayo doon sa revenue income ng ating gobyerno, kasi may budget tayo na ginagastos e, may annual budget tayo. Meaning to say, gumagastos ang bansa natin ng kalaki-laki, trillion-trillion a year. Dapat ang concern din natin, pinakaconcern natin, yung revenue income ng ating gobyerno taun-taon din, kasi may ginagastos tayo e. Hindi tayo deserving na mangutang na mangutang taun-taon. Kailangan, may income.

Leni: Ako, number one kasi, leadership. Kaya nagkaganito yung PhilHealth dahil sa leadership na hindi namanage nang maayos yung opisina. Ako, para sa 'kin, kailangan, yung mamuno ng PhilHealth ay isang health economist na naiintindihan, like tsaka actuarial scientist, na naiintindihan kung papa'no papagulungin yung pondo ng PhilHealth, pero ako, bakit kaunti yung contributions ngayon? Kulang yung confidence sa PhilHealth. Kulang yung confidence kasi andami nilang hindi binabayaran. Para sa 'kin, dapat bayaran na lahat. Kung merong pagkukulang, o merong hindi tamang record, ay singilin nila later on, pero ngayon, bayaran na lahat kasi ang daming ospital, nagsasara. Ang daming ospital, nagsasara kasi hindi sila nababayaran, so parang, ano siya, it is a question of confidence, na lalong maraming hindi confident sa PhilHealth, lalong hindi dadagdag yung contributions sa kanya, kasi kulang na yung paniniwala sa kanya.

Jessica: Sa buong mundo, Pilipinas ang isa sa nangungunang social media user. Sunod sa telebisyon, pumapangalawa na rin ang social media sites bilang top source of news ng mga Pilipino ayon sa ilang pag-aaral, pero maraming impormasyon online, mali at hindi totoo. Ano ang gagawin mo para labanan ang trolls, yung tinatawag po nilang fake news o misinformation at disinformation?

Leni: Unang-una, meron tayong mga batas na nagcicriminalize ng maraming mga kasamaan na ginagawa online, pero yung pag-implement ng batas ay hindi maayos. Kami lang, Jessica, we have been at the receiving end of so much disinformation, pero walang nangyayari sa ating mga reklamo. Yung pangalawa, kailangan, yung mga big social media companies, papanagutin, kumbakit nila hinahayaan yung kanilang platforms magamit sa kasinungalingan, kumbakit nila hinahayaan na yung mga kasinungalingan, namamayagpag sa kanilang platforms.

Lacson: Pare-pareho tayong biktima ng fake news tsaka disinformation, Jessica, so dapat mamulat yung ating mga kababayan, maging discerning on our own, sa ating sariling galaw natin, pero dapat yung ating pamahalaan, merong control mechanisms, at tsaka talagang dapat habulin yung nagpapakalat ng fake news, kasi minsan, yung fake news, pagka inulit nang inulit, nagiging totoo na, so tama ka, sa halip na gamitin yung ating internet service, ano, mabagal na nga, para sa mga makabuluhang bagay, doon pa ginagamit sa fake news. E, wala e. Minsan, natatawa na lang tayo sa sarili natin pero naiinis na rin tayo sa sarili natin, na bakit yung fake news ang nangingibabaw, yung proliferation ng mga trolls, at lahat na, sama-sama na, so dapat maging discerning tayong mga Pilipino sa pagtrato sa mga lumalabas sa social media.

Pacquiao: Pagdating po ng panahon, kailangang ikontrol natin 'yan lahat 'yan. Malaya ang mga tao gumamit ng social media, Facebook, like that, pero kailangan, 'wag naman abusuhin, na gamitin na parang gumawa ng trolls, lahat, everything, and then also, yung palakasin din natin yung internet signal dito sa ating bansa, at mayro'n na tayong mga kinakausap din po na makatulong sa pagpapalakas ng connection ng internet signal dito sa ating bansa, at magpapalawak pa.

Isko: 'Yang mga may-ari ng mga social media company na 'yan, papapanagutin ko 'yan, kasi walang sumusubok sa kanilang habulin sila ng bansa e. Hinahayaan nilang gawing outlet ng mga maling impormasyon yung kanilang sistema. Now, beware. Lahat ng magiging bahagi ng fake news, whether their system o the one person who did it under our law, it's already existing sa ating mga batas, pati yung mga may-ari ng malalaking kumpanya na 'yan, dapat papanagutin ng tao, ng bansa, ng estado.

Jessica: Mahigit isanlibo po ang namatay at mahigit one million naman na mga taga-Marawi ang nawalan ng tirahan dahil sa kaguluhan na nangyari doon. Apat na taon na ang nakalilipas. Ayon sa Task Force Bangon Marawi, 75-80% ng Marawi rehabilitation ang natapos as of September 2021. Ano ang maipapangako niyo sa mga taga-Marawi na matagal nang naghahangad na makabalik na sila sa dati nilang buhay?

Leni: Kami, Jessica, since 2016, meron na kaming presence sa Marawi. Ang Marawi, isa sa mga adopted communities ng aming Angat Buhay program. In fact, yung aming pinakaunang Angat Buhay village ay ginawa namin sa Marawi, and yung relationship namin with them ay is one of trust and yung fellowship in terms of governance, in terms of, marami, livelihood, opportunities, in terms of empowerment of the basic sectors there, in terms of education, marami tayong nabuild na mga classrooms do'n after the siege with our partners, and itong relationship neto, whether Vice President pa ako o hindi na, eto, magpapatuloy. Eto yung commitment ko, sila, sa kanila, even before I filed my certificate of candidacy, alam ito ng mga taga-Marawi, Jessica. Before the surge, before the pandemic, nando'n ako on a very regular basis. Even during the pandemic, I've been there a few times already. Yung mga projects namin, ongoing pa din until now, and magpapatuloy 'yon even after my term as Vice President.

Pacquiao: Ito po ay, hindi po ito pangako, kundi ipagpatuloy ko yung mga ginagawa ko na pamimigay ng sariling tahanan, at tutulungan sila ng ating gobyerno para gawin ang kanilang mga tahanan para makabalik na sila doon sa kanilang lugar, 'no, kung sa'n nasira dahil do'n sa kaguluhan sa Mindanao. So, yun po ang ginagarantiya ko, yung pabahay natin, hindi lamang po sa Marawi, kundi sa buong Pilipinas. Bibigyan natin ng sariling tahanan ang bawat pamilya na walang sariling tahanan, at 'yan po ay talagang mangyayari pagdating po ng panahon.

Lacson: Katulad din ng dapat ginawa sa Yolanda, katulad ng dapat gagawin sa Odette, pagka merong kalamidad, dapat ang prayoridad ng gobyerno, nakatutok at tsaka sustained. Hindi pupuwedeng kung uso lamang, saka lamang nagpupuntahan do'n. Alam mo, kaya ako nakapagsabi ng merong politics of service at saka yung politics of self-interest, alam mo kung saan yung kalamidad? Doon nagkakagulo yung mga pulitiko, kanya-kanyang epal. Ako nga, nagbigay ako ng tulong pero ni minsan, hindi na 'ko nagpunta do'n, ni ayaw ko ngang ipaalam. Ang kausap lang namin, yung mga gobernador, at tsaka sinasabi namin, 'Huwag niyo na sabihin kung sa'n nanggaling,' kasi yun ang tunay na serbisyo, yung tunay na tulong, yung hindi humahanap ng pangsariling kapakanan o interes para makilala o malaman na sa kanila nanggaling. Diyan ako inis na inis, Jessica, 'no? Ang kalamidad, 'pag uso lamang, saka lang nagkakagulo do'n. 'Pag lumipas na yung isang taon, anim na buwan, at nakalimutan na ang kalamidad, lahat, nakalimot na rin kung papa'no gagampanan yung dapat tugunan na pangangailangan ng ating mga kababayan, so dapat talaga sustained.

Isko: 80%, September 21? Itong 2021?

Jessica: Opo, 2021.

Isko: By December of 2022, tapos na 'yon, 100% na 'yon. Second, yung lupa do'n, maraming issue ng lupa ro'n, ay pag-aari ng gobyerno. E, ako, namamahagi ako ng lupa sa Maynila, binibili ng gobyerno, ibinibigay sa tao. Nagtatayuan ng mga pabahay, ibinibigay sa tao, para magkaroon ng kapanatagan, and that, the same rule, will be applied to Marawi. By December of 2022, tapos na 'yon, 100% na 'yon.

Jessica: Kung ikaw ang papalaring maging Pangulo, magbigay ng tatlong mahahalagang prayoridad sa iyong administrasyon.

Isko: Buhay, kabuhayan, trabaho, iyan lang, diyan lang iikot yung first two years of six years. Itatawid natin yung tao, makaraos tayo sa pandemyang ito. Marami nawalan ng trabaho, and I hope we can create more jobs, the way we did in Manila. Yung Build, Build, Build, we will continue that kasi bayad na ng buwis ng tao 'yan e, but in our case, we will continue to build, build, build, but build more schools, build more hospitals, build more housing, to generate more jobs, so basic governance. Ang maaasahan nila sa 'kin is basic governance. Buhay at kabuhayan, in the next two years, maitawid lang ang bawat pamilyang Pilipino.

Pacquiao: Unang-una po, palakasin natin yung ekonomiya, pagbibigay ng trabaho sa ating milyung-milyong mga Pilipinong walang trabaho, at pagbibigay ng sariling tahanan, yung libreng pabahay, na wala po silang babayaran, hindi yung libreng pabahay ta's may babayaran ka monthly, and then yun pong pagbibigay ng hanapbuhay. Importante po, hanapbuhay, na may makain sila sa araw-araw, at libreng edukasyon, as in libre, walang babayaran, at yun po ang ating mga programa at pangako sa ating mga kababayan, na gagawin natin, at hindi lamang po mga pangako 'yan, kundi itutuloy na lang natin yung ginagawa mula pa noon hanggang ngayon.

Lacson: Unang-una, budget reform, ano? Kailangan talaga, yung budget, kumalat sa buong Pilipinas. Hindi yung nandiyan lang sa central government, at ninanakaw pa. Dapat tama ang paggamit. Alam mo ba, Jessica, na ang average unused appropriations for the past ten years? 2010 hanggang 2020, three hundred twenty-eight billion pesos. Taun-taon 'yan, average, at yung misused, mas malaki pa 'yon, lalo na yung abused, kasi alam naman natin, 'pag pinasok, ininsert, at walang kulang sa plano, e, ang mangyayari diyan, mali yung paggastos, mali ang pag-implementa, so pangalawa, digitalization ng ating government processes, 'no? Pangatlo, siyempre, yung corruption, dapat na unahin, not necessarily in that order, ano, kasi top sa priority ko talaga, iaddress yung issue ng corruption sa ating gobyerno, kasi there's no other way. Alam mo, at least 50% of the country's problems will be solved 'pag nasolve natin ang corruption.

Leni: Number one, trabaho. Yun number one talaga, trabaho, dahil sa pandemic ay andaming naghirap, andami nagsara. Yun talaga yung tututukan natin. Yung pangalawa, ang ating health, ang ating kalusugan, programa sa kalusugan. Etong pandemic ay nareveal yung lahat ng mga systemic ills ng ating health care system. Sisiguraduhin natin na yung ating, yung access to medical care, access to health care ay available siya kahit sa mga mahihirap. Yung pangatlo, education. Lagi kong sinasabi na kailangan na tayong magdeklara ng education crisis, even before the pandemic. Yung ating mga lagay sa mga assessment, international assessments, kulelat tayo, kaya 'yon ay tututukan natin, so trabaho, kalusugan, edukasyon.

---

Jessica: Pabor ka ba na isapubliko ng mga public official ang kanilang SALN?

Lacson: Yes.
Isko: Yes.
Pacquiao: Yes.
Leni: Yes.

Jessica: Payag ka ba sa panukalang joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at ng China sa West Philippine Sea?

Lacson: Yes.
Isko: Yes, kahit sino.
Pacquiao: Yes.
Leni: Yes, kung merong recognition ng arbitral ruling.

Jessica: Pabor ka bang dapat isapubliko ng isang Pangulo ang kanyang medical records?

Lacson: Yes.
Isko: Yes.
Pacquiao: Yes.
Leni: Yes.

Jessica: Susuportahan mo ba ang panukalang nagbabawal sa pagtakbo ng mga kandidatong may kinakaharap na kaso?

Lacson: No.
Isko: Yes.
Pacquiao: Yes.
Leni: Yes, depende kasi sa klase ng ebidensyang meron.

Jessica: Ibabalik mo ba ang pagiging miyembro ng Pilipinas sa ICC?

Lacson: Yes.
Isko: Yes.
Pacquiao: Yes.
Leni: Yes.

Jessica: Dapat bang iprosecute ng ICC si Pangulong Duterte?

Lacson: Yes.
Isko: No.
Pacquiao: Yes, 'pag may kasalanan.
Leni: Wala ako sa capacity para magsabi na kailangan siyang iprosecute o hindi, kasi nasa preliminary investigation stage pa lang siya.

---

Jessica: ...pipili naman kayo sa mga babanggitin ko, kung alin ang gusto po ninyo.

Jessica: Two-party o multi-party system?

Lacson: Two-party.
Isko: Two-party.
Pacquiao: Two-party.
Leni: Ako, two-party system.

Jessica: Parliamentary o presidential?

Lacson: Presidential.
Isko: Presidential.
Pacquiao: Parliamentary.
Leni: Presidential.

---

Jessica: Hindi po madali at isang napakalaking responsibilidad ang maging Pangulo ng ating Republika. Napakaraming problema. Sa kabila ng mga gahiganteng problemang ito, bakit niyo pa rin ho gustong maging Pangulo?

Leni: Ako, sa 'kin, Jessica, sa 'kin kasi, yung solusyon ng lahat ng problema ng ating bansa, hindi siya nakasalalay sa isang tao, pero nakasalalay siya sa lahat ng Pilipino, at ang tingin ko, yung dapat na maging susunod na Pangulo, yung Pangulo na merong capacity and ability to inspire, to inspire other Filipinos to own the problem, to inspire yung lahat ng mga Pilipino na tumulong, maging bahagi ng solusyon. As Vice President, eto yung aking naachieve. As Vice President, yung naachieve ko, I was able to inspire so many para magcollaborate, kaya marami kami nagagawa sa Office of the Vice President, because we have inspired confidence, and people have been inspired to do their share, to contribute to nation-building, and yun yung aking tinitingnan bilang aking macocontribute kung ako ay maging Pangulo.

Isko: Sanay naman ako sa hirap e. Buong buhay ko, puro hirap ang inabot ko e, so itong mga challenges na 'to, para sa akin, it's a normal thing. Yes, it's true, it's a bigger picture. Yes, it's true, it's the entire country, but we have done things that are scalable, napapalaki, napapalawak, so yung basic governance that addresses the basic needs of our people can be shared to the entire country, so sa akin, okay lang, yung makapaglingkod sa taumbayan, e, yun naman ay para na lang, kumbaga, sa sarili mo, na nabigyan ka ng pagkakataong to excel, to showcase, or show your love for the country, your love for your fellow men, so it's a calling, sort of saying, Ma'am Jessica.

Pacquiao: Dahil po, nakita ko po na may magagawa po ang ating gobyerno para maresolba itong problema na 'to. Kailangan lang, malinis na panggobyerno, walang bahid na kurapsyon, magandang plano para sa ating bansa, nang makapagbigay ng trabaho sa ating mga kababayan, makapagbigay ng sariling tahanan, makapagbigay ng magandang, yung trabaho sa ating mga pamilya, at higit sa lahat po, pagpapakulong ng ating mga abusadong mga pulitiko, mga politician, mga leader sa ating bansa, na nagnanakaw sa kaban ng bayan. Pagdating po ng panahon, magfocus po tayo sa pagpapalakas ng ating ekonomiya nang sa gayon, ang trabaho na maghanap ng tao, hindi ang tao, maghanap ng trabaho - masagana ang Pilipino.

Lacson: Kasi alam ko, base sa aking experience, executive at tsaka sa legislative, ano? Marami na 'ko nagawa, at ito na yung huling hurrah, sinasabi ko sa aking serbisyo sa buhay, ano? Ayoko na sana magpatuloy pero nakita ko yun napakalalaking problema ng bansa. Sa akin, tinitingnan ko 'tong Presidency as a sacrifice, kasi nakapagsilbi na ako, nagawa ko na yung dapat kong gawin. Yun ang aking satisfaction sa buhay, ano, at matino naman yung aking ginawang pagseserbisyo, pero nakita ko yun napakalaking problema, at sayang naman yung aking, sabihin ko na, yung track record, ano, ito yung pagmamalaki ko. Alam mo, yung mga pinapangako ng ibang mga tumatakbo, ginawa ko na e, at tsaka ginagawa ko na ngayong ako'y isang mambabatas. E, sayang naman kung hindi ko iaambag yung aking experience, yung aking competence, yung aking track record, na napag-aralan sa napakahabang panahon. I think may magagawa pa ako, kaya yun ang, kaya ako nagdecide na tumakbo.

No comments: