January 30, 2022

The Boy Abunda Presidential Interviews, 2022 (Pacquiao)

source: https://youtu.be/BvNpOO9ehFM
disclaimer: this is not an official transcript.
average reading time: 39 mins

note:
before remarking on errors,
check the audio from source first.

Boy: Good evening. Welcome. Our special guest tonight, Senator Manny Pacquiao. Senator Manny, magandang gabi. Welcome at maraming salamat for being here.

Pacquiao: Magandang gabi po, at sa ating mga nanonood ngayon.

Boy: Let's start with the environment, specifically, Senator Manny, itong issue on mining. Noong Abril 2021, si President Duterte, nilift niya yung 9-year moratorium on granting new mining permits through Executive Order 130 kasi may moratorium 'yan e na walang mga bagong permiso ang pagmimina. Samantala, December 2021, the Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay nilift din nila yung ban ng open-pit mining sa pamamagitan ng Department Administrative Order No. 2021-40. Itong desisyon na ito ng DENR at tsaka ng Presidente ay pinuri ito ng mining industry. Samantala, binatikos ito ng mga human rights and environment defenders. Ito ang aking katanungan, Senador Manny, you are applying to become the next President of the Republic of the Philippines, 'pag kayo po'y pinalad na manalo, itong mga desisyon ni Presidente at saka ng DENR, pagtitibayin niyo ho ba ito o ipapawalang-bisa?

Pacquiao: Gusto ko lang pong iexplain sa inyo na yung mining kasi, hindi naman po ipinagbawal talaga 'yan sa mata ng ating Panginoon. Even before, sabi nga ng Panginoon, 'I give you, I brought you the land that you can dig copper out of it,' so meaning to say, there is a ano, but responsible. Kailangan, 'wag mong sirain yung kalikasan because ang kalikasan, bahagi ng ating buhay. 'Pag sinisira mo yung kalikasan natin, sinisira, pinapaiksi mo yung buhay natin dito sa mundo kasi isa lang ang katangian na nacreate ng Panginoon na kakaiba, ang tao. Ang pagcreate ng Panginoon sa tao, hindi niya, sinabi niyang by words. Nagform siya ng soil at binigyan niya ng hininga. Galing tayo doon sa universe that He created, so that's why, therefore, we are part of the universe that He created. Part sa buhay natin 'yan kaya the more na sinisira mo, the more na pinapaiksi natin yung buhay natin dito sa mundo.

Boy: Pero sa 'yong pananaw, Senador Manny, ay payag ka, ika'y pabor sa ethical, or ang tawag nila diyan ay sustainable mining, as oppose to total ban mining, a, total ban on mining.

Pacquiao: Hindi ako pabor diyan sa total ban, iban mo yung mga mining na 'yan.

Boy: Okay ka dun sa sustainable.

Pacquiao: Okay naman yun, basta responsible, at hindi mo, hindi ka nakakasira ng kalikasan.

Boy: Okay.

Pacquiao: For example, kailangan, may rehabilitation...

Boy: Program.

Pacquiao: Program.

Boy: Dahil ang sinasabi ng mga advocates ng laban sa pagmimina ay ito'y nakakasira nga ng natural habitat. Kahit daw e, may reforestation program ay hindi mo naman naibabalik yung talagang porma na iyong sinira. Marami daw mga natatanggal sa, na mga locals, yung mga naninirahan doon, nadidisplace, may water pollution. What do you wanna say?

Pacquiao: Kaya nga po na kailangan nating responsible mining. Mayro'n, may tinatawag na mga, like, small-scale mining, nagmimina, kaya ang sabi ko ay hindi natin ipinagbabawal 'yan pero kailangan, responsible na hindi naman makakasira ng kalikasan, at hindi makakasira ng tao, at maapektuhan yung mga tao.

Boy: Balik lang ako dun sa katanungan dahil nilift nga ng DENR yoong ban sa open-pit mining. Marami ang nagsasabi na ito daw ay talagang sobrang destructive, 'ika nga. 'Pag sinasabi mo, Senador Manny, na, 'Basta 'wag mo lamang sisirain ang kalikasan,' anong ibig mong sabihin, at anong dapat ang programa na meron ang responsible miners, halimbawa, para maayos yung kalikasan at hindi masira?

Pacquiao: Dapat may time period na nagmimina ka, and then after that, irehabilitate mo, yung gano'n na, para hindi talaga totally masira.

Boy: Ang sinasabi naman ng mga advocates, kahit ibalik mo raw yung mga kahoy, e, hindi na yun e. Naiba na. Naiba na yung kung nasaan yung mga kahoy, nasaan yung mga ilog, at saka lalo na yung water pollution.

Pacquiao: Yun nga, Boy, ang sinasabi ko na kailangan, kailangan talagang responsible mining. Kung nakakasira 'yan, bakit mo papayagan? Kung nakakaapekto sa komunidad na nasasakupan doon, nakakaapekto sa kanila, ba't mo papayagan?

Boy: So, Senator Manny, ikaw, 'pag ikaw ang naging Presidente ay itutuloy mo yung ginawa ni President Duterte na wala nang ban ang new permits on mining. Okay sa 'yo 'yon.

Pacquiao: Kokontrolin natin. Kokontrolin natin na hindi yung, halimbawa, for example, ang dami nang inissue nang inissue nang permit diyan, tapos mag-iissue ka pa ulit. Talagang masisira talaga ang kalikasan, I mean, kung example, Mindanao area, that area, isang license lang, o, magmine na, tapos may limit lang. Kailangan, nakatutok ang ating gobyerno para mabantayan ang mga open-pit mining na 'yan.

Boy: So, ireregulate, 'ika nga...

Pacquiao: Yes, yes.

Boy: Yung mga bagong mining permits kasi yung moratorium na 'yon ang nilift ng Presidente...

Pacquiao: Tama.

Boy: Pero yung open-pit mining, sa 'yong pagkakaalam, Senador Manny, hindi ba 'yan masyadong nakakasira sa kalikasan?

Pacquiao: Delikado po talaga 'yan kaya kailangan talaga ng pagsupervise ng ating gobyerno na titingnang mabuti kung ito ba'y dapat may open-pit mining dito, o, kasi kung crowded area na 'yan, e, parang...

Boy: Basta ang iyong kinakatigan ay yung sinabi ng Panginoon na, yung kanina sa umpisa ng ating pag-uusap.

Pacquiao: Hindi, yung, hindi naman ako sarado sa open-pit mining kasi hindi naman talaga 'yan, 'di ba, pero alalahanin natin na ang kalikasan is bahagi ng ating buhay. Diyan tayo galing. Hindi tayo cinreate ng Panginoon by words. 'Di ba, sabi ng Panginoon, 'Let there be light and...'

Boy: Maraming salamat, Senador Manny. Ngayon naman, pag-usapan natin ang COVID-19. Let's talk about the pandemic. Sa kasalukuyan, Senador Manny, dalawang bagay ang alam natin. Una, pinadapa tayo ng pandemyang ito. Mahigit three million cases sa bansa, sabi ng DOH. Mahigit fifty thousand deaths sa Pilipinas. Sabi naman ng John Hopkins COVID-19 dashboard, more than three hundred million cases around the world at mahigit nang five million deaths globally. Maraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho po, kabuhayan, mga mahal sa buhay. Marami ang nasirang relasyon, mga plano, mga pangarap. Yun po ang una. Alam natin na napakavicious nung virus. Pangalawa, alam din natin na ang virus na ito ay napakaunpredictable. Dalawang taon na natin itong nilalabanan, at maraming variants na ang ating naririnig. May mga Alpha, Beta, Gamma, Delta, Delta Plus, ngayon, yung Omicron. The virus, according to experts, acquires genetic changes. Nagmumutate ito. Kung kailan, paano, ano na naman ang susunod na pangalan, hindi natin alam. It is both vicious and unpredictable. Ito po ang katanungan, Senator Manny, given the unpredictability and the viciousness of this virus, at bilang Presidente ng Pilipinas, kung ika'y papalarin sa darating na eleksyon, ano ang programa mo para sa COVID?

Pacquiao: Unang-una po, kailangan na, yung sinabi sila, magpavaccinate, vaccinate, vaccinate, vaccination. Iannounce natin 'yan. Yung hindi magpavaccinate, so, huwag natin pilitin kasi naissue ngayon 'yan e, yung magpavaccinate o hindi. 'Wag natin pilitin, at 'wag natin aalisin doon sa mga hindi nagpavaccinate, na aalisin natin yung rights nila na magtrabaho, makapaghanapbuhay, so isa lang po 'yan sa aalisin natin na, hindi pilitin kasi lahat tayo, may karapatan na magdesisyon e, sarili natin. 'Yan yung gift na binigay sa atin ng Panginoon, yung free will to choose. Pangalawa po ay hindi po karapat-dapat na maglockdown na maglockdown, maglockdown at magsarado, resulting to closure ng lahat ng mga, karamihan sa mga businesses dito sa atin. Mawawalan ng pagkain ang ating mga kababayan. Mawawalan ng trabaho, lahat 'yan, and then solution, para hindi tayo mangutang nang mangutang ng pera para panggastos dito, kailangan, pangalagaan natin yun, magfocus tayo dun sa revenue income ng ating gobyerno para in case na may magganyan mang mga sakuna, hindi tayo mag-iisip agad, 'Mangutang tayo, mangutang tayo, mangutang tayo,' dahil wala tayong pera, which is kung may pondo ang ating gobyerno, walang problema kasi kayang hindi tayo maglockdown, maglockdown dahil may pondo ang ating gobyerno, madaling solusyunan, okay. For example, like, preparado na tayo, katulad nitong nangyayari sa bansa natin na maraming mga sakuna, typhoons na dumarating sa atin. Dapat before pa, nagprepare na tayo niyan, na mangyayari at mangyayari palagi dito sa bansa natin 'yan. Dapat may mga facilities na tayo na dapat silang silungan at hindi matitinag o matumba ng bagyo.

Boy: Okay. Puntahan ko yung pang-apat mong point na sinabi, Senador, yung hindi tayo nabibigla 'pag may dumadating na bagyo, katulad na lamang na hindi tayo nabibigla 'pag meron na namang bagong variant. Siyempre, ang ating dasal ay sana'y wala na at tapos na ito, kasi 'pag dumadating ang bagyo, parang nasisindak pa rin tayo, so ang sinasabi niyo po ay dapat may mga programa.

Pacquiao: May mga programa nga na nakaabang diyan. Kumbaga sa ano, ang sinasabi ko talaga dito sa ating bansa, Boy, na magkaroon tayo ng long-term concrete plan. Kasama lahat 'yan, sa mga, yung mga sakuna na dumarating sa bansa natin, plano sa pagdevelop ng ating imprastraktura, at tsaka yung economic development natin, yung ekonomiya natin na palakasin para makapagbigay ng trabaho sa milyun-milyong mga Pilipino.

Boy: Iyan yung long-term na solusyon na sinasabi niyo po.

Pacquiao: Yes.

Boy: Doon naman sa pataasin pa ang revenue collection sa ating gobyerno, paano ang gagawin mo doon, Senador Manny?

Pacquiao: Nako, 'yan po ang pinakaimportante talaga sa bansa natin dahil kung wala pong pondo ang ating gobyerno, mangutang nang mangutang, ta's may, gumagastos ang ating gobyerno taun-taon. Ngayon, 5.2 trillion something ang approved budget pero ang income ng ating gobyerno, nasa 2.7 trillion lang, so yung deficit no'n, uutangin natin yun, so ang sinasabi ko rito, managing a country, para kang nagmamanage ba, isimplify ko na lang, para kang nagmamanage ng isang bahay, na kung gumagastos ang bahay ng ganitong halaga, e, dapat hindi ka gagastos nang mas mataas pa diyan. E, sa bansa natin, kakaiba. Mas malaki yung ginagastos natin kaysa kinikita, tapos palaki nang palaki yung ginagastos, paliit nang paliit yung kinikita ng ating bansa.

Boy: Ano ang panggagalingan nung mga revenues? Ano ang panggagalingan nung mga kita na iyong sinasabi, Senator Manny?

Pacquiao: Unang-una, Boy, yung corruption. Maniwala ka sa 'kin. Mahigit isang dekada kong pagserbisyo, nakita ko 'yang, kaya ako talagang naglakas-loob na tumakbo talaga para ipaglaban ang ating bayan. Nakita ko ang kurapsyon sa ating gobyerno. Kung hindi mababago yung corruption diyan, hindi masugpo 'yan, walang mangyayari sa bansa natin.

Boy: Okay. Yung pangalawang point na sinabi niyo po ay lockdown, lockdown, lockdown, lockdown.

Pacquiao: Lockdown.

Boy: May mga nagsasabi naman, doon sa mga ibang bansa na nacontrol yung COVID ay maaga sila naglockdown, maaga, agresibo silang nagreact. Your comment.

Pacquiao: From the beginning, Boy, ito announcement ko, sabi ko, okay, magfocus tayo doon sa procurement ng vaccines pagdating ng ano, pero pagdating ng, habang wala pang vaccine, lockdown muna tayo, lockdown muna, para may ano pa, isang lockdown lang, tapos habang naglolockdown, magvaccinate tayo lahat, tapos 'pag marami nang vaccinated na tao, saka tayo mag-open, then hindi na kaagad maglockdown ulit, maglockdown na naman ulit. Vaccinated yung mga tao, lalo na yung mga nagtatrabaho.

Boy: Nag-umpisa ka doon sa point na may mga taong ayaw magpavaccine, 'wag nating pilitin, karapatan nila 'yon.

Pacquiao: Yes, tama po, tama po.

Boy: Pakipaliwanag.

Pacquiao: Yes po, karapatan po nila 'yan na 'wag natin silang pilitin dahil sarili po nila 'yan e. Natatakot sila, o sa paniniwala nila, sa kanilang belief, may karapatan po...

Boy: Let's now turn our attention to poverty, pero ang pag-usapan natin, Senador Manny, ay joblessness, yung kawalan ng trabaho, at gutom. Tuwing eleksyon, saksi ang sambayanan sa mga slogan ng mga kumakandidato...

Pacquiao: Tama po 'yan.

Boy: Na, lalo na sa pagka-Presidente. Alalahanin lamang natin, President Gloria, 'Pagkain sa bawat hapag-kainan,' President Erap, 'Erap para sa mahirap,' President Aquino, 'Kung walang corrupt, walang mahirap.' 'Ika nga, starring ang mahirap 'pag eleksyon. According to Philippine Statistics Authority (PSA), ang mga walang trabaho, para lamang maalala natin, Senador, October of 2001, 3.27 million, October 2010, 2.79 million, October 2016, two million, October ng 2021, 3.5 million. Ayon naman sa SWS (Social Weather Station), kaya ang ibig sabihin ho nito ay perception, ang mga kababayan nating nagugutom in percentages, taken into consideration, population fluctuation po, third quarter ng 2001, 9.3%, third quarter of 2010, 15.9% ang nagugutom, third quarter of 2016, 10.6%, September ng 2021, 10% or around 2.5 million Filipinos ang nagugutom. Ang ating katanungan, bilang nangangarap at nag-aapply bilang kandidato bilang Presidente ng Pilipinas, sa kasalukuyan, sabi ng PSA, 3.5 milyong Pilipino na walang trabaho, 2.5 milyong Pilipino naman ang nagugutom, as President of the Republic of the Philippines, with urgent problems of joblessness and hunger, Senador Manny, ano po ang inyong gagawin?

Pacquiao: Maraming salamat po, Boy, sa pagbibigay ng pagkakataon na iexplain ko sa inyo itong topic na ito. Ang gagawin po natin, palakasin natin yung ekonomiya natin. Mag-invite tayo ng, marami akong mga kaibigan na 'pag ako daw naging Presidente, mag-iinvest sila dito sa ating bansa, makapagprovide ng job, pero hindi po natatapos yung plano natin diyan. Kailangan mabigyan ng trabaho din yung mga milyun-milyong mga Pilipino na walang trabaho kasi 'pag may mga investor na pumapasok dito, ang unang requirements niyan 'pag para makaapply kang trabaho, kailangan, college graduate ka. Marami sa kababayan natin na hindi graduate ng college, o high school graduate lang, o under pa, hindi pa nakapaggraduate ng high school, so paano sila mabigyan ng trabaho? Ang gagawin po ng ating gobyerno, maglaan ng pondo, papautangin yung mga small, medium enterprises na walang interest para makapagstart sila ng negosyo nila at makapagbigay ng trabaho sa milyun-milyong mga Pilipino. 'Yan, gagana ang ating ekonomiya, lalakas ang ating ekonomiya, and then magfocus tayo sa PDC. Hindi ito post-dated check, hindi ito post-dated check, production, distribution, and consumption, 'yan ang laging pinagbabasehan, yung production, distribution, and consumption, para mamanage natin nang husto ang ating bansa, kaya naman talaga ako, naglakas-loob talagang tumakbo pa rin, ipaglaban ang ating bansa, ipaglaban ang sambayanang Pilipino dahil nakita ko kung ano ang kinabukasan ng ating bansa. Talagang lugmok tayo sa kahirapan, at utang tayo nang utang. Walang revenue income ang ating gobyerno kaya naman ako, talagang masama ang loob ko dahil dito sa corruption. Makita ko sa kulungan ang mga kawatan sa gobyerno, magsama-sama, 'yan ang kasiyahan ko.

Boy: Ayon sa statistics na, qinuote ito ni Deputy Ombudsman Cyril Ramos, twenty percent of the national budget, which is equivalent to around seven hundred billion, ay napupunta daw sa kurapsyon.

Pacquiao: Tama po 'yan. Seven hundred billion or more pa ang napupunta sa corrupt, sayang na sayang yun kasi masave mo lang yung five hundred billion...

Boy: Anong gagawin mo dun, specifically, sa kurapsyon bilang Presidente?

Pacquiao: Alam mo, Boy, marami akong mga strategy diyan e. Wala silang lusot pero hindi ko lang ibulgar sa kanila kasi magpeprepare yun e, mga kawatan 'yan e, ano 'yan e, kumbaga sa ano, may mga strategy na ako na gagawin para mapakulong ko silang lahat. Wala silang kawala. I will not compromise anybody.

Boy: Senator Manny, yung problema ng walang trabaho at nagugutom ay napakaimmediate. Meron ka bang short-term program, na itong ating mga kababayan na walang makain at walang trabaho ay maibsan naman ang kanilang pagdurusa?

Pacquiao: Kasama po 'yan. Kasama po 'yan sa ating programa, yung pagbibigay ng housing, libreng pabahay, at saka, yung hanapbuhay. Bibigyan natin 'yan ng hanapbuhay para may pangkabuhayan. Araw-araw, may pambili sila ng pagkain nang mabuhay sila kasi naranasan ko ang walang pagkain sa isang araw, naranasan ko na walang matulugan, naranasan ko na magutom. Tubig, iyong tubig lang, Boy, ang nakasurvive sa amin. Tubig lang, inom lang tubig, kaya hindi ko maalis sa sarili ko na emosyunal ako masyado pagdating sa mga mahihirap dahil dumanas kami sa, dumanas kami sa hirap. Nagutom kami. Tubig lang inumin namin para makasurvive kami sa isang araw. 'Yan yung desire ko, puso ko, na gusto kong tulungan ang ating bansa, tulungan ang mga mahihirap na tao dahil dumanas ako ng walang pagkain sa isang araw.

Boy: Kanina, nagsimula kang magpaliwanag doon sa sinasabi na iyong mga kaibigan abroad, na they are willing to help you 'pag ika'y pinalad maging Presidente ng Pilipinas. Can you be more specific, Senator Manny? Sinong mga kaibigan ito at ano ang kanilang maitutulong sa atin?

Pacquiao: Maraming salamat, Boy, at marami akong nakausap na kaibigan na mga bilyunaryong mga tagaibang bansa na 'pag ako daw nanalo ng...

Boy: Katulad, Senador Manny?

Pacquiao: Katulad ng, alam niyo naman kung sinong mga kaibigan ko, 'no, mga malalaki, 'pag ako nanalo ng pagka-Presidente ay mag-iinvest sila dito sa bansa natin, so sounds good, makatulong sa atin lahat.

Boy: Okay. Can you name names?

Pacquiao: Although, nandiyan naman 'yan si Jack Ma na lagi kong kaibigan at may investment na din naman 'yan dito sa Pilipinas, at marami pa po, hindi lamang sa, sa Amerika, marami.

Boy: Okay. Pangalawang point na sinabi mo kanina ay edukasyon, dahil kahit pumasok dito ang negosyo, kung wala namang qualification ang mga kababayan natin para makapagtrabaho, how will you implement an effective educational system?

Pacquiao: Ang gagawin natin, libreng edukasyon, kahit, kasi natatakot, libreng edukasyon pero may babayaran silang miscellaneous sa school so may bayad pa rin, so yung libre talaga hanggang makapagtapos ka sa kurso mo na kung wala kang panggastos, ang gobyerno ang gagastos sa 'yo, kahit anong kurso, pero magserbisyo ka sa gobyerno nang, halimbawa, dalawang taon, tatlong taon, after that, puwede ka nang magprivate kung hindi mo magustuhan sa gobyerno.

Boy: Maraming salamat, Senator Manny. Punta naman tayo sa OFW, sa Filipino migrants. Noong September 2019, estimated number of OFWs ay 2.2 million according to Philippine Statistics Authority (PSA). 96.8 of that are overseas contract workers, may mga kontrata. Ang walang kontrata ay 3.2%. Samantala, ang mga remittances, ang, na naipapadala dito sa atin ng OFWs, 28.9 billion US dollars noong 2018, 30.1 billion US dollars noong 2019, 29.9 billion US dollars noong 2020, at 25.9 billion noong, dollars, noong October 2021. Noong 2018, Senator Manny, remittances sent by OFWs accounted for eleven percent of the total GDP of the country. Sa kabilang dako naman ho, marami ang kanilang naipapadala na pera dito sa Pilipinas, pero may sinasabing social cost na dahil nga ito sa pagkakahiwa-hiwalay ng mga magulang at ng mga anak, dahil kadalasan, ang nanay o ang tatay, o ang tatay at ang nanay, ay nasa abroad, ang mga anak ay naiiwanan dito, so itong tinatawag na social cost ng OFWs ng migration, at ang sabi nila, ito ay unquantifiable because it contributes to the destruction of the Filipino family. Tanong, Senator Manny, 'pag ikaw ang Presidente ng Pilipinas, how will you balance the economic contributions of the OFWs, itong napakalaking remittances, and the unquantifiable social cost of migration that contributes to the destruction of the Filipino family?

Pacquiao: Tutulungan po natin 'yan sila, Tito Boy, kasi, Tito Boy na, talagang kawawa po 'yan sila. Sila po ang mga bayani talagang ituturing natin kasi malaki tulong nila sa ating bansa din. Nakakatulong din sila, and then ayoko mang, ang plano ko talaga, ayokong mahiwalay sila sa kanilang mga pamilya kasi diyan karamihan naghihiwalay e, yung mag-abroad yung isang pamilya, tapos ang asawa, mag-aabroad, and then pagbalik, wala ka nang babalikan, e, may kakilala nang iba, so yun po ang nangyayari do'n, pero pagdating po sa mga ganyang usapin ay malaki po ang talagang role ng mga OFW natin na dapat nating tulungan, at gabayan ng ating gobyerno, para naman sila, hindi mapabayaan.

Boy: Kasalukuyan kasi, Senator Manny, hindi natin maiiwasan, dahil may kakulangan nga ng trabaho dito sa Pilipinas so napipilitan kadalasan ang mga magulang o ang mga anak mag-abroad para kumita para sa pamilya, pero yung sinasabi nga natin, may social cost naman. Maraming napapariwara, maraming nabubuntis, maraming nag-aasawa nang maaga, dahil wala nga dito ang gabay ng mga magulang. Ikaw lang ngayon, bilang Senador at bilang possible President of this country, anong magagawa mo doon? Will you create a balance? Anong programa, anong polisiya, ang puwede mong magawa?

Pacquiao: Ang plano ko talaga, Boy, sa bansa natin, na ang trabaho, maghanap ng tao. Hindi ang tao, maghanap ng trabaho, para hindi na sila pumunta pa sa abroad para iwanan yung pamilya para maghanapbuhay.

Boy: Anong gagawin mo do'n para...

Pacquiao: Palakasin natin yung ekonomiya natin, at pagpapalakas ng ekonomiya natin para hindi maging, ano ba, pataasin natin yung salary standardization sa bansa natin. Maraming mga paraan na puwede nating gawin basta malinis lang. Sugpuin natin 'yang corruption. Makikita mo ang pagbabago sa ating bansa.

Boy: Senator Manny, bumabalik at bumabalik ka dun sa corruption. Can you tell us more, what you know about corruption in this country?

Pacquiao: Alam mo, Boy, kaya ako balik nang balik sa corruption, para malaman ng, kasi gusto ko malaman ng taumbayan na kaya nagkaganito ang ating bansa, kaya nagkaganito yung sitwasyon ng Pilipino, sitwasyon ng ating bansa, because of corruption. Kung wala 'yang corruption na 'yan, ang layo na ng narating ng bansa natin. Hindi tayo kulelat, at tayo pa siguro ang number one sa buong Asia. Totoong-totoo 'yan na sinasabi ko, diyan sa nadiskubre ko sa gobyerno, sa isang dekada o mahigit isang dekadang pagseserbisyo. Wala akong vested interest dito sa pansarili ko, kundi ang vested interest ko rito, para ang tao, matulungan ko. Yung mga kasama ko, kung saan ako nanggaling, yung isang kahig, isang tuka, yung hindi pa makakain, gusto ko naman guminhawa ang buhay nila. Gusto ko, yung mga susunod na henerasyon, hindi nila maranasan yun naranasan ko.

Boy: Senator Manny, yung kurapsyon na ating pinag-uusapan is deeply engrained doon sa sistema dito sa Pilipinas. Paano mo, paano mo babanggain yun?

Pacquiao: Boy, ito lang, kailangan, may political will ka, iimplement mo nang husto ang batas, na walang mayaman, walang mahirap, kasi sa Pilipinas, tanggapin natin katotohanan, ngayon, nangyayari talaga, na 'pag ang mahirap magnakaw, kulong. Mayaman, magnakaw, hindi makukulong kasi maraming pera. Isa na 'yan sa inexample ko, pero maraming aspeto ng buhay na talagang dehado ang mga mahihirap. Gusto kong ipantay. Gusto kong pantay-pantay tayong lahat, pantay-pantay na malayang maghahanapbuhay, may mga trabaho na makikita dito sa ating bansa.

Boy: Do you look forward to the day, Senator Manny, na mababawasan nang husto ang mga taong umaalis ng Pilipinas para magtrabaho sa abroad?

Pacquiao: Yes. Yes, gusto ko, tangkilikin ang sariling atin. Gusto ko, dito na kasi itataas na natin yung salary standardization e, across the board, at palakasin natin yung ekonomiya natin.

Boy: Gaano kataas ang taas nung mga suweldo na sinasabi mo?

Pacquiao: Ngayon nga, isinisigaw ko sa nurses natin, gusto ko, minimum, fifty thousand a month, so talagang ano 'yan, itataas natin 'yan. Kasabay ng pagpataas natin, palakasin natin yung ekonomiya natin, and then ipupush natin yung local autonomy para empowering the LGU, idodownload natin sa LGU lahat ang funding ng national para magkaroon ng mass development sa bawat area, hindi lamang dito sa Metro Manila, kundi pati sa mga probinsiya, madevelop na.

Boy: Senator Manny, comment, meron tayo ngayon Department of Migrant Workers. Ano ang nais mong sabihin?

Pacquiao: Ang masasabi ko lang diyan is ayusin. Kailangan, walang corruption diyan, at tulungan natin yung mga OFW natin na nangangailangan ng tulong.

Boy: Ngayon naman, Senator Manny, pag-usapan natin ang social media. I'd like to talk about cyber pornography, pornography on social media. Sa 2021 year-in-review report ng Pornhub, isang online adult video streaming website, sabi dito, ang mga Pinoy spend eleven minutes, thirty seconds watching porn making the Philippines top one over Japan and France. Some of the known social media sites, mga apps, Senador, Twitter, Snapchat, and some Facebook groups are being used as alternative porn sites. May kuwento lamang po ako. Si Billie Eilish is a young American, Grammy Award-winning American singer-songwriter. Last year, siya'y nainterview, at sinabi nga niya na, when she was eleven, naexpose siya sa pornography hanggang siya'y naaddict. May mga pagkakataon pa na ang akala niya ay lahat ng napapanood niya, yun ang normal, so she hooked up and had multiple sex partners dahil nga ang akala niya, yung kanyang pinanonood ay yun ang ginagawa talaga ng tao, and then in her words, sabi niya, when she realized na hindi maganda ang ginagawa ng porn, 'Porn destroyed my brain,' this is a direct quote, 'I felt devastated. I had nightmares and suffered from sleep paralysis. My mental health was damaged.' Last year po, she turned twenty, and she's now on the road to recovery. Ito ang tanong, Senator Manny, hypothetical lamang po ito, nalaman at naconfirm mo na ang isa sa iyong mga anak na menor de edad ay addicted sa cyber porn. Bilang magulang, ano ang gagawin mo, at bilang Presidente, paano mo ito itatawid doon sa iyong polisiya on the welfare and protection of children?

Pacquiao: Alam mo, Boy, isa 'yan sa mga sinusulong namin do'n, yung pagsugpo ng mga ganyang pornography. Dapat kontrolin ng ating gobyerno yung signal natin, yung internet signal natin, yung lahat ng technology. 'Di ba, dapat kontrol ng gobyerno para hindi maabuso. Ngayon, naaabuso at pati mga bata, nakakapanood. Dapat hindi makapanood ang mga bata.

Boy: Is that doable, Senator Manny?

Pacquiao: Doable po. Nagagawa po sa ibang bansa 'yan. Bakit hindi, sa atin hindi?

Boy: Hindi ba 'yan censorship, halimbawa?

Pacquiao: Hindi. Hindi naman po. Kailangan lang talaga natin na imamanage natin nang husto, na hindi ang mga bata makapanood ng mga ganyang...

Boy: Pero can you explain that? Paano? Dahil minsan, may mga nag-oopen ng account sa social media, nalalaman na lamang natin, ten years old, ang kanyang edad na inilalagay do'n ay forty years old. How do you actually manage problems like that?

Pacquiao: Yung iba kasi, hahanapan ka ng ID, yung tunay mong ID. Hahanapan ka ng ID mo para makapagregister ka para makapanood ka, makaopen ka. Hindi yung sasabihin mo lang doon, saka maniwala na sila. Kailangan, may ID, na valid ID.

Boy: Pero, hindi ba, Senator Manny, yung ID, naiimbento rin? Halimbawa, hiningan ka ng site ng ID, magpepresent ka ng ID na ika'y thirty years old...

Pacquiao: High-tech na kasi ngayon ang technology so macoconfirm 'yan by confirming that ID kung totoo 'yan o hindi.

Boy: Okay. Senator Manny, nalaman mo, hypothetically, na isa sa mga anak mong menor de edad ay naaaddict...

Pacquiao: Hindi ko matanggap, hindi ko matanggap yun.

Boy: Hindi mo matanggap. Anong gagawin mo? Anong gagawin mo? Hypothetical lang, halimbawa lamang, nalaman mo at naconfirm mo.

Pacquiao: Talagang susugpuin ko 'yang...

Boy: How will you do it sa iyong anak?

Pacquiao: Pangaralan ko siya. Alam mo, ang mga kabataan ngayon, hindi mo kailangan sigawan o pagalitan. Kausapin. Dapat ganun talaga, kausapin, at, 'Ito yung masama. Masama 'yan ginagawa na 'yan.' 'Yan, pangaralan natin. Yung mga anak ko, hindi ko, hindi na 'yan nakarinig sa akin ng nagalit ako, gano'n. Kinakausap ko lang 'yan sila. E, napalaki ko silang mababait na mga anak, masunurin sa magulang, mabait, kasi kinakausap ko lang. Sabi ko, 'O, hintayin mo pa ba na magalit ako sa inyo? Hintayin niyo pa ba yun na mamalo ako sa inyo? E, 'wag naman tayong dumating sa gano'n kasi gusto ko sa inyo, sumunod kayo kasi yung gusto niyo naman na ikabubuti sa inyo, bakit hindi? Gusto ko, masaya kayo, pero kung ikasasama 'yan sa inyo, maniwala kayo sa amin dahil ikasasama sa inyo 'yan.'

Boy: Senator Manny, bakit ang reaksyon mo, 'Hindi ko matatanggap 'yon.' Saan nanggaling yung reaksyon mong 'yon?

Pacquiao: Ay, karamihan po diyan ay diyan ang mga bata nagrerebelde sa mga magulang. Diyan ang, kumbaga, may sarili na silang ano, lumalaban sa mga magulang. E, ang magulang, importante 'yan. Wala ka rito sa mundo kung wala yung mga magulang mo.

Boy: How do you make sure na alam mo ang mga ginagawa ng iyong mga anak?

Pacquiao: Tinuturuan ko palagi 'yan...

Boy: Lalo na sa social media.

Pacquiao: Sa social media...

Boy: Lalo na sa, do you supervise? Nagrereport ba ang iyong mga anak kung ano ang kanilang mga activities sa social media?

Pacquiao: May time lang kami na puwede kayong gumamit ng social media.

Boy: A, meron. Kailan?

Pacquiao: Meron. May time lang. Halimbawa, school day ngayon so ilang, may oras lang na puwede kayong gumamit ng social media, ganyan, pero hindi doon sa mga ibang website na 'yan. Ano lang, yung mga makatulong lang sa inyo.

Boy: Halimbawa lamang, nalaman mo nga, hypothetical, na isa sa iyong mga anak ay addicted to porn. Dadalhin mo ba sa isang expert? Dadalhin mo ba sa doktor, halimbawa?

Pacquiao: Papayuhan ko muna. Papayuhan ko muna siya, na unang-una, ineencourage ko naman sila magbasa ng Bible, and then may Panginoon, at gumawa ng mabuti, ganyan, 'Masama 'yan.' Dadalhin ko sila sa tama.

Boy: So, kakausapin mo muna. You will not resort to going to a psychologist, o 'di kaya'y a psychiatrist, hindi muna yun?

Pacquiao: Hindi muna. Basta makaya mo kasi...

Boy: Bakit?

Pacquiao: Kaya nga magulang ka e. Kaya magulang ka, hangga't kaya mo, iano mo muna, alam mo na yung, unang-una, yung spiritual advice, tamang direksyon, gano'n, icounseling mo na.

Boy: Gaano kahalaga yung mga peers, yung mga kaibigan ng iyong mga anak?

Pacquiao: Iba kasi ako, Boy. Ako kasi ngayon, nagmamarriage counseling ako kasi, siyempre, experience ko sa buhay, you know, you know my experience in life, na dami kong experience sa buhay, so ngayon, dahil nagbago na 'ko ay talagang nagmamarriage counseling ako, yung kahalagahan ng isang pamilya at kahalagahan ng relationship natin sa Panginoon.

Boy: At 'yan ang nauuna.

Pacquiao: Yes.

Boy: Parati mong sinasabi 'yon, at naririnig natin, okay, pero nakakatuwa lamang na napakaganda ng iyong relasyon sa... Let's go to our next issue. Ito'y abortion pero, specifically, rape-related abortion. Sabi ng PINSAN (Philippine Safe Abortion Advocacy Network) at EnGendeRights, Inc., isang Filipina woman, isang batang babae ang ginagahasa every seventy-five minutes, about one in every eight Filipino women, who resorts to abortion, is a rape survivor, seventy women induce abortion every hour, complications from unsafe abortion is one of the five leading causes of maternal death and a leading cause of hospitalization in the Philippines, in 2012 alone, six hundred ten Filipino women induced abortion, and over a hundred thousand women were hospitalized and one thousand women died dahil po sa unsafe abortion complications. Since there is no access to safe abortion in the country, Senador Manny, at least three women die everyday from unsafe abortion complications. Ang aking katanungan, now that you're applying to be President of the country, sa iyong palagay po ba, is it time to enact a law on abortion that would allow pregnant rape victims the choice of legal and safe abortion?

Pacquiao: I'm against the abortion, Boy, at alam naman natin 'yan, ayaw natin ng abortion. Wala namang kasalanan yung bata na ibuntis siya tapos ipanganak dahil siya galing ano, so 'wag naman maapektuhan yung bata sa mga nangyayari, kumbaga sa ano, may healing pa naman e, may, kumbaga, may pagbabago pa, mangyayari, at icounseling yung narape, na hindi pa naman tapos ang lahat, na may pag-asa pang magbago ang lahat, magnormalize lahat, maintindihan ang lahat, na nangyari sa 'yo 'yan, alangan namang anong gagawin natin, kung ibabalik lang natin, 'di hindi natin, maprevent natin yung marape ka, so advise lang natin na hindi naman mapunta sa abortion dahil 'yan po ay masama.

Boy: Senator Manny, imagine that you're talking to a girl na ginahasa. Meron ngang kuwento, may isang doktor, tapos ang gumahasa sa kanya ay yung nagpaaral sa kanya. Meron pang mga cases na ang nanggagahasa ay magulang o 'di kaya'y kapatid, incestuous rape. Halimbawa, ika'y kumakausap sa isang batang ayaw niyang ipagbuntis dahil ginahasa siya ng kanyang tatay, ginahasa siya ng kanyang guardian, I know you said we will convince them, but how exactly are you going to do it?

Pacquiao: Basta hindi nila maintindihan, basta kagagahasa pa lang, kumbaga, hindi nila maano 'yan kasi sariwa pa ang sugat. Pagalingin mo muna yung sugat, and then doon mo marealize na ipaintindi sa kanila na...

Boy: How long is that, sa iyong karanasan sa pagcocounsel, Senator Manny?

Pacquiao: Siguro, ilang buwan, few months, then maheaheal 'yang sugat na 'yan, at maintindihan nang mabuti. Kailangan lang, tamang guidance counseling sa isang bata.

Boy: Halimbawa, hypothetical, sinabi pa rin ng batang babae na, 'Ang choice ko ay ayokong iluwal ang batang ito dahil produkto ito ng panggagahasa. It was against my will.' How do you actually answer that? Yun ang gusto kong marinig.

Pacquiao: Ito naman kasi, katulad ng sinasabi natin na counseling natin sila, pangalagaan natin sila, gawin natin ang lahat ng ating makakaya pero kung ano yung desisyon niya, hindi natin siya mapipilit, pero bawal 'yan, bawal 'yang abortion.

Boy: Pero yung, sa iyong paniniwala, and I understand that, pero yung counseling at suportahan natin siya, can you be more specific, Senator Manny? Paano yung, ano ang tamang salita, ano ang mga tamang proseso na ginagawa dito sa mga batang ito, halimbawa?

Pacquiao: Yung counseling kasi, Boy, hindi lamang sa word of God ang ishashare mo sa kanya, yung ipapakita mo na, 'Ito pa yung kinabukasan mo na haharapin. Ito yung kinabukasan mo na maganda, may maganda pang kinabukasan. Itong bata, baka iyong bata na ipapanganak mo, 'yan pa ang isa sa mga maging inspirasyon sa lahat ng mga tao pagdating ng panahon. E, maturuan lang nang husto, ganyan, matuwid mo pa yung buhay mo. Hindi nagtatapos ang, hindi pa nagtatapos ang ating, yung kumbaga, yung kinabukasan natin dito. Marami pang, mahaba pa ang kinabukasan hangga't buhay pa tayo.'

Boy: Doon sa debate, Senator Manny, between the choice of the woman and, yun nga, the baby, ang sinasabi mo ay walang debate, walang kinalaman ang bata. Ibig sabihin, mas importante yung buhay ng bata kaysa doon sa choice ng nanay.

Pacquiao: Hindi, intindihin niya yung, ang bata, ang buhay ng bata, kasi yung bata, nabuo 'yan dahil sa galing, may part ka rin diyan...

Boy: Kahit rape.

Pacquiao: Kahit rape, may part ka rin diyan.

Boy: Okay.

Pacquiao: May part ka rin diyan na, sa bata na nabuo. Hindi naman mabubuo 'yan kung sa lalaki lang e. Mayro'n ka rin diyan so...

Boy: Pero pinilit ka, Senator Manny.

Pacquiao: Yes.

Boy: Ginahasa ka e.

Pacquiao: Pinilit ka pero ang ibig ko sabihin, puwede pang maghilom. 'Pag masugatan tayo, 'di ba, maghihilom man, gumagaling? So...

Boy: Okay. So, maghihilom, and then you will understand that the child has the right to life. Yun ang iyong sinasabi.

Pacquiao: Yes, yes.

Boy: Dito sa 'ting bansa, meron tayong tinatawag na actually na therapeutic abortion na, halimbawa, kung ang buhay ng nanay naman, this is not rape actually, but kung ang buhay naman ng nanay ang nasa peligro ay may tinatawag na therapeutic abortion na ang nagiging ano ay yung bata. I mean, how does that sound to you?

Pacquiao: Yung maging abortion na...

Boy: Hindi, yung halimbawa, yung ang nanay ay, ikamamatay ng nanay ang panganganak.

Pacquiao: O, 'di, mag-isip ka. Magandang tanong 'yan a. Pag-isipan mo. Kung mamatay yung, kunwari, kung wala kang choice, nasa 'yo 'yan kung magdesisyon ka, kasi may...

Boy: Senator Manny, let's talk about drugs. Uumpisahan ko dito sa sinabi ni President Duterte sa isang talumpati sa Ozamiz City, 2017, and I quote, sabi ni Presidente, 'I feel so bad about all of these things kasi nalaman ko, paano ko makontrol in three to six months? Ang mga generals na pulis, nandiyan, tapos yung mga Bureau of Customs na inaasahan ko, PI, nasa droga. How will I succeed, e, nasa droga? Alam ko na nagkamali ako. Nagkamali talaga ako. Now, magtanong kayo, ang Pilipinas, are we or are we not a narcotics country? Yes, we are. Sabi ko, tama 'yang silang mga kritiko ko, 'E, sabi mo, noong nag-Presidente ka, three to six months.' Hindi ko alam. Pagpasok ko, e, Davao lang kasi ako so ang template ko, Davao. May droga pero sabi ko, maglaro ka do'n, patay ka talaga. Give me another six months. That self-imposed time of three to six months, well, I did not realize how severe and how serious the problem of drug menace in this Republic until I became President.' Katanungan, Senator Manny, you are applying to be the President of the country, how much do you know about illegal drugs in the Philippines? Gaano kalala ito? Are we or are we not a narco-country? Depende sa iyong kaalaman tungkol sa problema ng illegal na droga, ano ang programa mo laban dito?

Pacquiao: Grabe talaga ang droga sa bansa natin. Itutuloy natin 'yang war on drugs in the right way. Hindi 'yan, hindi natin puwedeng payagan lang, hayaan ang iligal na droga dito sa ating bansa, kundi sugpuin natin 'yan, kasi isa 'yan sa magiging, macocorrupt ang mga tao, lalung-lalo na yung mga sa gobyerno. Kailangan, pigilan. Tutuloy natin 'yan in the right way. Ibig ko sabihin, lahat, may karapatan para depensahan ang sarili pagdating ng panahon. Hindi natin papayagan 'yan.

Boy: Sa iyong palagay, ang Pilipinas ba is a narco-country, katulad ng sabi ni President Duterte?

Pacquiao: Ang Pilipinas, masasabi kong, hindi pa natin masasabing narco dahil iniimport ang droga e. Yung dalawang malalaking transaksyon na nakalusot sa Custom, may ibig sabihin, hindi dito minamanufacture, unless, kung dito ginagawa, e, masasabi natin 'yon, pero sa ngayon, mapigilan natin 'yan. Mapigilan natin 'yan at maiayos natin ang ating gobyerno.

Boy: Gaano kalala ito dito sa Pilipinas sa iyong palagay, Senator Manny?

Pacquiao: Matindi talaga. Mabuti na lang ay naging Presidente si Duterte at nabawasan yung mga gustong pumasok sa pagnenegosyo ng droga, at maraming nasugpo, 'no, pero hindi naman nasugpo lahat, 'no, nagkamali siya dun sa calculation niya na sugpuin niya ang droga in three to six months o. E, hanggang ngayon, ilang taon na, mag-aanim na taon na, hindi, dahil sa malaking, malaki talaga ang negosyo na droga dito sa ating bansa, at 'yan ay kasabwat ang iba, iilan sa ating mga nasa gobyerno, kaya sugpuin.

Boy: Okay. Kung sinasabi niyo po na itutuloy niyo yung war on drugs sa tamang pamamaraan, in the right way, and then after six years ay nariyan pa rin yung problema na 'yon, doesn't it follow na hindi nagwork, nagfail yung war on drugs?

Pacquiao: After six years, basta gawin natin ang ating makakaya, sugpuin natin 'yan. Mahirap kasi mangako tapos hindi mo matupad.

Boy: Pero bakit niyo itutuloy po yung war on drugs in the right way if it didn't work? Kasi after six years, naroon pa rin.

Pacquiao: No, kasi lalo tayong lugmok e, lalo tayong lugmok 'pag pabayaan natin yung droga.

Boy: That's right.

Pacquiao: Lalo tayong talagang maghihirap. Kailangan...

Boy: Pero bakit mo itutuloy yung war on drugs?

Pacquiao: Yung war on drugs naman, nandiyan pa rin yun, pinagbabawal natin yung droga dito sa 'ting bansa. Nandiyan pa rin 'yan.

Boy: Ano ang maiiba, Senador?

Pacquiao: Ang maiiba ay hindi yung labagin mo yung karapatan ng ibang tao, kumbaga sa ano, halimbawa, party sa drugs, magraraid ka, mag-aaresto ka, kailangan, may body cam ang bawat opisyal na mag-aaresto para makikita ang totoo kung sino ang nagsasabi ng totoo o hindi.

Boy: Yun ang ibig mong sabihin sa isasaayos mo.

Pacquiao: Isa 'yan sa mga gagawin natin para bigyan natin ng equipment ang ating mga kapulisan para maimplement nang husto ang batas.

Boy: Personally, Senator Manny, how much do you know about illegal drugs? Shabu, ecstasy, alam mo ang mga ito?

Pacquiao: Hindi ko masyadong alam yung mga sinasabi mo, ecstasy, pero yung, nung unang panahon, nung kabataan ko, natikman ko rin 'yan, hindi naman sa, ayokong magsisinungaling, ayokong magsisinungaling, natikman ko rin nung kabataan ko, pero nung natikman ko, masama talaga. Ibang klase.

Boy: I'll go back to that. Nung natikman mo, nais kong malaman kung bakit mo natikman? Was it because of peer pressure? Curiosity? Anong naglalaro sa 'yong isipan nung bata ka?

Pacquiao: Yung mga barkada, barkada-barkada. Yung mga bata, mga barkada, tapos, siyempre, hiwalay yung mama ko, sa magulang ko, walang, kumbaga walang magulang na nakatutok sa amin.

Boy: May reasearch na nagsasabing maraming mga bata ang naiinvolve sa droga ay nanggagaling nga do'n sa...

Pacquiao: Yung walang ano.

Boy: Mm, walang gabay, magkahiwalay ang magulang, so ganun din ang nangyari pero bakit hindi mo nagustuhan?

Pacquiao: Kasi nangarap ako. May pangarap ako sa buhay na gusto kong tulungan ang magulang ko, tulungan yung pamilya ko para maiahon sa kahirapan. Magsikap ako, e, kung magbisyu-bisyo ako, paano 'ko makatulong sa mga magulang ko? Paano 'ko makatulong sa pamilya ko? Anong kinabukasan ko? Gano'n. O, kaya nagcocounseling ako...

Boy: Senator Manny, let's talk about Philippine debt, utang. I'd like you to listen, Senator Manny, to these data from the Bureau of the Treasury. Nang matapos ang termino ni President Erap, ang utang ng Pilipinas ay 2.6 trillion pesos. Pagkatapos ni President Arroyo, umakyat ito to 5.1 trillion pesos. Umabot naman sa 6.5 trillion pesos nang matapos ang termino ni President Aquino. As of end November 2021, ngayong administrasyong Duterte, total Philippine debt is 11.93 trillion pesos. Madalas nating naririnig, hindi ka pa ipinapanganak, o hindi pa ipinapanganak ang baby na ito, may utang na...

Pacquiao: May utang na...

Boy: Dahil sa laki ng utang ng Pilipinas. Ang aking katanungan, Senator Manny, kung ikaw ay papalaring manalo bilang Presidente ng Pilipinas, paano mo babayaran ang utang na ito ng ating bayan?

Pacquiao: Salamat, Boy, sa makapag-explain ako niyan. 'Yang utang na talaga ng Pilipinas, 'yan ang pinakaconcern kasi kung bayaan natin na mangutang tayo nang mangutang taun-taon ay talagang sadsad tayo, bagsak talaga tayo, wala tayong kinabukasan na maganda. Ang pinakaconcern ng Pilipinas, yung revenue income ng ating gobyerno. Revenue income, kailangan, palakasin natin ang revenue income natin ngayon. Una, sugpuin yung corruption. Pangalawa, tutok tayo na, kailangan, kung ito yung ginagastos, kailangan, makakarecover itong revenue income ng ating gobyerno. Pagdating ng panahon, 'pag maano na, tumaas na 'yang revenue income ng ating gobyerno, hindi na tayo mangungutang. Magbabayad na tayo nang magbabayad taun-taon sa utang natin, at makinabang ang buong sambayanang Pilipino. Yun po ang target ko talaga. 'Yan ang misyon ko, na hindi tayo mangungutang. Kailangan, marami, may pondo tayo para 'pag may mga sakuna na dumarating sa bansa natin, e, may pondo tayo, hindi tayo kailangan mangutang dahil may pondo tayo. Kung kailangan, medyo traffic na sa kalye natin, magdagdag na ulit tayo ng mga Skyway, o kaya subway tayo, o bullet train. Hindi tayo mangungutang dahil may pondo tayo. Ganun dapat ang ating bansa, pero ngayon, bawat kilos, 'pag may sakuna, mga ganito, utang tayo nang utang, tapos biro mo, sa isang administration lang, from 6.5 trillion, sa isang administrasyon lang, halos nadoble, o nadoble pa ang utang ng Pilipinas. Yung 6.5 trillion na utang na 'yan, compose 'yan sa limang Presidente, Aquino to Aquino, Corazon Aquino, Ramos, Erap, Gloria, and Aquino, lima, tapos sa isang Presidente lang, nadoble yung, halos almost doble yung utang natin, unang-una, dahil lang din sa, dahil din dito din sa pandemya na dumating sa bansa natin, at dahil sa pababa nang pababa yung revenue income ng ating bansa. Dapat sana, 'O, Pilipinas, ito yung revenue income natin last year. Ngayon, ang target natin, ito ang income natin. Ang target natin next, another year, dito income natin.' Hindi e. Wala e. Paganun tayo nang paganun e. Paganun naman nang paganun ang gastos. Last year, ang inapprove natin, 4.5 trillion. Ngayon, 5.2, and yet tumaas pa lalo ang gastos, lumiit pa lalo ang income. Last year, 4.5 trillion ang inapprove. Ang income ng ating gobyerno, 'pag aalamin ko, nasa mga 2.9 trillion lang. Ngayon, bumaba nang 2.7 trillion, tapos tumaas pa lalo ang gagastusin natin, so 'yan yung sabi ko, kasi sanay akong magmanage ng bahay. Sanay akong maggastos sa bahay. Ako nagbubudget ng pera sa bahay para imanage, paano gastusin sa isang linggo, paano, anong bibilihin ko para makasurvive nang isang linggo, para may, in case na magkaroon ng, may ubo, may ano, may pambili ako ng Biogesic o Neozep, o anumang mga product na para panggamot, kahit papaano. Ang ating bansa, ganun e, ganun sana e, para lahat, hindi tayo utang nang utang.

Boy: What I'm hearing from you, Senator Manny, is that yung disbursements natin ay mas mataas doon sa ating kinikita sa revenues.

Pacquiao: Yes.

Boy: At saka, what you're trying to say, yung debt-to-GDP ratio, 'ika nga, nasa forty percent, ngayon, parang nasa sixty percent, wala nang elbow room para tayo'y makapangutang dahil na nga, sabi mo nga, dahil sa pandemya, oo, pero yun ay rerendahan mo talaga ito, that's what you're trying to say.

Pacquiao: Rerendahan ko 'yan talaga. Sabi ko nga, kahit tinatanong ako minsan, sa interview, tinatanong ako na, 'O, yung mga kabinete mo, sino bang iappoint mo do'n?' Nako, strikto ako mag-appoint ng kabinete kasi ako, isa akong atleta e. Mataas ang expectation ko 'pag mag-appoint ako ng isang kabinete dahil gusto ko talaga, may maabot, may maaccomplish ako.

Boy: Senator Manny, mag-uumpisa ka na meron, bilang Presidente, mag-uumpisa ka na may over eleven trillion na utang. Paano ka mag-uumpisa magbayad?

Pacquiao: Unang concern natin niyan, Boy, yung sinasabi kong revenue income ng ating gobyerno, pataasin natin 'yan.

Boy: Paano?

Pacquiao: Unang-una, pigilan mo 'yang corruption. Sugpuin mo 'yang corruption, tataas 'yang revenue income natin diyan, tataas yung...

Boy: Balik tayo sa corruption, ano?

Pacquiao: Mm-mm.

Boy: Bumabalik tayo sa corruption.

Pacquiao: Bumalik, puro corruption e. 'Pag pinigilan mo 'yang corruption na 'yan, tataas yung revenue income natin, and then hindi pa 'yan enough, hindi pa 'yan enough kasi yung mga source of income ng ating gobyerno, pinagbebenta lahat, naprivatize na. Hindi naman kasalanan ng mga private company na bumili dahil inoffer naman ng gobyerno. Yun po ang masama, kumbaga, ikaw, bahay mo, kayong pamilya, yung mga negosyo niyo, pinagbebenta niyo na. O, pagbenta, pagbayad, may pera kayo, pero pagkatapos no'n, naubos na yung pera ninyo, wala na kayong income, yung revenue income na bumabalik dahil nabenta niyo na e. Ayon..

Boy: Let's talk about the West Philippine Sea. Para klaro lamang, 'pag pinag-uusapan po ang West Philippine Sea, pinag-uusapan natin ang Scarborough Shoal, o Bajo de Masinloc, and the Kalayaan Island Group. Ito yung ating cinaiclaim. Bahagi po 'to ng Spratly Islands. Inaangkin po ito ng Tsina. Sa Subi, ang tawag natin, Zamora Reef, at sa Mischief, Panganiban Reef, at iba pa, nagtayo na dito ang Tsina ng mga hangars, underground storage, missile shelters, radar arrays, and other facilities. Noong July 12, 2016, naglabas ng desisyon ang Permanent Court of Arbitration (PCA), pabor sa Pilipinas sa issue sa West Philippine Sea. Atin ang West Philippine Sea pero patuloy pa rin itong inaangkin ng Tsina. Tuloy pa din tayo sa pagfifile ng mga diplomatic protests. As of December 2021, we have filed two hundred forty-one diplomatic protests. Sinasagot naman ho tayo ng Tsina. Nakakaone hundred fifty-two responses na po sila. Ang aking tanong, as President of the Philippines, Senator Manny, you are also the chief architect of foreign policy, if all diplomatic efforts fail, bilang Presidente, sa iyong pananaw ba, the Philippines is strong enough and prepared to fight a defensive war against China to protect our territorial sovereignty?

Pacquiao: Unang-una, hindi tayo dapat magpapabully. Kahit na maliit tayo, hindi tayo magpapabully, at ipaglaban natin yung atin. Pangalawa, puwede naman, mag-uusap e, ang kabilang panig, puwede naman mag-uusap e, na 'wag tayong magpapabully, 'wag tayong magpapasindak, kumbaga, ipaglaban yung atin, at pag-usapan natin in the right way, in the right way, kasi kung pagdating sa physical ay mas malaki sa atin ang Tsina, pero hindi tayo natatakot. Hindi tayo, kasi lagi nating kinakanta e, 'Ang mamatay nang dahil sa 'yo,' e, kumakanta tayo ng ganun tapos hindi natin gagawin, 'di ba, so wala naman tayong, no question, na kaya nating ibuwis ang buhay natin kasi yung mga ninuno natin, yung mga ancestors natin na lumipas, binuwis nila yung buhay nila para tayo'y magkaroon ng kalayaan, para sa ating bansa. Bakit hindi natin gagawin din 'yan, kung sakali, kung sakali, yung tanong mo na kung sakali, ipaglaban natin, pero ngayon, puwede naman daanin sa usapan, conversation lang, communication, importante, pag-uusap, para maresolba ang problema.

Boy: Pero kung, halimbawa, nagfail na ang diplomatic efforts, sa iyong palagay, handa tayo, kaya natin ipagtanggol, defensive war against China.

Pacquiao. Kaya natin. Sa loob natin, kaya natin. Malakas ang loob natin e. Hindi tayo basta-basta natatakot, lalo na yung mga may mga dugong Waray.

Boy: Yung sinabi mong bully ay yun ang ginagawa ng Tsina, binubully niya ang mga kapitbayan dahil napakalaki ng Tsina at napakaliit nga natin. Dun nga sa arbitration, hindi naman tinanggap ng Tsina ang imbitasyon na siya'y makipagharap sa Pilipinas. Ang pananaw ng Tsina ay infirm yung reklamo ng Pilipinas at saka hindi daw valid yung mga dahilan ng Pilipinas. Ang hinahanap ng Tsina ay bilateral talks yung pag-uusap. Kanina, sinabi mo na mag-usap tayo in the right way. Ano 'yon? Paano 'yon?

Pacquiao: Dialogue. Ang problema kasi, hindi naresolba 'yan sa isang dialogue, o dalawang dialogue lang. Sa ganitong usapin, maraming dialogue 'yan, at least, minimum, sampu o walo...

Boy: Pero seseryosohin ba tayo ng Tsina, e, ang laki-laki nila. E, ang dami-dami nilang pera tapos ang liit-liit natin.

Pacquiao: Ay, hindi, bakit hindi nila seseryosohin, e, pinaglalaban natin yung sa atin?

Boy: Mm-hmm.

Pacquiao: O. Seseryosohin tayo.

Boy: Go ahead.

Pacquiao: Ang kailangan lang nila ay marinig tayo, na firm din tayo. Hindi tayo, a, gano'n. 'Wag, 'wag gano'n. Ipaglaban natin ang atin.

Boy: Okay, at habang nag-uusap tayo ng Tsina, e, tuluy-tuloy naman yung kanyang pagbuibuild nung mga hangars diyan sa West Philippine Sea. Bilang Presidente, ano ang solusyon do'n? Kung nakikipag-usap ka sa 'kin nang matino, aba'y panindigan mo yung matino nating pag-uusap.

Pacquiao: Kasama 'yan sa pag-uusapan natin. Kasama 'yan sa pag-uusap natin, bakit kayo nag-ano diyan. Maglalagay din kami diyan o, bahagi kami diyan sa ginagawa ninyo, kasi nag-uusap pa tayo e, amin 'yan e.

Boy: Gaano kahalaga sa 'yo bilang Presidente ng Pilipinas yoong desisyon ng PCA, ng Permanent Court of Arbitration?

Pacquiao: Mahalaga 'yan kasi part tayo do'n, bahagi tayo, miyembro tayo e, ng international court e.

Boy: Okay. Kahit ang Tsina ay hindi nirerecognize yung desisyon na yo'n, kasi ganun ang Tsina, gusto makipag-usap pero 'pag nakikipag-usap naman, e, malaki sila, what I want to know, Senator Manny, is paano ka makikipag-usap sa isang bayan na sobrang malaki, yaman, tapos cinaiclaim yung iyong part of your territorial sovereignty?

Pacquiao: Nakausap ko yung ambassador, na wala naman daw nakikipag-usap sa kanila. Kailangan daw ng pag-uusap. Kausap ko sa...

Boy: Wala daw nakikipag-usap sa Tsina.

Pacquiao: Yes.

Boy: Okay.

Pacquiao: Kailangan, pag-usapan. Kailangan, napag-uusapan, at hindi nareresolba daw ang problema sa isang pag-uusap lamang.

Boy: Kailangan, marami.

Pacquiao: Kailangan, para maintindihan.

Boy: Naitanong mo ba, Senador, kung bakit hindi sila sumali doon sa arbitration?

Pacquiao: Ay, hindi ko naitanong 'yon, hindi ko naitanong 'yon, basta ang sabi ko, 'Sa amin, pinaglalaban din namin yung right namin.'

Boy: At ang sabi niya ay...

Pacquiao: Ganun din kasi sila daw, so kailangan, pag-uusapan. Sabi ko, 'Hindi namin, hindi kami gigive up diyan.'

Boy: Oo, dahil ang ating pinakakinakatigan ay yung UNCLOS, yung United Nations Convention of the Law of the Sea. Sila, ang kanilang ginagamit, historic rights, kuwento, 'Dahil nung panahon ay amin yo'n.'

Pacquiao: Panahon...

Boy: Oo, meron silang sinasabing gano'n.

Pacquiao: At ang Pilipinas ay probinsiya nila, yun ang narinig ko.

Boy: Naririnig mo 'yon, so, yun ang kanilang ginagamit na dahilan, so, naniniwala ho kayo na sa pag-uusap ng Tsina at ng Pilipinas ay mareresolba ito.

Pacquiao: Sa tingin ko, mareresolba.

Boy: Pero paano natin mapapahinto sila na, 'Stop encroaching into the territory of the Philippines, dahil nag-uusap pa tayo, puwede bang...'

Pacquiao: Kasama 'yan sa pag-uusapan pagdating ng panahon, 'pag tayo na ang administrasyon.

Boy: Naniniwala ka na seseryosohin tayo ng Tsina sa pag-uusap na personal?

Pacquiao: Basta firm ka.

Boy: Senator Manny, let's go to the tenth question. Pag-usapan natin ang Presidential qualifications. You're applying to be President of the Republic of the Philippines. It's a complex job, napakalaking trabaho po.

Pacquiao: Tama, tama po 'yan.

Boy: Ilan lamang po ito sa mga ginagawa ng Presidente, he's the head of government, he's the chief architect of foreign policy, commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines, he signs budgets, manages finance, appoints justices recommended by the Judicial Bar Council, confers the National Artist Award, manages disasters and pandemic, fights drug wars, head of his/her political party, has power over aliens, has power of eminent domain, practices general supervision over local governments, and pardons convicts, among others. Ganun po kakumplikado ang trabaho ng isang Presidente. Samantala, sa ating Saligang Batas, Article Seven, Section Two, of the 1987 Constitution, ang qualifications para maging isang Presidente ay ang mga sumusunod, natural-born Filipino, registered voter, must be able to read and write, forty years of age at the day of the election, and must have resided in the Philippines ten years before the election is held. Ang katanungan po, ngayon po na kayo'y nag-aapply bilang Presidente ng Pilipinas, sa inyong palagay po ba, napapanahon na ba para amyendahan ang provision na ito ng Saligang Batas, oo, hindi, at bakit?

Pacquiao: Talagang amyendahan ang Saligang Batas natin dahil hindi na naaayon doon sa bagong henerasyon ngayon yung mga, especially, yung technology lang, high-tech na e. Yung batas na ginawa natin, wala pa yung mga technology nung araw.

Boy: So, itong provision ng constitution, sa iyong paniniwala ay dapat iamend na.

Pacquiao: Amyendahan, amyendahan.

Boy: Oo. Dahil may mga nagsasabi naman na the wisdom, the spirit of this particular provision ay para mabigyan ang mas nakakaraming tao ng pagkakataon manilbihan at maging Presidente ng Pilipinas. Your comment.

Pacquiao: Yes, tama 'yan, tama 'yan, para may mga, maraming mga Pilipino na magagaling, at devoted sa pagseserbisyo, at gustong makatulong, at umunlad ang ating bansa.

Boy: Sa ibang bayan kasi, Senator Manny, like sa Turkey, I think, requires higher education. Sa Indonesia ay high school graduate. Sa France, isa sa mga requirements ay dapat may bank account. Sa Great Britain naman, hindi ka puwede...

Pacquiao: Bank account...

Boy: Meron. Doon naman sa Great Britain, parang ang isa sa mga, ay, hindi ka naman puwede maging Prime Minister na hindi ka MP, member of parliament. Sa Myanmar, dahil sa nangyari nga kay Aung San Suu Kyi, hindi ka puwede maging Presidente kung asawa mo ay foreigner, so in other words, meron mga peculiarities ang batas na ito, so pagdating dito sa Pilipinas, dahil sabi nga ni, ng dating senador, Miriam Defensor Santiago, e, ang police officer daw, 'pag nag-aapply ng trabaho, hinahanapan ng diploma, ang kumakandidato bilang Presidente ay hindi. Your comment.

Pacquiao: Puwede naman siguro 'yan amyendahan ang batas natin, isasali natin 'yan, either high school graduate or college graduate. Wala namang problema, ayon sa kung anong gusto ng taumbayan.

Boy: Para sa 'yo, importante 'yon.

Pacquiao: Importante 'yan dahil importante na alam mo kung paano imanage ang bansa, alam mo kung ano yung gagawin mo, at yun po ang sinasabi ko, 'wag mong tahakin yung isang landas na hindi mo alam yung gagawin mo.

Boy: E, paano, may isang tao, tatahakin ang isang landas, na kahit hindi niya alam, gusto lang niya? E, may pera siya. Meron siyang apelyido pero wala siyang kaalaman, halimbawa, 'Gusto ko tumakbo sa pagka-Presidente ng Pilipinas.' What do you have to say?

Pacquiao: Alam mo, yung isang tao na 'yan, hindi natin alam kung ano yung kaalaman niya. Basta qualified siya sa pagtakbo, e, 'di takbo, kasi, kung example, sa position ko, para malaman lang, sa tingin niyo ba tatakbo ako ng Presidente na hindi ko alam yung ginagawa ko, hindi ko alam yung mga gagawin ko para sa pagpalago ng ating ekonomiya? Hindi ko gagawin yun kung wala akong alam. Tumatakbo ako dahil alam ko, na alam na alam ko kung anong gagawin ko, lalung-lalo na sa pagsugpo ng corruption at pagpapalakas ng ating ekonomiya, nang makapagbigay ng trabaho sa milyun-milyong mga Pilipino, mapalakas natin ang ating ekonomiya, at maipagmalaki natin ang ating bansa, kasi ang tagal ng panahon, ang haba ng panahon, na inalagaan ko, dugo at pawis ang puhunan ko para mailagay natin ang bansa natin sa mapa ng mundo. Mailagay natin ang, 'pag sinabing Philippines, maalala nila, may magagaling na mga Pilipino, so in that way, kumbaga sa ano, kaya nating gawin, kaya nating gawin at hindi ko, hindi ako nagdedesisyon dito na wala akong gagawin, kumbaga, gusto kong ipagmalaki natin ang bansa natin sa ibang bansa, maging number one ulit ang ating Pilipinas, magkaroon ng trabaho ang milyun-milyong mga Pilipino, at higit sa lahat, Boy, ang pangarap ko, ang pangarap ko, ayokong maranasan sa mga, yung mga susunod na henerasyon, ang naranasan kong hirap sa buhay. Yun ang, 'yan ang nagbibigay sa akin ng lakas. Ayaw kong maranasan nila ang naranasan kong hirap sa buhay, kaya gusto ko, ang mga bagong henerasyon, yung mga bagong ipapanganak pa lang o napanganak na, magkaroon sila ng magandang kinabukasan dito sa ating bansa, na anytime, puwede silang mag-apply ng trabaho, makakuha kaagad ng trabaho, puwede pang magdouble job, magtrabaho sa araw, magtrabaho sa gabi. Gusto ko, ang trabaho, maghahanap ng tao. Hindi ang tao, maghanap ng trabaho. Gusto ko lumago ang ating, gusto ko, walang pamilya na walang tahanan. Responsibilidad ng ating gobyerno, ng ating government, na magbigay ng pabahay sa ating mga kababayan.

Boy: Senator Manny, sabi mo kanina, pinaghandaan mo ito, 'Palagay niyo ba, ako'y kumandidato sa pagka-Presidente ng Pilipinas, hindi ko ito pinaghandaan?' Paano mo eksakto, pinaghandaan ito?

Pacquiao: Inalam ko kung ano yung dapat nating gawin sa ating bansa, yung problema ng ating bansa, at kung paano resolbahin yung problema sa ating bansa, kaya ako nagdecision na tumakbo.

Boy: Dahil nalaman mo na lahat yung...

Pacquiao: Nalaman ko lahat, nalaman ko lahat ng problema ng ating bansa, pagpapalakas ng ekonomiya, pagsugpo nitong kurapsyon, pagsugpo nitong mga...

Boy: Senator Manny, ngayon naman, punta na tayo doon sa personal issue-based question. Ngayon pa lamang tayo nagkita after that controversy noong 2016.

Pacquiao: Oo nga e.

Boy: In an interview, you were quoted to have said, and I quote, 'Common sense lang. Makakakita ka ba ng any animals na lalaki sa lalaki, babae sa babae? Mas mabuti pa yung hayop, marunong kumilala. Kung lalaki, lalaki. Kung babae, babae. Kung lalaki sa lalaki, babae sa babae, e, mas masahol pa sa hayop ang tao,' and then you posted an apology post noong February 16, 2016, at ang sabi mo, 'I'm sorry for hurting people by comparing homosexuals to animals. Please forgive me for those I've hurt. I still stand on my belief that I'm against same-sex marriage because of what the Bible says but I'm not condemning LGBT. I love you all with the love of the Lord. God bless you all, and I'm praying for you.' Ito ang katanungan ko, Senador Manny, at wala ako ditong follow-up sa iyong kasagutan. Ako po at maraming tao ay naniniwala that gay love is equal to all forms of human love. Ano po ang inyong pananaw?

Pacquiao: Naniniwala po ako sa kasabihan na love one another. Tama po 'yan. Yung naramdaman mo, naramdaman ko. I love you as my brother, I love everyone as my brother and sisters, so naniniwala po kayo sa human love. Ang issue po na 'yan ay matagal na po, at humingi po ako ng sorry sa kanila kung nakaoffend ako sa kanila. E, hindi naman tayo perpekto dito sa mundo. Lahat tayo, makasalanan, and, at higit sa lahat, mataas pa rin ang respeto ko sa mga LGBTQ, at hanggang ngayon ay marami po akong mga supporters na mga LGBTQ.

Boy: Maraming salamat.

Pacquiao: Maraming salamat po.

Boy: Now, it's time for our political fast talk. We have sixty seconds to do it. Senator Manny, bakit hindi dapat iboto si Mayor Isko?

Pacquiao: May corruption issue.

Boy: Bakit hindi dapat iboto si Senator Lacson?

Pacquiao: Lacson, hindi ko alam.

Boy: Bakit hindi dapat iboto si VP Leni?

Pacquiao: Hindi ko alam.

Boy: Bakit hindi dapat iboto si Senator Marcos?

Pacquiao: Ay, may bahid ng corruption, may issue ng corruption, alam mo naman, ang corruption sa ating bansa ay talagang 'yan ang dahilan bakit tayo naghirap.

Boy: Bakit ikaw ang dapat namin iboto?

Pacquiao: Naranasan kong matulog sa kalye, naranasan kong walang pagkain sa isang araw, at ramdam ko ang naramdaman ng sambayanang Pilipino, at nakita ko ang problema ng ating bansa. Dahil sa nakita ko, kaya kong resolbahin.

Boy: Let's now go to our final question, answerable in sixty seconds, wala rin akong follow-up. March 19, 2018, si President Duterte withdrew the Philippines from the Rome Statute. Noong nangyari yung withdrawal, nagtake effect ito, March 17, 2019, the Philippines was no longer a member of the International Criminal Court. The withdrawal happened matapos ianunsyo noong ICC Prosecutor Fatou Bensouda ang pagbubukas ng preliminary examination sa Pilipinas with respect to the alleged crimes against humanity na nagaganap sa bansa dahil sa war on drugs. The President has threatened to arrest the ICC Prosecutor if she conducts activities dito sa Pilipinas kasi sabi nga ay hindi na tayo miyembro ng ICC, and the ICC has no right to do any investigating. On November 2021, the Philippine government requested a deferral of the ICC's request for examination under the principle of complementarity, claiming that the country had begun yung ating sariling imbestigasyon. The current ICC Prosecutor, Karim Khan, in a document dated November 18, said they will temporarily suspend its investigation into the Philippines as it assesses the scope and effect of the government's request for deferral that cited the investigations being done by the Department of Justice. Mga human rights advocacy groups are urging the ICC to proceed with the investigation to not further delay justice for the victims. Hypothetical naman ito, Senador Manny, halimbawa, ikaw na ang Presidente, sumulat ang ICC Prosecutor na si Karim Khan, at nagrerequest na siya at ang kanyang team, na pumunta dito sa Pilipinas para simulan na ang investigation, ang preliminary investigation sa 'di umano'y mga krimen laban sa sangkatauhan na may kinalaman sa war on drugs ni President Duterte. Ano po ang inyong gagawin, papayagan mo ba sila pumunta dito sa Pilipinas, oo, hindi, at bakit?

Pacquiao: Unang-una, papayagan natin, pero unang-una, gusto nating respetuhin din yung decision ng Pangulo kasi that's his prerogative as executive, 'no, as a leader, at papayagan natin sila nang mag-investigate dito sa atin, at basta hindi lang maabuso yung sovereignty natin. Meron tayong sovereignty na hindi maaapakan yung ating mga kababayang mga Pilipino, 'no, na maipaglaban natin yung, madepensahan natin ang ating mga kababayan, so walang problema, open sila na mag-investigate dito sa ating bansa.

Boy: Senator Manny, maraming salamat.

Pacquiao: Marami pong salamat.

Boy: Thank you for your time. God bless you at mabuhay ka.

Pacquiao: Thank you. Marami pong salamat, Boy.

Boy: Sa inyong lahat na bahagi ng aming pag-uusap ni Senator Manny Pacquiao, God bless you. Stay safe, and good night. Mabuhay ang Pilipinas.

No comments: