January 22, 2022

The Toni Gonzaga Interviews, 2021 (Isko)

source: https://youtu.be/tpV8rydvt38
disclaimer: this is not an official transcript.
average reading time: 15 mins

note:
before remarking on errors,
check the audio from source first.

Toni: Mula po sa pagiging anak ng Maynila, ngayon, siya na ang tumatayong ama ng Maynila. We have with us the one and only Yorme Isko Moreno. Hello po, Yorme.

Isko: Hello. Thank you, thank you. Welcome. Welcome sa city hall.

Toni: Ano pong pakiramdam, Yorme, na kayo na yung ama ng Maynila ngayon?

Isko: Well, katulad ng isang ama sa bahay, siyempre, mag-aalala ka. The difference between being a father to a family, there is no playbook, kasi wala namang perfect family, but being a father to a two million mahigit, nighttime population, and three million daytime population, half of it, ay may rules, 'no? Half of it, you base your decisions and guidance on your experience.

Toni: 'Pag gumagawa po kayo ng desisyon, do you based it on what you know or what you feel?

Isko: First, depende sa situation. One, we analyze data. I'm a believer of data, 'no? After reading the data, is yung gut feel mo, oo. Ikaw 'yon. Ikaw yung aasahan nung flock, so ginagamit mo yung utak mo initially by analyzing things, then paiiralin mo yung damdamin. Kung kabisado mo ang tao na nasasakupan mo, yung habits, customs, mas makakarelate ka. Alam mong supilin, gabayan, tulungan, dahil kabisado mo yung utaw, sort of saying.

Toni: Since pinag-uusapan po natin yung pagiging ama ng Maynila, yun pong sarili niyong ama, yun po pala yung apelido niyo talaga 'di ba, Domagoso?

Isko: Oo, si Butete. Si Joaquin.

Toni: Yes. Yung Moreno po pala, apelido naman 'yan ng nanay niyo. Ang tatay niyo po, taga-Antique, ang nanay niyo po, taga-Samar. Pa'no po kayo napunta no'n sa Maynila?

Isko: I'm a product of rural negligence in the past, 'no?

Toni: Ibig sabihin po no'n?

Isko: Ibig sabihin no'n, nung araw, siyempre, walang opportunity sa rural areas, so yung mga kababayan nating Pilipino sa probinsiya, pupunta ng Maynila, mag-iisquatter. Siyempre, they are hoping that there will be a better opportunity for them. Nagkita yung nanay at tatay ko, nakalawit yung nanay ko, ayon, ako bunga.

Toni: Kayo ang produkto. Only child po pala kayo 'no?

Isko: Ay, solong tagapagmana ako ng malaking lupain ng nanay ko, bulubundukin pa, at umuusok.

Toni: Pinanganak po kayo sa?

Isko: Sa Tondo, hanggang sa natira kami sa Mabuhay, yung mahabang squatter dati sa tabi ng pier.

Toni: So nung bata pa lang po kayo, namulat na kayo sa kahirapan ng buhay, hindi ho ba, kasi ten years old, nangalakal na kayo ng...

Isko: Basura, oo. Nakita ko yung ibang mga barkada ko na lagi sila may pera. Nagpapalmo sila, nagkakara-krus, nagtatanching, nakakabili ng Cherry Ball, yung bubble gum na pula, yung basag na panga mo, hindi mo pa rin maubos yung bubble gum.

Toni: Nakalagay yun sa bote, hindi ho ba?

Isko: Oo, nasa bote 'yon. Sabi ko, sa'n kaya kumukuha ng pera 'tong mga 'to? E, yun pala, nagbabasura sila. So, nung sumama 'ko, kumita ako about, well, I think, more or less, about twenty pesos, share ko. Pagkagaling ko eskuwela, papasok ako sa Almario, mga 5:30, lalakad ako no'n, mga thirty minutes, lakad everyday, so 6:00. Alas dose, weu na, tapos alas otso o alas nuwebe, magsasara na yung Jollibee, 'no, yung sa Ilaya, yun yung kinukuhanan ko ng basura e, ng Jollibee, yun yung batsoy. Ang tawag nila, pagpag, pero batsoy talaga ang pangalan no'n, tapos yung spaghetti, burger, saka chicken, yung Chickenjoy.

Toni: Yung napagtirahan, yung napagkainan.

Isko: Pagka medyo may laman pa nang kaunti 'yon, bebeta mo 'yon sa gedli. Lalagay mo 'yon do'n sa cellophane, yung sando bag, hanggang sa mapuno mo 'yon. Noong una, kami lang chumichicha no'n. Ta's biruin mo, kami, almusal namin, mahirap na mahirap kami, almusal namin, Chickenjoy. Tanghalian namin, Chickenjoy. Sa hapunan, Chickenjoy. Siyempre, umuusok 'yon. Alam mo naman sa squatter, 'di ba, dingding lang ang pagitan?

Toni: Amoy na amoy?

Isko: Amoy na amoy 'yon. Sarap nito. Nung kalaunan, bumibili na yung mga kapitbahay namin. Etneb. 

Toni: Ano yung etneb po?

Isko: Bente. 'Pag medyo maganda-ganda laman, lalo na 'pag bata tumira.

Toni: Kaunti. 'Di nauubos.

Isko: Hindi naubos 'yon e. 'Di ba, takaw-mata? So, napipili 'yon, nabebenta, may extra ka na sa basura, may extra ka pa sa pagpag. 

Toni: Lumaki po kayong gano'n?

Isko: Oo.

Toni: Ganun ang means of living, ganun ang kinakain.

Isko: It's an everyday thing. Eskuwela, trabaho, tulog, minsan, may goli, minsan, wala, kasi minsan, parang nanginginig yung tuhod mo, yung muscle mo, so, e, wala, may mga kasabihan yung mga matatanda, ''Wag kang magbabasa, mapapasma ka,' so lahat ng libag, banil, alipunga... Naku, Diyos ko, ang alipunga, ang kati sa paa. Oo, naku, Diyos ko. Naku, Ma'am.

Toni: Wala po sa itsura niyo kasi parang napakaguwapo niyo. Mukha nga po kayong may lahi e. May lahi po kayo?

Isko: Oo, lahi. Lahing tsonggo. 

Toni: Hindi, kasi, ang guwapo niyo po e. Tisoy po kayo, kasi antawag sa inyo no'n, Scott.

Isko: Oo, Scott. Scott ang tunay kong palayaw, kaya 'pag tinawag akong Scott, alam ko, kababata ko 'yon. Mga kasamahan ko 'yon sa Mabuhay.

Toni: 'Di ba lumaki po kayo sa challenging area, so expose kayo sa iba't ibang klase ng mga tao, 'di ba? 

Isko: Lahat ng uri.

Toni: Hindi niyo po ginawa yung mga ginagawa ng iba na nagrurugby boys, nangungupit?

Isko: That's a very good point a.

Toni: Hindi niyo po naisip gawin yun?

Isko: I grew up with criminals, hardcore and petty criminals. I grew up with people with vices. E, ako naman, ako kasi, may nerbyos sa nanay ko e. Nanay ko kasi, matapang e. Waray-waray yun e, kaya ang takot ko sa nanay ko dahil dinidisiplina 'ko, plus the fact, sabi ko, marami sa mga kababata ko, nasiraan ng ulo. Kami, marami sa amin, sa mga kapuwa ko basurero, lahat kami nag-aaral halos, while nagbabasura kami, kasi gusto namin talaga yung maging seaman, magpunta ng Saudi.

Toni: So, yun po ang pangarap niyo noon?

Isko: Ako, gusto ko, maging seaman. Gusto ko maging kapitan ng barko, kasi feeling ko, yayaman ako pagka naging seaman ako, saka magkakaro'n akong batong bahay, may angkla, kasi mga seaman sa 'min, may angkla yung bahay. Okay toits a. Tapos malapit kami sa pier. Magseaman ka, yayaman ka, and for you, para maging seaman, mag-aaral ka. 

Toni: Kaya po kayo naging matuwid sa buhay, hindi kayo naligaw ng landas, kasi sa takot niyo sa nanay niyo?

Isko: Oo, disciplinarian ang nanay ko, kaya dito, naggawa ako ng batas dito sa Maynila. Ang pinakukulong ko, nanay, ang magulang, not nanay, yung magulang. Pagka nahuli namin in violation of curfew, yung old curfew namin, sinesentensyahan yung magulang, napariwara, kasi naniniwala ako, yung bata, wala namang malisya 'yan e. Walang intention manakit ng kapuwa, 'no? Kaya lang, through the years, because of its environment, so nahahawa siya, more so, kapagka nagpabaya yung magulang. Tama na yung kulang sa chicha, pero kung kulang pa sa pangaral saka attention, mapapariwara yung bata, kaya ko ikinukuwento sa kanila kasi pareho naman kami squatter, pareho naman kami dugyutin, tulukin, alipungahin, libagin, banilin, iisa lang ang lugar na kinalakihan namin. Ba't yung nanay ko, iba ugali? Yung tatay ko, kahit wala kaming tiyape, pupunta  'yan sa pier, mag-aabang, baka maduty, matara. 'Pag natara siya, e 'di may trabaho siya, so it's a matter of perseverance. Minsan nga may nangyari e. Grade 2 ako. Pinatawag nanay ko. E, alam mo, noong araw, ayaw na ayaw mong mapatawag ang magulang mo sa guidance counselor. Oo. Ayaw na ayaw mo 'yon.

Toni: So, bakit po napatawag ang nanay niyo?

Isko: The following day, pumunta nanay ko. Naku, sa pintuan ng ano, ng classroom, nakikita ko, nag-uusap. Hinahanda-handa ko na yung wetpaks ko. Sabi ko, hanger na naman 'to. E, alam mo yung hanger noong araw, yung bakal?

Toni: Bakal. Tapos iniikot yung...

Isko: Pagkatama sa 'yo nun...

Toni: Aray ko.

Isko: 'Di ba may bengkong 'yon? 'Ano? Sasagot ka pa?' Pag-uwi, sabi sa 'kin, nanay ko, 'Ikaw, tigas-tigas ng ulo mo. Sinabi ko sa 'yo, mag-aral ka lang maigi e. O, ngayon, may problema tayo.'

'Bakit?'

'First honor ka.' Ba't nagagalit? Kaya pala siya pinatawag, yung nanay ko, kasi kailangan daw ako magready sa recognition day, dahil kailangan, nakalong sleeves, oo. E, siyempre, tosgas 'yon. Wala 'yon, e, those are the things na ayaw ng nanay ko. E, fortunately, meron akong kababata, across the street, babae, kasingheight ko, so napahiram ako ng long sleeves na puti. The problem with the long sleeves ng babae nung 1980s, may ruffles 'yon. 

Toni: So, gumraduate kayo, may ruffles?

Isko: Dito, yung parang may bulaklak na ganun, 'di ba ganun? Nang recognition day, binigyan ako, medalya.

Toni: First honor.

Isko: First honor, with ruffles, pero long sleeves, pero alam mo ginawa ng nanay ko no'n? O, dinisplay naman ako ng nanay ko. Ayaw niya ipatanggal yung ano, yung gold medal. 

Toni: Sobrang proud. Ang galing, ano? Grabe yung honor na naibigay niyo po sa nanay niyo. From first honor to being mayor ng Maynila. 

Isko: Oy, inabot niya, oo. Inabot ng nanay ko.

Toni: So, napakahirap po siguro nung pumanaw siya last year?

Isko: Oh, yeah. She was found sick, six, seven years ago, the same sickness with my father. 

Toni: Ano pong sakit niya no'n?

Isko: Wala, kanser, kanser. A few hours after my birthday, sa ospital, last year, October 25.

Toni: She went with the Lord.

Isko: Talagang ganun. So, nakatikim naman siya ng ginhawa. So, ninety-three, and today is 2021, so more or less, about eighteen years. E, buong buhay niya, sa probinsiya saka sa Maynila, ang pagiging squatter. O, naging reyna rin naman siya ng bahay namin.

Toni: Ano po yung pinakamalaking lesson na tinuro sa inyo ng nanay niyo sa buhay?

Isko: 'Wag ka magpapakatimawa. Timawa is 'di baleng mahirap ka, you give dignity to yourself, 'wag kang yung kalabit-penge. 

Toni: Hingi nang hingi?

Isko: Kalabit-penge. Magsikap ka. Tapos sabi niya, 'Pagdating ng araw, bumili ka ng sarili mong iyo, para umula't bumagyo, may masisilungan ka.' Siyempre, as a parent, gusto rin naman niya kami magkaroon ng sariling amin, 'no? That's why 'yang mga in-city vertical housing na 'yan, yung Basecommunity, Tondominium 1, Tondominium 2, Binondominium 1, now, we're going to do Pedro Gil, San Lazaro, San Sebastian, about four, five, six building, maitatayo namin. It addresses the same story of mine, na merong mga nanay at tatay, na walang inisip 'yan kundi magkaroon ng sariling bahay yung kanilang ano...

Toni: ...pamilya.

Isko: So, kung hindi natupad ng nanay at tatay ko sa akin, at least, I'm grateful to God, I'm grateful to the people of Manila, now, I have an opportunity to change the course of the resources of government addressing this situation.

Toni: Ilan taon po kayo nung nag-artista kayo?

Isko: Diyesiotso.

Toni: Nadiscover po kayo sa wake, ano?

Isko: Sa lamayan ng patay. Parang it's a home ano, na nirerecord lang yung lamay. Si Daddie Wowie, nandodoon. Kinausap nila 'ko no'n e, na makapag-artista, ayun. 

Toni: Nagulat kayo?

Isko: Siyempre, hindi mo aakalain pang-artistahin toits e. Lahat ng banil sa katawan ko, kita mo.

Toni: So, nung nakapasok po kayo sa showbiz?

Isko: Sa That's.

Toni: That's Entertainment.

Isko: Kay Kuya Germs. Nag-audition ako sa That's.

Toni: Nakapasok po kayo.

Isko: Mm-mm. Ano kami...

Toni: E, 'di gulat na gulat kayo nun, nung naging artista kayo.

Isko: Nagsisisigaw ako sa Mabuhay, 'Hoy! Artista na 'ko!' Nyumanyangga ako do'n sa Moriones o, 'Hoy!'

Toni: A, so, nung artista kayo, umuuwi pa rin kayo sa squatters?

Isko: Oo. Nung umpisa kasi, siyempre, 'ala ka naman tiyape e. Siyempre, 'di naman ako sanay magsuot ng pandiinan, 'di ba? Nung araw, e, si Robin, idol na idol ko 'yon. 

Toni: Padilla?

Isko: Oo. Bibili ka lang ng 501. 

Toni: Robin Padilla ka na.

Isko: Tapos T-shirt ka lang, teputs. Nyanyangga ka ng Marlboro. 

Toni: Robin Padilla ka na no'n. So, yung mga idol niyo no'n... 

Isko: Kaya niloloko ko si Binoy e, 'pag nakikita ko, ''Lang 'ya ka, Binoy, sa 'yo 'ko natuto magsigarilyo e.'

Toni: A, talaga, siya yung idol niyo no'n.

Isko: Kasi meron siya nung ano e, yung pelikula, Barumbado. Ganyan siya ng yosi o, tapos, 'di ba tumalsik yung kotse, ta's tumutulo yung gasolina, sabi niya, 'Magsama na kayo ni Satanas sa impiyerno.' Boom!

Toni: Naks. 'Yan mga pinapanood niyo no'n, ta's si Robin Padilla pala iniidolo niyo noon. Paano po kayo nalinya dun sa sexy?

Isko: Ha? 

Toni: Dun sa mga sexy movies.

Isko: Oh, ganito 'yon. Ay, siyempre, natapos yung tweetums sa...

Toni: Yes.

Isko: Dumating yung era, yung pitu-pito, oo, yung era ng pitu-pito, seven days, shooting, seven days, post-production, tapos seven days, filming na, showing na. O, kaya pitu-pito, and it comes with numbers, 'di ba, so sabi ko, 'Okay toits.' Nyanyangga ka lang nang pitong araw, may suweldo ka na, tapos pelikula, promo, tapos, next, pelikula ka ulit. E, nabili noon, low-cost production, yung medyo titillating. 

Toni: Ayon, oo nga, titillating movies.

Isko: Kasi I am a Seiko baby, so if it is from Seiko, it must be good. Without malice, as an actor, you know, you have to be professional.

Toni: It's just work.

Isko: Exactly. Whether you, kahit maghihilata ka sa kalsada, o para kang hinuhulog sa building, o ipakakain sa buwaya, o susuntukin ng bida, it doesn't matter. It's just plain and simple work. You have to portray a character.

Toni: Ilan taon po kayo no'n, nung nagsexy movies kayo?

Isko: Mga twenty-one, twenty-two. Bago 'ko nagkalaman, yung medyo may taba nang kaunti, batu-bato 'ko e. E, siyempre, pagka bumuhat ka ng betsingko, na paldo, na karton, yung pinaldo, e, 'di mo mabubuhat 'yon. E, yung kariton lang, 'pag nalubak 'yon, mahirapan ka na, inaatang mo 'yon, so naturally, everyday, ginagawa mo, yung nagkakaroon ka ng contour. O, e, biruin mo, tumira ka ng six figures, 'di ba, at that time, tapos wala ka naman gagawin, chichicha ka lang. Pagkatapos, air-conditioned ka pa, ta's, 'Ready na?'

'O, ready na. Okay.' O, 'di ba, ang gaan ng trabaho? 'Di ba? Nyanyangga ka lang no'n. O, 'di ba? Tell me what's wrong with that. Wala naman akong pinerwisyo na kapuwa ko. Basta ako, trabaho.

Toni: Twenty-three years old po kayo nung pumasok kayo sa politics?

Isko: Yes, oo, mga, konsehal ako, 1998. Mga five years na 'ko no'n nasa showbiz.

Toni: Pa'no po kayo napasok naman sa politics?

Isko: Kasi ganito yun e. Alam mo, 'pag pinagmumuni-muni ko, nung araw pa, kabisado ko na yung government organization. Yung, 'di ba, ministry of ganito, ministry of ganyan. 'Di ba sa araling pan-, tapos current events, oo, noong araw, so parang one way or another, sabi ko nga, why not in return, of all my blessings, to serve, and give it back to people? Literally. I don't know ano trabaho ng konsehal. Hindi ko alam na mambabatas pala 'yon. Walang idea. Basta, gusto ko lang, service, and I don't know if it is fortunate or unfortunate, out of six ng my partymates, ako lang yung nanalo sa partido namin, then nung napunta 'ko sa konseho, ayun na, mga abogado, doktor, puro halos professional. Ako lang yung tolongges dun sa, kumbaga, iisipin mo, high school finish ako nun e. Remember, hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo, dahil nakapag-artista kaagad ako. Napagsalitaan ako ng mga hindi magaganda.

Toni: Like?

Isko: Mga masasakit na salitang hindi mo makakain. 'Wala 'yan, bobo 'yan. Artista lang 'yan,' ano, 'Pacute-cute lang 'yan,' on the floor, on record. Hindi ko naman malalamon yung sinasabi ng ibang tao, 'di ba? Sabi nga nila, ''Wag mo intindihin sinasabi nila. Ang intindihin mo, may makain ka.' E, noong sinasabi nila na bobo ako, sabi ko, 'Hindi naman ako bobo. First honor nga ako.' Danny Lacuna, former vice mayor, Danny Lacuna...

Toni: Nagmentor sa inyo.

Isko: Oo. Sabi niya, 'Alam mo, mag-aral ka.' Fortunately, magaling yung mga taga-UP. They created a syllabus na para idesign sa mga nahalal na sa bayan na kulang ang kaalaman, kung pa'no tatakbo gobyerno. So, I went there, took up that course, in a matter of two weeks, then I've learned so many things, then start understanding Robert Rules of Order, in a parliamentary procedure, then balik ako ulit, na tumira ako ulit ng local finance, 'no. Nagregular kolehiyo na ako sa, diyan sa Makati, yung International Academy of Management and Economics, then I graduated, tapos nakursunadahan ko yung pag-aaral, then enroll ako sa ano, sa law school, sa Arellano, I was accepted. I'm about to go to my tertiary, third year, bigla 'ko nahalal na vice mayor.

Toni: A, so, habang nasa public office kayo, sinasabay niyo yung pag-aaral.

Isko: Aral ako nang aral. That's why kung mapapansin mo, modesty aside, nung sumokpa 'ko sa pulitika, may show-show pa 'ko, tapos nung nakita ko na yung value nung academe o academic background, I dropped everything in showbiz, so focus lang ako sa public service, then trying to equip myself of all the things that is necessary. One time, sumulat sa akin ang US Embassy through US State Department, 'no, that I was chosen to be sent to Washington under the IVLP, kasi sabi, 'We would like to congratulate you that you were chosen to be sent to IVLP,' and sabi ko, 'Weng, sabihin mo diyan sa embahada, nagkamali sila ng address. Padadala mo 'ko sa Amerika, hina-hina ko mag-Ingles. Ansama-sama ng grammar ko.' Nung tinanggap ko 'yon, that changes everything. 'De eskuwela 'ko, sambuwan mahigit ako sa Estados Unids, tapos 'yon, I'd heard that Senator Kiko Pangilinan went to JFK school of Government. Sabi ko, 'Pa'no kaya mag-apply do'n?' Then niresearch ko, 'Ay, nag-ooffer sila ng executive program.' For a short period of time, you can go there and, you know, grab the opportunity to learn something. One night, beta ko sa esmi, nasa kama kami, lalaptop ako, tinitira ko yung application. Yung una, yung first page, madali lang e - name, address, o, andali sagutin. Sabi ko, 'Mapeperfect ko yata 'tong exam na 'to.' Second page, essay. 

Toni: English? Patay.

Isko: Well, e, yung asawa ko, Lasalista. E, madaling araw na yun e. Sabi ko talagang tukod na 'ko. Tuyot na tuyot na 'ko. Sabi ko, 'E, Mommy, tulungan mo nga ako. Kulang pa ako e, kasi eto yung gusto kong sabihin...' Then nung nakaka-250 words na ako, wala, sinubmit ko na lang. Sabi ko, 'If I failed, nobody will know; my wife, me, and the director,' but wala rin naman mawawala sa akin, then fortunately, a week after, I receive an email from Harvard University. Nakalagay, 'Dear Mr. Domagoso, we would like to welcome you to JFK School of Government.' Then I went further, keep on challenging myself, sagaran. O, sabi nila, the best university daw is Oxford University. O, 'di sinubukan ko rin. Nag-offer sa 'yo yung Saïd Business School, nag-offer din ng program, oo, so nadali ko rin 'yon, tapos I went back to Harvard. 

Toni: 'Pag gusto mo talaga 'no, 'pag gusto, may paraan, 'pag gusto mo talagang matuto.

Isko: If you value it, but if you think it differently, like, you know, this is all about prestige and power, and some privileges...

Toni: Title.

Isko: Title. Ako, may mga kilala akong tao, madami nang pera e. E, gusto na lang, titulo e, 'di ba? Depende talaga, depende on your perspective. Totoo yung 'pag gusto, maraming paraan. Isipin mo, basurero lang ako, naging mayor pa 'ko ng Maynila. Lahat ng masasakit na salita, akusasyon, pandurog ng pagkatao, matitikman mo, kaya lang, you know, I have learned. Winston Churchill, he said that you don't throw stones to every dogs that bark. Focus on something. Get to the goal or objective, especially in a dark room. You will never see the light to the end of the tunnel if you just stay there. Kailangan mong kumapa. You have to try, then after, at the end of the tunnel, there is a light waiting for you. 

Toni: Ang galing po ng story niyo, 'no, na kaya niyong baguhin ang buhay niyo, 'di ba? Hindi importante kung sa'n kayo galing. Ang importante, kung paano niyo gagawan ng paraan yung sarili niyong life.

Isko: Yes. It's good to achieve so many things, materially, o whatever a man may need, but it doesn't mean you're going to be happy. 

Toni: What makes you happy po ngayon?

Isko: Oh, when you say, 'Thank you.' 'Yorme, TY ah!' Oo. O, 'di yun ang baterya mo. Music to your ears yun e, na a, may tinamaan kang buhay, oo. The pain, the recognition, the laurels, at the end of the day, it's the people who will ano, appreciate it. 

Toni: Lagi niyo pong sinasabi 'yon na hindi niyo makakalimutan kung sa'n kayo nagmula. In fact, I think, yung may interview po kayo na may painting kayo na...

Isko: Oo, basurero. 

Toni: Sa bahay niyo?

Isko: Yes. Bago ka lalabas ng pintuan, nasa nanka, makikita mo yung pader, may painting na nagtutulak ako ng kariton. May bago pa 'yon, yung ganito, sculpture. Pagbaba mo nung hagdanan ko, nandun sa last step, nandodoon yung batang nagtutulak ng kariton, to remind you of something, materials around you, that reminds you of who you are.

Toni: And where you came from.

Isko: And where you came from. You have to look back, where you came from, kaya ako, wala akong stiff neck. 

Toni: Lagi kayong nakalingong gano'n, so dun kayo nanggaling, ang tanong ngayon, sa'n papunta si Yorme?

Isko: Ay, let the natural course of nature.

Toni: Sabi niyo po kanina, you value the trust, yung pagmamahal ng mga tao sa inyo. Pa'no po kung 'pag nagkaro'n sila ng clamor for you to run for a higher office, the highest position in the land, the President of the Philippines?

Isko: Ang mahighest dito sa, ano, tower. Just to be fair with you, fair, lahat ng pulitiko, 'pag sinawsaw na yung paa sa...

Toni: Swimming pool.

Isko: Sa swimming pool ng pulitika, ang maximum goal niyan, Presidency. Career growth 'yon, 'di ba?

Toni: The highest position in the land.

Isko: Exactly. The dangerous thing that we'll do in the next coming months is to politicize the situation, but ako kasi, there is time for that, and I will be honest to the people and be fair, at the very least, by saying it on the right time. Today, o, mauna na kayo. Atat kayo e. Sige.

Toni: How long do you see yourself being in public service po?

Isko: O, pagkadating ko, tantiya ko, sana, pagdating ko ng singkwenta, pahinga na 'ko.

Toni: Forty-six lang po kayo so in four years po yun.

Isko: O, e, mga within that range. I've been working since ten years old. Kumbaga, sa makina ng kotse, pang-overhaul na 'ko. Gastadong-gastado na 'ko. There is a point that I have learned with great leaders. They know when to stop. I have never dream of being a mayor of Manila. As I have said repeatedly, the only way for me to have a comfortable living is maging seaman. Para naman maging seaman, kailangang mag-aral. Without it, hindi ka magiging seaman. O, puwede ka namang hindi nag-aral, magiging seaman ka, o, seamandurukot nga lang. 

Toni: Pero hindi niyo po ginawa 'yon?

Isko: No, no.

Toni: Dahil nga takot kayo sa nanay niyo. Ang ganda po ng story niyo, habang nakikinig ako sa inyo, na parang puwede kang magplano at mangarap sa buhay mo pero kung ano yung will ng Diyos para sa 'yo...

Isko: Ah, definitely.

Toni: Yun ang mangyayari, dahil hindi niyo naman po pinangarap mag-artista. Hindi niyo pinangarap maging mayor, pero nandito kayo ngayon. 

Isko: Oo nga, 'no? Akalain mo, kailangang mamatay yung kapitbahay ko para madiscover ako, at mabago buhay ko? 'Di ba, I mean, what a way to...

Toni: Yung pagkamatay niya, yung pagkabuhay ng inyong bagong career.

Isko: Bagong career. Exactly, oo. What are the chances? God has so many ways in, you know, 'Anak, o,' O, 'yan, nakaganun, 'di ba, nakaganun sa 'yo, 'di ba? 'O, ayan o.' O, ayan ang ano sa iyo ng Diyos. 'Di ba parang... Kaya I'm always grateful to God, and I'm afraid that, you know, basta, takot lang ako sa Kanya. 'Yon ang importante.

No comments: