disclaimer: this is not an official transcript.
average reading time: 18 mins
note:
before remarking on errors,
check the audio from source first.
Toni: Alam niyo po, isang malaking karangalan na napagbigyan niya tayo ngayong araw. She sits on the second highest position in our country, and it's truly an honor na makausap ko po ang ating Vice President Ma'am Leni Robredo. Hi po, Ma'am Leni.
Leni: Hi, Toni. Thank you for having me today.
Toni: Naku, kami po ang nagpapasalamat na pinapasok niyo po kami sa inyong napakagandang opisina, na para nang warehouse sa dami ng donation.
Leni: I was about to say, kasi talagang maganda yung office namin na 'to pero since the pandemic started, ganito na yung itsura niya.
Toni: Andami pong nagpapadala ng donations.
Leni: Mm-mm, at ano 'yon, more than a year na, tuluy-tuloy pa din.
Toni: Anong oras po nagsisimula ang araw niyo, Ma'am Leni?
Leni: Ngayong pandemic, seven o'clock na kasi meron kaming tele-medicine, and yung duty ko, gabi. Tumutulong ako sa emergency, so nagduduty ako mga until two o'clock, three o'clock in the morning, so ngayon, mas late na 'ko gumigising, pero ngayon, parang nakabalik na kami sa normal, so eight, nine, andito na 'ko.
Toni: Binasa ko po, ang ganda pala ng totoong pangalan ninyo: Maria Leonor Santo Tomas Gerona-Robredo. Ang ganda po ng pangalan niyo. Sa'n daw po nakuha yung pangalan na 'yon? Very makabayan.
Leni: Oo nga e. Ay, alam ko, yung Leonor, pangalan yun ng grandmother ko on my father's side. Namatay siya, nine years old pa lang yung dad ko, so sa kanya 'ko pinangalan. Yung Maria, lahat kasi kami, yung pati yung sister kong sunod sa 'kin, may Maria din, tapos yung Santo Tomas was my mother's maiden name.
Toni: Tapos judge po pala ang tatay ninyo.
Leni: Mm-mm, for a long time. Ano siya, regional trial court judge until he retired at the age of seventy.
Toni: Yung nanay niyo po, anong trabaho noon?
Leni: Teacher. Yung nanay ko taught from the time she was eighteen, so from the age of eighteen until she was eighty-two, she was teaching. Nagretire siya at the age of sixty-five, pero after her retirement, nagtuturo pa din siya sa graduate school.
Toni: Strikto po ba ang tatay niyo?
Leni: Strikto. Strikto yun tatay ko pero parang hindi gaya ni Daddy Bono. Strikto siya in the sense na very present sa buhay namin. Ang gusto ko sabihin, he was okay na lalabas kami, okay siyang lalabas ako nang gabi pero siya yung driver namin. Judge na siya at that time. Parang wala naman kaming curfew pero siya maghahatid sa lahat.
Toni: Daddy's girl po kayo?
Leni: Oo, sobra.
Toni: Kasi eldest po kayo, 'no?
Leni: Eldest.
Toni: Yes. Ang mga eldest po kasi, merong 'yan sense of responsibility, bata pa lang, hindi po ba?
Leni: Totoo, totoo, saka ako lang kasi sa aming magkakapatid yung nag-abogado.
Toni: Opo.
Leni: So, siguro, tingin ng daddy ko, ako yung extension niya.
Toni: Yes, opo, pero nung bata po kayo, ano talaga yung pangarap niyo?
Leni: Ako, mag-abogado. Ay, 'di siguro pangarap, pero parang naimpose kasi siya sa 'kin. Naalala ko, nung maliliit pa kami, parang sa 'min, tatlo kaming magkakapatid e, parang sinasabi ng parents ko na ako yung pinakamasipag mag-aral, pero nung bata pa kami, ako yung sobrang hilig magbasa. Mahiyain ako e.
Toni: Introvert po kayo?
Leni: Sobra, kaya yung kuwento mo na tahimik ka din, ta's minsan, napapagkamalan ka na mataray.
Toni: Opo.
Leni: Actually, very introverted ako.
Toni: Pero nung college po, you took a degree in economics sa UP Diliman, 'di ba?
Leni: Oo. Ang nangyari no'n, nung year na naggraduate ako from college, nag-EDSA.
Toni: Opo, Revolution.
Leni: So, dapat dederetso 'ko ng law school e. Parang all my life, yun na talaga yung plano, pero alam mo, sa UP kasi, naging very active ako sa mga demonstration. Parang ramdam na ramdam ko yung from the time that Ninoy was assassinated, hanggang sa EDSA, parang ramdam na ramdam ko na I was part of it, so nung nangyari yung EDSA Revolution, gusto ko nang magtrabaho sa gobyerno.
Toni: Ilang taon po kayo no'n?
Leni: Twenty-one. So, sabi ko, gusto kong magtrabaho sa gobyerno. Akala ko hindi papayag yun tatay ko. After graduation, nagpaalam ako. Pumayag. Pumayag siya pero ang agreement namin, one year lang. Sabi niya, 'Sige, subok ka nang one year, pero maglalaw school ka na after.' Yun yung usapan, and nameet ko yung asawa ko.
Toni: Yes, sa Bicol River Basin Development Program. Siya po ang parang...
Leni: Siya yung boss.
Toni: Siya yung boss niyo. Researcher po kayo no'n?
Leni: Oo, economic researcher ako. He was much older than I am. Seven years older siya.
Toni: Nameet niyo po siya, twenty-one kayo?
Leni: Twenty-one ako so twenty-eight siya that time.
Toni: Twenty-eight siya no'n.
Leni: Mm-mm. Natakot ako sa kanya pero naimpress ako during the interview.
Toni: Dahil po?
Leni: Kasi, meron na 'kong dala na recommendation later from the governor. Pagpasok ko sa kanya, parang nakakunot na kaagad yung noo niya, for an interview. Hawak-hawak niya yung recommendation letter nung governor, ta's ang tinatanong niya sa 'kin, 'What's this?' Tapos ako, nung una, hindi ko pa gets, parang napakaslow ko at that time, so ilang beses ako nagtanong, 'Sir, what do you mean?' Ta's pinakita niya sa 'kin, ta's parang binuhusan ako ng tubig. Ta's parang sinasabi niya sa 'kin, 'Bakit kailangan nito? 'Di ba umuwi ka?' Parang, ''Di ba, sinabi mo dun sa application mo na umuwi ka because you wanted to be part of the change that was happening? Ta's eto? Eto yung pinaglaban natin e.' Yun yung sinabi niya so akala ko hindi ako matatanggap. Parang on hindsight, tingin ko, dun ako naimpress, dun ako naimpress kasi kalakaran naman talaga sa maraming mga government offices yung irerecommend ka ng kakilala, ta's parang eye-opener din siya sa 'kin na, 'Oops, nakakahiya pala yung ginawa ko.'
Toni: So, ilang years po niyo siya naging boss?
Leni: Ay, ano, sandali lang.
Toni: Sandali lang.
Leni: Kasi, naalala ko, nag-apply, first time ko siya nameet, June. Natanggap ako, August na, tapos the first time he asked me out was September. Sobrang impressed ako no'n kasi parang masyadong old-fashioned.
Toni: Traditional po ang asawa niyo, sabi niyo e.
Leni: Oo, sobra. Tapos nung tumawag siya sa phone for the first time, siyempre, ako, 'Sir,' kasi boss ko yun e. Parang ang tinanong niya, kung nandun yung parents ko, so sabi ko, 'Andito,' so nagpapaalam siya, 'Can I come?' Sabi ko, 'Bakit, Sir?' kasi parang sila ng dad ko, magkakilala sila e, so sabi ko, 'What about?' Sabi niya, gusto niya sana 'ko imbitahin. Bago niya 'ko imbitahin, gusto niyang mag-ask ng permission from my parents, so yun, pero after nung first na, after nung concert na yun, parang everyday na siya bumibisita sa bahay namin. Before Christmas, pinag-uusapan na namin, kasal. Ano yun, sobrang whirlwind siya.
Toni: Oo nga po. Yun po yung description niyo dun sa love story niyo, it's a whirlwind romance.
Leni: Yes, kasi gusto niya nang mamanhikan nang Christmas.
Toni: So, ininterview niya kayo, June. Nahire kayo nung August. September, he asked you out. December...
Leni: Gusto niya nang mamanhikan, so hindi pumayag yun dad ko, so sinabihan ko siya na, 'Huwag ka na magpumilit. Hindi talaga payag yun dad ko,' tapos naalala ko, magkakaro'n ng congressional, parang the first congressional elections, so sinabi nung asawa ko na, 'Okay, so, hindi muna 'ko pupunta, pero after the elections, dadalhin ko na yung parents ko kahit ayaw nung dad mo,' so ganun nga yung ginawa niya. Right after the elections, dala niya na yung magulang niya, so wala nang choice yung dad ko.
Toni: Pero may pinangako po siya sa tatay niyo, 'di ba?
Leni: So, sinabi ng asawa ko na, Judge pa yung tawag niya sa daddy ko nun before, 'Judge, kahit po mag-asawa na kami, I will make sure na mag-aabogado pa din yung anak niyo,' and he made do with the promise kasi right after nung, right after siya mamanhikan, inenroll niya na 'ko sa law school, kasi nung naengage kami, nagresign ako from the office, kasi unethical e, 'di ba? Parang yung boss yung fiancé mo.
Toni: Ano po yung isang bagay na nagustuhan niyo sa kanya?
Leni: Ako, yung very principled e. Nakita ko kung gaano kasipag, nakita ko kung gaano kasimple. Kahit yung early days pa lang, when we were just starting to date, alam ko na na eto yung gusto kong mapangasawa. Siya talaga yung nagpush sa 'kin na maging masaya ako. Ang gusto ko sabihin, masaya, hindi lang with him, pero maging masaya ako sa sarili ko, and I think that's very important, para alam niya na, siguro, I will be a happier wife if I was happy with myself. Dati kasi, nasa PAO ako, sa Public Attorney's Office. 'Pag ang Saturdays ko, whole day, nasa jail ako. Hindi siya nagrereklamo. In fact, merong one time na meron akong kliyente na mag-asawa, na nanganak, Christmas Eve, nanganak sa jail nang Christmas Eve.
Toni: Pumunta kayo?
Leni: Oo. Dun kami nag-Christmas Eve. Kasama ko yung asawa ko saka mga anak ko.
Toni: Parang he was the kind of husband who allowed you to become a person you really wanted to be.
Leni: Oo, so, alam mo yun, parang walang, parang sa kanya, mahalaga lagi kung ano yung gusto ko.
Toni: So it must have been very difficult when August 18, 2012 happened.
Leni: Oo naman, sobra.
Toni: So, August 18, nung morning, may naramdaman po ba kayo that, something different that day?
Leni: Wala. That particular Saturday, yung bunso namin, had a swimming competition. Wala pa, sa lahat ng mga anak ko, mga piano recital, violin recital, swimming, walang minimiss yung asawa ko, pero that particular Saturday na may swimming competition, pupunta siya ng Cebu. Pupunta siya ng Cebu because he was representing the President. He felt so guilty, na hindi siya makakarating sa swimming event, nang sinasabi niya na hahabol siya. Ever since, takot na takot ako sa plane rides.
Toni: Ay, pareho po tayo.
Leni: Yung sa 'min, 'pag yung, alam mo yun, 'pag mag-eeroplano ako, parang two days bago no'n, may anxiety na ako.
Toni: Pareho po tayo.
Leni: So, 'pag mag-eeroplano 'ko, 'pag gumagalaw yung leaves sa treetops, ayaw ko na mag-eroplano, kasi gustong sabihin, mahangin, so, e, nung DILG secretary yung asawa ko, he had to ride small planes, mga choppers, so sobrang kontra ako. Hindi siya dapat mag-eeroplano kasi nasa Cebu siya. I told him, sabi, gusto niyang maghanap ng small plane para makabahol siya sa swimming competition, and I told him, ''Wag na kasi wala ka nang maaabutan,' kasi matatapos siya, hapon pa e, so ako, I was expecting na may ticket na siya, Cebu Pacific, back to Manila. So, umuwi na kami ng anak ko from the swimming competition. Nakita ko yung staff niya sa bahay namin. Sabi ko, 'Bakit andito kayo? Bukas pa siya dadating.' Sabi nung staff, 'Padating po siya ngayon.' Wala namang afternoon flight sa 'min at that time, so alam ko na magsasmall plane na naman siya. Tinawagan ko siya. I was reprimanding him. Sabi ko, 'Magbibiyahe ka daw ngayon, mag-eeroplano ka?' Sabi ko, 'Akala ko, nag-usap na tayo?' Sabi niya, 'Gusto kong humabol.' Nakasakay na daw siya. Ang sabi niya sa 'kin, 'No hurry, kasi mabagal naman yung plane, kasi maliit. Dadating kami...' Parang, hindi ko na masyado maalala pa, 4:20 yata. Parang mga 3:00 pa lang 'yon e. Right after I took a bath...
Toni: May naramdaman po ba kayo?
Leni: Wala pa, wala pa 'kong naramdaman. Nagdrive na 'ko papuntang airport. Yung airport was about fifteen or twenty minutes away. Nung malapit na 'ko sa airport, as in malapit na malapit na, tumawag siya, text pala muna, text muna. Sabi niya, pabalik yung plane sa Cebu. Dun na 'ko kinabahan, pero hindi pa masyado, pero all the time that I was driving home, I was calling him. Cannot be reached. Pagpasok ko ng driveway sa bahay, nagring yung phone niya. Sumagot siya, pero hindi niya ako pinasalita. Ang sabi niya lang, 'Ma,' kasi Ma yung tawag niya sa 'kin. 'Ma, Ma, tawagan na lang kita, may inaasikaso lang.' Sabi niya, may inaasikaso, so, okay. Sabi ko, 'Sige, tawag ka na lang.' Binaba ko na yung phone. Umakyat na 'ko sa kuwarto, so sabi ng anak ko, kasi bumalik ako, ''Asan si Papa?' Sabi ko, 'Ano, bumalik yung plane sa Cebu pero tatawagan daw tayo kung anong instructions.' Sabi ko nga sa anak ko, ''Di pagbalik, sama ka na, sama ka na pagsundo.' Siguro mga ten, fifteen minutes after nun, nung nakausap ko siya, tumawag yung security niya.
Toni: Shucks.
Leni: Oo, tumawag yung security niya. Ang tanong niya sa 'kin, 'Ma'am, nakausap mo ba si Sir?' Ang sabi ko sa kanya, 'Five minutes ago,' pero apparently mas longer, siguro mga fifteen minutes. Sabi ko, 'Bakit?' Sinabi niya na. Ang sabi niya, 'Ma'am, meron kaming nareceive na report na may sighting na may small plane na bumagsak sa dagat.'
Toni: So, nung sinabi po yun sa inyo?
Leni: Hindi pa nga nagsisink in e.
Toni: Shucks.
Leni: Nung nakausap ko yung security, hindi pa. Ang sinabi ko lang, 'Sila kaya 'yon?' kasi hindi pa nagsisink in, so sabi nung security, 'Sana, Ma'am, hindi.' Binaba na yung phone. Sabi niya, 'I will update you once...' ano na, may balita na, pero when I put down the phone, that was when I realized na baka siya 'yon. When I put down the phone, parang, alam mo 'yon, yung parang nagjelly yung buong katawan ko.
Toni: Nanlambot.
Leni: Ta's tinitingnan ko yung anak ko, naglalaro on top of our bed, kasi nasa bedroom ako, ta's siyempre, hindi ko masabi, ta's sinabi ko na lang, 'Anak, magdasal tayo.' Sabi niya, 'Bakit?' Sabi ko, 'Parang may nangyari sa plane ni Papa.' Umiiyak na yung anak ko.
Toni: Ilang taon po siya no'n?
Leni: Twelve. So, sabi niya, 'Mama, punta tayo sa church.' Ta's sabi ko, 'Anak, hindi ko kayang magdrive,' tapos ang naisip ko na, siyempre, yung dalawa, yung dalawang andito. Tinatawagan ko yung panganay ko, nagriring lang yung phone, hindi sumasagot. Ayokong tawagan yung second kasi yung second yung closest.
Toni: Daddy's girl.
Leni: Mm-mm. Finally, nagreturn call si Aika, ta's sabi ko, 'Bakit hindi ka sumasagot?' Sabi niya, 'Nasa Araneta Coliseum ako, nanonood akong Ateneo-FEU game,' ta's, so, siyempre, ang hirap.
Toni: Ang hirap ibreak yung news.
Leni: Tapos e, I seldom call her, nagtetext lang ako. Sabi niya, 'Mama, may problema ba?' Sabi ko, 'Aiks, parang may, naaksidente yung plane ni Papa,' ta's umiiyak na siya. Sabi niya, 'Hindi puwede,' ta's sabi ko, 'Aiks,' pinapagalitan ko pa, 'Wala na tayong magagawa. Ang magagawa na lang natin, magdasal.' Ayon, parang ano na siya, parang...
Toni: Blur na lahat.
Leni: Blur na lahat, yung three days na nawawala, tapos sobrang ano siya, sobrang roller coaster yung emotions kasi, siyempre, dahil hindi pa nahahanap yung body niya, a part of you...
Toni: Hoping.
Leni: Is hope, hindi lang a part of you, pero parang ang feeling mo, buhay pa siya, pero ako, nung night na 'yon, alam ko na nawala na siya.
Toni: Nung August 18th, you felt it.
Leni: Mm-mm, oo. Parang everyone was still hoping, pero yung para sa 'kin, alam ko na nawala. Siguro, until now, hindi ako nakapaggrieve properly, kaya siguro, ang hirap magmove on. Pag-alis niya, alam mo yung parang sabitan ng damit na ginamit sa back ng door ng room, meron siyang isang denim pants saka isang parang basketball shorts, kasi nagtreadmill daw bago umalis, na naiwan do'n. Alam mo, until now, nandun pa siya. For the longest time, yung, siguro, mga seventy-five percent of the cabinet space was full of his clothes. Nasa Congress na 'ko, hindi ko pa kayang alisin, na yung mga clothes ko, ang iba, nasa maleta. Every time I would need, bubuksan ko yung maleta, kukuha ako, kasi nandun yung clothes niya, so I think hindi kami nakapaggrieve, pati mga anak ko, hindi kami nakapaggrieve nang maayos, kasi yung turn of events after the plane crash, sobrang bilis for us. Mahirap pala yung gano'n. Mahirap yung hindi mo cinonfront yung grief, kasi it feels like you cannot move on from...
Toni: Pero sabi po nila, when you lose a love one, specially, a very special person in your life, you never move on from the pain. You just learn to live...
Leni: Live with it. Ganun sa 'min, and parang sometimes, yung mga ordinary things, hindi siya yung big things e, hindi siya yung...
Toni: The smallest things.
Leni: Oo.
Toni: What are the smallest things that you, you miss.
Leni: Ako, yung everyday. Asawa ko kasi, hindi siya palalabas. Hindi siya, walang barkada, kami lang talaga. So, alam mo yun, yung everyday sa bahay, pati yung pagpanood ng TV, parang lahat mo maaassociate with him, 'Ay, sayang wala si Papa, na eto sana, magugustuhan niya.' Halimbawa, yung nagka-Netflix na, kasi before, wala pang Netflix, so nung nagka-Netflix na, sabi namin, 'Sayang, hindi niya inabutan yung Netflix.'
Toni: As a husband po?
Leni: Siguro, 'pag nagmimigraine ako, kasi grabe yung migraines ko, and 'pag nagmimigraine ako, kahit nasa office siya, tatawagan ko siya, kasi hindi na 'ko nadadala nung iniinom na gamot, so siya, meron siyang klaseng massage na tinuro sa kanya, yung parang pressure. Siya yung gumagawa nun, so nung wala na siya, wala nang gagawa.
Toni: Last year po, you posted something. Nung August 18, 2020, it was the eighth year of his death anniversary...
Leni: Yes, magninine years na today.
Toni: And your caption was, 'It's like you never left,' so, you feel his presence to these days.
Leni: Saka siya kasi, may ano siya e, may visual na representation. Halimbawa, every time there is a birthday, or an anniversary, or we're going through a rough time, merong brown moth sa loob ng bahay namin, and alam mo 'yon, we live many floors up sa condo, pero may butterfly sa loob namin, na brown, and yung brown, ordinary, na brown moth, pero every time na, halimbawa, yung before I decided to run for the Vice Presidency, yung mga anak ko, iyak nang iyak nang several days. They didn't want. That was a very difficult time for us. During all that time, yung brown butterfly nasa amin, so, para sa 'min, parang...
Toni: He's watching over you.
Leni: 'Pag andiyan siya, source of comfort, na parang assurance na, 'Andito lang ako.'
Toni: Do you talk to the butterfly?
Leni: Oo. Ang halimbawa, yung latest, about, siguro, birthday niya ba 'yon o wedding anniversary namin? Andiyan na naman. So, nandun siya sa pintuan ng kuwarto namin. Nakita ko siya nung papasok ako nang gabi.
Toni: Yung butterfly?
Leni: Oo. So, ako, sinabi ko, 'Pa! Akala ko, nakalimutan mo na kami,' ta's pagpasok ko sa pinto, sinabi ko, 'Gusto mong sumama sa loob?' Hindi naman siya umalis. Hindi siya pumasok sa kuwarto. Nandun lang siya sa labas, pero laging gano'n, so para sa 'min, parang hindi siya umalis.
Toni: So, nung 2015 po, everyone was against it, your whole family, your kids...
Leni: Oo.
Toni: Nagpriest counseling. They didn't want you to run for VP.
Leni: No.
Toni: What made you decide to pursue it?
Leni: Ako, ano lang, parang I felt na I had to. Ako, I've always been very religious. I was the type who'd go to church as often as I can, then narealize ko, when my husband died, religious lang pala ako, pero hindi ako, parang iba yung level ng spirituality.
Toni: Yes.
Leni: Pero yung namatay siya, umibang grabe, pero alam mo nung namatay yung asawa ko, parati na 'kong, 'Thy will be done.' Pati yung ano, pati yung fear ko of flying, nawala. O, ironically ha, kasi he died sa plane crash e, and I was so scared of airplanes. Nung nawala siya, alam mo, siyempre, during the campaign until now, I have to ride small planes, I have to ride choppers, na ang ibang mga chopper na sinasakyan ko, ang description ko nga, parang washing machine sa liit. Wala.
Toni: Nawala siya. 'Di ba sabi niyo po, Ma'am Leni, after your husband passed away, ang mga prayers niyo na, 'Thy will be done.' When you were proclaimed as the Vice President of the Republic of the Philippines, what was your prayer nung kinausap niyo uli si Lord?
Leni: Ang sinabi ko na lang, 'Hindi ko alam kung bakit pinapagawa Mo 'to sa 'kin, pero alam ko, na parang in my heart, alam ko, na eto yung gusto Mo sa 'king ipagawa. Hindi ko alam kung ano yung purpose pero bahala Ka na. Turuan Mo na lang ako.' Parang ganun lang yung aking mga dasal, na, 'Turuan Mo na lang ako, kung, para makayanan,' tapos when I was VP already, siyempre, maraming mga challenges na finace. Alam mo 'yon, yung, lalo na because I was at the receiving end of a lot of fake news. Alam mo 'yon, mahirap siya in the sense na, siyempre, nanay ako, widow ako, sasabihan ka na, 'You have an affair with a married man.' Ngayon, yung sinasabi ngayon, may affair ako with somebody na eighteen years younger than I am. Alam mo 'yon?
Toni: So, how do you handle that po?
Leni: Ako kasi, tingin ko, yung clear conscience is the best e.
Toni: Sabi niyo sa IG post niyo, it was a picture of your husband, and you were hugging him, and ang caption niyo, 'Sa isanlibong duda, ikaw ang nag-iisang tiyak.'
Leni: Parang ineencapsulate niya din kasi kung ano yung role na pinaplay ng asawa ko, kahit wala na siya, hindi lang sa buhay ko, pero sa buhay namin lahat, kasi parang, parang siya yung moral compass namin.
Toni: Yes.
Leni: Oo.
Toni: Kasi 'di ba po, when you became VP, there were so many narratives, lies, criticisms that were thrown at you. It's so beautiful that you said, against all the lies and doubts, he's the only one that remains true.
Leni: Oo, totoo 'yon. I think despite the difficulties, talagang parang blessing from above, na stinestrengthen yung character mo, kasi siguro, halimbawa, siguro, sa Vice Presidency, kung naging madali sa 'kin lahat, siguro, yung ginagawa namin ngayon, hindi, iba yung ginagawa namin, ang gusto ko sabihin, halimbawa, yung admin, very, parang very supportive...
Toni: Yes.
Leni: Siguro, hindi kami ganito kagigil.
Toni: Kamotivated and driven.
Leni: Kamotivated, kasi alam namin na wala kami e. Alam mo 'yon, na we're able to come up with a program where we partner with a private sector.
Toni: Ang ganda rin po nung sinabi niyo na natutunan niyo mula sa asawa niyo, na sabi niya, 'Everything that happens in our life is a preparation for what is to come and where we are today,' so kung kayo naman po ang tatanungin ko, what do you think was the biggest moment that really prepared you for the highest position that you have right now?
Leni: Ako, tingin ko, the death of my husband pa din, kasi yung death niya talaga, made me realize a lot of things. Kung merong lesson na nabigay sa 'kin yung death niya, yung sa 'kin, kung ano talaga yung nakatakda, yun yung mangyayari e. Because nakatakda na siya, yung obligasyon natin, kung ano yung binibigay sa 'tin ngayon, we make the most out of it, para at the end of it all, parang I can always honestly say na I did my best in whatever was given to me.
Toni: Ano po yung pinakaayaw at pinakagusto niyong sinasabi sa inyo ng tao? Dun po tayo muna sa pinakaayaw niyong naririnig na sinasabi sa inyo ng mga tao.
Leni: Siguro, na wala akong ginagawa, kasi marami nagsasabi, 'Kontra lang nang kontra, wala namang ginagawa.' Pinakaayoko 'yon dahil feeling ko, natatawaran masyado yung ginagawa ng staff namin, na nakikita ko. Ang karamihan kasi sa staff ng Office of the Vice President, mga young people, young idealistic people, pero yung mga staff ko dito, mga, halimbawa, 'pag may disaster, mga hindi na umuuwi.
Toni: Dedicated talaga po.
Leni: Sobra, so 'pag sinasabihan na wala akong ginagawa, feeling ko, insulto sa kanila, so I really take it personally. Ako, para sa 'kin, yung mga sinasabi niyo na meron akong boyfriend na eighteen years younger than I am...
Toni: Tinatawanan niyo.
Leni: Hindi naman totoo. Bahala kayo diyan, pero pagdating sa trabaho, 'pag sinabi mong hindi ako nagtatrabaho nang maayos, dinadamay mo yung lahat nung staff, and I think sobrang unfair 'yon, kasi wala naman silang pakialam sa pulitika ko, alam mo 'yon, so sa 'kin, okay na yung personal, pero 'pag trabaho, mag-aaway tayo.
Toni: Yung pinakagusto niyo naman pong naririnig na sinasabi sa inyo ng mga tao?
Leni: Siguro, pagdating sa work, yung malinis, malinis na pamamalakad. Halimbawa, recently, we were awarded for the third straight year, yung highest audit rating ng COA. Ang laking bagay no'n for us. 'Pag sinabi na, 'Oy, okay yung OVP kasi malinis yung pamamahala,' ang ano ko, affirmation, affirmation siya, nang hindi affirmation ko, pero affirmation siya ng lahat na ginagawa namin dito.
Toni: Ano po yung pinakafulfilling na part bilang isang Bise Presidente ng ating bansa?
Leni: Na we are able to change lives. Now that we're doing a lot of COVID response initiatives, halimbawa, dito sa, halimbawa, meron nag-COVID-positive, pinadalhan namin ng COVID care kit. Meron kaming monitoring team, tinatawagan sila two times a day. 'Pag okay na sila, 'pag magaling na sila, paminsan, magpapadala dito ng pagkain, tapos sasabihin na, 'Maraming salamat po kasi nabuhay ako dahil sa tulong niyo.' Yung ngayon kasi, may dalawa kaming housing projects na ongoing. Eto yung mga natabunan ng lahar during the typhoon saka yung mga naglandslide. May natapos na kaming isang village sa Marawi, and eto, privately funded. 'Pag binisita mo, tapos very proud sila na meron na silang bahay, mga sasabihin nila, 'Ma'am, thank you talaga sa inyo kasi never namin naimagine na sa buhay namin, magkakaro'n kami ng sariling house and lot, na we can call our own,' so sobrang ano 'yon, sobrang...
Toni: Fulfilling.
Leni: Fulfilling. Parang it makes all the sacrifices worth it despite the ugliness. I still think it has been a great honor and privilege to have been given this chance na makatulong. Nagkaro'n ako ng, kahit kaunti, nagkaro'n ako ng platform to help so para sa 'kin, at the end of it all, no matter how, yun nga, yung ugly the political environment is, at the end of it all, mas marami pa din yung ipapasalamat.
Toni: What are you looking forward po?
Leni: Parang, ang iba, nahihirapan paniwalaan yung sinasabi ko na wala pa 'kong decision. Para sa 'kin, kung ano yung gusto ng Panginoon, mangyayari 'yon.
Toni: When you step down po as the Vice President of the Philippines, ano po yung babaunin niyo sa buong experience niyo?
Leni: Ako, yung sa 'kin kasi, Toni, hindi ko siya tinitingnan na parang personal accomplishment. Yung honor sa 'kin is not the position or the title, pero yung honor sa 'kin is the platform that was given to me, to make a difference in the lives of the communities and the people we help, so baon ko, ako, number one ko talagang baon, yung quality ng civil servants that I work with, kasi yun talaga, I think, is the greatest gift that was given to me that I...
Toni: Mm-hmm.
Leni: Tapos yung pangalawa siguro, that I was given the opportunity to meet a lot of people, and go to so many places, na, siguro, kung hindi ako VP, hindi ko 'yon narating, and along the way, I've met so many inspiring people, and yung lesson talaga, yung appreciation sa power ng Office, in the sense na klaro sa 'kin na yung Office, ang obligasyon niya, mauplift yung buhay nung mga communities na pinuntahan namin. Ang sabi ko nga, kahit siguro wala na 'ko sa pulitika, pero maghahanap pa din ako ng ibang avenues na maipagpatuloy yung tulong na ginagawa namin do'n, so gano'n, sobrang grabeng blessing.
Toni: Yes, a big blessing, sa dami po ng mga accusations at mga sinasabi nila sa inyo, pero kung kayo naman po ang tatanungin ko, if you were to finish this sentence, 'Vice President Leni Robredo is?'
Leni: Is a Filipina who dreams of uplifting every other Filipino, Filipino and Filipina. Yung sa 'kin, yun naman, wala na 'kong ibang hinangad e. Wala na 'kong ibang hinangad kundi, na yung opportunities na available for me, sana maging available din sa kanila.
No comments:
Post a Comment