June 14, 2022

ang kalituhan sa tagalog vs filipino



tinuturo sa paaralan na maraming wika ang pinagbasehan ng wikang filipino. pero sa kasaysayan ng ating pambansang wika, nag-umpisa at ang pinakabaseng grammar na ginagamit ng wikang filipino ay grammar ng tagalog; kaya hindi malayong maipaghambing at mapaglituhanan ang dalawang ito ng mga pilipino.

hindi maling sabihing tagalog lang din naman ang filipino dahil grammar lang din naman ng tagalog ang ginagamit na base ng filipino. sinasabi lang ng mga paaralan na maraming pinagbasehang wika ang filipino kasi may kakayahan ang kahit na anong wika na humiram at umangkin ng kahit na anong salita mula sa iba't ibang wika.

tagalog lang ang pinakabasehang grammar ng filipino. sinasabi ng mga paaralan na nakabase sa iba’t ibang wika ang filipino kasi may kalayaan ang kahit na anong wika na manghiram at umangkin ng mga salita sa iba’t ibang wika. ang nangyayari sa filipino, nag-aambag ng iba’t ibang salita ang iba-ibang wika ng pilipinas tulad ng ilokano, cebuano, etc.

ayon sa mga naunang konstitusyon ng pilipinas, ang pinakaunang pinagbasehan ng una nating pambansang wika (pilipino) ay tagalog, at tagalog lang.

mula rito, sinubukang iincorporate (sa mga susunod na taon pa) ang mga salita ng iba’t ibang malalaking wika ng pilipinas, saka ito tinawag na filipino.

so historically, tagalog ang pundasyong grammar ng filipino. sinasabi lang na, “base ito sa iba-ibang wika,” kasi “nag-aambag” lang ang ibang mga wika ng pilipinas sa filipino. but in reality, tagalog ang grammar ng filipino. sa tagalog nag-umpisa ang filipino.

ikaw mismo, bilang isang mag-aaral na pilipino sa pilipinas, saksi ka at naging bahagi mismo ng edukasyon natin.

sa tingin mo ba, sa subjects natin na filipino, itinuro pa ang grammar ng iba pang mga wika sa pilipinas maliban sa tagalog? hindi ba't grammar lang din naman ng tagalog ang itinuro sa ating mga pisara? kahit pa ang isang mag-aaral at isang guro ay kapuwang hindi tagalog ang mother tongue?

nililinaw ko lang na gets ko yung sinasabi ng comics na itinuturo sa mga paaralan ngayon ay, "nakabase sa iba't ibang wika ng pilipinas ang filipino." gets ko 'yon kasi alam ko yung konsepto ng pag-aambag at pag-aangkin ng isang wika.

e.g.

kumain ako ng kanin.
kumain ako ng rice.

sa pangalawang pangungusap, filipino pa rin siya (hindi taglish) kasi humiram lang ako ng isang salita sa english pero grammar pa rin ng filipino yung ginamit ko.

at puwede tayong manghiram ng kahit ilan pang mga salita sa kahit ilan pang mga wika.

pero iisa at iisa lang ang grammar structure na tinuturo sa mga paaralan natin.

ngayon kung babalikan ko yung sinabi ko kanina na historically, tagalog ang pundasyon ng unang pagsasatupad ng wikang pambansa sa pilipinas, madaling sabihing tagalog lang din naman ang filipino, kasi tagalog ang pundasyong grammar ng filipino.

nangyayari lang ang pag-aambag ng iba't ibang wika ng pilipinas sa filipino through panghihiram ng mga salita at pag-aangkin, pero never naapektuhan o binago ang grammar.

hindi naman nagturo pa ng grammar ng ilokano o grammar ng cebuano sa language subject na filipino 'di ba?

punto ko lang talaga: sana maunawaan ng mga tao na normal lang na malito ang mga pilipino kung magkaiba nga bang talaga ang tagalog vs filipino.

technically and grammatically speaking, tagalog ang grammar structure ng filipino, at nanghihiram at umaangkin lamang ito ng iba't ibang salita sa iba't ibang wika ng pilipinas nung tinawag nila itong filipino.

so technically, nanghihiram at umaangkin lang ang tagalog ng mga salita mula sa iba't ibang wika sa pilipinas.

in reality, kahit na anong wika naman, kayang manghiram at umangkin ng maraming salita mula sa iba't ibang wika.

No comments: