20 April 2026

fragment 8

matapos ang dalawang tapik ay nagpaalam ka na sa kaniya. binalikan mo ang nakasulat sa maliit na papel na iyong dala-dala. hindi mo pa rin maunawaan ang mga simbolo ngunit unti-unti na silang nauukit sa iyong memorya. pilit mo mang bigyan ng kahulugan ang mga iniwang marka ay talagang hindi mo ito mapatagos ng isipan.

pero darag mang hindi umabot sa pagkaapi ng sarili, may bagong direksyon ka nang tatahakin sa mga susunod mo nang hakbang. iniligid mo nang malawak ang iyong paningin nang hindi naman sagad sa agaran, sapagkat malay ka na ring mukhang hindi ka naman pala nagmamadali. marami kang nilampasang mga ilaw kanina, marami ka ring hindi pa naaabutan.

hindi ka rin sigurado kung makakabalik ka pa ba sa iyong pinanggalingan o kung dapat pa ba. paano kung nalampasan mo na pala ang iyo? paano kung tamarin ka na sa paghahanap? paano kung liparin din o mawala ang iyong maliit na papel? paano kung ang unang ilaw na malapit sa iyo ang sa iyo pala? paano kung hindi ka na makabalik pang muli?