December 14, 2014

Bag Merc

Masikip, parang brip
Na may bagong, hangong bacon
'Di ko alam yung trip
Ng nanay kong bumili na naman
Ng shampoo, sabon, colgate
I hate it kung wala na akong malasahan
Sa luto ng nanay kong mahilig tumambay sa lababo
Nakikitambay rin naman ako

November 30, 2014

'Yoko Na, Minsan

Sinubukan kong magsulat dati, pero naubusan agad ng tinta. Tinamad na rin kasi akong gumamit ng lapis. Medyo malabo na kasing basahin, para sa akin. Tsaka yung pambatang mentality ko noon, pangmatanda na yung ballpen. Edi sobrang astig para sa akin, dati, kapag gumagamit ka ng ballpen. Para bang nakadikit na sa sarili mo kung anumang gamitin mo. Ayun nga, kunwari, dati, nung bata ako, gusto ko yung bag ko, yung backpack na, iyon bang nakastrap na sa mga balikat  mo. Parang ang bata ng tingin sa’yo kasi kapag yung tipong hinihila pa yung bag mo. Yuck, hinihila pa. Sobrang kadiri. Parang ang sobrang grabeng kadiri mo kapag bata ka pa, parang hindi ka na tumanda, sobrang atrasado. Hindi mo alam kung tatanda ka pa ba. Parang gustong mong iwanan lahat  ng mga bagay na mayroon ka noon, para lang tumanda, para lang makisabay sa mundo.

Pero itong mundong ‘to, masalimuot daw. Daw. Daw, kasi, tingin ko pa rin sa sarili ko bilang mag-aaral pa lang, e wala pa rin talagang alam. Ni hindi pa ako nakararanas ng totoong trabaho. Sinabi kong totoo? Hindi ko rin maisip kung bakit sinabi kong totoo. Para ba ‘tong pang-aasar sa mga taong nagsasabing totoo sila. Ibig sabihin, mayroong hindi totoo?

Hindi na talaga totoong gusto kong tumanda. Parang noong bata pa lamang ako, gusto ko na talaga tumanda, yung tipong mahirapan naman ako. Iba rin kasi siguro yung mentality ng batang first honors na lang parati, maraming inaasahan mula sa iyo, pero pakiramdam mo talaga sa sarili mo, kaya mo na lahat. Yung karanasang makipagsagutan sa mga guro mo para lang maipawalang-bisa yung mga sinasabi nila, nagawa ko na. Yung nakashorts pa lang yung suot mo tapos kaya mo nang mambara ng mga kagaguhang ipinapakita ng mga guro mo sa blackboard, nagawa ko na rin. Nakapambastos na rin ako ng guro, yung makapagpahiya kumbaga, kahit shorts nga lang yung suot ko. Kaya siguro, yung tingin ko noon sa mga guro ko, kayang-kaya ko silang lahat. Hindi lang alam ni Past Mart na marami pa talaga siyang kakaining bigas.

Ayoko nang tumanda ngayon. Ayoko na ring tumaba dahil sa kanin. Noon, nung klase ko sa PI 100 (yung klase tungkol sa paglilingkod sa bayan kahit nakariwasa ka sa ideolohiyang makakanluranin, tapos kunwari nakapag-aral ka at nakapanggamot ng mata ng ina mo. Tapos, susubok kang gumawa ng 2-part sequel ng kagaguhan ng mga prayle sa Pilipinas gamit lamang ang pansit na kinakain bilang hepunan tapos pagpapasabog ng walang kuwentang gaserang binakla lang ng tropa mo.), sabi sa amin ng prof ko, okay lang namang kumain ng kanin kasi nga, kung staple food lang din ng mga Pilipino ang kanin, edi okay lang ding kumain nang kumain ng kanin dahil sa alam na ng katawang ng mga Pilipino ang ang pagmetabolisa sa walang hiyang nagpapataba sa atin. Sa madaling sabi, sanay yung mga ninuno natin sa paglamutak ng kanin so ang pagtaba ng mga Pilipino sa wastong dami ng kanin e hindi talaga totoo. Saan na nga ba natutunan ng mga hindot na ‘to na nakatataba ang kanin?

Saan pa ba? Edi sa putang inang internet na ‘yan. Yung lente ng Kanluran bilang pagpopost sa internet at kailangang sundin ay nararapat lamang kuwestiyunin ng prof kong mataba sa PI 100 dahil, biologically at historically daw, hindi naman tayo tataba. Kung hindi lang din namang staple-food-rice ang kakain ng isinaing ni mama, edi tataba sila! Bakit ba hapit na hapit tayong makisabay sa ibang tao? Makikibagay sa mga taong hindi naman talaga nararapat na makabagayan. Edi papasok na rin yung usapin tungkol sa kultura na nagsasabing iba-iba naman talaga yung mga tao. Maaaring sabihing kultura ng isang lahi, kultura ng isang rehiyon, kultura ng isang komunidad, kultura ng isang angkan, at kung gagong genius ka rin lang edi why not kultura ng isang tao. Nararapat lamang ba na ang kulutura ay naipasa na lamang? Papaano yug taong unang gumawa ng isang bagay tapos ipinasa niya nang ipinasa bilang isang kultura, wala na siyang kultura? Porket ba walang gumaya sa iyo, hindi na iyon kultura? So kapag may gumaya sa iyo, tapos dumami kayo, edi may kultura na kayo? Hindi ba pupuwedeng mag-imbento ng sariling kultura, na kahit na umaasa kang may makikinig at gagaya sa iyo (kahit wala) e nagsimula ka pa rin ng bago? Ito na ba yung tinatawag nilang weird (na putang ina talagang salita ‘yan), na wala kang kapareho so putang ina ka?

Gusto ko talagang magsalita. Wala akong lakas kaya pinili ko na lamang magsulat. Wala naman akong pakialam kung may magbabasa nito kasi malayo naman ako pero nagkakaroon na  lang ako bigla ng paki kapag nalaman kong may nagsimula nang magbasa sa mga kabarberuhan ko. Hindi ko rin maitangging ipokrito ako paminsan-minsan, madalas. Masaya ring paglaruan ang wika dahil pinopokpok ko na lang din araw-araw ang mga salitang ginagamit ko. Pero ni hindi ko piniling huwag pansinin ang kritisismong natatanggap ko sa tuwing may nagbabasang matalino na lang bigla sa mga ginagawa ko. Para bang palusot na lang na bobo si Mart para lang wala nang pumansing makipagtagisang-talino sa akin. Siguro kasi, tinatamad na lang ako biglang magpaliwanag kung sakali mang mayroon silang mga hungkag na rebuttal sa lahat ng sinabi ko.

Ayoko nang tumanda ulit. Takot ako sa mundo. Pupuwede bang  tingnan na lang nila si Mart na bata para umokey na lang sila at isiping tanga na lang ako na wala naman talagang pakialam sa mga sinasabi ko? Pero imposible na siguro. Matagal na kasi akong may hawak na ballpen at hindi na rin ako humihila ng bag.

November 23, 2014

Kulambo

Sinasayawan ng usok ang aking mga daliri
Hindi ko alam kung bakit gusto kong mandiri
Minsan nang ika'y naging aking kasintahan
O pupuwede bang tayo'y tuluyang magtanan




collab with ----

Toma Na, Please

Badtrip talaga 'tong luhang 'to
Ako'y namumutla, animo'y bedsheet sa Sogo
Ano na namang kutya ang naamoy ng gago
Kalimutan na lahatnang 'to at uminom na lang tayo




collab with ----

Alas Singko

Binasag ng sinag ng araw ang salamin
Ayaw pa ng mga matang galing idlip
Maiintindihan ba nila'y wala ka 'pag minulat?
O kakausap na lang ng papel, pasulat




collab with ----

November 14, 2014

Para

Hindi naman ako nakalilimot. Pero, mabilis, minsan. Nakakatamad din palang minsang magsulat. Minsan, akala mo talaga, yun na talaga yung passion mo. Tapos bigla mong marerealize na wala kang talento talaga doon. Edi wag na lang. Pero madalas, tinatamad ka lang talagang magpractice. Halos lahat naman talaga siguro ng magagaling, araw-araw na silang nagpapraktis. Kaya siguro may mga taong masyadong pinabababa yung mga sarili. Mga gagong ayaw tanggaping tamad lang talaga sila, hindi genius, at kailangang magbigay ng napakamasalimuot na pasensya. Madaling mainggit, madaling manisi, wala namang ibubuga.

Buga nang buga ng dugo yung ulong nakita ko. Hindi ko talaga alam kung ulo ngang tunay iyon pero para kasing may mata, tsaka buhok, na parang nakatitig sa akin. Para ring sumisigaw siya, pero wala naman akong naririnig. Masakit sa tiyan, parang nasusuka na ako, pero hindi pa rin ako makaalis kung nasaan ako. Pilit ko mang igalaw yung sarili ko, hindi ko na mabuhat-buhat yung katawan ko. Sinubukan kong sumilip sa ibang bahagi ng silid, putang ina - hindi ko rin maigalaw yung mga mata ko. Paano ba 'to? Nagpapanic na naman ako. Paano na? Shit! SHITSHITSHITSHITSHIT. Mahirap. Nahihirapan ako. Nahihirapan na talaga ako. Hindi ko naman talaga alam kung bakit takot na takot ako o ayaw ko lang din mapasigaw habang pinupugutan. May nakapulupot ba sa akin? Nakatali? Nakapatong? Bakit kung anong isipin ko, iyon ang kusang nangyayari? Teka? Teka-teka. Nananaginip na naman ba ako?

Sinubukan ko nang gumising. Kaya ba hindi ko maigalaw yung buong katawan ko? Nagkaroon na akong bigla ng kaunting kamalayan. Naramdaman ko nang malambot ang hinihigaan ko. Pinagpapawisan akong nagpaikut-ikot ng iniisip, hanggang sa dumilim bigla. Madilim. Ah fuck, siyempre nakapikit ako. Dumilat na ako. Ang init. Balot na balot nga pala ako ng kumot. Gusto kong uminom ng tubig, pero ang layo ng ref. Malapit lang, actually, nasa harap ko lang, pero ang layo talaga. Natatakot akong tumayo. Mabuti na lang may mga nakabukas na ilaw. At least alam ko kung mayroon, kahit na ayaw kong makakita, ever. Napakatanga minsan ng utak ko e. Parang... gusto kong nakabukas yung ilaw, para alam ko kung mayroon, pero ayaw ko ngang makakita. 'Di ba? Inulit ko na nga lang yung sinabi ko e. Bibigyan ko na lang ulit ng isa pang example. Parang, kunwari, nakaharap ka sa salamin. Tapos makakaisip ka ng nakakatakot na napanood mo na may kinalaman sa salamin. O 'di ba parang, hindi ka na titingin sa salamin pero sisilip ka pa rin kasi tinitingnan mo kung totoo nga ba talaga o kung ano talagang hitsura, pero ayaw mo ngang makakita? Tanga mo rin e no?

Bumangon na ako, ilang buwan ang nakalipas. Mayroong ibang tatlong taong tulog, isa ka na roon. Bumangon na talaga ako, kahit hindi ko kaya, kahit na pagod na pagod na yung puso ko kakaisip. Pumasok na ako sa kuwarto niyo at tinapik ka. Gusto sana kitang gisingin pero nagising din yung isa. Bumangon din. Anak ng puta. Buti mabilis akong mag-isip ng palusot. Hiningi ko si Jumbo. Ang tagal mo akong narinig. Ang tagal mo ring nakagets. Kung sa bagay, bagong gising ka lang. Ano bang pagkakaintindi ng mga bagong gising sa mundo? Minsan, tinatadyakan sila. Minsan, parang wala lang. Minsan, parang panaginip pa rin. Panaginip na lang yung inasam ko, Pero okay lang. Tabi naman kami ni Jumbo e. Kumot.

October 16, 2014

Cannon Ass

I was Dave, that night
And I was, talking to Dave, too
Yo, Dave, have you tried one of these strip
Clubs
Cus in one right noe
*now
Seems anti-climactic
Or antataba lang nila
Haha. Ugh
And of course, drunk text
And talking to myself
Again
But it's okay
I still can
Notice my punc
tuations
And I can't keep on noticing
Yung kaplastikan ng mga babaeng
Itenetable ng mga kasama ko
Meh
But they're good with impromptu convo
I can say
But meh
Parang formulaic
Or not parang
Uh
But there are some
Who still have awkward painted on their faces
More anti-climax for me
Yung iba, naluluha sa grope on their boobs
Just checked on some
Sarap magpaka-Marxist dito
Femi-marxist kaunti
Some hesitations observed
Both from client and
Stripper
Kaleidoscopic lights
Strippers not liking it is too obvious
Meh
Too conscious on their fays
*fata
*fats
But that was just me, Dave, and hypothetical Barney

October 2, 2014

Saka Ka Na Pakamatay

Oo nga. Ito na nga. Hindi ko naman talaga sinasadya. Hindi talaga. Pramis. Peksman. Oh, man. Bakit ko ba ginawa iyon? Bakit ko nga ba sinabi 'yon? Bakit ang hilig ko sa gano'n? Bakit ang hilig ko mangganon? Parati na lang bang mabilis kasing nangyari ang lahat? O mabagal lang talaga yung mundo ko no'n? Parati na lang bang kung natural e pagbibigyan na lang? Ano nga ba ang natural? Totoo ba talaga 'yon? Totoo ba talaga yung normal? May normal ba talaga? Nakakabit ba 'yon sa kultural, sa sosyal?

Akala ko dati, sosyal ka. Sobrang dali naman kasing bumuo ng first impression kahit hindi mo pa nakakausap yung tao. Parang sobrang dali na lang parating magkamali. Tapos minsan, masarap pa, saksakan ng sarap sa pakiramdam, masaya pa pati.

So kung gano'n, bakit ko pa rin kinukuwestiyon ang ginawa ko, yung ilang sinabi ko sa'yo, at mangilan-ngilan pang gusto kong sabihin, ikuwento, at mapansin sa'yo. Hindi naman ako madalas magbiro, pero ang hilig mo pa ring tumawa. Galit na galit na sa'yo si Universe pero nililigawan mo pa rin siya. Hihiga ka na lamang muli't makikipagsapalaran kasama ang mumunti mong pulang kasalanan.

Bukas. Dukot. Sara. Hanap. Tang ina. Lighter. Wait -- sira nga pala yung lighter mo 'no? -- literal at hindi. Poetry pa. Akala mo naman, hindi ako nakauunawa. Para kasing, ano ba, ang hirap tuloy ipaliwanag. Pero okay pa rin naman makinig sa'yo. Uupo ka na lang bigla. Titingin. Ngingiti. Magkukuwento. Gusto ko rin minsan yung gano'n, kasi... kasi nga, wala masyadong nakikinig sa akin. Wala akong masyadong kausap. Kung meron man, boring pa rin ako at wirdo. Wirdong-wirdo ako. Tapos, bobo pang madalas. Tsamba na lang kung mapatawang muli kita.

At! Nakatsamba ka rin sa wakas sa lighter mong tang ina. Higop. Buga. Usok. Nikotina. Isip. ... Ang dami masyadong silences. Enjoy rin namang nakaupo nang nag-iisip. Pero okay ring mag-isip nang walang iniisip. Okay rin yung wala talagang iniisip. Nakatulala lang sa dalawang mata muli ni Universe. Mag-iisip, tapos, tatahimik. Tahimik. Ano pa nga bang masasabi ko sa'yo?

September 17, 2014

Part Two

Pero hindi ito sequel.

Cliché pero naniniwala rin naman akong may iba't ibang bahagi ng kuwento, na mayroong iba't ibang bersyon ng naratibo, base sa pangangailangan at wastong pang-unawa. Sinabi ko pang cliché kasi feeling ko, kapag lumilikha e nararapat lamang na bago. Maaaring sawa na ang maraming tao sa paulit-ulit na mga paksa pero puwede namang wala talaga silang alam.

Mahirap din naman, totoo, na alamin lahat ng bagay. Pero madali naman sigurong magtanong sa iba, magtanong sa sarili, o kaya'y magmasid nang hindi padalus-dalos ang katangahan.

Nakasakay ka na ba ng jeep? O ng kahit na anong pampasaherong sasakyan? Siguro, naranasan mo na ring mausukan sa kalye, magyosi sa tabi, at bumili ng inilalakong mani pati na rin ang bumili ng inilalakong mani. Nabadtrip ka na rin minsan sa lakas ng ulan, ng hangin, sa maninilip, sa mandurukot, sa manununggol, sa manggagantso. Minsan mo na ring pinagtripang isipin kung paano kayang sumilip, dumukot, manunggol, o manggantso. At minsan mo na ring pinagtripan ang sariling tadhana at suwerte sa pagsakay mo nang late.

Pero siyempre, hindi ka badtrip sa sarili mo. Puwede ba namang mangyari yun?! E sobrang fabulous mo kaya! Marami ka masyadong sinisi. Minsan, hindi na makatao. Pati alarm clock mo, may bukol na. Yung mga nagyaya sa'yong uminom kagabi, mas responsable pa sa'yo. Yung nireview mo kagabi, dalawang linggo ka pang niligawan bago mo sagutin. Pero siyempre -

- wala pa ring sisihan ng sarili. Ang fabulous mo kaya! Halina't pagtulungan nating barahin si Manong Drayber na tumabi sa sakayan para may pandagdag sana na kitang pangkain, pang-ospital, panggatas ni Baby, at pangmatrikula ng classmate mo.

Bitter ka lang talaga sa mga graduating student. At lalo mo pa itong ikinafabulous.

July 30, 2014

Okay Lang Namang Manood, Minsan

Nawiwirduhan, or naiilang yung isa kong kaibigan kapag pinapanood siyang maglaro ng kanyang magulang. Inisip ko naman yung sarili kong karanasan ukol sa isinalaysay na kairitahan, at napagtanto kong okay lang naman sa akin kung sa akin nangyayari iyon.

Sabi ko sa kanya e okay lang naman sa'king nanonood yung magulang ko sa akin habang naglalaro. Unang-una, at least napapanood na nila ako sa kahit isang bagay lang na mahusay ako, kahit na hindi naman nila naiintindihan yung mga pinaggagagawa ko sa screen na pinapanood nila. Sumunod, ang sarap kaya ng feeling na nasa itaas naman yung lupa at natatapakan-talunan na ang mga ulap. Yung tipong magtatanong sila, "Ano 'yan?", "Sino ka diyan?", o "O, bakit mo pinatay yun?" Yung tipong mga tanong na tinatanong ko sa kanila noong musmos pa lamang ako tulad ng sino, ano, bakit, e sila naman ngayon ang nagtatanong sa akin. Nakakatuwa kung iisipin, hindi ba?

Ikaw, kailan ba nagtanong-inosente sa'yo ang magulang mo?

June 14, 2014

Paano Ba Gumamit ng Gitling (Hyphen / Dash) sa Wika Natin?

Ganito gumamit ng gitling/hyphen/dash sa pagsusulat sa Filipino. Ang paggamit ng gitling/hyphen/dash sa Filipino ay madali lang naman.

At badtrip na ako e. Edi gagawan ko na naman (ulit) ng (sana naman) kumprehensibong mga instruction kung gaano nga naman ba kadali gumamit ng hyphen kapag nagsusulat (nagtatype) sa wikang Filipino. As in binibigyan ko na lahat ng mga tanga ng pagkakataong makatipid ng oras (sa pagpindot/sulat ng hyphen). Akong bahala sa inyo, kasi ako naman talaga ang nagpauso.

Libreng magcomment ang lahat kasi alam niyo namang hindi ako katiwa-tiwala sa mga sinasabi ko. Okay lang yun. Ang gusto ko lang e kapag sinagot ko kayo, asahan ninyong inaassume kong mas tanga ako sa inyo, kahit na kadalasa'y baligtad ang nangyayari. Pero baka rin naman kasi marami akong nakalimutan. Tulungan tayo rito.

Vowels & Consonants

Part 1. Pretty basic. Vowels at consonants. Vowels = mga patinig = A, E, I, O, at U. Consonants = mga katinig = B, C, D, F, G, H, J, K, L, M, N, Ñ, NG, P, Q, R, S, T, V, W, X, at Z. Alam na natin 'to, mga tsong. Hindi naman mahirap intindihin 'yan. Alam na natin kung bakit sila pinaghiwalay, sa paraan ng pagbigkas sa kanila. Yung tipong nakabuka lang bibig mo 'pag patinig, tapos kaunting variations lang ng dila. Kapag katinig e kasama na yung bibig, ngipin, ngala-ngala, kaluluwa, puta.

Pero sa bahaging ito, yung mga semi-vowel/consonant na W at Y, ituturing nating mga katinig. Bakit? Hindi ko rin alam e. Siguro kasi, kasama yung ngala-ngala at labi kahit na madali pa rin silang bigkasin at sundan ng tunog [ r ] o kung anumang katulad nito. Wala na rin naman tayong pakialam dun. Basta ang alamin mo, pagkakaiba ng vowel at ng katinig.

Malaki ang pakinabang sa pag-alala kung paano ba nating binibigkas ang maraming salita sa wika natin para sa talakayang ito.

Lapi (Affix)

Panlapi + Salitang Ugat. Alam mo na 'to! Halimbawa, pambayad sa naglaba - PANG (lapi) + BAYAD (salitang-ugat); NAG (lapi) + LABA (salitang-ugat).

Alam mo na rin 'to. Nung grade school, tinuro na rin yung tatlong basic, 'di ba? Unlapi - mag, nag, (minsan) um, basta yung nasa unahan? Mag + luto = magluto. Um + alis = umalis. Simple lang 'di ba? Gitlapi, nasa gitna. Um, in, 'yang mga 'yan. Alam mo na yun! Kain + um = kumain. Tanga + in = Tanga as in, tinanga. Tapos yung huling basic, hulapi, nasa dulo, dulong kanan, I mean. Han, an, at iba pa. Wala na akong maisip e! Pero alam mo na yun kapag narinig mo na! Agaw + an = The Legal Wife.

Ikinakabit ang mga lapi sa mga payak (main form) na salita at mga maylapi (affixed na rin). Alam mo na rin yun! 'Di ko na dapat ipaliwanag pero ewan ko na rin. Sintanga mo na rin kasi ako. Ganito yun 'di ba - Kain (payak) + um (lapi)  = kumain (busog ka na  maylapi). Simpleng-simple. Payak na payak.

Edi sa ngayon, narefresh na sa kukote mong itinuro nga pala yung ganitong mga bagay. Para saan nga ba ito? Para lang sa akin 'to. Para hindi na ako naaasar pati yung inner nazi sa akin. Para na rin nga (tulad ng sinabi ko kanina) makatipid ka sa oras ng pagtype/sulat ng -.

Syllable (Pantig)

Weh, Mart, 'kala ko ba consistency ang habol mo kaya mo itinuturo sa akin 'tong mga kalupitang 'to. Minsan kasi, guy/s, ginagamit ko yung mga salitang mas narinig/naencounter niyo na. Minsan lang naman. O e ano bang mas narinig mo sa kanilang dalawa? Hula ko lang naman 'yan 'syllable', tsaka 'wag mo nang pakialaman 'yan!

Alam mo na rin 'to 'di ba? Yung bilang ng hati sa pagbigkas ng isang salita, na kadalasa'y mayroong core na vowel (sound). Halimbawa, HINAYUPAK. Alam nating mayroong apat na vowel sound = [ i ], [ a ], [ u ], at [ a ] (ulit). Kung ilan ang nabilang nating tunog na vowel, yun din siguro sa malamang ang bilang ng syllable - hi (1) + na (2) + yu (3) + pak (4). Apat. Four. Isa pang halimbawa, RHYTHM. Mayroong [ i ], at [ u ]. (Pasintabi sa scholars talaga ng language at phonetics. Yung limang patinig lang na tinuro noong kinder ang gagamitin ko para mas mabilis at mas madali. Alam kong maraming vowels kasi aware ako sa international phonetic alphabet. Sana malaman niyo na hindi scholars yung mga tinitira tinuturuan ko sa ngayon. Salamat.) So bale, rhy (1) + thym (2). Dalawa ang syllable ng rhythm.

Gets mo na 'yan!
 
Game na, ready ka naman na e

Ngayon, gusto ko sanang magsimula sa pagpansin ng dalawang titik na pagtatabihin ninyong mga mokong kayo kapag gagamit na kayo ng lapi. Huwag mo ring isasantabi ang natutunan mo sa syllable ng mga salita. Okay game. Halimbawa, pagtatabihin mo ang salitang luto at panlaping mag-. Anong gagawin mo? Maglalagay ka ba ng hyphen?

Consonant (1) then Consonant (2). Example: mag + luto. Ang huling titik ng mag ay G at ang unang titik ng luto ay L. Kapag ganito, hindi na natin mo kailangang gumamit ng hyphen. Hindi na kailangan kasi pareho naman silang katinig at mas madaling bigkasin kapag ganoon. Tsaka wala na ring tunog na impit kapag consonant pero wala ka na rin namang pakialam sa detalyeng iyon! Magluto!

Consonant (1) then Vowel (2). Example: pag + asa. Ang huling titik ng pag ay G at ang unang titik ng asa ay A. Kapag ganito, kailangan mo nang lagyan ng hyphen. Again, pansinin kung paano bumigkas ng salita kapag vowel na ang kakabitan. Hindi ba't parang may pause/impit sa lalamunan? Pag-asa. Pagluto. Parang may naiipit sa lalamunan, right? Pag-asa. Pagluto. Gano'n ang kadalasang nangyayari sa maraming vowel na nauuna sa mga salita. Aso. Ewan. Itlog. Oppa Gangnam Style. Pag-asa!

And then you ask, paano naman, Mart, kapag um na yung ginamit na panlapi? E tanga ka pala e (joke lang! labyu!), kaya ko nga pinaalala at inunderline na mayroon tayong konsepto ng syllable. Ang syllable halimbawa ng salitang umalis ay tatlo (u + ma + lis). Pansining ang U ng UM ay hiwalayng pantig at magkasama sa isang pantig ang MA (M ng Um, at A ng Alis). Hindi na kailangan pang paghiwalayin gamit ang hyphen kasi nga, ganoon ang pagkakabigkas natin - U-MA-LIS, at hindi UM-A-LIS. Gets mo, girl?  Umalis!

Same with in + angkin. Hindi siya IN-ANG-KIN. Ang pagbigkas ay I-NANG-KIN so, hindi na kailangan ng hyphen.

Then you may ask this too, paano kung infix (gitlapi aka panlapi sa gitna)? Hindi na kailangan. Madulas na ang pagbigkas. Kinain. Kumain. Again, think about the pronunciation. Hindi siya KUM + A + IN, nor KIN + A + IN. It is ku + ma + in. Note na hinati sa magkaibang pantig ang ginamit na gitlapi (um). So no need for hyphen right there.

Vowel (1) then Consonant (2). Example: ma + lagkit. Ang huling titik ng ma ay A at ang unang titik ng lagkit ay L. Laging tatandaang kapag sa vowel nagtatapos ang kakabitan, HINDI NA TALAGA DAPAT AS IN HUWAG NA TALAGANG LAGYAN NG HYPHEN OMGWTFBBQ. Hindi na. Madulas ang mga susunod na bibigkasin sa lahat ng nagtatapos na vowel sound. Madaling sundan. Walang gaanong pause. Wala nang gitling. Malagkit!

Vowel (1) then Vowel (2). Example: na + inggit. Ang huling titik ng na ay A at ang unang titik ng inggit ay I, delas alas. Again, basahin ang nakacapslock sa paragraph bago 'tong talatang ito. Oo't mayroong impit na tunog pero hindi na kailangan dahil sa pareho namang vowel ang tunog na binibigkas. Nainggit!

Pag-uulit ng ilang bahagi ng unang pantig ng salitang-ugat. Example: nag + ti + tinda. Hindi na rin kailangan. Inulit mo lang naman yung ti ng tin mula sa tinda. Hindi malaki ang pause sa pagbigkas.

Foreign words na inangkin. Example: nag + facebook; paki + facebook. There was this idiot (ako 'to, I swear, that's why I'm cleaning this mess) na nagpasimulang gumamit ng hyphen kapag magkakabit ng foreign word. Hindi niya rin alam kung bakit. Walang nagturo sa kanya nito, siya lang ang nag-isip ng paraan kung paano niyang maihihiwalay ang mga salita kapag binibigkas sa isipan habang kanyang binabasa. Gusto niya lang talagang iemphasize (i-emphasize) na nag-iiba na ang pagbibigkas ng isang salita kapag inadapt na sa wikang Filipino ang salitang Ingles na 'emphasize'. Hindi siya tunog /iyemfasayz/ kundi /i-em-fa-size/ kapag tinype kong i-emphasize. Akala niya kasi, kapag iemphasize, /iyemfasayz/.

Inuulit na mga salita. Kapag ganito, isipin natin kung mayroon bang talagang salitang payak na nag-eexist kung hindi naman talaga inulit yung salita. Halimbawa, Tatanga-tanga. Gumamit ako ng hyphen kasi may salitang 'tanga' naman talaga. Same concept applies with paruparo (?). Ewan ko, isip kayo.

Tambalang mga salita. Ningas-kugon. Kapitbahay. Hanapbuhay. Wala ring malinaw na konsepto ukol dito pero ang hula ko e kapag isang salita na talaga, wala nang hyphen, pero kung parang figurative (?) at hindi ganoon kadalas gamitin e gagamitan ng gitling (?). Ewan ko, what are your thoughts about this?

Sa huli, wala na rin akong pakialam. Ayoko lang kasing kumakalat hanggang sa pinakamalalaking billboard sa Edsa ang paggamit ng hyphen kahit hindi naman talaga kailangan. Naiinis ang dugo ko (legit). Pinaaalala ko lang na mayroong "tama" dati. Pero dahil modern/post-modern na ang uptake sa grammar/language, tinatanggap na ang lahat ng uri ng grammar na "tama" at wala nang "mali" na grammar. Muli, sinasabi ko lamang na may mga rule na isinasantabi ng mga kupal na taong hindi marunong at napapalitan na ng mga MALI NAMAN TALAGA ang mga TAMA, at nagiging "tama" na ang mga "mali" na ito. Tama na, please.

-------------------------------------------------------

TL;DR 

1. Learn about vowels and consonants.
2. Learn about affixes.
3. Learn about syllables.
4. Pronunciation is important.
5. Ang hyphen sa pagtatabi ng iba't ibang titik/letter:
6. Consonant + Consonant = magluto (NO)
7. Consonant + Vowel (remembering syllable knowledge) =  umalis (NO)
7.1 Hindi siya um + a + lis (pronunciation) kundi u + ma + lis, kahit na um (lapi) + alis (salitang ugat).
7.2 Gitlapi (sample: kumain) NO (it is ku + ma + in, not kum + a + in)
8. Consonant + Vowel = pag-asa (YES)
9. Vowel + Consonant = malagkit (NO)
10. Vowel + Vowel = nainggit (NO)
11. Foreign words = OPEN FOR DEBATE
12. Inuulit na mga salita = kapag hindi ba inulit, salita pa rin ang natira? If YES, then YES.
12.1 Pag-uulit ng pantig (o bahagi lang) (NO) Hindi na kailangan dahil madulas pa rin ang pagbigkas = nagtitinda. Mali ang nagti-tinda, okay?
13. Tambalan = not sure, check what I've discussed above, under "Tambalan..."
14. Read the last paragraph. I'm too lazy to reconstruct.

June 12, 2014

Isa sa mga Paboritong Salita

Iba dapat title nito e. Dapat e, "Ang Paboritong Salita ng Matatalinong Tao." E kaso, inisip ko rin palang hindi pala ako matalino. "...ng mga Kritiko." E kaso, self-proclaimed lang naman ako. Minsan din, yung kabanuan ko, sineself-proclaim ko na rin. Minsan din, gusto ko rin naman yung mga ginagawa ko. Pero kahit ni minsan, hindi ko sila ipinagmamayabang. Ang tanong mo e, bakit ko nga ba sila iniaakyat sa internet? Para makita ng maraming tao? Oo. Siyempre, oo. Para kung may makakita, may magsasabi kung mali o kung tama. Naghahanap siguro ako ng napakaraming opinyon ukol sa mga kabalastugang pinagsasasabi ko. Para ano naman? Para siguro makahanp ng kausap? Ng rejection? Ng approval? Hindi ko na naman alam. Ang alam ko lang, matagal ko talagang pinag-isipan yung title nito. 

"...mga paborito kong salita." Okay rin naman. Mas maganda nga siguro iyon. E kaso, wala ka naman talagang pakialam sa akin. "...mga salitang dapat isipin at gamitin." Napakabaho naman ng mahahabang pamagat. Hindi ako makuntento. Para bang ang hirap kong makuntento sa mga bagay tapos napaglalaanan ko pa ng mahahabang panahon at pasensya yung pag-iisip para sa kanila, hanggang sa hindi pa rin ako makuntento sa kung ano na talaga yung huling napagdesisyunan ko. Parang ang dami kasing possibilities. Ang dami-daming maaaring mangyari. Ang dami ko masyadong iniisip. Paano kung ganito? Paano kung ganyan? Paano kung isipin ng mga tao hindi talaga ako matalino? Paano kung sabihin nila/mo na hindi naman ganito magcritique? Paano kung wala naman talagang pakialam ang mga tao sa salita, bilang mga random na tunog na lamang sila na tinetake for granted ng mga tao? Paano kung 'e ano naman kung may paborito kang salita?' Paano na lang 'di ba? Paano na lang? 

Mas madali kasing magsulat, para sa akin, kung nahihirapan ka kung sino ang sinusulatan mo. Or kahit sa maraming bagay na rin siguro, mas astig din ang pag-iisip ng kapakanan ng maraming bagay, pangyayari, panahon, lunan, at ng mararami pang salik na bumubuo sa buo o ganap/ginaganap na phenomena. Dapat, iniisip mo lahat ng bagay.

Mahirap, oo, hindi ko maitatanggi. Pero bakit kailangan kong mag-isip nang ganito? Para walang natatapakan? Para wala nang tanung-tanong pa pagkatapos? Tapos isasagot mo, "E bakit nga naghahanap ka ng opinyon? Paano kung yung opinyon e isang tanong?" May opinyon bang tanong? Maaari ka bang magtanong habang naiimpluwensiyahan ng iyong opinyon? Hindi ko rin masasabi. Paano na lang kung matalino yung kausap mo? Paano kung bobo pala? Paano kung mas marami siyang masasabi sa'yo tungkol sa pagluto ng meatball ng spaghetti? Paano mo masasabing magaling siyang magbadminton? Paano mo ba malalamang may gusto siya sa iyo? Madaling magstereotype ng mga tao base sa nakikita natin sa kanila, pero kadalasan, corny mang pakinggan e wala naman talagang naglalast na first impression.

Mas madali kasing mag-isip kung inaalala mong hindi mo naman talaga kilala ang tao, ang mundong kinatatayuan mo, ang sitwasyong kinakaharap mo, ang problemang nantitrip sa'yo. Maraming puwedeng mangyari, at marami ka pang hindi nakikita. Wala ka talaga kilala, at hindi mo naman talaga alam.

Minsan din, iniisip ko, paano kung paboritong parirala naman pala o bukambibig ang iniisip ko? Hindi ko naman puwede kasing sabihing 'paano' ang salitang tinutukoy ko kasi maaari rin siyang ipakahulugang 'how,' kahit na iniisip mong ang pagsasalin ng isang salita sa isa pang wika ay hindi pagpapakahulugan. Minsan din naman, sabay tayong walang pakialam. Pinansin ko yung ikalawang salita, 'kung'. Paano kung. Kung. Kangkung. Kungkang. Kung. Kapag. Parehong nag-iisip na mga salita, kahit na wala naman talaga silang kakayahang mag-isip. Paano kung oo? Maghahanap ka pa parati ng pruweba. Kung. Kapag. Ang sarap pag-isipan. Ang dami kasing maaaring mangyari kapag ginagamit mo sila at hindi yung paggamit ko sa pangungusap na ito. Maiging gamitin sila sa iba't ibang sitwasyon. Sa maraming bagay. Sa pag-aayos ng problema. Sa pagsusulat. Sa pagtingin ng maraming bagay sa paligid. Kung. Kapag. 

Kapag ganito, ganyan ang mangyayari. Kung ganito kaya, ano ang mangyayari. Kapag ganito ba, ganun ang kalalabasan? Paano kapag ganito naman ang ginawa ko?

Hindi pagsasayang ng oras ang inilalaang panahon sa pag-iisip at maagang pagpaplano sa mga bagay. Hindi ito malaking kawalan ngunit responsable at matalinong adbentahe kapag nakasanayan. Sa kabila ng lahat ng aking mga sinabi, wala ka pa ring naiintindihan. Baka hindi lang din talaga salita ni pahayag ang gusto kong matutunan mo. Baka naman kasi paraan na pala ng pamumuhay ang iniiwan ko sa iyo.

June 10, 2014

Kapag Nakadalawang Tasa Na

Gusto ko yung pinipiem mo ako e. Or kahit text lang. Kahit sa text lang. Isang text lang. Biruin mo, kahit isang text lang, sasagot na agad ako. Tinatamad nga ako minsang tumayo para magreply. Gusto kong sumasagot kasi para bang gusto kong nangungulit yung mga daliri ko. Tulad ng alam mong pangangalikot ng mga daliri ko. Sabay-sabay 'yon 'di ba? Paikut-ikot. Dahan-dahan muna, tapos, unti-unti nang bibilis. Pabilis nang pabilis, para bang nasa merry-go-round. Ferris Wheel sana yung sasabihin ko, kaso, hindi ko alam kung tama yung baybay. Teka check ko lang... Oo, tama. Ipinangalan siya sa isang tao, si Manong Ferris. Ang tanong ko ngayon, bakit hindi Ferris'? Kasi hindi siya madamot? Kasi mas okay na walang umaangkin? E bakit nga isinunod sa pangalan niya? Para sa kanya yung pagkakapatent? O kung anumang keme? Hindi ko na rin chineck kung bakit kasi mas mabilis lang naman din kasi kung spellcheck lang yung talagang gagawin ko.

Ano ba talagang chineck mo? Magpipiem ka, siyempre sasagot ako. Siyempre, madalas kong mamiss na makipag-usap. Miss ko rin parati maghanap ng kasama, kahit yung may pader lang ng internet ang namamagitan sa ating dalawa. O kahit lang din yung pader ng mga nagkakandarapang mga bara ng signal ng pekeng sim. Gusto ko naman yun. Feeling ko, okay lang din naman sa'yo.

Minsan, ikaw ang nauunang magpadala. Minsan naman, ako. Minsan din, hinihipan ko yung ice cream bago ko isubo. Minsan din, hinihipan ko yung cookie na dinip ko sa isang basong gatas. Yung gatas na tinimpla o kahit na gatas na galing sa dodo ng cow. Tapos itatanong kong muli sa sarili ko, anong gatas, o saan nanggagaling yung powder na mga gatas? Sa dodo pa rin ba ng kung anong mammal? Nakakatamad pa rin isipin. Baka ikaw, alam mo. Feeling ko naman, alam mo. Nakakatamad kasing mag-isip sa mga larang na wala naman talaga akong alam, kahit na napakasarap magtanong at magpakacurious. Ikaw, mahilig ka ba sa ganyan? Sana, oo. Minsan, mahilig ka sa maraming bagay. Minsan, kaunting bagay lang yung hilig ko sa isang araw. Minsan nga, wala. Minsan din, parang maraming bagay ang gustong gawin sa isang araw. Minsan, puro pagpaplano lang yung nagagawa ko. Minsan, yung mga plano ko, hindi na nangyayari, natutupad, kahit na inenjoy ko yung bawat minutong pagpaplano ng plano sa utak ko. Ewan ko ba? Ewan ko ba. Parang ang bilis-bilis kong madistract. Parang mabilis akong magsawa. Parang ang dali kong tamarin kapag ieexecute na talaga yung sobrang lupit na planong nalupitan talaga ako kaya ko pinursiging planuhin. Ano bang tawag dun? Ningas-kugon? Parang hindi yata, kasi, ang ningas-kugs 'di ba, kapag may nasimulan na? Para sa akin kasi, kapag plano pa lang sa utak, wala pang nasisimulan talaga yun.

Naisulat ko naman na sa notepad yung mga kailangan kong malaman. Iniisip ko na lamang kung bakit kailangang patayin ng bida yung binubuo kong mundo niya. Mahirap yun, pero sana, hindi ka rin nahihirapan sa akin. Simula pa kanina, hindi mo na nauunawaan lahat ng binabasa mo. Masuwerte na akong umabot ka sa bahaging ito nang hindi ka nandaraya. Madaya rin kasi yung sasabihin mong tapos ka nang magbasa kahit na wala ka namang naintindihan dun sa nabasa mo. Ang barbero mo nun. Tapos nabasa pa yung ginamit mong pandiwa, edi lalong wala ka ngang naunawaan.

Wala ka naman talagang maiintindihan. Huwag mo na ako minsan intindihin, I mean, yung mga ramble na ito. Natutuwa nga kasi ako sa pamimilatik na tunog ng keyboard ko kapag natutulinan na ako sa pinagsasasabi ng utak ko. Wala rin naman akong maintindihan kapag marami akong binabasa. Para bang, yung attention span ng utak ko kapag nagbabasa e hanggang 10 lines lang, kahit na gaano kahaba, English o Tagalog, wala nang pakialam yung mga mata ko, yung mga mata kong magaganda. Maganda naman mga mata ko, 'di ba, kahit na malabo na rin yung nakikita mo, kasi nga, nakasalamin ka. Minsan, iniisip ko kung ano kayang hitsura ko kung nakasalamin din ako. Malamang pangit no? Hehe. May mga salaming rectangle na curvy yung corners. Curvy corners, naks, as if legit na may ganung term. Mayroong half moon. Mayroong circle. Mayroong ginormously hipster. At mayroon nung sa'yo. Hiwalay na yung sa'yo. Sa'yo 'yan e. Kahiligan mo na. Yakapin mo na ang hitsura mo kapag may salamin. Huwag mo nang tatanggalin 'yan.

May 18, 2014

FlipTop - BLKD vs Aklas

Round 1

BLKD

Aklas, wala kang class. Kung meron man, hardly pa kaya sakto, sa labang 'to, iooutclass lang kita kasi Class A ka lang, Class SS 'to. Hanggang temper ka lang, nagiging tempest 'to.

Ano, Aklas? Kaya pa? Baka napasubo ka lang. Chinecheck ko lang. Baka gusto niyang sumuko na lang kasi 'tong pagbattle ko sa 'yo, for formality na lang. Yung grand prize, nasa 'kin na, bumali ka na lang. Kahit pan-Jollibee man lang kasi hindi ka makakatsamba. At least, sa Jollibee, do'n, makaka-Champ ka. 

Kasi kung overall performance sa buong tournament ang batayan, halatang-halata namang ako ang naghari sa katayan. Nung semis, nung laban mo, nagchoke yung kalaban mo kaya mo natalo. Nung laban namin, ako na nagchoke, ako pa ang nanalo. Ganun ako kalakas. Kasi wala ka naman talagang ipinanalo dahil sa lakas ng mga binira mo. Nawawala mga kalaban mo kasi distracting 'yang hininga mo. 'Yang hininga ni Aklas, ayan, ambaho lang naman. Parang tae lang ng pusang nagfood trip ng durian. Anong klaseng amoy 'yan? Hunghang - mabahong maanghang. Ang makakatapat lang diyan, 'yang mga bara mong masangsang.

Ako si Aklas, barumbado ng kalawakan. Mula pa sa lahi ng mga panganay na taong salagubang. Ako'y dakilang berdugo, berde ang dugo. Gamay ang wika ng mga insekto pero kung magrhyme, bano. Mga absurdong kuwento, sinisigaw ko with confidence. Hindi magets ng tao kasi wala naman talagang sense. 

Anong tawag diyan sa 'stilo mo? Unorthodox? Psh! Style mo, buloks. Iba yung tunay na unorthodox sa nagpapalusot lang. Iba yung out-of-the-box sa talagang supot lang. 'Di ka lang matuto ng orthodox rap kaya nagwild out ka na lang para 'pag lumitaw yung kabanuan mo, sasabihin mo, "Abstract lang 'yan." 'Yang content mo, malabo, yung flow mo, sablay. 'Yang pagiging abstract, 'wag mong gamiting saklay kasi ineexagfe mong magbreak ng norms para kunwari, rebellious. Hindi unorthodox tawag diyan. Ang tawag diyan, pretentious. Mapagpanggap!

Kaya hindi ka left field, left out ka lang, tsong. Kahit makailang Subflex ka pa, hindi ka magiging Ampon kasi wala ka namang messages, purong noise ka lang. Walang malakas na linya kaya malakas na voice na lang. Tandaan: Ang content na walang delivery, meron pa ring kahulugan pero ang deliveryng walang content, walang katuturan kaya 'wag magpalinlang sa mga unique niyang salaysay kasi aanhin mo ang unique kung wala namang saysay. Bukod-tangi ka nga pero hindi ka magaling. 'Di porket stand out ka, outstanding ka na rin. 

Kaya kung umubra sa iba 'yang pagiging kakaiba mo, ibahin mo 'ko. Ibobody bag ko 'yang kaibahan mo, at ibabalibag ko sa 'yo kasi puro lang malalim na Tagalog 'yang mga brutal mong kantsaw. Pilit naman ang pagkakagamit kaya yung meaning, ampao. 'Di ko kailangang magpakakopong-kopong para lang insultuhin ka. 'Pag ako, nagmalalim na Tagalog, babalinguynguyin ka 'pagkat bawat letra ko, may bilang, bingo ka nang putakte ka, at tutal may sa insekto ka, tsitsinelasin lang kita.

Ako'y mas armado pa kay Rambo, mas malakas pa sa Spartan. Para ka lang nagbeach walk sa kasagsagan ng storm surge ng Haiyan. Walang kalaban-laban! Kaya 'yang paglaban mo sa akin, kamaliang malagim. Handshake kay Edward Scissor-Hands, kapit sa patalim kaya malamig na bangkay kang lulubog dito kasi ang tsansang matalo mo 'ko, absolute zero.

Round 2

BLKD

Walang intro? Kaya ko ring magrap nang wala nang intro-intro pa. Mura lang naman yung punchline mo, weirdo ka. Wala kang kaalam-alam na ang kaharap mo, peligro na. Ako'ng sampung salot sa isang katawan, ikaw, Ehipto ka. At naiinggit ka pala sa laman ni Jimmy Santos. Kumain ka kaya? Kung talo ng bonjing yung pogi, yung panget pa kaya? At ipinagmalaki mo na naman yung malinis mong standing. Akala mo naman, yung kadakilaan no'n ay maglalanding. Nagkakamali ka ro'n kasi yung tinalo mo, baguhan pa sa liga no'n. Tumanda ka na sa liga, pantapat ka pa rin sa beginner. Okay nang tinalo ng beterano kaysa maging repeater.

At kilala na natin si Aklas, yung gawa-gawang evil twin. Ngayon, ang kilalanin natin, yung tunay na Philip Ching. Philip Ching. Philip. Ching. Ching. Wow, made in China. Kaya pala puro mura ang mga piyesa mo, made in China. Anong trabaho ng ermats mo? Maid in China? Kasi 'tong paglaban ko sa 'yo, parang trabaho ng mama mo. A Chinese is getting served, sa pagtatrabaho ko. Ta's nung Round 1, pangwarm up lang yung kargada ko. Rubber-bullet bars, nambubugbog yung ammo ko. At 'di ko iniinsulto ang ina mo, alam kong banas na siya. Ang pinakamasakit na insulto sa kanya, yung naging anak ka niya. Kasi weirdo ka! Weirdong-weirdo ka! 

Pero, Aklas, este Philip, hindi kita sinisiraan. Alam na ng lahat na may sira ka. Sira-ulong sira ang bait na nangangamoy sirang prutas pa. Kapapanganak mo pa lang, alam na ng nanay mong weirdo ka. Philip, ipinangalan ka sa screwdriver kasi maluwag na ang turnilyo mo kasi nga, ang weird mo! Tama 'yan, naloose-tornilyo. Parang yung dating kasama mo.

Pero 'tong si Aklas, alam niyo ba, bago 'yan naging malakas, doon sa school, 'yan ang laging tampulan ng pintas. Ako yung big boy na mala-Andre the Giant ang katatagan. Ikaw yung small boy na laging paksa ng katatawanan. Nakuha mo ba? Kaya hindi mo ako maooutlast kasi lumaki kang outcast, ako, laki sa Outkast. Kaya nga, sir, alam kong tumanda kang people hate you, sir. Hanggang high school, binubully ka ng mga grade schooler. Tapos nung 'di niya na makayanan, lalo siyang nagpakahangal. Imbes na umangal, ilang beses nagtangkang magpatiwakal. Tutol ako sa bullying, at hindi ko minamaliit ang issue ng suicide. Ang gusto ko lang, tumagos 'to: Pa'no ka naging barumbado ng kalawakan, kung wala kang magawa sa pambatang panunukso? Kasi, alam mo, ang puno't dulo lamang nito, kaya lang siya nagbattle rap, para bumawi sa nakaraan. Gusto niyang makipagpalitan ng laitan, at makasagot nang pabalang kaya nga 'pag nasa entablado, talagang astang bully siya. Gamit ang tapang na hiram sa shabu at metal na musika kasi, tama nga naman, ito nga naman ay competitive art form lang. Wala nang bubugbog sa 'yo. E kaso, itong nakatapat mo, yung kayang manunog sa 'yo.

May dahilan kung bakit ang turing sa 'kin ng gobyerno, kriminal, at kung bakit sa lahat ng gig ko, may nagmamanmang militar. Kasi walang linya sa pagitan ng literal at lirikal dahil ang prinsipyadong salita ay may gawang katambal kaya bang-bang! Bang-bang!
 
Sa bang-bangayan ay mala-Tupac 'to. Bang-bangko ng talino utak ko. Bang-banggain mo nang masukat mo. Bang-bangungot ako na katulad mo. Bang-bangkay, wala nang buhay 'to. Bang-bang! Bang-bang! Isa pa, bang-bang! Isang bala kada sampung pointless na barang minention mo. Sakto lang 'yang bullet points, tutal, enumeration 'to. Board game!

Round 3

BLKD

'Di porke't magkabatch tayo e close tayo dito. At 'wag mo 'kong pauuwiin, at home ako dito. Ikaw ang trespassing kaya 'wag ka masyadong maangas. Pauwi ka nang pauwi. Aklas, layas! Layas! Layas! Bitin ba? Layas! Layas! Layas!

At alam ko na yung kawalan ng kanta ko na naman ang ididiss mo pero ang katapat lang ng lahat ng abstract album mo, abstract ng thesis ko. Ganun ka kapurol! Tukmol! Tapos, yung prinsipyo, hindi daw makakain. Literally, of course. E bobo ka pala e. Yung prinsipyo, nakakain, kapag food for thought. 

Kaya, Aklas, ano ba? Ano ba tinitira mo? Bakit 'yang katawan mo, parang tumamlay? Habang tumatagal, nagmumukha ka nang buto't kalansay. Tabi-tabi po sa bangkay, lulubog, lilitaw, sasaradong hukay. 'Yan ang aabutin mo dito ngayon, panget!

Kasi, Aklas, bakit ba inirereklamo mo ang pagrereklamo ko? Ibig bang sabihin, itong maling sistema, ineengganyo mo? Yung reklamo namin, may aksyon, sa 'yo, puro comment. Ang sagot namin sa problema, solution, ikaw, puro solvent. Pareho lang tayong mulat na ang mali ay ang sistema mismo. Ang sagot ko dito, aktibismo, ang sagot mo, eskapismo. Imbes ayusin ang problema, tinatakasan mo na lang. Panandaliang aliw ng droga, binababaran mo na lang. Kami, nagsusulong kami ng panlipunang ebolusyon. Philip, aklas ka lang, kami, rebolusyon. 

Kaya ako mahal ng taumbayan, and they hate you. Kaya nga tayo nasa B-Side, sa 'kin panig ang venue. Kaya anong sinasabi mong laging una ang titik A sa titik Ba? Hindi laging gano'n kasi sa Batch 1, una ang titik Ba.

Alam mo, hindi ka lang makaget over na sa tingin nila, ako ang sure winner. Sasaksakin na kita ng paet kung gusto mo pang magpakabitter. Wala kang alam sa public relations kaya yung fanbase mo, bubot. Kulang ka sa PR kaya yung support mo, supot. Kaya nga nakikisalo na lang ng fans 'to, nakikisiksik sa amin 'to. Calabarzon, sumagot kayo, kababayan ba natin 'to? May duplex ka nga sa Cavite pero para sa mga tunay na Kabitenyo, tourist ka kasi lumipat ka lang naman sa Cavite kasi nakabuntis ka.

Tapos, agad-agad, ikaw ay makikiari sa aming karangalan? Kami ang nagpundar at nagpakahirap, bigla-bigla mong tatanganan? Ano 'yan? Lokohan? Babamboohin ko 'yang internal organs mo hanggang masiraan ka ng loob. Naiclaim uli ang Cavite, pauuwiin kita nang paluhod sa Las Piñas, at kung ayaw mo, sampal ka kaagad. Ihahampas ko 'yang mukha mo sa kalsada sabay kaladkad sa Alabang-Zapote Road, maglalakad ako. Kakatamin ko yung kalsada gamit 'yang panga mo.

Ako'y buhay na kontradiksyon, lambing ko'y lumalatay. Ako'y mabuting kaibigan pero masama 'kong umaway. Righteous leftist na 'di mo dapat salingin dahil ang bright mind, marahas kapag nagdilim ang paningin. Ako'y utak-demonyong nagdidilang anghel. Sa mga asal-demonyo, aking dila, anghel. Lahat ng taas-noo, natuturuan kong tumungo. Natututong tumingala sa 'kin habang nakayuko.

Kaya, Aklas, 'yang lakas mo, 'yang husay mo, napatunayan at nasukat lang sa iilang naipanalong laban pero yung lakas at husay ko, sukat sa laki ng ambag sa larangan. Mula sa pagsusulat ng mga bara, at pagseseryoso, pati sa paghuhurado, naging ehemplo 'to kaya 'di mo 'ko mauunahan pagdating sa ligang 'to dahil isinabuhay ko ang kultura, lampas pa sa ligang 'to.

May 13, 2014

Dem Eyz

Naaalala mo nung may nagyayang tumambay para mag-acad works sa Owl City. Ngek. Sa Midnight Owl? Yes. Ako, naalala ko pa. Pareho nating hindi alam na sobrang sarap pala ng kape roon, lalo na kung libre yung every second cup kapag madaling araw na. Naaalala ko rin yung sinasabi mong lalo kang inaantok kapag umiinom ka ng kape.

Naalala mo pa ba? Sinasabi kong magkape ka kung balak mong gumising nang madaling araw at magpuyat, pero ayaw mo, kasi nga, inaantok ka. Noong second year pa lang tayo, hanggang third year, todo gawa ka ng mga plate mo. Pero ang kakaiba sa'yo, ayaw mong magtrabaho nang gabi, or matapos makapagdinner, o matapos man lang makauwi ng bahay. Ang gusto mo, nakakain at nakatulog ka muna bago magdrawing. Para ano nga ulit? Hindi ko na rin pala masyadong maalala. Para siguro wala masyadong naglalakad sa masikip niyong kuwarto sa boarding house at para wala masyadong maingay at pumapansin sa'yo. Alam mo kasing ayaw mong ginugulo ka or may gising na taong malapit sa'yo kapag gusto mong magpakaseryoso sa creative works, or acad works. Alam ko rin yun. Alam nating pareho na mahirap mag-isip, magsulat ni magdrawing kapag may nanonood o kumakausap sa'yo.

Naisip ko tuloy kung paano yung study room natin kapag nagkaroon na tayo ng sariling tahanan o kahit sa apartment man lang. Paano yung study area natin? Naalala mo pa kaya kung magkasama, o tig-isa tayo? Hindi ko masyadong maalala. Pero gusto ko, gusto ko yung nagkikita pa rin tayo kahit magkalayo tayo, sa loob ng study. Puwede naman kasi yatang mag-earphones habang nagpapakacreative, para less distractions.

Pero nahihirapan ako minsan kapag ang daming naririnig ng tenga ko, lalo na kung alam ko yung kanta. Kahit na paulit-ulit kong sabihin sa sarili kong magconcentrate ako nang sobrang igi sa ginagawa ko, kakantahin at kakantahin ko pa rin yung alam kong kantang naririnig ng tenga ko. Mahirap. Mahirap para sa akin. 

Pero hindi ka minsan mahirap basahin. Minsan, babaliktarin ko lang yung sinasabi mo, mangyayari na iyon. Halimbawa, nakakakalahati ka pa lang ng isang tasang kape sa Owl City Midnight, sobrang daldal mo na. Hindi ko na sinabi iyon sa'yo kasi kapag nanahimik ka, magfefade na lang bigla yung cuteness. Ayoko rin naman yo'n. Grabe talaga nung gabing yun, iba yung daldal mo. Parang kung anong maisip mo, nangyayari sa bibig mo. Hahahaha!

Tapos, ano pa. Ano pa ba? Ano pa. Akala mo, ikaw yung huling-huli sa thesis. Akala mo, hindi ka magaling. Akala mo, mahihirapan ka. Akala mo, wala kang kaibigan. Akala mo, walang nagmamahal na sa'yo. Akala mo, mahirap makipag-usap sa mga tao. Akala mo, mahirap ang maraming bagay na kailangan mong gawin ngunit hindi mo pa nagagawa. Akala mo, hindi mo kailangan yung iba. Akala mo lang pala iyon.

Nahihirapan ako minsan magpaalala sa'yo. Ewan ko ba. Kasi minsan, iniisip ko, babalik pa rin sa'yo yung Akala Mo mentality mo. Hindi ko na lang aatupagin yun, kasi nga, hindi nga nagkakatotoo. Tsaka, alam mo namang andito ako parati kapag malalaglag ka na, 'di ba? Parati naman kitang salu-salo, katulad din ng ginagawa mong pagsalo sa akin, sa maraming pagkakataon na rin.


Don't panic.

May 1, 2014

Maasal

Ewan ko ba. Parang hindi totoo, pero parang oo. Parang tunay na hindi. Minsan, pakiramdam ko, yung iba kong recall sa memories, fake na lang. Hindi ko na talaga sigurado kung totoo, o hindi, pero pabalik-balik pa rin sa utak ko, kahit na hindi ko naman sinasadyang alalahanin. Tapos mapapatanong akong muli sa sarili kong tama pa bang gamitin yung salitang 'alalahanin' kung peke naman talaga yung inaalala. Oops. I mean, 'inaalala.' Baka iniisip, puwede nang gamitin. Para lang may magamit na verb. Alalahaning isipin? Ewan. Putang ina. Ewan ko na talaga.

Batang-bata pa ako noon. Wala na rin akong pakialam kung hindi ako gagamit ng salitang 'siguro' kung magkataon mang peke itong naaalala at sinusulat ko. Wala rin namang may kakayahan pang magconfirm kung hindi ako, o yung mga taong involved sa pangyayari. E wala rin namang taong involved na lulustaying mahinahon ang kanyang panahon sa mga salita sa pahinang ito. Wala rin naman silang pakialam, minsan. 

Minsan, naiisipan kong tumingin kung saan-saan habang nakasakay roon sa tricycle na service ko noong nasa Grade 1 pa lamang ako. Tingnan mo, hanggang sa ngayon, iniisip ko pa rin kung noong Grade 1 nga ba TALAGA ako nito. Pero ulit, wala akong pakialam. Yung ibang writers, wala rin namang consistency sa legitimacy ng mga sinusulat nila. Siguro, as long as naipapaabot nila nang maayos yung message na gusto nilang ipaabot, o ibato. Perotekawait. Hahaha. Hindi nga pala ako writer, no? Self-proclaimed lang. Pero sa ulit. Wala nga naman tayong pakialam. 

Pinapakialaman ko lahat ng makikita ko noon. Kasi marunong na akong magbasa, or at this point, magpinpoint pa lamang siguro ng mga titik. Mayroon akong nakita sa pader na gawa sa hollow blocks. Nakasulat bilang isang vandal. Hindi ko na maalala yung kulay. Yung kulat na ginagamit ng mga gangster-gangsteran sa kalye. Oo, yung ganon. Ikaw na'ng bahala mag-imagine. Ganun din minsan mga writers, wala nang consistency sa spellings, ikaw pa bahala mag-imagine. Pero magandang bagay naman iyon. Sa katunayan, iyon nga ang ikinaganda ng pagsusulat, minsan. Oops. I mean, ng pagbabasa. Ikaw bahala mag-imagine. Hindi ba't mas masayang magbasa ng isang fiction kung hindi mo pa napapanood ang film adapatation niya? Yung ganon. Astig no? Perotekawait. Wala nga pala ako sa posisyon para magsabi ng kung anu-ano. Hindi nga pala ako writer. 

Pero mahilig naman ako magsulat. Minsan, mahilig din akong magbasa. Nung nabasa ko na yung malalaking titik na vandal sa pader, pinaulit-ulit ko na iyon sa utak ko. Nakabuo pa nga ako ng hymn (?) or binigyan ko pa siya ng tono para mas madali ko siyang maalala. O minsan, para mas maenjoy makaalala. Kakantahin ko sa isip ko, "F-U-C-K-Y-O-U!" Parang rap. Parang hip-hop. Hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung insensitive na ako sa paksang nalaglag. Hindi rin naman ako marunong sa ibang genre ng music. Ang tanga no? Hindi na nga maalam, salita pa nang salita. Oops. I mean, sulat pa nang sulat. Pseudo-intellectual. Kasi nga, perotekawait. Yung ibang writers, ganun din naman siguro. Insensitive. Pseudo-intellects. Wala rin. O ako lang? Ay. Perotekawait nga pala.

Basta ang alam ko, may beat iyon. Pagbaba ko ng tricycle, siyempre nasa school na ako. Malamang. Paulit-ulit lang iyon gumana sa utak ko, pero tahimik lang. Hanggang sa makauwi ako sa bahay namin at natapos na ang araw ng pakikinig at pakikipag-usap sa sarili. Nasa bahay nang muli ako. Dumaang muli yung tricycle (nga pala!) na service ko doon sa hampaslupang hollowblocks. E 'di, ayun na nga. Kinanta ko na nang pabigkas yung pakyu. Tapos narinig ng nanay ko.

"Ano 'yang kinakanta mo, HA?"

"F-U-C-K-Y-O-U! Galing ko po, no, Nanay? Hehe."

"Halika nga! LUMAPIT KA RITO! ULITIN MO!"

"F-U-C-", pak! Sampal sa kanang pisngi. "Sabi mo po, ulit-"

PAK! PAK! Sabay hila sa aking kaliwang kamay.

"SIGE! ULITIN MO PA!" Papaiyak na ako. Ano bang ibig sabihin no'n, Nanay? Sabihin mo na lang kaya? Umiiyak na ako o? Hindi mo man lang ba inisip na hindi ko naman alam yung ibig sabihin no'n kasi nga, bata ako? Titik nga lang alam ko, definition pa kaya? Ahuhuhuhu?

"Magtanda ka!" Sabay kuha ng sili sa basket ng spices sa kusina. Nasa kusina na (nga pala!) kami. Yung kanang matabang kamay niya, pinandakot niya na sa dalawang pisngi ko, habang nakapatong sa aking baba. Yung parang mukha nang isda na yung mukha ko. Yung nakanguso. Oo, tama, yung ganun! (galing mo talaga, men!) "UULITIN MO PA?!"

"Hin-*hikbi*-di na *hikbi* po *hikbi*."

Those Goddamn Eye Zombies

Mahalaga ang panitikan sa pagsisiwalat ng katotohanan. Ang malikhaing akdang Patayin sa Indak si Anastasha ni Vladimier Gonzales ay isang kuwelang spin-off ng horror movie na Patayin sa Sindak si Barbara gamit ang mga matang zombie bilang mga nakatatakot na kalabang humahabol sa mga bidang niloloko lang ng isang malaking napakamakapangyarihang ideolohiya – ang kulturang mall. Nakatatawa minsan, kadalasa’y seryoso. Ang pagpapakilalang bulag ng mga nakakikita naman, ang pagtingin sa mga buhay bilang mga patay, ang pagsira sa ideal na ang mall ay isang masayahing lugar tungo sa isang masalimuot na lugar na maraming zombie ang naghahatian, nag-iinggitan at nag-aagawan para sa walang kabuluhang premyo, ang makikita sa kuwento. Sa huli’y kahit na gaano pa man kabukas ang malalaking mata natin, maging kritikal man tayo o hindi, mahihirapan ang ating katawang umiwas sa mga isinisiwalat na kapahamakan ng mall. Wala na tayong takas.

ANG HINDI MAPIPIGILANG PANDEDEHUMANISA NG MALL
           
Ang maikling kuwentong Patayin sa Indak si Anastasha ni Vladimeir Bautista Gonzales ay isang malikhaing akdang maraming tinatalakay na usaping nakapaloob sa kulturang popular. Nariyan ang video games, dramedy (drama + comedy) films/novels, lalung-lalo na ang kulturang mall – partikular sa mga danas ng mga empleyado ng establisyamentong nagpapalaganap ng mabiswal at mapang-akit na ideolohiya. Hinuhubog ng ideolohiyang ito ang mga malay at hindi malay na pag-iisip ng mga tauhan na nagdidikta sa kanila ng kanilang mga nais na mangyari at gawin. Ang ideolohiyang ito’y hindi mapipigilang kumalat sa napakalawak na espasyo, makasira ng buhay ng isang tao’t makapagpagastos pa sa walang mga katuturang bagay, na mas malala pa kaysa sa ikalawa. Sinisira ng door-to-door shopping (partikular na trabaho ni Preciouse, babaeng bida sa akda), isang bahagi ng sub-kontraktuwalisasyon at kulturang mall, ang isang tao – sinisira sa pamamagitan ng pandehumanisa sa kanya - pagbuo ng isang alien mula sa may buhay sanang tao para lamang manggalugad na tila isang zombie’t gumawa ng mga paulit-ulit na routine.

Buod

Nagsimula ang kuwento nang iaabot na ni Preciouse ang kanyang berdeng supot na naglalaman ng bunga ng kanyang pag-iikot-ikot at pagkakatuk-katok sa bawat bahay para magbenta ng kung anu-anong produktong nais ng consumer, sa isang higanteng matang elektronikong nagngangalang Anastasha. Matapos maibigay sa kanyang panginoon ang alay ay binagtas nang makauwi ni Preciouse, sakay ng isang jeep, kung saan niya makikilala si Robin, ang lalaking bida. Maiisnatchan si Preciouse ng berdeng supot na walang laman na kung saan tutulungan naman siya ni Robin na tulad ng isang action star. Matapos ang mistulang heroic act ay inihatid na ni Robin si Preciouse para sa hindi delikadong pag-uwi. Nang makauwi naman na si Robin, napanaginipan niya ang kanyang inang matagal nang nawawala. Kinabukasa’y mapapaisip si Preciouse nang malalim tungkol sa dahilan ng kanyang mga ginagawa at ginawa ni Robin para sa kanya, habang si Robin nama’y pilit na kinakalimutan ang kanyang inang nawawala sa pamamagitan ng paglalaro, pagkalikot sa computer at paglabas ng bahay matapos ang unang dalawa. Muling magkakatagpo ang dalawa sa 7-Eleven kung saa’y mas matagal silang magkakausap at mahahantong sa pag-uwi sa apartment ni Robin. Hindi na inalala ni Preciouse ang kanyang daily schedule para sa pagkakataong ito dahil sa kasiyahang dulot ng pagsasama nila ni Robin at pagsayaw sa Dance Revo na nakakabit sa PlayStation. Sila’y nakatulog sa sobrang pagod na dala ng pagsasaya ngunit nagising sa paghahanap ng tatlong ahente pa ni Anastasha na mayroong isang malaking bilog na mata bilang kanilang ulo – binabawi na nila si Preciouse. Maraming kinalaban si Robin na mala-action star ulit hanggang sa makarating sila sa SM Fairview kung saan nila huling pinaindak ang kanilang mga sarili gamit ang Dance Revolution machine at tuluyang magapi ang large eye-head zombies ni Anastasha. Maraming liwanag at kapaguran ang nangyari kung kaya’t muling nagising na lamang sina Robin at Preciouse na pagod na pagod at may ngiti sa kanilang mga mata. Ngunit sa huling bahagi ng kuwento’y muling lumiwanag nang berde ang mga mata ni Preciouse habang siya’y hindi na nakaririnig sa kanilang pinag-uusapan ni Robin.

~

Si Anastasha ang pinakamakapangyarihan sa buong kuwento. Inilalarawan siya bilang elektroniko at nakasasanib sa iba’t ibang bahagi ng sari-saring bagay sa kahit saang lugar na ninanais niya. Siya’y isang higanteng mata, o maraming mga mata kung halimbawa’y sasanib siya sa maraming poste ng ilaw, o mga telebisyon sa isang appliance store. Maaaring basahing ang pagiging isang mata ng pinakamakapangyarihang tauhan sa akda ang makapagsasabing ang mga taong namamalakad o pinuno ng sub-kontraktuwalisasyon at produkto ng mall ay siyang nagbabantay sa lahat ng maaaring igalaw ng kanyang mga ahente. Kung nakikita nila ang lahat ng maaaring gawin ng kanilang empleyado, napakakatiting lamang ng mga maaaring kalayaan ng mga mala-robot na katulad ni Preciouse. Kung tutuusin, maraming mga security camera sa mga department store na nagbabantay hindi lamang sa mga galaw ng malilikot na kamay ng ilang mga customer kundi sa mga kilos ng kanilang mga empleyado. Mayroon lamang silang mga oras ng pagpapahinga sapagkat tuluy-tuloy ang paglabas-masok ng mga consumer sa kani-kanilang mga poste. Tsamba kung oras ng maraming walang tao o kainan, o maaaring matsambahang kung kailan magbabawas sandali’y saka darating ang isang apuradong manang na namimili ng bonggang bag. Kung sakaling magkamali, malamang ay kukuhanin ang atensyon ng nakaposte dapat na robot sa bahagi ng store na iyon – ngunit hindi gamit ang kanyang pangalan. Tulad ng nasa akda, Agent HB-1182 ang tawag ni Anastasha sa kanyang kampong si Preciouse.

Hindi na nga tao ang pagtingin, hindi pa tao ang pagkakakilanlan. Nabubura na lamang sa isang iglap na pagtawag ni Anastasha sa kanyang empleyado ang lahat ng alaalang makatao, makulay at buhay. Nakadikit sa pangalan ang buhay ng isang tao, o sa kasong ito, ang ikabubuhay, gawain at alaala ng isang tao. Kung HB-1182 na lamang ang itatawag sa bida, hudyat lamang ito ng pagiging trabahador na walang buhay ni Preciouse ngunit kung kanyang ngalan ang gagamitin, lubhang malaki o buong pagkatao niya ang nagagamit para sa pagkakakilanlan.

Muntik nang maging taong muli si Preciouse. Sa kalakhan ng akda, madalas siyang nagmimistulang walang buhay – parang isang robot lamang na sinususian araw-araw, parang isang alien na walang ibang susundin kundi ang iniutos sa kanya ng mga tao sa binibisitang planeta. Mayroong oras si Preciouse – mayroong routine. Binanggit sa akda na alas dose ang paghaharap nilang muli ng kanyang panginoon – si Anastasha. Kung mayroong routine, ibig sabihi’y paulit-ulit na lamang ang ginagawa ni Preciouse. Mayroong oras ng pagtratrabaho, pagkain, at paglapit muli kay Anastasha. Maaaring ganito siya araw-araw. Masasanay ang kanyang katawan sa walang kabuluhang mga gawain. Hindi makabuluhan sapagkat hindi na nalilinang ang iba pang mga kakanyahan ni Preciouse, bilang isang tao – taong may talento at angking kahusayang maaaring matuklasan sa iba’t ibang paggawa.

Ayon kay Tolentino, kritikal ang mga edad na pumapasok sa mga ganitong uri ng trabaho sapagkat sa mga panahong (edad) pinagpapasa-pasahan ang kabataang ito sa iba’t ibang nakasisira sa pagkataong gawain, nawawaldas ang mga oras na disin sana’y nagagamit nila sa pagpapaunlad ng mga mas makabuluhan, o sa usaping ‘to’y, makakabuluhan talagang pang mga kakayahan (2004).

Sayang ang pag-iisip at imahinasyon kung hindi nagagamit. Kung hindi magagamit, hindi malilinang. Kung hindi magagamit, mawawalan ng saysay ang pagiging tao ng isang tao. Kung hindi magagamit, mananatiling robot ang isang taong paulit-ulit at iisa lamang ang ginagawa.

Ayon pa kay Tolentino, noong mga panahong isinulat niya ang Kulturang Mall (2004), sa loob ng dalawang taon, tumaas na nang halos 40 percent ang bilang ng labor sub-contracting at higit sa kalahati ng bahagdang ito’y nasa Metro Manila pa. Indikasyon daw ito ng pagdami at pagkalat ng labor sub-contracting.

Paano pa ngayong 2014?

Malawakan at makapangyarihan ang pananakop ng ganitong uri ng ideolohiya. Maraming nabubulag sa mga ipinakikita ng mall bilang mga kokonsumohin ng maraming tao. Kung mas maraming bibili at nadaragdagan pa, kinakailangan din ng mas maraming empleyadong maaaring magdoor-to-door para sa mas madaliang pagkalat ng impormasyon at mabilisang transaksyon. Ngunit sa kabila ng lahat ng pagpapagod na ginawa ni Preciouse sa loob ng isang buong araw, napakaliit pa rin ng nakukuha niya o halos wala pa nga siyang nakukuha matapos ang minutong mag-uulat na siya ng kalagayan kay Anastasha. Ayon sa akda, mabilis na hinihigop ni Anastasha ang laman ng kanyang berdeng supot, na bunga ng isang araw ng pagbisi-bisita sa mga bahay-bahay, isang araw ng pagkukunwaring pagbebenta. Malaki at kritikal na bahagi na nga ang inaagaw ng ganoong trabaho sa mga tao, ang lahat pa ng benepisyo at kita ay napupunta pa sa may-ari o nagpapalakad. Napakahirap isiping  ganito na lamang ang sinasapit ng ilan sa mga walang kakayahang makapagkolehiyo at nauuwi na lamang ng sapilitang pagtratrabaho para sa malalaking establisyamento kahit na malay silang nadadaya sila nang napakalaki – hindi lamang ng dayang pinansyal ngunit ng dayang pagkatao.

Mula sa akda, mahihinuhang malay naman si Preciouse sa nangyayari sa kanyang sarili kahit na nagmimistulan na siyang robot sa kawalang-kabuluhan ng kanyang ginagawa (siguro’y makabuluhang kaunti na lamang kung ito na lang ang tanging solusyon para sa kanyang ikabubuhay):

Habang nakatayo’t hawak ang mga walang lamang supot ng Anastasha, pinag-iisipan ko kung bakit may mga nilalang na gaya kong pinagkakakitaan ng mga simpleng karapatan tulad ng pagkakaroon ng sariling pangalan, ng sariling pagkakakilanlan.”

Sa mga panahong habang iniisip ito ni Preciouse, nakaramdam si Anastasha kung kaya’t sumanib siya sa isa sa mga ilaw ng posteng malapit sa kinatatayuan ng kanyang empleyado. Napaghahalataang ayaw ng mas makapangyarihang nag-iisip ang kanyang mga empleyado. Ayaw niyang malaman nilang mali talaga siya. Ayaw niyang matapos ang walang pakundangang kamaliang nagmumukhang masaya at malinis sa paningin ng karamihan. Agad-agad, tinatakot, para mapanatili ang kapangyarihan. Basag na basag ang maraming karapatang makatao tulad ng kalayaan at kakilanlan.

Binabanggit ni Tolentino na ang diin ay nasa nangingibabaw na kapangyarihan, at pag-aakalang walang kakayahang humubog ng sariling pagpapasya (2004). Si Anastasha ang nangingibabaw na kapangyarihan at si Preciouse naman ang hindi makapagpasya sa simula. Sa bandang gitna ng naratibo, makikitang nakahugot ng kakaunting kapangyarihan si Preciouse para hindi sumunod kay Anastasha, habang kasama niya si Robin. Hindi nananatiling nasa may kapangyarihan (o may mas malakas na kapangyarihan) ang pagpapasya. Nakapagpapasya rin, kahit panumandali ang sumasailalim. Idinidikta na lamang ng mga produkto ng mall kung ano ang mayroon ka dapat hanggang sa maisip mo nang iyon talaga ang kailangan mo hanggang sa iyon na ang hahanapin-hanapin mo. Ang ganitong bagay ay isiniwalat sa bahagi ng akda kung saan umamin si Preciouse sa tunay na laman ng kanyang berdeng supot ng Anastasha – Wala, kundi kung anong gustong makita ng sisilip. Ngunit kahit na malay ang mamimili sa kanyang mga needs at wants, sumusulpot pa rin ang mga maigsing segundo ng pagpapasya sa pagkonsumo ng kanyang utak at pitaka.
         
   Ngunit mas maraming pagkakataong hindi tao si Preciouse. Isang halimbawa nito ay noong hinablot ng isang lalaki sa kanyang sinasakyang jeep pauwi ang kanyang berdeng supot ng Anastasha, na wala namang laman. Ayon sa paglalarawan ni Robin sa kanyang isip, tila halos ikamatay na raw ni Preciouse ang walang lamang bag na mawawala sa kanya. Dalawa lamang ang nakikita kong implikasyon nito. Una, ang medyo litaw na dahilan ay mukhang iyon na lamang ang trabaho ni Preciouse. Kahit na medyo alam niya nang hindi na siya tao sa kanyang pang-araw-araw na gawain sa ilalim ni Anastasha, hindi pa rin siya umaalis. O (ikalawa), ang mga produktong kinokonsumo ng karamihan ng mga tao sa mall ay halos mga hindi ganoong kamakabuluhang kagamitan ngunit mahal. Iyong tipong bibili para lamang masabi sa sarili at sa mga makakikitang “mayroon akong nabibili sa mall na hindi niyo naman kayang bilhin” ngunit hindi naman talagang kailangan sa buhay. Nakapagseset na ng status symbol ang pagpasok sa mall, ng pagkakakilanlan, ng pekeng pagkakakilanlan. Kung anuman ang iuuwi kong supot mula sa mall, iyon ang tiyak na makapagpapakilala sa akin para sa mga taong makakasalamuha ko pauwi. Hindi na ganoong kahalaga kahit na walang halaga ang aking bitbit na pinagkagastusan ko ng malaking halaga basta’t makita nila ang halaga ng tatak ng aking supot.
          
  Sinasabi ni Tolentino na nakasalalay sa kontrol ng biswalidad ang pagtatanghal ng liberal na demokratikong sabjek – para tayo mahikayat pumanig, mapabili, at kumonsumo ng iba’t ibang serbisyo at produkto, kabilang dito ang politikal na paniniwala (2004).
        
    Kontrolado ng mga patalastas ang pagkokondisyon sa utak ng mga tao. Sila ang nagpapakilala ng kanilang (consumer) mga pagkakakilanlan. Hanggat maaari’y natatamaan ang sentimental at/o emosyunal na bahagi na pagkatao ng target kung kaya’t madali ring lumaki ang dami nila. Matingkad sa kuwento ang tagline ng Anastasha na “Everybody loves Anastasha!” Nakakalat ito sa mga patalastas at supot na dala-dala sa tuwing mamimili. Sa may bandang dulo ng akda’y halos buong village ay humahabol kina Robin at Preciouse. Ibig sabihi’y ganoon na lamang kalaki ang populasyon ng mga tumatangkilik o kaya’y ang bisa ng isang epektibong pekeng slogan.
        
    Ayon pa ulit kay Tolentino, ang tumatangkilik sa mall ay gumagamit ng mga kalakaran tungo sa paglikha ng isang kakat’wang pagkatao. Hindi normal ang karanasan sa mall, pero nagiging ideal ito ng pagsisiwalat ng aktwal na karanasan (2004).
          
  Nagiging kakat’wa sa umpisa ang maraming nahuhumaling, ngunit sa huli’y ang mga akademikong kritikal na lamang ang makapapansin sa kanila dahil sa lubos na kapangyarihan ng pagpapakilala ng pagkakaroon ng pekeng pagkatao, mula sa mga pekeng kagamitan para magmukhang nanggaling sa isang pekeng lugar at nakauunawa ng mga pekeng bagay.
           
 Isa pa’y umamin si Preciouse sa may bandang dulo ng akda na ang tanging laman ng berdeng supot ng Anastasha ay isang berdeng materyal lang na may hypnosis mechanism. Ayon sa kanya, kung anuman ang nais na makitang bag, sapatos, o laruan ng tumitingin, makikita niya. Isa na namang pambubulag na estratehiya ng mga mall. Sa kanila pa lamang na mga biswal na patalastas, ipinakikita lamang ng apat na sulok ng larawang kuha ng camera ang mga gusto lamang nilang ipakita, o mga maaaring magustuhan ng kokonsumo ng kanilang produkto. Hindi napapansin ng biktima na maraming nakatago sa kanyang katotohanan o kaya nama’y inaakit lamang siya sa isang bagay na hindi naman dapat mahalaga para sa kanya. Mapanlinlang ang karamihan sa mga ganito ngunit marami pa rin ang nahuhulog, tulad na lamang ng tagline ng SM na “We’ve got it all for you!” Pansinin ang salitang ALL sa pangungusap. Hindi ba’t mahihikayat ka nang makapasok sa mall ni Henry Sy niyan (kung iaassume na marunong ka namang makaunawa ng Ingles)? Pagpasok mo nama’y makikita mo ang halos lahat ng maaari mong mabili, kahit na mayroon ka lamang isang tiyak na bibilhin. Sikat na sikat na ang mapanligaw na struktura ng mall kung kaya’t maaaring mapamahal ka pa sa iyong pagpasok dahil sa isang bibilhin mong bagay (kasi nga nahikayat kang mayroon ng lahat ang SM) ngunit marami ka pang madaraanang lugar na makapanghihinayang sa’yo kung hindi mo rin naman bibilhin. Maaari ring nahihiya kang magwindowshop LANG kung kaya naman bibili ka pa rin ng item, para ano ulit? Para magpakilala ng “sarili” sa mga madaraanan ng supot, ng “sariling pagkatao.”
          
  May katapusan naman pala kung sakali ang ganitong buhay ni Preciouse dahil nga sa kontratang anim na buwan. Ngunit dahil hindi tao ang pagkakakilanlan sa kanya ni Anastasha, wala rin itong pakialam kung siya’y mawawala. Kakat’wang may sa precious ang ngalan ng bida ngunit ang kanyang halaga’y hindi nakaaambag sa kanya mismong sariling buhay. Ang kanyang halaga ay nasa kanyang araw-araw na pag-uulit-ulit ng ‘di makataong gawain sa ilalim ng ‘di makataong trabaho at bossing na walang tunay na pagtanaw ng halaga. Hanggat maaari’y walang nag-eestablisa ng emosyunal na relasyon sa pagitan ng empleyado at may-kapangyarihan. Iniiwasan ang pagkakaroon ng pagtatagal ng mga empleyado nang hindi lumaki ang kanilang mga suweldo’t hindi mabawasan ang kitang babalik sa mga may-ari:

            “...sa loob ng ilang linggo ay mabubuo ang aking limang buwan ng paninilbihan, at posibleng maglaho ako parang bula...”

           
Hindi lamang si Preciouse ang biktima ng pandedehumanisa ng kapit ni Anastasha kundi pati na rin lahat ng mga kumokonsumo ng kanyang mga produkto:

            “...Ang mga pugot na ulo, ang napakaraming mga pugot na ulo! Lahat sila’y humihingi ng tulong! Si Dr. Constantino, si Mrs. Piocos, lahat ng biktima ni Panginoong Anastasha, ako, ang aking pugot na ulo...”

Wala ang ulo. Walang matitirang sensory facility. Hindi na makararamdam ang mga taong ito’t madali na silang makokontrol ni Anastasha. Maraming nabubulag sa mga gawain ng mall. Maraming nawawalan ng saysay sa buhay ni ng kulay sa kani-kanilang buhay. Nagmumukhang mga patay na buhay ang mga taga-sunod ng konsumerismo at kapitalismo ng kulturang mall. Nakatutuwa ring isiping sa pagiging dominante ng kulay berde bilang pagdikit nito sa maraming bagay kay Anastasha – ang kanyang kapangyarihan, ang kanyang kuryente, ang kanyang supot, ang materyal sa kanyang supot, ang dagat na pinaglalanguyan ng mga pugot na ulo, nakalilikha lamang ng mga taong patay naman ang loob kahit na sa totoong buhay’y madalas na ikinakabit ang kulay berde sa buhay na mga bagay tulad ng dahon, go ng stoplight, etc. Mga patay na robot o alien ang nabubuhay sa enerhiyang berde ni Anastasha.

Hindi mabubuhay ang mga robot na ito kung wala si Anastasha. Hindi rin naman lalakas ang kapangyarihan ni Anastasha kung hindi rin naman dahil sa kanyang mga empleyado:

“Inililipat niya [Anastasha] ang kanyang mga kapangyarihan sa mga ahente, at bilang kapalit ay nagbabalik naman ng enerhiya ang mga ahente sa kanya.”


Ngunit hindi naman sinasabi ng ganitong pahayag na walang talo sa kanya. Siyempre, talo pa rin si Preciouse. Magmukha mang give-and-take relationship ang pagkakasabi ng ganitong pahayag mula sa akda, nandiyan pa rin ang hindi pagkakapantay ng benepisyo o natatanggap ng dalawa mula sa kanilang mga benta. Oo na’t sabihin na nating kung si Anastasha ang may-ari at pinuno, malamang, sa kanya ang mas malaking hati, kahit pa pagsama-samahin ang suweldo ng kanyang mga ahente ngunit sa kabila ng lahat ng mga ito, hindi na pinansyal na estado ang kailangang pag-usapan. Kung papalitan natin si Anastasha bilang isang tao ring may boses ng pagkontrol sa mga nangyayari sa paligid ng kanyang mga produkto at tauhan, ang paulit-ulit lamang na paghahati-hati ng trabaho sa pamamagitan ng pag-uutos ay ibang-iba ang epekto sa mga taong araw-araw na kinakaharap ang masalimuot na pagkausap sa maraming kumokonsumo, pagpapakilala ng produkto, ang pagdinig sa numerong ngalan habang walang ibang inisip kung saang bahay siyang susunod na dadaan.
          
  Ayon pa kay Tolentino, ang kartograpiya ng karanasan sa kulturang popular ang ang tatalakay sa naturalisasyon ng mga dating (effect) sa kulturang ‘di lamang tinatangkilik kundi nilikha na rin para kumita ang iilan (2004).

Nagiging natural sa mga paningin ng tao ang ideal na espasyo, konsumerismo, at dehumanisasyon ng kulturang mall. Kahit na paulit-ulit ang nangyayaring pagsira sa buhay ng tao, bulag na tatanggapin pa rin ng karamihan o kaya’y walang malay na tatanggap na lamang ng tatanggap ang mga tao dahil sa kung ‘di man sila kaapektado ng mga polisiyang ipinapatupad, hindi rin naman talaga nila mapapansin. Ikaw ba namang mabigyan ng trabaho sa isang malamig at malawak na lugar (kahit na contractual pa ‘yan!) sa panahon ngayon ng kahirapan sa mataas na edukasyon at kababaan ng employment rate, aatras ka pa ba? Maaaring dala na rin ng kahirapan sa buhay kung kaya’t ipinipilit ang sarili sa nakapagpapababang mga gawain.

Para kay Tolentino, ang kulturang popular ay bahagi ng mas malaking usapin ng kultura o pagbuo ng kamalayan batay sa mga institusyong politikal, pang-ekonomiya at ideolohikal. At ang kamalayan ay bahagi ng diskursong pangkapangyarihan – ano ang pinaghahari bilang normal at unibersal ng namamayaning kaayusan, at ano ang ginagawang transformasyon ng mga puwersa mula sa ibaba (2004).

Ibig sabihin, mayroong dati, mayroong luma, mayroong dating maayos. Kung darating sa buhay ng mga tao ang mall, tulad ng pagdating ng trabaho kay Preciouse, magkakaroon ng malaking pagbabago sa kani-kanilang buhay na sa pagdating ng panahon, ang magiging kapalit ng dati, luma at maayos na yayakapin at titingnang normal ng karamihan sa mga taong apektado.

Apektado nga ang marami’t kahit na alam ng nakararami na hindi natural ang loob ng isang mall, nagmimistulang mas maaliwalas pa ito sa espasyo ng labas nito. Binobola ng ideal na espasyong ito ang kamalayan ng taong nasa loob na wala siya sa labas kaya walang bahid ng pagkakriminal o kakaiba sa mga nakikitang ibinebenta sa kanya. Mayroong pagbabagong-anyo ng norm. Mayroon ding transformasyon ng taste o kamalayan ng isang tao. Tulad ng mga apektado ng kapangyarihan ni Anastasha sa akda, ang mga tao’y nagkaroon na lamang ng isang malaking mata bilang kanilang ulo – isang malaking maugat na mata.

Mata ang hitsura o pagkakakilala natin kay Anastasha bilang elektronikong nakakakabit sa iba’t ibang bagay. Naging mga matang zombie rin ang mga alagad ni Anastasha. Ayon kay Tolentino, ang mata ang primordial na documentor ng nakaraan at simultaneous na record ng kasalukuyan. Ang mata rin daw, sa lahat ng sensory facilities, ang nakapagpapatanghal sa identidad ng tao (2004).

Mahalaga ang pagtingin sa kulturang mall. Dito nakasalalay ang pagiging mabisa ng isang biswal na patalastas. Maaari ring nakikita ang tagline nila na “Everybody loves Anastasha!” na nakasulat sa bawat supot na berde, na bitbit-bitbit ng mga namimiling naglalakad pauwi at baka sakaling makasalubong ng maraming tao. Ang pagtingin din ay ginagamit sa pagbabantay sa mga empleyado. May mga matang nakaantabay sa kanilang oras na nalalabi at kalagayan ng kanilang trabaho. Ngunit sa kabila ng kalakhan ng pagdidiin ng malalaking mata ng mga taong apektado ng kulturang mall, nakatutuwang isiping sila pa pala ang mas higit na hindi nakakikita. Walang katiyakan ang silbi ng espasyo ng mall dahil sa dinami-dami at nakaliligaw na mga espasyong nakapaloob pa rito, na nakadisenyong iligaw ang “maller” kahit na siya mismo, bilang nakakikitang nilalang, ang nagdala (kahit sub-conciously) ng kanyang sarili sa loob nito o kung saan man siyang lugar sa kasalukuyang magmo-mall.

Kahit naman ganito’y mayroon ding mga pagkakataong paunti-unting tumitiwalag si Preciouse sa hindi pagiging isang tao. Bilang dagdag sa naunang halimbawang nagbibigay kamalayan kay Preciouse bilang isang taong nag-iisip (Habang nakatayo’t hawak ang mga walang lamang supot ng Anastasha...), naaalala niya rin paminsan-minsan na dati-rati, siya’y tao:

Hindi ako ipinanganak bilang isang ahente ni Anastasha. Tao ako, oo, minsa’y naging tao ako.

Hiniling kong hindi sana mabasa ng Panginoon ang laman ng isip ko. Na may laman ang isip ko,...”

Maaaring sabihing tanggap na ni Preciouse sa kasalukuyang hindi siya tao sa pagtratrabaho sa ilalim ni Anastasha ngunit magandang bagay pang ‘di niya nakalilimutan ang kanyang nakaraan. Nagmumukhang kapit sa patalim ang ganitong mga uri ng sitwasyong maaari ring makitang litaw sa ating lipunang kinabibilangan din ng mga nagtratrabaho sa mall. Alam niyang balang araw, anim na buwan pa man o mas mabilis pa, may pag-asa pa ring makabalik sa sariling pagkatao kahit na nabawasan na ito sa loob ng isang panahon ng pagsira sa maraming bahagi o esensya ng pagiging isang tunay na tao – na taong may buhay at kulay ang paligid. Ang paglabang ito ay nakita rin sa may bandang huling bahagi ng akda kung saan napagdesisyunan nina Preciouse at Robin na tapusin na ang huling laban sa mga large-eyed zombie ni Anastasha sa pag-indak gamit ang Dance Revolution machine sa Quantum ng SM Fairview. Sa dulo’y umindak sila tungo sa tagumpay gamit ang Dance Revo machine – ang pag-indak, ang pag-ibig nilang dalawa ni Robin, ang nagpanatiling buhay (makikita sa akda na simula noong makilala ni Preciouse si Robin, mas napadalas pa ang pag-iisip ng ahente hanggang sa hindi na ito sumunod sa kanyang karawang schedule para sa kanyang kinilalang panginoon) at malay kay Preciouse. Paulit-ulit niyang isinigaw ang kanyang pangalan, hindi lamang para maipaalalang muli sa sarili na siya’y isang taong may pagkakakilanlan, ngunit ang pagbabalik-kilala sa sariling may buhay at nakaiindak ang makatatalo sa kapangyarihan ni Anastasha.

Maaaring labanan ang pandedehumanisa ni Anastasha o ng kahit anupamang katulad na makapangyarihang ideolohiya sa pamamagitan ng pagiging malikhain. Samakatuwid, kailanganang paganahin ang utak, ang sariling imahinasyon. Mapapansin namang ang paulit-ulit na paggawa ng isang bagay ay nakapagtatanggal na ng kabuluhan sa gawain iyon lalo pa’t nililimitahan lamang nito ang ating sariling kakayahan at kahusayan. Ang isang tunay na buhay na tao’y nakapag-iisip nang malaya at kritikal, at hindi lamang namomroblema ng iisang bagay habang dumadaan ang isang araw sa harap ng kanyang pagiging buhay.

Subalit sa huli’y manunumbalik pa rin sa negatibong sarili si Preciouse:

Nagsimula akong magsalita, ngunit walang tinig na lumabas mula sa aking bibig. Nagsasalita si Robin pero wala akong naririnig. Unti-unting lumalabo ang paningin ko, natatabunan ng luntiang liwanag.

Nagising ako’t nadiskubreng malayo pa sa pagwawakas ang aming kuwento.


Kahit na makailang balik pa si Preciouse sa taong pagmamalay, mahihirapan pa rin siyang makabalik sa wasto. Mayroong tinatawag si Rolando Tolentino na paradox ng nostalgia na nagsasabing sa pag-igting ng pagnanasang makabalik, lalo namang nabubura ang alaala ng pinagmulan (2004). Mababasa mula sa itaas ang luntiang kulay, indikasyon ng pagbabalik ng kapangyarihan ni Anastasha. Kahit na gaano pa man ang tao’y kamalay sa isang bagay, tulad ng malalaking kamalian ng mall, gagamit at gagamit, papasok at papasok pa rin siya rito. Hinding-hindi niya mapipigilan ang sayang naidudulot ng mga produkto sa mall na idinudulot nito sa kanya. Patuloy niya itong babalik-balikan kahit na makailang-ulit pang isiwalat sa kanya ng kung sinu-sinong kilusan sa akademya o simpleng pag-iisip ng pang-aabuso ng mall sa kanya. Makapangyarihan ang buhay ng berdeng kapangyarihan ng mall, kahit na unti-unti nito tayong isa-isang pinapatay.

Nawawala na ang esensya ng pagiging tao ng isang tao, sa oras na madikitan na siya ng mall. Nawawalan na siya ng kakayahang mag-isip, kahit na gaano pa man niyang isipin ang bawat pagkakamaling isinisiwalat sa kanya, ni gaano pa man kasambulat sa mukha ang narmamataan niya sa tuwing mababasa niya ang papel na ito. Nawawala ang kakayahang mamili, kung alin pa ba ang tama at mali. Marami nang ipinakikitang tama at mali. Nawawala na ang pagkakongkreto ng reyalidad. Panay ideal na lamang ang ipinakikita sa biktima, kung saan iyon din ang kanyang hinahanap. Nawawala sa kanyang paningin ang tunay na hitsura ng reyalidad, ng kanyang reyalidad, at ang lahat ng ito’y mahihirapan siyang labanan. Babalik at babalik pa rin siya sa mall.

Kay daling malinlang ang mata ng biktima. Ipinakikita sa kanya kung anu-ano nga ba ang tama at mali, kahit na mabigyan pa siya ng iba’t ibang bersyon nito. Sa isang pagkakataon, maaaring ipinadadaan ito ng mall sa kanyang mga patalastas kagaya ng billboard. Nariyan ang mga phinotoshop na mga katawan ng kung sinu-sinong modelo kung kaya naman maraming nahuhumaling sa pagpapapayat. Nawawalan ng kakayahang maniwala sa kanyang sarili ang tao dahil sa mga isineset ngang ideyal na katawan ng mga patalastas na ito. Kung lahat na lang ng tao, nagagalit kapag sinabihan ng, “Mataba,” nawawala rin ang reyalidad sa kanyang iba-iba naman talaga lahat ng tao. Nabubulag siya sa katotohanang pinipilit ng mall na ipakitang bumubuo siya (ang mall) ng isang ideyal na populasyong ang lahat ng tao’y mapapayat, walang ibang ginawa kundi ang magpakasosyal at gumastos nang malaki para lamang maging “tama.”

Ilan pang dagdag sa mga kaninang naibigay na halimbawa’y ang pagpapakita sa atin ng mga produktong napakaperpekto sa aspetong biswal nang ipinadaan sa kanilang mga patalastas ngunit nang dumating na sa atin ang aktwal, nanghihinayang na lamang tayo. Ngunit kahit na ganoon, babalik pa rin tayo’t hindi naman talaga nagagalit, sa hindi malaman-lamang dahilan, o sadyang madaling mabulag ang tao basta’t alam niyang galing sa mall, tama ito at astig, kahit na madali siya nitong nilinlang.

Bilang kongkretong halimbawa sa biswal na panlilinlang, nakilala nitong si Benjamin Starr, isang manunulat sa VisualNews.com, ang isang photographer na nagsisiwalat ng katotohanan ng false advertising. Ayon sa isa sa kanyang (Starr) mga artikulo, ang photographer na kanyang tinukoy bilang si Dario D ay nagkaroon ng isang series na pinamagatang Fast Food: Ads. vs. Reality kung saan maingat na pinagtabi’t pinaghambing ng photographer ang kanyang mga kuhang larawan sa mga pinakatanyag na pagkaing fast food, sa mga ginagamit na larawan ng false advertisers. Kitang-kita sa mga larawang kanyang isiniwalat ang malalaking pagkakaiba sa dalawang nasabing panig:


Malakas ang tama ng biswal na kulturang inilalantad ng mall. Minsan, hindi pa natin ito mapapansin, maging sa mga empleyado. Halimbawa na lamang, hindi nakikitang mahirap ang kanilang mga empleyado (kahit na alam naman natin iyon), o hindi ganoon kamasyadong halata dahil sa kanilang mga uniporme. Yung kailangang nakamini-skirt at takong sila. Pare-pareho lamang ang kanilang mga hitsura. Sige, sabihin na nga nating uniporme nga nila iyon, ngunit nagiging bahagi na lamang sila ng isang background na “pangmayaman” at “pansosyal” lamang ang dapat na nakatatapak. May mga taong nakamake-up. May mga taong nakapormal ang suot. Kung ganito na lamang ang makikitang set-up ng mga taong naglalabas-masok sa mall, nauukit na sa kanilang mga isip na magkakaroon sila ng histura o “dating” na mayaman sila. Katulad ng nabanggit kanina sa itaas, nagdadala ng pekeng lakas ng loob at pekeng identidad ang pagpasok at paglabas ng mall. Sariling pagbubura sa kapaligiran at identidad ang nangyayari kung kaya naman marami ang nagsisipuntahan at pabalik-balik sa mall. Para bang ang laking bagay na magmukhang mayaman ng mga tao. Kung patung-patong din naman kasi ang mga paratang sa Pilipinas na sobrang hirap at madumi (na kadalasan, totoo naman), bakit pa magpapakaplastik ang mga tao sa pagpapakaplastik. Bahala nang magmukhang mayaman o mapera.

Hindi lamang mga kostumer ang nawawalan ng pagka-Tao kundi maging ng mga empleyado mismo, tulad na nga ng nababanggit na kanina sa itaas. Ngunit bilang dagdag na rin para sa pagpapalakas ng argumentong pinapaksa at inilalahad, maglalaan pa ang mananaliksik ng ilan pang mga kongkretong halimbawa. Isa na rito ang hindi pagbibigay ng mga karampatang benepisyo para sa mga empleyado. Hindi lamang sa mga mall kundi sa iba pang establisyamento katulad ng gobyerno. Ayon sa isang nakalap na report ng GMA News noong Enero 2013, sinasabi naman daw ng Senado na nagbibigay sila ng mga benepisyo sa kanilang mga empleyado. Ayun nga lang, hindi lahat ng kanilang mga empleyado, nakatatanggap ng mga ito. Ayon pa sa Commission on Audit at base sa binabanggit na balita, malaking pondo ang inilaan para sa mga benepisyong ipinapamigay dapat sa mga empleyado. Kung maraming empleyado ang nagsasabing hindi sila nakatatanggap, edi saan na lamang napupunta ang perang nakarekord sa mga talaan?

Kaugnay nito, ang pelikulang Endo, sa ilalim ng direksyon ni Jade Castro at mga panulat nina Michiko Yamamoto at Raymond Lee, pinatunghayan ng pelikula ang naturang praktika sa Pilipinas kung saan ang mga establisyamento ay tumatanggap ng mga manggagawa sa loob lamang ng tatlo hanggang limang buwan, upang mapayagan silang (mga establisyamento) huwag nang atupagin pa ang mga obligasyong ligal para sa kanilang mga empleyado katulad ng health care, union, social security, at iba pang mga regular na benepisyong nararapat na natatanggap ng isang empleyado. Ang Endo, bilang pamagat, at bilang slang ng “end of contract” o huling araw ng trabaho ay isang pagtingin sa ating lipunang madamot sa pera at walang pakialam sa buhay ng ibang tao. Hindi nagiging tao ang trato sa mga tao kundi mga produkto na lamang na nagmumukhang pinagsasalin-salinan, pinagpapalit-palitan, naglilipat-lipatan. Para bang pinaghihiraman ng napakaraming malalaking makapangyarihan para lang din sa kanilang (mas makapangyarihan) sariling kapakanan. Sila-sila lamang ang nakikinabang, ni walang pakinabang ang lakas-paggawa ng mga empleyado. Nawawalan ng kapangyarihan ang mga empleyado sapagkat kung kailangan din naman nila talaga ng pera, papayag pa rin sila kahit na nakadedehumanisa na ang ginagawa sa kanila ng kanilang mga employer. Sa tagline ng SM na, “We’ve got it all for you,” nagmimistulan na itong, “We’ve got it all from you!” Wala na silang pakialam. Lakas-paggawa na lamang ang natitira sa kanilang mga empleyado kasama ang katiting na kanilang mga suweldo. Ito na lamang ang kanyang pag-aari, ang kanyang lakas-paggawa.
          
  Bilang dagdag pang halimbawa sa pandedehumanisa sa mga empleyado, ayon sa isang artikulong isinulat ni Gemma Garcia para sa Pilipino Star Ngayon (PhilStar.com) nitong Diyembre lamang taong 2013, hindi na raw dapat maglagay pa ng age limit o age requirement ang mga employer sa pagkuha at pag-alis ng mga empleyado. Ito ay nakahain sa House Bill 2416 o Anti-Age Discrimination in Employment Act na isinumite ni Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez. Hindi na raw dapat ginagamit na basehan ang edad ng isang taong naghahanap ng trabaho.

Nakakatawa sapagkat nagpapaka-“anti-discrimination” pa itong si Gomez, e lalo lamang niyang tinutulungan ang mga employer na tumalo pa ng mas mahihina pa sa kanila. Yung tipong wala na talagang kapangyarihan. Kung mababa din lang ang employemnt rate at tumataas naman ang poverty rate, hindi hamak na mas malaking populasyon nga ang mabibigyan ng trabaho ng bill ngunit mas malaki ring hati ng populasyon ang matatanggalan ng makabuluhang buhay. Unti-unti nang pinapaslang ang kinabukasan ng kabataang empleyado. Nakikinabang sa ganitong sitwasyon ang estado.

Kontrolado na ng estado ang mga tao. Walang makagagalaw. Maging mahirap man o mayaman, naghahanap ng trabaho o mayroon na. Lahat, nakikita ni Anastasha, at lahat, nakikita si Anastasha. Walang takas, walang tunay na liwanag. May diwa, ngunit walang bakas ng pagtiwalag.



Sanggunian:

Garcia, G. 2013. “Age limit sa empleyado pinapaalis.” Huling kinuha noong Marso 30, 2014 mula sa .             
 Gonzales, V. 2008. “Patayin sa Indak si Anastasha!.” Lagda: Journal ng UP DFPP. ed. (Eugene Evasco. Will Ortiz). Quezon City: DFPP-KAL. pp. 338-357.
Starr, B. 2012. “Fast Food: Advertisements vs. Reality.” Huling kinuha noong Marso 30, 2014 mula sa .
Tolentino, R. 2004. “Sa Loob at Labas ng Mall Kong Sawi / Kaliluha’y Siyang Nangyayaring Hari.” Kulturang Mall. Pasig City: Anvil Publishing, Inc. pp. 1-31.
Tolentino, R. 2004. “Malling, Subcontracting, at Serbisyong Ekonomiya sa SM.” Kulturang Mall. Pasig City: Anvil Publishing, Inc. pp. 32-72.
Youtube.com. 2013. “Benepisyong binibigay sa empleyado sa Senado, ‘di raw natatanggap ng iba pang empleyado ng gobyerno.” GMA News. Huling kinuha noong Marso 30, 2014 mula sa .