Mahalaga ang mass media. Mahalagang nalalaman ng
nakararami kung ano talaga ang nangyayari. Hindi yung umaabot lang sa halos
bente minutong pag-alam kung bakit nga ba bata ang asawa ng nagpaconvert ng
relihiyong musikero o pagpapapogi lang ng ating presidente noong high school pa
lang siya. Nadistract lang panumandali ng Yolanda, nakalimutan na agad sina
Napoles at kanyang mga tropa. Isang napakagandang paraang ang paggamit ng
musika para mabawing muli ang atensyon ng masa. Ang mga ipinakitang bansa sa
dokyumentaryong Rebel Music Americas ay nagpapakita ng hindi lamang ng
kahusayan ng mga artista sa pagkilatis sa mga hindi madaling mapansing
nangyayari sa kani-kanilang mga lipunan kundi isang napakamalikhaing paglalapat
ng kanilang talento – talentong hinasa para sa kapakanan nila, ng iba, at ng
kinabukasan.
Magandang madaling maaliw sa ganitong uri ng
demonstrasyon pati na ang mga bata. Mayroong iilang mga nagsiawit pa sa harap
mismo ng camera. Alam nilang delikado marahil dahil sa panghuhuli umano ng mga
napipikon sa administrasyon ngunit walang nakitang ni katiting na takot mula sa
mga batang artistang ito. Nakalulungkot minsang isiping kung sa kanila nga,
nakabubuo na ng ganoong kamulat na awit ang mga bata habang sila’y
nagtratrabaho’t naghihirap, nahihirapan akong ikumpara nang may pantay na antas
kung ihahambing sa mga bata sa Pilipinas.
Ngunit kahit na ganoon, hindi rin naman maitatangging ginawa na natin yung ganitong pagkamalikhain para isigaw ang tunay na boses ng nakakikitang masa, ng masang matalino, ng masang hindi natatakot. Sana’y lumawak nga lang. Hindi natatapos sa pagkakariton o pagbebenta na lamang ng mga tali sa buhok o sampagita ang kabataang Pilipino. Panahon na rin sigurong ang pinapapanood sa kanila ay mga ganitong uri ng dokyumentaryo (kung maisalin man) at hindi yung balita na naman sa dating life ng kung sinuman. Panahon na dapat, matagal na, na hindi na keyboard ng computer o balisong ang hawak kundi mga lapis at papel, tanda ng edukasyon at pagsulat nila ng kanilang hinanaing. Akala ko ba mahilig din sa musika ang mga Pilipino? Panahon na dapat ng pag-angat ng boses ng masa, at ‘di malimutang dapat na bahagi ng masang ito ang kabataan.

No comments:
Post a Comment