Nais
ko nang sumakay ulit doon sa wala nang makapipigil na paglipad sa haraya. Tila
galit-galit na nagmamahalang magkakaibigan dahil hindi malaman kung kailan nga
ba magkakatugma. Pero kahit na ganoon, sabay-sabay tayong lulutang sa langit,
halos bulag nang mga paningin, musikang dalampasigan, orange, violet, pink, sky
blue sa tenga, mahanging may kaunting kabang bumitaw.
Parang
bigla na lang kasing mapapipitlag tayong lahat, mula sa napakabigat na
pagkakupo, sa tuwing may mga kalabasang android, tulad din natin. May
kapangyarihan tayong panibago na ayaw naman nating tanggapin ni gamitin dahil
nauulol lang din naman tayo. With great power, comes great paranoia.
Pero
laugh trip pa rin naman. Kahit tawanan pa tayo nang makailang ulit ng mga ilaw sa
poste, dingding, kisame, kisame ng ibang bahay, alitaptap, parol na hindi
pamasko, pundidong flashlight, kandila, katol, usok, mitsa, sumasayaw na mga
usok, sasabay sa aking mga tenga ang imbentong melody na tanging arok lang din
ng diwa at kunwaring talento ko, mapatatawang muli, hagikhikan, halakhakan, may
isang ngingiti, may sasabay, kuwentuhan, kuwentuhan sa amoy at lutong ng bagong
hangong fries at fried chicken, pilangkis ng laway, ngipin, at labi,
mapapansing muli ang usok na tila halos isang araw mo nang tinitingnan,
magsisinding muli ng panibago.
Kailangan
kasi nating kanselahin ang amoy gayong pugad nga naman ng mas makapangyarihan
sa atin ang ating hinihigaan. Kailangan nating maglinis habang nagdudumi. Kahit
na alam na rin ng buong santinakpan na mas madumi, at tanging madumi pa nga ang
ginagamit nating panlinis.
Hindi
naman ganoong kamakalat kapag happiness yung trip. Tayo lang din naman ang
pupulot sa ating mga sarili matapos lumipad, maglakbay. Iiwanan nating gutom
ang mga kalam, lalam, unan, kumot, malambot nang muling hihimlay. Hindi rin
maeksplika kung paanong nakahihilo pa rin ang nakikita ng patay nang mga mata.
Buhay ang diwa. Ayoko pang tapusin pero kinakabahan na rin ako kahit kanina pa tayo tawa nang tawa. Hindi dapat masanay sa ganitong mga balakin pero kay sarap ulitin. Kaya nga natin inulit yung powers and haraya, gabundok nang mga upos, ngunit walang haring osong pinatumba.
Buhay ang diwa. Ayoko pang tapusin pero kinakabahan na rin ako kahit kanina pa tayo tawa nang tawa. Hindi dapat masanay sa ganitong mga balakin pero kay sarap ulitin. Kaya nga natin inulit yung powers and haraya, gabundok nang mga upos, ngunit walang haring osong pinatumba.
No comments:
Post a Comment