December 31, 2018
Hindi Ito Iyon
December 15, 2018
Hiyuri
O linyang sobrang lupet
Tapos palalawakin kong kaunti
Mag-iisip at
Maghahanap ako
ng iba-iba pang terminong
May kahulugang-lapit
May ugnayang-sabit
Sa mga salitang aking napili
Sa wikang aking binali-
Bali para lang makapangusap
Dahil ang mga salita
Ay hindi mga salita lamang
Pari-pariralang hindi kailanman
Matutuldukan
October 26, 2018
Saan Nanggaling ang Pagsigaw ng, "SS!" sa Online Games?
I have this theory na galing sa Gunbound yung SS na isinisigaw ngayon ng moba players.
I think SS is widely used now in most online games na mayroong ultimate skill ang isang character. Ultimate skill meaning pinakamalakas/pinakahuli na skill.
Ang salitang ultimate ay huli/last. Most often, ang most powerful skill ng character ay nasa dulo ng UI/HUD kaya napagkakamalang pinaka/malakas/malupit ang ibig sabihin ng ultimate.
I first encountered SS sa Gunbound nung 2003, which literally uses the term SS as the ultimate skill ng isang mobile (sasakyan). It just means Special Shot which is the shot of a mobile that does the highest possible damage in the game.
Gunbound was pretty popular back then. Dota was too. Most computer shops (internet cafés) had these two popular games installed on their PCs.
Mula sa Gunbound, some players switching to different games would be using the term (SS) as a substitute to an ultimate skill or a character’s most powerful skill. Dota has this (each hero in Dota has an ultimate skill), and now, most moba games.
Dota was also first released around 2003 so yeah, Gunbound players playing Dota would be shouting, “SS!” if they wanted you to use your hero’s ultimate/last skill. This habit will then be picked up by other players who never even played Gunbound.
An alternate alternate term Ult/Ulti (short for Ultimate (skill)) is also used by players similarly meaning, well, the character’s most powerful skill.
Tara G! http://gunbound.be/
IGN: Luna28
October 25, 2018
Kawing
Pasensya na, kung marupok akong magpapatawad sa iyo, sa iyong mga mapanakit na pag-ibig lamang ang kaya kong isukli.
Pasensya na, kung marupok akong magbabalik at magbabalik sa iyo, sa aking pag-intinding tao lamang tayong lahat na nagkakamali at pinatatawad.
Patawarin ako, akong marupok na nangunguna ang dampi kaysa gigil, ang lambing kaysa luha, ang ibig kaysa laya.
Patawarin ako, akong marupok na kulong sa pagmamahal sa iyo, sa iyong sinuyo para sa minsang pagsintang lambing.
August 22, 2018
June 27, 2018
Gill
Pinalad makita
Ang siyang pagtali mo ng buhok
Palayo sa ating makikitid na
Salarinang ibahing pangyayari
Mangyaring habulin na naman tayo,
Sa pagmamadali ng kay kupad na oras
Hinding-hindi ka nakatatakas
Sa aking pagyaring
Hindi na naman ako
Ang siyang nakakita
Sa pagtali ng iyong buhok
Palayo sa aking sarili
At pagkitid
Sa ibang pangyayaring
Hinding-hindi ako nakatatakas
June 24, 2018
May 27, 2018
Lair
Ipakita ang mga mukhang kubli
Lubhang hindi makuhang sundin
Katas kuno ng kutya kundi
Kulang ay kanti; Mutyang kaunti
Lamang ang aking nalalaman
Kailan ba magiging sakahan
Tanging pagitan, sariling hangganan
Manatiling punlahan yaring yaman
Lang din namang walang talang
Kayang sumalang ng liwanag
Sa'king salang sinayad
Lang din naman sa ganang
Sa'king dayang pinalad
April 20, 2018
Lisin Sana
Sana naiintindihan mo
Sana inintindi mo
Sana iniintindi mo
Sana intindihin mo
Sana iniintindi mo
Intindihin mo
Intindihin mo, pakiusap
Pakiusap, intindihin mo
Iintindihin mo sana
Iintindihin mo ba
Iintindihin mo pa
Iintindihin mo pa ba
Intindihin mo na
Intindihin mo na sana
Sana intindihin mo na
Tindihan mo na ang pagsana
Matindi ang pagsana
Matindi ang pagnasa
'Pag matindi ba,
Magnasa
'Pag matindi ang nasa,
Iintindi ba
Aba, 'di na iniintindi
'Pag nasa baba na
Ang pag-intindi
Hindi na iniintindi
Hindi pa umiintindi
Sana naintindihan mo
Hindi mo naintindihan
Sana
April 2, 2018
Hindi Kailangan
Muling pagsilay kong sa'yo
Muling pagkilala sa aking, muling sarili
Magbabalik ako, kung saan man ako
Dalhin ng iyong siyang pagbalik ng sulyap
Hindi natin maiintindihan pa
Ang muli mong paggising sa aking
Nagkukunwari na lamang na pag-akit
Sa hikahis bago ang paalam
Saka mo na ako bibigyang-aliw
Muling pag-aliw sa aking sarili
March 15, 2018
February 5, 2018
Yaan
Ang aking pagtahan
Sa makamundong pagsanay
Sa sarili
Sa mukhang ewan ko nang mga sarili
Minsan lamang ang pagtahan
Ang aking paghanap
Sa aking pagmuli,
At aking pagbalik
Minsan kang naging pagtahan
Sa aking panginig,
Sa pagit ng pangarap at panaginip,
Minsan lamang kitang naging tahanan
January 16, 2018
Paggamit ng Gitling / Hyphen sa Filipino
Vowel + Vowel ❌
Consonant + Consonant ❌
Vowel + Consonant ❌
Consonant + Vowel ✔️
Inuulit na salita ✔️
ma + ingat = maingat
mag + salsal = magsalsal
ma + ganda = maganda
nag + iwan = nag-iwan
Exception: um, in
um + alis = umalis, dahil nahati sa dalawang syllable ang um. (Gayundin sa inamin, gumamit, kinain.)
January 10, 2018
Well...
Ayaw ko rin namang may itinatago sa iyo, at alam mo yun. At alam mo yun, sana hindi ka magalit, manlamig, kasi ako na siguro yung nanlamig kahapon, kagabi. Mas malamig pa siguro ako run sa liwanag ng buwan, ni Luna. Mahilig ako magkape minsan kaso hindi ko inisip na sa mga palad mo pala, makauunawa na ako ng panibagong abot-langit na hikahis ng lambing.
Patawad. Paniwalaan mo ako kapag sinabi kong araw-araw akong nakikipagtalo sa sarili ko na ikaw ang tama, at ako ang siyang tunay na mali. Ilang beses kong pinakikiusapan yung iba kong mga sarili na sana, sana palagi nilang naaalalang mahal mo ako. Mabigat isiping (una) sinigurado kong mas maaga kang makapasok sa bagong patak ng umpisa ngunit ikinagalit mo ito. Lumayo ako dahil alam kong kailangan muna nating tumahimik nang makapag-isip ng mga sasabihin. Hinanap kitang muli, at nilapitan. Tama namang mali ang sagutin ng galit ang isa pang galit. Lalo lamang mabubusog ang digma sa gatong. Nagdesisyon akong magalit, dahil iyon ang una kong naramdaman, at hindi rin naman nalalayo sa pag-iisip na nagalit ka dahil sa hindi na lamang kita hinayaan.
(pangalawa) Nasagot ako nang hindi kanais-nais sa pagpapaliwanag ko nang maayos. Kung maging hindi magkahawig ang opinyon ko sa parehong bagay, sinisikap ko pa rin sa bawat pagkakataong pag-isipan ang aking mga sagot sa mga tanong. Pinili kong magalit dahil hindi ko matanggap na may mga ganoong pagtrato sa akin. Nakakainit din ng dugong isiping ikaw ang siyang hinanap ko noong nagkamali ako sa pagpasok at pinuntahan, at fine lamang ang natanggap ko, na bakit? Bakit ganoon na lamang?
Nanlamig na ako. Gusto ko nang mamatay dahil sa ikaw ang nagalit sa pagpasok, dahil sa pagtulong ko. Ako ang nagalit sa fine. Lugmok na lugmok na yung buong espiritu ng katawan ko. Hindi matanggap ng buong pagkatao ko kung bakit iyon nangyayari sa akin.
Naluluha na ako.
Paulit-ulit silang bumubulong na mahal mo ako, mahal mo ako. Sa bawat pagyakap nila sa akin bilang pag-unawa at pag-ibig sa iyo, siyang sasagutin ko ng kesyo bakit ganito, at bakit ganyan. Hindi ako naghahanap ng kung sinong mananalo, o sinong tama talaga, dahil alam ko naman kung mali talaga ako. Gusto ko nang mawala kasi parang wala naman ako, at bilang din namang hanggang sa pagtulong ko at bawat galit ko, kailangang pulutin ko na lamang silang mga bakas sa lupa.
Hindi napupulot ang mga bakas, nakikita na lamang sila. Kinuha mo ang aking mga palad habang nakikipag-away pa rin ako sa mga sarili ko. Hindi ko inisip na iwan ka, ngunit baka gumaan man lang sana yung loob ko kung wala na lang talaga akong maramdaman at mamatay.
Kinuha mo ang aking mga palad. Naintindihan kong muli ang pag-ibig. Iniisip kong mawala na lamang ang aking mga nararamdaman ngunit ang kailangan ko ay yung kasama ka. Hindi na baleng hindi makaintindihan sa umpisa, basta mayroong pag-akay, at hindi binabalewala. Alam kong may mga bagay kang ayaw mong gawin sa'yo kaya hindi mo ginagawa sa iba.
Kinuha mo ang aking mga palad. Kinuha mong muli ang aking buhay. Naramdaman kong buhay pa ako, at kailangan ko pang mabuhay. Hindi kita kalaban, at hindi tayo magkaaway. Hindi lamang tayo nagtatagpo kaya nararapat lamang lumingon, at akayin ang maiwan. Malabo ako, pero laking pasasalamat ko sa bawat oras na pag-intindi mo sa akin.
Kinuha mo ang aking mga palad. Sinabi ko sa sarili kong sana matraffic. Sinabi ko sa sarili kong huwag mo nang bitawan. Sinabi ko sa sarili kong hindi kita bibitawan. Sinabi ko sa sarili kong mahal, mahal na mahal kita. Sa iyo lamang ang aking palad, at sa iyo lamang din ang aking palad.