Malapit na naman mag-Valentine's Day. Kasi malapit na naman mag-February. Ano na naman bang balak mo? Dating gawi na naman? O meron ka na ngayong kadate? Suwerte mo naman. E pano yung mga wala? Ikaw, ngayon, wala ka ba ngayon? Pa'no 'yan? Kakalungkot ba? Ano kayang puwede mong gawin? Gusto mo, maiba naman? Gusto mo bang mantrip na lang? Dapat may sipon ka muna, o kahit sakit na lang, na nakahahawa. Pumasok ka sa canteen, yung canteen na may water dispenser. O kung sa mall, dun sa food court. Malamang sa malamang maraming ganun dun. Yung gagamitin mong baso, nakataob dapat kapag sinauli mo. O 'di ba? Nasayang lang yung oras mo sa pagbabasa ng post na 'to. Pero hindi na rin masamang subukan yung naisip ko. Minsan, gusto ko siyang subukan. Para lang may mahawa sa sakit ko. Sa sakit ng maraming tao. Kahit na alam ko namang halos magkakapareho lang kami ng mga sakit. Masakit. Masakit siguro ang walang kasama sa Valentine's Day. Pero mas masakit yung 'di makalalabas ng bahay dahil sa sakit na ikinakalat mo. Pero mas masakit siguro yung pupuntahan yung nahawaan mo ng kanyang valentine. Paano pa kung sa'yo nangyari 'to? Magpapahuli ka pa ba? Magpahuli ka na lang. Yung tipong tatamarin ka na naman gumawa ng bago, ng kakaiba. Nasa bahay mo na naman ikaw, nagbabasa ng mga walang kuwentang nakasulat sa internet, magsusulat ng mga walang kabuluhan at 'di malupit.
No comments:
Post a Comment