Edi ayun na nga. Bumubuhos na rin yung mga tao. Hindi rin sila makasiguro kung bakit andito ako. E ano? Tingin ko lang naman kasi, binagtas ko yung papuntang AS steps, matapos makapagyosi't kape nang walang kasama. E sa gusto lang naman kitang makita. Ulit.
Nakailang punas na rin ako ng pawis at putang pag-aadjust ng bag. Wala ka pa rin. Muntik ko lang namang tipirin yung yosi ko, natin. Baka sakali lang. Tsaka baka sakali lang ding hindi ka pa nakakabili. Na siguro ring hindi pa mangyayari kasi sagad ka mangatal.
Anyway,
wala pa rin yata akong narereceive na text mula sa'yo. Nagsimula nang mamaratang at bumulalas ng bulyaw sa mikropono yung mga nakaitim na shirt. Edi tuwang-tuwa naman ako. Kasi, somehow, may nangyayari na. Balita ko rin, aakyat pa (kami) ng apat na palapag para lang mangalampag ng mga classroom at manghikayat nang 'di malumanay.
Inaamag na rin yung phone ko pero wala ka pa rin. Okay lang, okay? Hindi naman ako galit. Madali lang namang mangonsidera. Hindi rin naman ako nagmamadali o kung ano. It's just, idk, sabik?
Sino ba namang 'di makapagpipigil sa'yo. Sino ba namang titigil sa'yo. Sino ba namang mag-iisip na, "Fuck this shit. Wala akong pakialam." Wala. Siguro. Sana. Hindi naman kasi mahilig magkulong ang mga tao, kung sakaling sila rin naman ang may hawak ng susi. Or. Akala lang talaga nila iyon. Wala naman na sigurong may hawak. Siguro.
Umaasa pa rin naman yung papel na sulatan mo siya dahil sa nagpaalam ka naman nang maayos at malinaw kung pupuwede mong hawakan yung ballpen niya. Ibang kuwento na rin siguro yung tungkol sa kanilang dalawa. Siguro trip mo rin namang magpahinga, humingi ng kaunting oras para sa sarili mo, pero, hindi ko alam. Pinipilit kong pagtripan yung sarili ko pero minsan, ibang entity na rin yung gustong bumuga ng trip. Hindi ko na rin mabasa kung hila lang 'yon ng kadikitang sapot o pulupot na lang din ng nagbabalat-kayong ahas. Ni hindi na rin siguro, sige, oo, umabot sa pagsisid ng perlas pero masakit pa rin pumigtas sa balat yung mismong balang kumawala habang nakapikit ako at binabalot ang sarili.
'Di ko na lang siguro aalintanain. Pero mamaya na. Sana, dumating yung araw na mas makakapaghintay na ako nang hindi kung anu-anong bullshit ang iniisip. Magbabaka sakali na lang ding kaya ako minsang kuwentuhan ng mga yosi ko. Uupo na lang muna ako, pero hindi susubukang makipagbullshitan din sa kanila. Sila nang bahala mamilosopo sa pansarili rin naman talaga nilang mga daigdig.
Ikaw lang naman talaga yung tanging pinunta ko rito.
No comments:
Post a Comment