Mahalin mo na ako. Ako lang naman ito. Akong may kinalaman ng sinangkutsa. Akong kakain sa lalamunan. Akong kumakain sa aking sarili. Hindi mo ako mapapatawad sapagkat nauuna pa sa akin ang mga palaka sa pagpisat ng mga langaw. Ang pagligo sa ilalim ng araw ay matapang na idinaraos sa tuwing may tubigang palay na iniaalay. At dahil na lamang sa talikurang pagganap ng mga niyayari, saka na lamang muna ang pira-pirasong mga pangarap ng iilan.
Madali mo akong matutunton sa ilalim ng malahiganteng masinop pa sa mga naglilinis ng lababo. Hindi ako matipuno at lalung-lalong hindi nangyayari. Ibibilad kita sa panlasang hukom na ang timpla'y nagngangalan sa ikbayo ng kasalanan. Magugustuhan mo ang iyong mga pagngiti, at magkakaroon ka ng panibagong mga sarili. Muling magigising ang iyong palyang paghimbing. Mamumutawi ang tauhang gigil. Maalanyahay nang eeskapo sa pagitan ng nanlalabo nang mga paningin.
Magtatago tayong pareho sa kanilang mga hikahos, sa ating mga kurong matagal nang hindi nagwawalis. Masisipag ang mga naiiwan. Lahat sila'y pinagbibigyan lamang. Ang mabuhay sa ibabaw ng pagkaalipin ay hindi labag sa marurupok sa pala-palapag na karikitan. Baluktot nga ang mga tuwid, tayo ang makasisiguro. Huwag nang matapos ang gabi ng pagtitig na nangangakong aalisin din ng mga apuhap.
No comments:
Post a Comment