December 25, 2016

Albien

2015.


Pumunta ako kagabi sa Blackout yata yun ng Aces yata yun, malay. Sinama lang ako ng mga kaibigan ko kahit wala akong pera. Umutang lang naman ako.

Una kitang nakita malapit yata sa bar, papunta ako dun. Nakapula ka, I think, na dress? Hindi ko alam. Madilim. Nagtagpo yung mga mata natin, halos dalawang segundong titigan, tapos kaunting paninigurado kung kilala ba natin yung isa't isa. Sabi ko sa sarili ko, bahala na, kakaway na lang ako.

Kumaway naman si gago. Kumaway ka rin pabalik. Hindi ko na maalala kung naghello ka ba, o hi. O kamusta.

Hindi mo yata ako kinamusta kasi hindi ko naman maalalang may sinabi ako tungkol sa hindi pa ako graduate. Tinanong mo lang yata kung sinong kasama ko. Sabi ko, ako lang.

Magkabatch tayo, alam ko. Magkablock pa nga yata. Kaunti lang naman tayo nun. Una yata kitang nakabond nung enrollment, First Year, Second Sem. Hindi ako marunong magtanong dati kung anong pangalan ng isang babae.

Kakahiya. Iniisip ko kasi baka isipin mong may motibo agad, o something. Tanga ako eh.

Pero meron din naman. Or wala. Hindi ko alam. Hindi ko alam yung pangalan mo. Kaya siguro nung nagkita tayo kagabi, wala rin tayong mapag-usapan. Ay, hindi mo pala ako kinausap. Pero okay lang.

Hindi okay na hindi ko alam yung pangalan mo.

Nagkataon, siguro after 1-2 hours na pagwawala ng mga tao sa bar, at pagdrop ng bass, nagkita muli tayo. Or nakita lang kita ta's nilapitan. Tapos nagkita nga tayo. Natatawa kasi ako sa'yo kaya nilapitan na kita. Nilalabanan mo yung kalasingan, pagkahilo. Para kang puno ng malunggay na malapit nang tumumba sa lakas ng hangin, pero ayaw patinag. Steady kang nagheheadbang, papikit-pikit, pilit na hinuhukay sa ilalim ang malay pero sa sobrang lalim mo na yata e mukhang hindi ka na makakaahon.

Pilit na lang din akong lumapit sa'yo.

"Haha! Alam mo ba 'tsura mo? Gan'to ka na oh!"

Sabay nagpatumba-tumba rin akong malunggay.

"Isuka mo na kaya 'yan."
"HAAA?!"

Lumapit ako sa kanang tenga mo, "Isuka mo na 'yan."

"Saan ba puwedeng sumuka?"
"(Malamang hindi rito at sa CR.) *turo sa banyo. Doon."

"Saan?" sabay patong ng kamay mo sa balikat ko. Naramdaman ko yung bigat ng pagkahilo mo. Hanggang sa dalawang braso mo na. Lalong bumigat. Itinulak mo na ako, at sumunod ka naman sa akin.

Inalalayan naman kita tungo sa banyo. Inalis mo na yung nakapatong mong mga braso. Hindi ko na rin maalala kung nagthank you ka nung naglalakad ka na papasok.

Tumawa na lang ako.
Umiling.
Ngumiti.
Umalis.

Wala na yatang pagkakataon pa para magtanong ako ng pangalan kung gano'n mo na ako kakilala. Parang nakakahiya ulit.

December 14, 2016

VV Row, Ren B

Gugulo iyon sa paligid
Sa lahat ng nakapansin
Hindi naman mailagan
Hindi rin makahingi ng tawad
Kahit sa sarili
Ilang beses pang mapapapayag
Ilang ulit ding nangingindat
Hindi rin makahingi ng saglit
Kahit na ilang bigat pa ang halaga
Titimbang ang mapaglarong ulap
Habang unti-unting iidlip
Sa pungay ng hapong paningin

Hindi na makahingi ng idlip

December 12, 2016

Swoot

Hindi pa rin sinisikatan ang kulimlim
Mahaba-habang ligoy ng simoy
Iduduyan ko na lamang ito
Iduduyan ko na lamang ang lahat
Ibahala na muna sa iyo ang bigat
Hayaan mong hayaan ako
Palipasin mo ang aking pamaalam
Sa aking pagbati sa umaga
Siya rin akong babati ng ayaw
Sa mga lawis at kulirap
Iduduyan ko na lamang sa iyo
Iduruyan ko na'ng lahat
Latak na lamang ang mga ngiti
Wala nang tumutulong pihit
Walang iba kundi ako
Ako na lamang ang maaaring mapagod
Humimlay, manahimik, humingang muli
At wala kang magagawa kundi
Iduyan na lamang ako
Iduyan mo na lamang ako

December 1, 2016

Folf

Pam- uh
Pamul- syet
Pamula, pula.

Hindi ako galit
Naiinis lang ako
Kahit ayaw sumabay ng dugo ko
Sa mga hindi mong ibinabalik
Sa aking mga sulyap
Maging ang pagsabay ng hanging
Sa aki'y dedma lamang ang sagot mo
Patay na patay na ang liwanag sa iyo
Subukan man nila,
Nagkukusa pa rin bumalik
Ang aking mga paumanhin,
Mga paanyaya, mga pasya,
Mga paliya, mga pahiya
Namumula na naman ang mga labi
Kikitid ang lingat, at hihingi ng palusot
Babatid sa iyong pisngi kung
Ikaw rin ba
O ako na lang
Ako lang

Paumanhin

October 30, 2016

Upd9

Nasa panahon ako ngayon ng pagitanang pagnilay at pagdurugo sa mangilang papel. Isinantabi ko na rin muna yung Relapse at Recap, pero tatapusin ko pa rin sila, sana. Pinag-iisipan ko pa kung ilalagay ko rito kapag natapos ko na lahat. Hindi ko naman din kayang abandunahin ito. Mahal ko ito eh. E ikaw? Charaught. 

Anyway, huwag mabahala. I miss you, too.

September 16, 2016

Ni V

Hindi ko alam kung alam mo na
O alam mo na pala
O sadyang mabagal lang talaga
Ang ikot ng mundo
Wala naman akong sinadya
Kailanman
At kailanman, madalas kong
       ipaabot sa iyo
Kung sino ka pa ba naman sa akin
Ngunit ni hindi kung sino ka talaga
Sa akin
Magsisimula ang lahat
Pero sino ba ang magtatapos
At saan ito magtatapos
Kung madalas manadya ang mundo
Sa atin

September 12, 2016

Wllr



Higpit na lang ding aamin
Ang iyong mga braso
Sa mabahid na kilig
Galing sa kung bakit hindi pa makuntento
Sa paghimbing ang araw
Hahanapin mo akong muli
Sa dilim, sa gitna ng kay-rupok mong katawan
Hihilahin mo'ko at kita'y lalambingin
Kagyat nang mapapawi
Ang ginaw na kinasanayan
Pabalik-balik sa init
Magpakung sino, saan
Sa dilim man, o akap ko
Tanging may silbi sa iyo

September 11, 2016

Sabihin Mo, Keyboard Gangster, Yung Pang-30 Minutes

[September 7, 2016, 11-ish pm]

Yung kuwartong (****** **** **g-) amoy tamod, yosi, at tilamsik ng beer galing sa bibig. Pareho lang pumupunas, sabay pahid, kung saan-saan na lang kami dumudura.

O ano, meron akong ano- ah, ano rito, mga tatlong stick na lang ng Winston Lights. Hindi ko natripan kasi ngayong araw yung Pallmallive Naturals. Wala na muna akong pakialam sa boses ko. Inuna ko na rin sindihan kanina yung lucky stick, baka sakaling tamaan ng kidlat.

Mabuti na lang. Lumapit na ako agad sa may isang tindahang may tanging liwanag sa street. Nakita kitang gising pa, kasama ng dalawang kumag na lasing na lasing na rin. Tiningala ko yung buwan. Binadtrip lang ng ambon yung mga mata ko. Pahid ulit. Maliwanag pa pala. Tulog pa rin ang mga tilaok.

Ikaw ang una kong nakita, tapos tiningnan. Bumating-lasing din sa mga repapips power representationsz. Apir dito, kayod doon. Wala naman kaming medyo pakialam sa isa't isa. Sa iyo lamang.

Kinausap kita. Naalala mo naman pala ako. Siyempre, agarang tanong kung saan nga ba ako nanggaling sabay tingin sa relo mo. Tumingin din ako sa relo ko, baka sakaling makaramdam ka rin ng pekeng vibes.

"Isang kaha po ng Marlboro, pula," medyo bitin kasi.
"Wow, reds ka (rin) pala," hithit, tingala, buga.
"Wala eh," hindi ko na alam ang susunod.

Ikaw na rin ang nag-umpisa, wapakels na ako sa next episodes.

"Dun ka pa rin sa *Subdivision niyo nakatira?"
"Yeap," pagpigil, kamot ulo, "'Kaw ba?"
"Dun pa rin."

Malamang. Sumundot na rin ako ng isang stick matapos taktaking pamekeng hangod ng lasing ang aking kaha. Flick. Burn. Higop.

"Kaso walang tao sa amin ngayon."

Nayari ang mokong. Tumukol na bigla. Binulsa ko na agad yung kaha ko. Katatapos ko lang magchess kanina kaya pag-iisipan ko na muna yung lantad mong huyakoy.

"Oh? Bakit?" malamang sa malamang ulit.
"Hindi ko alam. E kasi," bla bla bla. May namatay rin sa akin. Ipinaliwanag mo pang hindi ka maaaring magpaliban sa tarvaho.
"Ah, sa'n pala work mo ngayon?"
"Sa Makati lang. 'Kaw ba?"
"Dun din."

Hits. Usok. Panay balikan na ng tingin at silip sa aking likuran kung dinig pa nga ba tayo ng dalawang tambay. Pabalik-balik din ako sa kung anong meron sa iyo at bakit nagkakaganito.

"Ga'no katagal na silang wala?"
"Matagal-tagal pa," lasing ka ba? O sinadya mo na lamang. Nagmamadali ka na rin siguro.
"Boring 'no?"
"Boring."
"May dala akong laptop dito," badyang flat nips and fuck. "Beer?"
"Beer? Hahahahaha. Hindi ka ba hahanapin sa inyo?"
"Hahanapin, malamang."
"Sure ka ba?"

Ang lakas kaya ng aya mo. Tumango na lamang ako ng dalawang beses at nagbabayu na tayo sa dalawang spicy fuckers.

Kaunting lakad. Kaunting ambon. May dumaang motorsiklo sakay ang dalawang spicy fuckers na kumakaladkad ang mga gilagid. Tumingin ako sa iyo, nginitian mo naman ang tsonggo.

Unti-unti nang bumagal hanggang sumakto. Tumigil na tayo sa harapan ng inyong gate. Walang susi. Wirdo. Matagal pa naman na akong takot sa kabilang subdivision na'to, ninyo.

"Pasok ka," malamang.

Ikaw na ang nagsara ng gate,
nagbukas ng pinto,
nagsara,
nagbukas ng ilaw,
naglapag na tayo ng mga bag,
nagbukas ng pinto,
nagbukas ng ilaw,
nagsindi.

"Nonood pa ba?"

Nginitian mo na lamang ako.

Sa labi, sa likod, kahit makailang daplis pa sa inog ng daghan. Ikaw ang bahala sa akin at ako rin ang bahala sa iyo. Kikising ang ungol ng aircon ngunit wala pa ring magtatap'sin sa'ting dalawa. Tayong dalawa na lamang muli ang sabay sa mundong balu-baluktot. Ni hindi sila magkamayaw sa kung kailan pa nga o pasaan at paano. Tayo na lamang muli at tayo na lamang.

August 31, 2016

Iskarnd!

Mahirap pumiglas
Sa tahimik na sigaw ng sining
Aalingawngaw sa loob,
Salimuot ng paghinging-kalayaan
Paglaya, tungong inakong kulungan
Paglayo, sa pilit na lumalapit
Paglapit muli sa sariling
Muli't muling iniiwan


Mahirap tumakas

Sa luha ng masiyang alaala
Gandang-ganid na
Hinding-hindi niyo ako mauunawaan
At patay-sinding
Kayo na ang bahala sa akin
Sa aking may tanging hiling
Na pag-ayaw sa ibang mga sariling
Wala nang ibang maalaala

Mapagpaubaya ang sining

Hindi siya mag-aapura
Ni hindi manlalamang
At sa puntong pumatak nang muli
Ang oras na paghimlay-malay
Uulit ding mang-aakit ang sining
Sa aking magkusang-alay

August 22, 2016

Reboot

Hindi ko alam kung napansin mo na, o pinansin mo ba. Papansinin mo pa ba talaga? O hanggang pagpapapansin na lamang ako, kahit alam kong hindi ko naman kayang gawin yun. Malabo. Malayo. Hindi ko rin naman talaga kakayanin. At alam kong paulit-ulit lang naman yung tono ko, mapadati, hanggang sa ngayon, hindi ko kayang magbago. Baka kasi siguro, ayaw ko ring magbago. Nakakatamad minsan. Wala naman akong kayang ihaing bago. Ikaw rin naman siguro, kahit na araw-araw mo akong binibigla. O kaya, hindi ko talaga kayang magsawa, sa kahit na ano, sa’yo pa, madalas.

Isang tingin mo lang, ambilis mawala ng galit ko sa’yo. Ang hirap magalit sa’yo. Hindi ko kaya kahit makailang beses ko pang pilitin ang aking sarili. Malabo. Ang malinaw na lang, yung nararamdaman ko sa’yo. Naaalala mo noong isang beses, sa kuwarto nating aquarium, miss na miss ko na yung dati tayong magkatabi, miss na miss na kita, pero anyway, iyon nga, noong inaya kitang manood ng sine? Muntik nang kabahan yung kaba ko noon. Pa’no kasi, sa isang iglap lang ng pagtingin mo sa akin, natutunaw na agad yung mga mata ko. Yung puso ko, sakto lang naman. Nasa pagitan ng pagkukunwari at pagpapakatotoo.

Hindi ka pumayag noon, kahit na saglit ko ring ipinagdasal na sana’y pumayag ka sa hindi horror na pelikula. Hindi ko na rin maalala kung ano yung palusot/dahilan mo noon kung bakit ayaw mo. Kesyo ganito, kesyo ganyan, inimagine ko na lang na hindi ako guwapo kahit na napakajudgmental ng bagsakang ganoon.

Isa lang naman yung pinangarap ko sa araw na iyon, pumayag ka sa panonood ng sine, kahit na magsama ka pa ng iba, ng tao talagang gusto mo. Minsan naman kasi, wala akong pakialam sa ganun. Madalas, nakakapanselos na lang din, kahit na imagination ko na lang ulit yung may kasalukuyan kang nagugustuhang iba. Okay naman akong tumabi sa tabi mo, kahit minsan lang mapatagal ko yung kung anong kilig na matagal ko nang ayaw solohin. Nais kong maramdaman mo kung paano mo akong napasasaya, kung bakit may mga kung anong dahilang hindi ko na pinipilit yung sarili kong bumangon sa araw-araw.

Hindi naman na kita pinilit dahil alam kong may mga hangganan lang yung kung anumang relasyon yung mayroon tayo sa ngayon. Kung magkapantay pa nga ba talaga tayo ng tingin sa salaming namamagitan sa atin. Kung kumportable ka pa nga ba talaga sa akin kung sakaling maiwan tayo nang tayong dalawa lang.

Umihip ang hangin, hindi mo inasahan. Hindi ko rin naman inasahan. Matapos kong makapagyosi sa ibaba e dumating ang isa kong kaibigan at nagsabing sasabay raw siya sa kotse ng isa pang kaibigan. Daming kaibigan, alam ko. Nakakapagod bigkasin pero—nagagambala ko na naman yung sarili ko. Binanggit niya na lamang sa akin na sasabay ka raw sa kotse. Edi biglang hindi ko na naman alam ang una kong sasabihin/gagawin.

Maya-maya’y nakalabas ka na ng gusali, at atin nang tinungo ang kotseng sasabayan. Pagkaupo natin sa gitna, ni hindi ko magawang makatingin sa panig mo. Hindi ko alam, okay. O pero siguro, maaari kong isiping takot ako sa maganda. Or tanggap kong pangit ako. E siyempre dun na lang ako sa nauna.

May pagitan sa ating dalawa. Sinadya na lang siguro yun ng malupit na tadhana. O ako, o puwede rin kasing wala naman talagang namamagitan sa ating dalawa. Sinubukan ng lahat na pahabain lahat ng kuwentuhan. Sakto lang din namang nagtatawanan tayo nang likas at hindi mo pa nahuhuli yung mga nakaw kong tingin sa iyo. Masarap din sa pakiramdam minsan yung ako lang yung nakapagpapangiti/tawa sa’yo.

Kasabay ng mga tawanan at kuwentuhan, nakailang kalsada at pilit ng French fries din ang nagdaan kung kaya’t ‘di rin nakapagpigil ang designated driver na pumarada sa Jollibee. Siyempre, yung best bro ko yung aking tatabihan sa four-square set-up na mangyayari sa loob ng restaurant. Tsaka siyempre ulit, maganda ka masyado.

Kaunting usapan muli, hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan. Matapos makakain, iniwan na natin si best bro tsong tol pare man dude dahil malapit na lamang doon ang kanyang tirahan. Nauna mo nang inihatid si driver sa kotse dahil iisa lamang ang payong na ating nadala. Noong papalapit ka na sa akin para pasuungin sa iyong payong, paunti-unti muli akong kinabahan dahil nasa akin na lamang muli ang bahagya mong atensyon. Alam kong malabo yung sinabi ko pero hindi ko alam kung paano kong isusulat na napakalakas talaga ng buhos ng ulan noong gabing iyon.

Nang makapirmi na sa loob ng kotse, napagdesisyunan nating tatlo na ibaba na lang tayong dalawa sa kung saang kalsada sa Las Piñas, at doon na lamang magsimulang magcommute. Alam kong parang ganun din, at naaalala ko ring mas hassle nga yung planong iyon pero hindi naman ako makapagreklamo, kasi nga, maganda ka. Bahala na yung puso kong atakihin sa kaba/kilig, at least namatay ako sa ilalim ng masayang karanasan. Ilan sa masasayang karanasang hindi kayang mabahiran ng lakas ng ulan ni ng sampung ulit na guwapo ng driver sa akin.

Umuulan pa rin noong naibaba na tayo sa napag-usapang destinasyon. Sabay tayong naglakad sa Ilalim ng Payong Part II at nagmamadali nang naghintay ng jeep. Pareho tayo ng jeep na sinakyan ngunit mas maaga kang bumaba kaysa akin. Paulit-ulit kong inalala yung lahat ng naramdaman ko dahil alam kong first time kong makatabi ka at wala gaanong namagitan. Yung mga nakaw kong tingin na lamang na nahuhuli mo minsan, at mga ngiti at mata mong nagpapatunay nang taal na, iyon nga--.

July 21, 2016

Ilang Ulit

Iiwan ko na ito rito dahil ako naman din ang nag-umpisa, ang nagdala sa aking sarili sa kung saan na naman ako ipinadpad ng puso kong maramdamin. Mula sa mga katiting na pagtingin mo sa akin, lubhang hindi ko mapigilan ang aking sariling magtigil muna, na huwag na muna sana akong mahulog sa iyo. Alam ko, mahirap, mahirap pa rin akong unawain, kaya sinadya ko pa ring hindi na muna magpakilala nang lubos sa iyo, sa iyo, na araw-araw na nagbigay-kulay sa araw-araw kong muntik ko nang kabatuganan. Maraming salamat, sa mga hindi mo pinagsasawaang pangungulit at pangingiliti, maging paikot man tayo sa isa’t isa. Ang malungkot nga lang para sa akin, hindi nga pala tayo isa’t isa.

Isa. Una kitang nakausap kasabay ng mga nagsasayawang usok ng hindi pa rin inililibing na mga pagkain. Halos makinis na ang boses ng mga nagkakantahang kulang sa tulak ng alkohol at maasar kong pagpaparaya. Binanggit mo ang iyong pangalan, at akala ko nama’y aking narinig nang maayos. Tumatak na iyon sa aking isipan at buong gabi na kitang hindi pa tinanong sapagkat baka sabihan mo lang ako na bingi, at maaari ko rin namang ipalusot ang linya ng ating trabaho, ang trabahong panibago sa iyo’t tila kinasasabikan ko na pala.

Magugulatin pa rin pala nga ako, dahil ang hinhin mong tingnan para sa akin. May bahid pa rin talaga ng kung anong simoy ng probinsiya sa bawat ngiti at halakhak na binibitawan mo. Pero saka na muna iyon dahil papasok na rin tayo sa anyaya ng kalasingan. Naghalo na kami ng kaibigan ko ng kakaibang bullshit at kapuwa nating lahat hindi nagustuhan ang lasa. Siguro’y ang tunay na manginginom nga nama’y saya’t hustisya sa pagpapakagago ang habol sa bawat bangkang ipinapalaot.

Kayo lamang na magkakaibigan ang nagkausap noon, kasama ng isa kong kaibigan dahil pinilit kong magpakasasa na lamang sa pag-awit. Kagagaling ko lamang kasi sa pagsubok noon at ayaw ko rin namang magpakadalos kahit na, putang ina, ikaw pa rin ang may pinakanangingibaw na rikit sa buong gabing iyon. Ang creepy pero, madalas lang akong maghintay sa mga bibitawan mong ngiti, halakhak, at kahit pagkunot ng iyong noo, kilay, pisngi, bilang pagkurot na lamang sa aking puso, atay, at mga mata. Hindi ako nagsawa noong gabing iyon.

Hanggang ngayon pa rin naman.

Dalawa. Nakabalik na sa pugad ang mga ibon at nakailang hingi na rin ng paumanhin sa amang lawin. Hindi naman tayo dinagit ngunit nandoon pa rin ang kaba sa pagitan namin ng kaibigan ko kung sakali mang mayroong nasaktan ang ating pagpapangkat sa kalayuan. Pagbalik sa puwesto’y nabanggit ko sa isa sa ating mga punong tagagabay ang tungkol sa kung anong spark ang naramdaman ko sa una nating/kong karanasan nang magkasama. Doon ko lamang din nalamang mali ang pagkakadinig ko sa iyong pangalan. Simula noo’y inumpisahan na ang pangangantyaw ng mga kapuwa ko ring lapnos na ang pag-asang makaramdam pang muli. Naunahan ko lang din siguro sila pero alam kong hanggang umpisa na lang ako.

Masaya. Masaya naman sila para sa akin. Ilang linggo rin kasi akong nagkulong sa sarili kong mga hapdi at ilusyong araw-araw akong masasaktan hangga’t tinatanggap ko sa aking sariling wala nang magbabago. Hindi ko sinadya, I fucking swear, nang mag-iba na lang din bigla ang ihip ng hangin. Minsan lang akong maniwala sa tadhana, at hindi ito iyon. Mga mata mo na lang ang makapagsasabi kung saan lang ako dapat pumuwesto sa mga darating na araw nating pagkikita.

Pinauwi na kami nang maaga noon. Wala na rin namang pakialam yung hangover ko sa mga kung sakaling salaping kikitain para sa araw na iyon. At wala na rin na muna akong pakialam sa iyo kahit na aaminin kong hinanap muna kita nang saglit nang makapagpapansing-paalam. Hindi naman din natupad.

Tatlo. Training, at pagpapakilala. Siyempre, taas-pabalandra kami sa aming mga sariling feeling magagaling dahil nauna kami sa inyo. Handa naman kaming tumulong ngunit iba pa rin ang may pakiramdam ng authority. Lider-lideran. Pseudo-approver kung makasagot sa inyong katanungan. Kami ang nagdadala sa inyo at hindi na naming madalas iniisip kung natututo ba kayo sa amin.

Malapit ka lamang sa akin kahit na sinasadya ko nang ilayo ang aking mga atensyon. Ang badtrip lamang, parang may kung anong koneksyon sa ating dalawa na ako lang naman din ang nag-imagine. Mapamusika, panonood sa ilan, at ibang pagpapatawa kong napipilitan ka na lang tawanan. Iba. Iba sa pakiramdam. Tungong pakaibigan lang siguro at ganun naman din dapat ang mamagitan kung ganun lamang din ang aking obserbasyon sa ating pagitan. Pinipilit ko ang aking sariling huwag nang mailang sa tuwing nagtatagpo ang ating mga mata, sa bawat pagtawa mo sa aking mga bagsakan, sa bawat… bawat higpit ng pagkuha mo ng aking atensyon sa pagkapit sa aking brasong araw-araw na nahihiya sa iyo. Unti-unti kitang nakilala. Siyempre, patalukbong-torpe ako sa aking sariling feeling pogi na lang dahil ako lang madalas ang biruin mo sa usapang break na tayo at akala mo ikaw na lang. Handa naman akong masaktan ulit ngunit iba pa rin ang may pakiramdam ng pagkagaan kapag kasama kita. Tanga-tangahan. Pseudo-love kung makaramdam itong puso kong nagbabalak sa pagsabak muli sa kasukalan ng isip ng isang babae, babaeng panibago. Ikaw ang nagdadala sa aking mga araw at hindi ko na madalas iniisip kung may gusto. ka. rin. ba. sa. akin.

Apat. Fast forward. Pinapasabugan ka na ng katanungan ng ilan sa ating mga katrabaho kung sakaling gan're at gayon. Hindi ko naman mapagsabihan ang aking sarili na huwag na itong bigyang-kahulugan. Sila na lamang ang namimilit sa magaan naman sana nating pagkakaunawaang-diwa. Inumpisahan nila, natakot ako sa pagtatapos. Laking kaba ko’t pinili kong huwag ka na munang pansinin. Natakot ako. Hindi naman ako malagkit sa aking mga ipinapahiwatig ngunit nakakatakot malaman kung sakaling hindi naman ako maaari para sa iyo. Hindi naman ako mamilit. At ipokrito rin akong tunay dahil nais ko rin namang malaman, ngunit yung hindi ganito kaaga. Mahirap. Mabigat sa pakiramdam. Ayaw ko muna. Ayaw ko na muna.

Dumating ako sa bahay. Pinag-isipan ko nang mabuti kung gusto pa nga ba kita. Tinawanan nga lang ako ng buwan, hindi ba? Sinigurado niya lamang na nababaliw lang din ako. Nagtiwala na lang ulit ako sa aking sarili’t inisip na wala naman sigurong nawala.

Sana nandun na lamang tayong muli sa tatlo.

Tatlo’t kalahati. Sa dalawang gabing namagitan sa atin ang ilang usok at alkohol, sa pagitan ng mga taong tipsy na rin kahihintay sa sipa ng mga bote, at posibleng pag-ibig, ikaw at ikaw pa rin ang sinasagot ko sa iyong walang kamatayang tanong kung sino ang. aking. gusto. sa. atin.

June 14, 2016

TX Fire /

Binaligtad mo ang oras sa ilalim ng aking palad nang walang pag-aalinlangang tanggihan ko man ang hiling mong inisip ko nang matagal kung mapapasaakin ka pa nga ba. Kung sa akin ka bang talaga o pilit-hinimok lamang tayong dalawa/ako ng sasa ng alkohol at usok sa ilalim ng mga mapaanyayang pekeng hikab at nais. Hindi ko na inalam pa kung tanging ako na lang ba ang gising sa kasinungalingang namagitan sa ating dalawa o umasa na lamang akong patanga na magkatotoo ang waring ito. Hinila kong pabalik ang oras mula sa iyo ngunit ako na lamang tila ang naiwan sa ating/iyong nakaraan.

June 2, 2016

' X LP

Gustung-gusto kita. Hindi ko alam. Hindi ko rin alam, okay. Hindi ko maipaliwanag nang maayos. Basta ang importante, mahalaga. Paumanhin. Maging itong pakiramdam ko sa’yo na hinding-hindi ako pinatutulog paminsan kung gabi. Halos asarin na ako katatawa ng buwan sapagkat nang maipasa niya na lamang sa akin ang hindi niya dapat sinasariling mahusay ngunit makulang na pagkakakahon. Sa akin na lang muna iyon, ngunit huwag kang matakot. Hindi naman ako kagaya niya. Hindi naman ako kagaya nila. Wala naman silang pakialam sa akin at wala rin naman akong pakialam sa kanila. Sa iyo na lang muna ako may pakialam. Sa gabing ito. Sa gabing itong pilit kong iisipin kung saan na nga ba ulit manggagaling. Sa pagkakaalala ko, ninais kong mag-umpisa kanina pa, na mag-umpisa sa kung anong palusot ang kaya kong ibulong sa sarili na taal na magpapaliwanag sa akin kung sino ka nga bang talaga. Ikaw na bigla na lamang tumambad sa harapan ko, na pilit din akong ibinabalik sa aking pinakapayak na anyo. Kaya siguro ganito. Kaya siguro ganito ako. Sa’yo. Sa iyo na paminsang hinding-hindi ako mawawalan ng mararamdaman, na iyon nga, paumanhing muli, gusto kita.

April 30, 2016

P-Cy

Pinakamamahal,

Palagi na lang na hindi ko alam yung sasabihin ko. Sorry. Alam kong malayo sa kakayahan ng mga salitang ‘to kung gaano kabigat yung naramdaman mo noong nangyari ang hindi inaasahan sa Sarah’s. At putang ina niya pa rin. Putang ina nilang lahat ng gumagawa sa iyo ng gano’n. Sorry, kung minadali kitang sabihin kaagad kung anuman yung kailangan kong malaman noong gabing tumawag ka. Putang ina ko dahil hindi kita mapuntahan, na naman, sa panahong kailangan na kailangan mo ako. Sana hindi mo isiping hindi kita iniisip, o pinahahalagahan. Alam kong malawak pa rin ang pang-unawa mo sa sitwasyon ng magkalayong relasyon natin sa ngayon. Sana naaalala mo araw-araw na ikaw lang ang pinakamalapit sa akin, sa kahit na anong paraan, sa isip, sa puso, sa kaluluwa. Sorry. Sana hindi kailanman mabawasan ang pagmamahal mo sa akin, na araw-araw mong napahahalagahan, napatutunayan, at pinaaalala sa akin. Hindi ko naman nakakalimutan. Kung mayaman lang ako, putang ina talaga kung mayaman lang ako, mapupuntahan kita kahit kailan ko gusto. Sorry. Sorry talaga,  sa paulit-ulit kong sinasabing kakayanin ko pero palagi at palagi akong nagkukulang. Sana hindi mo ako iwan, na kaya mo pa rin akong hintayin, dahil ako ma’y kapuwa mo ring naghihintay sa lubhang pagkakataong naaatat tayong maasam. Sorry kung wala ako palagi kung kailangan mo ako. Sana huwag sumagi sa isip mo kahit sa katiting na segundo na hindi ko ginustong puntahan ka. Alam mong gusto kitang pinupuntahan. Hindi ko ito nakita kailanman bilang isang pagpunta lamang bagkus isang pagpatunay, pagsakripisyo, pag-alay ng aking sarili, panahon, pag-ibig, na matagal ko nang gustong araw-arawin, pero inilalayo pa rin ng pagkakataon. Sorry kung hindi ko kinakayang pagaanin ang loob mo mula sa karanasang nagtangkang guluhin ang buhay mo. Silang mga bastos, kupal, at hindi ko alam kung gumagana ba talaga ang pag-iisip. Alam kong wala kang ginawang masama, dahil alam kong mahal mo ako. Sorry kung nagalit ako sa umpisa, pero alam kong naunawaan mo naman ang pansarili kong mga takot, kahit na alam mong alam kong hindi mo kailanman magagawa ang mga iyon. Never doubt, panay bulong ko sa aking sarili sa tuwing sasaltikin. Boses mo sa aking isip ang kadalasang sumasagip sa akin mula sa pagkabaliw. Sorry, dahil hindi ko kayang gawin ang nagagawa mong pagsagip sa akin. Pero sana malaman mong nandito ako bilang kausap, na hindi kailanman kayang magalit sa iyo nang taos sa puso. Makikinig ako sa’yo. Sabihin mo ang lahat ng iyong mga nararamdaman, iniisip, dinadala sa araw-araw. Hindi ko puwedeng sabihing okay lang ‘yan kasi hindi ako gago para makitang okay lang ‘yon. Hindi kailanman naging okay sa paningin ang isang kupal. Kapag nagkataon, bibigwasan ko ang tarantado sa mukha kahit alam niya na sa sarili niyang gago siya. Sorry, kung wala ako sa panahong kailangan mo ng masasandalan. Sorry kung paulit-ulit na lamang akong nagsasalita, at nagkakamali. At sorry kung hindi ko alam kung paano tatapusin ‘tong liham ko para sa’yo.

Natatanging iyo,

M

April 28, 2016

Suma

Hingang malalim
Hinging pag-iwan
            na naman sa sarili
Sa sarili kong pilit
            ko pa rin kinikilala
Hingang malalim
Hinging pagtahan
            na, pakiusap
Sa sarili kong pilit
            akong kinikilala
Hingang malalim
Hinging patawad
            mula sa iyo
Sa iyo na tanging
            kumilala sa akin
Tanging umibig
Tanging nagpatahan,
            nanatili,
            nagpahingang maluwag
Sa mga salita kong walang ibig
            umibabaw ngunit
            abot mo pa rin
Malayo ako sa mundo
            sa kanila,
            sa aking mga titik
            maging sa aking sarili
Naging paikot man ako,
            magulo, maligaw,
            madilim,
Maliwanag pa rin sa iyo
Ikaw na nagpakilala sa akin
Ikaw na nagpakilala na akin

April 17, 2016

FlipTop - BLKD vs Tipsy D

Round 1

BLKD

Pangungunahan ko na ‘tong payasong dagang-tao ang panalo sa larong ‘to kung ang pagbabatayan ay ang pamantayan at panlasa ng panahong ‘to. Tanggap ko, panahon mo, kaya hindi kita sasabayan. Sa ’yo na ang boto ng mga tao basta’t sa’kin ang kamalayan.

Kasi, Tipsy, tipsy ka lang kaya ka feeling magaling. Ako, kaya kong magbiro sa bagong gising na lasing. Nagmakaawa ka para labanan ko. Tama ba ang ‘yong hiling? Kaya kong dagdagan at sobrahan
‘yang tama mong bitin.

Tama ba? Magsawa ka sa mga bara kong deadly. Mga bara ko, blueprint ng mga bara mong trendy. Tatamaan ka sa shots ng kargada kong MP5-Navy. Fire frenzy, kada bala ay barang matatatalinghaga. Ratrat muna bago bodybag, ganun magtanim-bala.

Tama ba? O tama na? Tama lang na death ‘yan. Walang finesse ‘yan, bitin sa drive, test run. ‘Di ka aabot kay Hansel, sundan man ang bread crumbs, pagsaksak ko sa ’yo ng basag na bote ng Tanduay red rum.

Ano ba kasing akala mo? Kahanay mo na si Loonie ‘pag natalo mo ’ko sa duel? Baka nakakalimutan mo, kahanay mo lang rin si 2Khelle. Kasi, kasi, kasi hindi lang win-loss record ang sukatan ng husay. Ang respeto ng bawat kalaban ay mahalagang patunay.

Ako, mula nang magkapangalan, nirespeto nang wagas. Lahat ng makatapat, lumaban nang buong lakas. E ikaw? Hindi ka sineryoso nina Juan at Sayadd, bagamat sikat ka na. Nung finreestylean ka nga ni J-Skeelz, mangiyak-ngiyak ka pa.

Kasi pagdating sa pagdura, hindi puwede yung basta puwede na. Tandaan, dapat may puwersa ka. Kung wala, etsapuwera ka. Lines mo, sumusuntok, lines ko, nagkacapoeira pa. Oo, oo, flexible ka nga kaso may diprensiya. Kulang sa esensiya, mga style, pinuwersa. Loonie’t Dello ang humor at rhyme per letra. BLKD and wordplay tapos ang swag, Michael Cera? Hindi ka kombinasyon namin, hindi ka kombinasyon namin, huwag kang magpalusot. Style mo, tagpi-tagpi, kaya ka marupok.

Kaya bansag na Mr. Flexible, dapat nang paltan ng Mr. Jacker of Styles, Master of None. Ito’y leksyon, hinanda ko bilang favor sa’yo. Sa pagpapaliwanag, lampas Akon pa ‘to. I’ll serve you so much, may pangtake home pa, bro. Abakadaz ka lang, linguistics major na ‘to.

Round 2

BLKD

Brace yourself. Wala nang set up, double meaning pa. Brace yourself.

Sabi mo sa Facebook Cypher Battle Season 2, “I’m flowing so clean like mineral water.” Tapos sabi mo kay Sinio, “Flow so clean like mineral water.” Sabi mo kay Icaruz, “Uubusin ko ang bars mo, parang battery empty.” Tapos sabi mo kay Sayadd, “Wala ka namang bars, battery drained.” Anong ibabanat mo sa’kin? You’re flowing so clean like distilled water? Wala akong bars parang missing ang charger? ‘Yan ang idol niyo, mahusay. ‘Yan ang idol niyo, mahusay magrecycle. Yung 8 na infinity, ninakaw pa kay Dizaster.

Walang integridad, kahit na utak, angat. Nagpapaghost write kay Juan, puro sulat-tamad. Puro flavors of the month lang ang lahok kada linya. Mga tsismis at balita na kanyang napika, sa tsismis at balita, style mo’y nakadepend. Bagay nga sa ’yo ang hastag kasi sunod ka lang sa trend. Mga bara mo, benta, mga bara ko, priceless. Mga bara mo, timely, mga bara ko, timeless kaya wala akong bilib sa tugmaan mong bent. Maganda ang flow kasi water down ang content. 

Sabi mo kay Icaruz, ako’y teacher. Sabi mo kay Sak, ako’y maestroAko’y habambuhay na estudyanteng nagbabahagi lang ng talino. Sinong tunay na maestro? Aksaya lang sa kumento. Siya na mismo ang nagsabi, tapos ang argumento.

Nagpauso ka lang ng hashtag style na ngayon ay laos na. Ako, nagbahagi ng techniques na hanggang ngayon, pangtusta. Technique sa wordplay, metaphors, verse structure, at iba pa. Maraming natuto sa ’kin at aminado kang isa ka ‘pagkat sa fans na walang taste ka lang taste maker. Iba ang trend setter sa game changer.

Kaya para ka lang Emperador brandy. Mabenta ka, kasi cheap ang ‘yong brand, D. Mga bara, kulang sa tama parang shandy. Ako, icon ng pagbabago, mala-Gandhi. Pa’no ka makikijam sa mic, hindi ka heavy, D. Patay ka sa harap ng fans mo, Kennedy. Pero kahit wala ’kong heavy metal, I’ll drop D. Ako’y halong Mike D at Chuck D. Sa mga tunay sa larangan, wala kang bilang, D. Iwan kang pira-piraso sa dakilang apo ng pamilya D. At kung mali aking paratang na hindi ka tunay sa larangan, yung grupo ni Mike D, at grupo ni Chuck D, ngayon mo nga pangalanan?

Round 3

BLKD

Butas daw yung salamin ko. Pinatunayan mong tanga ka. Yung Daft Punk, may helmet, si MF Doom, may maskara. Wala ka nang pakialam sa accessory kapag henyo ang nagdala.

Si BLKD, birador ng wackness sa hip hop. Si Tipsy D, tirador ng fan girls ng FlipTop. Sa panghuhuli ng groupie ka lang may bisa. Bars ko, nagbubukas ng isip, sa’yo, ng hita. Dati, taga-Cavite, ngayon, taga-Singapore. Bukas, sa’n ka papunta? Kalibugan mo lang pala ang kabilang globo na, tagos pa.

Ito’y makatang lasing laban sa makatang hubog sa pakikibaka sa sistemang bulok. Tangang pluma’y tubog sa pulbura kaya lahat ng masapul, bura. Nakipagkrus ng salita, humanda kang madarang. Dumating kang patayo, uuwi kang pahalang. Sumagot kang pabalang, uuwi kang paa lang.

Itong Tipsy D versus BLKD ay J. Cole versus Nas. Talagang mas nangunguna ka ngayon sa palabas pero ga’no man kataas maabot mong antas, alam mo sa sarili mong dala mo ang aking balbas, ang aking basbas. Alam mo sa sarili mong dala mo ang aking basbas.

Ako’y saludo sa husay mo sa kompetisyon. Ako’y tutol lang naman sa ’yong direksyon. Pareho tayong Bernal kaso iba ating papel. Ikaw, Binibining Joyce, ako, Ishmael. Mas mabenta ka, iba ang aking tindahan. Mas mabigat ka, iba ang aking timbangan 'pagkat ang sining ko’y lampas na sa mga pekeng hidwaan. Matatalo mo ’ko sa battle pero hindi sa digmaan.

Ako’y humahawan ng dilim patungong tag-araw. Nagpaparami ka lang ng views, ako, nagpapalawak ng pananaw ‘pagkat hindi lang win-loss record ang sukatan ng husay. Ang impluwensiya sa eksena ay mahalagang patunay. Tanggap ko kung wala ako sa top five niyo. Nasa top five ako ng mga nasa top five niyo. I made a difference na akala ng lahat no’n, cannot be. Habol mo, victory, habol ko, legacy. 

Kaya saka mo na ’ko yabangan ng pagiging lyrically insane ‘pag nakapaglabas ka na rin ng album na critically acclaimed. Gatilyo, nasa Spotify, iTunes, at Uprising office.

April 7, 2016

Mkpngyrhn

Never doubt.

Ito na lamang ang pinanghahawakan ko. Alam mo na rin kung saan nanggaling. At kung saan pa nanggaling talaga. At kung saan pa nga ba manggagaling. Nais ko munang magpasalamat sa walang patumayaw na pag-alala sa mga iniisip ko, sa mga walang kabuluhang iniisip ko. Maraming salamat sa pag-unawa sa mga hindi ko rin naman sinasadyang bigyang-maling kahulugang mga bagay. Maraming salamat sa pag-intindi sa akin, sa paghihintay, na baka sakaling magbalik-loob pa rin ako sa pagtitiwala sa mundo.

Nahirapan akong magtiwala, totoo, pero hindi ko na kayang magalit sa’yo. Gusto ko na ring mapagod kakaisip kasi parang nahihirapan na lang ako sa mga hindi naman dapat nang pagpaguran pang mga badtrip. Gusto ko nang huminga nang mas maluwag. Gusto ko nang magmahal nang wagas, nang hindi na’ko minsang naghihintay ring masaktan. Ayaw ko nang maghintay masaktan.

Ikaw at ikaw lamang ang nagtiwala lang din sa akin. Ikaw ang sumagip. Ikaw ang umalala, nakiramdam, nakipag-usap, at nawa’y hindi pinilit akong tanggapin. Ikaw lang ang may gusto sa akin, sa aking mga kilos, sa aking mga iniisip, kahit na minsa’y may mga bagay tayong hindi magkatagpo, ngunit nagkakasundo rin sa huli. Ikaw lang ang nag-iisip sa akin, sa mga araw na ikaw lang din ang iniisip ko. Ikaw lang ang nagtangkang magpakilala nang buo ng sarili mo, sa akin lang ding buong-buo ka nang tinatanggap. Ikaw lang ang gusto, at ako lang din ang gusto mo.

Hindi na ako mapapatid pa sa mga lubak ng kagaguhan ng mga sarili ko lamang mga binarberong suliranin. Hindi na ako matatakot. Hindi naman na dapat. Hindi na ako magtatanong ng hindi ba nang may kahit katiting na duda. Hindi na dapat ako magduda, dahil sa’yo na lang din naman nanggaling. Ikaw na lang naman na ang pinanghahawakan ko. Hindi ka nagkukulang. Hindi mo na ako sasaktan, sadya man o hindi, dahil ako na lang din ang hindi mo na kayang bitawan.

Salamat sa iyo, ikaw na tanging akin, at hinding-hindi sa iba.

March 28, 2016

FlipTop - Shernan vs BLKD

Round 1

BLKD

Ang tagal umakyat ng stage, talagang padiva. Mahiya ka sa mga tao, alas syete pa nakapila. Muntik na 'kong maniwala sa forever. Anong akala mo sa costume mo ngayon, clever? May stocking pa sa noo. Ano ka ba? Abnoy? Hindi ko makilala kung si PNoy ba 'yan, o si Tito Boy.

Si Shernan, the best 'yan. The best sa'n? Sa cosplay. Ito'y mahusay sa battle rap laban sa mahusay sa role-play. Sa delivery ka lang okay. Sa content at flow, no way. 'Di na nga nirerespeto karera natin, ginagawa mo pang horseplay. Nagcocostume siya sa mga laban para ating katuwaan para bago pa mag-umpisa, siya na agad ang lumamang. Mga simpleng bara, pinapalakas ng bitbit na porma kaya expected ang palakpak parang sipsip sa SONA. Naaaliw tayo sa gimmick, imbes na magfocus sa language. Kung may home court advantage, siya, may costume advantage. Kadayaan!

Pero, Shernan, kung magcocostume ka na rin lang, 'wag ka nang feeling pogi. Pa'no ka naging Sakuragi, e ang kamukha mo, si Gori. O alam nila, kaya Gori, gory. Gory ang ipaparanas kong death mo. Sa asong ulol, marahas na vet 'to. Hindi ka na gagaling, sayang lang 'yang breath mo kaya 'tong entabladong 'to, magiging death bed mo.

Walang mercy sa 'king killing, 'pag nagrap, Necro. Babalatan ka nang buhay sabay kiskis ng Velcro. Tapos, tugs, tugs, tugs! 'Kala mo, techno. Quick punch, Zesto, knockout ka kay Sendo. Tadtad, tadtad, tadtad-katawan, para bang liempo. Pagtapos ko, kabaong mo, magmumukhang bento.

Pero alam mo kung ano talagang ayaw ko sa 'yo, at sa ibang kasabayan mo? Rock star na kayo, kapuputok pa lang ng pangalan niyo. Alas nuwebe ang event, alas diyes pa lalakad. Alam nang susunod ang laban, gusto pa, tinatawag. Ang hahaba pang magshout-out, talagang nakakastress. Ba't ba dito kayo nakikibati? Wala ba kayong pantext? Kayo ang pinakaspoiled na henerasyon ng ligang 'to. Sakto lang kasi panis naman sa 'kin 'tong pabidang 'to.

Judges, Exhibit A. Nung panahon namin, ang time limit, sinusunod na batas. Kung lalampas ka man sa oras, tiyak ang berso mo, tabas. Kayo, pinagbibigyan, kasi sa pagsunod, hirap. Lampas-lampas na nga sa oras, 'di pa counted ang rebut. Yung Round 2 mo kay Rapido, halos 60 bars 'yon. Imposible mapagkasya sa two-minute round 'yon. Kahit idouble time 'yon, lampas sa limitasyon. Madaya ka, dapat sa 'yo, diskuwalipikasyon.

Round 2

BLKD

Madalas daw akong magchoke, oo, pero 'pag nagchochoke lang ako hindi nagkakatagumpay. Ang ichachalk ko ngayon, outline ng iyong bangkay. Oo, natalo ako ni Aklas pero yung larong 'yon, GG. Ang battle of the year no'n, laban namin ni Flict G, at ako nanalo ro'n, kaya ako ang MVP.

Pero, Shernan, matanong ko lang. Paano mo nalamang hindi pantay ang betlog ni Mocks Wun? So, hindi mo lang nakita, nakilatis mo pa. Paano mo nabisto ang pangangaliwa kay Fongger? Paano mo nakilala lahat ng kalandian ni Rapido? Talagang halungkay-talambuhay para sa simpleng gitgitan? 'Yan na ba ang punto ng battle rap ngayon, tsismisan? Nandadamay ka na ng ibang tao, pinapangalanan mo pa. Mas makata ka na ba 'pag may nagtatampo na? 

Bangayan man ang labanan, dapat sport pa rin tayo. Walang damayan ng sibilyan sa hitmang asintado. Ako'y mag-aabang sa gig niyan na parang big fan. 'Pag natyempohang mag-isa, sakal agad sa neck niyan. Sabay tutok ng baril sa kanyang eardrum. Parang nagsound trip ng metal, pagkalabit, head bang. Pero kung mas gusto niyo, mas brutal na tambang, siya ay papaulanan ng dalawang handgun. Sa bilis kumalabit, mabilis pumaslang. Sa bilis dumura ng glock at tech, 'di aabot ng siyam-siyam. Glock, tech, siyam-siyam, walang nakaramdam? Aking baga ay boga, ang buga, maanghang. Sa dami ng putok, para bang may gangbang. Sunud-sunod na bang-bang. Million hits, Gangnam!

Judges, judges, Exhibit B. Nung pinanood ko yung laban niyo ni Rapido, may tumatak sa 'king isang barang sinabi mo, "G-flat, yung suso, minolestya habang may hawak na gitara, dinadaliri yung minor. G-flat, yung suso, minolestya habang may hawak na gitara, dinadaliri yung minor." Sinadya kong banggitin nang dalawang ulit sa 'yo kasi ginamit mo na yung linyang 'yon two years ago. Sa mga nakadata diyan, check niyo, check niyo. Sunugan Kalye, Shernan vs Tick Tack sa La Union. Yung linya mo sa 2:51, 'di ba yun yo'n? Ba't ka nag-uulit ng punchline? Wala ka na bang maisip? Pandaraya na naman para sa stage two, makasingit. Pandaraya na naman para sa stage two, makasilip. Wala ka na bang maisip?

Round 3

BLKD

Sa paglabas mo bilang PNoy, ako'y may pagtataka. Sinusuportahan mo ba ang pagpaslang sa mga magsasaka? Lakas-lakas pang sumigaw, akala mo, nagger. Kaya ka ba may stocking sa ulo, kasi si PNoy, holdaper?

Ang rap, parang pelikula, may iba't ibang genre. May comedy, action, drama, may iba't ibang ganda. Anuman ang lamanin, ang dapat bida, yung galing. Dapat yung husay ng sining at meaning ang ating tanghalin. Hindi porke't blockbuster ka, best picture ka na rin. Kasi kung sa pagiging mabenta, isasandig ang porma, para na ring sinabing mas magaling umobra Si Wenn Deramas kaysa kay Lino Brocka. At kung 'di mo yun nakuha, sa talino, broke ka.

Hindi madali ang magpatawa, hindi madali ang magpatawa. Dapat may talent ka pero madaling maging nakakatawa 'pag panget ka. Sabihin mo lang na pogi ka, laugh trip na. Samahan mo pa ng suot na mukhang tanga, lalo na.

Kung sa bagay, 'yan lang naman talaga ang kanyang strategy. Absurd humor ni Zaito, kabibuhan ni Smugglaz, at pogi jokes ni Andy G. Entertaining ka lang naman kasi sa pagkakuwela mo pero wala ka pang orihinal na naiambag sa eksenang 'to. Ako? Ako'y kumontra-agos sa panahon ng simpleng jokes. Pumaslang ng kamangmangan ang malaripleng quotes. Sa husay ng panulat, nagcreate ng clones. Pati mga beterano, napatake down notes.

Ganyan talaga. E eto? Ano gusto? Kay Mocks Wun, sabi niya, "Kailangan pa rin ng generic para maabot ng masa." Pfft, wow ha? So, kung magkakaanak pala 'to, mamamalnourish nang husto. 'Di niya pakakanin ng masustansya, kapag junk food ang gusto. 'Wag mong isisi sa pasahero palpak mong maneho. Minamaliit mo lang ang masa parang tusong panadero. Nakakabobo ang kahirapan, isip ay nakukulong. Pa'no ka magbubukas ng isip kung sining mo, mapurol?

Si B, hasa, kaya bihasa. Matulis na tulisan, may taga bawat kataga. May hiwa bawat pahiwatig, hatid ay dalamhati sa mga saksakan ng yabang na umaastang hari. Ako ang talas sa talastasan, taglay ko'y talimhaga. May rima sa eskrima, at ako'ng perpektong halimbawa. E ikaw? Puro gimmick, puro costume, puro tsismis, puro benta. Inaangat namin eksena, ginagawa mong perya. 

Tsaka madaya ka kaya mababa ka anumang taas ng ilipad. Walang saysay ang abilidad kung walang kredibilidad kaya kung mga hurado ngayon, may talino't dignidad, alam niyo na dapat ang inyong responsibilidad.

March 19, 2016

Sun Burn

Pitak-pitak na mga alaala
Biyak nang mga gunita
Tikad ng araw sa lalang
Hila mang ayaw sa parang
Dilgan man ng sariling puri
'Di makaaalis sa kubli
ng hikab paanyayang wala
nang silab pa ng laya
Liliyab na lang nang liliyab
Bibigat pa nang bibigat
Pasang may daplis ding hapdi
Agarang talis sa paggilid
Balik sa mga biyak at pitak
Halik at bintang-sadlak

III

Sa bawat hiblang binura
ng relo kong niloloko lang ako
Hindi pa rin naman sa kanya
Umiikot ang ulo ko
Ang mundo ko
'Di kailanman nabadtrip, nahilo
O kung ano
Siya lang din naman
Ang tanging pagitan
ng ating mga tagpo

Paikot na panahon
Kunwaring mga suliranin
Ayaw nang tumagal pa
Paghingi ng ligaya

FlipTop - Thike vs BLKD

Round 1

BLKD

Madlang people, judges, bago 'ko tuluyang magsimula, may challenge muna ’ko sa inyo. Mag-isip nga kayo ng isang malakas na bara mula sa past battles nito. Wala? Bukod sa titi niya yung venue? Wala? Okay, game, simula na tayo.

Kumusta, Jason? Friday the 13th ngayon. Tagmalas ang mga baboy-ramo. Laking malas mo, at ipamamalas ko ngayon ang bagong ako. Oo, masama ‘tong damo, matigas pa sa taong bato. Gusto na ’kong sindihan ni Anygma’t pagulungin ni Zaito, ano? Ako? Matatakot sa’yo? Boses mo lang ang malakas, bars mo, bano. Ako, mga bara ko, maapoy, may sa dragon na ’to. Bawat tama ng dura ko, Chino Roces, pasong tamo. Hindi lang basta shots fired, Thike. Arson na ’to. Iuuwi ka ng mga kagrupo mong isang sakong abo. Para siyang naligo ng gasolina, tapos nagsindi pa. Ito lang ang Friday the 13th na si Jason ang biktima.

Ano? Palag? Mga bara ko, hindi nasasalag. Tumutunaw ng baluti at dumudurog ng kalasag. Mga bara mo, kumusta? Asa lang sa husay mong dumahak. Ang tagal mo nang nagrarap, wala ka pang barang tumatak. E pa’no ba naman, mga bara ni Thike, gan’to: “Yo! Ikaw ang halimbawa ng mababang uri,
NFA rice." "Yo! Napakarami ko pang Chooks to Go sa huli kong bira." "Yo! Tindero ka ba ng popcorn? Kasi ang corny mo." Yun ang bars! So, akala mo, nung naisip mo yo’n, nung naisip mo yo’n, akala mo, malalim ka? Bihira ka na nga magreference, puro pagkain pa.

Buti pa, tuturuan na lang kita ng leksyon so you can grow your form. Punchlines 101 para sa punchlines, ‘di ka na mag-error 404. Bibigyan kita ng sample, aralin mo yung pagkakatahi. Rhyming ni Sak plus hashtag ni Tipsy para basic lang at madali. Sample? Sample: Mga bara ni Thike Cruz, gawang-bata, Nike shoes. Walang silbi, parang pagsusuot kay Righteous ng bike shoes. Malakas lang ang dating lalo na sa live views pero walang kuwenta on paper parang stylus. Ay sus. Ako? My lines bruise. Napapanahon, live news. Bawat pantig ko may bilang parang sa haikus. Makapigil-hininga na parang tight noose kasi destructive ang mensahe, I Love You Virus.

Gano’n. Gano’n lang sumuntok, Thike, at yo’n ang sandigan ko kung ba’t ako nasa upper cut ng tatsulok ng ligang ‘to. Walang paliguy-ligoy. Dapat straight to the point. Dapat mas nakakahook pa ang tama mo sa joint. One-two punch na maapoy, para kabattle, stun. Tipong reach pa lang, tusta na. Yun ang job well done!

Round 2

BLKD

Unang taon pa lang ng FlipTop, sumali na ’ko, at yung performance ko, mabigat na. Ikaw, kailan ka lang sumali kaya ikaw yung tunay na sumali nung sikat na.

Tsaka matanong ko lang, Thike. Kaya ba Thike pangalan mo kasi thick ‘yang thighs mo? Hindi na tinatablan ng diet, squats, at lipo? Ba’t naman nagtayo ka ng clothing line? Ideal ba ‘yang style mo? ‘Eto? May clothing line? Talagang sira na bait mo. Nung laban mo nga kina Ejo, Makii’t Bagang, isa lang yung damit mo. Bagang tuloy nasabi ko, pero check niyo, totoo ‘yon. Ganyan na nga katawan, lagi pang nakaitim. Ano ka, bouncer? O ‘eto’ng drumstick at flashlight. Magbantay ka sa crowd, sir! Op, nag-iisip na ng rebut, nagrarhyme na ng syllables niya. O sige, irebut mo ‘yon, patunayan mong predictable ka.

Thike vs Damsa. Yun ang una kong napanood na rap battle sa internet. Wala pang FlipTop no’n, sa Friendster ko pa ‘yon naintercept. Ang tagal mo nang bumabattle, early 2000s pa ‘yon. Ako, limang taon pa lang nagrarap, ta’s underdog na kita ngayon? Kaya anumang ganda niyang standing mo, isa ka pa ring talunan kasi nauna ka na nga sa larangan, napag-iwanan pa ng mga baguhan.

Ang problema sa’yo, Thike Lozada, nakatambay ka sa mediocrity. May skills ka nga pero ang development, walang velocity. Pasang-awa ka lang kaya ahon ka man sa hukay, hindi ka pa rin kahanay ng mga tunay na mahusay. Kung ang tanong, “Magaling ba si Thike?” Ang sagot, “Sakto lang.” ‘Di mo alam kung puri o pula, ang sakit, sakto lang. May saktong lakas para ‘di maging wack. May saktong hina para ‘di umangat. Mas natatawa at natututo pa kami sa mga palpak. Kayong mga nasa gitna, forgettable, walang kalampag.

At hindi lang sa battle rap kundi maging sa musika. Sapaw na agad kita e ngayon pa lang ako nag-umpisa? Hindi sa usapin ng sales o fame kundi sa usapin ng relevance sa husay magmulat ng fans, saludo pati hip-hop veterans. Oo, may husay kang magrap, kaso novelty ‘yang pagkatha. Mga kanta, ang recipe, sunod sa panlasa ng madla. Ako, mga tema ko, mapait, mga linya ko, matalim. Handa ang masang lunukin, kasi tunay at magaling ‘pagkat ako’y may husay ni Jordan, kultural na impluwensiya ni Jackson, talino ni Faraday, drive ni Schumacher, at lakas ni Tyson. Talagang mapapamura ka, sa bawat hit, sa lakas ng force. Five Mikes ang gatilyo, at rumekta ka sa source.

Kaya kung wala kang balak mag-improve, Thike, buti pa tumigil ka na ngayon. Dinggin mo ang wika ni Gamol, “Ten years ka na sa rap game? O sige, puwede na ‘yon!”

Round 3

BLKD

Sige, sige. Ang habol ko daw sa Isabuhay, pera. O sige, basag ka rin. Sige nga, ‘pag nagchampion ka, yung premyo, ‘wag mong tanggapin?

B-Side, game? Si Thike, lame. Thike’s crew, I don’t spite you. Wala lang akong gustong ispare when I strike you. Lahat kayo, mukhang buntis ‘pag nakaside view. Lahat kayo, mukhang source ng swine flu. Oo, tumaba na ’ko but I’m not like you. Below average pa rin pagsama-samahin man ang IQ. Awtsu. Mga J-logs na nakafake clops, size ng damit, times two. Mas cliché pa kayo sa pagpapapics sa Mines View.

RPN. Real Pinoy Niggas. Real, Pinoy, Niggas. ‘Wag kayong tumawa, hindi ‘to joke. Yun talaga ang pangalan ng grupo ng mga tungaw. Baka they rep the streets of New York, Cubao. Real Pinoy na nigga? Sa’n ka gawang pabrika? Sinong nanay mo, si Susan Africa? Anak ng kapre ka. Nigga ka? E 'di KKK ako, gano’n? Kasi sunog na Cruz at bigting nigga ang labas mo sa ’kin ngayon. 

Pero hindi. Kung may pagka-KKK man nga ako, yun ay sa pagiging Katipunero. Ako’y nakikibakang Indio, hindi nagpapanggap na Negro. At kaya ’ko nakikibaka, para sa mga tulad mong mangmang. Ilang ulit nang cinorrect, galit pa, ang gusto, hayaan lang. Binabangga ko ang kawackan para magtama ng kamalian. Pinapahiya ko sa harapan, para huwag nang pamarisan kaya ibahin niyo ’ko sa mga idol niyong mapanlait 'pagkat ang dulot kong pasakit, bunga ng malasakit.

Ako’y gurong sociable, na bawat turo’y notable. Aking mga diss, quotable. Sa ’yo, disposable. Palpak sa anggulo, linya’t punto, sablay ang geometry. Bara-bara mong rap ay novelty kaya rhyme book mo, toiletry. Aking panglinya, lason-tinta. Mataas ang potency. May katuwiran ang katha, Edgar Allan poetry. Mga madre, napapa-"Hell yeah!" Mga Atheist napapa-"OMG!" Kaya bagamat kid pa lang sa larangan, hinahanay na sa mga goat emcee. 

Kaya wala na ’kong paki, sinumang makatabi sa finish line. Kung ito’y tournament ng mga halimaw, ako si Raizen in his prime. Buong puwersa, nakareserba sa mga naghihintay. Akala niyo, I’m killing Thike? Hindi, I’m just killing time!

March 6, 2016

Alf

Tig-isa lamang munang dear quo.

Pinauubos na nila yung beer. Hindi na nila kaya. Kay tagal nilang matantong matindi nga yung amats nila sa punyetang vodka + mule + tequila na yun pero madali lang din silang mabibitin. Hindi nila alam, mabilis lang talaga nilang nauubos yung alkohol at panay ubos ng kuwentuhan kaya madali rin mapagod kakasagwan.

Minarapat ko na lamang na ibato (na naman) ang aking sarili sa (kunwaring) pagpilit sa sariling wala naman na sanang masasayang. Pumayag naman na sila. Hindi ko sigurado kung kabisado na nila kung gaano ako kaalcoholic or naaamoy na nila yung patay ko nang atay.

Ikaw lang ang hindi pumilit sa iyong sarili. Ninais mo ring makiubos. Pagbato tungo sa akin at hindi sa alak. Hindi naman na natin kailangan nun.

Umakyat na sila. Lalong lumamig ang simoy ng dalampasigan nang mabawasan na ang mga namamangka. Tayong dalawa na lamang ang natirang naupo sa buhangin. Hindi ko alam kung bakit agad nilang niligpit ang banig e tatambay pa nga tayo rito nang maubos na ang kailangan/gusto na ubusin/maubos.

Bilang na lamang ang nasa magkabilaang kaha ng yosi. Nagbukas ka na ng panibagong bote. May natira pang isa at isa pang inuubos. Matapos makalagok nang ilang beses, tinungo ko na yung banig na magagamit pa rin naman talaga natin. Inilatag natin sa malamig pa ring buhangin. Lumuhod muna at tiningala ang gabi. Mas maraming nanonood sa’ting mga tala kaysa dati.

Magkasunod na tayong humiga sa banig. Kapwang wala munang pakialam sa isa’t isa dahil sa gayon ng langit. Kay hirap ‘di bigyang-pansin. Kay hirap ‘di titigan. Ngunit tila kay hirap ding mawala sa isip na katabi kitang muli ngayon, nakahiga.

Nauna na akong lumingon sa aking kaliwa. Naramdaman mo ang aking pagsilay sa’yo. Ang ganda mo. Lumapit na akong kaagad, ipinatong ang aking kanang palad sa iyong pisngi, humalik sa iyong mga labi. Ibinalik mo ang ibig. Balewala lahat ng mga nakikisingit at halos inggitin na natin ang mga tala sa langit.

Duminig bigla ang mga alon ng dagat. Saka ko lamang naramdamang nasa mundong muli tayo. Humirit ang hinto sa paghalik. Kapuwa na lamang tayong nagngitian, malay sa pagkadalo ng bawat isa. Tumingin akong muli sa langit. Saglit lamang, saka ako bumalik sa iyong panig, at kanang pisngi mo lamang ang aking naabutan.

“Pakakasalan mo ba’ko?” Mahal na mahal kita. Hindi ko na alam mararamdaman ko sa ngayon, iisipin. Gusto ko, akin ka lang. Pati yung mga bituin sa itaas na umaagaw sa iyong atensyon, gusto kong bulabugin. Akin ka lang, please. Mahal na mahal kita.

Ikaw ang gusto kong makasama habambuhay. Katabi ko sa pagtulog, sa paggising. Kahit saan pa ‘yan. Kahit pa sa mga banig na punung-puno ng buhangin. Balewala rin naman lahat sa likas mong ganda. Ikaw lamang.

“Yes, baby,” lamang ang naisagot mo, sabay ngiting gusto kong ipinagdadamot sa lahat kahit na alam ko ring sa harap ko lamang din ikaw ngumingiti nang ganyan. Ako ma'y ngumiti rin. Ibinalik ko ang aking atensyon sa langit. Umihip ang ginaw. Nangupo ako. Uminom nang ilan pa sa beer at nagsinding muli ng yosi.

Sumunod ka sa aking mga galaw. Nakailang usapan din tayo’t hindi ko na kinaya ang ginaw at antok. Inubos lamang din natin ang mga beer at nag-iwan nang mangilang yosi. Tinapon/Iniwan na ang mga bote sa malayo, dinala na ang isang kaha ng yosi. Matapos ayusin ang banig, kinuha ko na ang iyong kamay.

Nawa'y manatili ang ganitong init sa ating mga palad, sa ating mga labi, sa ating puso.


February 29, 2016

Mustard

Pila-pilang mga tao
Kabit-kabit na mga kubeta
Diretso lang
Bawal maniko
Puwedeng mangikil
Bawal lumiko
Bawal tumigil
Bawal pasugpo
Matibay 'pag nakalimot
Makaalala'y mahina
Iwang-gisnan ang pagtingala
Sa araw at buwan
Pagdamdam sa hangin
Pagdama at pag-alala
Sa sarili

Bawal lumingon
Bawal na talaga
Walang bisa ang galit
Hikbi man o silay ng tuwa

Pagsamba sa mga araw
Maging sa mga buwan
Balik sa hindi pinanggalingan

Mahina ang magbalik-raya
Tumitibay sa bawat pagbura

February 23, 2016

Tasya

Mga zombie na rin silang tulad ko
Walang ibang maliwanag
Lamp posts, kotse, sasakyan, sasakyan
'Di kayang tanawin
Mahirap tamarin
Nakakatamad humirap
Hindi nila/natin kilala ang boss
Mabilog, bullshit, tahimik, nakakatakot
Hindi rin namin alam yun
Okay minsan ang classical
Rome, at, shit
Nakapila lamang sila/kami
Halu-halo, paikot
Takot mapabilang
Pero nakikibilang
Araw-araw nagbibilang
Araw-araw nililibang
Pekeng susi ng pekeng gatekeeper
Nakikipasok, nakikisama
Makikigaya sa peke rin naman
Hindi na tayo ang sarili
Sila na ang sarili
Sila, na hindi rin naman sila
Hindi na kayang burahin
Hubarin, o itago pa man
Sa pagmamalinis, pagmamaputi
Pagmamakulay, ng bangkay mo nang katawan

February 4, 2016

A Smoker's Counter

Yung kuwartong amoy sex, alak, at yosi.

Yosi.

Masama akong mangatal.

Hindi ako nagsasalita para sa lahat pero kaya kong ipagtanggol ang nakararami. Nagsimula na naman kasi itong pansarili kong mapang-amok na galit nang may tangang nagpost sa Facebook tungkol sa kagaguhan daw ng mga naninigarilyo. Hindi ako sigurado kung smoker din siya pero mukhang hindi naman kasi hindi niya talaga alam, para sa akin, yung mga pinagsasasabi niya.

Una, sa umpisa ng kanyang pagsasalaysay, nung kumakain daw sila sa isang, uh, kainan e may malapit sa kanilang naninigarilyo. At ang bulalas niya'y sinasadya yung pagbuga ng usok mula sa nagyoyosi tungo sa kanilang puwesto. Sumunod, tila tinanong pakupal ng nagrarant sa kanyang post kung may alam kaya yung yosi boy/girl ukol sa second-hand smoke. Sa huli'y tinira na tayo nang pangkalahatan sa pagyoyosi lang natin para magmukhang cool.

Well, excuse me, ungas.

Hindi ko alam kung tanga ka para isiping tanga kami para hindi malamang delikado pa rin para sa kalusugan yung binubuga namin. Hello? Basics. Air pollution. Bitch.

Walang nananadyang magbuga ng usok sa tao. Hinangin lang yung sa'yo, tanga. Lumalayo kami as much as possible. Puwera na lang kung nakikipagbiruan o badtrip kami sa inyo. Hindi ko mapigilang isiping badtrip siguro yung kalapit niyo kasi nga baka sadyang tanga rin 'yang bibig mo.

Dagdag pa, maski kaming mga naninigarilyo, todo-iwas din sa mga maaaring maiwasang masinghot na usok mula sa mga hawak na yosi. Nakakainis kaya yun. Medyo mahapdi siya sa ilong, okay? Ngayon ay kung sabihin mo namang puwedeng pumuwesto na lang sana si Kuya/Ate na nagyoyosi para sa kapakanan ng mga ilong ninyo, maaaring dehado na ako sa pagtatanggol.

Mas okay kasing magyosi nang nakaupo, nakasandal sa kung saan, kahit nakapatong lang sa kung ano maski ang alinmang braso. Alam ng lahat ng tao kung paano mangalay, kung ano ang pagod.

May mga nagyoyosi kasi stressed. May mga nais mag-isip, magisingan ng diwa. Ihinahanda ang sarili o maaari ring matinding outro sa gawain. May mga gustong magrestart ng panlasa, o katatapos lang tumae.

Pero hindi ko inachieve na maging cool.

Ikaw lang siguro nag-iisip no'n, bitch. Masama sa kalusugan ang pagyoyosi, obvious sa nakararami. May mga sumubok at umalis agad. May mga naadik kasi hindi lang pisikal sa baga ang atake. Sariling pagtaya ito ng buhay at salapi na pinili ko. Hindi mo maaaring sabihing wala ka ring gano'n.

Smoking is not fucking cool. Galit kaming lahat sa mga kuwartong lampas sa second floor o sa mga building na walang elevator. Nakakatakot na ring mag-exercise. Baka kung ano pang mangyari sa 'min.

Nakakatamad na rin minsan magbago.

Isipin mo munang mabuti kung baka nagkataon lang ang mga bagay-bagay dahil marahil sa simula't sapul, sasablay ka lang din naman sa nirereklamo mong wala ka naman talagang first-hand na karanasan.

Shout-outs na rin at sorry kay Loonie.

January 21, 2016

Atat (East pt. 2)

Edi ayun na nga. Bumubuhos na rin yung mga tao. Hindi rin sila makasiguro kung bakit andito ako. E ano? Tingin ko lang naman kasi, binagtas ko yung papuntang AS steps, matapos makapagyosi't kape nang walang kasama. E sa gusto lang naman kitang makita. Ulit.

Nakailang punas na rin ako ng pawis at putang pag-aadjust ng bag. Wala ka pa rin. Muntik ko lang namang tipirin yung yosi ko, natin. Baka sakali lang. Tsaka baka sakali lang ding hindi ka pa nakakabili. Na siguro ring hindi pa mangyayari kasi sagad ka mangatal.

Anyway,

wala pa rin yata akong narereceive na text mula sa'yo. Nagsimula nang mamaratang at bumulalas ng bulyaw sa mikropono yung mga nakaitim na shirt. Edi tuwang-tuwa naman ako. Kasi, somehow, may nangyayari na. Balita ko rin, aakyat pa (kami) ng apat na palapag para lang mangalampag ng mga classroom at manghikayat nang 'di malumanay.

Inaamag na rin yung phone ko pero wala ka pa rin. Okay lang, okay? Hindi naman ako galit. Madali lang namang mangonsidera. Hindi rin naman ako nagmamadali o kung ano. It's just, idk, sabik?

Sino ba namang 'di makapagpipigil sa'yo. Sino ba namang titigil sa'yo. Sino ba namang mag-iisip na, "Fuck this shit. Wala akong pakialam." Wala. Siguro. Sana. Hindi naman kasi mahilig magkulong ang mga tao, kung sakaling sila rin naman ang may hawak ng susi. Or. Akala lang talaga nila iyon. Wala naman na sigurong may hawak. Siguro.

Umaasa pa rin naman yung papel na sulatan mo siya dahil sa nagpaalam ka naman nang maayos at malinaw kung pupuwede mong hawakan yung ballpen niya. Ibang kuwento na rin siguro yung tungkol sa kanilang dalawa. Siguro trip mo rin namang magpahinga, humingi ng kaunting oras para sa sarili mo, pero, hindi ko alam. Pinipilit kong pagtripan yung sarili ko pero minsan, ibang entity na rin yung gustong bumuga ng trip. Hindi ko na rin mabasa kung hila lang 'yon ng kadikitang sapot o pulupot na lang din ng nagbabalat-kayong ahas. Ni hindi na rin siguro, sige, oo, umabot sa pagsisid ng perlas pero masakit pa rin pumigtas sa balat yung mismong balang kumawala habang nakapikit ako at binabalot ang sarili.

'Di ko na lang siguro aalintanain. Pero mamaya na. Sana, dumating yung araw na mas makakapaghintay na ako nang hindi kung anu-anong bullshit ang iniisip. Magbabaka sakali na lang ding kaya ako minsang kuwentuhan ng mga yosi ko. Uupo na lang muna ako, pero hindi susubukang makipagbullshitan din sa kanila. Sila nang bahala mamilosopo sa pansarili rin naman talaga nilang mga daigdig.

Ikaw lang naman talaga yung tanging pinunta ko rito.

January 16, 2016

Lingat

Dumadalas na
Ang pagnakaw ko ng tingin
Hindi ko naman din
Sinasadya
Pilit ko mang ipilit
Ang pihit ng aking ulo
Bawat aninag
Bawat liko
Bawat alinlangan
Tungo lang parati sa'yo
Pramis, hindi ko talaga sinasadya
Parang utot 'pag natatae na
Parang sinok 'pag lasing na
Huwag mo 'kong hulihin please
Baka mahiya pa ako
Baka hindi na ako lumingon pang muli
Baka isipin mo
Naghahanap lang ako ng pansamantalang ligaya
Huwag mo 'kong hulihin please
Wala na akong pambili ng beer
Kapag iiwan na ako ng amats
Ikaw na lang ang pag-asa ko
Ayaw ko nang magsayang ng oras
na sa bawat hiblang binura
ng relo kong binubullshit lang ako
Kay tagal kong hinintay na makaramdam nang muli
Ng kung anuman 'tong gustong ipiglas
Mas madali nang magpakawala ng mga ngiti
ng mga tawa
ng mga sariling madalas kong itago
mga hinuha nang nais sagutin
mga paniniguradong hindi seryoso
Madalas lang kapag may anyaya na 

Dumudulas na ako
Hindi masamang iwan ngayon ang pagtahan
Iyak lang din naman sa araw, paggising muli
Iwan lang din naman sa ayaw magpakilala
ng bawat aninag na sinadya
Bawat likong para sa'yo
At alin man sa mga akala mo'y alangan
Beer lang din ang nakahuli sa iyo
Sa atin