Hingang
malalim
Hinging
pag-iwan
na naman sa sarili
Sa
sarili kong pilit
ko pa rin kinikilala
Hingang
malalim
Hinging
pagtahan
na, pakiusap
Sa
sarili kong pilit
akong kinikilala
Hingang
malalim
Hinging
patawad
mula sa iyo
Sa
iyo na tanging
kumilala sa akin
Tanging
umibig
Tanging
nagpatahan,
nanatili,
nagpahingang maluwag
Sa
mga salita kong walang ibig
umibabaw ngunit
abot mo pa rin
Malayo
ako sa mundo
sa kanila,
sa aking mga titik
maging sa aking sarili
Naging
paikot man ako,
magulo, maligaw,
madilim,
Maliwanag
pa rin sa iyo
Ikaw
na nagpakilala sa akin
Ikaw
na nagpakilala na akin
No comments:
Post a Comment