Baka hinahanap lang kita mula rito sa kuweba kong papayuko. Aakagin ko ang lahat, huwag lang mahalata kahit na gusto kong mahalata. Hindi babagay ang ibang bagay sa akin. Tanggap ko naman na iyon. Ako yung tipo ng tao na hindi tipo ng tao. Baliktad ang aking pagsukat, at mayroon akong sariling panukat. Sa kabila ng pagmamagaling ko, sumusunod pa rin ako sa parang.
Tila nawawaglit na naman ako. Nasaan na nga ba tayo? Hindi naman ako naiinis sa iyo. Sadyang makitid lang ang aking utak. Pabalik-balik na magkokontrol ng sariling galit. Nagugutom din paminsan-minsan. May mga umagang may kaligtang kape. Bibilisan ko ang pag-arkila sa lahat ng magpapakarayom ng pintas. Kayang-kaya ang mga hindi pa nakakikilala sa akin. Sakaling makatsamba ng pananakot, ang alalay ng mga kubyertos ang paaanurin. Walang hiya naman sa walang hiya. Maaaring maging bato pagkatapos. Ginabing palad ang pagpapalaya, ihahatid naman lahat sa pininturahang mga puntod.
Nahihilo ako sa ngayon. Pakiramdaman mo ang aking init. Hindi naman sa pagmamasid pero matikas pa rin ang pag-aalalay ng panahon. Huwag ka nang magalit, hindi naman tayong buo lahat, at patuloy tayong magkukumpunihan. Ang mahalaga'y naaagapan ang pagkasira, at hindi magpapahila sa katotohanan. Hindi madaling umahon sa ilalim ng sariling pinagbungkalang hukay. Silaban ang pagbuo sa loob, makararaos din sa pagkalimot. At sakaling hanapin man ulit kita, babatiin mo na akong karaniwang kaibigan.
No comments:
Post a Comment