Sa inaakalang ang paghikab ay sagisag ng kakulangan sa gabing mapungay, magsisilbing panggising ang huling pagtipong may kakulangan din ang binyag na pag-akala. Hayaang magtipon ang waring mga piniling inis na mas madaling ibato hanggang sa maging kumpleto ang iyong araw. Hindi ko hinangad na maging tabla sa'yo o maging panabla sa tantya mo lamang na turing. Inaasahang ang lahat ng mangyayari ay mangyayari. Hindi ako kuntento sa pagpayag na ang desisyon ay tungong payak ngunit daig ng hulmahang ipinagpapasalamat. Tiyak ang pagtuloy kung aakapin ang pinadaan. Kung iisipin, hindi ka naman dapat nakikinig sa akin.
Maikintal man lang, malabo ang siyang kabila. Maghihintay ng paliwanag ang mga may nais na mansadlak. Ang totoo'y mapanganib kung susundin ang nais. Sa kabila ng lahat ng galit, hihintayin na lamang ang bagong makasasagip. Wala namang mamamatay, mayroon lamang ipinanganak. Maaaring labas-masok, at may hindi pagpansing abang. Sa timplang sobra sa alat at kulang sa tamis, may kung anong saya sa bawat tumitikim.
Hindi na baleng hindi maubos, puntirya'y sarili lamang. Ang paghapo'y sa akin at sa akin lamang.
February 28, 2019
February 27, 2019
Iba ang iyong lula sa aking lula. Magkaiba tayo ng tatawiran. At maniwala ka man sa hindi, naniniwala pa rin ako sa oo. Babalikan mo ang dati, kikilabutan ka sa ayaw mo na talaga. Maiisipan mong kumawala, at hindi mo na ako muli pang maririnig.
Tumigil ang lahat.
Ako na lamang muling mag-isa. Pagkagaan ko'y nakasalalay pa rin naman sa akin. Bawat buga ay manggagaling sa marunong humarana. Hindi natatapos ang lahat sa pagtingala sapagkat walang katapusan mo akong iisip-isipin. Sa bawat kalyeng iyong madaraanan, ang usok ng kable ay madaling maaamoy. Mag-aanyaya ang iyong mga kaibigang suwaying muli ang iyong pani-panibagong pangako sa salamin. Madali kayong uupo, maghihintay sa ginaw ng gabi. Ang tugtog ng mga tala ang magsisilbing gabay tungo sa kinabukasang madali mo lang ding makalilimutan.
Hindi tulad ko o tulad ng mga inamin ko sa iyo. Maghahatid sa atin ang maya't mayang pagbabalak ng diwang may hilig sa simpleng pagsilip sa iyong mga ngiti. Ang marinig kang tumawa'y nandiyan lamang nagkukubli. Hindi paaawat ang bawat ganting pagtatago. Susulitin ang mahulog nang paulit-ulit sa mapangatwirang mga lula sa iyo lamang ang puwersang kakayanin.

February 26, 2019
Kung pagbibigyan lang ng mangilag mong mga mata ang pagsilay sa kung anong hindi mo gusto, lalabis nang maaga ang hinihinging pag-asa. Aantukin lamang ako nang agaran, hindi mo ako maaabutan. Sa iyong pagsubok na sumingit, kakailanganin mo munang maalala ang iyong inay bago ka mapagalitan.
Wala munang magbabalak na akuhin ang pagbabayad. Mapagkakamalang sintunado ang disiplina kung bumulagta ang inaasahan. Sa bawat gurang na magagalit, ganti'y paumanhing may pasubali. Pasenya, pasensya. Iparirinig nang maigi. Dahan-dahang aatras, hindi naman animong tatakas. Magpupumiglas sa hindi naman nakabuhol sa rehas. Kakabahan sa walang totoong kathang-isip. Ipagpupumilit ang waring tila kunwari.
Iihip nang maginaw ang hangin - ang hindi kailangang hinihingi ng iyong katawan. Sisiklab ang init, magbabalik ang katayuan. Titingala kang muli sa talampad na pare-pareho lang din naman ang kalalabasan. Mag-ingat ka sa pag-iingay, at hindi lahat ng mahuhusay ay matatapang. Babatiin ka ng iyong kape ngunit galit pa ring maghihintay sa pagsilay mong hindi ko na gusto.

February 25, 2019
Matagal na akong naghihintay na may mangyari sa aking wala. Dadanasin kong bumalik sa himyas ng alapaap at keso. Masarap ang pagbaluti sa akin ng kawalan ng pakialam sa kung ano pa nga ba ang bukas at ngayon. Lahat ng dumadaan ay nagiging kahapon, bawat segundo, bawat minuto. Magagalit ako sapagkat ang tanging masasabi ko ay hindi na lamang para sa akin. Patuloy itong umiikot hanggang sa tumumba na akong walang malay.
Bawat pagdukot ko sa hindi ko kailangan ay panibagong adya ng matamis na perspektiba. Isa-isang dumedepende ang pagsigaw sa aking likuran maging sa kaligiran ng aking pandinig. Ipagkakamalan kong totoo kahit na alam kong may makabibingwit. Tatratuhing salapi ang bawat daliring iigpaw. Malimit na tatanggapin ang sarili ngunit tatanggapin ang pagtanggap ng iba. Mahina ako sa palagayan ng loob pero hindi ako makalilimot magbukas muli ng aking pinto.
Nagsisimula at nagtatapos ang pakikinig. Pagbibigyang muli ang nagtanghal. At sa kung sakaling nasa mabuti akong kalagayan, lilipad na lamang ako sa mainit na hangin. Ang paglutang ay masarap, sinsarap ng alapaap. Unti-unti akong lulutang hanggang sa gumising akong muli sa wala.

February 24, 2019
Masyado ka nang mataas, tingnan mo naman kami. Ang sabi ko, tingnan mo naman kami. Sarili mo na lamang ang nakikita mo. Nakakatawa na lamang kasi kung anong taas mo niyan, siya ring kabaliktaran ng pangarap mo dati. Mayabang ka na kahit na ipinapakita mong mabait ka pa rin.
Ang pag-aaruga ay tunay lamang sa mata ng iilan. Pinipili ng mga hindi kumukurap ang nais na mabigyan. Ang pagsadya ay tatagos, tiwakal sa pagsaglit. Pipilantik ang hindot kung sakaling mabigyan pa ng silbi. Hindi lahat ng bagay ay nakalilito, sa'yong gana ay halimbawa. Kung makasumbat ay wagas, hindi naman nagbabanat. Ang pagdampot sa libro ay katumbas ng pagdampot sa ibang bagay. Nasa iisang utak lamang ang pagsaboy ng karangyaan.
Huwag mo kaming himuking may sapi ka ng henyo. Tandaang malikhain ang kuneho kahit na napipinto na ang kanyang kamatayan. Baliktad ang oras, itabi man sa mga salamin. Patay-sindi kang papatayin ng iyong pansariling pagpasok sa mga iginigiit mong kayabangan. Ang hangin ay hangin, hindi dapat pakawalan. Kung sumirit man ng hikayat ay kibit-balikat na lamang. Hindi lahat ay iyong maloloko. Madali lamang sumuway kung walang bahid ang siyang polo.
Putang ina mo, mahangin.

February 23, 2019
Sa ganang akin, ihihiga ko na lamang iyan sa unan. Madaling araw na naman. Hihigad na naman ito sa akin. Hindi madaling magkaroon ng ibang mga boses sa aking lalamunan. Bawat pahinga ay paghinga. Iikot nang iikot ang aking mga mata. Ang aking pagbaluktot ay mekanismo ng galit at pangamba. Hindi ko tatanggapin ang lahat ngunit ang lahat ay hindi ko rin palalampasin. Magkalat na ang kayang magkalat, hindi ako matitinag. At sa iba pang mga pagkakataon, may kung anong salag itong aking paghimok.
Isa na ito sa mga pangarap na hindi kailanman matutupad. Maaaring magkaroon ng hindi pagkakatagpo. Ang liwanag ng langit ay minsan na lamang inaasam. Ang pagpapakasakit sa ibabaw ay aabot sa pagiging karaniwan hanggang sa ipaubaya na naman sa langit. Bibigkasin ang bawat titik na parang normal at hindi matatakutin. Sagana ang ulirat sa hindi totoo sapagkat araw-araw pa rin naman ang pamemeke ng mundo sa akin.
Yayakap ako sa akin, ako lamang ang tangi kong kilala. Makararating ang matitira, bubulasawin ang lahat ng akin. Maabutang ang paggana ay siyang magpapatikom ng ibang mga bibig. Boses ang siyang magdadala sa lahat ng hindi kailangang malaman. Ang pagngiti sa huli ang siya ring bibihag sa pansiriling kamalayan.
Magpapaalam nang paulit-ulit. Hinding-hindi makukuntento. Iikot nang iikot sa sariling mata ng bagyo. Ipapaubaya na lamang muli ang pagpapalampas ng galit. Ihihiga ko na lamang ito sa unan kung maging sa ganang akin.

February 22, 2019
Gusto mo bang maging pagmamay-ari ng karimlan, ng saluksok ng usok sa gilid ng putikan? Walang kuwenta ang mga abo kung sa mga aso lang din manggagaling. Lahat ng iyong malalaman ay kusang ipatatapon sa hindi mo pa tabi. Hindi lahat ng ibinibigay, kusang maglalaan. Hindi lahat ng nanghihimasok ay magkakaroon ng kuwenta. Ang aking paghimay ng bawat tunog, libre lamang at makisig, huwag kang titiklop.
Aaminin ko ang lahat, hindi ako matatakot sa iyo. Sino ba naman ang mangsino, kung sisinuhin ka ring todo. Hindi bakas ang malumanay bagkus ay bigyang-halaga. Malakas ang biglang pugay kung mag-aarkila ng bangka tungong pampang. Kung tanawi'y nag-aabang pa minsan ng pansiteria sa tindahan. Maaamoy ng tiyan ang panghimagas na tinapay. Papayagan pa ang sariling umisa ng pagsawsaw, sa pagsimot ang siyang tunay na aking ligaya.
Ngayo'y magtataka kung magtitino pa nga ba. Ang matino ay pagpapahalagang siyang may angking karga. Susunduin mula sa langit, sa lupa din lang ang dating. Makarating man sa paroroona'y may kung anong katuwaan sa pagsampal. Maglolokohan sa pagitan ng himala at taimtim. Aawit nang sabay-sabay sa mumunting palabas na pag-aalay. Ang paglibing sa kaba, walang may tikom na magsasabi. Sabay babalikwas sa tabi, ang puso'y siyang tataba pa rin.
Ang paghihiwalay ay may pag-akit na tunay, huwag kang mangangamba. Lahat ng ito'y kunwari lamang, magpapaari ka pa ba?

February 21, 2019
Nag-aabang ako sa tabi ng motorsiklo. Lamok na lamang ang aking mga kausap. Ang kanilang pagkagat ay nagmimistulang halimbawa sa pagkitid ng iilan. Hindi kita kinakailangan. Ang aking sariling hibla ay may paninindigan. Walang pumipilit sa iyo kung kaya't ang paglisa'y mas madali pa sa inaasahan.
Hindi ka naman nagagalit, ngunit may nakikitang kung ano. Hindi naman sa pagmamagaling ngunit hindi ko kaya ang kaya mo. Sa lahat ng ibinabagsak ng langit, tanging pluma ang may gana. Aanhin ko ang motorsiklo sa ganang akin ay walang gana. Ang lahat ng aalikbo, siyang bibigyan ng tsansa. Kakagat ang nais tumerno, lalapit ang gustong magisa. Hindi papalarin ang lahat, kaunti ang makasasakay. Babatyain ang paghampas sa kunwaring kisig ng ulikba.
Huwag kang matatakot, patuloy na pagbanggit ng iilan. Lahat ay matatapos kung sakaling pagbigyan. Ang lahat ay nararapat, paumanhin kung maiwan. Simple lamang ang gusto, ang nais ay talikdan. Hindi habol ng makata ang magpasikat, kumirot. Pipikit ang mga mata ngunit imposible nang umikot. Pagbibigyan ng madla, pagbibigyan ang madla. Ang bahagyang pagsara ng pintua'y hindi halos katapat ng pagpatay-sindi ng kabastusan. Hindi magpapaawat, kakayaning maghintay hanggang sa luminang na ang kintal.
Kape na ang isusunod sa pamamaalam na diretso sa paghahalo.

February 20, 2019
Pantay-pantay lamang tayong mga kawayang nakapatlang sa lupa. Minsa'y susuroy sa hangin, magagalit ang tigdas. Sa kapalaran ng bawat isa, matindi ang paglingap nang matibay. Ang pag-asa ay hindi pagbabago. Nag-iingat lamang ang lahat. At sa kabila ng lahat ng pamamahinga, hindi pa rin makikilala ang taos na pagod.
Madulas tayong pipindot. Mahimbing lamang ang tiyempo 'pagkat hindi namamatay ang antok ng 'di hinahon. Minsang pipigilan ang pagngisi nang maibalik ang katamtamang kalooban. Magtatanong kung kulang sa kamay ang may kayang umawit. Ititimpla na ang pampalamig ng tiyan. Ihahalo ang kolorete ng ibang ibayo. Kalalabasa'y pagtanggi sa nakasanayan ngunit umaasang ang lahat ay pampatulog lamang.
Lahat ng susubok na humampas ng martilyo ay magkakaroon ng kakarampot na pagkakataong makapulot ng biglang bawi. Kakailanganin iyon ng mga hindi kilalang sumandali, at hahabulin ding makapantay pa sanang muli bilang mga katuwang pa rin sa lupa.

February 19, 2019
Ang pagsulat ay pag-alala, muli't muling pagbabalik sa dati. Hindi ito kumakapit kung hindi kusang kakalansing. Ang hindi magpaasa ay lalong kakalamuyin. Hindi sinasadya ang lahat ngunit sasampal na lang nang malumanay. Ang muling paghawak sa iyong kapalaran ay tatag ng hindi na maaawat pang paulit-ulit na muling mga linya.
Ang paggunita ay minsang maiiba. Hindi lahat ng iyo ay sa ganang sarili (lamang). Magiging maingat sa lahat ng maiaatas sa lahat ng susunod na pagkilates. Sarili ang uunahin sa kapakanan ng iba. Maaaring hindi makuha, at wala nang mabibigyan pa ng pakialam. Ang pagsusuri ng sarili ay maigi upang maialay nang malaya ang muling paghubog.
Ang pagbabago ay pangangailangan. Hindi lahat ng iyo ay ikaw, at lahat ng hindi ikaw ay mapapasaiyo. Tanga lang ang takot at naniniwala sa malas. Kung kuyugin man ng langit, karampot lamang itong kikirot ng kurot. Matagal nang kinilala ang kapalaran, at matagal nang binitawan ang pagkapit. Siyang pagsulat na lamang ang aalala.

February 18, 2019
Kinakalawang na ang gitara mo. Matagal mo nang hindi ginagamit. Ang kanyang tugtog ay hindi na napakikinggan. Kailan mo siya muling babatiin? Matagal mo na siyang hindi kilala, matagal mo nang hindi kilala ang iba pang bahagi ng iyong kaakuhan. Kaunting tipo lang ng mamaya na, sira na ang buong kapalaran. Huwag maging maingat, sirain ang lahat nang todo, hindi ka naman nag-umpisang magaling. Hindi ka mamamatay nang kalawang.
Patugtugin ang muling pagbabalik sa kalesa, sa nagtataasang mga pader at itlog. Sa bawat maning ibinenta at mais na nginatngat, ang semento at padyak ay nagmamahalang tunay. Mapangingiti kang sumaglit, kakalabitin mong muli ang kuwerdas, iigting ang pansimayo nang paulit-ulit hanggang sa manggaling kang muli sa paghinga nang malalim. Magugulantang ang iba maging ikaw na naaasinta mo nang bigla ang mga hindi mo iniisip noong araw. Mayroong siyamnapung pagseselos sa lahat ng babalikan ngunit iisa lamang ang maisasayaw sa iisang huling gabi.
Kahit na hindi ikaw ang may desisyon sa iyong mga sinabi, ikaw pa rin ang may sabi. Iba ang kanilang maririnig mula sa iyong ipinaparating. Magagalit kang saglit sa mga utos hanggang sa malaman ang katotohanang walang katotohanan. Sila rin mismo ang lumikha ng mababango sa kanilang tenga at hindi mo sinasabing hindi sila tama. Hindi mo rin sasabihing mayroon kang sariling tugtog na tama, at ngingitian ka nila sa likod ng iyong mga ngiti rin. Ano na lamang ang silbi ng mga hindi totoo?

February 17, 2019
Ang tao ay pag-ibig. Pag-ibig ang tao. Kung sinuman ang iibig, ay iibig sa kanyang sarili. Ang sarili ay siya lamang, siya lamang ang iniintindi dahil siya at siya lamang ang tanging may paghagip. Ang paghagip sa iba't ibang puwersa ay hindi kailanman bubunggo sa isa't isa bagkus, ang pag-ibig ay pag-ibig, at hindi magiging pagkutya.
Ibig niyang umibig 'pagkat ibig siya ng pag-ibig. Guguntal ang lahat huwag lang ang pagtitig. Lahat ng iya'y nakakalat lamang sa maestro ng lahat, dahil ang lahat ay iisa, at ang iisa ay lahat. Walang pakundangan 'pagkat ang pagbukas ng bintana ay yayanig sa pulbura, kakalanso sa antipara, at babasag sa sunog at ulam. Hindi ang pagkain ang maiiwan ng pansin. Ang matapang lamang ang may sariling panindig sa hamon ng pag-ibig.
Dahil hindi talagang malambing ang pag-ibig. Mangahas ang makikipagkaibigan sa kanya. Ang araw-araw na pagsusuot ng sapatos ay araw-araw na kapalaran. Baliktad mang suoti'y problema ng iilan, ngunit hinding-hindi ng balak para sa pagsamba ng payapa at usok.
Ang tao ay pag-ibig. Iibigin ang tao. Maisasakatuparan lamang ito sa pagtuntong na sarili ay hindi ang kanyang sarili, kung hindi ang ibang mga sarili.

February 16, 2019
Hindi basta-basta ang pagpara ng jeep. Hindi basta-basta ang pagtigil ng takbo. Ang senyales sa pagharurot ay kaiba ng pag-abante. Madali lamang sanang lumingon kung iisipin sa makasariling yapak. Maiging alalahaning hindi nag-iisa ang tao sa mundo. Kung suliranin mang hindi ka nag-iisa, mas madaling mauunawaang gumagana rin ang utak ng nakararami. Hindi naman ibig sabihing mabigat ang iyong pakiramdam ay sang-ayon na sa iyo ang mundo.
Alalahaning may sariling mundo ang mundo, at wala itong pakialam sa iyo. Sa katunaya'y wala itong pakialam sa kanyang sarili. Mula sa gayo'y wala rin siyang pakialam sa iyo, ngunit hindi ito isang pag-atake ngunit likas na kailangang masilayan. Lahat ng kanyang ibinigay ay hindi niya ibinigay kung hindi kinuha. Lahat ng kanyang ipinakita ay natuklasan at walang pagkusa. Lahat ng kinuha sa kanya ay ibinigay nang walang sabi-sabi, ni hindi pinangakuan ng karangalan.
Pasasalamat sa ibang pagkakataon, ang tao'y minsang hindi naging likas sa mundo. Ang mundo'y mananatiling likas hanggang sa maglaho na ang tao. Sa pagpuna ng pag-ibig ng iilan, sariling pagtitiyaga lamang ang inaatupag. Ngunit kung magsisimula ang pagbabago sa sarili, hindi malayong makapang-uugnay ito kahit sa nag-iisa lamang.
Hindi basta-basta ang pagpara sa mundo, mundo ang magpapara sa kanyang sarili. Gayunma'y hindi na napapansin ng tao na matiyaga pa rin ang mundo sa kanya, bakit hindi siya maging matiyaga sa iba at sa lamang sa kanyang sarili?

February 15, 2019
Sumasarap na ang lasa sa ihip at laway ng yosi. Sisiklop muli't titingala sa mga ulap. Kanya-kanyang mga 'di karaniwang tantya ng kasalukuyan. Ang pag-asa'y tanggap nang hindi darating, at ngiti na lamang ang kayang iganti.
Sumiluwak na't ipinaghain ang paghila sa katabing yaman. Ang paghimas ay patudyo hanggang sa hindi na at wala nang napipilitan. Bawat pag-udyok ay sasalamin ang hagikhik sa tuwing sinasalo ang iba't ibang bahagi ng hibla. Pinagmumura nang tahimik ang lahat ng mga yerong aninag. Malapit nang mamatay sa kalawang ang mundong hahalikan na ng dilim. Yayakag na maya-maya lamang ang libak na siyang turing. Mag-uumpisa na naman (muli) ang pag-uulit.
Tanging tutugtog ang alingawngaw ng hangin sa bawat sulok nitong masusuotan. Hihigante rin ang kaluskos ng masisipag na aliw. Aalitaptap ang muling pagsilab ng pangyayari. Magkakilalang mag-uusap ang mga hindi na sariwa't batid na rin sa wakas ang buwan.
Sumasarap na ang lasa sa bawat laway at ihip ng kalam. Titiklop muli't titingala sa mata ng puting pinatay na nang makailang beses.

February 14, 2019
Hindi ko isinasamudmod na kaya kong maging bulag sa pag-alahid ng binyag sa madaling liwanag ng umaga. Iilalim ako sa mga dahon ng pagmulat at hindi sinasadyang galit at paglutang. Ang aking mga karibal ay hindi ako mamamalayan sapagkat ako sa sarili ko ang aking kinakalaban. Mutyang may tumpik ni saligwang pag-akyat. Ang tipo ng bawat bukid ay siyang iniiwasan bago manumbalik muli sa nakaraan.
Nauna na akong pumalaot, saka natakot ang aking kaba. Namuo ang daghan hanggang sa hindi ko na ito maipagpahirap pa. Ang aking kaibiga'y may pagpapatunay na totoo. Humiklod ang hangin saka kami nahulog. Pinalibutan ko ang aming mga hugis sa abot ng pagkalma ng kalangitan. Balewala na lamang bigla lahat ng pagbulong at bintang na panayam. Hinigop ko ang aking sarili, iniwan ang tunay na kayamanan. Saka ko pa mapagtatantong hindi ko kailangan ng panukala.
Mahangin ang aking utak, ngunit hindi ang iyong akala. Ang higanteng mga ulam ay sinasakyan-sakyan ko lamang. Masaya akong magpapakalunod sa kapit ng disgrasya 'pagkat ang patpat ng kantanyagan ang siyang tanging makapagpapatumbok sa aking hiya. Mahina ang aking pag-amin, at sa iba ang sasampal ng higpit. Ang sa akin lang ay wala nang dapat pang ikatakot.
Naandito naman lagi ako.

February 13, 2019
Naglalaro sa pagitan ng alaala at panaginip, sa pagtukoy at pagturing. Mabilis ang pagkapit ngunit hindi malagkit ang dalumat. Pilit na imumulat ang mata nang hindi na madagdagan pa ang bigat sa dibdib. Tagaktak ng pawis ay madaling makapawi ng tatag, at lahat ng ito'y maisasalba lamang sa isang kurap ng pagbuka.
Itutulad mo ako sa iyo, hanggang sa hindi mo na ako maunawaan. Ang aking pag-ibig ay totoo kahit na hindi mo maipaliwanag. Siyang tunay man at wagas, itong pag-ibig na inaangkin, anuman ang iyong intindi, hindi ko na ipapasaring sa aking mga mata. Ako na mismo ang bahala sa iyong mga hinaing. Hindi ka naman magiging mahalaga kung tatanggalan kita ng karapatang maghugas ng iyong sarili. Sa iyong bawat pagtalikod ay kikibot ang balakid sa aking pangunahing mga angas sa buhay. Doon at doon lamang, sa tingin ko, talagang iibutod ang lahat ng aking mga pangako sa sarili.
Hinding-hindi ako mailalayo sa sarili kong lupain. Pag-ibayuhin man nila ang dahas at takot ng lalang, magagalit at magagalit lamang ang mga tao. Karampot na tibay lang ang kailangan ng isang punyal nang makapamasong kikirot sa bagong himlay. Matinding magtitiis ang karayom bago ito maisuot, dahil hinding-hindi na siya papayag pang masuotan. Ang pagtanggap ng hamon ay pruweba at dahilan upang maging simpatiko sa hangad ng hindi kilala ng iilan. Salpukan ng simpatiya ang papasukin sa tilapon ng bawat alaala at panaginip na patuloy na tutukuyin at itinuturing.

February 12, 2019
May mga larawan mo ako na maaari mong pagmasdan. Matatagal na ang mga iyon. Ang iba roo'y hindi ko pa mga minamahal na ikaw. Mga espasyong nabigyan ng halaga at ibig sabihin. Mga halagang may espasyo para sa ibig sabihin. Mga ibig sabihing magbibigay ng espasyo para sa mahahalaga.
Magpapasayaw lang tayo ng mapaglarong hunyang tungong kalangitan. Paminsa'y tungong alikabok at mabulasok na uri ng dilaw at luntian. Makikipagtagisan sila ng ingay sa mataas na puti at bughaw. Dumaraan din ang hindi mapakaling yambot sa kanyang bawat pamimilit sa iba't ibang paghila at sakal.
Noo'y nagmamadaling makalipat sa bintanang madaling mapasok ng kasalanan. Susuut-suot sa gilirang hindi matindi ang sikip ngunit nagpapawisan kapag mainit. Palaisipan sa akin noon kung nasaan na ang dahilan ng mga patay na kulay na ito't araw-araw din naman silang dahan-dahang tumataba. Mga walang karapatang magreklamo sa araw kung hindi naman sa ganang binabati ang hari sa tuwing pinagbibigyan pa rin ng mulat.
Bigla na lamang darambog paimburnal ang nagulat na mga bangkay. Mamamatay sa usok at galis ng ayuhab ng lisik at bulasaw. Muntik nang magkunwaring hihingi ang mga nanlupasay ng paumanhin ngunit aakto pa rin sa nais na hinding-hindi malilimutan ang payapang isinasalarawan.
Larawan natin noon ang pagiging malaya sa ilalim ng pagpupulong ng mga ahas. Pangiti-ngiti minsan ang mga puyat at sabay tayong maaasar sa kawalan ng mga putang ina ng sariling panghati ng gitna. Sila pa minsan ang may ganang manlibak at mag-iwan ng sulasok hanggang lalamunan.
Wala sa akala ang pagkamatay ng nagsisisayawang pantawid. Wala rin sa mga larawan mo noon na mamahalin mo pala ako.

February 11, 2019
Gusto ko ang ilang mga bagay dahil sa may kung ano akong paraan ng pagkilala ng mga iba sa akin. Hind na (sana) ako madaling manghusga bagkus, sinasadyang buhayin ang paunti-unti nang namamatay na pagtanggap sa bawat isa. Lahat naman ay nilalang ng pare-parehong angking kaakuhan. Imposibleng iniwan ang iisa ng panahon dahil hindi naman iyon malupitang mangyayari.
Gayo'y ang tanging yari ang siyang mga kumikilalang nangyayari. Hindi iyon mabilisang mahahalata ngunit pulubi sa kalyeng mahirap abutin kung aabutan pa ba o baka kung saan na lamang abutin. Ang lahat ng nangyayari sa ating mga pagbangon ay bunga ng lahat ng ating mga pagbangon. Ngunit hindi lahat ng bunga ng ating muli at pabagu-bago paghahanap ay bunga ng lahat ng ating angking pangyayari.
Ang may-ari ang siyang magtatawag ng papapasukin. Sa gitna ng pagpapaputok ng himno at baliktaran, kusang dudulas ang mga maaaring maging paliwanag. Ang pagpapaliwanag ay isa sa pinakamahahalagang pangyayari ng nilalang. Kung walang paliwanag, hindi o maaaring mahirapan siyang magpatotoo ng pag-uudyok tungong hinaharap. Walang sinuman ang iniwan at ipinagbilang ang unang kayarian.
Sa huli, hindi naman talaga matatagpuan ang hinahanap na dulo. Ang pagpapaikot sa sariling hele ay maya't mayang bubunggo sa bungo ng nag-aalay. Hindi maaaring maging posible ang lahat ngunit ang bawat siyang ipinakasubali ay magiging putik na hindi naman talaga tinatapakan.

February 10, 2019
Amoy pasko ka ng kasiyahan. Ikaw lamang ang tanging makapagpapaalala ng sarili mo. Ngiti mo lamang ang makapagpapakilala ng ikaw. Ako lamang ang makakikita sa'yo ng tunay na ikaw.
Angkin mong ngiting may pamukaw na maghihintay lang ako. Anong kalma itong aking nararamdaman. Kakampante ako't maghahanap ng puwesto. Uupo ako sa lumang mga upuan. Sisipat sa kahit na anumang halamanang maaabot ng aking paningin. Magsisindi ng kung ano. Isasabay ko rin sa usok ng asukal at kape. Huhuni ang ilang mga ibong hindi ko na makikilala. Ako lamang na matutuwa sa ganitong kulimlim ng langit, nawa'y malamigan ng mga tikatik ang sariwa sa aking kaligiran.
Hihintayin kita hanggang sa malapit na akong mainip. Hanggang sa bilangin ko na ang bawat patak na galing sa nagbabalik ng katingkarang sinag. Hanggang sa makapagpainit na akong muli ng kape't mambulabog para sa masikip na kabaong. Hanggang sa sumimangot nang inis na inis ang pinalalamnan. Hanggang sa masundan ka lamang muli ng aking pagtitig, at humalimuyak kang muli, aking pasko.

February 9, 2019
Muling nagpamalikmata ang kahel. Ngayon ko lamang nakilalang muli. Ngayon ko lamang natagpuang ganito ang mundong paulit-ulit kong pagsasawaan. Sa paiba-ibang pagkakataon, hahapyaw ang luntian sa sarili nitong mga kaligiran. Sasangguni ang mangilang puting alikabok at usok. Aakbay ang dilaw. Maging ang mapaanyayang pula ay muli't muling nagpapapansin. Sa ganang hindi kumpleto ang tanaw, hindi pa rin ako nagbabago.
Hindi ako makaiiwas sa tugtog ng nakaraan. Tatambad ang papitik-pitik ng gunita sa aking mga luha. Mapapangiti ako sa lahat ng galos na muntik ko nang ayawan. Tatanungin ang sarili ukol sa mga sakaling ipinagpasakamay ko na lamang sa hindi ko arok. Madalas akong magalit noon sa mundo, dahil hindi ko pa siya natititigan. Ang tanging nakikita ko lamang dati, ang sarili kong mga kahinaan. Sinambit ko sa sarili kong hindi ako karaniwan, walang hiya ang mundo na ito. Paulit-ulit na ipaaalala sa sariling kailangan lamang lumipas ang isang araw nang makapikit na akong muli.
Malaya ako sa aking mga panaginip. Palagi akong napapariwara sa aking mga isipan. Maya't maya na lamang akong nagugulat sa sipa ng aking mga tunay na paligid. Napalalayo ako sa kung ano dapat ang mga makapangyayari sa akin. Sa paglimot ko sa halaga ng buhay ay ganti sa akala kong paglimot niya sa akin. Mapapansin ko na lamang muli na buhay nga ba akong tunay, o naghihintay na lamang akong matulog araw-araw.
Minabuti kong hindi pilitin ang mga bagay. Sinubukan ko lamang magmasid sa paligid. Minabuti kong maging lumot ng paligid. Babalik at babalik ako sa sulok ng aking kadiliman. Sakaling kailanganin ako, maipakikita kong marunong pa rin naman akong magmahal. Hindi ako nagpabaya, ngunit kinailangan kong hindi makita. Kinailangan kong manahimik nang makitang malinaw ang mundo. Kinailangan kong magtago nang marinig lahat ng instrumento. Hindi ko makikita ang nagkukumpas ngunit unti-unting may binabagsakan ang bawat hudyat.
Doon ko lamang ipininto ang panibagong kabanata. Nabasag nang kusa ang mga hindi karaniwaan noon. May sarili nang kulay kahit madilim. At sa bawat pakilalang muli ng kahel, ngingitian ko na lamang muli ang kahapon habang patuloy na maglalambing ang musika ng ibang mga kulay.

February 8, 2019
Iinom muna 'yan ng kape bago makipag-usap. Pipigilan pumiglas sa bawat pahapyaw na paraya. Magtatakip ng bula habang nagdedesisyon kung ipipikit na muna ang mamaya o bubuksan na ang umaga. Mamamanhikan ng kaunting saglit dahil matindi pa ang kapit ng kumot. Pipiliting makipagtalo sa sarili hanggang sa hamunin na ang hindi hiramang hiyang.
Malay ang pagkasakanya ng mga bagay. Ang sentro ay ang daigdig, at ang daigdig ay hindi ang mundo. Ang daigdig ang siyang ipinakilala. Siyang mundo naman ang pahiwatig. Lahat ng maaaring malaman, hindi susubukang alamin. Alam niya ang mga dapat niya na lamang na malaman nang malamang hindi na malalaman pa kung dapat pa bang malaman ang mga dapat na alamin. Malaman-laman niya lamang, hindi na magiging totoo pa ang lahat ng mga hiwatig. Babalik na lamang sa kung anong pinanggalingang guwang ang lahat ng matitimbang na hagap ng kanyang mundo.
Isasauli ang daigdig, kumakaway na sa malayo. Anong hinatnang nagpatilamsik sa pagharurot. Hindi niya ito mapapayagan, mahal niya ang kanyang nilalang. Higit sa lahat, ito ang higit sa lahat, dahil ito ang higit na isinapupunan ng siyang isip. Marangyang huwag sanang makahalata na muna ang ganti. Kumudlit sa pag-ahon, at natapos na ang paligid.
Magtitimpla na 'yan ulit ng kape.

February 7, 2019
May kung anong antot ang mga daliri, o maski kaunti man lang sagi. Dadalawa lamang ang nakakaalam, at malapit nang kabahan ang hindi kalaban. Suminghot siya nang isa pa, kumunot nang tunay ang mundo. Unti-unti nang nilipad sa kung anu-anong eksperimento nang maipalayag ang hindi mithi. Humingi ng paninigurado sa iilan saka tumambad na sa sarili, baka ganoon na nga iyon.
Nang magbalik sa pugad, nakatambad pa rin sa isip kung bakit mayroong nakasindagli sa may kalahating dura lamang. Hinding-hindi mapalagay. Sa pagmamasid nang ilang hiblang pinalipas, may namataang kung anong tingkad na hindi maikatuwiran. Doon na lamang nagsimulang pumutok ang pansipat at madaling nag-isip ng makapagliligtas kung totoo pa nga ba ang mga himala.
Sumulandok sa sariling kaban kasabay ng masiglang kaba ang bumulabog sa ihip ng mga puntiryang sadya. Maigi nang ihinanda ang ikalawang lente kung sakaling abuhin ang nangangarap. Lumipas pa ang ilang nagmamadaling segundo't bumigay na rin sa pagluhod ng mga munggo.
Mahirap na kaysa sa hindi na malingatan ng pansin. Kung tikyag ba'y hindi bumisa 'pag umahon, ano na lamang ang sarili sa taal na karimlan?

February 6, 2019
Saan nga ba huling naipatong yung kuwaderno nating dalawa? Ngayon ko lamang siyang muling naalala. Ang tagal na noon ah? Marami-rami rin akong ibinakat na mga sipa ng ula't kubo roon. Nais ko sana siyang makitang muli, tulad ng napipinto kong pagbabalik sa lahat ng aking iminarka sa mapa ng kababawan.
Nakakainis at mukhang malabo nang luminaw ang lahat sa aking kitid. Malubhang malalim na't hindi na siguro kaya pang maibalik. Hinahanap ko rin yung malakas magpahanging manggas ng kapalaran. Hindi na rin iyon naibalik sa akin. Ipinapasilay ko lamang iyon sa tuwing aapuhap ang aya ng gantso at paghiga sa malamig na kalye.
Yung mga itinuring din sa iyo, naglaho na lamang na parang nilipat na malay. Hindi ko mapapansin hangga't walang sisimple ng banat. Maya-maya'y hindi na lamang iyon ang aking inaalala't hinihintay.
Mangyaring hindi ako marunong magpaalam sa mga bagay na walang pangalan. Kailan ba ako huling nakipagkaibigan? Hindi naman iyon madaling maisip para sa akin. Ako ma'y mahirap ding unawain, dalhin, at maalala. Kung sakali mang mawala ako sa isip ng bawat isa, sapat nang naipatong nang malabo ang aking pagturing na mamaalam.

February 5, 2019
Hindi mo ako mamahalin kasi, hindi lang ikaw ang makikita ko. Mag-isa lang ako madalas kahit marami akong kasama. Kung ano yung pilit kong hinahanap, siyang hindi ko nakikita / makikita. Susubukan mo akong tanggapin hanggang sa iniisip mong nahihirapan ka na. Marami kang susubukan, at susubukan mo ako. Namamalayan mong nawawalan na lang ako lagi ng malay.
Hindi mo ako mamahalin kasi, madalas akong antukin at malingat. Totoo lahat ng sinasabi ko, at madalas kang maaasar. Pipilitin mo akong unawain sa gayak na hindi ko maipapaliwanag pa ang sarili ko. Wala akong panahon sa sarili ko, susubukan kong magkaroon ng panahon sa'yo, yun ay kung hindi ka malilingat at antuking kasabay ko.
Tahimik lamang akong magpaparamdam. Hindi mo ako mararamdaman, pero narito lamang ako. Susubukan mo akong mahalin tulad ng pagsubok na unawain ka sa mundong kaya kong mahalin. Hindi mo ako mamahalin kasi, hindi mo alam kung saan ako tutungo. Kung saan man tayo dalhin ng yapak, mata ko na lamang ang bahala roon.
Hindi mo ako mamahalin kasi, hindi ko pa nalalamang mahalin ang sarili ko. Kaya kong isulat ang hindi mahahalaga sa kuwaderno, o maalala ang hindi mo kailangan. Narito lamang ako para magpaalala sa iyo na isa lamang akong saklolong kay daling bitawan.
Pipilitin mo akong mahalin ngunit, hindi ako mapipilitan.

February 4, 2019
Hinahabol mo na naman ba ako? Wala ka naman kanina. Kaninang mag-isa ako't inaabangan ka kung sasalimuyak sa aking pagpapakapighati. Sinusundan mo ba ako dahil hinahanap kita ngayon? O nandiyan ka lang para mang-asar? Hindi ko alam kung magagalit ako nang todo sa'yo kasi hindi na kita kailangan ngayon, o kinikilala mo ngayon akong totoo kung kaya't hanggang susubukan ko na lamang ang lahat.
Hindi ko pinilit tumakbo, tinawanan din ako ng mga mapanlibak na paborito ng hanggang ngiti lamang ako bale. Sabay kaming magpausok noon, at pilit naming pinahihintulutang pagbawalan ang isa't isa. Tatanungin niya ako kung kumain na ba ako, sabay hithit, tapos buga. Hihithit din ako sabay turing na putang ina naman, bakit ganito na naman ako. Pinsan mo lang yata yung naroon kung kaya't may kung anong pag-akap sa dilim ang nakikikislap sa pabating binyahang aginaldo.
Gusto kita, totoo iyon, at hindi sa lahat ng iyong aspeto. Naging palagi na kitang paborito dahil iisa lamang na minsan. Minsan kang nagpatikas ng timpla, sa ihip ng pamamaalam sa tunay nang may akibat ng lamigang asubiyo. Dumagdag nang humalo ang lahat hanggang sa hindi ko na mapigilan pang ngumiti't may pagsilip pa ng luha.
Hindi ko pinilit tumakbo, tinawanan lamang din kita't sinalubong ng putang ina mo, sapagkat hindi naman kita iiwan.

February 3, 2019
Ang laki na naman ng kunwaring problema ko. Pakiramdam ko, dala-dala ko na naman ang buong mundo. Ako na naman ang mundo ko. Sarili ko na lamang ang may pakialam ako. Sa pag-iisip kung bakit ba sisirkulo ang lupa sa aking mga pagyakap, kahit paulit-ulit pa akong magpakamatay, siyang kailangan kong magpakatatag tungo sa bagong ako matapos kong tanggapin ang aking tunay na pagkakamali.
Sasakay akong may kunwaring galit sa kahelang rosas. Santo man o may dala-ralang mani, kakagyat akong kaunti kung maaari pa ba akong bumakya ng dalawampung malamig. Iisipin ko pa kung kakailanganin ko bang mamitas din ng kaalatang usbong, o bahala na dahil mukhang nag-aabang na rin ang dilim na hindi ko sigurado kung kaibigan ko ba o minsan lamang.
At iyon na nga, sasabay na ang kunwaring lungkot sa pagdilim ng kalangitan. Babanat na ako mula sa buhol ng pagmamadali, at mapagtatanto kong babagal nang muli ang bawat sandali. Unti-unti kong ibababa ang bintana, paminsa'y hindi ako ang nasusunod. Kikilitan ko pa ang bawat sulok hanggang sa maintindihang galit na naman sa akin ang mundo. Isasaksak ko na lamang ang pamaligirang paraiso hanggang sa kumagat na ang pagmamahal ko sa mundong ayaw ko.
Tilamsikang hindi sadya, malalaman kong alam kong kunwari lamang ang mga problema ko. Hindi naman ako nabuhay para tutukan ang mga bagay na ayaw ako at ayaw ko. Aanyaya sa aking talinga ang himyos ng kahapong paulit-ulit kong inaabangan. Magugulat na lamang ako't alam ko pa rin pala lahat. Mauunawaan kong kunwari lamang ang aking mga galit, dahil kung saan pa man, kunwari lang din naman ako sa mundong ayaw ako.

February 2, 2019
Nalulubhaan na naman ako sa kakuparan ng mga putang hibla. Ganito na naman, sa tuwing raratrat na ng mga kalabit at tapik, makausap ka lamang muli, makita, maisama sa mga danas, sa mga danas ngayong gabi -
ngayong gabi ng aking pula.
Siyempre, kasama ang pinagkakamalang kapit sa kamang simpares. Hindi na iyon mawawala. Para bang hihilahin ako pabalik matapos sumulpot nang inaasahan din naman. Mayroong dalawang nakisama pa na ngayon ay aywan ko na lamang kung gumagana pa ang patintang tumpik sa kanilang mga sipa.
At ikaw, ikaw na siyang nais parati, sa araw-araw na paghingi ko, hindi ko minsang hinangad na magkakamali ako sa aking bawat kumpas, bawat pawis ng pasensya, at pagtulo ng huwag naman sana.
Hindi sigurado sa kung paanong iihip ang lahat. Wala ring nakakikita sa dulo ng magiging kahapon. Kapuwa lamang ang lahat sa pagbatid at bati ng pula, kulang sa rekadong pampalubag-hangin ngunit sakto pa rin sa himagsik ng pagtatago.
Nasa ibang pook ang aking mga kagisnan kung kaya't anong libre itong paraisong iniwan para sa akin, para sa atin, sana. Maya't maya akong lilingon ngunit hindi naghahanap ng tiyempo. Bawat ngiti'y kabang sisipa na lamang. Bawat imik ay hindi pinalalampas subalit kinakailangan pa rin umastang salbahe.
Inisip kong mauubos din ang mga mitsa ng alaala, at gugulong din ang mga tala. Tayu-tayong taal na lamang na muling lalaban sa mga iisang aso ang siyang iniwan nang makipagtagisan pa sa isa pa nga ba. Unti-unti kang napapahimlay, nagyayang mamahinga. Sinasalo ko lamang lahat ng iyong mga ngiting kay hirap iwasan. Sa bawat pekeng lambing na iniipon ng aking tiyan, nawa'y nakakislap ka man lang kahit kaunting pagpapaano kung.
Humina ang iyong sisidlan, at huminga ako nang malalim. Humingi ako ng paumanhin, at humingi sa iyo ng pasubali. Maya-maya'y isa-isa nang nag-ugnayan ang magkakalayong mag-anak, kanya-kanyang nagbatian, at mahigpit nang nagbukluran sa isa't isa.
Ito ang pag-ibig, turing ko sa ating pagsasarili. Hindi man ako sigurado kung uminit sa iyong kalam, marapat lamang na iyong malaman, kung nakikilala mo pa ba tayo, na minsan ding ang lahat na naging ito, ito, itong-ito, ito ay hindi naging hindi pag-ibig.

February 1, 2019
Hindi ko pa rin naman talaga alam. Sa akin na lang (muna) ang ating mga alaala. Ako (lang naman yata) ang may gustong alagaan sila. Silang mga nagsisitulo, hanggang sa pumatak, hanggang sa kumagat ang puti sa itim, at hindi iyon simpleng pagkurap lamang sa mga tala bago magwalang hiyang humimlay.
Ni pagpikit, hindi makapipigil. Beef stew at seafood kung mananaginip. Sarili ang mag-aanyaya. Kung kailangan mang ipihit pabalik ang lurantik, hindi na rin nararapat pang kabahan pa kung mayroong maiinip.
Sila ang itatago matapos mapakawalan. Mangyaring sila't sila lamang ang tanging mga dahilan kung bakit paulit-ulit akong magsisimula, pabalik-balik na magsisindi, at hindi na magpapaawat pa kahit kailan na putahin ang hindi. Ko. Alam. Silang mga pinakapaborito. Sila ring mga minsan at kadalasang ikinakahiya.
Kaya, akin na lang muna sila. Ako na ang magtatago, at ako na ang magtatago. Ako na ang mag-aalaga, kakausap, uunawa, magbibigay-halaga. Ako na ang magbabalik sapagkat ako lamang din ang inasahang hihintayin. Ako na lamang ang makakikilala sa kanila, at sila na lamang ang makakikilala sa akin.

Subscribe to:
Posts (Atom)