May kung anong antot ang mga daliri, o maski kaunti man lang sagi. Dadalawa lamang ang nakakaalam, at malapit nang kabahan ang hindi kalaban. Suminghot siya nang isa pa, kumunot nang tunay ang mundo. Unti-unti nang nilipad sa kung anu-anong eksperimento nang maipalayag ang hindi mithi. Humingi ng paninigurado sa iilan saka tumambad na sa sarili, baka ganoon na nga iyon.
Nang magbalik sa pugad, nakatambad pa rin sa isip kung bakit mayroong nakasindagli sa may kalahating dura lamang. Hinding-hindi mapalagay. Sa pagmamasid nang ilang hiblang pinalipas, may namataang kung anong tingkad na hindi maikatuwiran. Doon na lamang nagsimulang pumutok ang pansipat at madaling nag-isip ng makapagliligtas kung totoo pa nga ba ang mga himala.
Sumulandok sa sariling kaban kasabay ng masiglang kaba ang bumulabog sa ihip ng mga puntiryang sadya. Maigi nang ihinanda ang ikalawang lente kung sakaling abuhin ang nangangarap. Lumipas pa ang ilang nagmamadaling segundo't bumigay na rin sa pagluhod ng mga munggo.
Mahirap na kaysa sa hindi na malingatan ng pansin. Kung tikyag ba'y hindi bumisa 'pag umahon, ano na lamang ang sarili sa taal na karimlan?
No comments:
Post a Comment