Sa papiglas na paglasap ng unang sinag, nalasahang muli ang mumunting pinangarap. Nahugasan nang matindi ang mga bahid ng mga hindi iniindang pagkakakabit-kabit ng iniwasang tala. Natapos nang maayos ang isinagawang paghihintay. Nagkaroon ng malamyang pagbabago ngunit nakapagpaabot pa rin maski papaano ng galos ng ngiti.
Hinilom nang mabuti, dahan-dahan ang bawat himyas. Lasap na lasap ang mga kating walang atubiling kinamot nang kinamot. Mapapantal ay sinimot, walang makatatakas sa gutom. Hindi na baleng umalintana ang hiya ng dugas, ang paghalimuyak ng inggit. Bilog na bilog ang mata ng kusinero, kinilig nang kinilig ang mga bagong dayo. Bawat mura ay palasak hanggang sa tuminag nang kasiya-siya ang paglalarawan sa bagong hulmahang kinabukasan.
Ipinihit na ang preno, malapit nang makatulog muli. Pabirong nagpaalam ang isa't isa't humuni na ang pagbabalak muli ng mga tiyempo. Inisip mong makapaghanap na muna ng payak na pagbabago sa iyong sarili, sa may bandang tuktok kung sakaling maibsan pa ang init na makapang-aasar. May nagmungkahing bumalik sa gintong kanto't magpahangin, umasa sa kapalaran. Nakamit ding masilayan ang kay liit na kaligayahan. Pumasok nang nakangiti pa rin sa pinto, hinugasan nang maigi ang mga paa.
Natapos din ang pangunang sabit sa gabing kay layo pa sa umaga.
April 30, 2019
April 29, 2019
Maaari na ba akong kumain muli? Ngumasab nang 'di katamtaman? Magpaungol ng lasap, laway, at laman? Malabong may mangyari, aamin sa hindi. Ang magkaroon ng bahid ay simpleng pagtuli sa hindi rin inaasahan. Nandiyan na ang mga bagyo, paparating na at sabik nang maghukom. Walang kayang hintayin maliban sa mahihilig magpasipa hanggang alas tres nang madaling araw hanggang tumilapon na ang mga bangko sa kalsada. Titilamsik ang mga diyaryo, matatapakan ang mga balita sa umaga. Kawalan ng pakialam ang nagsisilbing pampagana sa araw-araw na panggagago sa sarili.
Sisimulan nang magbanat ng buto muli, sisilahis sa sindi ng mga tilaok, aagaran ang magsasalin ng arnibal sa malapot na tasa. Mag-aabang ng kung anong malalamon, mamaya nang muli. Ang mga dumaraa'y karampot lamang ng mga tanging silbi sa aking sanlupaan. Malaya ba kaming talaga? Mamaya ko nang iisipin. Ang maigi'y may kumakausap pa rin sa aking mga pasimuhol tungong langit at paano na nga ba. Maya-maya'y may magpapakilalang asong ulol. Marapat bang magkaroon pa ng sariling pag-apuhap? Ewan ko, itanong mo sa pagong, hindot. Huwag mo nga akong tarayan. May bukas pa, mayroon ding mamaya, at mayroon pang lalo ng isang taon, at isa pa, at isa pa.
Kakandungin ang mga nangangailangan, ako na mismo ang magpaparaya. Sa lahat ng araw na natira ang mga hapon, gising na lamang palagi hanggang madaling araw. Ang antok ay hindi ko kayang labanan, bagkus karamay sa pagkitid. Lalamyas, lalambing, hahalika, huwag na huwag iindahin. Tapos na ang mga araw ng hiya, minabuting buuin at tanggapin ang pagkamakasarili, dahil ang pag-iisip nang paatras ay nakakaubos lamang ng kalatas-pang-agham, pantunay sa mga itinalagang antok, pang-umay sa paanyaya ng palaman. Tama na, o tama pa ba? Sisimutin mo ba iyan? Kanina pa kako ako naghihintay. Saglit, putang ina.

April 28, 2019
Nakakagulat lang kung sumimple, todo-todo ang mga pagbalik. Kakahol ang mga manonood, handa nang maghanda ang mga kritiko. Bibitawan ang mga linyang pampurga sa mga bulate ng liga, paglalaruan ang mga bata hanggang sa mapagod at hingalin, tamaan ng matinding hika, pagkatapos ay susungalngalin hanggang sa maubusan na ng rima.
Hello sa lahat, kamusta na ang iyong pamilya? May kinakain pa ba kayo, malinamnam at masustansya? Hindi biro ang sumulat, kumitid hanggang bato, magkakaroon lamang ng pakpak kung mabubuo ang mga buto. Pagkalipas ng madadaling rima, tatapusin nang agad ang eksena. Subukang kumawala hanggang sa lumampas pa sa sukdol, sa dulo ng walang hanggan, magpahanggang sa hangganang hindi hanggan.
Hangal, makinig ka nang mabuti. Hindi porke't may umaangal, atubili nang magkakamali. Katatapos lamang manood ng sapakan, ng suntukan ng mga likha, nasa gilid lamang ng magkabilang aparador, nakapiit sa nag-uusap na mga salamin. Pumapasok nang paulit-ulit ang init, sasagutin ng mekanikong hangin. Sa pinakadulong hindi pa napapanood, tatahimik din ang pag-uusap ng hindi pagsama sa matatarik na bundok ng pagkatuto.

April 27, 2019
Mahuhulog at malalaglag. Magkakalat, magugunaw, titigil. Saka lamang titigil ang mga hinagpis kung may nangyari nang pagtilapon. Ang mga sinungaling, kakabahan ngunit ang siyang magbabaka sakali ayusin ang matatandang iniwan nang dahil sa kawala ng gana, ang mga bagong buhay ay malapit na rin sa mga kabaong ng kontemporaryong kasaysayan. Ang mga nawawalang kayamanan nama'y hindi na magkakaron ng ibig sabihin dahil sa wala nang panahon ang siya namang mga pumapasok na lamang sa dilim hanggang sa gisingin ng tagaktak na dulot ng init.
Magmamadali sa tulin ng rumaragasang hangin. Masyadong makapal ang kailangang suotan. Alam ng parehong hindi na maaaring bumalik pa sa tunay na kalakhan, mag-iiba nang kusa ang mga bagong kagigisnan. Mahirap pumiglas sa kinasanayang kultura, ngunit hindi lamang binabalikan ang tahanan, siya rin itong binubuo, nililikha. Sa bawat bibitawang bigkas, makapaglilinaw sa mga dating kay labo ang mga luntiang larawan. Susubukang nakawin ang mga hindi kailangan, magkakaroon ng halaga ang mga halaman, at kikilalaning pagbangga sa mga mahilig magiba ang ayaw pagibang pag-ibig.
Nakakalito nga, alam ko, at madalas. Simulan mo nang bumuo ng sarili mong bibliya ng mga litanyang kailangan mong pagnilayan sa mga susunod na mahuhulog at malalaglag.

April 26, 2019
Sa pagsapit ng pagtatapos ng pambatang himagsik, ang paghihintay ay pagpigil lamang sa pag-agos ng paggalang sa pagpapanggap ng mga pagi-pagitang pagpapagalit. 'Pag umpisa na ng pag-asang pagpapawisan sa kabila ng pagpaypay paakyat nang ilang palapag, papayagan na ang bawat pagpalag sapagkat ang pagyari sa pamayagpag ng paghahari ay paglisang pag-anyaya sa paggayang pagapos.
Matulin ang alaalang sasakop sa iyong buong araw ng pamamahinga. Mananahimik na nang lubusan ang mga alipores na hindi naman din kinayang makipagtanggulan. Mag-isa ka na namang makikipagsapalaran sa mga langaw at kalabaw nang makitang simula na namang muli ang pag-aani ng sukob. Hindi talagang iiwan ang mga sinadyang kulitin. Nakakainis dahil ang pagsasalita'y may kung anong pagsubok ngunit hindi naman din inuunawa.
Hindi na pinipilit pa ang nais nang mang-iwan. Ang makiramdam ay sintulin na lang din ng pagtatapos ng mga pambatang himagsik. Malaya nang muling makianid sa higka-higkagang pananatiling kumpol. Magkakaroon nang muli ng pangiba nang mga kulay, nakasasabik. Siyempre, may pagbati rin ang mga lumang saka lamang ding naghihintay, naghihintay na mapasa'yong muli. Pagbati.

April 25, 2019
May paglumanay nang yayakap, muli. Hahagkan ang matagal nang hindi nasisilayan. Muling mabubuhayan ng loob ang interes sa bawat nilalang ng daigdig. Susubukan nang lampasan ang mga barikadang siya lang ding may likha, likha ng isip na 'di mapakali. Magpakadali na munang humanap ng payapa, ng pamamahingang may pagkilos. Hindi iisipin ng marami ang kadahilanan ng iilan. Hayaan nang lumuwas sa lungga ang pagkakuha ng buo nang mga pakiramdam. Palayain ang pag-iisip, ilayo na ang sarili mula sa pagkakakahong dala ng kontra-kultura, maibutod lamang muli sa kaakuhan ang pangunang salaming inagaw.
Kung tanyag ma'y may pagkakakilanlan, labanang bumawi sa mailulusot na paraan. Ngunit huwag ituring na pag-usapang ang pagkimkim ay hindi matatapos. Magkakaroon at magkakaroon ng pagkakataong uusbong ding kahit kay sikip ang mga kating kakilig kung kamutin. Takpan man din ang liwanag, ugaliing makasigurong walang senyas ang walang bahid. Kaunti lamang ang nagsasabing madali ang makiramay. Itulak nang sagaran, ngunit huwag sisilip, 'pagkat espesyal pa rin sa mga yawa ang kung may makitang mali sa hinaharap, siyang kasalanan ng mga naglalakad na muna't magpapahinga.
Gunitain sa bawat umaga ang paggising ng kumot at unan sa malansa-lansang napanaginipan. Itumba ang mga lasing, ipagmaneho ang mga uuwi, sakaling umulan ng biyaya, sana'y makarating nang 'di apurado ang paglalaanan. Masinsing hihimlay sa kumot at kamang nag-aabang lang din, magpakasimot sa hagkang matagal nang 'di nakikilala. Muling yakapin ang mundong malumanay.

April 24, 2019
Sa gitna ng gulo at ingay, malalaman pa kaya ng mga nagsisiput-siputang hurado? Malalim ang kinakayang sisirin, malabo na kung malabo. Aanhin pa ba ang liwanag na hindi naman na makalusot sa damukal ng estilong pangkriminalan lang ang hakbang? Malabo, malabo, aanhin pa ba? Aanhin pa ba ang bawat sementong yari lang sa kalamidad ang pang-unawa? Malabo, malabo, aanhin ka pa bang may lalim sa hungwit kung sisipain? May tyempo, may ritmo, may singgaling kumalansing. Sa pagdapit ng tamang oras, wala nang magmamalalim.
Payasong pururot, may ikaliligaya pa ang mga nagpipigil. Komersyalismong may layag, aanhin pa ang pagpalag? Payag nang payag, maliligaw nang maliligaw. Mag-iingat nang pakiwari, madalang na ang mga nagsisilakaran. Naandito na sila, huwag ka nang mag-alala. Ang pag-aalala'y aksaya na lamang kung tutuusing pamitagan. Magpakilos, magkusa, mayroong marami pang magagawa. Mag-umpisang makigaya sa malay ng murang may-kaya.
Perpekto, o perpekto. Aanhin pa nga ba ang mga pangamba? Kontrolin at usisain ang mga magkakahawig na pakpak na maya-maya'y lalamunin na lamang ng kasaysayan. Ang alon ay tuluy-tuloy, hindi maghihintay sa nag-aaksaya lamang ng boses at pawis. Sa mga tambay na malaya nang mag-isip at umunawa sa kanilang paligid, magkakaroon na ng bulasok ng pag-asa, maliligaw na't manlalabo ang mga sing-ayaw magkusa, kumilos, palayain ang sarili.

April 23, 2019
Maligayang kaarawan, sa lahat ng mahilig umindak sa iba't ibang klase ng putaheng pangmanginginom, pambasketbol, at batuhan ng nangangasim na kantyaw at pagpalag sa mga kinauukulan. Ukol sa lahat, maligaya ang nararapat na pagbati sa iba't ibang klase ng kumpareng medyo nakakalimot pa kung mas maigi bang itawag ang pekeng pangalang naalala o tsatsamba na lamang ng mga syomai na nangangailangan pa ng kaunting pamasid-anghang.
Maluwag na, maluwag na ang kinaroroonang pook ng mga trumpeta't kagalakan. Nalalayo na ang mahahalagang bagay sa hindi na importanteng pag-usapan. Basag nang timyas ang mga ipinukol dati-rati sa bato, maging ang mga inukit ay sadyang pinira-piraso nang burahin at ang iba pa nga'y ninenok na nang hindi nagpapaalam.
Paalam na, sa mga panlamig at tikas ng hangin. Dugyot na kung suotan pa ng gabing pananampalataya sa habagat ng panlitrato lamang na mga liwanag. Mag-iiba na ang ihip ng ginaw sa katawang pinamutawan umano ng hindi pagsasabi ng mga nagsisihigantehang pusang ligaw. May laya nang sa muli, magbabalik sa pinanggalingang pito pailalim sa ipinagpipitagang papaitan.
Mapait man sa sukdol, balikwas na ang kalibangang pagkakabisa.

April 22, 2019
Dumagundong, ang puta. Maraming akala ang sumagi sa akin. Baka naman kasi may kung ano akong nakaing puno ng kasalanang-taba at kailangan ko na namang makipag-unahan sa pareho kong mga tindig pantilapon. Hay, ina ko! Tinawagan din ang ilang mga kababalaghang minsan lang ding magparamdam. Nakaramdam din ng masiglang samyo ng ngiti 'pagkat may pag-aalalang 'di mapapantayan kailanman ng kindat ng manok at gravy.
Sumagi ring baka naman mayroong pagkadambuhalang nagpapaalalang malalambot nga pala ang mga daplis ng antok at paraya. Wala akong masamang ginawa, hindi naman din sinadya. Nakakatakot isiping baka na naman magkaroon ng isang tasa ng goto matapos makapagdesisyong rerekta na naman ang lilimang tala hanggang sa halikan ng paglambing muli, mula sa muntik pang kasukdulan ng madaling araw, sa pagitan pa rin ng mga saradong bahaghari at maaari palang puwestuhan ng lamsik.
Malayo ka na, malayo ka na ulit. Mabini kaming mananabik sa maya't mayang pagpula ng labi dala sa amin ng gatilyong palitan ng paputok ng pinulburang talastasan. Mamayagpag pa nawa nang ilang librong pahina ang iyong mga pasiklab, yayanig muli sa aming nag-aabang lang din ng iyong pagpapala. Salamat, salamat pa rin at nagkaroon ng panibagong mukha ng husay at tapang, puso sa bawat utak na bibitawan. Masigla, o kay sigla ng pagtatapos. Ang pagod ay iindahin para lang mag-udyok ng 'di kunwaring pag-ibig sa buhay.

April 21, 2019
Ayan na, ayan! Parating na naman sila! Hindi ko na naman sigurado kung dapat ba akong kabahan o oorder na lamang ako ng isa na namang bucket, at isa pa... At isa pa.
Papayagan ko na naman ang aking sariling maging mapagbigay sa panahon, sa aking mga katabi, at malalayong katabi. Hahayaan ang sariling makalingat ng ilang mga pagsilip ng galit at tuwa, ng siya at lungkot, ng ikaw at ako. Tayong dalawa lamang, sana'y pagbigyang hindi. Pagbibigyan ang sariling walang maibibigay na kahit na ano, ni pagkilalang tapat sa mga huni ng madla. Babayaang maiwan sa likod ng mapamasong rehas, sa habag ng ilalim, at dilat ng dilim.
Panandaliang magsisitigil ang karamihan, halos lahat. Haharanahin ng mga pintuan ang gilagid ng mga nakikitira lamang. Sa segundong sumemana ang mga santang sandamakmak ang kapokpokan, azul ang siyang kakalma sa mga lalamuna't pagkalunod pang bote-boteng serbesa. Ay, grasya. Hindi ko ito titigilan. Hindi ako mapapagod hangga't may mangyayari pang hindi, may nag-aabang pang totoo. Saka na 'yang mga papuring hindi naman kinakailangan. Saka na rin ang mga ipokrisiyang wala namang matibay na paninindigan ni kongkretong mapakikinggan.
Lahat ng mga boses sa iyong itinadhanang pag-iisip ay tipong mga alimango lamang sa aking sahig na kubrekama. Lampas pa sa harayang dahan-dahang makaiintindi ang mga manggagalugad ng ginto't alak, perlas at pilak. Subukan mong kilalanin ang mga along takot kang salubungin. Bubulusok ang galit kong sinsinungaling ng mga sirenang sinulid ang isinisiid sa sinag ng sungay.
Huhupa? Huhupa mo mukha mo. Hindi porke't may umpisang akala'y ang mundo na agad ang patungo. Hindi lahat ng sulirani'y may pag-abot sa payak na sumasalamin sa lahat ng anupa't akalain din! Akalain ko nga naman, akalain mo nga naman. May umagresibong agaran, palakpakan ang mga kalapati't sagaran ang pag-imbot sa bulatlat ng sa gana, makatagpo lamang muli ang kagyat na ngiti.
Tahimik, sa huli'y langgam na lamang ang may gana. Pakikiusapan pa ang mga ilaw at tugtog, ang mga higante sa kusina. Paratang sa mahihina, may kutya ang mga kabit-kabit na karayom. Maasgad na kung maasgad, sisirain lang ang lahat ng isang masigabong lutong ng gutom. Pagod na ako sa mga nakahain, hindi naman ako aalis. Pagdapit ng sandaling tutuldok na ang paraya, alam kong alam mong may guhit sa ating mga walang kuwentang digma.
Halika, halika.

April 20, 2019
Barya ma'y tipong alak na lamang ang magsisilbing katapat. Hayaan na muna ang nag-iisang halaman nang makontrol pansumandali ang pamamayagpag ng mga alon sa buhangin. Mamaya nang sirain ang kalma, ipakain nang buo ang konsensya, lunurin ang sarili sa mga ngiting hindi magtatagumpay ngunit puwede na, puwede na.
Bukas pa ang bukas, talagang bukas pa iyon. Saka na alalahanin kapag may nangyari na. May mangyayari pa ba? O yari ka na? Yaring iyong tanging yari ang mangyayari sa iyo. Mangyayari ang mangyayari sa iyo, yaring iyo, yari para sa'yo.
Saka na, kapag gumising ka nang muli. Ni hindi ka pa nga bagong-mulat. Bulatlat pa ang iyong mga kaibigan, silang mga kasabay mo sa paghihintay kung bukas na ba, bukas pa pala. Isa pa, at isa pa. Mamaya na 'yan, may bukas pa. Bukas pa ba siya? Bukas pa yata. Bukas na.
Ipaubaya na lamang sa bukas ang lahat. Ikaw itong nabubuhay sa bawat hiblang magiging kahapon, palaging magiging ngayon. Magiging kahapon, manggagaling sa mamaya. Ibabalik ang kahapon, dadaanan din ang bukas. Hindi makikita nang tuwiran, damdamin ang paulit-ulit na pagbibigyan. Pangungunahan ng kasinungalingang barya ma'y tipong sigarilyo na lamang ang kaibigan. Hayaan, hayaan na lamang muna sila. Muna.

April 19, 2019
Pumikit na lamang nang hindi mapagbintangan. Namamantal na naman ang kaliwa kong kamay. May mga bagay na naman akong hindi matitiis. Saglit lang. Paano na nga bang ulit gumagana ito? Hindi ko na malaman-laman sa ngayon kung bakit pa nga ba naririto ang isang iglap lamang na sandali. Paumanhin. Salamat na rin. Magkabilang ibayo tayo ngunit ako'y iyo pa ring pinakikinggan nang hindi ko nalalaman. Sa mga hindi mo maunawaan, ipakatago mo na lamang sa likuran ng iyong puso, saka mo balikan kung malapit mo na akong maunawaan.
Tuluy-tuloy lamang ang ragasa ng panahon, walang maghihintay sa atin. Ikaw lamang ang madalas na basehan ng halos lahat ng aking mga hilig. Ikaw ang tipo, ikaw ang ngarag. Palaging nag-uumpisa ang ngatal ng palipat-lipat na bintana makaalala lamang akong muli ng una't tanging una kong magbigyang muli ng kislap. Ayos lang ako sa lahat, ayos pa rin naman lahat pa ng mga nangyayari. Ni hindi minsan akong nalito sa kung bakit ba ang umpisa'y patuloy pa ring nakikipagpatayang-abo at hindi na sinikatan pa ng buwan.
Sa kamay ng poon, tayo'y umasa. Hindi lamang bale sa wala, sa bathalang na ang gawa. Kikilos nang may kuwit lamang, pagaganahin ang loob, ang tibay ng loob sa bawat pagsubok na ipararanas sa atin. Magkikitang muli, sa tunay na panahon, ang araw at ang buwan. Tatagusan nang malumanay ang oras na madalas walang kampihan. At kung magkagayon man, tayo'y magiging handa, lahat ng mga tipo'y bibisa, lahat ng mga pangako'y matutupad. Kamutin man nang kamutin ang paghingi sa pila na mga medalya, ibang yamang siyang aakuhin sa yari ng sansinukuban.

April 18, 2019
Ano itong ginawa mo sa amin? Pilit na pagkakaugnay. Kailan mo huling binisita ang aming mga nais, ang aming nga hangad? Kinilala mo ba kaming tunay? O may iba ka pang kagagalitan? Sa mga kapeng binasag ko sa umaga, naging kaugalian na naming maghirap sa anyaya ng kasinungalingan. Mang-aabuso ang kasalakuyan hanggang sa hinaharap, at ikaw, tanging ikaw ang nagpasimuno ng aming nakaraan.
Huwag na tayong magbalik pa, paalam na sa iyo. Mangyaring hindi kami nararapat, at ikaw ay gayon din naman. Simple lamang sana ang mga bagay kung hindi nagsilaglagan ang mga propeta. Hinayaan na lamang sanang magkandagulu-gulo ang mga sinaunang lalang na likas naman din sa kanila. Tipong hindi naman inaano, nagkakaroon pa ng kung anu-ano, at sa bawat anong aano, ano na lamang ang aano?
Ano?
Nariyan ka na't nandito pa rin kami. Hindi sa sinasadya pa rin ng iilan sa amin ngunit makisiya ka naman sa aming paghihiganti. Ang bawat pagpatak ng ula'y asar na asar na akong magpupumiglas. Ang aking pagbabalik-loob ay bunga ng dulot ng mangilang panahong umaagaw sa aking mga gustong kilalanin. Ano ba itong ginagawa mo pa rin sa amin? Mabuti pa't agawin na rin ang aming mga susunod pang layon, sagarin mo na. Perpektong halimbawa ang mamaalam sa may kararating lamang na tulong.
Tulong.

April 17, 2019
Hindi na mananatiling malinis. Huwag na pilitin pang magkunwari. Hindi na maaaring mapalitan pa ang agos ng pagkakakilanlan sa kung ano ang hiwatig ng daigdig na dapat unawain. Mahirap, mabigat, nakakasawa. Sa pabagu-bagong bala ng hiwaga ng pagyaman, yaman din lamang na maipasa'yo ang kung anuman ang nais na ipagkasukdu-sukdulan.
Mahirap nang makabatid, alam kong alam ng paligid iyon. Ang mga walang salang makikiapid ay banta ng hindi matatawarang pagsilip. Lahat ay gustong sumilip, makibagay sa mga bagay na hindi pinagbabagayan kahit na kung sa bagay ay humingi ng dispensa, kung ano na lang din ang umabot, siya lang ding agad na malilimutan.
Wala namang may sadya kung malibog ang mga hari. Sabik sa bungad ng hubad na katotohanan. Ngingisi kung ngingisi, magpapalakpakan sa tuwing ikagugulat ang kinikilalang tambad. Pakyawan ng pamukaw, pukeng pakaw ang palitaw. Yaring sa ganid at kapangyarihan, iniluluklok mula sa lupang nilason. Mapagbibigyan kung aamin, isisiwalat kung hindi. Talang tinuring ang mga walang sala, pauuwiing walang mga liwanag.

April 16, 2019
Pabalikin mo ako sa samyo ng malamig at malambing. Paantukin sa ginaw ng kulimlim ng lupun-lupong ulap. Sa ganito ko lamang tunay na sinisinta ang kapayapaan. Payapa akong magmuli, sa magkahalong halumigmig ng mga damo at dahon, sa gilid ng dalampang sementadong kalsada, kumportableng kongkreto. May katok nang buo ang mga kahoy mula sa uupuan kong may lumang barnis. Takatak nang walang pagmamadali sa aking kahon, sabay hugot ng panibagong sala. Sasayawan ako ng usok na aking ibubuga, hindi ko malilimutang haluing muli ang aking kapeng dahan-dahang pinapaslang ang sigasig.
Ayos lang, ayos lang. Ito ang awa ng buhay sa akin habang unti-unti kong pinapatay ang aking mamikit pang diwa. Mandilirim akong saglit bago pa man mapagtantong hindi lahat ng buhay ay biglaang namamatay. Nginitian kong muli ang aking kape, may kaunting habag sa aking mga labi. Maya-maya'y mauubos ka na, at ako'y magsasakripisyong muli ng ilang panahon para sa walang kuwenta pang mga bagay. Itinuring ko silang lahat na aking mga kaibigan, malayo ako sa aking kinamulatan. Sa mga saglit na isinisilid sa aking mga hawak, may kung anong duwal ang gustong kumawala. Huwag na muna sana, huwag na muna.
May magpapakatatag pa, makikiisa sa orkestra ng mga huni at simoy. Pipikit akong muli habang kinakapa ang sunod kong atubili. Sa mga susunod na buga ng pamamaalam sa iniwan, kakalabiting muli ako ng pagal na paggunita. Ngayon na, punyeta ka ba? Kukunot ang aking kilay, pipigilan ang mapagbadyang bara sa hinga. At sa aking pagdilat, gugulong na lamang ang luhang sisira ng sansaglit na simuno.
Tara.

April 15, 2019
Nakaiiritang pagbigyan ng pansin pa ang mga tangang masigla pang makikipagpataasan ng salbaheng uukiting marka. Mapanganib kung lalapit ang mga kaibigang hindi naman pala swak sa panlasa. Nakakatawa na rin. Kahit ilang ulit pang pilit na ipaliwanag ang kahalagahan ng pagpigil sa pag-amin ng kayamanang magaganap, may sa yawang kadakilaang makapagpataas pa lalo ng ihi ang kayang-kayang pagkalaanan ng kasiyahan.
Malabo na bang may makaarok pa? O tatanggaping suwail ang tama at magpapakapasan na lamang? Hindi biro kung magiging kay dali ng pag-agaw ng saya sa dibdib. Kailan bang naging katuwa-tuwa ang maagawan? Lahat nama'y paglalaanan ng panahon, hindi naman magkakapareho ng daanan ngunit iisa lamang ang destinasyon. Maging mapagparaya sa mga bagay na hindi naman tunay na ikadadakila. Nilikha ang mundo para namnamin, at hindi para lamang lapastanganin at bigla na lamang iwan.
Tulad mong marupok, tambay lamang sa mga pook-tanghalang ikaw lang din ang siyang may gawa. Sa kakitiran ng iyong isip ay madaling mahuhuli ng gagamba ang iyong mga banta nang hindi umaasa sa kanyang hamak na mga ibon. Alagaan mo na lamang ang iyong pinaghirapang tamo, ipako ang pamamalagay sa kathang haka. Sa wakas, nawa'y mahulong ang dalisay na damdamin ay hinding-hindi maaaring bawiin pa.

April 14, 2019
Dahan-dahan kang minamadali ng mundo. Nag-aabang sa bawat pagsayad ng kapit. Kailanma'y hindi mo inaming ikaw si Goku para magapi lahat ng iyong mga kaaway, mga binuong kaaway, mga maya't mayang paninirang ubod ng pait pa sa iyong nakaraan. Paaalalahanan pang ang iba'y magpapakilalang may lalim at lubos ngunit sisisid palang walang pakialam, may kargada sa bawat tilamsik ng lingat.
Kaya't mag-ingat, obserbahan ang iba't ibang gawi. Huwag magpaanod sa likas na tuksuhang malabo namang kabit sa iyong siguradong paglaya. Kung mapanood man ang dulo'y konsiderahing maalat ang sariling tirada kung hindi para sa iyo ang lahat ng inihain. Taglay mo ang iyong mga sarili, makailang ilan ka man, dahil lahat ng pagmamataas ay tungo lamang sa landas ng mga nauunang magpaalam.
Pasanin ang mga galit, inis, titig. Lahat naman ng mga iya'y makalinang-kutob. Pumares sa may payak na puwestong pupuwede pang pumanig sa mga pinipilahang payo. Kung ganito'y ang bawat birong bibitawan ay saktong may makauunawa, kung hindi'y mapagbibigyan pa rin ng palakpak. At kung sa dumating ang minutong ubos na (naman) ang respetong kaibuturan, papasanin kang dahan-dahan ng mundong ikaw ang siyang tinataglay.

April 13, 2019
Kailangan ko ba itong kamutin? Muling gisingin ang nananalaytay? Sa kaunting pakipot ay bigla-bigla na lamang nabubuhay. Mangilan-ngilang araw rin ang pinalipas, binilugang mga marka. Paikut-ikot na ako sa mundong hindi matantya ng aking mga bisig, kalam, galamay. Sirang-sira ang bait, mamaya na lamang gagapang, pabalik, wala na ang pagkasabik. Pagbigyan na sanang muli ang hinihinging alaala, muling makaramdam sana ng mga ayaw maramdaman. Saktang muli ako.
Saktan mo uli ako.
Dadagundong sa alapaap, malabirheng santa ipokrita. Bababaang kaunti ang liwanag. Magpapatindi ang kape. Maghahalo ang kaba't ulirat, mahaba pa ang umaga. Doon mo na ako sunduin sa malayong paliparan. Masdang mabuti ang pagwasiwas ng mga sibol at kagintuan. Iwasang bumahing-papikit nang walang malampasang pagsisisi, na sa bawat paglingoy saya lamang dadampi sa mga labing kung saan-saan na makararating.
Mahaba pa ang umaga, kalahati pa ang aking tasa. Puno pa ang aking kaha, nangangamoy pa ang mantika. Pasinayaan ang mga balakid, wala namang masama. Kaluguran ang mga ito sapagkat may layuning makakita sa dilim. Sa bawat hakbang ay tutuldok ang liwanag, mitsa ng mas malaking marka, bigating mga bilog. Lahat ng nalalama'y maaaring sumaliwa ngunit matapos angasan ng anghang, tatandaang matatapos din ang umaga.

April 12, 2019
Bad trip? Bad trip. Para sa'yo ay okay lang. Sa tingin mo'y may patutunguhan pa rin naman kahit na magsayang pa nang makailang ulit ng panatag. Manlilimos na lamang ako ng pangkamot sa aking mga hinaing at tatandaang hindi lahat ng nakasabit ay maaaring abutin. Kulang pa rin pala ang mga pagpapasakop na inilaan para lamang makapaghiganti ng tamang pagtugon. Malayo pa ang pagsikat ng buwan, malayo pang makagisnan ang hinihintay na mumunting sandali.
Kaunti lang ang mga sandaling paparating, tatratuhing may paggalang at tuwinang sisintahin. Lalambinging sagad nang dahan-dahang mapawi ang kumukulong pagpipigil nang hindi umapaw at makapandamay-talsik. Magkukusa ang lahat nang walang tanung-tanong, pigta-pigtas na magkakasalubong ang matagal nang nangungusap na mga masdan. Magkakasilayan na (muli) ang mga pinagtagpong pareha ang hilig. Makikilala na namang muli ang tunay na kilig, ng likas na pag-asam.
Tila may paninibago pa rin (muli) sa iba't ibang taglay na tamis, sa iba-ibang anyo ng hinagpis. Ang pangungusap ay magsisilbing hudyat ng pamayag-tipong nagbabagu-bago ang angking pagpapahalaga. Ang buwan ay hindi palaging sumisikat, nakikita, ngunit palaging nariyan. Kung magsimulang mag-alala'y tingalain mo lamang tayo sa langit, sa ating nag-iisang buwan, sa ating pinagsasaluhang dilim, sa bigat ng liwanag at samyo ng mga usok, halika, oh halika, at huwag ka nang magalit.

April 11, 2019
Subukan mong makipag-agusan sa magkabilang palapag 'pagkat tila naninikip na naman ang iyong paningin. Ibuhos ang buong sarili sa pagkikipagkapwa-taong may pagpapaabot ng kani-kanilang nararapat na respeto at galang. Walang iniwang may pag-atubiling paghahanap ng pinakyaw na mga kaibigan. Sinusubok na lamang palagi ang kakayahang makapaghatid at sundo ng pasaherong hindi malay kung naliligaw pa rin nga ba ng landas. Napakadaling manlinlang sa ilalim ng kahusaya't kunwaring mga panalangin.
Hindi ko na madalas mapigilan ang aking sarili. Kusa nang may pagsulpot ng kabit-kabit na sapot ulanin man ng mga dahon at alikabok. Sabik lamang sa papremyong alok lang din ng mga tulak sa hangin. Gayunma'y may kung anong repleksyon din ng mga anino sa tuwing sasapit ang dilim. Aral ang mga nabibigo sa lalim ng kagat at sumisikad ang lasong dulot ng mas makakapal na habi.
Kung may gabi'y sasapit tuwina ang kinabukasan. Kilalaning ang tapat na pagpaparaya ay hindi lamang nakaangkla sa batugang pagpapakaermitanyo sa kuweba ng mga naipit at napiping bato. Ang pagduloyong ng proseso ay palung-palong aarangkada kung may silbi nang muli / talaga ang mga hinusgahan ng iyong mga mata lamang.

April 10, 2019
Isa ka nang crazy fucker! Congratulations!
At huwag kang magpunyagi.
Umpisa na ng mga malalitratong kalabit kung saan magkakaroon lamang ng sigwa kung babalanse ang mga nasa kanan. Mag-ingat ka, huwag kang padalus-dalos. Lalo na kung mapadausdos tayo sa ngalan ng hindi natin nakikita. Maraming mahilig mag-ingat ngunit napahihiya lamang sa huli. Mag-uumpisa na rin silang maghanap ng muling magpapakilala sa kanila. Sa lahat ng alam nilang patutunayan, uulitin pa rin nila ang siya na ring mga inulit pa.
Paulit-ulit, minsan na lamang na nakakikilabot. Hindi rin kailanman nagkaroon ng pagkakapantay sa paghahanap ng rehas ng katapatan. Bawat sistema'y mukha nang pinagpiyestahan ng iisang dalumat. Marapat lamang na unti-unting wasakin ang mga isinakatibayan nang magbalik nang kusa ang mga ngiti at tuluyang gumulong ang tunay na mga butil ng pagsisikap. Ngayon pang kay init ng pagdurusa, hindi pa rin maiiwasang magsiwalat at suotan ang maninipis na bahong masigla pa rin ang mga suntok, walang kamintis-mintis.
Nagsimula na ring muli ang desperadong pagpapapansin. Matagal-tagal na rin namang diwang inasahan ang kababagsakan ng mga upos at abo, sa muling pagpapanggap na ang init ay nasa loob lamang. Bawat pakiramdam ay nabuhayang-sigla, maiiksing minuto't maghahanap ng hindi pagbabagong-lasa. At kung hindi pa titigil ang iyong pagpapasyang sumingit, at oo nga pala, maninipis na naman ang mga pinagdikit-dikit na talulot, kakarampot na lamang ay titiradurin ko na ang mga paksang lakas makaaya ng pogi. Aasa na namang puri sa pagbuklat ng susunod na kahon. Bakit pa nga ba dapat tayong magsuot ng mga maskara?

April 9, 2019
Sinubukan kong umunawa, ako ang ginago. Oo't walang taong perpekto pero bakit palaging mayroong apektado? Walang magkapantay na emosyon, binabasag ang mga ideyolohiya. Maaaring mag-umpisang kandila ang mga sumasabog sa digmaan. At sa digmaan ng mga salita, mag-uumpisa ang maiingay, manonood ang mahihilig, mananatili ang mga tahimik na pakialam. Maniwala ka, maniwala ka, hindi ako ang sentro ng mundo, maging ikaw ay nasa likod lamang ng iyong pekeng pakikipag-ugnayan. Ipakikita mo ang iyong galit ngunit lihim na nagmamahal pala nang wagas sa inaaping tulad mo.
Walang kuwenta nang humingi ng pasensya, ni pag-intindi sa kabilang direksyon. Makikisalamuha pa ba ako sa mga ipinipilit na imposible na ang pagbabago dahil hindi naman din sinusubukan? O kung mag-umpisa ma'y aberyahan lamang nang saglit o mabigat ay bibigay na ang galit na galit na kondisyon? Walang ibang maaaring mag-umpisang bumuhat sa iyo kung hindi ang iyong sarili!
Paano ka na lamang lilingon sa nakaraan kung sayang na sayang na ang bawat segundong sinasampal kang pataksil? Sapul sa bawat pagpaslang, ayaw ko na sanang magsalita pa. Ayaw kong may nasasaktan, ayaw kong nasasaktan, ayaw kong may mapanakit pang mga ugali't salita na karaniwan namang iniiwasan. Bakit ba kailangang magkaroon pa ng mga hindi kailangang kailangan? Siyang nakalilitong harang.
Naiba na naman pala ako ng pinuntuhan, parati ko itong nakalilimutan. Ang dapat ko lamang sundin ay ang itinakda ko nang mga tanging gawain. Nasa akin nga pala kung sino pa ba ang dapat kong tanggapin, o kung susukuan ko ba dapat ang aking mga kaibigan, mga kaibigan sa sining, mga kapanalig sa kamunduhan ng mundo, mga epal lamang sa aking paningin, at kasiyahang dulot ng paghahanap. Sa huli'y mapagpatawad pa rin ang aking puso, sa mga nararapat lamang patawarin. Ang pag-unawa ay 'di ko pinipilit bagkus ay siyang kakalabit na lamang nang nakangiti sa anyaya ng pagbabalik.

April 8, 2019
Pakapit na nang pakapit ang lagkit sa aking pantalon at binti. Putang inang panahon 'to. Sikapin mang makipagtalastasan sa araw'y wawalang hiyain akong konyat hanggang sa matulog na lamang akong humahalik sa aking mga unan. Hindi ko na hinanap pa ang aking kumot. Paubos na ang malalamig na tubig. Batugan pang saka na ang bumili ng yelo at kay layo ng ating baba. Sana'y may lumapit na masipag at mabait nang matikman ang saglit na pamamaalam. Pag-iisipan kung maghahanap pa ng ibang kulay ngunit hihilahing muli ng mabibigat na braso.
Hay, kanina pa ako naghihintay at nagtatanong. Wala pa ring nakapapansin sa akin. Kahit ilang beses pa akong humanap ng pagtatapos ay para lamang akong nag-aabang ng sitsit maya't maya at bigla na lamang hahandusay at kalilimutan. Malaya ang mga naghahanap pa rin ng hustisya mula sa mga kumakalam pa rin ang sikmura. Hindi batid ang tunay na tayo, o hirap nang bumalik pa sa sinag ng simpatiya.
Salamat na rin sa mga poon, at naipagtibay pa rin maski papaano. Malubak ang panig tungong pagtatapat. Malabo pa bang maging kay inam ng mga natitira? Sa mga ipinagkaloob na sa lubos na umuunawa, maiging mauna na sana ang hindi kumakampante. Baligtad kung baligtad, hindi ako nagsasabing palaging magiging totoo, at sana'y kahit nag-iisa na lamang, maibalik nawa ang sapat na ganti nang maumpisahan na ang kade-kadenang milagro.

April 7, 2019
Sampal sa apdo kung malaya pa rin nga ba ang mga ulap. Nananalaytay pa rin sa kanilang mga langit na buhay ang walang kapatawarang paghimok na ang gustong makihanay sa mga may maiingat na palad ay siyang bumabati sa masalimuot na pagdarahan-dahan. Nakikita kong lahat ay nais magmadaling matapos na agad ang laro, hapit nang magpakilala, ngunit ang hindi pa nalalaman ng iba'y tone-tonelada pang singkong grasya ang nahihirapang sumayad sa kanilang pagkaliit na mga sakop. Ang iba'y sinusumpang magkakadena na ng mga mapandurong kahulugan subalit karamiha'y humahantong lamang sa pag-aabang ng babawiin ding liwanag.
Madaling umaray kapag may mananakit, ang pamamahinga'y dumaraan na lamang sa panaginip. Magsasabing patuloy pa rin ang kayod tungo sa pagbabago pero magsisipalitan na ng paliparan sa bumbunan. Lalong lalakas ang hagupit ng bagyo sa mga makararanas ng gutom, hindi lamang sa karaniwang kanin at karne, maging na rin sa lupit ng ginhawa sa pagtikom ng kanilang mga bibig. Sila-sila na lamang mismo ang umaalalay sa kani-kanilang mga paghakbang, mga tubig-ulang aanurin at paunti-unting dadaloy sa mga butas at baho ng mga kanal. Pagninilayang aabot sa paghahanap ng mga tinapos at hindi sumaklolong mga guhit ng ibang mga palad.
Labas ang sumilip, puntiryadong walang siwalat. Magtatanim ng mga salamangkang sila-sila lang din ang nakalilikha. Magbabago ang mga pinaniniwalaan, ngunit hindi patutunayan. Isisilid sa mga tradisyong inimbento lamang ng mayroong kakaibang pakikipagkapwa. Doon lamang mapagtatantong ang kakaiba'y nakasalalay sa kung sino ang may hawak at kung sino ang may tagay. Paiikut-ikutin ang salaysay. Tutumba ang malalasing. At sa pagpatak ng huling hudyat, may ngangawang sanggol ang isisilang.

April 6, 2019
Ngayon lamang yata tayong nagkatapat. Nakakapanibagong pakiramdam. Hindi naman sa ayaw ko ngunit may kung anong kumukuwit sa aking mga kilos. Mayroon akong mga nais pang patunayan, ano pa nga ba ang mga balak? Nariyan ka't ubos na ang aking mga pakialam. Sa bawat tagaktak ng aking hiya'y may pagkalampag pa sa aking dibdib.
Naisipan kong magpahele nang masapian na lamang ng kakaibang atupag sa kabila ng lahat ng panggugulo ng aking isipan. Sa bawat sulyap ay may sunud-sunod na nakakahiyang iwas nang hindi mapaghalataang hindi ko pa rin nais huminto. Palalampasin ko lamang lahat ng pagkakataon hanggang sa makilala ko nang husto kung bakit nga ba ngayon lamang tayo pinagtapat.
Wala naman ako sa wisyong magbago, nariyan ang matalas. Sa kabila ng pagtahak ko tungo sa kamuntikang kamatayan at kalkal, paulit-ulit akong magpapasyang napasaya lamang akong hindi magsisisi. Mahaba pa ang aking lalakbayin, malayo pang muli tayong magtatapat. At sa pagkakataong malaya pa ang pagbati ng buwan sa umaga, nawa'y magsalubong ang kanilang mga ngiting hindi ipasisilay kanino man.

April 5, 2019
Nasa puso lagi ang kirot. Masasanay ka ring limot ang dangal. Sa panibagong mga pahinang aakay sa iyong pagtanda, asahang ang pagpapasya'y isasabit na pati ang mga sandaling nilalampasan lamang kadalasan. At sa mga sandaling ito rin aakalang hindi na muling makilala ang siyang sarili. Kung sa ganang ganito nang mag-umpisa ang bawat umaga'y ipagpasalamat na lamang din ang bawat higanting presensya at aliw ng buhay.
Malimit ang pagtatanggol, likas na mangingikil tungong paalamat ang kutitap sa iyong mga kamay. Walang dagliang makapapansin ngunit wala rin kung sa bisyong may pagpapahinto. Dala-dala pati nito ang mga ikinalulugod lamang ng mga hindi pinagtibay ng panahon. Magmumukha lamang agawan ng ensayo ang lalampas kung sakali mang sumimple't dumagsa ang mangilan-ngilang pagdaragdag sa mga pagtingalang kampante.
Kalmado lamang sila, at ikaw'y kukuruting muli sa puso. Magpairap kung magpapairap. Nakasakay rin naman silang katulad mo. Sa biyaheng ito na kaunti na lamang ang marunong magpatawad, kaibigan ng mga trumpeta at bulaklak ang siyang palaging maiipit sa daan. At sa iyong paisa-isang hakbang pabalik sa pag-ibig, luluwas kang panibagong hangad sa pagitan ng mga kalugud-lugod.

April 4, 2019
Alamin ang pagmamay-ari ng hindi nakasanayan. Tila mayroon na namang nagkamali, ngunit wala sanang mangangamba. Ang katangahan ng isa ay maaari namang katangahan pa rin ng iisa at iisa lamang. Siyang umasa'y pagpapakintab lamang ng punyeta ka ba, nag-iisa ka lamang. Huwag kang manlalamang sa larang na hindi naman gamay ng iyong panyapak na arok at pekeng mga angas. Hindi naman kailanman tumalab ang gintulin hangga't may mamamayagpag na tagapagsalin.
Sige, pumasok ka, sa kawalan ng kay lapot. Huwag ka sanang magsising hindi papalibot sa tamang lila ang sampung apoy ng alibugha. Malabo na talagang may makaunawa ngunit may mga pumapalag pa rin. Sa bawat pag-akyat ng sa iyong kay lupit na tadyak ay maghari nawa ang kasuklaman ng reyna ng mga balat. Huwag kang matatakot, oo, hindi ito pakiusap, dahil sa bawat utos ng reyna ay kakalampag nang kahit sa mga himlay na umiwan sa talukap.
Magtitigil sa paggising ang maiiwan, may paglaya nang mainam. Ang alat ng mga pagtatangka ay ihahalintulad na lamang sa paghihintay. Walang makapagwawaring sumimpatya na naman ng pahinga ang mga ikinalulugod. Mabuti pa't matuto, saka ipakaramay nang wala nang titiklop. Hindi naman perpekto ang tagubilin ngunit marapat lamang na maging handa sa mga kutyang wala namang lalim kung humiwa. Nakakaawa lamang sa paningin.

April 3, 2019
Putang inang 'yan. Kapagkagalit naman kung bakit nangyayari ang mga gayong bagay. Hindi pa ba't nagkakaroon ng nahuhulog kung nais mo lang malaman? Ituloy mo sa may malakas magnakaw kung gusto mo, huwag ka lang mandaramay. Wala naman akong maalalang ipinagkagawang kasamaan ay kapagkatakang may sinasalo akong pakulo sa aking dugo. Hindi ko pa naipadadanas ang magdilim ang aking paningin, at hindi ko rin sigurado kung kakayanin man. Malaki ang iyong binasag ngayong kuwentuhan ng mga tala kung kaya't saka mo na lamang ako kausapin.
Sa lilim ng malambing na buwan, sinira mo lamang ang mga pumaroong may dinadalang pasakit. Hindi lamang ikaw ang nahihirapan, hindi ikaw ang sentro, ano pa't walang sentro ang mundo ano man ang ipagpilit mo sa iyong kokote. Hindi mag-uumpisa ang mga liwanag kung hindi tatakasan ang dilim. Ang paggawa ng paraan ay hindi iniaasa sa pagbabasa at pangungutyang lahat ay may sala maliban sa iyo. Malabo ka, at malabo ka rin sa iyong sarili.
Iinumin ko ang huling tagay ng pakiusap dahil sa binasag na yaring nakakawalang gana. Sanay magpaalam ang mga mahilig mamaalam. Tumatanggap ng pagbabago ang mga huwad na ibinabanat ang paghalili. Wala namang masama kung ang siyang sinisira ay ang masasamang nakasanayan. Hindi naman iyon masama. Wala namang masama kung magbabago at hindi mamamalagi sa pagtatago sa likod ng ako naman, ako naman kasi ito.
Hindi ko maintindihan. Inintindi ko naman. Lumalabas naman sa iba't ibang pagkakataon. Ang parehong pinagkalapagan ay may sinusundan lamang na disenyo. Nawa'y una nang umiral simula ngayon ang pagkatao at sining kaysa lumikha ng aninong tumatapak sa iba pang mga anino. Magulo.

April 2, 2019
Ako ma'y nagbibigay rin ng panahon kahit hindi hinahanapan. Kung magpumiglas pa'y dadako magpahanggang sa bahala na ang hangin sa akin, sa atin. Maraming tanong ang bigla na lamang sumipat nang hindi ka pa nakipagkataon sa akin. Ano pa nga ba't namamalagi pa rin ako sa daigdig na ito? Saka mo na lang ako tapatin kung kilala mo nang magpaalam sa iyong sarili.
Oo, oo na nga, ako rin ay nabubuhay sa mga palusot na araw-araw kong ibinubulong sa aking pamamayapa. Kung magkaroon man ng tutuligsa sa payapang nais na nais humalintulad sa'king mga tambad, pasya ko na rin sana ang parangal sa mga hindi iyo. Muli, paalam sa iyong sarili.
Sulit ang yumuko at humingi ng panibagong hangad. Hindi naman sinabing magaan sa pakiramdam ang mag-imbak ng bahong sumasampal din naman sa iyong araw-araw na pagbangon. Suwerte ang mga tunay na umiibig, maging nang kahit hindi sa sinisintang sinuyo, tungo rin sa mga kulay na madalang magbalik ng malasakit. Magbalik at patunayan, subukan nang magbukas. Paalam na, pakiusap, magpaalam ka na sa iyong sarili.

April 1, 2019
Sikaping makabawi nang agaran sa mga pakislap niyang kumakarayom. Hindi ka naman nag-iisa. Hindi naman din maling umibig. Ang 'di wasto'y hindi na makabalik sa tahanang sarili. Huwag sanang makalimot sa mga nakasanayan nang gawain, sa muli't muling magpapaalalang panandalian lamang ang isang kislap.
Ang mapalayo'y hindi pag-iwas. Marapat lamang makita ang pagkasira at muling pagkabuo nang hindi nagmamalabis. Kung sakali man, tuluy-tuloy ang magiging usad. Pangunahan man ng kaba't may magpaparatang ng kahibangan, hindi ibang katay ang maghahanap ng mga sagot para sa iyo. Siyang magsikap nang ang pagbawi'y hindi dumulas sa iyong mga palad.
Singkalat ngunit ang wala namang mawawala sa iyo, at iyon ang totoo. Walang ibang maaaring mangyari sa iyo kung hindi ang sumipat nang paulit-ulit nang hindi sinasadya, at iyon ay sa tingin ko, makabubuti, makabubuti bago pa man ikaw ay makalaya sa mga magbibigay ng pagbadya. Sa huli, ikaw lamang din ang makapagsasabing kasalanan mo lamang ang lahat ng iyong sinapit.

Subscribe to:
Posts (Atom)