Sa gitna ng gulo at ingay, malalaman pa kaya ng mga nagsisiput-siputang hurado? Malalim ang kinakayang sisirin, malabo na kung malabo. Aanhin pa ba ang liwanag na hindi naman na makalusot sa damukal ng estilong pangkriminalan lang ang hakbang? Malabo, malabo, aanhin pa ba? Aanhin pa ba ang bawat sementong yari lang sa kalamidad ang pang-unawa? Malabo, malabo, aanhin ka pa bang may lalim sa hungwit kung sisipain? May tyempo, may ritmo, may singgaling kumalansing. Sa pagdapit ng tamang oras, wala nang magmamalalim.
Payasong pururot, may ikaliligaya pa ang mga nagpipigil. Komersyalismong may layag, aanhin pa ang pagpalag? Payag nang payag, maliligaw nang maliligaw. Mag-iingat nang pakiwari, madalang na ang mga nagsisilakaran. Naandito na sila, huwag ka nang mag-alala. Ang pag-aalala'y aksaya na lamang kung tutuusing pamitagan. Magpakilos, magkusa, mayroong marami pang magagawa. Mag-umpisang makigaya sa malay ng murang may-kaya.
Perpekto, o perpekto. Aanhin pa nga ba ang mga pangamba? Kontrolin at usisain ang mga magkakahawig na pakpak na maya-maya'y lalamunin na lamang ng kasaysayan. Ang alon ay tuluy-tuloy, hindi maghihintay sa nag-aaksaya lamang ng boses at pawis. Sa mga tambay na malaya nang mag-isip at umunawa sa kanilang paligid, magkakaroon na ng bulasok ng pag-asa, maliligaw na't manlalabo ang mga sing-ayaw magkusa, kumilos, palayain ang sarili.
No comments:
Post a Comment