Subukan mong makipag-agusan sa magkabilang palapag 'pagkat tila naninikip na naman ang iyong paningin. Ibuhos ang buong sarili sa pagkikipagkapwa-taong may pagpapaabot ng kani-kanilang nararapat na respeto at galang. Walang iniwang may pag-atubiling paghahanap ng pinakyaw na mga kaibigan. Sinusubok na lamang palagi ang kakayahang makapaghatid at sundo ng pasaherong hindi malay kung naliligaw pa rin nga ba ng landas. Napakadaling manlinlang sa ilalim ng kahusaya't kunwaring mga panalangin.
Hindi ko na madalas mapigilan ang aking sarili. Kusa nang may pagsulpot ng kabit-kabit na sapot ulanin man ng mga dahon at alikabok. Sabik lamang sa papremyong alok lang din ng mga tulak sa hangin. Gayunma'y may kung anong repleksyon din ng mga anino sa tuwing sasapit ang dilim. Aral ang mga nabibigo sa lalim ng kagat at sumisikad ang lasong dulot ng mas makakapal na habi.
Kung may gabi'y sasapit tuwina ang kinabukasan. Kilalaning ang tapat na pagpaparaya ay hindi lamang nakaangkla sa batugang pagpapakaermitanyo sa kuweba ng mga naipit at napiping bato. Ang pagduloyong ng proseso ay palung-palong aarangkada kung may silbi nang muli / talaga ang mga hinusgahan ng iyong mga mata lamang.
No comments:
Post a Comment