Hindi na mananatiling malinis. Huwag na pilitin pang magkunwari. Hindi na maaaring mapalitan pa ang agos ng pagkakakilanlan sa kung ano ang hiwatig ng daigdig na dapat unawain. Mahirap, mabigat, nakakasawa. Sa pabagu-bagong bala ng hiwaga ng pagyaman, yaman din lamang na maipasa'yo ang kung anuman ang nais na ipagkasukdu-sukdulan.
Mahirap nang makabatid, alam kong alam ng paligid iyon. Ang mga walang salang makikiapid ay banta ng hindi matatawarang pagsilip. Lahat ay gustong sumilip, makibagay sa mga bagay na hindi pinagbabagayan kahit na kung sa bagay ay humingi ng dispensa, kung ano na lang din ang umabot, siya lang ding agad na malilimutan.
Wala namang may sadya kung malibog ang mga hari. Sabik sa bungad ng hubad na katotohanan. Ngingisi kung ngingisi, magpapalakpakan sa tuwing ikagugulat ang kinikilalang tambad. Pakyawan ng pamukaw, pukeng pakaw ang palitaw. Yaring sa ganid at kapangyarihan, iniluluklok mula sa lupang nilason. Mapagbibigyan kung aamin, isisiwalat kung hindi. Talang tinuring ang mga walang sala, pauuwiing walang mga liwanag.
No comments:
Post a Comment