nakita mo na rin sa wakas ang nakasulat sa paanan ng iyong liwanag. hindi mo na kinailangan pang pagtapatin ang iyong maliit na papel at matayog na poste dahil halatang-halata naman na ito sa labis na kasiyahan na itinutulo ng iyong mga mata. matapos mong punasan ang iyong mga luha ay sinubukan mong idikit ang papel sa paanan ng poste ngunit walang nangyari.
idinikit mo ito sa ibang pang bahagi ng poste pero tuloy lamang ang kawalan ng pag-usad. nagulantang kang palingon sa sandaling naramdaman mo ang kaniyang kalabit sa iyong kasuotan. kinuha niya ang iyong maliit na papel at malumanay na lumapit sa poste. bakas sa kaniyang mga mata ang kalungkutan.
No comments:
Post a Comment