saglit lamang din at umabot din sa puntong napapaamin nang nakakapanibagong mayroon na kayong nadirinig maliban sa mga salitang nabubuhay lamang sa boses. may ibang kaluluwa rin ang ibang anyo ng wika ngunit higit na hinigpitan pa ito ng kasalukuyang lagakan ng mga nagaganap.
patuloy pa rin at may mahalagang maipong danas, bigla-bigla na lamang may sumulpot na panibagong tunog sa iyong tainga. manipis lamang ang pagkatining nito at hindi nakabibingi. isang walang-habas na malamlam na daginding. muling nagtaka ang iyong mga kilay. bakas sa mukha ng iyong kaulayaw na ikaw lamang ang tanging nakaririnig nito ngunit unti-unti niya na ring nauunawaang mayroon kang hindi maintindihan ngayon.