14 April 2010

Fe

5
u
65u
rtu
rtuirtur

rtui
rt8
6r8
6r8
5rtba
7
n
e6
g43
6hb
34n
745ev64ety
e5
ay
t7
57
85
8
e58
e58
8
458
459
65
7egvy
urturtuirtirsirtb
e57
7hb
45

745

wnsdfgklsdhgfiosdjgsdghs
dniodjgfisdgsadklgnsdklgns
djlgoiseht8oetyRA*O{yt%GhA*):
RTHQ#*O
sdgfsduoghWS(_TSEGY
seryer
yeryer
hu'ea
yhe
5uj
46tru
er
u48i45684
aswer
tybe
ya4e6gbe47437hb
a4367b43
643v
nm7
a

Boopey Valenzuela

Sana hindi mo makalimutan lahat ng sinabi ko sa 'yo.
Intindihin lahat ng sinasabi ko,
na puro kasiyahan lang ang gusto kong namumuo sa pagitan natin,
na wala akong ibang hinangad kundi ikaw.

Harry Galisaso

Ikaw lang ang mahal ko.

Alan Polantoc

Mahal na mahal kita.

Glen dela Costa

Ayaw kitang masaktan.

08 April 2010

No Mets /gg


Ang alam ko x-ray result na lang kulang ko.

~

Narinig ko na lang ang biglang pagbukas ng pinto ng aking kuwarto. Nakahiga pa ako, tatlong unan ang nakapatong sa aking ulo at nakapulupot pa ang kumot sa aking buong katawan. Tinanong ni Nanay kung anong oras ako aalis, ang sabi ko, kung anong oras dapat ako magigising. Sinabi kong x-ray lang naman na iyon at sinabi niya sa akin ang isa pang way ng papuntang UP at umalis na siya. Pagkasara ng pinto, natulog na ulit ako at nagising after 30 minutes. Chineck ko muna kung nakaalis na talaga si Nanay at saka binuksan ang linksys. Binuksan ko na rin ang aking laptop at saka nag-plurk ng kung ano. Haha. Isa lang naman pinuplurk ko e. Anyway, nag-ragnarok for thirty minutes saka ako bumaba ng kusina para sa aking almusal. Kumain ako ng hotdog at kanin tapos naligo na ako. Pagkatapos kong magbihis, pumunta na ulit ako sa aking kuwarto at inayos ang mga kailangan kong dalhin. Habang inaayos ang aking gamit, narinig ko na lang bigla ang busina ng jeep kaya naman nagmadali na akong kumuha ng panyo at saka tumatakbong lumabas ng aming gate. Hindi na nga ako nakapagpaalam sa mga tao sa bahay e. Pagdating ko ng Alabang, syempre bumaba ako ng jeep. Pagbaba ko ng jeep, nagpa-load na ako at tinext na agad kita. Haha. Nate-text na ulit kita ng ganoon, ang saya naman. Anyway, sumakay ako ng bus at bumaba ako ng Magallanes at sumakay na ng MRT. Bumaba ako ng Quezon Ave at saka sumakay ng jeep papuntang UP Campus. Kakaibang way to pero alam ko ito ung way na sinakyan namin ni Kuya noong nag-UPCAT ako. Haha. Siyempre nakarating naman ako nang maayos sa UPHS at kinuha na ang aking x-ray result matapos batiin ang mga taong nakasalamuha ko noong pumunta ako ng Monday. Pagkakuha ko ng x-ray, pinapunta na ako sa triage at pinapunta naman ako ng tao roon sa room 3. May mag-eexamine yata sa aking doctor. Haha.

SPOILER ALERT!! [Ngayon, kung wala ka pang medical certificate, mainggit ka. XD]

Sabi kasi ni Ate Michaelle, titingnan daw yung insides. Haha. Pero depende pa rin daw sa doctor. Suwerte lang siguro ako, kasi chineck lang ung paghinga ko tapos ok na tapos pinapunta na ako sa room 7, tapos pinaupo ako, tapos kinuha UPHS forms ko, tapos naghintay ako, tapos may medical certificate na ako!! Kaya lang Tabilin, Marian Martin C. yung nakalagay na pangalan, at narealize ko na lang iyon nung jeep na ako papunta sa amin. Di bale, sabi ko, tama naman kasi ung student number at dalawa lang kaming Tabilin na nakapasa ng UPCAT para sa taong iyon. At hindi marian pangalan ng pinsan ko. Haha. Pagkakuha ko ng medical certificate, ANG SAYA-SAYA KO!! As in ANG SAYA-SAYA-SAYA-SAYA-SAYA-SAYA-SAYA-SAYA-SAYA-SAYA-SAYA KO!! Sumakay na ako ng jeep papuntang Philcoa at pagbaba ko sa nasabing destinasyon, sumakay na ako ng bus papuntang Faura. Pagdating ko ng Masci, may mga tao, pero wala akong ka-batch kaya bad trip. Umakyat na ako sa room ni Ma'am Reyes [yung kakaibang Dept. head ng Filipino na nanguha ng ID dahil hindi raw ako nakauniform]. Wala siya roon at umalis na ako ng Masci. Kumain ako ng Bacon Mushroom Melt sa Wendy's at sumakay na ako ng bus papuntang Alabang. Tapos nung Alabang na, naglakad ako hanggang Metropolis tapos nagjeep na, tapos narealize na mali name, tapos nagte-text tayo, tapos bumaba na ako ng jeep, tapos naglakad, tapos bahay na, tapos kama ko na, tapos bukas laptop, tapos plurk, tapos nag chat tayo, tapos nag-Dota ako, tapos panalo kami, tapos nagte-text pa rin tayo, tapos nag-YouTube ako, tapos naisip kong i-type ito, tapos may medical certificate pa rin ako!!


~


Nami-miss ko na namang manood ng South Park. Gusto kong panoorin ulit yung uncut. Haha.

04 April 2010

Pati ba naman Dito?

I mean, sariling mundo ko na ito. Ako na gumawa ng mundong ito. Dito ko na nga lang puwedeng ilabas lahat, kailangan pa ring may mag-edit? Kumbaga, akin ang blankong papel, ako nagsulat sa blankong papel, ako mage-edit ng mga sinulat ako, ako babasa, ako lahat! Hindi naman puwedeng may ibang taong kailangang magsabing baguhin yung mga bagay sa mundo ko. Take note: Mundo ko ito, bakit kailangang baguhin? E akin nga db? Wala na ba akong karapatang maghayag ng sarili kong damdamin? Wala na ba akong karapatan sa mundo ko? Sa papel kong ako mismo ang naghirap, sumulat, naglabas, umire, sumuka, umihi, tumae at dumura? Sa sarili kong mundo? Wala na ba akong karapatang sabihing 'ito ang gusto ko, akin naman ito di ba?' Wala na ba akong karapatang maging malaya, kahit sa sarili kong mundo lang? Wala ba?

Noong mga Panahong...

CLICK ME!

Bano na ako forever.

~

14 March 2010

Boom Boom Pow

Problema mo? Boo!! Wala naman talaga e! :p At kung hindi ako nagkakamali, ang alam kong pinakamagandang paraan, at siguro unang-unang gagawin ng isang matinong tao ay ang magtanong hindi ang mag-assume nang mag-assume. You have never tried asking, you go straight to your conclusions. I've already had it, dumbass. Masyado kang magulo, wala talaga akong ginawa. Speak for yourself, you should listen to yourself. Go divulge with your imaginary things, I've had enough since Thursday. Goodbye, dumbass. D: I can't believe I'm doing this in my blog. And now I've done it. :)

~


Yung FARADAY entry, hope you all like it. :)

12 March 2010

Mamatay Ka Na :)

Haha. Maikli lang 'to.

~

Dumating ako sa school nang 5:30. Hindi ko alam kung bakit pero ang sabi ni Ma'am Carlos, e, dapat nasa school na nang 7:00 pero alam kong start ng practice ay 8:00. Sulit na rin kasi na-miss kong gumising nang sobrang aga kahit na tatlong araw ko pa lamang hindi ginagawa iyon, hindi na nga ako nakapaggigitara, e! Ayon, sunod na dumating sina Malou, tapos Mara, tapos Bernadyn tapos Mia, tapos aywan ko, natulog na ako pagkatapos noon. Nagising ako sa ingay ng aming adviser habang pinapaglinis niya kami ng aming classroom. Cleaner nga pala ako nang araw na ito kaya lang inaantok talaga ako kaya pagpasok ko ng classroom, hinintay ko na lamang mag-practice time.

Ako ay may lobo,
Lumipad sa langit.
Hindi ko na nakita.
Pumutok na pala.
Sayang ang pera ko,
Pambili ng lobo.
Sa pagkain sana,
Nabusog pa ako.

Exercise namin kanina. Isang genius na tao o batang na-taichi na ng lobo ang nakakuha agad ng pinagtatapon naming mga kamay at pagbali-bali ng mga buto kanina. Tawa ako nang tawa nang ginawa namin ito kasi... kasi... kasi nakakatawa. Anyway, pagkatapos mag-practice ng mga kanta, nag-lunch na kami. Alam kong walang kuwenta ang ikuwento kung ano ang kinain ko kanina pero nasiyahan naman ako sa Cheeseburger Deluxe na binibili ko kapag short ako at gusto kong kumain ng Quarter Pounder. Isa pang magandang nangyari sa lunch ko ay nakain ko lahat ng fries ko, minsan lang kasing mangyari. Pagkatapos kumain at matulog nang sandali, umakyat na rin ako sa auditorium.

~

Hindi ko alam pero alam kong galit ka sa akin. Feeling ko talaga, galit ka sa akin kasi, aywan ko, siguro, sa mga tingin mo. Alam mo namang takot akong lumapit sa mga babae kaya ganoon na lang ang nararamdaman ko at naiisip ko sa tuwing nakikita kita at nagkakatinginan tayo. Takot na takot talaga ako sa 'yo. Siguro, doon sa mga bagay na nakasakit sa kaibigan mo or dahil siguro nalaman mong minsan kong inisip na gawin kang trabahador sa aking restaurant sa Restaurant City. Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Paglapit ko sa piano, nakita kong papalapit ka sa akin, nakangiti. Hindi ako sigurado pero alam kong kinabahan ako at napakapit sa isang upuang malapit sa akin.

"Mart, galit ka ba sa akin, Uh?" biglang tanong mo sa biglang paglapit mo sa akin, nasa likod mong banda sina Claudette at Justine. Hindi ko sila kaagad napansin at inisip ko kung sasabihin kong, "Jemaima, it's highly unlikely that you say two listeners' names at both ends of your direct speech." Napailing na lang ako dahil hindi naman ako galit sa 'yo. Nagpatuloy ang hindi ko pagsasalita at hindi na talaga kita naririnig pero alam kong nalulungkot ka kaya niyakap na lang kita at nagulat naman ako dahil yumakap ka rin. Doon na rin siguro ako nakapagsalita nang tuloy-tuloy at nakapag-usap pa rin naman tayo bago ka pa pagalitan ni Ma'am Carlos. Labas tayo sa Monday, libre ko na naman. Na-miss din kita. :)

Goyo Ka!

Gusto ko ng Pet Society na T-shirt.

~

Faraday. Hindi ko alam kung bakit nawala na sa isip ko ang napakagandang intro sana para sa composition na ito at kung bakit ko gagawin ito. Bigyan na lang natin ng isang maikling paglalarawan. Wala rin namang pagkakaiba sa section na ito sa ibang naging mga section ko, iyong ibang kaklase ko, baka mamatay siguro 'pag hindi sila nakapag-aral para sa quiz sa Social Studies o Math, halos mabaliw na 'pag bumagsak sa isang test at pagkalaki-laki ng mga project samantalang iyong akin, e, nagmumukhang gawa ng Grade 1 sa tapat ng mga bunga ng pagpapakahirap ng isang professional, ang ibang tao, maingay, as in sobrang ingay akala mo, may kuwenta pa ang mga sinasabi dahil sa hindi na Tagalog ang kanilang ginagamit na wika o guni-guning pilit na pinapaikot sa akin ng utak ko dahil siguro, mas alam ng utak ko na, "Pare-tsong, 'wag ka nang makikinig sa kausap mo. Ang boring!" at sa huli ay ngingitian ko pa rin ang kumausap sa akin kahit na ang ginawa niya sa akin ay posibleng maging dahilan para hampasin ang kaniyang pagmumukha, may mga tao ring magugulo, mamamatay-tao, manggagantso, manloloko, illegal recruiter, magnanakaw, may AIDS, snatcher, drug lord, simpleng drug lord, manghihithit ng rugby, katol, pentel pen, at glue, inihaw na tilapia, relyenong bangus, superhero, kontrabida, at bida. At masaya akong isa ako sa kanila.

~

Faraday. Sino-sino ba kami? Game.


The OMG
Siya ay isang fan ni Lady Gaga. As in memorize niya na siguro lahat ng mga kanta ng nasabing baliw na babae hanggang sa mga lyrics nila. Kalimitan siyang nakikitang kumakanta, may nakasaksak na earphones sa kaniyang mga tainga, at kumakanta. Mahilig siya sa musika at hinding-hindi niya ito kayang iwanan. Well, natawag siyang LG sapagkat hindi lang sa kinakanta niya ang mga awit ng naturang baliw na singer kung hindi sinasayaw niya pa ang ibang mga kanta nito. We once asked him why Lady Gaga called herself gaga and he replied that gaga means crazy. I think that's where I can see it. He goes crazy not only with Lady Gaga's songs and dances to them but to some other songs. Hindi lang 'yan. Masasabi nating tinutukso siya ng mga kaklase naming lalaki sa pagiging, well sabihin na nating bading, pero sa tuwing maglalaro ng Dota, ang mga ito ay hindi siya nakakalimutang yayain. Oo, magaling siya maglaro ng Dota. Naikuwento niya pa nga sa aming gustong-gusto niyang marami siyang pinipindot kapag naglalaro siya. Kung ikaw si Boush, o si Raijin, ikaw na rin siya.

The Joker
Haha. Mukhang kontrabida ang dating niya dito, pero bidang-bida siya pagdating sa pagbuhay sa klase. Sikat siya sa mga pagpapatawa, mga biglaang jokes, at hamak namang kaya niyang patawanin ang buong Farad kahit na ang mga inaantok pa, malungkot, bagsak sa Math, binugbog ng ama, tinalakan ng ina, kinagat ng aso, natapakan ang paa, sinampal ang mukha, hinambalos ang pagmumukha, minura, binatukan, inapi, sinunog ang kaluluwa, at sinampolan ni Ma'am Gozo. Expert na expert siya sa pagpapatawa. Hindi malayong magkakasundo kayo kung madali kang makakuha ng isang joke. Isa rin siya sa mga mahuhusay maglaro ng Dota sa Faraday.

The Pro
Sus? Nasa title na mismo. Kung naghahanap ka ng singer at napakagaling maggitara, nandiyan siya. As in napakagaling niyang kumalabit at sabihin man nating isa kang beteranong singer at mahalata mong hindi niya tinatamaan ang mga tono kapag kumakanta siya, masasabi ko sa sarili kong, hindi lang bilang isang kaibigan niya, kundi isa na ring manonood na hindi na masagwang pakinggan siyang kumanta. Kung naghahanap ka naman ng manlalaro sa basketball, nandiyan pa rin siya. Magaling din siyang maglaro ng basketball, at lubhang napakaseryoso kapag naglalaro na kahit na malayo sa pagiging kuwela niya at palabiro sa mga kaklase at kaibigan. At kung naghahanap ka naman ng mabisang aktor o voice actor, nandiyan din siya! Kinahumalingan na siya ng halos lahat ng aming English at Filipino teachers (classmate ko na 'to, Second Year pa lang) at hindi ko puwedeng sabihing hindi siya magaling umarte dahil napatunayan na niya iyon sa maraming sinalihang mga palabas at paligsahan. Mahusay din siyang gumuhit at maglaro ng Dota.

The Actor
Masasabi ko ngang magaling na aktor ang nauna pero hindi naman patatalo itong isa. Hindi ko alam pero may sarili rin siyang kakayahan, kahit na sabihin nating madalas na kasama niya ay mga babae o mga mahilig mag-aral sa tuwing bakante ang oras ay masasabi kong kaya niyang maging sino pa man bilang isang role. As in mararamdaman mo talaga ang dapat na maramdaman kapag umarte na siya na malayo siguro sa pag-arte noong una, na may halong kakatuwaan pero pareho silang magaling. Mula rito, masasabi kong mas angkop siya sa mga trahedya at malulungkot na sitwasyon at komedya naman para sa nauna.

The Artist
Siya lang naman ang pinakamagaling sa lahat ng boys sa TLE para sa akin. Siguro, noon pa lang, mahilig nang gumuhit itong si Ron dahil nakikita kong kapag wala siyang ginagawa sa mga walang kuwentang subject namin, gumuguhit siya ng kung ano-anong mga kakatuwang bagay at hindi lang basta-basta ang mga linya at disenyong ginamit. Siya rin ang takbuhan ng klase kapag nagpapagawa ng mga background para sa mga play o hindi natapos na plate sa TLE. Sa pagiging tahimik na tao ni Ron ay hindi pa rin nawala ang hilig din nito sa pagpapatawa ng mga tao sa kaniyang mga birong hindi mo sukat-akalaing masasabi ng isang taong tulad niya.

The Editor
Si kulot na! Salot! Joke! Siya na siguro ang pinakamahusay sa amin mag-edit mula sa mga larawan, photoshops, paper works, projects, videos, movies, at mga sumbrerong ginagamit sa Carol Fest. Isa siya sa mga may malalawak ang imahinasyon sa klase kasama ang paggamit ng applications at software sa computer. Malalayo ang kaniyang mga gawa sa isang gabi lang ang ginamit na oras sa pagpapakahirap. Magaling din kumanta itong si kulot. Siya ang nagdadala sa tenor dahil siya lang kasi ang taong madaling makaalala ng mga tonong ibinibigay sa amin.

The Bass
Isa pang kulot. Kung mayroon ang tenor, may ultra bass ang bass. Siya lang naman ang gumagabay sa bass sa tuwing nag-eensayo kami ng kanta. Hindi ko alam kung paano siyang nakakasisid nang ganoong kalalim kasi nahihirapan talaga ako kapag sinusubukan kong kantahin ang piyesa para sa boses niya sa pagkanta. Hindi nga lang pala sa pagkanta may ibubuga itong kulot na ito, magaling din siya sa Math. Naalala ko noong Third Year kami. E, teacher niya nanay niya sa Math. Nagagalit siya kapag alam niya na ang itinuturo ni ma'am, natatawa lang ako, wala lang. At sobrang natutuwa ako kapag natataasan ko siya sa kahit na anong math na subject. Feeling ko talaga, matalino na ako 'pag nagkakaganoon. Kalimitan namang kasama nito and isa pa naming kaklase habang naglalaro ng chess sa Maceda Building sa tuwing nagkakaroon kami ng klase sa English kasama si Ma'am Correa.

The Chinese
Magulat ka, this boy's 3/4 Chinese pero straight mag-Tagalog at hindi marunong mag-Chinese. Chinese ang apelido niya at Intsik na Intsik ang mukha niya, kaya siguro tinatawag ko siyang minsang Intsik. At bakit naman Chinese ang title niya? Hindi ko rin alam pero sa tuwing may nababasa, naririnig, o nararamdamang Intsik ay tumitingin lahat sa kaniya, at minsan nang nagbahagi ang singkit sa mga naturang pagkakataon na medyo naaasar siya na sa tuwing may Chinese na lang ay tumitingin sa kaniya. Chowking. Mahilig si Ong sa mga katatawanan at magaling maglaro ng Dota. Isa rin sa mga mahusay sa photoshop ng Faraday, at madaling kasama at kausap. Minsan nang kinuwento ng isa naming kaklase sa akin na kapag nagagalit siya, bumibilog ang mga mata niya. Walang siyang sinasanto kapag galit siya. 'Pag galit siya, galit siya. Kaya siguro hinahayaan niya na lang ang mga tao minsan kapag ginugulo o inaasar siya. Siguro, kinokontrol niya ang galit niya, kasi sa tingin ko, kapag nagagalit siya, baka hindi niya makontrol ang sarili niya. Masayahin siyang tao.

The Programmer
Siya lang naman ang pinakamabilis makaintindi sa Com Sci namin, kahit na siguro limang minuto lang siyang turuan ng isang leksyong sinabi sa amin ni Ma'am Aniban sa loob ng isang oras. Mabilis ang kaniyang utak sa pag-aanalisa at hindi hamak na sobrang galing magsagot nang hindi sinusulat sa papel. Hindi ko alam kung may mas matalino pa sa kaniya sa mga ganitong aspeto pero sa tingin ko, siya ang pinakamahusay sa amin sa Com Sci at sa ibang subject na Math. Kung hindi niya ginagambala ang ilan sa aming mga kaklase sa kanilang mga brace at kung ano-ano pang maaaring ibato sa kanila, makikita siya na naglalapag ng mga kabayo at bishop kasama ang iba pa naming mga kaklase.

The Leader
Siya na siguro ang may pinakamalakas na boses sa grupo. Hindi ko na naman alam pero siya lang ang pinuno na pinakikinggan naming hindi kami tinatawag nang limang ulit pa. Talo niya ang aming presidente sa pagtawag ng atensiyon at kagustuhan ng nakikinig na mga tao, sumusunod at wala nang nagdadaldalan pa. Seryoso siya sa mga bagay na dapat sineseryoso namin, o sa CAT ko lang iyon nakikita pero hindi puwedeng sabihing hindi siya naging magaling at responsableng leader sa amin. Siya din ang madalas na pambato ng aming section at ng aming paaralan sa tuwing may mga nagaganap ng kompetisyong pantalastasan, tagisan ng malalakas na boses, galing ng pagsasalita at pagkontrol sa pagtalsik ng laway. Sa kabila ng mga seryosong mga oportunidad na iniaatas sa kaniya, hindi pa rin mawawala sa mga mata ng Farad ang makulit, hyper, at malalaking mga mata niya.

The Teddy
Sa tingin ko, siya ang pinakamataba sa mga lalaki. Sa pagiging mataba niya, hindi naman siya inilayo nito sa pagkakaroon ng pagkadami-daming mga kaibigang handa niyang tulungan at hindi handang tulungan siya. Siya lang naman ang isa sa mga madalas takbuhan ng mga tao, lalo na ng mga babae para yakapin at maglabas ng sama ng loob, kasi una, ang taba niya kaya malambot siya sigurong yakapin, ikalawa, kapag siguro naman sinuntok siya nang sinuntok ng isang babae, e, tatalbog lang lahat ng itinatapon sa kaniya. Isa pang dahilan siguro ang pagbibigay niya ng mga payo sa kaniyang mga kaibigan, masasabi lamang na isa siya sa mga mapagkakatiwalaang tao sa grupo. Kahit na madalas siyang asarin ng kaniyang mga kaibigan, nananatiling malakas siya sa mga pagsubok sa buhay at Dota. Sa kabila na rin ng kaniyang kalakihan, hindi siya malalayo sa mundo ng mga talentado at masayahing mga tao.

The Master Rapper
Sa tingin ko, siya na ang pinakamagaling maglaro ng Dota sa Faraday. Hindi hadlang sa kaniya ang pagiging isa sa mga pinakabatang miyembro ng section upang mailayo sa mga matatalino at magagaling na mga nilalang ng Faraday. Hindi rin maikakailang isa siya sa mga paboritong kasama ng mga tao dahil sa pagiging kuwela nito, pagiging magaling sa pang-aasar, mga biglaang pagtatanong sa mga bagay-bagay kasabay ng pagbabahagi ng ilang katotohanan at impormasyon tungkol dito at kasiyahang idinudulot niya sa tuwing may inaasar siyang tao. Isang talentong mapapansin sa kaniya ang galing sa rap. Hindi ko alam pero kapag sa mga minsang pagkakataong may mga ipinapatugtog na hip-hop, hindi ko maaaring sabihing hindi ako natutuwa kapag sinasabayan na niya ito. Magaling din siya sa basketball at matagal na naming hinihintay magbakasyon.

The Dancer
Sandali man lamang namin siyang nakasama, pamilya pa rin ang tingin namin sa kaniya. Siya na siguro ang pinakamagaling sumayaw hindi lang sa aming section kundi sa buong batch namin. Marami na siyang sinalihang mga sayaw at palabas na may sayaw. Siguro, magpatugtog lang ako ng isang kantang medyo maganda ang beat, hindi niya mapipigilan ang mapaindak at mapakembot, magsasayaw at magsasayaw siya kung gusto niya at hindi ko masasabing hindi siya magaling. Nasa ibang bansa na siya ngayon pero may mga sitwasyong nabibigyan kaming Faraday ng pagkakataong makausap at mapatawa siya.

The S
Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin siya nagagalit sa akin pero tuloy pa rin ako ng pang-aasar sa kaniyang pagkakaroon ng diperensya sa pagsasabi ng S sound kapag siya ay nagsasalita. Simula nang napansin ko iyon sa kaniya, hindi na ako nagsawang ipaulit-ulit ang pagpapaalala ng kaniyang kahinaan at paggaya sa kaniya sa tuwing nagkakamali siya rito. Ngunit na kahit ganoon siya, hindi pa rin nakatakas sa aking mga paningin ang ganda ng kaniyang mga mata. Hindi man ako matuwa kung ako lang ang nakapansin sa kaniya noon, iyon at iyon pa rin ang nagsisilbing dahilan para maging isa siya sa mga kinagugustuhan ng mga lalaki, kahit hindi nila napapansin iyon. Siya ay isang maliit na tao pero hindi siya nalalayo sa mga matataas na marka sa Physics. Minsan niya nang natamo ang pinakamataas na score sa amin sa periodic test. Magaling man siya sa nakababaliw na subject na ito, siya ay masarap kasama kahit na siya ay isang babae sapagkat hindi siya sobrang maarte at alam niyang kailangang mag-enjoy sa buhay at ayaw na ayaw niyang nalulungkot. Saan kaya galing ang pangalan niya?

The YouTube Sensation
Si Bernadyn lang naman ang kaisa-isang may solong video sa YouTube! Haha. Hindi ako sigurado kung sino talaga ang may pakana ng kaniyang sumikat na video na nagsilbing slideshow lang naman ng kaniyang mga solo na larawan. Ngunit kahit na umabot na sa ganito kataas na hindi ko alam kung pang-aasar o paghanga sa kaniya, hindi pa rin ito nawawala sa pagkontrol at pagkakaroon ng kakaibang taas ng pasensiya para sa mga tao sa paligid niya. Isa rin siya sa mga taong mahilig mag-aral sa aming section at kadalasang may mga assignment sa bawat asignaturang ay itinatakda, ngunit kahit na ganoon siya kahigpit sa kanyang pag-aaral, hindi pa rin siya nawawalan ng oras para sa kaniyang matatalik na kaibigan sa panahon ng Sineng Pinoy at World of Fun.

The Scriptwriter
Siya lang naman ang takbuhan ng klase sa tuwing kailangan ng script. Hindi pa siya nababali sa kaniyang mga isinusulat para sa aming mga dula dahil naging maayos lahat ng takbo ng lahat ng aming mga palabas. Nadala na kami ng kaniyang mga isinulat sa tagumpay, iniligtas na kami sa kapahamakan, at nagpasigla sa aming mga aktor at aktres. Siya ay isang masayahing tao.

The Alto
Siya ang pinakamagaling mag-alto sa Faraday para sa akin! As in ang dali niyang nakukuha ang dapat na tonong kinakanta at minsan niya lang makalimutan ang mga ito, yata. As in hangang-hanga ako sa talento niyang ito. Hindi lang pagkanta ang kaya niyang ipakita sa iba, marunong din siyang maggitara. Naalala ko, sa kaniya nagpaturo ng gitara ang mga babae noong magkaklase pa kami sa Calvin. Madalas ding lumabas ang lahat ng bagay sa paligid niya na cute. Hindi niya masabing maganda ang isang bagay, na ang sarap-sarap tingnan ng bagay, na sobrang nakakaakit ng isang bagay, cute ang isang bagay. Mula rito, masasabi kong napakamasayahing bata rin niya na katulad ng isa naming kaklase ay hindi sineseryoso ang mga magagaang problema sa mundo, maliban na lang kapag may tuna sandwich.

The Wiz
Siiya siguro ang isa sa mga pinakamatatalino sa Faraday, tingin ko. Siya lang kasi ang pinakanatitirang buhay pa sa aming Chemistry at Math classes maliban sa isa naming kaklase. Minsan, siya lang ang nakakakuha ng mataas na marka sa Math tests at quizzes namin, at iyon na siguro ang nagsilbing nagpasikat sa kaniya. Siguro, kung hindi siya naging ganito kagaling ay hindi maririnig sa klase ng Faraday na mayroon pala kaming kaklase na ganito kagaling. Pero seryoso, naghahanap ka ng kakampi? Nandiyan lang siya sa tabi. Masabi man nating sobrang talino ng taong ito, hindi ko siya nakikitang nagbabasa ng notebook kapag may bakante kaming mga klase, madalas niyang kasama ang dalawa sa aming mga kaklase at kasalukuyan siyang natutuwa sa pagsalo ng bola at pagdampot ng mga bituin.

The Bright Star
Isa lang naman siya sa mga bababaeng hindi ko alam kung inaasar ng boys ng batch namin pero alam kong malaki ang respeto at ipinapakitang paghanga nila sa dalagang ito. Iyong tipong kapag nakikita nila siya ay kung hindi sila kiligin mula sa kani-kanilang mga puwesto ay nilalapitan siya at nagsasabi ng kung anong nakakakilig na bagay tungkol sa o para sa dalaga na ikangingiti o ikatatawa naman niya. Ayaw rin nilang inaaway o sinasaktan siya at dahil sa mga ito, palaging marami siyang fans kapag siya ay may gagawing kung ano sa harap ng klase. Hindi siya nawawalan ng fans. Bagamat ganito ang kasikatan niya, hindi niya pa rin nakalilimutan ang kaniyang sarili at tumutuloy pa rin at sumasama sa agos ng buhay. Isa siya sa mga masasayahing tao sa Farad at mahilig gumuhit ng anime.

The Eater
Hindi man ito maging kapansin-pansin sa isang tao, siya ang isa sa mga pinakamatatakaw sa grupo. Oo, mahilig siyang kumain kahit na sa unang kita mo pa lang sa kaniya ay akala mo'y inabandona na siya ng kaniyang mga magulang at ang tangi niya na lamang kinakain sa araw-araw ay ang mga pagkaing tira-tira o minsa'y hindi na siya sumusubo ng ni isang kutsarang kanin o chicken fillet sa kaniyang bibig. Hindi mo siya mapipigilan sa pagbili kapag siya ay nagugutom. Bibili siya nang bibili hangga't hindi siya nabubusog. Pero siguro, pagtingin mo sa kaniya pagkatapos ng ilang linggong tuluyang pag-ubos ng pera para lamang sa pansariling kabusugan, makikita pa rin sa mga resultang hindi pa rin mas mataba siya sa iyo. Isa lang naman siya sa mga magagaling sumulat sa Faraday at nagkamit na ng ilang tagumpay sa nasabing larangan. Hindi rin maikakaila ang kaniyang talento sa pag-arte at pagkanta. Siya ay malapit at maaruga sa kaniyang mga kaibigan, magaling magbigay ng mga payo kahit na kadalasang may dala-dala siyang dalawang Moo sa isang kamay at siomai at potato chips sa kabila.

The Actress
Katulad ng isa naming kaklase, isa siya sa mga pinakamagagaling na aktres ng section. Madadala sa mga bawat emosyong kaniyang ipinapakita sa harapan, mapakomedya man o drama. Hindi mawawala ang galing niya sa harap ng napakaraming tao, linaw ng pagkakabigkas ng mga nararapat na linya, at ubod ng husay niya sa pag-arte. Bihasa man at madala ka sa kaniyang mahusay na pagdadrama, hindi siya malalayo sa mga taong mahilig sa kasiyahan at madadaling makakuha ng mga joke. Isa lang din naman siya sa mga nagpapatawa sa klase, at siya na rin kadalasan ang tagahayag ng mga panawagan para sa buong klase. Hinaharap lamang niya ang mga pagsubok sa buhay sa pamamagitan ng pagtawa at buong siglang pagkanta gamit ang kaniyang napakagandang boses.

The Silent
Hindi man gaanong napapansin ng mga mamamayan ng Farad, hindi siya mawawala sa ilang mga taong nakakakuha ng matataas na marka pagdating sa grammar, Filipino man o English. Minsan na rin siyang napasok sa top 10 ng Filipino na ikinagulat ng karamihan pati na ng aming guro sa nasabing asignatura dahil sa hindi naman ito gaano kasigla sa klase at minsan o halos hindi nagsasalita sa klase. Madalas siyang nakikita kasama ang dalawa sa aming mga kaklase.

The Super Star
Bilang isang kasapi ng mga talentadong Pilipino, hindi maikakailang hindi maaaring hindi siya panoorin kapag showtime na. Bukod sa talentong pagsayaw at pagkanta ng sariling mga lyrics mula sa mga umiral nang mga kanta, hindi ko sukat-akalaing magaling din siya sa rap! Isa pang nagpamangha sa grupo ay ang galing niya sa tuluyang pagsasalita, parang host. Totoong napasaya na niya kami sa kaniyang sariling pamamaraan at alam kong hinding-hindi namin siya makakalimutan sa pagtango niya sa aming harapan. Break it down, yo.

The Soprano
Madalas mang makalimutan ni Ma'am Gozo ang kaniyang tunay na pangalan, hindi siya mawawala sa isipan naming mga Faraday. Paano ba naman, e, ang taas-taas ng kaniyang boses? Isang bahagi ng choir, malaki ang ginampanan niyang parte sa aming Carol Fest dahil sa taas at ganda ng kaniyang boses. Isa man sa mga nakakaaway at ginugulo ko sa Finite Math, hindi ko alam kung susuntukin ko ang nasa harap kong o sisipain ang likod ng upuan ng isa naming kaklase tuwing nagsasalita si Ma'am Gallardo kapag wala siya. Wala akong mainsulto! Bagamat isa sa pinakamaliliit, hindi papatalo ang napakalaking boses niya.

The Laugh
Masayahing tao. Magugulat ka na lang at gugustuhin mong ipikit ang iyong mga mata at bali-baligtarin ang mundo kapag nakita mong nakasimangot o umiiyak siya. Bakas sa kaniyang mga ngiti ang pagkakaroon ng buhay na walang problema, paghiga sa kalangitan, at iyong kakaibang feeling kapag wala si Ma'am Diaz dahil sa alam mong may quiz o si Ma'am Carlos dahil sa alam mong wala kang report sa kaniya. Madali ring malaman kung sino ang tumatawa kapag narinig mo siyang napakasaya.

The Poet
Maituturing mang matangkad, nakikita siya bilang isang tahimik na nilalang. Sikat dahil sa mga puri ni ma'am sa galing niyang magsulat ng kaniyang mga sariling likhang tulang talaga namang pagkagaganda. Madalas na may mga tula ang bawat presentasyon nila sa Filipino pero hindi ko alam kung siya ang gumagawa, isipin niyo na lang na siya iyon para tama iyong title na ibinigay ko. XD

The Fail
Ito, malupet. Nakuha niya ang nakatutuwa, nakababaliw, at napakasarap na ibatong bansag na ito mula sa isang trahedyang nangyari noong turnover namin. Hindi man ganoon kasaklap ang nangyari, nagsilbi iyong mitsa upang subaybayan ng mga pinakametikulosong mang-aasar ng section ang lahat ng mga kilos at gawi niya. Naging kakatuwa man ang naging bansag sa babaeng ito, hindi pa rin mawawala ang sariling pagpipigil, pagtanggap sa kabaliwan ng kapuwa, at mahigpit na taling nagbibigkis sa kaniya at ng lahat ng kaniyang mga kaibigan. Madalas siyang makikitang nakikipagparamihan sa isa naming kaklase kung ilang beses nilang masasabi sa bawat isa ang Stupid Man sa isang araw.

The Pretty
Maging sa kahit anong paraan man niya ipakita ang kanyang sarili, hindi ko masasabing hindi siya puwedeng maging kaakit-akit sa harap ng mga kaklase. Mahina man ang boses, hindi mawawala sa kaniya ang pagiging madaldal sa harap ng kaniyang mga kaibigan at pagbibitaw ng kung anong mga joke. Maliban sa isa naming kakalse, isa siguro siya sa mga binubulabog ko sa English room kapag busy na gumuguhit si Ma'am Correa ng invisible lines sa kaniyang buong pagmumukha sa harap ng aming klase.

The Eyes
Isa sa mga bihasa at mabibisang puno ng klase, hindi pa rin mawawala sa kaniya ang pagkakaroon ng malumanay na pagsasalita at nagpapaawang mga mata. Hindi ko alam kung sinong praning ang nakita si Santino sa maamong mukha niya. Kapag wala pa ang isa naming kaklase sa kadahilanang sadyang pagpapahuli o hindi malamang pagliban, makikita siya na nagmumukmok sa isang tabi at sumisigaw at hinahanap ang kanniyang irog. Hindi man siya ganoong kabayolente ay madalas pinapainit ko at ni Ma'am Correa, kasama ng kaniyang mga instruction at answer key, ang kaniyang ulo kapag may English kami.

The Cheeks
Though originally ko siyang tinawag na The Braces dahil sa araw-araw na pang-aasar namin sa kaniyang kakaibang ngiping may sikretong hindi ko pupuwedeng isulat dahil sa napakasagrado nito at baka sabunutan niya kapag nabasa niya ito, ang laki talaga ng mga pisngi niya. Feeling ko talaga, ito ang kaniyang chuchu, o isa sa kaniyang mga katangiang madali siyang malapitan ng mga may gusto sa kaniya at ilibre ng kung ano-ano kapag isinama mo sa canteen. Kapag pupunta ka ng canteen, huwag na huwag mo siyang isasama at iyong isa pa naming kakalse. Siya ay isang masayahing tao kahit na alam kong napakamaunawain niya sa pangungurot at paghahampas niya sa kaniyang mga mang-aasar.

The Recite
Hindi man ganoong kalabis na matalino, bawing-bawi naman ang klase sa kaniyang mga pagtatanggol sa tuwing hindi kami makakapagsalita o wala kaming maisasagot sa aming guro dahil sa hindi kami gumawa ng aming mga assignment. As in iyong tipong lahat kami, mukhang natatae na sa sobra-sobrang pagbubutil ng aming pawis kasama na ng nag-iinit na ulo ng aming guro, bigla na lamang may magtataas ng kamay sa loob ng kuwarto at magbabahagi ng kaniyang kaalaman tungkol sa kasalukuyang pinag-uusapang paksa, kahit na hindi nito lubos na matutumbasan ang tunay na sagot na hinahanap ng aming guro, siya na iyon. Mahilig din siya sa anime at Koreano at Hapon at kahit na ano basta singkit at mga singkit ang gumawa.

The Guitarist
Ang aming president. Hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili kahit na gustong-gusto niya na ring huwag nang pumasok ng French at Ad Chem. Alam niyang siya ang babatuhin at bubugahan ng apoy ng aming mga guro kapag mahuli man kami o hindi pumasok ng klase. Isa siya sa mga nagdala sa aming pangkat sa tuktok sa lahat ng paligsahang aming sinalihan. Hindi siya nawalan ng pag-asa, binalewala lahat ng mga harang sa daan at buong-lakas at tapang na hinila kaming lahat para lamang masabing hindi kami magpapatalo sa iba, at alam nilang hindi naging madaling kalaban ang mga nilalang ng Faraday. Isa pang maganda sa kaniya ang sobrang galing niya sa paggigitara. Minsan, naalala ko, noong eliminations namin sa Carol Fest, nasira niya pa ang isang string ng kaniyang gitara dahil sa kami ang nakakuha ng pinakamataas na score mula sa judges. Hindi lang basta-bastang nakasisirang mga strum ang kaya niyang gawin kundi malulupit na pagkalabit ng mga kanta at hamak namang napasasabay niya ang mga nakapaligid sa kaniya kapag nagwawala na ang kaniyang mga daliri at umaalingawngaw na ang kaniyang pagkalakas-lakas na boses.

The Pianist
Pinakamaliit man sa grupo, siya ang pinakamagaling sa amin sa piano, o siya lang ang marunong sa piano? Haha. Lubhang masarap siyang pakinggan kapag nakaharap na siya sa piano at walang ibang teacher sa paligid. Kasama siya ng isa naming kaklase na nagdala sa Farad sa Carol Fest. Hindi kami makakakanta nang pagkaganda-ganda kung wala si master at ng pasensiya niya sa aming mga nakababaliw at pangit na boses. Obvious na rin siguro na kung may alam kang instrumento ay mahilig ka sa musika. Madalas siya na makita na nakikinig sa musika kapag walang teacher at hindi siya inaasar ng mga tao.

The Dimples
Palagi na lang sumusulpot dimples niya! Patunay lamang na isa siyang masayahing bata, siya, katulad ng isa naming kakalse ay hindi malalayo sa mga taong kahit na hindi alam ang isasagot sa teacher na nagtatanong ay nakangiti pa rin. Mahilig siya gumuhit at alam kong gustong-gusto niyang iginuguhit si Detective Conan. Minsan na rin siyang nagdala, dahil sa kaadikan niya sa nasabing anime, ng DVD ni Detective Conan. Walang kamatayang Detective Conan. Minsan na ring naging Detective Conan ang kaniyang display image sa YM at may keychain din siyang Detective Conan! Kulang na lang, may lumalakas siyang sapatos at nagpapatulog na relo. Detective Conan, Detective Conan, Detective Conan.

The Shy
Siya na siguro ang pinakamahiyain sa amin sa klase. Hindi na rin maikakailang mahina ang kaniyang boses at hindi gaanong natatawag sa klase. Kapag hindi ko siya binubulabog tuwing Math namin, pinagtiyatiyagaan nilang sagutan ng aming dalawa pang kaklase ang mga practice exercise na pakana ng aming guro habang sila ay nagtatawanan. Hindi ko alam kung bakit kailangan matuwa sila nang ganoon kasaya, e, alam kong Math ang klase namin. Kailan ka ba natuwa sa pagsagot sa mga quiz ni Ma'am Diaz?

~

Hindi pa lahat iyan, at alam kong ni isa wala, kang naintindihan. Gumawa ka na lang ng sarili mo. Gusto ko sanang humingi ng paumanhin sa ilang mga katotohanan at kasinungalingang aking inilagay. Ikamamatay ko 'yan, promise.


Maraming salamat, Faraday!!

05 March 2010

Ang Bilis-bilis Magplano ni Bernadyn Girl

Wala lang. Kababasa ko lang ng 485. Nagkabanggaan na naman ang Chidori ni Sasuke at Rasengan ni Naruto. Hindi mabagu-bago ni Naruto ang kagustuhang paghihiganti ni Sasuke sa Konoha, para raw masabing nabuhay na ulit ang angkan nila.
~
5:30 ako dumating sa aking pagkalupit-lupit na puwesto. Umupo na ako at ibinaba na aking bag na may lamang laptop, PSP, dalawang wallet na naglalaman ng pamasahe ko, notebook sa Finite, mouse, mousepad, charger ng laptop at project namin sa Humanities. Hindi ko alam kung bakit kinaya kong dalhin ang bag kong iyon habang naglalakad sa kadiliman ng madaling-araw sa Taft Avenue, alam kong madali akong manakawan dahil sa backpack ang dala ko at wala akong ibang gamit sa bulsa kundi itim na ballpen at puting panyo. Siguro sobrang suwerte ko lang talaga at hindi na ako nanakawan. 5:56 ka nang dumating pero hindi naman ako nainip sa paghihintay sa pagtapak mo sa hagdanan dahil sa may ginagawa akong kakaiba, biro lang, nagbabasa lang ako ng Book 1. Pagdating mo, pinatay ko na ang ilaw at nagsimula na ang kasiyahan. Siyempre una nating ginawa ang pumunta sa maliwanag na lugar, sa tapat ng mga bintanang nasa harap ng ating homeroom. Pag-upo natin, nag-usap lang tayo nang nag-usap hanggang sa dumating na ang iba nating mga kaklase, hanggang sa dumating na rin ang susi ng kuwarto, hanggang sa pumasok na tayo sa homeroom. Masaya na akong nasolo kita sa pag-uusap kahit na alam kong hindi ako kadalasang nagsasalita, alam mo na siguro yon. Nauna nga pala akong pumasok sa homeroom at inisip na ipikit ang aking mga mata. Paggising ko, akala ko'y magsisimula na ng test sapagkat labinlimang minuto na ang nakalipas ngunit kakaunti pa rin ang mga tao sa silid. Inisip ko na lamang na siguro'y hinihintay pa nila si Ma'am. Ipinatong kong muli ang aking ulo sa aking lamesa at ipinikit ulit ang aking mga mata. Paggising ko'y kakaunti pa rin ang mga tao at hindi pa rin nagsisimula ang aming huling pagsusulit sa Masci. Aba, mukhang pinapabagal pa ng panahon, inisip ko na lamang na um-attend sila ng mass dahil sinabi mo kaninang nakita mo ang pari. Sa wakas, sa aking ikatlong paggising, nakita ko ang isang gurong hindi kami pinanghahawakan nang taong (year) iyon, ipinahihiwatig lamang na may malubhang sakit si Ma'am, tinatamad pumasok o kaya ay may pinuntahang meeting. Sa tingin ko ay yung pangalawa, joke lang. Hindi naman naging ganoon kahirap ang aming test sa Finite Math. Hindi ko nga lang sinagutan ang huling problema pero alam kong sigurado ako sa lahat ng mga naunang problema. Sumunod na mga tests ay Humanities na sa tingin ko nama'y aabot ako sa kalahati at Adchem na sa tingin ko'y hindi ko nasagutan hanggang kalahati. Pinakamalupit na pagsusulit namin kanina ay yung sa French. Alam kong nasabi ko na ito dating pati ang instructions namin sa test na iyon ay nasa language na French. Himala pa ngang may mga nasagutan akong parte ng papel at hindi na rin siguro ako magtataka sa mga blanko kong mga sagot, hindi rin kasi maintindihan ng mga kaklase ko ang ibang mga panuto at tinatamad na kaming puntahan si ma'am pineda para magtanong, ganoon talaga ang feeling pag huling test mo na. Pagkatapos ng lahat ng test, naghintay kami sa magiging desisyon ni Malou, ni Bernadyn at ng iba pang mga tao. Alam kong kailangan mong umuwi nang maaga, hindi na tayo makakapag-enjoy pero makakapagsabay pa rin tayo pauwi - iyon ang inakala natin. Hindi pa man natatapos ang shooting ng project natin sa English, nauna na tayong pumunta sa SM. Matapos ang sobrang maikling pagpapasya, napag-isipan na lamang ng grupong kumain sa food court. Alam kong libre ni Bernadyn girl ang lunch namin para sa araw na iyon kaya medyo nilubos ko na. Nakakain naman tayo ng masarap na mga pagkain at nakapagbiruan, tawanan pa sa hapag. Pagkatapos uminom ng royal + coke zero (lasang royal pa rin siya, swear) at makapagpasalamat kay Bernadyn girl, nauna na tayong dalawa pabalik ng school. Pagdating ng paaralan, sinabi mong hindi na tayo makakapagsabay. Nalungkot naman ako sa aking narinig pero wala rin akong magagawa, hindi ka na maagang makakauwi pag nagsabay pa tayo at kailangan ka nang makasama ng iyong ina. Matapos nating yakaping pagkahigpit-higpit ang isa't isa, nagsabay na tayong naglakad hanggang pagtawid. Sinabi kong mag-LRT ka na para hindi ka ma-traffic. Umuwi akong hindi ka katabi ng araw na ito.

uhm, ganito magkuwento pag gusto mong walang naiintindihan ang mambabasa. madali lamang makapagsusulat sa ganitong paraan kapag bangag ka at katatapos mo lamang kumain ng dalawang sugo at hindi mainit na pancit canton.

02 March 2010

Banat Muna

~

Boy: Alam mo, medyo bastos ka e.

Girl: Bakit? Hindi kita inaano diyan a.

Boy: Basta-basta ka na lang kasing pumapasok sa isipan ko e.

01 March 2010

Stolen

Mara Magsanoc at Wilkin Ong:

Paumanhin sa mga pangi-ispoil ko sa pagbabasa ninyo ng Percy Jackson and The Olympians. Hindi ko ninais na kayo ay galitin o magsilbing kaaway sa inyo ngunit gusto ko lang talaga mapangiti ang aking sarili sa pamamagitan ng pagsabi kung sino ang hero sa Great Prophecy. Alam kong sayang na lahat ng pagbabasa ninyo mula The Lightning Thief hanggang The Battle of the Labyrinth dahil sa nasabi ko na ang taong gustung-gusto niyo nang tanggalan ng maskara. Sa kabila ng lahat ng mga kayabangang ito, mga kasalanan at panggugulong ito ay taus-puso akong humihingi ng tawad sa inyong dalawa at sana'y maging magkaibigan pa rin tayong tatlo. Nagawa ko lang naman ang mga bagay na iyon para sa pansariling kagustuhan, para maipabatid ko lamang sa inyong naunahan kong tapusin ang limang libro bago pa man ninyo sila basahin, kahit na nauna kayo sa akin. Alam kong naging mayabang ako sa mga unang pagkakataon hanggang sa ngayon na panggugulo dahil sa hindi ko maipaliwanag na kasiyahang napakaganda talaga ng daloy ng pagsulat ni Rick Riordan. Masyado lang siguro akong natuwa sa kanya at sa kanyang nabuong kuwento kaya ko nagawa ang mga iyon. Sana patawarin niyo ako. Pinatulog ni Morpheus ang buong city bago sila umatake.

~

Maaga nang ako ay nagising - 1:00 - sobrang aga. Ang alam kong alarm ko ay 3:15, nabanas ako kaya bumaba ako ng kusina para uminom ng malamig na tubig saka bumalik sa aking kama. Paggising kong muli ay 3:10, naasar pa rin ako. Sayang ang lima pang minutong pagtulog, pupuwede pa akong mag-anyong ibang estudyante at saksakin ng kutsilyo ang pinakaayaw kong guro sa paaralan, pero wala akong magagawa - gising na gising na ako. Matapos kong itigil ang alarm ng aking cellphone, inihanda ko na ang aking sarili. Sa pagsakay ko ng jeep, hindi ko nasakyan ang unang jeep sapagkat madali itong napuno. Inisip ko na lamang na kaya hindi ako umabot ay dahil sa Lunes ang araw na ito, maaaring maraming bumiyahe nang maaga. Napilitan akong sumakay sa ikalawang jeep. Hindi ko alam kung bakit pero may pakiramdam akong papasok ka nang maaga kaya bahagya akong kinabahang baka ako'y hindi dumating sa oras. Dalawa lang naman kasi muli ang aking binabaka-sakali nang umagang iyon. Una, kapag pumasok ka nang maaga, matutuwa ako at.. at yayakapin kita. Ikalawa, hindi ka papasok nang maaga at.. at puwede na akong bumili ng razor sa malapit na Mercury Drug. Pagdating ko sa aking puwesto, ipinikit ko na ang aking mga mata at matiyagang, umaasang naghintay sa iyo. ... Nagising ako sa tunog ng sapatos mo. Alam kong sapatos mo iyon kasi una, pambabae ang tunog ng sapatos, ikalawa, 5:45 pa lang noon, malaki ang posibilidad na ikaw ang dumating at ikatlo, hindi nagdadabog ang bawat tapak na narinig ko. Tumabi ka sa akin at matapos humugot ng lakas para makita kang muli nang malapitan at lalo pang lumapit sa iyong pagkakaupo ay idinilat ko na ang aking mga mata at tumingin sa iyo. Hindi ko talaga alam ang aking unang sasabihin pero alam kong nakapagsalita pa rin ako at nakapagkuwento ka pa bago tayo lumipat sa puwestong mas maliwanag. Nang humaba na ang ating paunti-unting pagkakabalikan ng mga halu-halo nating emosyon, 'di maipaliwanag na mga opinyon at nabuburang mga ala-ala, unti-unting napawi ang napakalaking butas na naiwan nang malayo ka sa piling ko at dahan-dahan kong inilapit ang aking kanang kamay sa kaliwa mo, hinawakan mo rin. Labis akong natuwa nang paunti-unti na tayong nagkakalapit muli. Dumaan ang araw na masaya ako at halos ubusin ang aking baon sa lahat ng tao. Sobrang grabeng maraming salamat. Mahal na mahal kita.

28 February 2010

Akala Ko Reversed, Yun Pala Second Gear

Butas ang shorts ko ngayon.

my point of view ~

Gabi nang piniem ako ni Ronel kung sasama ako kinabukasan. Sinabi ko namang sasama ako. Hindi ko alam kung bakit pumayag akong makihalubilo sa mga taong gustung-gustong nanonood ng romantic story na sobrang corny ng mga lines, kahit minsan sinusunog na nito ang aking mga buto sa tuwing napakikinggan ko sila, siguro dahil gusto kitang makita. Natulog na ako nang hindi ka nakakausap nang buong araw. ... umaga na. Hindi ko alam kung mae-excite ako. Iniisip kong mage-enjoy ako dahil sa marami akong matitirang oras dahil sa dalawa na lang ang ite-test namin sa araw na iyon. Hindi ko rin alam kung manghihinayang lang akong pumasok dahil sa patuloy kong pipilitin ang sarili kong huwag kang kausapin, kahit na sa loob ko'y mahihirapan at mahihirapan lang din ako. Siguro tumatak na rin sa isipan kong nahihirapan din naman akong makipag-usap sa 'yo kapag may problema tayo, what's the difference? Pagdating ko ng school ng parehong oras na inaantabayanan kong darating ka ay umakyat ako sa second floor na tagpuan natin tuwing umaga. Hindi ko alam pero siguro umaasa pa rin akong pumasok ka nang maaga, kahit alam kong imposible na. Binasa ko na ang aking reviewer sa Math at matapos mag-refresh ng memorya ay naghintay na lamang magliwanag nang kaunti ang kalangitan bago ako lumipat ng testing room natin. Pagdating ko sa harap ng nasabing kuwarto ay binuklat ko na ang aking Last Olympian at matiyagang naghintay sa iyo. Nang dumating ka na ay hindi ko alam ang mararamdaman ko kaya pumasok na lang ako ng kuwarto. Umupo na ako at ipinagpatuloy ang aking pagbabasa. Pagpasok mo ng kuwarto ay umupo ka sa tabi ni Manalo. Sa kadahilanang hiwalay si Ronel dahil sa wala siyang sasagutang test sa journalism ay nagkalapit tayo ng upuan. Hindi ko alam kung malapit na iyon pero hindi ko magawang mag-ingay. Dumaan ang isa't kalahating oras na pagsasagot ng tests nang hindi tayo nag-uusap pero wala rin akong magagawa, pinili ko iyon. Pagkatapos ng test ay pumunta na ang mga manonood sa ilalim ng Maceda Building, doon ko na ipinagpatuloy ang pagbabasa. Doon na rin nag-stay ang grupo niyo hanggang sa mag 10:00. Pagsapit ng nabanggit na oras ay nakahanda na ang lahat at nais kong humalakhak nang malakas pagtayo ko mula saking pagkakaupo. Ang alam ko kasi plano ng buong Faraday ang pagnood ng sine na ito subalit matapos kong alisin ang aking mga mata mula sa aking libro ay nakita ko sina Bobier, KM, Ronel, Smile, Bernadyn, Mara, Ong, ikaw at ako na natira sa ilalim ng Maceda, ang dami natin. Natuloy pa rin ang lakad papuntang Rob. Unang binabaan, Mcdo. Alam kong fillet na naman ang aking bibilhin. Pagdating ng restaurant ay umupo na kaagad ako. Pilit akong inilalapit ng iyong mga kaibigan sa iyong upuan pero pilit din akong tumatanggi. Gustung-gusto na kitang makatabi pero iniisip kong galit ka sa akin kaya pinili ko na lamang na malungkot kahit na alam kong dapat nagsasaya sa mga panahong iyon. Pagkatapos kumain ay pumunta na kami sa sinehan at nanood na. Pilit pa rin tayong pinagtatabi ng mga lamanlupang kaklase pero todo tanggi tayong dalawa. Ayaw pa rin kitang katabi dahil natatakot akong hindi tayo magkaayos. Mabuti na lamang at hindi na tayo pinroblema at nagpatuloy ang planong panoorin ang pesteng palabas. Laking gulat ko nga pala nang kapangalan mo ang bida sa palabas at medyo.. medyo tinatamaan ako sa mga nangyayari. Wala akong ibang nagawa kundi tapusin ang palabas at umalis na. Pagkatapos ng palabas ay umalis na kaming tatlo nina Mara at Ong papuntang Timezone at nagpaiwan kayo para ulitin ang palabas. Hindi ko alam kung paano niyo masisikmura ang dalawang oras na dramang iyon pero ginusto kong umupo na lang sa tabi mo o kaya isama ka sa aming tatlo. Wala rin akong nagawa alin man sa dalawang iyon. Pagdating namin ng Timezone ay nag-enjoy naman sina Mara at Wilkin. Sobrang na-miss na kita ng mga panahong iyon. Kahit na alam kong miss na miss na miss na kita habang nasa harap kita kaninang nagsasagot ako ng test, kahit na ilang hakbang lang ang ating pagitan sa Maceda Building, kahit na iilang upuan lang ang agwat natin sa Mcdo, kahit na naririnig ko pa ang napakasarap na pakinggan mong tawa habang pinapanood sina John Lloyd at Bea, nakita kong sina Ong at Mara girl na masayang-masaya ay sobrang nasasaktan ako. Na hiniling ko sa kalangitang bumalik ka na sa akin, na ang laki-laking kulang sa buhay ko kapag wala ka, na ang lungkut-lungkot kapag wala ka, na hindi ako kumpleto kapag wala ka. Matapos ang ilang panahong paglalaro ay dumaan kaming tatlong saglit sa Power Books at pumunta na sa Cerealicious yata iyon, at dumating na rin kayo. Hindi pa rin tayo nagkausap hanggang sa umuwi na kaming tatlo. Buong araw kong ipinalanging sana yayain mo akong sabayan sa pag-uwi o kaya naman yayain kita pero wala pa ring nangyari. Sa right side ako sumakay ng bus dahil doon naman talaga ako sumasakay. Nami-miss na naman kita, na sana katabi kita ng mga panahong iyon. Pagbaba ng bus ay naglakad na ako patungong Metropolis nang walang kasabay, walang kayakap bago tahakin ang landas papunta sa amin.

25 February 2010

Announcement Desu!

Woohoo!! Ang agang ni-release ng Naruto 484! Haha. Kaso bitin kasi hindi nagbakbakan sina Sasuke at Kakashi tapos sobrang nabitin pa lalo kasi ang last page eh biglang dumating si Naruto. Hindi ko alam kung malapit ko nang simulan ang composition ko para sa Faraday pero sinisigurado kong gagawan ko kayo, kami. :) Sana abangan niyo, lahat ng pangalan ng mga nilalang ng Faraday sisiguraduhin at pipilitin kong maging espesyal at makabuluhan, naging mabuting kaaway, kaibigan, manlilibre, nililibre, tagakopya, nagpapakopya, mang-aasar, inaasar, kuya, ate, batang kapatid, anak, tatay, nanay, pusa, aso, tinidor, paminta at Mart man ako sa inyo.

Pinatulog ni Morpheus yung mga tao, nagmukhang zombieland ang city ni Percy. Grace ang last name ni Thalia. :p

24 February 2010

Hey, This One was Edited D:<

Excited na ako sa Tekken 6 ko. Wala akong ibang ma-type. Tinatamad pa akong tapusin ang The Last Olympian. Si Hestia ang the last olympian, well, accdg sa kanya. Tapos kaya kinaya ni Luke ang pagsanib sa kanya ni Kronos ay naligo siya sa River Styx, ilog sa Underworld, ilog ng mga nawalang pangarap, pag-ibig at hinaharap, mga pagkalungkot, hinanakit, paglubog at pagkabigo.

Sorry sa early story spoilers para sa book 5. Wala akong magawa e. At hindi na magiging kami ng sinasabi mo, ever. Ikaw lang ang mahal ko.

...

Abnormal? Fine, Watev

Woo. First lyrics post.

Simple Plan - Perfect

Hey dad look at me
Think back and talk to me
Did I grow up according to plan?
And do you think I'm wasting my time
Doing things I wanna do?
But it hurts when you disapprove all along

And now I try hard to make it
I just want to make you proud
I'm never gonna be good enough for you
I can't pretend that I'm all right
And you can't change me

'Cuz we lost it all
Nothing lasts forever
I'm sorry
I can't be perfect
Now it's just too late and
We can't go back
I'm sorry
I can't be perfect

I try not to think
About the pain I feel inside
Did you know you used to be my hero?
All the days you spent with me
Now seem so far away
And it feels like you don't care anymore

And now I try hard to make it
I just want to make you proud
I'm never gonna be good enough for you
I can't stand another fight
And nothing's alright

'Cuz we lost it all
Nothing lasts forever
I'm sorry
I can't be perfect
Now it's just too late and we can't go back
I'm sorry
I can't be perfect

Nothing's gonna change the things that you said
Nothing's gonna make this right again
Please don't turn your back
I can't believe it's hard just to talk to you
But you don't understand

'Cuz we lost it all
Nothing lasts forever
I'm sorry
I can't be perfect
Now it's just too late and
We can't go back
I'm sorry
I can't be perfect
(x2) 

Hinipan Ko Ang Cookie Part 2

Nag-alarm ako ng 2:00. As in 2 am. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero hindi ako sanay na natutulog nang 9:00 pm. Kapag natulog kasi ako nang ganoong oras, hindi na ako nagigising sa alarm kong 3:15. Nagigising na lang ako ng 4:00, sa pagbukas pa ng pinto ng aking kuwarto. Kaya hanggat maaari, natutulog ako nang late. Nang araw kasing iyon, buong araw akong nakikipagtitigan sa aking laptop at pinapasara na ng aking nanay nang dumating siya nang gabi. Wala na akong naisip na puwede pang gawin kaya nag-plurk na ako ng huling message sa plurk at isinara na ang aking laptop at natulog.

Kabarberuhan.

Nag-alarm ako ng 2:00. As in 2 am. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero hindi ako mapakali at pinapasara na ng aking ina ang aking laptop, magdamag na kasing nakabukas ito. Humingi pa ako ng kakaunting panahon pa para magkausap tayo, pero sa tingin ko nang gabing iyon ay wala na akong pag-asa. Pinilit kita nang pinilit at buong tapat na akong humingi ng patawad sa mga kasalanang ginawa ko at sabi mo'y ok na, ok na. Hindi ka sumasagot sa iba kong mga mensahe kaya naman naisipan ko na lamang na itulog ang lahat at maghintay ng magandang kinabukasan. Nag-iwan muna ako ng huling mensahe sa 'yo at isinara na ang aking laptop at natulog. Nagising ako sa sinet kong alarm na


Ayaw ko na ring ituloy.

23 February 2010

Hinipan Ko Nang Hinipan Ang Cookie na Ni-dip Ko sa Gatas

Nag-alarm ako ng 2:00. As in 2 am. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero hindi ako sanay na natutulog nang 9:00 pm. Kapag natulog kasi ako nang ganoong oras, hindi na ako nagigising sa alarm ko na 3:15. Nagigising na lang ako ng 4:00, sa pagbukas pa ng pinto ng aking kuwarto. Kaya hangga't maari, natutulog ako ng late. Nang araw kasing iyon, magdamag na akong naktitig sa aking laptop at pinapasara na ng aking nanay nang dumating siya ng gabi. Wala na akong naisip na puwede pang gawin kaya nagplurk na ako nang huling message sa plurk at isinara na ang aking laptop.

Kabarberuhan.

Tang ina. Hindi ko matuloy, naasar ako. Next time na lang.

21 February 2010

Katatapos Ko lang Idownload ang Tekken 6

Nakailang check ako ng cellphone ko. Sorry na.

Huwag kang mag-alala, maikli lang 'to.

Nako. Miss na miss na miss na miss na kita. Sorry kung may mga oras na hindi tayo magkasama at masayang-masaya ako. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasabik mag-uwian para makatabi na kita. Gusto ko kasi solo kitang nakakausap, alam mo yun, iyong walang epal sa paligid. Walang ibang puwedeng pumasok sa usapan, kahit alam naman nating dalawang wala pa tayong matinong usapang umabot ng kahit tatlumpung minuto man lamang. Pero kahit na ganon lang tayo mag-usap, alam kong masayang-masaya na akong kinakausap mo ako, na pinapansin mo ako, ramdam ko na yun lahat, hanggang sa mahalaga ako sa 'yo, na mahal na mahal mo talaga ako, na kahit alam mong walang kuwentang pag-usapan ang teorya ko sa mga bagay-bagay hanggang sa mga joke kong kulang na lang ay tahiin mo ang aking mga labi sa sobrang corny ay pinakikinggan mo pa rin ako, nginingitian, pinapansin at tinatawanan. Sapat na sa akin yon, masaya na akong makatabi ka. Ngayon sana naintindihan mo na mas gusto kong kasama kang tayong dalawa lang, pansamantala lang naman muna yon, hindi naman tayong magtatagal na ganon, at alam kong hanggang 30 lang sana, sana hindi pa nawawala. Yung mga araw naman na hindi kita pinansin, natatakot ako sa 'yo. Hindi kita kayang kausapin. Siguro nasanay na akong sa tuwing magtatanong ako kung ano ang problema ay sasabihan mo ako ng nakalimutan mo na, pero pasigaw. Ayaw ko kasi nung pilit nating inaayos ang problema pero pilit mo namang iniiwasan. Gusto ko sana sa 'yo yung kinikimkim na lamang sa sarili ang problema at pilit na lamang na lilimutin ito para wala nang pag-usapan pa at sa bandang dulo'y ok na ang lahat pero, ___, sana ineexpect mo ang posibleng mangyari > na ang problema, kapag hindi napag-usapan nang matino, mauulit nang mauulit at mauulit habang hindi namamalayan ng may sala, kasi nga, hindi niya alam at hindi napag-usapan. Alam kong matalinong tao ka at nauunawaan mo ang mga sinasabi ko. ___. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita, please. Huwag mo muna akong.. akong iwan. Kahit ngayon lang, I need one chance. Please. Kahit hanggang 30 lang. Oo, ___, alam kong hindi ako nagtiyagang maghanap ng lugar sa bahay ko na malakas ang signal. Oo ___, alam kong pakiramdam mo binalewala ko lang lahat ng effort mo noong araw na nakikipag-usap ka sa akin, pero maniwala ka sa akin, hindi ko ginustong wag kang kausapin at sobrang nagsisisi na ako. Oo, ___, alam kong naging napakatanga ko nitong mga huling araw at sana.. sana mapatawad mo pa ako, kailangang-kailangan kita sa buhay ko, kulang na kulang ako pag wala ka. Sana kahit minsan, kahit ngayon lang, subukan mo man lang na.. na ulitin, baguhin ang mga naging desisyon mo. Oo, ___, alam kong mahal na mahal na mahal na mahal kita, isang malaking sugat ang mahapdi sa akin ngayon, at sa tingin ko, sobrang tagal pang mawawala nito, o baka mabaliw na ako sa lahat ng oras na wala ka, na alam kong wala ka na. ___, please, mahal na mahal kita.

:(

18 February 2010

___

lol. First time kong nakitang si Hayley na ganun. Ang galing ng Paramore talaga. Miss na kita. Miss na miss na miss na miss na kita. Sana ok na. nya ~ Kulang na kulang araw ko kapag wala ka. Araw-araw.

15 February 2010

STFU

Ok. Napanood ko na yung Lightning Thief. Ang daming wala. At tatamarin ako sa sobrang dami kung iisa-isahin ko ang mga kulang sa movie. Well, sobrang magagandahan ka kapag pinanood mo yung movie nang hindi pa nababasa yung libro. At mamumura mo yung director kung nabasa mo man yung libro at halos lahat ng in-expect mong makikita mo ay wala. At dahil bad trip ako, babad tripin ko kayo ng pangit kong project sa Filipino. hindi lang basta-bastang project sa Filipino, kundi huling project namin. Ang hirap mag-type srysly (ang pangit kasi pag cinopy). And oh, ang daming typos at ilang sikretong maibubunyag. May medyo mali sa last part, yata.

Go fuck yourself up, donkey.

>>

Manila Science High School
BUHAY-MASCI
Pag-ibig nga Naman

ni

Mart

Inilathala ng

GoPrint Philippines
2010

Paunang Salita

Sanggol pa lamang ay niregaluhan na agad tayo ng kapalaran ng ating unang problema - ang paglalakad. Napakahalaga ng unang hakbang na ito ng ating pagiging bata sapagkat dito malalaman kung paano mamumuhay sa susunod pang mga panahon ang isang sanggol. Natutuwa ang ating magulang kung makuha man natin ang kanilang inaasahang makatayo tayo sa ating sariling mga paa, mga bata pa lamang tayo o malalaki na, tagumpay na sa kanila iyon. Mula sa napakasimpleng problemang ito ay naging sunud-sunod na ang bato ng kapalaran sa atin habang tayo ay natututo nang magsalita, magbasa, pumasok sa paaralan, makipagkaibigan makipag-away, magtanong ng kung anu-ano, managinip, mangarap at umibig. Pag-ibig. Mga letrang bumabalot sa isang pakiramdam na napakamisteryoso. Isang salitang minsan nang nagpasigla at gumulo ng buhay natin. Isang simpleng bugso ng ating pusong kadalasang nagbibigay ng problema sa bawat tao sa mundo.

Kailan nga ba ako tumigil umibig?

Unang tibok.

Nursery pa lamang ay may crush na ako. Iyong tipong gustung-gusto kong nakakasama ang babaeng araw-araw na nakapagpapangiti sa akin sa kahit na anong simpleng paraan.

Hindi ko talaga alam pero alam kong gustung-gusto ko siya. Naging magkaklase kami hanggang ikaapat na baitang at malaman-laman ko lamang na may gusto na rin pala sa akin ang unang babaeng nakapagpatalon ng aking puso sa labis na galak. Pero huli na ang lahat nang malaman ko ang sikreto niya - kailangan niyang magtungo sa Japan para sa kanyang pamilya. Mga kasiyahang binawi, pangarap na bumagsak, isang malungkot na puso ang mga tanging natira sa akin bago siya umalis. Hindi na ako naghintay ng mga susunod pang mangyayari.

Unang Kasintahan

Unang araw ng aking unang taon sa mataas na paaralan. Maraming mga estudyanteng sa tingin ko ay mga kaedad ko. Nagkukumpulan sila sa isang malaking pisara at napansin kong kinokopya nila ang kani-kanilang mga talatakdaan para sa buong linggo at ng kanilang mga pangkat.

Lumapit muli ako sa aking nakatatandang kapatid mula sa ikaapat na taon. Pinaalis niya ako mula sa kanyang tabi at sinabing makisama ako sa aking mga kaantas. Naramdaman ko ang kawalan ng pag-asa sa mga unang problemang aking sasaluhin sa araw na iyon pero napagtanto kong kung natuto si Kuya nang mag-isa sa institusyong ito, ako pa kaya?

Hindi ko hinayaang magmukha akong tanga sa harapan ng aking kuya at ng kanyang mga kaklase kaya naman pinilit ko ang aking sariling makipagsiksikan sa mga estudyanteng parang mamamatay kapag hindi nila nakopya ang kanilang mga talatakdaan.

Nagpatuloy ang aking unang linggo nang tambak ng isang napakahabang talatakdaan, mga komplikadong gawaing-bahay at ubod ng daming mga bagay na kailangan naming dalhin sa bawat asignatura. Pakiramdam ko noon babagsak na ang aking mundo, ang daming gagawin, hanggang sa sumapit ang ikalawang linggo.

Tuwing Biyernes ay kasama sa aming mga kuwartong dapat puntahan ay ang homeroom. Dito nagkakausap ang buong klase kasama ang kanilang tagapayo. Hindi ko alam pero napansin kong may katabi na akong babae. Noong unang linggo ay hindi ko siya napansin, marahil ngayong linggo lamang siya pumasok.

Unang nagkausap kami nang magtanong siya ng oras sa akin. Kinakabahan ko naman siyang sinagot (Nanginginig talaga ako makatabi lamang ang isang babaeng maganda para sa akin, makausap pa kaya?). Hanggang sa sinabi ko sa kanyang ngayong araw ko lamang siyang napansin at sinabi niya namang nakatatamad daw pumasok ng unang linggo, payo ng kanyang ate.

Simula noon, sabik na sabik na akong makapasok sa kuwartong iyon para makatabi at makausap siya kahit na alam kong hindi ko naririnig ang aking sarili habang nagsasalita sa harap niya. Hindi rin nagtagal at nagkaaminan na kami ng nararamdaman namin sa bawat isa ngunit hindi siya ang nakatuluyan ko noong unang taon.

Nabalitaan ko na lamang na may isa pa palang babae ang may gusto sa akin. Alam kong maliit ang pagkakataong may magkagusto sa akin pero naniwala agad ako sa balitang iyon. Katangahan ko namang tinanong agad ang babaeng ito kung pupuwedeng maging 'kami' (Una kong niyaya ang babaeng una kong nakausap sa aming homeroom pero hindi pa raw siya puwede.) at pumayag naman.

Naging masaya naman kaming dalawa at hindi kami nag-aaway. Sa unang taon ko natutunang gumala pagkatapos ng klase tuwing Biyernes kasabay ng una kong pangongopya ng mga takda mula sa aking mga kaklase, unang pakikipagtunggali sa ibang pangkat at unang pagbagsak sa isang maikling pagsusulit.

Maraming una ang nangyari sa aking unang taon. Pati ang unang pakikipaghiwalay ng aking unang kasintahan.

Ikalawang Pagbagsak

Alam kong nagkamali ako kaya kami naghiwalay ng aking unang kasintahan. Hindi ko nirespeto ang kanyang nararamdaman at isa lamang akong baguhan sa mundong iyon. Ngayon, alam ko na ang aking mga dapat gawin.

Nagkahalu-halo mula sa mga pangkat noong unang taon ang pangkat sa ikalawang taon. Maraming bago at lumang mukha ang aking nakasama. Maraming naging mga kaibigan at mga taong may potensyal na hindi ko pansinin ng buong taon. Marami rin ang mga babaeng gusto kong kausapin pero alam kong tratraydurin lamang ako ng aking duwag na dila at nanginginig na katawan sa tuwing may babaeng malapit sa akin.

Hindi ko pa rin napigilan ang aking sariling magkaroon ng panibagong mamahalin. Gusto ko 'yong pakiramdam na nagmamahal at minamahal, na mahalaga ako sa isang taong hindi ko naman kamag-anak at masayang-masaya ako sa tuwing nakakasama ko ang taong iyon.

May isang babaeng hindi ganoon kababae ang kanyang mga kilos ang muling nakaakit sa aking puso. Marunong siyang maggitara, magaling kumanta at higit sa lahat ay matalino at maganda. Hindi malayong nagkagusto ako sa kanya ngunit hindi ko alam ang aking mga unang gagawin para mapalapit sa kanya.

Humingi ako ng tulong sa kanyang malapit na kaibigan. Hindi ako makapaniwalang nakakausap ko pa ang kanyang kaibigang si Justine na babae rin kaysa sa kanya. Kay Justine lamang ako nakapagbabahagi ng aking mga nararamdaman para sa babaeng iyon.

Isang gabi at tinanong ko ang babae kung pupuwedeng maging kami, sinabi niya namang hindi pa siya puwede dahil sa isang dahilan. Hindi ko naman siya pinilit mula ng gabing iyon at nagkakausap pa rin naman kami sa paaralan.

Nang magkaroon muli ng paligsahan sa pagkanta ng mga pam-Paskong awitin ay matiyagang nag-ensayo ang aming pangkat at naglaon ay nakuha namin ang unang gantimpala. Kasabay naman ng kasiyahan at tagumpay na ito ay nabalitaan kong aalis ang babaeng nagpapasaya sa puso ko noong mga panahong iyon. Aalis siya patungong Canada at nag-iwan ng isang liham para sa akin, at ang laman ng kanyang sulat ay maghintay pa raw kami ng takdang panahon at may paghanga rin siya sa akin.

Ikatlong Pag-ibig

Dalawang taon na ang tinapos ko sa Masci at dalawang beses na rin akong nabigo. Hindi pa pala iyon sapat para tumigil ako.

Lalong dumami ang aming mga asignatura sa ikatlong taon at lalong humirap ang aming mga kailangang gawin. Kinakabahan ako para sa taong ito dahil sa ito raw ang pinakamahirap sa lahat. Hindi pa rin ako napigilan ng mga kahinaan kong asignatura sa paghanap ng ikaliligaya ng aking sarili.

Lahat ng guro namin ay mahihigpit at nakaiinis ang kanya-kanyang mga asignatura. Ngunit may isang gawain kaming lubos kong kinasuklaman noong mga panahong iyon - Research.

Ang klase namin ay hinati sa mga maliliit na pangkat at inatasan kaming gumawa ng isang dokumentong makapagpapalabas ng bagong teknolohiya o produkto mula sa aming mga nakuhang impormasyon para makatulong sa ating bansa.

Maniwala ka, halos mamatay na ang aming grupo, lalung-lalo na si Justine na matibay na puno ng aming pangkat dahil sa kakulangan sa pera, katamaran ng buong grupo at pagkabigo nang maraming beses.

Hindi ako gaanong nakatulong sa grupo sapagkat pinoproblema pa ako ng aking puso. Una kasi, may nakausap ako noong bakasyong isang babae at nagkamabutihan kami - sa chat at text nga lang at ngayong taon ay kaklase ko siya. Ikalawa, nalaman kong may gusto sa akin ang isa sa aking mga kagrupo sa research at gusto ko nang hugutin ang pagkakataong maging kami. Problema ko? Kailangan ko lang namang pumili sa dalawa kung sino ang liligawan ko, kung ang babaeng sobrang malapit sa akin sa text at chat lamang o ang babaeng nakakausap ko naman at sigurado akong may gusto ko sa akin.

Hindi nagtagal ay pinili ko rin ang aking kagrupo pero hindi rin kami nagtagal. Iniwan niya ako sapagkat hindi pala siya sigurado sa kanyang nararamdaman. Naiwan akong natambakan ng problemang kung paano namin matatapos ang aming research paper at pagkumbinsi sa sariling hindi pa huli ang lahat. Masyado akong nahirapan sa mga nangyari.

Natuto akong maging responsable sa mga dapat kong gawin at sadyang napakahalaga ng oras, na hindi lahat ng bagay ay nakukuha nang madalian at sa mga simpleng paraan, at sa susunod kong research paper ay hindi ko na ito babalewalain.

Nagkaroon na naman ako ng kasintahan mula sa aming pangkat bago magbakasyon. Naging napakasaya naman namin.

Ikaapat na Pagtangka

Hanggang sa pagpasok ng huling taon ko sa Masci at nagtagal kami ng aking ikatlong kasintahan. Napansin kong mas magagaan na ang aming mga kailangang gawin ngunit magkahiwalay kami ng pangkat ng aking minamahal.

Sa tingin ko ay nakulangan kami sa oras o sadyang umiral na naman ang aking pagiging walang kuwenta at kawalang respeto kaya hiniwalayan na naman ako - pagkatapos ng labing-isang buwan. Ganoon man kasakit ay nagpatuloy pa rin ako sa aking buhay sinyor.

Maraming kompetesyon ang aming sinalihan sa taong ito. Naitatak ko sa aking sariling napakahalaga ng pagkakaisa. Mula sa mga paligsahan sa pagkanta, pag-arte at pagsayaw, panalung-panalo ang aming pangkat.

Sa mga tagumpay ay hindi pa rin nawala sa isip ko ang nararamdaman kong kakulangan - gusto ko pang umibig.

Pumili naman ako ng isang dalagang pupuwede kong makasabay sa pag-uwi hanggang sa magkamabutihan kami. Siya na sana ang aking hinahanap.

10 February 2010

Akala Ko Black Jack, Yun Pala Pusoy

Hindi mo lang alam kung gaano kita gustong nakatatabi. Hindi mo lang alam kung gaano kita gustong nakakausap. Hindi mo lang alam kung gaano kita gustong palaging nakakasama. Hindi mo lang alam kung gaano kahigpit kitang gustong niyayakap. Hindi mo lang alam kung gaano ko kagustong nagtutuloy-tuloy ka sa pakikipag-usap sa akin. Hindi mo lang siguro pa alam kung gaano kita ayaw mawala sa buhay ko. Hindi mo lang alam kung gaano kasakit na tumatagos ang bawat akala mong birong binibitawan mo sa harapan ko. Hindi mo lang alam.

Pasensiya na kung mahina ako sa pagbuo ng paksang pag-uusapan. Pero gustong-gusto ko talaga kapag napapangiti kita nang sandali. Pasensiya na kung makabuo man ako ng paksa na walang kuwenta. Nakikita mo naman na kung ano-ano lang ang lumalabas sa bibig ko, marami akong sinasabi, nasasabi, malaman mo lamang na sinasabi ko na lang lahat kung anuman ang maisip ko, may masungkit ka man lang kahit isa para pag-usapan natin. Pasensiya na kung hindi ako tumitingin sa iyo kapag nagsasalita ka. Handa akong makinig lagi sa 'yo. Balewalain mo na lang kahit kumanta ako habang ika'y nagsasalita, pinapakinggan pa rin kita. Pasensiya na kung ang corny-corny ko magbitaw ng joke. Masayang-masaya na ako sa mga boo mo. Pasensiya na kung wala akong kuwentang kausap. Pasensiya na kung nakakainis ako. Pasensiya na kung wala akong kuwentang tao. Sa tuwing nasasabihan ako ng ganiyan, ang translation agad sa akin ay sana hindi na ako pinanganak. Ganoon man ako kasensitibo at kawalang respeto sa mga tao sa paligid ko, iniisip ko rin naman kaagad kung ano ang maiisip nila sa mga sinasabi ko.

Buti na lang, sinabi mong joke lang 'yon. Paulit-ulit ko na kasi silang naririnig.

08 February 2010

Half-blood

Maraming mga bagay sa mundo ang maaaring makapang-insulto, lumait, magpasaya, at makagalit sa atin ngunit sa kabila ng mga pagkakataong ito, mag-isip na lamang tayo ng mga posibleng dahilan kung bakit naging mas masarap ang cookies & cream sa quezo real.

"Gising na," isang nakaiinis na tinig ang dumaloy sa loob ng aking tainga. Iminulat ko ang aking mga mata at itinaas ang aking ulo mula sa pagkakatulog sa aking upuan. Nakita kong bakante na ang mga upuan sa aming classroom at hinihintay na ako ng aking mga kaibigan. Hindi naging mahaba ang gaan sa pakiramdam ng wala masyado maraming tao sa aking paligid, naalala ko na naman ang aking nawalang wallet. 

Mga oras bago mag-unang period bago ko ito inisip, itinulog ko na lamang dahil sa wala ang aming unang guro para sa araw na iyon. Bumaba na ako kasama ang aking mga kaklase at isang makirot na pagsakit ng aking ulo. Pagdating ko sa gusaling sunod na papasukan naming asignatura ay nakita ko pa ang iba kong mga kaklase sa labas. Mabuti na lamang at hindi pa ako nahuli. Pagsimula ng klase, naisip kong kalimutan ang aking problema sa pamamagitan ng pakikisama sa diskusyon kasama ang guro naming si Ma'am Gozo.

Masaya naman ang naging takbo ng aming pag-uusap sa loob ng klase ngunit sumobra nang tanungin na 'ko ng nakatatanda tungkol sa aking buhay pag-ibig - itinatanong niya kung paano ko raw malalamang may pag-asa ako sa babaeng aking kinagigiliwan. Sinagot ko naman ang tanong nang walang pag-aalinlangan subalit may kaunting 'di kasiguraduhan sa aking mga nasabi. Binase ko lamang ang aking naging pahayag sa aking mga nahihinuha, karanasan, at madalas na panggugulo sa aking mga kaklaseng babae. 

Matiwasay naman akong nakalusot sa pagpapaikot sa aking guro at nakangiting lumabas ng kuwarto, ngunit hindi pa rin ako nakatakas sa nakasasakit ng ulo na karanasang pinipilit kong iwasan simula unang taon pa lamang sa high school - pesteng wallet, pesteng pera. Iniabot sa akin ni Ong ang The Lightning Thief na natapos na niyang basahin. Nasabik naman akong basahin ang nasabing libro at hindi na naalis ang aking mga mata hanggang sa makaakyat na kami sa aming ikatlong asignatura para sa araw na iyon. Nagandahan ako sa daloy ng kuwento at lubhang nakaaaliw ang bawat sinasabi ng narrator. Sobrang gusto kong basahin lahat ng tao ito sa sobrang ganda niya. 

Anyway, paunti-unting sumakit ang ulo ko sa pagbabasa habang paunti-unti ring hinihigop ng utak at imahinasyon ko ang libro. Hindi ko na napapansin ang mga importante at detalyadong nangyayari sa aking kapaligiran, basta ang alam ko, masakit ang ngipin ko at naririnig ko ang mga kaklase ko habang ang isang bata ay namomroblema tungkol sa kaniyang sariling pagkatao. 

Makaraan ang Humanities ay bumaba na kami at tumambay sa harap ng Maceda dahil sa wala ang teacher namin sa Finite Math. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng luntiang libro. Sa tagal ng pagkakaupo ko sa harap, hindi ko na napansing lumilipat na pala ng puwesto ang aking mga kaklase, binalewala ko. 

Maya-maya na lamang ay inabutan ako ni Mia ng isang pirasong doughnut at isang can ng Mountain Dew, naalala ko na naman ang masakit na problema. Sinabi kong masakit ang ngipin ko at nagpasalamat sa kaniya. Gusto ko sana siyang yakapin nang mga panahong iyon pero hindi puwede. 'Di nagtagal ay lumipat na rin ako ng puwesto kung saan kumakain na ng tanghalian si Mia. Ipinatong ko ang doughnut sa lata at dinala sa aking uupuan. Abala lamang silang nagkuwentuhan doon ng mga pambabae at patuloy lang talaga ako sa pagmamadali kung ano ang mga mangyayaring susunod kay Perseus. 

Binuksan ko na rin ang Mountain Dew at saka uminom. Hinati-hati ko na rin ang pagkain bago isubo, hindi ako makakagat ng kahit na ano, kahit ice cream. Dumating na nga rin pala ang Nucleus at ang Ubod. Naisara ko ang nakaaadik na aklat at pansamantalang niligid ang aking mga mata sa kapaligiran. May mga napansin akong kaklaseng kasama ko pala mula Filipino pa lang, talagang hindi ko sila napansin. Nang binasa ko naman ang mga diyaryo ay may mga napuna agad akong mga pagkakamali. 

Sige, sabihin na nating hindi tayong lahat ay perpekto at ang entry na ito ay ang dami-daming typo at wrong grammar pero hindi ko alam, hello, diyaryo ng school namin iyon, bakit may mga hindi nailagay na phrases, wrong chuchu, at maling chuva?

Halos buong araw ay wala kaming teacher na tinagpo, lalo na ring sumakit ang aking ulo, tutok na tutok na kasi ang aking mga mata sa bawat pahinang susunod. Hindi ko na namalayang hindi ko na pala napapansin si Mia, super sorry. 

Hanggang sa uwian ay hindi kami nagpansinan. Himalang hindi niya dinala ang aking filecase. Napansin ko agad ito at umakmang huwag nang magbasa sa gitna ng aming biyahe. Nilibre niya ako ng pamasahe hanggang Cavite.

Hindi pa rin kami nakapag-usap nang matino dahil sa sobrang nababaliw na ako sa 1,500 pesos kong nawala noong araw na iyon. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ng isang masiglang talakayan sa pagitan naming dalawa. Sobra akong naasar sa sarili dahil sa pagiging walang kuwenta ko. Humingi pa rin ako ng tawad bago kami maghiwalay ng sasakyan at nayakap pa siya bago umuwi. 

Nasabi ko naman kaagad sa aking nanay ang nakakabaliw na problema pati na rin ang mga kaibigan kong tumulong sa akin noong araw na iyon, lalo na si Mia. Hindi ako pinagalitan. Bago ako matulog ay ipinagdasal kong pumasok sana nang maaga si Mia.