Wala ring dungis ng inis na dapat sanang nag-uumpisa na sa akin. Kilala ko na dapat ang buhangin, ngunit hindi ang buhanging ito. Sa muling pagsipat ng pasumalang may pasensiya namang maghintay sa akin, kinalabit ako ng sakaling napalilibutan ako ng buhangin na ito. Nababalot ang buong sangkalupaan saan man ang dagok na mapili.
Napahiga ako't hinayaan lamang mauntog ang aking ulo sa ubaya ng sasalo sa akin. Napapikit na lamang ako muli't kinilala nang isa pang beses ng aking mga palad ang buhangin. Unti-unti kong inilubog ang isa sa aking mga daliri. Bahagyang umasa na may masusundot na insekto o hindi kaya kayamanang hindi na mababalikan pa. Kung saan man ako patungo, tiyak na mas pipiliin ko ang mga labi ng insekto.