28 May 2012

Susubukan Ko 'Yan, Panlaman sa Utak Hindi Tiyan

Yung Facebook profile mo, parang CRS, kanina ko pa binabalik-balikan
Ang cute ng picture, may kutis mong malinis, nanaising halik-halikan
Mga linya, gusto kong ipraktis, nang maunawaan
Mahal kita, yung buhay mo oh please akin na lang
Ang korni na, parang ipis, ang sarap tapakan
Kokornerin, lalapitan, tsitsinelasin, lalabas ang laman
Cinareer ang pagpaslang, sobrang intense ng laban
Yung kay Pacquiao, shit, imbis na pagtulungan
Yung mga tao at pulitiko mabilis na pinagpustahan
Sa karerahan, ang pagtakbo nang labis ng kabayong hinihingal
Todong tatadyak ang mga tirador at tugis na tandang
Balbasero, maputi na ang buhok, hugis ng mukha'y buwan
Maraming naaalala, mula beginning hanggang finish ng nakaraan
Ako'y naiinis, dahil sa history ay walang kaalaman
Kaya mga sinasabi'y shit, boring at walang laman
Ang tulang ito parang sa disco, maingay pero walang maintindihan
Pero matagal pa ring inisip ko para mapagtiyagaan
Na parang CRS, na kanina ko pang binabalik-balikan
Mamintis na hihina ang boses, whisper sa kawalan
Careless, I feel, kapag hinimas mo ang aking tiyan
You won't fail, parang Christmas, sobrang kasiyahan
Pag wala ka, parang CRS, handa akong maghintay hanggang sa katapusan

07 May 2012

Darating

Hindi ko alam kung kailangan kong maghanda
Maganda na rin naman yung mga bagay na pinagkakasya
Sa isang maliit na box, libro, panty.
Pero bakit? Hindi ko naman na talagang ginustong sumakop
ng mga alaalang mahirap isipin kung titiklop
O nagpapapansin lang
Sama-sama silang gumagawa ng mga gagambang
Halos sabay-sabay na ring sumasapot
Sa mga walang saplot, sapot, supot
Supot ng mga alaalang hindi masigurado
Kung kailangan bang sunugin, irecycle
para kunwari tumutulong ako sa mga puno
Boobs, tite, puke, malamang mga tao
Naghuhubad para lang mahiya
Nagsasaplot para lang mapagsabihan, magtago
Sa loob ng damit, ng maskara, ng kasinungalingan
Kasinungalingang tumutuon sa tama, sa totoo
Sa tunay na hinahanap ng mga tao
Wala naman talagang bayag, atay, o buhok
Bulbol sa siko, bulbol sa tuhod, bulbol na dila
Bulbol sa dila, idadaan na lang sa ngipin, sa flash
Ngingiti, bibili ng plastic cover para balutan
Ang sarili, itago sa iba
Sayang lang ang puno
Dahan-dahan muna, mawawala ang liwanag
Kunwaring mag-eexercise ng leeg, ng ulo
ng buhok, basa.
Minsan talaga basa.
Pagpapawisan kaunti, tapos pahinga
kaunti lang din
Akala mo'y bumubulong ka na lang, pero hindi na talaga
Bilis, wala nang naririnig, nakikita
Pipikit, didilat, sisilip
Bilis, pawis, malinis
Kailangan nang maglinis

05 May 2012

Luc

Ang pelikula ay tungkol sa isang lalaking nangarap maging isang ganap na babae. Hindi man niyang napansin agad, at hindi niya rin naman ginusto, naging daan ang kick boxing para matupad ang kanyang pinakapinapangarap. Naging isang magandang ironiya ito para sa akin sapagkat kung sino pa ang mas madalas na makitang mahina ng lipunan ay siya pang mas nakapagtaguyod ng tunay na lakas, hindi lamang sa mula sa panlabas ngunit pati na rin sa panloob na pagpapakilala ng sarili. Isa si Toom sa mga nabubuhay na tao lamang din, ngunit sumisira sa mga “pinagbabatayan at kinokondisyong” pamantayang nakadikit sa pangangatawan ng isang nilalang, na magsisilbing hantungan ng kanyang magiging papel at responsibilidad sa buhay. Nagustuhan ko ang palabas sapagkat nagamit ni Toom ang pangangatawang nagkataon ay napunta sa kanya para makamit ang pangangatawang ginugusto niya talagang panatilihan. Kadiri man para sa akin ang pagpapasex change dahil sa operasyong pagtatanggal ng ari, nakatutuwang isiping may mga tao bumabalikwas sa idinidikta ng lipunan kaugnay ng matinding pagbase sa pangangatawan. Isa akong malaking tagahanga ng mga taong inaabot ang mga gusto nila at hindi nagpapatalo sa mga “tama” sa lipunang kanilang ginagalawan.

Nais ko ring pansinin ang sinabi ng kanyang ina sa simula na hindi dapat nagpapahaba ng buhok ang lalaki. Hindi rin daw dapat nagsusuot ng pambabae ang isang lalaki dahil sa pagtatawanan lamang siya. Mula rito, sa isang mababaw na pagtingin, mukhang ayaw lang mapahamak ng ina ang kanyang anak. Tama nga namang tingnang ayaw ng isang ina na nahihirapan at pinagtitripan ang kanyang anak. Kung nasasaktan ang anak marahil ay masakit din ito para sa kanyang mga magulang. Maganda na rin namang hindi pinahihirapan at nagagawa ang gusto ng mga magulang, ngunit sa mas malalim na pagtingin, sumusunod sa social construction ang ina. Marahil ay hindi pa nila tanggap ng kanyang asawa ang ninanais na kasarian ng kanilang anak. At dahil nga sa madalas na pagtuunan ng pansin ang mga bakla o bading, mas pinipili nila ang direksyong makabubuti para sa kanilang anak. O makabubuti nga ba talaga? Makabubuti ba ang pagpigil sa gusto ng anak kung wala naman itong halos na panama sa kanyang kinabukasan? Makapagpaphirap ba ang kanyang pagiging bakla sa pagkamit niya ng kanyang pangarap? Pinaghirapang sagutin ni Toom ang mga katanungang ito ng kanyang mga magulang. Ipit man sa ilang mga diskriminasyon, naitulak pa rin ng tinaguriang Beautiful Boxer ang kanyang sarili sa dulo ng kanyang minimithi.

Sa huli, nais ko na ring pansinin ang isang linya ni Toom, “In the ring, you have no choice.” Sinabi niya ito dahil sa kailangan niya talagang talunin ang kanyang mga kalaban. Kahit na sa paminsan-minsa’y nakikita niyang nahihirapan siya sa paghihirap ng kanyang kalaban, kailangan niya pa ring ituloy ang laban. Hindi niya lamang ito ipinakita sa ring kundi maging na rin sa labas ng stadium, sa kanyang buong reyalidad. Ang ring na iyon ay hindi ang pagkulong ng lipunan sa mga nararapat mo lang na gawin kundi wala kang ibang puwedeng gawin kundi ipaglaban mo ang gusto mo kahit ano pa mang idikta sa iyo ng iyong mga manonood.

Passenger's Seat?

Para sa mga Organizers?

1. Ano po yung mga usual dates na idinaraos ang Santacruzan sa lugar ninyo?

2. Bakit niyo po napili ang mga ganitong linggo? Anong oras? Bakit ganoong oras po?
3. Mula saan po nagsisimula ang prusisyon? Paano po ang ikot ng prusisyon? May kasama po bang mga sakristan at pari?
4. Kayu-kayo rin po ba ang pumipili ng mga Reyna at Hermana?
5. May mga nagvovolunteer po ba para magreyna o hermana?
6. Anu-ano po ba ang batayan sa pagpili ninyo ng Reyna? Pangangatawan? Pagmumukha? Dapat ho ba e sexy? Maganda? SEKSING-SEKSI? NAGSALI NA PO BA KAYO NG MATABA? O KAHIT CHUBBY PARA WALA NAMANG MASAKTAN KUNG NAKAKABIT MAN ANG INYONG TIMBANG SA INYONG PAGTINGIN SA SARILI?
7. Isinasali niyo rin po ba yung mga mayayaman? Yung may kakayahang magsponsor sa mga gaganaping pangyayari patungkol sa simbahan?
8. May back-up po ba kayong plano kung sakaling umulan? Bumagyo? May nagkasakit na Reyna o kung sinuman? May nawalang mahalagang gamit? O sa madaling sabi e naghahanda ho ba kayo ng pamalit? Pamalit na tao? Pamalit na bagay o kung anuman?
9. Magkano ho ang nagagastos ninyo?
10. Bakit ninyo dinaraos ang ganitong okasyon?
11. Masaya ho ba kayo sa ginagawa ninyo?
12. Bakit ho iyon ang mga pamantayang napili at napagdesisyunan ninyo para sa pagpili ng mga Reyna o Hermana?
13. Naging Reyna o Hermana na ho ba kayo? Anong feeling? Anu-ano ang mga preparasyong ginawa ninyo bago idaos ang mismong Santacruzan?

Para sa mga napili nang Reyna o Hermana?


1. Anong feeling?

2. Pinili ho ba kayo o nagkusang-loob ho kayong sumali?
3. Anu-ano ang mga preparasyong ginawa ninyo para matugunan ang hinihingi sa inyo ng nasabing okasyon?
4. Magkano ang gastos?
5. Kung saka-sakali, gusto niyo pa bang umulit? Bakit?
6. Bakit po kayo sumali dati?

Para sa mga pari?


1. Magaganda ba yung mga sumasali? Masaya ba silang tingnan?

2. Ayos ba?
3. Maganda bang idinaraos ang mga ganitong okasyon?
4. Ano ang significance nito sa bibliya? Meron ba?
5. Gumagastos ba ang simbahan para rito? O pera ng mga organizers ang nagagamit? Sino ba talaga ang mga hinayupak na gumagastos para sa mga ganitong pagkakataon?
6. Kung sinu-sino lang ba ang puwedeng maging Reyna o Hermana?
7. Bakit ba bigla na lang may ganitong pagtingin sa mga babae? Anong klaseng pagtingin ang ganitong pagdaraos?

04 May 2012

Astig


Ang buong artikulo ay halata namang tungkol sa body language na naturang makikita sa maraming Pilipino. Mayroon naman kasing dalawang paraan ng komunikasyon: ang verbal, kung saan gumagamit ng mga salita ang makikipagtalastasan, at ang di verbal, kung saan walang kasamang salita ang pumapaloob sa nangyayaring o sisimulang pakikipagkomunikasyon. Nakapaloob na rin dito ang body language, na gumagamit ng alinmang parte ng katawan, basta madaling maihahatid sa iyong kinakausap ang nais na iparating na mensahe. Maaari ko na ring idagdag sa mga naunang nasabi patungkol sa body language na malaking nagpapatakbong bahagi nito ay ang kultura. Nakapaloob kasi ito, ang body language, sa kultura. Kung walang kultura, hindi magkakaroon ng ibig sabihin sa kahit na kanino ang alinmang inilalabas o ginagawa ng isang tao. Magiging lutang lamang ito kung wala itong pinaghuhugutang kultura. Nagkakaroon lamang ng ibig sabihin at katanggap-tanggap lamang ang isang body language o anumang verbal na komunikasyon, o sa madaling sabi, ang isang wika, kung may itinataguyod itong kultura.
           
Nakapaloob sa inilakip na artikulo ang pagkakaroon ng body language ng mga Pilipino mula sa pagbati, mga negatibong reaksyon o di katanggap-tanggap sa lipunang Pilipino at kinokonsiderang bastos sa kahit na kaninong Pilipino, tamang etiketa sa loob ng mga silid-Pilipino, pagkuha ng atensyon ng mga Pilipino, paggalang sa matatanda at ang usapin ng pagngiti sa pagitan ng bawat Pilipino. 

Ang pagbasa ko pa lamang sa unang bahagi ng pagbato ng mga body language ng isang Pilipino e napangiti na ako. Paano ba naman kasi, totoo nga namang madalas tayong bumati nang kilay lamang ang ating ginagamit, sabay ngingiti. Napatunayan ko na ito noong high school pa lamang ako. Mayroon kasi kaming gurong Hapon. Hindi ko naman namalayan agad na binati ko siya na gamit ang aking kilay. Napagtanto ko na lamang na hindi ito ginagamit sa mga hindi Pilipino nang ang aking gurong Hapon ay nag-bow, bilang sagot sa pagtaas ko ng kilay sa kanya. Nakakatawa man, mas madali kong naintindihang may mga bagay na ginagawa ang mga Pilipinong natural nga lang talaga sa atin, hindi natin madalas namamalayan at tanging sa Pilipinas lang talaga ginagamit. Ginagamit lang din natin ang pagtaas ng kilay na bating ito kapag siguro’y nagmamadali tayo at walang oras makipag-usap sa ating binabati. Maaaring ginagamit din ang pagbating ito kapag hindi tayo naging masyadong malapit sa nais nating batiin. Madalas ding gamitin ito sa mga kaedad lamang o may maiikling agwat lamang ng edad na binabati pero miminsan o hindi naman talaga na ginagamit sa mga matatanda sa atin. 

Mula rito, gusto ko nang ipasok ang binabanggit ng artikulo na may mataas tayong paggalang sa matatanda natin. Hindi man nabanggit kung anong tawag, pasok na pasok ito sa diwang Pilipino na pagmamano ang inilalarawan ng nagsulat. Ang pagmamano ay madalas pa ring makikita sa tuwing may nagkakasalubong na magkapamilyang Pilipino pero may iilan na ngayong humahalik na lang sa kanilang matatanda. Maaaring pinipili na lamang ng matatandang halikan sila dahil siguro’y ang pagmano ang nagpapaalala sa kanilang matanda na sila. Kung titingnan nating mabuti, ang pagkakaron marahil ng edad sa kontekstong Pilipino ay mabigat at malaki ang ibig sabihin sa bawat indibidwal kaya ang pagmamano ay maaaring maging simbolo na ika’y matandang dapat igalang at may pinagdaanan na. 

Sa mga negatibong pagkilos naman sa kontekstong Pilipino, nabanggit sa artikulo ang pamemeywang, pagtitig nang masama at panduduro. Uunahin ko na ang pamemeywang. Ang pamememywang, sa paningin ng mga Pilipino ay naghahatid lamang ng mensaheng nakatataas ka o nagpapahiwatig ng mas mataas na awtoridad sa iyong kinakausap. Magiging bastos lamang ito kung gagawin sa harap ng nakatatandang kausap dahil sa nagmumukhang mas maalam na ngayon ang namemeywang kaysa sa matandang kanyang kinakausap. Sumunod na ay ang pagtitig nang masama. Popular naman na ito sa mga batang may ginagawa mali tapos idinadaan ng kanilang mga ina sa titig para magtumigil ang kanilang mga musmos sa patuloy na pangungulit. Ang pagtitig sa kontekstong Pilipino ay madalas na nakatatakot at nakapagdadala ng mabigat na pakiramdam, hindi lamang sa gumagawa, kundi sa ginagawan, wala mang lumalabas na salita sa bibig. Ipapasok ko na rin ang, “Makuha ka sa tingin!” ng mga Pilipino. Ang panghuli, ang panduduro ay isa pa ring bastos na pagkilos sa kinokomunika. Bastos ang dating nito sa kinakausap sapagkat mukhang pinipigilan mo siya sa kanyang patuloy na pagsasalita, o sa kanyang ginagawa. Madaling makapagpatigil ito ng ginagawa. May nakatatakot ding dating tulad ng pagtitig. Isa pang nakapaloob na usapin dito ay ang usapin ng mga hindi nakikitang nilalang. Ang pagturo lamang kung saan-saan sa Pilipinas ay nakatatakot sapagkat naniniwala ang maraming Pilipino na maaaring may maituro kang hindi mo nakikita. Ang maaaring sagot sa pagkakamaling ito ay ang pagkagat sa ipinanturong daliri. Ang psst, o pangkuha ng atensyon ng mga Pilipino ay simbilis lamang ng ginagawang pang-ikot ulo ng pantawag na hoy. Ang psst at hoy ay bastos din ang dating ngunit wala tayong magagawa, kahit na sinong gumawa o sumigaw ng ganitong mga wika, madaling-madaling titingin ang mga Pilipino kahit na hindi kilala ang boses na narinig. Ipinagtataka ko lamang ay kung bakit nakapaloob ito sa body language na artikulo e lumikha na ng tunog ang nakikipagkomunikasyon. Maaari bang ibig sabihin nito e kaya isinama ng sumulat ng artikulo ang pantawag na ito sapagkat wala namang umaangat na depinisyon sa diksyunaryo ang mga pangkuha ng atensyon ng mga Pilipino? 

Sa pagngiti naman, natawa rin ako sapagkat sa lahat na lamang ng pagkakataon ay nakangiti na parati ang mga Pilipino. Hindi naman nito ipinararating na baliw tayong mga Pilipino na kahit kailanman, kahit saanma’y nakangiti na lamang tayo, na kahit nahihirapan na tayo, kahit galit na galit na tayo e nakangiti pa rin tayo. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay ganoon pero marahil ay may kaunting pinaghuhugutan pa rin ito sapagkat may mga nginingitian na lamang na problema ang mga Pilipino. Sabi nga ni Bamboo sa kanta niya na Noypi: “Sa dami mong problema, nakuha mo pang ngumit. Noypi ka nga. Astig.” Ganito man, may mas malalim pa akong pagtingin kung susuriing mabuti ang sinasabi ng artikulo na parati na lamang tayong nakangiti. Nais ko sanang ipuntong masayahin lang talaga tayong mga Pilipino. Pantulak na rito na madali tayong mapangiti. Mahilig tayo sa mga piyesta, sa mga kasiyahan. Madadaldal ang mga Pilipino sa ibang bansa, ayaw natin ng nakababasag na katahimikan. Ang katahimikan sa atin ay malungkot. Ayaw natin ng malungkot, mahilig tayong mga Pilipino sa maingay na paligid, sa maraming makakausap, sa maraming kaibigan, sa masaya.
           
Sa lahat-lahat, natuwa naman ako sa nabasa kong artikulo tungkol sa body language ng mga Pilipino. Nawa’y hindi na ito mabura sa ating mga Pilipino, lalo na’t ngayo’y bumibilis na ang daloy ng komunikasyon dahil sa internet at cellphone. Maganda na ring nakikipag-usap tayo sa labas ng bahay, nakikisalamuha nang nakikita at nakakasama ang kinakausap, nararamdaman nang direkta at walang hiya ang katawan at ngiting Pilipino.

30 April 2012

Pinakamasarap na Feeling #2

Hintaying mag-summer. Okay na? Magtimpla ng kape sa tumbler. Huwag gagamit ng mainit na tubig para sa buong tumbler na puno ngunit gumamit lamang ng mainit para tunawin ang kape. Saka lagyan ng malamig na tubig at timplahing mabuti. Ilagay sa ref. Hintaying dapuan ng antok na imposible nang labanan. Bago matulog, inumin ang kapeng inihanda sa ref. Ubusin. Magsipilyo bago magpakasarap sa lambot ng kumot at unan dahil sa ang pangit talaga ng feeling na matutulog nang kaiinom lamang ng kape. Kapag nagising nang madaling araw, iyong mararamdaman ang uhaw na gustung-gustong mapawi. Kumuha ng malamig na tubig mula sa ref at uminom. Siguraduhing wala kang naaalalang nakakatakot kapag nasa bahaging ito na ng pinakamasarap na feeling. Pero dahil tanga ang sumusulat ng instructions e maaalala mo ang isang babaeng nakatingin sa iyo habang unti-unti siyang lumalapit. Matapos uminom at makipagkuwentuhan sa white lady e bumalik na sa kama. Ulit-ulitin hanggang sa mapawi na nang lubusan ang uhaw. Enjoy.

Calweytabs

"Kalbo!" sigaw ni Miles, isang maliit na bata, matapos akong batuhin ng lupa. Halata naman na sigurong bagong gupit ako bago bumalik sa Gawad Kalinga (GK) site, para magpala ng lupa at mga bato mula sa likod-bahay ng binubuong tahanan nina Miles at ng kanyang pamilya, at dalhin ang mga nabungkal sa isa pang bakanteng lugar. Nginitian ko lamang siya at tinanong kung bakit niya kami binabato ng bato at lupa, lalung-lalo na sa akin, at kung bakit parati na lamang siyang galit sa lahat ng tao sa buong mundo. Hindi niya sinagot ang alinman sa aking mga katanungan. Madali niya lamang silang kinalilimutan, at agad-agad na babalik sa pambubully sa akin o kaya nama'y sa iba niyang mga kalaro kapag nagsawa na siyang dumihan ako at pagtripan. Habang ginugulo niya ako e tinawag na siya ng kanyang ina para magtanghalian. Napansin din kami ng kanyang ina kaya kami'y inimbita na rin. Siyempre nahiya naman kami kaya sinabi na lamang naming saka na kami kakain kapag marami na kaming nagawa at sobrang pagod na pagod na kami. Malapit lamang ang kusina at kainang kuwarto mula sa pinagbubungkalan naming lugar kaya dinig na dinig ko pa rin ang boses ni Miles na nakikipag-usap sa kanyang ina. "O magdadasal muna tayo", sabi ng kanyang ina. "Ako! Ako ang magli-lead!" - nang marinig ko ito mula kay Miles e napangiti talaga ako at napabulong sa sarili na hindi naman pala ganoon kapilyo ang bata. Iyon o gusto niya lang magpapansin sa aming nagtratrabaho roon dahil alam niyang naririnig namin sila. Pero siyempre yung una na lang yung inatupag kong itulak sa aking sarili, pampatanggal-pagod din.

Kapag tapos na akong magtanghalian nang mabilis para makausap at makasama sina Miles at Popoy, naghihintay ako sa labas ng aming tinutuluyang bahay roon na pahingahan. Minsan, niyayaya ko si Popoy na maglaro ng piko habang naghihintay pa ang iba kong kaklase na matapos sa kanilang tanghalian. Tae, hindi ako nanalo kailanman kay Popoy sa piko. Palipat-lipat na pagpapalit ng paa para pikunin at palumpuhin sa piko si Popoy pero parati na lang mapapatid at mapuputol ang papalapit na pintong pampaalis ng pagod. Kahit na hindi pa sila naliligo at magugulo silang mga bata, masaya pa rin akong kasama sila. Bata pa sila, ako rin naman. Dumaan din ako sa pagiging maliit, kinailangan ko rin naman ng mga bagong kaibigan, kinailangan ko rin naman ng mga kaibigan, kaya heto ako, sinusubukang maging kaibigan para sa kanila. Ginusto ko rin namang magkaroon ng mga bagong kaibigan. Lagi akong masaya sa tuwing nakikipag-usap ako sa kanila, kahit na minsan e pinagtitripan nila ako o ako ang nantitrip sa kanila nang hindi nila namamalayan agad.

Madalas iwasan ng mga tao ang mga lugar ng katulad ng kina Popoy at Miles dahil sa tingin nila e marurumi ang mga nakatira roon, maraming kriminal at puro pangit. Bakit nga ba naitutulak na agad sa mga ganitong lugar sa may hawak na salaming masasama silang mga tao. Parati namang mali ang sinasabi pero bakit ganoon pa rin mag-isip ang karamihan sa atin? May mukha nga ba talagang holdaper at bastos? Lahat ng nakasalamuha ko sa GK site na iyon ay mababait at masasayahing mga tao. Sa pinakamadaling paraan e sana'y nakikita sila ng marami pang tao bilang kapantay ng kagustuhan at pamamalakad sa buhay.

Sa tuwing aalis na kami mula sa site matapos magbungkal, magtulak, magbuhat, maghalo at magkung-anu-ano pa, parati kong nararamdaman at iniisip na mamimiss ko talaga ang mga araw na itinuloy at ipinanatili ko sa lugar nina Popoy at Miles. Ang mga araw na tumulong kami sa pagbuo ng mga bagong tahanan, ang mga araw na nagtatawanan kami sa bawat jokes na ibabato ng bawat kasama sa site, ang mga araw na nakipagkuwentuhan at nakipaglaro kami, ang mga araw na unti-unti kaming naging bahagi sa pagtataguyod at pagtulak paitaas ng kanilang tiwala sa sarili at pag-asa pang may ihaharap na ngiti sa araw-araw. Hindi ko lamang mamimiss ang mga pinaggagagawa namin sa GK site ngunit pati na rin ang mga taong nakasalamuha namin.

Si Miles, na hindi tumigil sa pampapower trip sa amin, na humihingi ng libreng isaw at softdrinks matapos kaming batuhin ng mga bato at lupa, na nakikipaglaro sa kanyang Kuya Rain, ay isang batang aking maaalala. Minsa'y nagdala ako ng PSP sa GK site. Nang makita niya itong nilalaro ko, nagpupumilit siyang pahiramin ko siya dahil magtatrabaho pa naman daw ako, kahit na kani-kanina lamang e kung anu-anong malulupit na mga bagay ang pinagsasasabi niya sa akin. Sinabi ko sa kanya na parati niya na lang akong pinagtitripan at hindi ko pinahihiram ng PSP ang mga batang pinagtitripan ako. Pero hindi siya kailanman nakinig; nagpatuloy lamang siya sa pagpilit sa akin na pahiramin ko na siya ng PSP. Naubos ang baterya ng aking PSP kaya inilabas ko na ang cellphone ko. Iyon naman ang nilaro ko, at iyon na rin lang ang pinagpupumilit ni Miles na hiramin sa akin. Napansin kong kailangan na naming bumalik sa trabaho noon kaya ibinigay ko na kay Miles ang aking cellphone. Pinahiram ko lang naman. Hindi ako nakatanggap ng pasasalamat mula sa musmos pero pinagbigyan ko na rin dahil sa nakita kong tuwang-tuwa naman siya sa kanyang bagong kinaaatupagan.

Si Popoy, ang aking mortal na kaaway sa piko, ay hindi na nawalan ng bakas ng kasiyahan sa kanyang mukha. Parati ko na lang siyang nakikitang nakangiti. Buo at tapos na ang kanilang bahay pero nakikita ko pa rin siyang tumutulong sa pag-aayos pa ng ibang mga bahay. Hindi niya alintana ang mga batang kaedad niya na naglalaro ng kani-kanilang mga bola at pogs habang siya's mas ninanais na tumulong sa mga nagtratrabaho. Ito ang gustung-gusto ko sa kanya. Ni hindi siya nagrereklamo sa init at duming kumakapit sa kanyang damit at katawan habang ang kanyang mga kaibigan ay laro lamang nang laro at siya'y trabaho lamang nang trabaho, tapos masaya pa siya sa kanyang ginagawa.


Si Kuya Ronnie, na parating nandoon para mag-back up sa mga joke ko at pagpapatawa, ay hindi naubusan ng enerhiyang magpasigla at magbigay lakas sa mga nagtratrabahong nais lumimot sa hirap at pagod na kanilang nararanasan. Nandiyan siya parati upang pawiin hindi lamang ang pagod, kundi ang katahimikang mas nakadaragdag pa sa hirap ng aming ginagawa. Siya ang nagpakita sa lahat na kailangan nating mag-enjoy, kailangan mag-enjoy ng lahat, nasaanmang hirap ang dinaranas, alinmang problema ang kinakaharap, ilanmang bad trip na prof at pesteng grades ang lalamutak sa ating kasiyahan.


Ang mga taong ito, kasama na rin ang ilan pang hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong alamin ang mga ngalan, dagdag na rin ang mga kuwela ko pang mga kaklase, ang nagpaalala sa aking kailangang parati tayong masaya. Huwag tayong magpatalo, parati naman sigurong may bukas, parating may mga kaibigan diyan, naghihintay lang na malapitan at makausap. Kahit na malaking oras ang kinakaltas ng kailangang kumpletohing oras sa CWTS mula sa oras ng aking masayang paglalaro, naging masaya pa rin ang aking pananatili sa GK site. Hindi lamang ang pagbubuhat, pagpapala at pagtutulak ang aking mamimiss, kundi pati na rin ang pagkain ng libreng mangga sabay sawsaw sa bagoong isda, o kaya nama'y simpleng paglalaro lang ng basketball o pakikipagkuwentuhan at tawanan kasama ang mga bagong kaibigan. Lahat ng ito'y nakagaganap, sulit at higit sa lahat, libre.

29 April 2012

Pinakamasarap na Feeling #20

Hintaying mag-summer, para sa maximum effect. Pero dahil tinatamad ka na naman maghintay, huwag nang hintayin ang summer. Kapag excited ka na talaga, bumili ng... wait, wala ka nga palang pera. Kumuha ng sobrang lamig na inumin. Pero dahil walang kuwenta yung refrigerator niyo sa bahay, pumunta ng 7 Eleven o kaya ng Starbucks. Bumili ng malamig na inumin. Dire-diretsong sipsipin ang biniling pampasosyal sa mata ng karamihan hanggang sa sumakit ang ulo, manlamig ang utak at mapahawak sa tuktok ng iyong ulo. Okay lang yan, masakit talaga ang brain freeze. Hintaying mawala ang panggagago sa utak. Ulitin hanggang sa maubos ang inumin at pera. Enjoy.

Pinakamasarap na Feeling #11

Bumili ng tinapay, mas maigi siguro kung Gardenia Tasty o yung lokal na pandesal sa pinakamalapit na bakery sa bahay niyo. Bumili rin ng condensed milk, kahit gaano kalaki, depende sa ipinag-aalburuto ng tiyan mo. Pag-uwi sa bahay, buksan lahat ng electric fan o air con. Tapos, dumeretso sa kusina. Kunin ang can opener na matagal mo nang gustong gamitin habang pinapanood mo ang gumagamit noong bata ka pa. Butasan sa magkabilang gilid ng biniling condensed milk na lata, basta alam mo na yung hitsura ng pinapagawa ko. Kung hindi mo alam, ituloy pa rin ang pagbukas sa lata. Pagkatapos butasan ang lata, maglabas ng tasa. Iyong tipo ng tasang madali mong masasawsawan. Ipatong sa tasa ang nabutasang lata. Maghintay nang 5-10 minutes o hintayin na lamang sumigaw ang nanay mo ng, "Putang ina mong bata ka! Ano na namang balak mo sa buhay?! Tingnan mo ang dami na namang langgam!" Huwag nang makipag-away pa sa nanay, hindi mo pa nararanasan ang naranasan niya. Kaya kapag naghihilamos ka na ng laway ng nanay mo, huwag ka pa ring sasagot. Matapos mag-fade ng boses ng nanay mo e kumuha ng isang tinapay at ilublob sa pinunuang tasa. Isubo ang isinawsaw na tinapay. Gawin hanggang sa magsawa ang tiyan. Enjoy.

20 April 2012

Dual, Dual Plus

Nagsimula akong maglaro ng Gunbound noong Grade 6. Wala pa yata kaming internet noon kaya kunwari magbibisikleta ako kapag hapon na para lang pumunta sa internet cafe sa aming subdivision na kaunting lakad lamang e nandoon na ako. Suwerteng-suwerte kapag tulog pa mga tao sa bahay kapag umalis ako, hindi nila alam kung saan ko ililiko ang aking bisikleta. Madalas, pagkagaling sa eskuwela, kapagka natapos ko na agad yung walang kuwentang assignment, magpapaikot-ikot na muna ako sa bahay namin. Kahit ano - magkakalkal sa labas, magkakalkal sa loob, hihiga, uupo, magbabasa, manonood ng commercials sa TV, manonood ng malulupit na produkto sa TV, tatawa sa mga teleserye, magbubukas ng ref, magbubukas ng gripo, maggigitara sandali, magbubukas ng ref, iihi kunwari, iinom, tapos iihi na naman - basta huwag lang akong aalis agad-agad pagkatapos na pagkatapos kong gumawa ng assignment. Minsan kasi, tatawag si Nanay, tantyado niya na kung anong oras ako nasa bahay. Minsan naman, feeling ko pagagalitan ako kapag umalis ako agad ng bahay. Kagagaling ko lang ng labas ng bahay tapos lalabas na naman ako ng bahay. Hindi ko naman naisip na ngayong college ko lang gugustuhing umuuwi na lang parati sa Cavite, sa aming bahay, sa aking pinakamamahal na tahanan. Noong elementary ako, ay nako, hindi! Ayaw na ayaw kong nananatili sa loob ng aming bahay. Ewan ko ba. Feeling ko ang init. Feeling ko mababaliw lang ako kapag hindi ako lumabas ng bahay. Feeling ko, marami akong mamimiss, maraming mapalalampas na malulupit na bagay. Feeling ko, out ako kapag wala ako sa labas.

Ni hindi ko inisip noon na mas masaya naman sa loob ng bahay. Hindi. Sayang ang aking bisikleta. Feeling ko talaga gusto kong lumalabas at ayaw na ayaw ko sa loob ng bahay. Feeling ko mababaliw lang ako kapag wala akong magagawa. Feeling ko ang pangit-pangit lang ng nasa loob ng aming bahay. Feeling ko lang pala iyon. Ngayong college, gustung-gusto ko nang umuuwi rito sa amin. Hindi ko lang sigurado kung dahil nga lang ba sa internet. Siguro nga isa na yung internet. Iba na rin yung mabilis, at libreng internet no. Libre kasi nanay ko ang nagbabayad. Pero di ba? Libre pa rin. Tapos e gamay ko pa yung bilis at tabs ng laptop ko, edi mas mabilis. Tipong sanayan lang tapos na yung mga nais mo, mas mabilis pa sa inaakala ng iba at sabay na sabay sa alok ng bugso mo. Kapag wala rin ako sa bahay namin, namimiss ko rin yung lutong bahay. Oo nga, may Lutong Bahay sa UP, e nauulit lang naman yung mga ulam. Tsaka kung maglulutong bahay lang din ako sa mga food court sa mall, marami pa ring tao. Hindi naman maraming tao sa bahay namin. Yung mga tao sa loob ng dining room namin, kilala ko naman kapag kumakain ako. Hindi lang naman yung hapag at pagkain yung iniintindi ko kapag kumakain ako, siguro masaya na rin akong kilala ko yung mga taong makasasabay kong kakain, malayo man, malapit o palakad-lakad sila habang hinihila ang kani-kanilang spoiled na mga anak. Iba rin yung feeling ng bagong ligo at naliligo sa bahay at ng hindi sa bahay. Siyempre parang mas panatag yung kalooban ko kapag papatay ako ng ipis sa loob ng banyo ng bahay namin kasi puwede akong sumigaw ng, "PUTANG INA MONG IPIS KA!! BAKIT KA PA GINAWA KANG HINAYUPAK KA!! PUTANG INANG LEGS YAN! TANG INA MO!!!!!!" habang nagbababato ng tsinelas o kung ano pang mahahagilap ng kamay ko sa loob ng banyo. Tapos lulunurin ko siya ng tubig kahit na alam kong marunong siyang lumangoy at parang hindi naman siya nasasaktan ni nahihirapan sa ginagawa ko. Kapag inipis ako habang naliligo sa ibang bahay e parang negative agad yung armor ko. Hindi ko alam kung bakit nalulusaw na agad ako at bumibilis ang kabog sa dibdib ko. Paano kung tumakbo siya papalapit sa akin, puta nakahubad ako tapos baka bigla pang lumipad. Kadiri na, nakakatakot pa. Kadiri talaga yung kapag finifeel mo yung feeling kapag nafeel mo yung legs ng mga ipis sa katawan mo. As in, eww.


Masaya ring kasama yung mga aso namin. Nakakatuwa kapag sinasalubong ako ng mga aso namin. Parang mas namiss ko pa sila kaysa sa mga tao sa bahay namin. Masayang-masaya sila kapag nakikita nila ako. Hindi ko naman alam kung masaya naman talaga sila dahil namiss nila ako o feeling lang nila e bibigyan ko lang sila ng pagkain. Parang may pakiramdam lang kasi ako na hindi nabubusog yung mga aso namin. Parang hindi ko pa kasi sila nakikitang nabubusog. Sa tuwing may pagkain na lang ako na mabango yung amoy, kinakain na nila agad. Naaalala ko tuloy yung aso naming si Gela. First time naming magpakain ng pizza mula sa Pizza Hut. Yung crust lang naman yung binigay namin. Hindi lang namin mawari kung bakit binaon ni Gela yung kalahati nung crust na binigay namin sa kanya. Kinabukasan, hinukay niyang muli ang nasabing kalahating bahagi ng crust saka kinain. Puta ginawa ba namang ref yung lupa. Edi ayos. May pasave-save pang nalalaman 'tong asong 'to. Sa sobrang sarap ng natikman niyang tinapay e gusto niyang makain itong muli kung baka sakali'y hindi na siya muling bigyan pa ng kanyang amo.


Kapag lalabas na ako ng bahay, sisiguraduhin kong nagtagal naman ako sa loob. Kahit mainit pa, wala na akong pakialam sa kulay ng balat ko, basta makalabas ako ng bahay. Didiretso na ako noon sa internet cafe para lang makapaglaro ng Gunbound. Tinuruan lang ako mag-Gunbound ni Kuya. Yung basic lang. May angle, power, mobiles tapos bahala na ako sa iba. Siya yata yung nagturo sa akin ng pagbili ng tatlong Duals. Yung iba ko kasing kalaro, malimit na mga banong tulad ko e bumibili pa ng Medicine o kaya ng Teleport. Nasa loob-loob ko, ano yan kabadingan? Kung talagang giyera e giyera. Matutuwa pa ako kung makakatira nang dalawang beses yung kalaban ko pero kung nabawasan ko na siya at dadagdagan niya lang ulit yung buhay niya, leche nababadingan talaga ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Basta, ang pangit. Ang pangit talaga kapag hindi nangyayari yung mga gusto mong mangyari, kahit na napag-isipan mo na rin naman pala yung posibleng mangyari na ayaw mo namang maranasan. Maganda na rin naman kasi yung natatapos agad yung laban ninyo, pero kung napapahaba pa dahil sa pesteng Wind at kabobohang Teleport, baka mangiyak-ngiyak ka na lang sa bulsa mo. Iba rin talaga kung may internet na kayo sa bahay.


Binigyan lang ako ng account ni Kuya sa Gunbound. Napataas ko naman nang kaunti yung level. Nagustuhan ko yung laro kasi madali lang namang intindihin. Kung nakapaglaro ka ng mga kanyon noon sa mga lumang computer, yung may angle at power din, marunong ka na rin ng Gunbound. Paramihin mo lang ang sasakyan, lahat e cute pa. Dadagdagan lang din ng power-ups tulad ng Dual kung saan maaari kang tumira nang dalawang beses, Teleport kung saan puwede kang lumipat ng puwesto at marami pang ibang power-ups maliban sa Dual na kadayaan na lamang. Wala akong naging paboritong Mobile sa Gunbound pero gustung-gusto ko yung Aduka. Habang tumatagal kasi ang laro, tumataas ang damage ng nasabing Mobile. Dumedepende kasi sa level ng Thor in-game ang magiging damage ng Shot 2 ng Aduka kaya kapag naging 8 on 8 ang laban e mabilis na tataas ang damage ng Aduka. Doon na rin siguro sumibol at sumikat ang tinaguriang Aduka Wars. Gunbound Philippines pa noon, puro Pilipino lang yung mga kalaro ko. Masaya kalaro kasi naiintindihan mo yung mga sinasabi ng mga kalaban at kakampi mo. Nakikipagkuwentuhan, asaran, tawanan. Hindi lang naman kasi yung gameplay yung habol ko sa mga online game, masaya na ring magkipag-interact sa mga taong online maliban sa YM at Friendster (Ito pa yung sikat noon). Kung wala akong paboritong Mobile, siguro may paborito naman akong room na cinecreate ng players, iyon nga, Aduka Wars. Mabilis kasi matapos dahil mabilis tumaas ang damage ng mga Aduka. Mabilis matapos, mabilis ang pera, mabilis ang experience, mabilis na lalaki ang Pilot mo. Masaya na sana yung Gunbound Philippines, kaso naisipang magmigrate ng nasabing server ng sikat na online shooting game.


Hindi ko naman alam ang detalye kung bakit pa lumipat sa international na server ang Pilipinas at wala na rin akong balak pang alamin. Ito lang yung nakakainis kasi: dinagdagan nila yung power-ups, at yung mga power-up na dagdag e nabibili at pagkalakas-lakas. Paano na lang yung mga hindi naman magbabalak gumastos nang malaki pero gusto pa ring makipaglaro sa lahat ng players? Ang pangit talaga. Tapos minsan dumating pa sa puntong lahat ng libreng rooms e Avatar On kung saan ang suot na damit ng character mo e pagaganahin ang stats na nakaattribute sa mga ito. Nakakainis talaga. Isa pang kahindutang idinagdag ng Gunbound World Champion (Ito yung nilipatan ng Gunbound PH) e yung bagong baog na Mobiles. Kasasagwa! Nakakairita! Dumami tuloy yung mga player na bumili ng avatar na malalakas, bibili rin sila ng power-ups, bibili rin sila ng Pets na may dagdag din sa performance ng kanilang characters at bibili pa ng kung anu-ano pa. Paano na yung noong environment lang ng Gunbound Philippines na lahat ng gamit ng characters e nagenerate lamang mula sa points at gold points na naeearn lamang sa paglalaro at walang bahid ng paggamit ng cash para lamang sa gusto mong masuot na Avatars? Paano na yung masayang hindi madayang gameplay ng mga luma at original na power-ups at Mobiles kung hahaluan na lang ng kabobohang madadayang hindi naman nakatutuwang mga bagong power-ups, mga alaga at sasakyan?


Hindi naman siguro lahat ng bago e maganda. Kaya talaga minsan, ayokong umaalis patungong bago, kasi baka magkamali lang ako at manghinayang tapos hindi na pala ako puwedeng bumalik sa kung saan e mas maganda sanang buhay at mga pagkakataon. Sunud-sunod na sayang na, sayang na talaga iyon kung maling tawid yung ginawa ko. Pero kasi, hindi ko pa rin talaga alam kung anong mangyayari sa kabila. Minsan suwerte, minsan malas. Puwede rin naman kasi sigurong magtimbang kung ano ang mas makabubuti. Hindi porket may nagsabing walang mapapala kung hindi susubukan o, kung gusto may paraan, o kaya naman walang nangyari sa mga taong hindi naman sumubok e sugod na lamang tayo nang sugod. Minsan, o siguro madalas (puta di ko talaga alam), malinaw ang mga tsansa, may mga signs and symbols na makikita o mararamdaman kung tama talaga ang ginagawa mo. Maganda na rin sigurong tama nga yung ginagawa mo at gusto mo naman yung ginagawa mo. Kung patungo naman sa pinapangarap mo yung ginagawa mo, o kaya nag-eenjoy ka naman sa ginagawa mo e why not? Hindi naman siguro nakapanghihinayang kapag inenjoy mo yung mga oras na patutungo naman sa inaakala ng marami na pagkakamali


Namimiss ko na ang Gunbound Philippines. Namimiss ko na rin tuloy yung mga araw na nakikipaglaro ako sa mga kaklase ko, kahit na ako lang yung bano sa amin. Namimiss ko na yung mga time na hindi mo na kailangang ispecify kung puwede ang bobong bagong power-ups at pets sa bawat room na lilikhain mo. Namimiss ko na yung mga araw na skills at saya lang yung iintindihin ko at hindi yung cash para sa kakornihan at kadayaan. Namimiss ko rin naman yung mga araw na magbibisikleta ako, pagbaba ko sa internet cafe e isang oras lang talaga yung ibinibigay ko sa paglalaro. Wala akong magagawa e, maliit lang yung baon ko. Pinagbabaon kasi kami ng kanin at ulam kaya yung pera e pangmeriendang ewan na lang. Kapagka nagsawa na ako katitira noon, magyuYoutube na lang ako. Manonood ng mga pinapapanood sa amin ni Kuya dati. Kapag naubos na, magpapakasawa na lang ako sa Happy Tree Friends. Kapag wala na talaga, uuwi na ako.


Pagdating ko sa bahay hindi nila tinatanong kung saan ako nanggaling. Saan nga ba manggagaling yung tao kapag nagbisikleta lang siya? Ang alam lang nila, nagbisikleta ako, paikut-ikot lang sa loob ng Mandarin. Sa sobrang tinagal-tagal ko sa labas para lamang sa patikim ng internet, gugustuhin ko pa rin umuwi. Ayaw na ayaw kong manatili sa loob ng bahay, kating-kati yung buong katawan kong lumabas at "magbisikleta", atat na atat na akong umalis sa pangit kong nakasasawang bahay, kahit na mainit, maraming gago at nakakairitang mga langaw, pero bakit gusto ko pa ring umuwi? Bakit parang gusto ko pa rin yung feeling ko e pangit kong bahay? Oo, kailangan ko ngang umuwi pero bakit namimiss ko pa rin, at ginugusto ko na lamang ulit yung inaayawan namin ng bisikleta ko apat na oras pa lamang ang nakararaan? Bakit gusto kong matulog, manatili ngayon sa bahay samantalang noon e gusto kong gising at wala sa bahay kapag hapon? Dahil ba sa napakarami kong oras noon? Marami rin naman akong oras ngayon ah. O sadyang nag-iiba lang talaga yung mga kinagugustuhan ko? Pero miss ko rin naman yung Gunbound? Pati yung pagbibiskleta? Nag-iiba rin naman yung environment? Marahil e may mga nagbabago, kahit na hindi ko pilitin at hindi ko talaga agad na napapansin. May mga nagbabago pa rin naman, kahit ayaw ko, kahit gusto ko. May pagbabago talaga. Hinding-hindi magbabago ang pagkakaroon ng pagbabago.

29 March 2012

Two

Pinaglumaan
ni Allan Popa


Dito nakatago ang limot na puso
kasama ang sulat na inalagaan.
Pumpon ng bulaklak at singsing na tanso:
mga paalalang 'sinisilid sa kaban.


Balot na marahil ng nag-abong agiw
ang mga alay niyang panghuli ng loob:
lagas na talulot, kalawanging singsing,
nanilaw na papel at napiping tibok.


Dito 'binibilanggo ang alaala n'ya
na di ko masilip, di rin maitapon.
Takot na balikan ang lipas na saya;
humimlay na sumpang di maibabangon.


(Pulbusin mo anay ang kulungang kahon.
Palayain ako sa aking kahapon.)

Gotta Catch 'Em All

Sa tulang Pinaglumaan ni Allan Popa, makikita ang imahen ng isang napakalumang kabang sa labis nang mga pinagdaanang taon e inaagiw, inaalikabok na at inaanay, nalalagas at naninilaw. Kitang-kita ang pagiging luma na ng pinagtataguang lugar ng mga bagay-bagay na maraming pinaaalala sa persona. Sa ganito kalungkot na pagiging kulay ng iginuguhit na larawan sa aking diwa ng mga linya sa tula e mararamdaman ang pagiging makulay ng mga ipinapakitang imahen naman sa memorya ng mga sinasambit ng persona. Maaari ngang sabay na malulungkot ang ipinapakita ng persona sa tula at ng ipinapakita sa kanya ng kabang kanyang binabanggit ngunit nagiging masigla pa rin sa isipan ng persona ang uluhating ipinararamdam sa kanya ng matamlay na matamlay na pinaghihimlayan ng kanyang mga lumang hinihimay sa pagitan ng paghawak ng kanyang kamay nang malumanay ngunit may saysay. Maganda ring pansinin ang dahilan kung bakit nga ba tinatago pa rin ng persona ang mga bagay na makapagpapalungkot lamang sa kanya? Pasok dito ang usapin sa mga taong nagpapahalaga sa mga bagay na kung tutuusin e wala namang saysay sa ibang mga tao, sa kanilang mga sarili lamang. Ang paglalagay ng sentimental value sa mga bagay-bagay, ang mga bagay na iniingatan ng mga tao para lamang palungkutin ang kani-kanilang mga sarili. Kung madalas, ang tao e naghahanap ng mga bagay na makapagpapasaya sa kanya, may mga tao rin namang nakahanap ng mga bagay na iingatan nila para lamang tanggalin ang saya mula sa kanilang buhay. Bakit nga ba ganito ang mga tao?

Maganda rin ang naging tranpormasyon ng mga imahen sa simula ng akda na “kasama ang sulat na inalagaan.//Pumpon ng bulaklak at singsing na tanso” na naging “lagas na talulot, kalawanging singsing,//nanilaw na papel” sa sumunod na bahagi. Mula sa mukhang masaya namang pag-alala mula sa mga bagay mula sa pinaglumaang kaban e lumungkot na lamang ang pagkakalarawan ng persona sa mga bagay na nagpalungkot sa kanya. Makikita ang pag-iiba o biglaang pag-ikot ng emosyon ng persona mula sa pagkakakita ng mga bagay ng kanyang pilit na kinakalimutang pag-ibig. May binanggit tungkol sa isang sulat, isang bulaklak at isang singsing. Maaaring hindi natuloy ang kasal ng persona kaya naging matagal ang pagdala o pag-iingat na ginawa niya sa mga bagay na ito bago pa man niya pakawalan. Malaking bagay nga naman kasi ang kasal. Hindi mo mailuluwa na parang napaso sa kanin ikanga. Isang malaking hakbang sa buhay kasama ang tanging pinakamamahal ng persona ang hindi na tuloy kaya marahil ganoon na lamang katagal na panahon ang lumipas bago pa man niya pilit na iwanan na ang nakaraan matagal na kumapit sa kanya. Mahirap nga naman malamang na magparaya sa isang bagay na matagal nang plinano at ninais tapos bigla na lamang aagawin sa iyo nang walang paalam, nang labag sa iyong kalooban.


Sa sumunod pang bahagi e binanggit ng persona na hindi niya na masilip pa ang alaala ng kanyang namayapang pag-ibig ngunit hindi niya rin maitapon. Makikita ang paghihirap ng persona sa pilit niyang paglimot sa hindi na niya maala-alala. Gusto niyang ibalik ngunit gusto niya na ring iwanan. Hindi na siya makapili. Hirap na hirap na ang persona. Matindi nga ang pagkakakapit niya sa mga alaala ng kanyang nasawing kapalaran ngunit hindi na nagiging malinaw sa kanya ang mga dahilan ng kanilang pagsasama. Marahil ay unti-unti na niyang nakalilimutan ang mga bagay sa pagitan niya at ng kanyang yumaong iniirog. Maaaring sabihing sa paglipas ng panahon e nagagamot din ang sugat na naibaon sa kanyang puso. Time heals wounds ikanga. Hanggang sa bumigay na siya sa hirap ng pag-alala at pilit ng paglimot, at ipinaubaya niya na sa mga anay ang pagsira sa mga bagay na makapagpapaalala at makapagpapalungkot pa sa kanya. Nang mapagtanto na ng persona na unti-unti na niyang nakalilimutan ang saya at pagiging pabigat lamang ng mga bagay na iyon, muli niyang pinalakas ang kanyang loob at sinabi sa sariling nais na niyang lumaya sa kahapon.

One

Ibig Ko'y Kasama
ni Jerry B. Gracio


Ibig ko'y kasama


Sa habang panahon, kasama sa buhay
Hanggang dapithapon; kaibigang alam
Kung ano ang aking mga iniisip,
Maging mga bagay na nababanggit lang


Sa panaginip. Ibig ko'y kasamang
Nasa aking tabi upang umalalay,
Kung ako ay luksa o kung dumidilat
Ang mata ng unos. Makikinig siya


Sa aking salaysay at mga lunggati,
Ukol sa daigdig, ukol sa digmaan,
Sa bayan, sa uri. Kahit na kung minsan,
Pananaw ko'y mali, kahit na madalas


Ay lihis ang aking mga ginagawi,
Siya'y di kikibo di man sumang-ayon
Sa aking sinabi, ngingiti na lamang
O kaya'y ngingiwi, ngunit sa huliha'y


Maiintindihan ang aking pighati
At mga pangarap para sa daigdig,
Para sa digmaan, sa bayan, sa uri.
Ibig ko'y kasamang iibig sa akin


Nang may pagnanasa, sa bawat bahagi
ng aking katawan, sa bawat paghinga;
Magpapaalalang ang bawat paggising
Ay bagong umagang magbibigay-lakas


Sa tuwing babangon magmula sigwa
Ng nagdaang araw; sa pakikihamok
Sa aking sariling mga kahinaan.
Hanggang sa matanggap ng lahat ng tao


Ang aking pag-ibig na kung magkaminsa'y
Hindi natatanggap maging ng sarili.
Kung ako'y pagod na, idadantay niya
Sa aking balikat ang kaniyang bisig,


Tapos ay hahalik sa pisngi ko't labi,
Marahang-marahan. Madalas tingin ko
Sa halik at yakap ay napakababaw;
Ngunit sa piling niya, lahat ng mababaw


Nagiging malalim.

Kung Ayaw Mo, Huwag Mo

Sa simula ng tulang Ibig Ko’y Kasama ni Jerry B. Gracio, unang inilalarawan ng persona ang taong gusto niyang makasama na para bang isang mannequin lamang o estatwang walang kibo o hindi nararapat na sumagot kahit na siya ay mali. Naghahanap ang persona ng makakasamang tatanggap lamang sa lahat ng kanyang mga sasabihin, nang hindi nagsasabi kung mali na ang kanyang mga iniisip o ginagawa habang nakangiti lamang sa kanya. Mahirap makahanap ng ganitong taong makakasama sapagkat mahirap naman marahil na hindi umimik at ngitian na lamang ang iyong gusto ring makasama habambuhay nang hindi man lamang inaalala ang kapakanan niya at takbo man lamang ng kanyang isip. Tila gusto ng personang siya lamang ang masusunod sa kanilang relasyon kung ayaw niyang mapagsasabihang mali siya ng kanyang gustong makasama. Kung lalabas mang diktador ang persona sa gawing bahagi nito ng akda, nagpapahiwatig lamang itong gusto niyang siya lang ang tama sa kanilang dalawa at marahil ay hindi niya pakinggan ang magiging reaksyon man lamang ng kanyang karelasyon. Maaari rin naman itong tingnan bilang isang makakasamang dahil sa kayo ang nagkatuluyan ay dahil nga sa para nga kayo sa isa’t isa. Ang isang bagay na mali sa paningin ng marami ay magiging tama sa paningin ninyong dalawa lamang. Ang pagkakaroon ng isang kasamang makauunawa sa lahat ng iyong sinasabi ay nararapat lamang para sa persona, maging sa isang taong naghahanap dahil sa mahirap nang magkaroon ng hidwaan sa pagitan ng dalawa kung mabilis naman nilang nauunawaan kung bakit ganito kumilos at mag-isip ang bawat isa sa kanila. Iyon lang naman malamang ang isa sa mga pinapangarap ng magkakasama na magandang bawas na bawas ang hindi pagkakasunduan, na isa sa mga palatandaan ng isang magandang relasyon ay madalang lamang ang pag-aaway o dahil sa mabilis na magkaintindihan ang nagsasama e mabilis magparaya at magbigay sa karelasyon. Kung maghahanap man lang din ng makakasama habambuhay, para sa persona, hindi siya naghahanap ng magiging kaaway niya sa kahit na anong dahilan at paraan kundi naghahanap siya ng makakasama niyang magiging kanyang kaibigan, hindi kailanman makakaaway, kakampi.

Sa susunod pang bahagi ng akda, lalong lumalim pa ang paglalarawan ng persona sa taong gusto niyang makasama habambuhay. Ninanais ng persona na magkaroon ng kasamang makapagpapasarap sa kanyang katawan at hinahanap na libog sa tuwing napapagod siya sa mga dumadaang araw. Naghahanap siya ng taong hindi mahihiya sa kanya at hindi rin niya kahihiyaan sa bawat pagsasama nilang dalawang naghahalikan, nagyayakapan, naglalambingan. Naghahanap siya ng sarap mula sa taong gusto niya, ng sarap na makapagpapabawi ng lahat ng hirap at pagtanggal ng lakas sa bawat hamon ng araw-araw niyang pagharap sa umaga, sa tuwing sasapit ang gabi, sa tuwing sasapit ang kanilang muling pagkikita. Ang paghingi ng lakas na binawi sa buong araw ng pagtratrabaho at pag-iisip habang kinukuhanan at binibigyan ng lakas ng kanyang makakasama ang siyang hinihingi ng persona. Sa bawat pagtatapos ng kanyang mga araw na galing sa hirap at pagod, nais lang niyang makita ang kanyang gustong makasama at mayakap at mahalikan siya para matanggal at makalimutan niyang muli ang kanyang hirap at pagod. Nabanggit din sa may bahaging ito ng akda ang pagnanais ng personang ang gusto niyang makasama ay siya ring magbibigay sa kanya ng panibagong lakas sa muling haharaping umaga. Gusto niyang sa simula at pagkatapos ng kanyang mga araw e ang gusto niya lamang makasama ang kanyang huli at unang nakikita sa araw-araw niyang pamamalagi sa mundo. Gusto niyang sinisimulan at tinatapos ang kanyang mga araw nang kasama ang kanyang pinakamamahal.


Nais ko sanang pansinin sa isang bahagi ng akda kung saan binanggit ng persona na “Hanggang sa matanggap ng lahat ng tao//Ang aking pag-ibig na kung magkaminsa’y//Hindi natatanggap maging ng sarili.” Makikitang alam ng personang kung minsa’y ang pag-ibig ay walang pinipiling lugar o kinakampihan kundi ang sarili, ang pag-ibig na makasarili. Ang pagiging madamot ng persona para sa mga personal niya lamang na kagustuhan kahit na gusto niyang may tumanggap pa rin sa kanyang ganitong hindi niya ring matanggap na ugali. Mula rito, marahil ay maaaring suportahan ng mga linyang ito ang mga nabanggit sa simulang bahagi ng akda na “Kung ako ay luksa o kung dumidilat//Ang mata ng unos.//Makikinig siya” at “Kahit na kung minsan,//Pananaw ko’y mali, kahit na madalas//Ay lihis ang aking mga ginagawi,//Siya’y di kikibo di man sumang-ayon//Sa aking sinabi, ngingiti na lamang”. Kung ganito nga ang makikita sa aking pagsusuri, maaaring makasarili nga ang persona. Maaaring dagdagan ko pa ito ng hindi niya pagsasabi tungkol sa gusto ng kanyang makakasama, kung makikinig man siya, o kung anu man lamang ang hihingiin sa kanya ng gusto niyang maging karelasyon. Bakit puro sariling pangangailangan niya lang ang mga binabanggit niya? Wala ba siyang pakialam sa mga nais din ng gusto niyang maging karelasyon?


Nais ko ring pansinin ang linyang “Ngunit sa piling niya, lahat ng mababaw//Nagiging malalim.” sa may bandang dulo ng tula. Ang pagkakaroon ng minamahal para sa persona ay marahil paglimot sa lahat ng nangyayari sa mundo, sa lahat ng “normal” na palakad sa mundo. Nakalilimutan lahat ng mga dapat at nagiging tama ang lahat ng mga hindi raw dapat. Kapag mayroon nang napiling makasa habambuhay at minamahal, wala nang sinisinu-sino, wala nang tanung-tanong, wala nang pakikinggan pa kundi ang bawat isa, sa piling ng bawat isa. Ang pagharap na lamang sa napiling magiging karelasyon ay mismong pagtalikod sa mga paninigaw ng mundo dahil sa kayong dalawa na mismo ang bumubuo ng kanilang sariling mundo kung saan sila lamang ang naghahalikan, nagyayakapan at nagkakaunawaan.


Isa pang bumabangungot na tanong sa akin e yung bakit kaya naisipan ng personang sabihin ang kanyang mga katangian ng gusto niyang makasama? Mula sa mga una ko nang nabanggit kanina, kung magiging makasarili nga siya, maaaring iniwan na siya nang maraming beses na ngunit nasasarapan sa mga sayang idinudulot ng pagkakaroon ng karelasyon kaya patuloy pa rin siyang naghahanap. Kung ang persona ay naghahanap, marahil ay nakaaway niya nang madalas ang mga nakasama niya na pero gusto pa rin niyang magkaroon ng makakasama, ayaw niyang mamatay nang mag-isa. Maaaring madalas niyang isipin ang mga magagandang alaalang dulot ng pagkakaroon ng karelasyon ngunit dahil sa kasama sa pag-aalalang ito ang pagkakamaling gusto niyang panatilihin sa kanyang sarili, isinasama at nililinaw niyang kailangan ng persona ng makikinig lamang sa kanya.


Ang pagkakaroon ng iniibig ay maaaring mahirap o madali para sa isang tao. Kung makahanap man ng makakatambalan sa buhay, edi okey. Kung iisipin ng bawat isa ang kani-kanilang mga naisin, magiging maayos ang bawat relasyon. Pero kung sa persona, marahil ang kanyang magiging karelasyon ay martir o maaaring mahal na mahal siya para lamang bumigya at gustuhin na lang ding pumailalim sa kapangyarihan niya. Kung maghahanap man ng gustong makasama habambuhay, tama rin naman ang mga naunang sinabi ng persona tulad ng madaling makaunawa at hindi makahihiyaan ngunit maganda rin namang ikonsidera ang mga nais din ng iyong iniibig na tao. Kung magiging mas madali lang para sa persona ang makinig din sa mga gusto ng kanyang minamahal, edi sana’y hindi na siya nagmumukmok nang ganito at naghahanap pa ng kanyang ibig na gustong makasama.

25 March 2012

Ranprawri

At dahil gising na gising na ako sa sarili kong paraan ng pagsusulat, hindi na rin siguro masamang pagpraktisan dahil sa naghihintay na lang siguro ako. Ako? Bakit nga ba ako naghihintay? Marami naman tayong naghihintay. Lahat naman yata tayo may hinihintay. Kapag natatapos na yung hinihintay natin, bakit parang naaatat pa rin tayong maghintay para sa isa pa ulit? Bakit atat na atat tayong matapos ang ating paghihintay pero parang atat na atat din tayong maghintay pa ulit? Hindi ko rin alam. Parati na lang hindi ko alam. Bakit ikaw? May nalaman ka na ba? The fact na nagbabasa ka rito e baka wala ka nang ginagawa. May gusto ka bang alamin? Kokontrolin na lang ba kita? Joke lang. Hindi ko kaya yun. Ni hindi ko nga mapatagal nang matagal na matagal ang mga mambabasa ko. Ni hindi mo nga ito matatapos. Oo. Makapangdaya naman ako. Hindi ko kayang basahin ang iniisip mo. Tss. Hindi ko talaga kaya. Nag-iisip ka na lang ng iba pang ibabato ng mga hinayupak na halimaw kapag babatuhin mo sila nang makailang ulit ng tinapay. Bakit nga ba ang liit-liit ni Godzilla? Bakit nga ba ang liit-liit ko?

Sabi nung mga tinanong kong matatangkad, kailangan ko lang daw magstretch araw-araw paggising ko sa umaga. Nakakatamad kaya magstretch paggising sa umaga. Pusa tsaka aso lang gumagawa nun. Ako kasi, paggising ko sa umaga e sumisinghot na agad ako ng maaamoy kong ulam. Puwedeng sinangag, itlog, hotdog, longganisa, tosino, pagkain kagabi, pizza, spaghetti, kanin, scrambled egg, kamatis, itlog na maalat, at marami pang iba. Kakaiba rin naman yung amoy ng pandesal, ng kape, ng kape ko, ng kape ng iba. Masarap ako magtimpla ng kape. Kung hindi ka naniniwala, wala akong pakialam sa 'yo. Wala naman talaga akong pakialam sa 'yo. Mambabasa lang kita. Pero dahil mambabasa kita, babalik na ulit ako sa 'yo. O, nandiyan ka pala. Hindi ko naman sinasadyang huwag kang kausapin ulit, kahit na kanina pa kitang kinakausap. Alam mo yung matatanda, kapag nagkuwento, paulit-ulit. Hindi mo naman sila mapigilan magkuwento kasi para bang maaawa ka. Minsan na lang siguro sila may makausap e babarahin mo pa. Kung titigil lang din naman ako sa pakikinig e isasara ko na lamang ang tab na ito. Hindi. Hindi ka pala nakikinig. Hindi na rin naman ako nakikinig. Kanina pa kita pinagtitripan. O baka naman kanina ko pa pinagtitripan ang sarili ko. Mahirap din maghanap ng sarili e no. Minsan nga naiisip ko, kapag siguro may nawala sa iyo na napakalaking bahagi ng buhay mo, saka ka lang din mapapaisip para sa sarili mo, kung bakit, o bakit nga ba? Bakit daw ang huling tinatanong ng mga bata. Gets mo? Nauuna raw kasi yung ano, sino yang mga bagay na iyan pero ang huling matututunan ng bata e yung bakit. Bakit nga ba? Hindi ko rin alam. Kita mo, marami akong hindi alam. Suspetsa ko ikaw rin. Ikaw na nagbabasa nito, bakit ka pa rin nagbabasa? Wala ka bang dapat na atupagin? Wala ka bang hinihintay? O naghihintay ka ng susunod na hihintayin?


Sabi naman nung iba e uminom na lang daw ako ng gatas. Gusto kong gatas e yung sa Cowhead. Masarap yun. Yun yung paborito kong gatas. Kaso mahal. Kaya yung Nido na tinitimpla na lang yung gusto ko. Pero kasi, hindi na nakakatamad magtimpla pero pinapapak ko lang din yun bago ako magtimpla. Kapag nabusog na ako kapapapak e hindi na rin ako nakakapagtimpla. Masarap ding maglagay ng gatas sa kape. Masarap magkape. Gustung-gusto kong nagkakape. Ayokong nagigising, ang sarap-sarap matulog no. Minsan, ayaw ko ring natutulog, ang sarap-sarap nang gising no. Pero mas masarap pa rin ang kape. Masarap ang kape talaga as in. Kung hindi lang madalas nakakabad breath yung kape o kung hindi naman nakasasama ang sobra e parati na siguro akong nagkakape. Kape. Kape. Kape. Minsan sawsawan ko yan ng pandesal. Minsan sa tasang puno ng condensed milk ang sinasawsawan ko ng pandesal. Mahirap kumain ng pandesal na hindi bagong luto nang walang sinasawsawan. Hindi masarap yun. Walang masarap na hindi bagong lutong pandesal.


Kung ipinanganak ka e bakit nga ba sa Pilipinas? Hindi ko na lang maisip kung bakit bigla ko na lang naiisip ang mga ganitong bagay. Malamang noong high school, elementary, pre-elem e walang kabuluhan sa akin ang buhay. Ang buhay ko lang noon e manood ng cartoons, mag-aral, magbasa, kumain, umutot tapos tatawa. Wala na akong pakialam kung paano kami itinataguyod na tatlong magkakapatid ng aming mga magulang. Kahit nung nag-entrance test pa ako sa universities e pag-aaral pa rin sana yung gusto ko lang atupagin. Hindi naman ako naghihintay na magkaroon agad ng pamilya kahit na gusto ko nang pakasalan yung girlfriend ko. Ayaw ko pang lumayo sa mga bagay na nakasanayan ko na. Kapag sanay ka na e mahirap din palang maghintay. Mahirap ding magpigil na hindi maghintay. Masarap maghintay ng hihintayin. Nakasasabik paminsan-minsan ang bago pero huwag naman masyadong mabilis. Sabi nga sa isang opening episode ng South Park, ang bilis magpalabas ng bago ng Apple Mac. Bakit ba sila ganoon? Kung bakit may iPad 2 na kalalabas lang na hinintay mong mabilis, tapos pagkabili mo e iPad 3 na ang inilabas. E di ba nakakaleche din yung ganun? Parang napupunta lang din sa wala yung paghihintay mo. O kung gusto mong pagaanin ang iyong dinaramdam e mahirap naman talaga raw magpakasosyal. Kung gusto mong mapansin syempre kung wala kang talent, magpakasosyal ka na lang.


Tinatanong ko na talaga yung sarili ko ngayong mga taon lang. Bakit nga ba ako ipinanganak sa Pilipinas? Bullshit agad ang naisip ko. Bakit nga ba sa Pilipinas? Hindi mo ako kayang labanan kasi lahat naman ng bansa e tama ang kultura. Hindi mo maaaring itapon sa akin na maganda naman sa Pilipinas di ba? E bakit sa Japan hindi ba? Oo na, sige na, sa Japan siguro, gusto ko ring maipanganak some time. Pero kung nasa Japan na ako, itatanong ko ba sa sarili ko kung bakit ako ipinanganak sa Japan? O matutuwa ako kunwari gaya ng ginagawa ko ngayon dito sa Pilipinas na ang saya-saya? Hindi ko ba hihilingin na lang parating ipanganak sa ibang lugar? O kaya lang naman ako nagtatanong ng aking existence e dahil sa ramdam na ramdam ko ang kamalasan? Nag-iisip na lamang ako ng magagandang bagay para lamang makalimutan ang aking sarili? Iniisip ko na lamang ba na sana ganito, sana ganyan, sana ginanito ni ano si ganyan kasi ganon? Bakit? Dahil ba sa feeling ko e mali ang nangyayari sa akin o hindi ko gusto ang mga nangyayari sa akin e gusto ko na lamang ipanganak sa ibang lugar? Kung ipapanganak lang din ako sa ibang lugar, gusto ko lang dala-dala ko pa rin yung past memories ko. Tipong reincarnation na may cheats. Madaya. Lahat naman yata tayo gustong mandaya. Yung mga hindi nahuhuli siyempre mayayaman. Kapag nahuli mo naman, dadayain ka pa rin. Magaling masyado. Kapag may puhunan ka rin man lang, kung mamamatay ka rin man lang nang walang pag-iiwanan o maraming naipon e bakit ganun pa rin kababaw mag-isip ang mga tao? Bakit ganon na lang tayo kadamot? Kapabaya? Kawalang respeto sa sarili?


Wala. Hindi. Mabilis din naman tayong mabulag. Kung naghihirap lang din naman akong hanapin ang sarili ko, kailangan ko lang namang magdesisyon. Desisyon ang tatapos sa lahat ng paghihintay.

Ay, Fuck

Nakipagpustahan akong hindi niya mumultuhin ang lahat ng makababasa nito.

Ah, ang paghihiganti, masakit man sa puso, marami mang nagsasabing mali, e kay sarap-sarap gawin. Ang hirap-hirap kontrolin ng sarili kapag gusto mo na talagang sumabog. Wala nang pami-pamilya, wala nang moral na pagtingin sa kapwa, galit-galit na lahat, nagkakalimutan na ang lahat basta lang mapatay natin sa isipan kung sinuman yung tarantadong hinubaran tayo sa harapan ng madla. Ang sarap-sarap patayin sa isipin natin yung taong mang-aagaw – mang-aagaw ng lakas, mang-aagaw ng kapangyarihan, mang-aagaw ng trip, mang-aagaw ng sarili, mang-aagaw ng moment. Nakasisira ng moment. Ang pagkakait sa iyo ng moment na masaya, sa harapan ng marami, mula sa taong hindi mo pa ineexpect, tapos tatawanan ka pa nila. Gusto mo nang mamatay, pumatay, pero tatawa ka o iiyak, tatanggapin mo na lang na inagawan ka na ng ticket. Tatanggapin mo na lang na may manggagago talaga sa buhay mo, sa hindi mo pinaka-inaasahang paraan. Nariyan lang sila parati, malapit sa atin, yung mga gago, kasi mayroon din naman sa amin, sa bahay, sa bahay ng nanay ko.


Simula noong naikasal na lahat kaming magkakapatid, isa-isa na naming iniwan ang aming nanay sa aming lumang, kinalakhang bahay. Tipikal na kuwentong Pinoy na maagang namatayan ng ama dahil sa malubhang sakit kuno at matiyagang pinalaki ng nag-iisang magulang. Tatlong babae lang naman kami, at si Nanay ay may puwesto sa palengke. Basta’t may kita, nakakaraos, at nakaraos naman. Para icelebrate naman kuno ang tagumpay na naabot ni Nanay bilang ina, napag-usapan na naming magkakapatid na taun-taon kaming magrereunion sa bahay namin dati, kasama ang aming kanya-kanyang pamilya.


Taun-taon, tuwing Pasko, maglalaan kami ng isang araw upang magsama-samang muli at mag-establish na rin ng connection sa pagitan ng magpipinsan, magtitita at maglola. Masaya na rin naman, yung mga reunion namin, maraming pagkain, maraming babies, maraming dapat icongratulate.
May anak nga pala ako, si Meg. Magf-1st year high school sa pasukan. Excited na excited parati pumunta sa bahay ng lola niya kasi masarap nga namang magluto si Nanay. Ewan ko ba kung bakit sa aming tatlo e ako lang yung hindi naturuan magluto. Parati raw kasing babad sa mga libro at TV noong bata, noong nagkolehiyo na e lalong hindi na nakakausap sa bahay. Ngayon, e sablay man kami ng aking asawa sa pagpapatikim ng sarap ng lutong bahay, bawing-bawi naman si Meg sa isang araw na pananatili sa bahay ni Nanay. Naihanda na niya ang sarili niya sa masasarap na putahe.

Bagong-bago ang video cam na binili ng aking asawa, aralin ko na raw para magamit sa nalalapit na pagpunta namin sa bahay ni Nanay. Maganda na rin yung pagrerekord ng mga alaala sa ngayon. Kung dati, parang itsinitsismis lang ang mga karanasan, oral na paghahatid ng mensahe at kolektibong pagpapasa ng mga imahen nang pasalita, pakuwento. Kasabay na rin nito ang pagsusulat ng mga tinatamad magsalita o mahina magsalita at mas mabilis pa ang takbo ng utak at lundag ng daliri kaysa sa paggulong padapa ng sariling dila. Hanggang sa naimbento na ang camera para mas madaling pasok ng mga imahen at karanasang alaala na pilit sumasabog sa utak, nakapagpapangiti, nakapagpapaiyak at kung minsa’y nakapagpapahiya ng panloob na karakter at naising magpuslit ng kutsilyo sa kusina para maglaslas nang panandalian. Marami kang maaaring sabihin sa C4 ng iisang larawan lamang, saka ka raratratin ng iba pang mga kasama nito sa kanilang album. Maya-maya tatawa ka, maya-maya, mahihiya ka. Tapos ito nga, itong hawak kong video cam. Gumagalaw na mga imahen. Video. Cam. Video Cam. Puwedeng-puwede kasi hindi mo na kailangang mag-imagine ng kunwaring audio na ginagawa mo lamang sa diary nang may diary, sa talsik ng laway ng matanda at sa litrato nang may litrato.


Handa na ang lahat. Papunta na kami sa bahay ni Nanay, sa bahay namin dati. Nagpapasabog na naman ng uluhati pagkakita ko pa lamang sa gate namin. Sa punong manggang itinanim ni Nanay at namumunga ng matatamis na mga mangga kapag summer na. Ayaw ko nga lang ng malalambot at matatamis. Mas gusto kong mangga e yung manibalang – malutong at bagay na bagay sa bagoong. Mas gusto ko rin yung puting hilaw na hilaw pa na mangga kaysa sa dun sa matamis na matamis na hinog. Ayaw ko ng hindi babagay sa bagoong ko. Hihintayin ko iyong malaglag noong bata pa ako kasi kahit gamitin ko yung panungkit e hindi ko pa rin naman maaabot. Kapag nalaglag ang hilaw, puwede pang kainin kasi hindi ito sasabog, di tulad ng hinog e nagkakalat lamang ng laman kapag nalaglag na sa kahit lupang tinamnan.


Tapos yung libingan ng aso naming si Spot. Pinangalanan namin siyang Spot kasi may black eye siya sa kanyang kanang mata. Hindi namin siya binubugbog no pero pagkapanganak pa lang sa kanya e kitang-kita na agad ang itim na bilog na pumapalibot sa mga inosente niyang mata. Mabait na aso iyang si Spot kaso nga lang e askal. Pero di naman tulad ng ibang may alagang imported na aso, hindi namin itinatali si Spot. Malaya lamang siyang magkakakalat ng mga tae kahit saang parte ng tapat ng aming bahay. Kami na rin ang bahalang humarang sa kanya kapag may gusto siyang sakmaling bisita. E kung nagwawalang aso lang din naman, tinapay o kahit na anong mabangong pagkain lang naman ang solusyon kay Spot. Hindi rin siya nagkaroon ng kulungan. Hindi naman sa katatamaran naming panatilihing malinis ang kulungang araw-araw rin namang babaho, pero kasi mas gusto naming nakikita ang aming aso bilang aming kaibigan, hindi lamang bilang security guard. Parang ang pangit naman kasing tingnan, kapag pinapakain mo, makikipaglaro kang sandali, tapos ikukulong mo. Okay na sa aming nakapaggagala siya kahit sa palibot lamang ng aming bahay.


Saka ko lang namataan si Nanay, nagwawalis. Gawain naman na niya yan. Gustung-gusto niyang malilinis ang aming mga kuwarto, ang buong bahay, ang tapat ng bahay, ang tapat ng tapat ng aming bahay, ang aming kapitbahay, ang aming mga bag, ang aming mga damit, ang aming mga katawan, katawan ni Spot, mga tae ni Spot. Binati ko ng good morning si Nanay, naggood morning din naman siyang pabalik sa akin, nakangiti. Itinabi na ang walis pagkamano ko, saka kami dinala papasok ng bahay. Nagmano na rin si Meg. Habang kami’y papasok ng aming bahay e nauna na ako sa kusina saka si Meg ay naiwan sa kanyang lolang nakikipagkuwentuhan kasama ang iba niya pang mga pinsan.


Kuwentuhan na lamang muna. Nandoon na rin yung mga kapatid ko, naghahandan ng maihahain para sa hapunan, para sa Christmas Eve. Kuwentuhan sa kasal ng mga tao, kuwentuhan sa mga sakit, kuwento sa concert ni Gary V, ni Lady Gaga, kuwento tungkol sa baby ni ganyan, baby ni ganito, kuwento tungkol sa damit, sa sapatos, kuwentuhan sa nangyayari kay Kris Aquino, kay Lea Salonga, kay Bong Revilla, mga kuwento nina Jessica Soho, Korina Sanchez, Marc Logan, kuwento sa mga pelikula, sa mga series, sa bago niyang laptop, sa bago niyang asawa, sa bago kong video camera. Ay oo nga pala! May dala nga pala kaming camera. Tinawag ko na si Meg para magsimula nang irecord ang aming reunion. Kaway sa camera. Ngiti, dapat parating walang problema. Walang hiya-hiya, nagtatago ng hiya, nahihiya. Hindi na dapat pang makita ng ibang tao kung sino kami, kung sino sila, kung sino kayo. Sa unang pagkakataon, may mangyayari na rin ba? Sa unang pagkakataong nagrerecord kami ng aming reunion, masaya, walang problema, dapat.


Tapos gabi na. Hapunan na. Masarap din naman yung pagkaing niluto naming magkakapatid, kaso e mas gustung-gusto ng mga bata yung luto ni Nanay. Hindi naman kami nagseselos o naiinggit e sa nahulog din naman na kami sa luto ni Nanay. Nang matapos nang kumain ang lahat, dumeretso na lahat sa sala, para magkuwentuhan na naman. Kuwento ni Lola naman, fiction naman daw. Fiction na kuwentuhan. Ang daming sinasabi ni Lola, marahil e siya lamang ang naiiwan dito talaga sa bahay at tuwing Pasko nga lang kami umuuwi, baka wala siyang nakakausap. Kahit na sa tuwing Paskong pagpunta namin ay niyayaya namin siyang sumama na sa amin, ayaw niya. Madikit na talaga siya sa bahay na ito, sa bahay namin, sa bahay niya, sa bahay na siya ang nagtaguyod. Marahil ay kung gusto niyang malagutan ng hininga e dito na lang siguro mas maganda. “Meg!” sigaw bigla ni Nanay sa anak ko. Pangiti namang ibinigay sa akin ng aking anak ang camera para siya naman raw ang makikita. “Meg, gusto mo bang makipagpustahan?” Malabo. Hindi naman sa hindi ko papayagan ang aking anak na mabulag sa saya at lungkot na dulot ng mga pustahan pero ang malabo sa akin e bakit ganito na lamang ang wika ni Nanay? Pustahan? Hindi ko maintindihan. Bakit pustahan? Anong meron kay Nanay at nakikipagpustahan na siya? Sa bata pa? Pero naisip-isip ko lang naman iyon, todo record pa rin ako sa kakaibang pangitaing pakiramdam ko lang naman e nakakagulat, pero hindi. “At dahil nagdadalaga ka na, pusta ko e hindi ka pa rin tutubuan ng tagihawat sa baba.” Malabo pa rin. Malabo. Hindi ko na talaga maintindihan. Wala na talagang sense. Kung sa bagay e kung nagkakatuwaan na lang naman, bakit ko pa hahanapan ng sense. Kasama pa yata ako sa sumigaw na GAME! GAMMME O!! Papayag na yan! Pumayag naman ang anak ko. Edi game.


Maya-maya e hinila ni Nanay papaakyat ng hagdanan si Meg. Hindi naman na nagtanong si Meg, nakangiti lang. Ako rin, nakangiti, kami-kami, habang nirerecord ko pa rin ang mga nangyayari. Dahan-dahan na siyang hila-hila ng kanyang Lola. Ipinatong ang kanang kamay at braso sa ulunan ng kanyang apo saka hinawakan ng kanyang kaliwa ang baba ni Meg. Itinulak niyang pabigla sa metal na hagdanan habang pilit na idinidikit ang baba rito. Tulak, higpit, sigaw. Bahala ka! Lahat kami e tawa nang tawa. Si Nanay talaga makapagbiro o! Sige, tawa pa, habang si Meg e nakangiti lang din. Malabo na ulit. Lampas isang minuto na siyang itinutulak. Mukhang ayaw na ni Meg. Pawis na pawis na si Nanay. Humihigpit ang kapit sa mukha ni Meg, saka niya iniuntog na sa bakal. Paulit-ulit niyang iniuntog ang ulo ni Meg sa bakal na kapitan. Dumadagundong na, jingle bells, jingle bells, jingle all the way. Hindi ko naman matanggal ang record. Malabo talaga. Minsan lang ako makakita ng ganito, kahit na sa anak ko, mukhang kailangan kong mairecord, para marahil sa kuwentuhan, ulit. Nang tiningnan kong mabuti e sinisipa lang naman pala ni Nanay yung hagdanan. Wala namang nasaktan, nabukol, hindi naman pala bumabangga si Meg. Nang pakawalan ni Nanay si Meg e tawa naman kami nang tawa habang ang anak ko e iyak nang iyak sa hiya habang umaakyat. Nawala na siya sa sakop ng videocam na hawak ko. Si Nanay naman e hinihingal, nagpupunas ng pawis, kaway at ngiti rin sa camerang hawak ko. “Wirdo mo Nanay talaga! Hahaha!” Tawa habang naghahabol ng hininga naman ang ibinalik na lang sa akin ni Nanay. Maya-maya e tumatakbong pababa si Meg, “BULAGA!” habang pabiglang pumatong sa balikat ng kanyang Lola. Kitang-kita sa camera ang nagulat na mukha ni Nanay. Mabilis na tumingin papaitaas ang kanyang mga mata hanggang sa nag-itim ang mga ito habang nakabukang gulat na gulat ang kanyang bibig. Papahigop na huling boses ang aming narinig mula sa kanya, hanggang sa ang tawa ni Meg e napalitan na ng pagkagulat. Itim na mga mata, bukambibig, mukhang nakaharap sa camera, hindi na humihinga si Nanay.


Kung akala ko e makapagkukuwento lang ako tungkol sa power trip ng nanay ko sa aking anak, nakapagpasok pa ako ng nagulat na bangkay sa aking videocam. Kung bakit itim na lamang ang kanyang mga matang hindi maisara, hindi ko na masabi. Habang kinakausap kita ngayon e paulit-ulit ko pa ring inirereplay ang eksena simula noong tumatakbong pababa si Meg hanggang sa mamatay ang lola niya nang nakanganga. Paulit-ulit. Paulit-ulit. Ulit. ULIT. ISA PA? IKAW NAMAN DAW.