02 October 2012

Propp at Campbell sa Ating mga Epiko

Sa simula pa lamang, hindi na maitatanggi magkapareho ang paglalarawan o pagtingin nina Propp at Campbell sa isang bayani: aalis ang bayani mula sa kanyang tahanan. Ganito madalas naipakikilala ang bayani. Parang kinakailangan niya talagang umalis para may magawa siya para sa kanilang lugar. Parang may bumubulong sa kanyang gawin ang isang bagay, o humanap ng isang bagay na gagawin para sa ikadadakila ng kanyang pangalan at ikagiginhawa naman ng kanyang lugar. Pareho ring mapapansin, mula sa konsepto nina Propp at Campbell ng simula ng paglalakbay ng isang bayani, na mayroong kalaban agad ang bayani. Pero isang kaibahan, para kay Campbell, na maaaring unang makalaban ng bayani ang kanyang sarili. Sa pahayag na ito ni Campbell, sinasabi niyang kinakalaban niya ang kanyang sarili kung nanaisin niya bang umalis para magawa niya ang kanyang dapat gawin o hihimlay na muna. Para naman kay Propp, pagsuway ito ng bayani kung ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-alis. Isa ring malaking kaibahan ang hindi pagtukoy ni Propp sa kapanganakan ng isang bayani na makikita sa pagsusuri ni Campbell at sa iba pang mga teyorista. Tinitingnan ni Campbell ang pagkapanganak dahil sa, hindi lang sa kakaiba o kagilagilalas ito ngunit maipasok na rin ang konsepto ng ina. Nakapokus masyado ang pagsusuri ni Propp sa bayani at sa kanyang kalaban samantalang si Campbell ay pinagtutuunan ang bayani, ang kanyang sariling pag-iisip, pati na rin ang kanyang mga magulang. Kung ayon kay Propp ay may kailangang suwayin ang bayani, may kailangan namang tumawag para sa paglalakbay ng bayani ni Campbell. Ang pagtawag na ito, tulad ng nabanggit kanina, ay maaaring hindi sundin ng bayani. Tungkol naman sa mga mahihiwagang bagay na gagamitin ng bayani sa paglalakbay, ang bayani ni Propp ay makatatanggap lamang nito sa kalagitnaan, kung saan nakalaban na o nakilala na niya nang makailang beses ang kanyang kalaban, samantalang ang bayani ni Campbell ay makatatanggap na ng tinatawag niyang supernatural aid sa malapit sa simula pa lamang ng kanyang paglalakbay. Saka naman papasok ang konsepto ng “iba” ng mga bayani. Para kay Propp, ang “iba” na ito ay maaaring pumatungo sa ibang tao, na maaari ring potensyal na kalaban ng bayani. Ang kalabang ito ay nambibiktima, nanloloko, pilit na hinahanap ang siya ring hinahanap ng bayani. Sa bayani naman ni Campbell, ang “iba” naman ay ang ibang lugar kung saan susubukang pasukin ng bayani. Ang ibang lugar na ito ang siya mismong susubok muli sa sariling pag-iisip ng bayani, at siya ring magbubukas sa dalawang magkasabay na pinto ng loob at labas. Ayon kay Campbell, binibigyan nito ng kapangyarihang makapaglabas-masok ang bayani mula sa kanyang “alam” na mundo at “iba” na mundo. Pumapaimbabaw talaga ang pagkuha ng pagkabisa ng bayani sa kanyang sarili at ang pagkilala niya sa iba pang mundo liban sa kinagisnan niya. Sa pagtingin sa konsepto ng baya nina Propp at Cambell, pareho naman nilang pinansin ang mga pagsubok na kinakaharap ng bayani. Ngunit ang pagsubok para kay Propp ay ang kalaban ng bayani, ang kalaban na tao rin tulad ng bayani, na siyang nagpapabagal, o siyang kailangang talunin ng bayani para makilala sa kanyang lugar, ang pagkilala at paggapi sa kanyang kalaban. Ang mga pagsubok naman na ito, para sa bayani ni Campbell, ay ang pagkilala at palaisipang pagtuklas sa kanyang sarili, sa kanyang pamilya, ang pagtanggap nga ba sa kanyang mundo o sa ibang mundo, at ang kamatayan. Ang kamatayang tinutukoy rito ay hindi lamang pisikal ngunit maaari ring basahin bilang pagkawala sa sarili o muling pagbalik marahil sa isang malalim na pagtulog ng bayani kung saan sa kanyang muling pagbabalik ay may nararapat na naman siyang gawing pumili kung itutuloy niya ang kanyang paglalakbay o hindi. Pareho ring pinagtuunan nina Propp at Campbell ang pagkilala at pagdakila sa mga bayani dahil sa kanilang mga nagawa. Pareho rin nilang nakita ang kahalagahan ng pagbabalik ng bayani. Diniinan pa ito ni Campbell, dagdag sa nabanggit kanina, bilang pagdaig sa dalawang daigdig na kaya na ng bayaning balik-balikan. Hindi tulad ng kay Propp kung saan liban sa ibang tauhan tulad ng kanyang mortal na kaaway at isang miyembro ng pamilyang mawawalan ng isang bagay na kailangan niyang hanapin, kinikilala nga ni Campbell ang diyosang makasasalubong ng bayani na maaaring pakasalan niya na magpapaunawa sa kanyang siya at ang kanyang ama ay iisa (kung saan pumapasok na rin ang pakilala at pagpansin sa kanyang ama). And diyosang ito ay maaaring kanyang kapatid na babae, ina o unibersal na inang nag-aalay at naghahatid ng sinapupunan at libingan (womb to tomb). Sa pagkilalang ito ng bayani bilang kanyang ama, ayon pa rin kay Campbell, ay masisira dahil sa makikilalang muli ng bayani ang kanyang sarili bilang naloko at naakit lamang ng kanyang ina. Mula rito, muling isisilang ang bayani at makikipag-isa ulit sa kanyang ama. Ayon kina Propp at Campbell, mayroong bahagi sa paglalakbay ng bayani kung saan siya’y mamarkahan at babansagan bilang isang “bayani” na makapangyarhian o isa nang superhuman. Ang paglagpas na ng bayani, para kay Campbell, sa kanyang mga pagsubok ang magpapaabot sa kanya ng kakayahang maging panginoon ng dalawang mundong kanyang nagalawan. Ang pag-unawang ito ng bayani ay maipapasa sa mga nakatira sa kanyang komunidad na nag-eeduka sa kanila na ang isang buhay ay umuusad at tumitigil. Dito tinatapos ni Campbell ang paglalakbay ng isang bayani, sa kanyang pakikiisang muli sa kanyang komunidad para sa tunay na pagkilala sa dalawang mundo. Para naman kay Propp, mukhang kailangan talagang matalo ng bayani ang kanyang kalabang maaari niya pang habulin kung makatatakas. Tila kailangan pang matupad ito para lamang makabalik muli sa kanyang komunidad o makapagpakasal pa na mag-aangat pa lalo sa kanyang bansag at kapangyarihan. Mapakikinabangan ang ganitong mga uri ng pagsusuri at pagtingin sa konsepto ng mga bayani para lubos na makita ang kanilang tunay na layuning maipakilala sa kinukuwentuhang komunidad. Ang ganitong mga pagbasa sa isang bayani ay makatutulong lubos na pag-unawa ng akademya sa pakay ng pagbuo ng mga epiko. Ang pagtingin sa isang bayani, bilang isang sentral na tauhan ng isang epiko ay malaki nang hakbang para lubos na maintindihan at pag-aralan ang mga komunidad na namuhay sa panitikang oral, lalung-lalo na ng mga epiko. Maaaring makita sa mga paglalarawan ng isang bayani ang mga nais maabot ng isang komunidad, ang mga gusto nilang maipakita sa kanilang kabataan, ang mga nais nilang maipakilalang ugali. Puwede ring mahapyawan mula sa mga bayaning ito ang mga dapat na iniaasal ng mga tao sa kanilang komunidad para sa ikapapanatili ng kanilang kultura at paniniwala. Katulad na lamang ng bayaning si Sandayo, maaaring sabihin nito sa mga nakatira sa komunidad na kinabibilangan na kailangan nilang magbigay ng malalaking tulong na nagpapakita ng kanilang pagpapahalaga sa kanilang mga paniniwala sa buhay at pag-iiwan ng mabubuting mensahe sa mga nakatira roon, na kailangan nilang iangat ang kanilang mga sarili, hindi lang para maging tanyag sa buong komunidad, kundi para magpakita ng isang halimbawa na kailangang gayahin ng kanilang mga kalugar.

Oral na Panitikan

Ang panitikan ay sinasabing nakabase sa karanasan ng isang tao na ipinahahayag sa isang masining na paraan. Ang panitikang oral, para sa akin naman, ay ang paghahayag ng karanasan ng isang tao, kathang-isip man o hindi, tadtad man ng kasiningan o simple lang ngunit nagsisimula sa isang pasalita o pabigkas na pagsasalaysay. 

Ang oral na panitikan, lalung-lalo na sa Pilipinas, ay taal na, simula’t sapul pa lamang, kahit wala pa ang mga mananakop o dayo sa ating bansa. Nilalaman ng pantikang ito ang mga tradisyon, kultura, ugali kasama na ang mga kuwento, tula, at iba pa na kung pagsasama-samahin e mapatutungo sa kabuuan ng isang pinahahalagahang karanasan ng grupo ng mga taong magkakabuklod sa buhay. 

Tulad ng sinabi ko kanina, ang panitikang oral ay hindi nagsimula sa sulat, ito nagsimula sa pagbigkas. Nauna naman kasing magsalita ang mga tao kaysa sa magsulat. Ang ganitong mga uri ng panitikan ay ipinapasa lamang sa mga kasunod na henerasyon para mapanatili ang mga taal sa pinanggagalingang mga kultura at karanasan. 

Ang panitikang oral ay madalas nakikita bilang komyunal o sa ibang salita e pinagmamay-arian ng lahat ng nakatira sa lipunan o kultural na grupong kinabibilangan. Walang iisang tao ang nais na umako ng responsibilidad o kislap ng pagkamay-ari. Kung mangyayari lang din lang iyon, mabubura na ang silbi ng ganitong panitikan kung iisang indibidwal lamang ang kayang makaranas ng kanyang mga ibinabahagi. Wala na rin itong gamit para sa pagpapakalat ng ugali, tradisyon at ng mga kaugnay na bagay kung hindi rin naman pala para sa kanila ang mga ito. 

Ang panitikang oral ay naililipat sa pamamagitan ng mga kumbensyon o yung mga panahon nagtitipon ang lahat ng mga tao sa iisang oras para makapag-usap – makausap ng mga matatanda ang mga bata, para sa ikapapanatili ng kanilang kultura. Isa pang bagay tungkol sa panitikan ay lahat ng panitikan noon ay nasa oral na pagpapahayag lamang. Kung komyunal din man lang ang panitikang oral, hindi na maikakailang walang naa-out of place sa komunidad na pinaiiral ito. Ibig sabihin, lahat ng mga tao, nagkakasundo, pantay-pantay sa mga karanasan at walang hindi nadadamay at hindi nakaaalam ng mga bagay-bagay sa kanilang lugar. 

Tulad din naman ng panitikang oral, ang panitikang popular ay nakabase sa karanasan ng tao. Ang popular na panitikan din naman ay masining na ipinahahayag at para rin naman sa maraming tao. Ngunit, maaari itong lumabas ng pinanggalingang lugar at makakaugnay pa rin ang mga taong makababasa nito. 

Ang panitikang popular ay nakasulat na at hindi madalas ginagawa para mailahad at mapanatili ang isang tradisyon kundi binubuo para lamang sa masa, para sa mga mas malalaki at ibang pang mambabasa o kapulungan ng nangakikinig. 

Ang popular na panitikan, di tulad ng oral na panitikan ay hindi ganoong nagkakapantay sa masining na kagandahan at hindi ipinapatungkol para magtagal. Madalas itong makitang umaakibat sa nangakikinig at mambabasang umaayon sa kontemporaryong panahon. May iba ring tumitingin sa panitikang popular bilang mga produktong pangkomersyal, mas pumapasok sa media at mabentang sa masa. 

May ibang tao rin ang sumasang-ayon sa pagkabit ng popular na panitikan sa kung ano ang mainstream, samanatalang ang panitikang oral ay kailangang makilala hindi para bumenta kundi para maipakilala sa maraming Pilipino kung gaano na tayo kayaman noon sa panitikan, kahit na wala pa ang mga mananakop.

28 September 2012

Riteam

Sige pa. Sige pa. Paulit-ulit. Ngayon ko lang ulit parang gustong paulit-ulit. Ngayon lang ulit yata ako nahumaling sa paikot, sa pahaba, pataas, pababa. Pabilis nang pabilis. Parang gusto ko na lang parati. Pero sa ganito lang naman. Ayaw ko ng paulit-ulit sa ibang bagay. Nakakasawa. Ito lang yata yung bagay na hinding-hindi ako magsasawa kahit ulit-ulitin ko. Nasa katawan ko e. Ewan ko ba. Gustung-gusto ng katawan ko, edi gustung-gusto ko talaga. Mabilis kasi akong mabagot sa ibang bagay na paulit-ulit na lang. Ang bilis kong magsawa. Kaya sige, sige pa. Sige pa. Bibilisan ko pa, paikot, paulit, ayaw ko na itong matapos. Pero minsan, tatanungin ko yung sarili ko kapag tapos ko nang gawin, “Bakit ko na naman ito ginawa?” Nagmamaktol sa sarili, parang nagsisisi, kahit parang wala ka naman talagang kasalanan. Parang wala naman talaga e. Bakit pa naging ganoon yung pagkakabuo sa akin kung hindi ko rin naman pala gagamitin nang maayos? Totoo ba talagang may tama at may mali? Pero sige, okay lang. Mag-isa lang naman ako sa buhay ko. Kung anong meron ang iba na wala ako, dito ko na lamang idinadaan. Wala nang hiya-hiya, kasi nga, ako lang naman mag-isa. Ako na naman mag-isa. Yes. Ako na lang ulit. PUTANG INA! Naunahan ko na naman kasi ang alarm clock ko. Putragis. Tang ina. Tang ina talaga. Kung kailan magsisimula na ulit ako, saka nambulabog ang pesteng alarm clock. Putang ina ko rin naman. Sinet ko ang alarm para magising ako. Naiinis ako sa kagagawan ko? Ewan. Putang ina.

Sige babangon na ako. Tinatamad na rin ako mag-init ng tubig, hindi naman na madaling-araw. Malapit naman na kasing magtanghalian. Sa labas na lang kaya ako kumain? Tinatamad kasi ako. Parati naman akong tinatamad sa mahahalagang bagay. Bayaan mo na. Mag-isa lang naman kasi ako. Sige. Maliligo na ako. Normal pa rin naman akong Pilipino kahit papaano. Naiinitan, nadudumihan, kumukulot, gumagaspang. Ito na, naliligo na ako. Wow, nagkita na naman tayo. Yes. E sa mag-isa lang naman ako. Kailangan ko pa bang manahimik? Hindi na! Ever! Tang ina. Ito na ba? Teka magsasabon na muna ako, para madulas. Yes. Oh yeah. Sige pa. Taas. Baba. Dahan-dahan muna, kasi nga mag-isa lang ako. Ako ang bahala kung kailan ko gusto. Tapos taas-baba ulit. Tapos sa tuktok na. Taas-baba sa tuktok. Tang inaaaa, heaven! Puta. Bibilisan ko na ba? Bibilisan ko na ba? Parang ayaw ko pa na gusto ko na agad. Gusto ko nang enjoyin pa lalo. Gusto ko pang iangat ang excitement. Kaso ayaw ko pa rin talaga matapos agad. Amf. Nakakainis. Bakit ba kasi sandali lang iyon? Bahala na nga. Sige pa. Ipapasok ko na nga rin. Bilang din namang dalawa ang kamay ko. Para mas masaya, mas enjoy. Mas lalo pa akong iingay. Mag-isa lang naman kasi talaga ako.

Naligo na naman ako nang ganon. Naulit na naman. Parang tinamad nga ako pagkatapos e. Parati naman akong nanghihina at nababatugan kapagka tapos na. Pero bakit ko pa rin inuulit? Kahit na alam kong parang may feeling na nagsisisi ako, uulitin ko pa rin. Bakit kaya? Kasi nga siguro ganito ako? E oo e. Bakit ko pa iisipin kung nakakahiya, kung nakapansisisi? E mag-isa lang naman ako. Tapos na ako bihis sa harap ng salamin. Iba talaga ang feeling kapag kaharap ang sarili sa salamin nang nakahubad. Ang laki ng boobs ko. Sabi ng mga katrabaho kong lalaki, asset. Edi asset na. Parati nga nila akong kinakausap e. Parati din nila silang kinakausap. Ako ba ang kausap niyo o sila? E sa kanila lang kayo nakatingin e. Pero hindi lang naman sila yung tumitingin. Ako rin naman, kahit mag-isa lang ako sa bahay, marunong pa rin naman ako tumingin. E di ba nakatingin na sila sa kanila. Ako naman titingin sa baba. Ay! Hindi pala titingin, hindi rin tititig. Masyadong halata kapag ganon di ba? Sabi ko sa’yo medyo marunong naman ako. Edi yun, sisilip na lang ako sa baba. Mabilis silip lang.  Parang ninja. Mga 1 second, tapos sa mata niya ulit. Kaso yung mga mata nila, nasa kanila pa rin. Okay lang. Pareho lang naman tayo. Sa sobrang laki, bumabakat din yung sa’yo, yung sa inyo.

Masaya yon. Isa sa mga inaabangan ko ngayong araw. Nakalabas na nga pala ako ng bahay. Jeep muna. Yaman din lamang na nakapalda ako, para hindi ako pandirihan ng mga babae e sinasara ko ang aking mga hita, kahit alam naman nating lahat na gusto nating may nasisilip tayo. Kunwari pa ang mga putang ina. Sagap nang sagap ng mga kung anu-ano, kapag sila ang sinagapan, nagagalit? Putang ina naman. Pero sige, okay lang ulit. Nilalayo ko na nga ba ang sarili ko sa inyo? Sa inyong may mga tama at mali? Para mag-isa na lang ulit ako. Sana mag-isa na lang ako. Ako lang naman yata ang may gusto ng ganito e. O gusto niyo rin? Nahihiya lang kasi yata kayo. Kunwari pa ang mga gago, gusto rin naman. Ikaw? Alam mo nang nakasara sisilip ka pa rin. Kung sa bagay, hindi rin naman kita masisisi. Kasi nakaugat at nakatatak na rin naman talaga sa iyo iyon. Tao ka e. Bakit ba? May mali ba? E sa iyon ang hinahanap mo, why not? Gusto naman talaga e. Bakit hindi na lang hayaan? Nakatingin lang naman siguro, may nawala ba sa akin? Parang wala naman yata. Dignidad? Respeto sa sarili? Kadalisayan? Putang ina! Pagpipigil lamang yang mga yan. Buti pa ang Sprite tama. Sprite. Oh yes. Sprite. Astig ang Sprite forever. Kung walang Sprite, siguro wala akong back up. Okay pa rin naman yun. Sanay pa rin naman ako nang mag-isa lang ako. Ako lang naman talaga yung ganito. Yung hinahayaan ang sarili. Pigilan niyo pa, sige lang. Para kung wala mang apoy, ulap, linya at pag-uulit sa iba e baka nasayang na lamang ang inilagi rito. Hindi na rin naman yata masama yung YOLO. Nagmukha lang jologs kasi inover use ng mga.. uh.. jologs. Putang ina nila. Pero sige pagbigyan. Hindi lang minsan mabuhay. Mga gago, isang beses lang tayong mabubuhay. Pero sige na nga ulit, hindi pa rin kita pasisilipin, pero okay lang sa aking tumingin ka. Tao ka e.

Ibinababa na kami sa babaan, malamang. Oh yes. MRT na! Wala pala. Excited much? Parang ganun din naman kasi. Kapag malapit na ako sa pupuntahan ko, sinasabi ko pa rin sa sarili kong nandoon na ako. Parang imposible na akong malaglagan ng orange na bus, o masagasaan ng ambulansya, habang papunta na akong escalator paakyat ng MRT. Kaso hindi na rin pala siya escalator. Hagdan na lamang siya. E putang ina hindi gumagana e. Kasama ba iyon sa binabayaran namin sa ticket? Bawasan na lang nila ng piso yung fare kung di rin naman pala nila imemaintain ang mga dapat na nangyayari. OMFG. May sinabi akong parang malayo sa mga pinagsasasabi ko kanina pa. May dapat ba talagang nangyayari? Kung sa bagay, dapat din naman talaga siyang paikut-ikutin, kasi nga gusto ko. Lalo na kapag dalawa na ang nakapasok sa loob. Putang ina. Pero sige, escalator na muna. E sa malaki rin ang puwet ko. Asset daw ulit. Kapag ka nakalingon ako nasa baba nakatingin yung mga nililingon kong lalaki. Halatang silahis kapag sa bag ko nakatingin. Haha. Sorry. Wala naman akong problema sa mga bading o bakla o lesbiana. Hindi ko rin naman pinoproblema yung ginugusto ng mga tite at puke nila. Kung tite din ang gusto ng tite nila, o kung puke man ang gusto ng mga puke nila, why not? Ginusto nila yun e. Okay na akong mag-isa lang ako. Puwede rin naman. Kumekembot, left and right, pabalik-balik, kapag umaakyat ako ng mataas na escalator slash hagdan. Minsan, trip kong lumingon para malaman ko kung may nakatingin sa puwet ko. At hindi naman ako nagkamali, ever. Pero siyempre paglingon ko, biglang punta sa ibang lugar yung mga mata nila. Syempre madalas sa mata ko, para malaman daw nila kung alam ko yung tinitingnan nila. Siyempre, hindi naman ako gago para hindi ko malaman ang inaasam ninyo. Tapos lipat agad sa kanan. Minsan gusto ko silang tugtugan ng Nobela ng Join the Club para lamang mapicture out ko ang comic effect sa utak ko ng malungkot na music video. Ngumiti kahit na napipilitan, kahit na sinasadya mo akong masilipan paminsan-minsan, bawat sandali na lang. Keri lang. Sige tingin pa sa kanan, ang ganda kasi ng view ng mga bus at jeep at iba pang mga kotse sa kalsada kasama ang kani-kanilang mga usok sa tirik ng araw kapag tanghali ano? Bahala ka sa buhay mo. Nakatingin ka na sa ass, lumipat ka pa sa bus. Pero sige, oo nga pala, meron kayong tama at mali. Sige na nga. May tama at mali ring ecalator. Pero sa escalator lang. Sa iyo, sa inyo, ewan ko na lang.

Yes. May stored value na ako. Iba na rin ang mabilis. Iba na talaga kapag nauuna, nangunguna. Nakakainis kaya kapag may sumisingit. Pipila ka tapos ganon? Mali iyon. Ayun, may mali na naman pala. Sige. Nakapasok na ako, naghihintay na ako ng tren. Ito na. Ito na talaga. Ito na naman. Ulit. Ayaw kong sumakay sa bahaging puro babae. Putang ina ang baho don. Marami silang tinatago. Ayoko na ng taguan. Ayokong may hinahanap. Nakakatamad na yun. Ayoko na rin yung tinatago pa, kita rin naman. Kaya may tinatago kasi nga may tinatago. Parang ang labo. Kaya nila ginagawa iyon kasi ayaw nilang may makita ang iba. Yung iba naman, may tinatago kasi ayaw nilang makita sila. Hahahaha! Mga gago. Hindi ninyo ako magagago. Dito ako. Pinili ko rito. Ito ang pinipili ko. Hehehe. E kasi naman. Sinasadista ko ang sarili ko? Aamin na naman ba ako? Kanina pa rin naman ako nandito. Kanina ka pa rin naman nagbabasa. Sige na nga. E sa hindi ko alam kung paano kang umabot dito. Ibig sabihin ba non e natutuwa ka sa akin? Ibig sabihin ba non e gusto mo rin yung gusto ko? Ibig sabihin ba non e tao ka rin? O hindi ka tao? Na tayo pala ang hindi tao? Bahala na no? Kinakausap na kita. Ayos ‘to. Akala ko kanina pa ako nagsasalita. Kanina ka pa nakikinig, kasi nga umabot ka na rito. Kapag umabot ka na rito nang tsambahan lang at hindi nabasa ang nasa itaas nang buo, okay lang din naman. Kaso baka hindi mo talaga ako magets. Baka hindi mo pala gusto yung gusto ko. Yung gusto namin ng kausap ko kanina. At dumating na nga ang tren. Yes. Alam kong hindi mapupuno yung bahaging puro babae, yung nasa harap. Kaya alam kong baka wala naman akong kasamang babae rito. Kahit isa, okay lang. Lalayo ako sa kanya. Dahil sa nakaumbok ang boobs at puwet ko, okay lang sa akin. Actually, hindi lang siya okay. Okay na okay. Super. Gustung-gusto ko. Talaga! Siyempre, marami talagang, oh wait, lahat talaga kayo sasabihin ninyong, “Ano ba ‘tong babaeng ‘to! Kung sinu-sino na lang yung gustong pumatol, bumangga, dumunggol, dumikit, tumalbog, tumingin, tumititig!” E sa ano? Kanina ko pa sinasabi di ba? Mag-isa nga lang ako. Tsaka ginusto kong mag-isa lang ako.

Pero bakit? Talamak naman na rin yung naghahanap ng love life. Gusto nila ng may makakasamang panghabambuhay. Hahaha! Okay lang din naman yun. Tao rin naman siguro yung ganon. Ayoko lang talaga ng mas malaking gastos, siguro? Siguro kasi, pagkakagastusan ko pa siya ng oras, salita, pera at ng lahat-lahat ng meron ako. Pero sige okay! Worth it kasi raw yon! Okay fine! Yung babalik din naman daw kasi sa akin e pagmamahal, e yung sinasabi nilang masarap na feeling. Ito ang masarap na feeling. Siksikan, dilis, kamote fries, sardinas. Banggain mo, alam kong sinasadya mo. Sana alam mong alam kong sinasadya mo ang pagbangga, ang iyong pagbangga, ang inyong pagbangga. Malambot naman yang mga yan, bakit pa kayo nahihiya, nagpipigil? Masarap e! Hay nako. Kung alam niyo lang na alam kong sinasadya ninyo, edi sana sagad na. Pero siguro kung ganoon, hindi lang pagbangga ang mangyayari. Pisil, amoy, pindot, dutdot, sundot, kantot. Hahaha! Ito ang nakakatawa talaga! Nakakatawa kasi nga ako lang ba ang may gusto? O ang gusto niyo, kapag may ganitong intimacy o kapornohan, dapat private? Dapat private? Okay. Okay din naman yung private. Okay yun, kapag ako lang mag-isa. Mamaya pag-uwi ko, mag-isa ulit ako! Pero nakakadismaya itong mga “tao” na ito. Akala ko pa naman gusto ninyo, binabangga niyo e. Kaso may konting hiya. Nahihiya pa e! Binabangga mo, niyo na nga, nahihiya pa rin? Para kayong dumila sa lollipop na hawak ko tapos hindi na uulit. Nagawa mo na, akala mo, niyo hindi ko pa napansin? Naulit-ulit na hindi ko pa rin napansin? Huwag niyo rin akong gaguhin, mga putang ina. Di naman ako galit na galit talaga. Sa katunayan, natatawa nga ako. Kasi nga alam niyo nang alam ko, o minsan lang ganun, pero kahit na, pero ayaw niyo pa rin bonggahan. Baka na naman daw kasi may makakita sa inyo. E putang ina nag-iisa lang akong babae rito. Masikip pa nang bahagya. Galingan niyo. Sige pa. Malapit na akong bumaba. Sige pa. Malambot di ba? Nakakatigas. Tumitigas na rin yung nasa itaas e. Sige. Sige. Ayan tuloy, bumukas na. Paalam, bukas ulit.

Isang Romance Novel, Yata



Sa simula ng romance novel na Ise Omorfi (You Are Beautiful) ni Raphaela Kristina, ipinakilala ang bidang lalaki bilang isang successful na may-ari ng isang beach resort ngunit napapangiti na lamang sa pait ng loveless niyang buhay. Sa ibang salita, naghahanap ng makakasama o iibigin ang bidang lalaki. Katulad ng nabanggit sa article ni Soledad Reyes na ang pangunahing tauhan sa isang romance na panitikan ay mayroong isang quest o misyong maaaring sumagot sa kanyang hinahanap na kagustuhan, para na rin sa ikapapayapa ng kanyang loob at pag-ibig, at para na rin sa mas malalim na pag-unawa sa kanyang sarili at nais na makamit sa proseso ng pagkamit o pagkumpleto ng napiling misyon. Sa konteksto ng nabanggit na romance novel sa Pilipinas, ang bidang tauhang si Bryan na isang architect, kahit na siya ay matagumpay na sa career, hindi pa rin niya nararamdaman ang kaganapan ng kanyang buhay dahil lang sa walang nagmamahal sa kanyang babaeng kaedad niya. Sa madaling salita, naghahanap siya ng nobya o mapapangasawa. Tulad na rin ng nabanggit sa article, nagiging major theme ng isang romance ang pag-ibig; maaaring sa diyos, sa tao o sa kaligiran. Kung ikakabit ang ganitong pagtingin sa Ise Omorfi, pag-ibig sa tao ang napiling quest ng pangunahing tauhan. Doon na magsisimulang umikot sa paghahanap niya ng pag-ibig, at magpapatuloy sa paghahanap at maaaring matapos sa paghihiwalay o masayang katapusan. Pero dahil na rin sa nabanggit sa article na madalas na nagkakaroon ng happy endings ang romance novels sa Pilipinas, pasok na pasok ang ending ng napiling romance novel sapagkat nagkatuluyan ang bidang tauhan at ang nameet niyang babae sa unang chapter, at ito mababasa sa huling chapter. Nabanggit din sa article ang pagiging escapist ng isang romance novel ng Pilipinas. Ibig sabihin, nagkakaroon ng muling pagbuo ng isang mundo, ng mundong ideal lamang, na pumipilit sa mambabasang iwanan ang totoong mundo ngunit panandalian lamang para sa kanyang muling pagbalik ay inaasahan niyang mangyayari sa kanya ang nangyari sa kanyang nabasa. Sa pagdaloy ng kuwento ng Ise Omorfi, ang bidang babaeng si Sroso ay mapapansing takot umibig muli dahil sa iniwan siya ng kanyang naging unang boyfriend na si Stefan; kaya noong sa mga simulang chapter, tinatarayan niya si Bryan na pakiramdam niya e gumagawa ito ng move sa kanya. Ngunit dahil nga sa napatunayan nang kailangang magkaroon ng happy ending, magkakaroon at magkakaroon pa rin ng pagkakataon at sitwasyong magkakausap ang dalawa nang maayos at magkakaalaman ng nararamdaman sa bawat isa saka hahantong sa happy ending. Sa ganitong daloy ng plot, nakikita ng mambabasang kahit na ilang beses pa silang bumagsak at iwan ng taong minahal nila, kahit na nagkukulang pa rin sila sa kanilang sarili sa dinami-dami ng tagumpay sa buhay dahil lamang sa pag-ibig, makatatagpo pa rin naman pala sila ng totoong pag-ibig, ng happy ending. Hindi napapansin ng mamababasa na talagang pinagtatagpo ng author ang dalawang kanyang pagkakatuluyan para lamang masundan ang gusto ng marami, ng masa, ang isang happy ending. Pinapaniwala sila sa destiny, gamit para maging escapist ang mambabasa. Sa pagbabasa, mukhang madali lang naman, kung maghihintay, kasi darating. Ngunit kung titindig sa realismo ang mambabasa, inaasahan niyang hindi lamang sa paghihintay makakamit ang tunay na pag-ibig, hindi madalas, happy ending. Nariyan din sa article ang pagiging formulaic ng mga romance novel tulad ng stereotyped characters, na sa Ise Omorfi e parehong sexy at macho at maganda’t guwapo nina Sroso at Bryan, ng pagkakaroon parati ng eksenang maaapreciate ng isa ang kagandahan ng isa; sa inconsistency ng point of view na kung iaapply naman sa Ise Omorfi, nagsimula sa point of view ni Bryan ngunit sa gitna e mayroong pagkukuwentong part ni Sroso tapos babalik na naman kay Bryan; pati na rin sa convoluted plot o mukhang pinilit na lamang na pagkasyahin ang mga karanasan ni Sroso sa kanyang buhay, ang minadaling ending na nagkita na lamang sila sa Greece at nagkatuluyan at iba pa. Sa ganitong pagsusulat ng panitikang patok naman sa masa, hindi lamang sa inilalayo ng manunulat ang mambabasa sa totoo patungo sa ‘totoo’ ngunit pinipigil na silang mag-isip para sa kanilang sarili at huwag nang gumala pa sa napakalawak na mundong akala nila e kasimple-simple lang.

Negation



Sa simula ng lektura ni Sir Zubiri, binanggit niya ang apat na katangian  ng negation o pagtanggi. Nariyan daw ang essential kung saan kailangan nga naman ng tao ang pagtanggi, ang universal kung saan lahat ng wika ay may paraan kung papaanong tatanggi, marked, na nagsasabing alam sa isang wika kung ang isang pagtanggi ay naganap dahil sa nakitang salitang ginamit para rito o narinig na terminong makapagpapalinaw sa pagtanggi, at diverse dahil daw sa maraming pagkakaiba ang pagiging marked ng isang negation. Sa pagkakapaliwanag niya tungkol sa pagiging essential ng pagtanggi ay dahil sa kailangan nga namang tumanggi. Alam na natin ito. Ang akala ko naman, ipapaliwanag niya kahit sandali lang kung bakit nga kailangang magnegate. Obvious nga naman para sa amin ang ilang mga dahilan kung bakit kailangang tumanggi ng isang tao pero ang tanging explanation niya lang sa pagiging essential ng negation ay dahil sa kailangan daw ito. Natanggihan ako.

Tapos e dumako na siya sa bahagi kung saan naiiba ang struktura ng pagtanggi sa wikang Bashiic kung saan post-verbal ang negation. Interesanteng tingnan ang nakita niyang walang ibang dahilan kundi sariling sikap lamang ang ganitong pagbuo ng struktura sa wikang Bashiic sapagkat sa pinagmulan nitong wika ay pre-verbal ang pagnegate pati na rin sa mga kapamilya nitong wika. Pinalakas din ito ng pahayag na ang mga kalapit lalawigan ng pinaggagamitan ng wikang Bashiic ay pre-verbal din magnegate. Gusto ko lang din sana ng iba pang dahilan maliban doon sa tatlo. Oo, malaking tsansa na ang magmukhang sariling sikap nga lang ng mga speaker ng wikang Bashiic ang ganitong structure ng negation pero hindi ba maaaring magkaroon ng iba pang dahilan? O yung tatlong dahilan na lang ba talagang iyon ang pinakanangyayari sa lahat ng mga wika sa mundo kaya hindi na sila nadagdagan? Kung ganun din lang, edi sige, tama na si Sir Zubiri. Wala rin naman ako sa posisyong magmungkahi pa ng ibang teorya hinggil sa kung paanong naaacquire ng isang wika ang ganoong structure dahil sa kakaunti lang talaga ang nabasa ko tungkol sa linguistics at undergrad lang ako.

Papayag na lang ako sa, oo nga, mayroon pa ring kanya-kanyang structure ang bawat wika. Kung magkakaroon lang din naman ng pattern sa mga bagay-bagay, may pagkakamukha nga naman talaga o pagkakahawig sa pagkakabuo katulad na lamang ng nangyari sa mga wikang Bashiic. Hindi naman ibig sabihin na may ganitong pattern ang mga karatig lalawigan ng lugar kung saan ginagamit ang isang wika e kailangang magkakahawig na agad ang kani-kanilang mga wika. Maaaring oo, sa mga termino, magkakaroon sila ng pagkakapare-pareho ngunit hindi pa rin maisasantabi ang struktura. Mahirap na ring mag-generalize sa mga wika kung hindi inoobserbahang mabuti ang mga maliliit na bahagi ng isang wika tulad ng negation.


Talk






Nabanggit sa lecture ni Sir De Chavez na nakapaloob sa isang face-to-face interaction o karaniwan nang tinatawag sa ngayon na talk ang mga material na verbal at di verbal, kung saan ang di verbal na bahagi ay nahati pa rin sa positioning, glances at gestures na maaari pa ring gamitin sa pag-oobserba ng isang mananaliksik kung ano ang ibig sabihin ng nagsasalita o ng kinakausap na gumaganap sa tigmalalaking bagay sa daloy ng kanilang pakikipagtalastasan. Nilinaw na hindi lamang mga salita o verbal na pahayag ang binibigyang pansin kapag gumagawa ng isang conversational analysis. Pinatindi pa ito na sa pagkuha ng halimbawa galing sa palabas na Face to Face ng TV 5 kung saan nagkakaroon ng pagkakataong magsalita ang taong nagsasalita. Mukha mang bastos ang pagpasok ng isang galit na kapitbahay sa pag-uusap ni Amy at ng isa pang kapitbahay, hindi pa rin maikakailang mayroon pa ring nagtulak sa kanyang pumasok sa gitna.

Sinabi ni Sir De Chavez, ayon na rin sa kanyang lektura, na ang meaning ng isang conversation ay nakaembed na sa conversation structure. Ibig sabihin, nadedevelop ang meaning habang umuusad ang usapan. Dapat din daw ay natural lamang ang pag-uusap. Doon ko na napansin ang salitang natural. Hindi ko itinutulak na ako ang tama ngunit ganito talaga ang pagkakaintindi. Kung bobo man ako o tamad para magtanong sa huling bahagi ng event na pinuntahan, hindi ko na alam.

Binanggit din pala sa lektura na hindi chaotic ang Face to Face sapagkat nagkakaroon ng fixed cue kung kailan mangyayari ang mga bagay-bagay, halimbawa na lamang kung kalian daw magmumurahan ang nag-aaway na kapitbahay, na kapag tiningnan siya ng kapitbahay e ibig sabihin noon ay ‘Sumabat ka sa pag-uusap namin ni Amy’ at may mga dagdag pang face-preservation techniques na kahit nadedehado na ang nagsasalita e pilit pa rin niyang nililinis ang kanyang sarili sa harap ng libu-libong nanonood sa kanya, kahit na kumakalat pa rin ang pagiging unchaotic ng kinauupuan niyang stage. Pero wala na siyang pakialam doon. Kung well-crafted lang din man lamang ang mga sasabihin nila on-stage para magmukhang natural ang daluyan ng kanilang pag-uusap, sinira pa rin ito ng mga nabanggit ni Sir De Chavez ng mga napansin niyang ‘cues’ kung kailan sasabat, sasabay, magmumura o sasabihin ni Amy ang pinaparaphrase lamang na linya upang magpatigil ng mga nag-aaway sa harapan niya na wala din naman siyang pakialam.

Yung nasa itaas ang naintindihan ko. Gusto ko sanang balikan yung binanggit ko tungkol sa natural na pag-uusap. Kung kailangan ko rin lang tingnan ang kaaway ko habang kinakausap ako ni Amy para sumabat sa aming pag-uusap e iyon ay dahil iniutos ng set. Pero kung mag-iisip pa ako ng ibang posibleng dahilan, tulad ng, ewan ko, sabihin na nating gusto ko lang talagang makita ang reaksyon ng kaaway ko habang nag-uusap kami ni Amy dahil sa gusto ko lang. Kaaway ko siya e. Mas matagal ko pa rin siyang nakasama kaysa kay Amy. Tinitingnan ko ang aking kaaway kasi sa loob-loob ko, kahit galit ako sa’yo, si Amy na sikat ang kumakausap sa akin, gusto kong makita ang reaksyon mo sa kanyang tanong at kung paano kong aayusin ang aking mga sasabihin para hindi ka lalong magalit sa akin at mapahiya ka sa maraming nanonood. Mas mapapatotoo lang naman siguro ito kung mapatutunayang ang nangyayari sa palabas na ito ay isang take lamang. Pero kung smooth lang din ang magiging daloy ng pangyayari, kasama na ang pagpapapansin lamang na pag-aaway sa isa-isang pasok ng mga guest, baka sumang-ayon na lang din ako sa hindi chaotic ang Face to Face.

29 July 2012

Kung Sinong Mataya

Kailangang magdisect ng frog noon
At tayo pa ang magkapares
Paano ba kitang mapapaturn on?
Ayoko namang maging careless
Sinubukan ko kamakailan mambully
Kahit na ayaw ko sa mga ganong tao
Nakita ko kasing masaya ka parati
Sa tuwing may kaklaseng tinutuliro
At naitanong mong bigla
Kung saan nga ba makahuhuli ng palaka
Sagot naman agad ako ng kung ano
Dahil ayaw ko sa iyong mapahiya
Sinabi mong wala kang paki
Sa aking mga isinagot
Wala rin naman akong paki
Ayaw ko lang nama’y ikaw’y mabagot
Bigla ka ulit nagtanong
Kung nasaan na kaya yung binully natin
Yung matabang inilaglag ko sa basa
Nalaman mo pala ang aking lihim
Tungkol doon sa pagsosorry
At sa pag-aabot ng pamphlet
Sobra nga kasi akong naguilty
At ayaw ko na iyong maulit
Niyaya mo ako sa ilalim ng tulay 
Kung gusto ko pang mamuhay nang payapa 
Nagpadala ka pa ng camera at diary 
Sa pagkita doo’y umaasa
Pumunta naman ako siyempre
Kasi nga gusto kita
Dala ang bag na may camera at diary
Lumapit ako sa’yong puno ng kaba
Hiningi mo ang camera sa akin
Ibinigay ko naman agad 
Pero nagulat ako nang iyong sabihing
Lumuhod ako sa iyong harap
Ipinarating kong huwag naman sana ganito
Kahit na sumusunod ako sa’yo
At bigla kang lumuhod din sa harap ko
Ating mga labi nagkatagpo
Sa halik mong nakagugulantang
Sinubukan kong maibalik
Iniangat mo sa gilid natin ang camerang
Kumukuha sa ating bawat halik
Nakapikit lang ako
Patuloy sa sayang nararamdaman
Nang sa ang labi mo’y naglaho
Sa labi kong nagulamihanan
Tumayo ka na’t pinasulat ako sa diary
Marami pa kayang susunod na mangyayari?

Film: Submarine (2011)


Parang gusto ko ulit mag-apply.

Para lang makita ulit yung mga tao.
Pare ko, Pare niya. Mare nating lahat.
Pero malay ko ba.
Malinis pa rin ba?


22 July 2012

Goto, Pares, Tapkalog


Alam kong nakita mong mahaba ito kaya hindi mo na matitripang basahin. Pero kasi, nag-enjoy akong maglahad kahit na alam kong hindi ko naman mailalagay lahat tungkol sa sarili ko. Hindi ko alam kung puwedeng pang-exhibit ‘to pero bahala na talaga. Bahalang autobiography.

Ako nga pala si Mart, short for Martin. Tatay ko ang nagbigay sa akin ng pangalan na yan kasi si Martin Nievera ang kanyang paboritong lalaking singer. Siguro, naisip niyang baka masapian man lamang ako ng kahit kaunting kaluluwa ni Martin Nievera para baka sakaling magkaroon siya ng anak na may talent. Lahat naman siguro ng mga magulang, gusto ng anak na may talent, para astig, para mayabang. Pero minalas, hindi ko naman sinasadyang hindi ako marunong kumanta, mahilig nga ako sa musika, kaso walang hilig ang musika sa boses ko. Pero sana, sana lang talaga may ibubuga pa rin ako, na may talento pa rin pala ako, na puwede rin naman akong ipagyabang ng tatay ko.

Hindi ako sa Mart nagsimulang tawagin. Pangalawa nga pala ako sa tatlong magkakapatid at noong wala pa yung bunso naming si Mig, naranasan ko malamang ang maging bunso. Ading ang una kong naging palayaw at hindi ko alam kung bakit. Siguro, pangalawang anak o bunso sa ibang wika, liban sa wikang alam ko: Tagalog. Maliit lang ako noon, hanggang ngayon din naman. Sa Laguna ako ipinanganak noong December 28, 1993, pero sa Cavite na ako lumaki. Pinalaki ako ng lola ko, tawag namin sa kanya ay Mama. Hindi yung Mama na lalaking goons kundi yung Mama as in Mommy. Namulat kasi ako agad na may trabaho na pareho ang mga magulang ko. Namulat na akong hihintayin ko na lamang sila kapag gabi para sa kanilang pasalubong. Oo, alam kong sila ang mga magulang ko pero si Mama talaga yung nakasama ko sa araw-araw kapag wala pa yung mga magulang ko. Madalas niya akong patulugin kapag hapon o pagkatapos kong kumain ng gulay na naman niyang inihain. Kay Mama ako natutong kumain ng gulay, buti na lang e masarap siyang magluto. Siya ang nagpapaligo sa akin noong maliit pa ako, siyempre hindi naman talaga ako malay noong cute pa ako pero kinuwento naman sa akin ang mga bagay na ito. Malaking pasasalamat ang gusto kong ipaabot kay Mama kasi kung hindi dahil sa kanya, sana’y mapili ako sa pagkain ngayon.

Noong papasok na ako sa pre-elem, hindi ko talaga alam yung gagawin ko. Basta ang naaalala ko, may dala akong notebook pero yung teacher namin yung nagsusulat sa notebook na iyon, gamit yung pula niyang ballpen. Tapos pag-uwi ko sa bahay, titingnan ng kuya ko o ng mga magulang ko yung notebook na yun tapos may gagawin na sila. Assignment ko pala yung nandon. Kapag nag-eexam kami, hindi ko alam talaga yung gagawin as in. Kinukulayan ko lang yung mga pictures na walang kulay. Honestly, wala talaga akong maalala. Ang naaalala ko lang, malalaki yung mga lamesa namin at marami kami sa aming lamesa. Naaalala ko rin yung una kong crush sa pre-elem. Malandi lang ba talaga ako? O madali lang talaga akong mabighani? Hindi ko alam. Half-Japanese yung crush ko noong nursery, tapos pareho pa kami ng subdivision. Pero siyempre, noong mga panahon iyon e hindi ko pa talaga alam yung salitang Crush. Basta ang alam ko lang e gusto ko siyang nakikita at nakakatabi araw-araw. Wala na akong balak pang ilagay yung pangalan niya kasi baka may mag-alangan pa sa girlfriend ko. Mabigat na pakiramdam ang selos.

After nung Nursery, pinagsummer reading classes ako ng nanay ko. Kasabay pa nito ang pag-uwi ko sa bahay para magmemorize ng multiplication table. Pinaghahanda na nila siguro ako sa Grade 1. Noong naggrade 1 ako sa St. Jude Academy sa Cavite, siyempre handang-handa na ako. Talaga naman kasing nagagalit yung mga tao sa bahay namin kapag may hindi ka nagets agad kasi iniisip nila na napakadali naman ng ibinabato nila sa akin. Pero kapag sila naman yung hindi nakagets agad, hinahayaan ko na lang.

Sa Grade 1 ko unang nakilala yung best friend ko noong elementary. Tapos malaman-laman ko lang, kapitbahay pala namin siya. Bale sa sobrang galing ko sa school noon, pinapakopya ko na lang siya sa mga assignments namin, tapos maglalaro kami ng Playstation sa kanila. Wala kasi kaming Playstation noon. Siya ang nagmulat sa akin sa bagong paraan ng paglalaro. Siya rin ang nagbansag sa akin ng bago kong palayaw: Mar. Galing naman siya sa Marion. Maria Teresa kasi ang pangalan ng nanay ko kaya nagkaganyan. Marion kasi yung pinantatawag sa akin ng mga teacher ko sa school. Sa katamaran na rin siguro ng wika ng best friend ko, Mar na lang ang itinawag niya sa akin, na ginaya naman ng iba naming classmates. Halos kasabayan na rin ng Mar ang pagtawag sa akin ng Diko. Hindi ko na naman alam kung anong wika ito pero sa tingin ko e second child na naman. Paglabas ko ng bahay, sa Mar ako titingin. Pagpasok, Diko. Kung dalawang pangalan din man lang ang itinatawag sa akin e natutuwa na talaga yung kababawan ko. Nabalewala noon para sa akin si Martin. Pero kebs lang.

Simula Nursery hanggang sa maggrade 6 ako e consistent akong naging top 1 sa klase. Hindi naman sa pagmamayabang pero mabilis kasing makagets yung utak ko noong bata pa ako. Wala pa sigurong maraming distractions. Umalis si Crush noong Grade 4 kami at may pumalit naman noong Grade 5 na girlfriend ko sa ngayon. Para sa kakaibang kuwento kung bakit naging girlfriend ko ngayon yung ka-MU ko noong grade 5, sa ibang araw ko na lang siguro maisasalaysay yon kasi gusto ko sanang 2 pages na lang ang binabalak kong banong autobiography.

Nairita nga pala yung parents ko sa Mar. May ninong kasi akong pangalan e Mar, na taga sa amin din. Tsaka ang pangit daw talaga ng Mar. Dinagdagan ng tatay ko ng letter T tapos BOOM! alam mo na kung bakit naging Mart talaga ang pangalan ko.

Pagkagraduate kong valedictorian sa grade school e sabay kaming nag-entrance test ni MU sa Manila Science High School. Bumagsak siya tapos pumasa ako. Tapos siyempre, sad part ng kuwento kaya hindi na siya magiging part pa ng kuwentong to. Nabigla ako noon sa Masci kasi pakiramdam ko bumobo ako noon. Ang dami na kasing estudyante, tapos ang hirap-hirap na talaga ng Math. As in putang ina, naisip ko, putang ina talaga. Noong high school ako natutong manood ng porn, magcut ng klase, magdrafting, magmuni-muni sa sarili kung bakit ang bobo-bobo ko na sa Math, makipagpalagayang loob sa isa kong sarili kung valedictorian nga ba talaga ako, at magsulat sa Filipino.

Sa bawat Filipino subject kasi, bawat quarter e may ipinapasulat na kung anu-ano ang mga teacher namin. Iyong part lang na iyon noong high school ang pinakanaenjoy ko kasi nag-eenjoy din naman yung mga binobola kong mga teacher namin. Masarap magsulat, masaya, lalo na kung may iniuutos sila sa akin. Mahirap kasi magsulat kapag sinabihan nila ako ng kahit ano ay puwede kong isulat. Para akong pinabili ng regalong kahit ano na lang. Siyempre noong 4th year, malaking bagay sa amin yung UPCAT. Isang mahirap na desisyon iyon para sa akin kasi pakiramdam ko noon, kung anong course yung pipiliin ko e doon na talaga ako magtratrabaho. Nakakatakot, pero paminsan-minsan, exciting isipin kung anong mangyayari sa college life.

Pumasa ako ng BA English Studies, student number 2010-10*** sa UP. Ang pinagpilian ko lang kasi noon sa UPCAT Application Form e Math, Science at English. At dahil na rin sa matinding paghuhukay sa sarili, tinanggap ko na talaga ang sarili kong bano ako sa Science at Math kaya English ang kinuha ko. Hindi naman ako malay noon sa BA Filipino dahil sa maraming courses na nakalista e hindi ko man lamang sinipagang isa-isahin sila. Nag-decide akong magshift sa Filipino noong 2nd year college. At ayun na nga, natanggap naman ako at kasalukuyan akong nag-aapply naman sa ngayon sa UP Cineastes’ Studio.

Kasalukuyan akong nagboboarding house ngayon sa may Area 2, UP Campus, Diliman. Paborito kong kumain ng matatamis na pagkain, lalung-lalo na ng leche flan at pastillas. Marunong akong maggitara at sana’y gumaling naman ako. Hanggang marunong na lang kasi ako. Madali lang sigurong makipagkaibigan kung mapagkaibigan ang gustong kaibiganin. Ayaw ko sa ipis, jologs, OA, pinaghihintay ako, pila kapag enrollment sa UP, mga papansin kahit na alam ko rin naman sa sarili kong nagpapapansin ako. Mahilig akong maglaro ng computer games at naaadik na ako ngayon sa Skyrim. Marunong din akong magdota, magcounter strike, mag-install ng google chrome at magpatintero. Hindi ako marunong magphotoshop, maghead spin at magdrawing man lamang ng matinong Poring. Maliit, maitim, kulot, at naranasan na ring matawag na ita at katutubo noong grade school at high school kasabay pa ng pagtatanong kung saang tribo ako galing. Masaya maging kulot, natutuwa kasi siyang himasin ng girlfriend ko kapag nilalambing niya ako. I love that shit.

17 July 2012

Elef



Maraming posibilidad ang puwedeng mangyari kapag ang isang bansa o isang lugar ay mayroong iba’t ibang wikang ginagamit ng mga tao. Maaaring hindi ganoong magkakaugnay tulad ng Switzerland na may German, French at Italian bilang kanilang mga opisyal na wika, dahil sa may iba’t ibang grupo rin marahil sila ng tao na magkakaiba ang unang wikang ginagamit. Sa Canada rin ay mayroon parte sa kanilang lugar na French ang wikang ginagamit at iba pa rin ang Canadian English bilang variation ng wikang English na sinasalita sa kapitbahay nilang Amerikang may American English naman. Maaari rin namang magkakaugnay halos lahat ng mga wika sa isang bansa tulad ng kung anong nararanasan ng Pilipinas sa ngayon. Mayroon din naman kasing teoryang nagsasabing maaaring nanggaling sa iisang wika ang lahat ng wika. May teorya rin naman umaangkop ang wikang ginagamit base sa lugar na tinitirhan ng taong gumagamit nito. Dahil nga naman siguro sa pagkakaiba ng mga lugar sa buong mundo, hindi na rin mahirap sabihing pupuwede nga naman talagang magkaroon ng malalaking pagkakaiba sa mga wika ng lahat ng tao sa mundo kahit na, ayun na nga, pare-pareho lang naman tayong mga tao.

Sa aking mga nakalap ng datos, at base na rin sa nagawa naming table dati tungkol din sa mga wika sa Pilipinas, hinding-hindi pa rin ako nakahanap ng ibang translation sa mata ng Filipino mula sa iba pang mga malaking wika sa bansa. Ipinagtataka ko talaga ito sapagkat bakit ito lang talaga ang magkakapareho sa dalawang beses kong pangangalap ng salin ng salitang mata? Pinag-uusapan ba ng mga ninuno natin ito dati kapag nakikipagkalakalan sa kanila? Bakit iisa lang? Ito ba ang una nating nakikita sa mga bago nating nakakasalamuha? Gustung-gusto ba nating tumitingin sa mata? Hindi ko alam. Pero mula rito, maaari ko namang sabihing magkakapamilya nga ang mga wika natin sa Pilipinas. Sa pangalawang salitang aking napili e napansin kong kakaunti lang ang nagpapalit ng mga titik sa salitang ‘bahay’. Naglalaro lamang sa mga titik na ‘l’ at ‘y’ ang mga magkakahawig na salita. Nariyan din ang kamot at gamat para sa mga kamay. Magkahawig din ang lima at ima sa ibang mga wika para sa nabanggit na napiling salita. Mula sa pagkakahawig na mga ito ay makikita na ang mga tunog ng salita  sa wikang ginagamit o depende na rin sa lugar na ginagamitan nito ay nag-iiba o nagkakaroon nga naman ng variation. Variation sapagkat hindi naman nagkakalayo (tulad nga ng pagkakalarawang magkakahawig) ang mga salita kapag pinakikinggan ang mga ito. Madaling maintindihan kahit na iisang tunog lamang ang papalitan. Nagkakaroon ng mabilis na pagkakaunawaan dahil nga sa malapit sa nauunawaan o naaalalang tunog na nakaimbak sa memory ng isang taong marunong ng wika sa Pilipinas.

Sa ganitong pagkakahawig , tulad ng nagpapalitang ‘d’ at ‘r’ sa ido at iro para sa aso ng Hiligaynon, Bisaya at Mansaka, at ayam naman sa mga wikang Waray, Bikolano at Romblomanon, may dahilang heyograpikal pa rin ang makikita kung titingnang mabuti ang lokasyon ng mga wikang ito sa mapa ng Pilipinas. Nagkakaroon ng pagkakahawig kung magkakalapit nga lang naman ang mga lalawigan, naipapasa ang mga termino, nagagamit ng magkakalapit na mga tao kapag pumupunta sila sa iba’t ibang lugar na malapit sa kanila, at maaaring naipapasok sa wika ng pinuntahang lugar o maaaring isang pamilya lang din o angkan ang pinagmulan saka sila naghiwa-hiwalay ng titirhan para sa mas malawak na sakop at mas mainam, kumportable at maayos na pagkakahati ng mga yamang kailangan nila sa kanilang ikabubuhay. Ang kasong ito ay maaari lang sigurong ipasok sa mga ninuno pa natin, kaya marahil ay nagkakaroon pa ng iba’t ibang variation at pagkakahawig sa mga salita ng iba’t ibang wika ng Pilipinas. Magandang bagay na rin siguro ito sapagkat mas mabilis tayong magkakaunawaang mga Pilipino kung may ganitong maliliit na gap lamang ang mayroon sa iba-ibang tipong bokabularyo ng maraming wika. Kung madali lang din naman tayong magkakaintindihan e malaking bagay na rin iyon para maraming tao na ang nakikilahok sa pagtulong ng pagtataguyod ng isang bansa dahil sa madali lang sana para sa lahat ang pakikipagtalastasan at pagpapasa, pangangalap at pag-aayos ng mga impormasyon.

Pero Kasi...



Ayon kay Newmark (1988), mula sa kanyang dalawang aklat kung saan inilahad ng tagasalin ang labing-walong teknik ng pagsasalin, ang one-to-one translation o isahang tumbasan ay ang literal na salin na may isa-sa-isang pagtutumbasan ng salita sa salita, parirala sa parirala, sugnay sa sugnay, o pangungusap sa pangungusap. Ipinalalagay na kapag humahaba ang yunit ay mas hindi angkop ang pamamaraang ito. Mula rito, maaaring sabihing hindi sa lahat ng pagkakataon sa pagsasalin ay pupuwedeng gamitin ang teknik na ito. Hindi rin naman pupuwedeng marahil na iisang teknik lamang ang magagamit sa pagsasalin ng isang buong akda o teksto. Madalas, sa mga karanasan sa pagsasalin e nakagagamit ng higit pa sa tatlong mga teknik ang tagasalin para mas makabuo pa siya ng pinakaitatampok na akdang maiintindihan ng kanyang target na audience.

Nabanggit na kaninang isa-sa-isa ang magiging tumabasan kapag napagdesisyunan na ng tagasalin na gamitin ang teknik na ito. Simula sa salita-sa-salita, umabot ito hanggang sa pangungusap-sa-pangungusap. Pero nilinaw rin sa babasahin na hindi rin naman ito aangkop lalung-lalo na sa mga malalaking yunit. Siguro’y mas makasisiguro ang isang baguhang tagasalin katulad ko na gamitin lamang muna ang teknik na ito sa yunit na isa-sa-isa hanggang sa mas malinaw kong makita kung mabisa pa nga ba sa ibang yunit o may mas aakibat pang ibang teknik sa mga kailangan o nais kong isalin.

Halimbawa na lamang, sa yunit na salita-sa-salita, kung isasalin ko ang Ingles na, “The puppy is cute,” sa Filipino, gamit ang teknik na kanina ko pa binabanggit, makukuha ko ang, “Ang tuta ay kyut.” Malinaw na sa unang halimbawa na bawat salita sa pangungusap ng source language na Ingles ay naisalin o may katumbas mula sa aking salin sa Filipino na pangungusap, apat ang salita sa una, dapat bang apat din ang kailangan kong makuha sa target language? Pansinin ding ang cute ay isinalin ko sa kyut, gamit pa ang ibang teknik ng pagsasalin ayon kay Newmark: ang naturalisasyon. Pero alam ko namang maididiscuss pa ang teknik na ito sa iba pang papel. Nais ko lamang sanang ipuntong hindi lamang nadidikit sa iisang teknik ang pagsasalin sa isang pangungusap. Tulad ng nabanggit ko kanina, hindi iisang teknik lamang ang magagamit sa iisang akda. Dagdag pa rito, maaaring higit pa sa isa ang magagamit na teknik sa pagsasalin ng kahit isa man lang na pangungusap.

Hindi man ganoon kamalay sa atin, ang mga Pilipino ay madalas ding gamitin ang teknik na ito sa pagsasalin. Dahil nga sa pagiging bilinggwal ng ating bansa dahil sa pagtuturo ng Ingles, naeexaggerate natin paminsan-minsan ang pagsasalin kapag gusto nating magpahayag sa Ingles. Tulad ng sinabi ng isa kong prof, kapag gusto nating Englishin ang pangungusap na, “Ako ay tapos na,” malimit na maririnig natin ang, “I am finished already,” na kung titingnang mabuti e hindi na kailangang marinig pa ang already. Dahil sa marahil ay nais talaga nating maisalin lahat ng salita sa Filipino sa target na language, hindi sinasadyang sumosobra tayo hanggang sa umabot tayo sa lugar o bagay na sa tingin natin ay tama.

07 July 2012

Huwa Na Lan Nati Pag-usapa

May nanalo na naman bang hindi deserving? Talaga? Hindi raw ba nagpakatotoo si Myrtle? Ano ba talaga kapag real? Ano ba talaga kapag reality? Ano ba talaga nga ba talaga kapag reality TV show? Totoo ba ang mga tao sa camera? Kapag may nakita ba akong photo sa Facebook, puwede na akong manghusga? Puwede rin naman ata. Feeling ko kasi napatunayan ko na 'to. Nung first year high school pa lang ako sa Masci, may nakita akong malaking lalaking kabatch ko. Inisip ko lang naman, isip-isip ko lang naman talaga na feeling ko talaga at sobrang lakas talaga ng pakiramdam kong bobong kausap tong taong to kapag nakikipag-usap siya. Nang dumaan ang dalawa hanggang tatlong taon, tatak na sa maraming batchmates ko na kapag natawag ka sa ngalan niya o narinig mo ang pangalang ito e tatanga-tanga talaga ang maiisip mo. Hindi ko alam. Ayan na naman yung mga hindi ko alam. Marami naman talaga akong hindi alam. At isa na ito. Itong tamang akala ko. Tsamba? Suwerte? Lotto? O magaling lang talaga ako? Tama ako magmasid? Tama lang ako magmasid. Masaya magmasid sa mga tao. Lalo na kapag alam nilang pinagmamasdan mo sila tapos todo pakipot pa silang akala mo e pinapaparazzi na celebrity. Instant celebrity ika nga. Pero bakit nga ba ako tumama? Paano akong tumama? Ibinase ko lang ba ito sa pagmumukha niyang mukha talagang tanga? Sa ngiti niyang putang inang sarap sampalin ng tsinelas? Hindi lang naman siguro. Bago naman kasi ako manghusga ng tao, pinapakinggan ko muna sila magsalita, o tinitingnan ko muna mga sinusulat nila. Napakalaking advantage kapag pinakikinggan ko sila para sa pag-aassume kung anong klaseng tao sila. Medyo tama si Barney, minsan, 15 minutes ko pa lang naririnig ang isang tao, parang ayaw ko na siyang kasama, parang gusto ko na siyang sampalin. Medyo mahirap naman kapag binabasa ko lang yung sinusulat ng isang tao. Tulad nito, alam niyo na agad na feeling matalino lang ako at mahilig lang ako magpapansin sa internet. Feeling niyo kung anu-ano lang ang sinasabi ko at ang bobo-bobo ko naman talaga. Feeling niyo, wala naman talagang kuwenta mga sinasabi ko, walang laman, trying hard magpakagenius at epal lang. Assuming masyado.

Dineserve mo ba talaga lahat ng meron ka ngayon? Huwag na yang materyal na mga bagay na yan, kahit na alam naman nating wala sila kapag wala ang mga magulang mo. Yang talino mo? Matalino ka na ba talaga agad? Kung sa bagay, may mga mahihirap na matatalino talaga kapag nagpursigi. Sige, nasa sarili na rin yun kapag pagaganahin at determinasyon. So deserve mo nga. E bakit ka pa nagrereklamo sa dami ng gagawin? Bakit bawat oras na lang, kailangan ganito, kailangan dapat ganyan? Hindi ka puwedeng magdikta sa kung anong dapat na mangyayari sa 'yo di ba? O bakit ka pa nagrereklamo? Umabot ka ba sa kalagayan mo ngayon dahil lang sa pagpupumilit sa gusto mong mangyari? O sumunod ka na lang sa mga pinabuhat sa 'yo pero mura pa rin nang mura? Puwede bang gawin mo na lang?

Dineserve bang manalo ni Myrtle? Bakit? Kapag alam mo bang maraming camerang nakapalibot sa 'yo, magpapakatotoo ka pa rin ba? Hindi ko sinasabing iisa lang ang sagot ko sa papansing tanong na iyan. Pero kung ako ang tatanungin, syempre hindi. Unang-una, masaya minsang magpakamisteryoso. Yung ibang tao ka sa iba, ibang tao ka sa iba. Alam nating lahat yan. Kung wika nga ang pag-uusapan, nag-iiba ang ating wika kapag nasa labas na tayo ng tahanan o malayo tayo sa pamilya natin. Madalas nga, malayo pa tayo sa mga lumalapit sa atin, yung unang naging malapit sa atin. Hindi rin madalas malay, mas inaayawan pa natin sila, binebenta pa sa mga taong mas kakaunti ang naibigay, naitulong sa kabuuan ng buhay natin. Naiiwan na naman yung mga nasa bahay. Dineserve mo ba sila? O forever na lang silang magiging mga taong bahay? Nandiyan ka ba ngayon sa kasikatan mo kung wala sila? Pero bakit mas gusto pa rin natin sa labas? Kasi masaya? Walang rules no? Pero babalik at babalik pa rin tayo sa real, sa reality, sa walang camera, sa walang binenta at biniling boto, sa putang inang buhay na wala kang ibang gagawin kundi sundin ang mga sumisigaw.

Isang papansin ka lang, extra sa camera kumbaga. Kaunti bayad, puwede na.

Samtotyudunwanahir



Ang diglossia, ayon kay Ferguson (1959), ay isang uri ng bilingualism sa pagitan ng magkalapit at genetically na magkaugnay na mga wika o mga variety ng wika.[1] Sa madaling salita, ang diglossia ay nangyayari sa isang lugar kung saan mayroong dalawang nakahihigit na wika ang ginagamit. Halimbawa na lamang sa Pilipinas, mayroon pa ring pag-aalinlangan at mayroon pa ring mga debate tungkol sa kung mayroon nga bang diglossia sa ating bansa dahil sa kalituhang dinadala ng kung ang Filipino nga ba at Tagalog ay dalawang magkaibang wika. Hanggang sa ngayon, pinipilit na linawin ng Komisyon sa Wikang Filipino na ang Filipino ay hindi Tagalog, kundi malaking bahagi lamang nito ang ibinase sa Tagalog at ibinase pa rin naman daw ito sa iba pang mga wika sa Pilipinas.[2] Kung ako ang tatanungin, hindi naman talaga malalayo ang Tagalog sa Filipino sapagkat grammar pa lang ng Tagalog at maraming wika sa Tagalog ang ginagamit sa Filipino. Kung sasabihin nating isang malaking salik ng wika ang grammar na ginagamit nito, hindi talaga maitatangging tunog Tagalog talaga ang Filipino. Sa pagiging buhay at dinamiko naman ng wika, sa kanyang pagbuo ng mga bagong salita at panghihiram pa sa ibang mga wika, maaari kong sabihing nanghihiram lang naman talaga ang Tagalog, gamit pa rin ang kanyang sariling grammar, mula sa iba pang mga wika. Kung sasabihin kong nanghihiram ang isang wika sa iba pang mga wika, bilang isang likas na katangian ng iba pang mga wika, bakit pa kailangang ibahin pa ang tawag sa Tagalog at tawagin pa itong Filipino kung Tagalog na Tagalog ang tunog nito sa ating mga pandinig? Pagbabase nga ba ito sa iba pang mga wika ng Pilipinas kung manghihiram lang ng mga salita at iba pang mga termino mula sa iba pang regional languages, ni walang grammar na malayo sa Tagalog ang ginagamit ng nakararami? Sa kabila ng lahat ng ito, nalilito o nag-iiba pa rin ang aking mga isasagot sa kung ano talaga ang aking wikang ginagamit: kung Filipino nga ba, na natutunan ko sa paaralan, o yung kinalakhan kong Tagalog-Cavite, na hindi naman nalalayo sa mga naririnig kong ginagamit ng aking mga guro at propesor na “Filipino.”

Ayon pa sa Keywen.com, ang diglossia ay isang sitwasyon kung saan ang mga dialectal variety ng isang wika ay nagfafunction nang hindi magkapareho.[3] Dinagdagan pa nila ito na katulad pa ng maraming wika sa Timog Asya, ang wikang Bengali ay nagpapakita ng isang matinding kalagayan ng diglossia sa pagitan ng pormal o nakasulat na wika at bernakular o binibigkas/sinasalita na wika. Gaya ng napagkasunduan noong huling discussion naming noon sa Fil 115, na ang bernakular na wika ay ang mother tongue ng isang indibidwal, malilinaw na hindi naman natutunan ng isang tao ang kanyang unang wika (kung nakapagsasalita at nakaririnig man siya) sa pasulat na paraan, ni hindi ito itinuturo sa kanya. Natututunan lamang ng isang tao ang kanyang bernakular na wika o mother tongue sa hindi sapilitang patuloy na pakikinig at paggamit nito. Malamang sa malamang, alam niya agad kung mali ang kanyang napakikinggan sa wikang kanyang kinagisnan, pero hindi niya maipapaliwanag nang mahusay at malinaw kung bakit. Dito na pumapasok ang sinasabi kanina tungkol sa pormal o pasulat na wika. Kung ang paaralan ang may tungkuling ituro na sa mga mag-aaral ang kanilang wikang natututunan at ginagamit sa pang-araw-araw, bakit Filipino ang itinuro nila sa kanila. Okay lang sana kung Tagalog/Filipino ang bernakular na wika ng isang bata pero paano kung hindi? Isa pang magandang punto sa depinisyong ipinahayag sa talatang ito na iba ang wikang pasulat sa wikang pasalita o pagbigkas. Mangyari lang din lamang, ayon sa depinisyon ng register na nag-iiba ang wikang ating ginagamit depende sa sitwasyong ating kinapapalooban: kung tayo man ay nasa loob ng silid-aralan e pormal, at kung kasama ang ating mga kaibigan ay di pormal. Magkaiba talaga. Bakit nga ba, sa kung isang wika lang naman ang ginagamit, e bakas pa rin ang malinaw na pagkakaiba sa wikang ginagamit sa pasulat at pabigkas ng mga tao? Mula rito, maaari kong sabihing nagkakaroon pa rin ng mga variety ang wika, hindi lamang base sa lokasyong heyograpikal, hindi lamang base sa uring kinapapalooban sa lipunan at hindi lamang sa bawat nag-iisang indibidwal, kundi mayroon ding variety ang wika depende sa kung sino ang iyong gustong padalhan ng mensahe. Sa kabila ng kaliwanagang ito, may tanong pa rin akong susubukang sagutin. Bakit magkaiba ang wikang pasulat at wikang pasalita? Laganap na, lalung-lalo dito sa unibersidad ang sinasabing ponolohikal na variety ng wikang Filipino na nagsasabing ‘kung ano ang bigkas ay siya ring baybay.’ Kung pasalita lang naman ang pag-uusapan, hindi naman na talaga kailangan pang magtalo dahil sa nagkakarinigan at nagkakasagutan lang naman ang mga tao sa bawat pakikipagtalastasang kanilang gagawin. Pero kung ipapasulat mo na sa kanila ang kanilang mga sinasabi, lalu na sa wikang Filipino, at kung may susunod pa sa ponolohikal na variety na nabanggit, magkakaroon pa rin ng maraming pagkakaiba mga isusulat na salita. Halimbawa na lamang, maaari kong isulat ang salitang phonology sa wikang Filipino sa dalawang magkaibang paraan: maaari itong maging fonoloji o ponolohiya. Kung talagang ayaw pang manghiram, tulad ng ilang mga puristang Filipino, gagamit pa ako ng isang salitang “malalim” na maaaring katumbas ng nabanggit na salita. Kung susumahin, nagkakaroon pa rin ng mga pagkakaiba sa mga pagkakaiba ng wikang ating ginagamit. Nagkakaroon ng pagkakaiba sapagkat nagbabago ang kalayaan ng isang tao kung hindi niya ramdam sa isang sitwasyon kung kailangan niyang pansining maigi ang wikang kanyang ginagamit.



[1] “Diglossia,” huling binago noong Hulyo 01, 2012,
[2] “Diglossia in the Philippines,” huling binago noong Hunyo 05, 2007,
[3] “Diglossia,” huling binago noong Hulyo 01, 2012,

29 June 2012

Cotton Tail

Waterfalls. Wala akong maisip na pamagat. Pesteng mga pamagat. Mahaba ba dapat nilalagay rito? Hindi mo naman babasahin kapag nakita mong mahaba e. Lyrics na lang kaya? Hindi mo naman kakantahin malamang. Caption. Caption naman daw kasi. Kailangan ba? Baka nagpapapansin lang ako. E malupit naman ako magpapansin e. Joke lang. Hindi ako malupit. Si Trey Parker malupit. Si Chito Miranda malupit. Ako? Never naging malupit. Hindi mo alam kung bakit nandito ka na. Hindi mo alam. Hindi ka sure kung gusto mong ituloy. Natatakot ka. Feeling mo pinagtitripan ka. Feeling mo lang yun. Titingnan mo yung dulo. Tiningnan mo nga. Syempre joke lang, hindi mo tiningnan, pero titingnan mo talaga. Chinecheck mo na agad yung finish line? Puwede bang i-check ang daan bago ang race? Masisilip mo ba ang kalawakan ng karagatan kung trip mong maglayag? Kunwari may mapang ibinigay sa iyo, pero hindi mo naman ito magagamit nang maayos. Aasa ka pa rin sa sarili mo. Itutuloy mo pa ba? Gusto mo ba ito? Ginusto mo ba talaga? Minamanipula ka na ba? Hindi. Huwag kang makikinig sa boses sa isipan mo. Mag-concentrate ka sa nakikita at naririnig mo. Syempre nag-iisip ka pa rin. Iniisip mo kung bakit ka pa rin tumutuloy. Isasara mo na ba? Baka may malupit pa ring mangyari, kahit kanina pa wala. Matagal ka nang naghihintay. Naghihintay ka na lang sa wala. 

16 June 2012

Flush

Gabi. Kagagaling lang ni Dighay sa school. Siyempre, pagdating niya sa bahay e kunwaring makikitang pagod na pagod siya ng nanay niya para hindi na siya pagraratratin pa ng mga tanong na kinabukasan e maririnig niya na naman.

Dighay: Kumain na po ako sa labas.

Nanay: Kumain ka na ba?

Dighay: Nag-KFC na po ako bago umuwi.

Nanay: Ah. Nagkasya ba pera mo?

Dighay: Opo. Sige na, aakyat na ako sa kuwarto ko. Ang dami ko pa yatang assignments.

Nanay: Magtoothbrush ka muna. Baka makatulog ka na naman sa lamesa mo. Magsuklay ka nga ng buhok mo. Ang gulu-gulo o! Ang laki-laki mo na, hindi ka pa rin maalaga sa sarili mo. Paano kang magkakagirlfriend niyan?

Dighay: Oo na po. Eto na po.

Matapos magpakitang-tao ni Dighay e tinuloy na ang pag-akyat sa kanyang binubuong mundo. Madilim. Ilaw lamang ng kanyang lamp shade na color blue ang nagbibigay ng katiting na liwanag sa kanyang silid. Kalahati lamang ng kama niya ang makikita habang ang kanyang lamesa at laptop na nakapatong dito ang kinasabikan niyang puntahan pagkasara niya ng pinto at ilock ito.

Dighay: Nakakatamad gumawa ng assignments.

As usual.

Dighay: Sana online si Crush.

Facebook. Yahoo Messenger. iTunes. Isinaksak na ni Dighay ang kanyang headphones at naghintay nang magload ang lahat ng kanyang pinasukan.

Game.

Dighay: Uy! Online si Crush! Syeeeeeet men. (nagtatype) Anong assignments natin Crush?

As usual.

Crush: Biology. Hindi ka ba nakikinig kanina? :))

Dighay: Hindi e! Hehehe!! :)) XD Nakakatamad kasi makinig. Boring. :/

Crush: :))

Dighay: Anong kailangan sa Bio?

Crush: Madali lang. Parts of a microscope. Pati types.

Dighay: Wala na? Yun lang??

Crush: Oo. :)) Tapos sa Filipino, magbasa tungkol kay Francisco Baltazar.

Dighay: Yun lang?? 

Crush: :)) Oo nga! :))

Dighay: Sige salamat! Buti na lang online ka. Hehe. :)

Crush: NP. :)

Napagtantong kokopya lang naman pala ng mga sagot sa internet si Dighay kung sisipag-sipagin siya. Hindi na niya kailangang maghukay sa Google dahil sa Francisco Baltazar at microscope lang naman pala ang ipahahanap niya sa Diyos. No hassle. NO HASSLE? Mamaya na yan.

Dighay: Ang dali lang naman pala ng assignments. Pero buti na lang nagtanong ako. Leche yung teacher namin sa Bio. Putangna maliit na bata tapos ang taray-taray. Katamad pakinggan. Tapos yung sa Filipino matandang mareklamo. Tanda-tanda na, nagrereklamo pa rin. Tangna dukutin ko nunal niya sa labi e.

Muling chineck ni Dighay ang pintuan niya kung nakalock na talaga. Nagbukas ng bagong tab...

Dighay: Sige.. SIGE.. uhh... uhh... UHH... FUCK FUCK PUTANG-- UHH. AHH!!!

Balik kay Crush.

Dighay: (nagtatype) Uy, salamat ulit ah. :))

Crush: 

Nakakatamad pa rin gumawa ng assignment. Nadagdagan pa ang pagod ni Dighay. Dahil sa hindi na naman siya sinagot ng crush niya, minabuti niya na lamang na mag-ikut-ikot muna sa Facebook.

Dighay: Putangna. Nakakatamad! Nakakatamad sa school. Sa bahay. Kahit saan puta. Putang ina nakakatamad.

Sa sobrang bagot ni Dighay sa buhay e nagstat na lang siya sa Facebook.

Dighay: (nagtatype) Nakakatamad talaga!

Napansin ng isa sa mga kaibigan ni Dighay ang kanyang status kaya sumagot ito sa pagpapapansin niya. Pagpapapansing sagot sa nagpapapansin.

Sinok: Tangnamo! Ano ba gusto mo?

Dighay: Tite.

Sinok. Gusto mo tite ko?

Dighay: Hindi. Gusto ni Crush.

Sinok: Tang ina mo, huwag mong isama syota ko rito.

Dighay: Tang ina ko? Bakit? Ayaw ba ng syota mo tite mo?

Sinok: Tang ina anong problema mo? Syempre gusto niya no?

Dighay: E tarantado ka pala e. Ano pang ikinagagalit mo sa sinabi ko kanina e gusto naman pala ni Crush yang titi mo?

Sinok: Tang ina mo walang bastusan. Gago ka gulpi ka sa akin bukas.

Dighay: Ikaw pa may ganang manggulpi? Putang ina bastos ba yung sinabi ko? Magpaplastikan na lang ba tayo rito? Kapag totoo tapos hindi madalas makita, bastos na agad? E tarantado ka pala e! Sana hindi na lang tayo ginawang ganito kung ayaw nating makita nang ganito: kung ano talaga ang gusto natin, kung ano talaga tayo. Magpapakitang-tao na lang ba lahat tayo rito? Putang inang yan.

Tinamad lalo si Dighay. Nagbukas ng bagong tab: Google.com.

31 May 2012

You're Welcome

God ka nang God, e di ka nga marunong magpatawad?
Ano, gusto mo? Gusto mong aking iladlad?
Yang pagpapapansin mong walang patawad?
Huwag ka nang tatanga-tanga kung ayaw mong malaglag
Ano ba, nakikita ba talaga Siya o ika'y tungak na bulag?
Kapag tinira kayo nang ganito, feeling mo may palag
Kang titira pabalik para ano? Para magpaliwanag?
Ng ano? Kung paano kang nagiging mapalad?
May nangyaring malupit at masaya, si God na agad?
Kung sa bagay, wala naman akong damdaming sagad
Sa pagkamapangarapin mo; sa langit ay hangad
Pero kung mapangalandakin yang bunganga mong bangag
Sa Facebook o Twitter, pagtunganga'y saki'y labag
Sa katulad ng utak mong ang Ebanghelyo'y last week lang e nilipad
Na kung saan mang lugar, dala na ng hangin: karag-karag
Pilitin mo mang alalahanin, wala kang puso, HUNGKAG!
Butas yang dibdib mo, wag magmalinis, sawimpalad
At nagkakalat pa ng pictures, wow, maraming Tags,
Hits, Likes and Shares galing sa mga tulad mong internet fag
Magpopost ng ganito, sa internet naman nagbababad
Ni walang oras sa bible na pinababasa ni God
Photos ni Jesus sa timeline mo, wow, nakabilad
Galit na nakapulupot sa kaaway nama'y 'di kalag
Kumbaga sa laro, yang utak mo lag
Sige, padyak pa! Maraming uling, idagdag
Sa utak mong mangmang, aamin ding banayad,
Sa balak mong magpakitang-tao lamang, hatak ng kasikatan ay bihag,
Sa gimik mong walang lamang pagpapakatanyag,
Sa plastik mong yang madaling mabarag,

Itigil mo na ang nakahahawang kamandag

28 May 2012

Dapat

Forever nang masarap ang leche flan. Matamis. Pati yung syrup. Yung lahat. Buong leche flan. Masaya simutin. Kahit malagkit sa mukha, okay lang. Wala nang tanung-tanong kapag kumakain. Wala nang manners-manners kapag nasa hapag. Basta't alam mong ubusin yung gusto mong pagkain, ngatngat lang. Wala kang pakialam sa iba. Mga tao lang din naman ang gumagawa at nag-uumimbento ng tama. Wala naman talagang tama. Tao ka rin naman. Wala ka nga lang pikachu sa bulsa. 

Forever na rin masarap ang siomai. Steamed. Okay lang, malambot. Hindi sinlambot ng mamon. Malambot yung siomai wrapper. Okay na rin, sumasabay sa lambot ng karne. Kahit ano, hipon. Beef. Pork. Chick. Gulay. Kahit ano, carrots. Basta siomai. Kahit may itlog ng pugo, okay lang talaga. Forever na talaga silang masarap. Ikaw maghahanda, bibigyan ka lang talaga ng siomai. Pipisilan mo ng kalamansi, tapos lalagyan mo ng toyo. Padagdagan mo na rin ng chili. Masarap yung chili. Ang akala ko dati, yung balat yung maanghang sa sili. Yung buto raw pala. Puwede ring fried. Gusto ko yung fried. Malutong. Lahat ng malutong na pagkain, masarap. Chicharon, mani, bawang, balat. Lahat. Hindi lang sa basta malutong ang fried siomai kaya masarap. Iba yung lasa niya sa nakasanayang steamed. Feeling ko lang naman. O mas gusto lang talaga ng bibig ko yung malulutong. Lutong. Pakitong-kitong.

Forever nang masarap ang kapeng ako ang nagtimpla. Secret.

Forever nang nakapandidiri ang okra. Para kang nakikipaglawayan sa kung sinuman. Kadiri. Ayoko nang isipin. Kapag kumakain ka ng okra, may kasamang laway ng iba. Kaso napipilitan pa rin akong kumain ng okra kapag nasa pakbet. Nakasanayan ko na kasing kainin lahat ng pagkain malalagay sa plato ko kapag nakaupo na ako sa hapag. Ayokong nagtitira, parang ampangit. Baka na rin kasi maoffend yung nagluto. Kung ako man yung magluluto, panghihinaan din naman siguro ako ng loob kapag may tinabi sa niluto ko, kapag walang pumansin sa ginawa ko, kapag dinedma lang ang ipinundar ko.

Pinakamasarap na Feeling #11.5

Okay na? Kumain ng munggo. Bumili ng bagoong. Mamitas o magnakaw ng mangga sa kapitbahay. Pagsabayin. Bumili ng shawarma, palagyan ng chili sauce. Kainin. Magtimpla ng chocolate milk, damihan ang chocolate. Magpaluto ng adobong pusit sa lola. Ulamin. Maghintay. Huwag lalabas ng bahay. Hihilab? Enjoy.

Susubukan Ko 'Yan, Panlaman sa Utak Hindi Tiyan

Yung Facebook profile mo, parang CRS, kanina ko pa binabalik-balikan
Ang cute ng picture, may kutis mong malinis, nanaising halik-halikan
Mga linya, gusto kong ipraktis, nang maunawaan
Mahal kita, yung buhay mo oh please akin na lang
Ang korni na, parang ipis, ang sarap tapakan
Kokornerin, lalapitan, tsitsinelasin, lalabas ang laman
Cinareer ang pagpaslang, sobrang intense ng laban
Yung kay Pacquiao, shit, imbis na pagtulungan
Yung mga tao at pulitiko mabilis na pinagpustahan
Sa karerahan, ang pagtakbo nang labis ng kabayong hinihingal
Todong tatadyak ang mga tirador at tugis na tandang
Balbasero, maputi na ang buhok, hugis ng mukha'y buwan
Maraming naaalala, mula beginning hanggang finish ng nakaraan
Ako'y naiinis, dahil sa history ay walang kaalaman
Kaya mga sinasabi'y shit, boring at walang laman
Ang tulang ito parang sa disco, maingay pero walang maintindihan
Pero matagal pa ring inisip ko para mapagtiyagaan
Na parang CRS, na kanina ko pang binabalik-balikan
Mamintis na hihina ang boses, whisper sa kawalan
Careless, I feel, kapag hinimas mo ang aking tiyan
You won't fail, parang Christmas, sobrang kasiyahan
Pag wala ka, parang CRS, handa akong maghintay hanggang sa katapusan