29 July 2012

Kung Sinong Mataya

Kailangang magdisect ng frog noon
At tayo pa ang magkapares
Paano ba kitang mapapaturn on?
Ayoko namang maging careless
Sinubukan ko kamakailan mambully
Kahit na ayaw ko sa mga ganong tao
Nakita ko kasing masaya ka parati
Sa tuwing may kaklaseng tinutuliro
At naitanong mong bigla
Kung saan nga ba makahuhuli ng palaka
Sagot naman agad ako ng kung ano
Dahil ayaw ko sa iyong mapahiya
Sinabi mong wala kang paki
Sa aking mga isinagot
Wala rin naman akong paki
Ayaw ko lang nama’y ikaw’y mabagot
Bigla ka ulit nagtanong
Kung nasaan na kaya yung binully natin
Yung matabang inilaglag ko sa basa
Nalaman mo pala ang aking lihim
Tungkol doon sa pagsosorry
At sa pag-aabot ng pamphlet
Sobra nga kasi akong naguilty
At ayaw ko na iyong maulit
Niyaya mo ako sa ilalim ng tulay 
Kung gusto ko pang mamuhay nang payapa 
Nagpadala ka pa ng camera at diary 
Sa pagkita doo’y umaasa
Pumunta naman ako siyempre
Kasi nga gusto kita
Dala ang bag na may camera at diary
Lumapit ako sa’yong puno ng kaba
Hiningi mo ang camera sa akin
Ibinigay ko naman agad 
Pero nagulat ako nang iyong sabihing
Lumuhod ako sa iyong harap
Ipinarating kong huwag naman sana ganito
Kahit na sumusunod ako sa’yo
At bigla kang lumuhod din sa harap ko
Ating mga labi nagkatagpo
Sa halik mong nakagugulantang
Sinubukan kong maibalik
Iniangat mo sa gilid natin ang camerang
Kumukuha sa ating bawat halik
Nakapikit lang ako
Patuloy sa sayang nararamdaman
Nang sa ang labi mo’y naglaho
Sa labi kong nagulamihanan
Tumayo ka na’t pinasulat ako sa diary
Marami pa kayang susunod na mangyayari?

Film: Submarine (2011)


Parang gusto ko ulit mag-apply.

Para lang makita ulit yung mga tao.
Pare ko, Pare niya. Mare nating lahat.
Pero malay ko ba.
Malinis pa rin ba?


22 July 2012

Goto, Pares, Tapkalog


Alam kong nakita mong mahaba ito kaya hindi mo na matitripang basahin. Pero kasi, nag-enjoy akong maglahad kahit na alam kong hindi ko naman mailalagay lahat tungkol sa sarili ko. Hindi ko alam kung puwedeng pang-exhibit ‘to pero bahala na talaga. Bahalang autobiography.

Ako nga pala si Mart, short for Martin. Tatay ko ang nagbigay sa akin ng pangalan na yan kasi si Martin Nievera ang kanyang paboritong lalaking singer. Siguro, naisip niyang baka masapian man lamang ako ng kahit kaunting kaluluwa ni Martin Nievera para baka sakaling magkaroon siya ng anak na may talent. Lahat naman siguro ng mga magulang, gusto ng anak na may talent, para astig, para mayabang. Pero minalas, hindi ko naman sinasadyang hindi ako marunong kumanta, mahilig nga ako sa musika, kaso walang hilig ang musika sa boses ko. Pero sana, sana lang talaga may ibubuga pa rin ako, na may talento pa rin pala ako, na puwede rin naman akong ipagyabang ng tatay ko.

Hindi ako sa Mart nagsimulang tawagin. Pangalawa nga pala ako sa tatlong magkakapatid at noong wala pa yung bunso naming si Mig, naranasan ko malamang ang maging bunso. Ading ang una kong naging palayaw at hindi ko alam kung bakit. Siguro, pangalawang anak o bunso sa ibang wika, liban sa wikang alam ko: Tagalog. Maliit lang ako noon, hanggang ngayon din naman. Sa Laguna ako ipinanganak noong December 28, 1993, pero sa Cavite na ako lumaki. Pinalaki ako ng lola ko, tawag namin sa kanya ay Mama. Hindi yung Mama na lalaking goons kundi yung Mama as in Mommy. Namulat kasi ako agad na may trabaho na pareho ang mga magulang ko. Namulat na akong hihintayin ko na lamang sila kapag gabi para sa kanilang pasalubong. Oo, alam kong sila ang mga magulang ko pero si Mama talaga yung nakasama ko sa araw-araw kapag wala pa yung mga magulang ko. Madalas niya akong patulugin kapag hapon o pagkatapos kong kumain ng gulay na naman niyang inihain. Kay Mama ako natutong kumain ng gulay, buti na lang e masarap siyang magluto. Siya ang nagpapaligo sa akin noong maliit pa ako, siyempre hindi naman talaga ako malay noong cute pa ako pero kinuwento naman sa akin ang mga bagay na ito. Malaking pasasalamat ang gusto kong ipaabot kay Mama kasi kung hindi dahil sa kanya, sana’y mapili ako sa pagkain ngayon.

Noong papasok na ako sa pre-elem, hindi ko talaga alam yung gagawin ko. Basta ang naaalala ko, may dala akong notebook pero yung teacher namin yung nagsusulat sa notebook na iyon, gamit yung pula niyang ballpen. Tapos pag-uwi ko sa bahay, titingnan ng kuya ko o ng mga magulang ko yung notebook na yun tapos may gagawin na sila. Assignment ko pala yung nandon. Kapag nag-eexam kami, hindi ko alam talaga yung gagawin as in. Kinukulayan ko lang yung mga pictures na walang kulay. Honestly, wala talaga akong maalala. Ang naaalala ko lang, malalaki yung mga lamesa namin at marami kami sa aming lamesa. Naaalala ko rin yung una kong crush sa pre-elem. Malandi lang ba talaga ako? O madali lang talaga akong mabighani? Hindi ko alam. Half-Japanese yung crush ko noong nursery, tapos pareho pa kami ng subdivision. Pero siyempre, noong mga panahon iyon e hindi ko pa talaga alam yung salitang Crush. Basta ang alam ko lang e gusto ko siyang nakikita at nakakatabi araw-araw. Wala na akong balak pang ilagay yung pangalan niya kasi baka may mag-alangan pa sa girlfriend ko. Mabigat na pakiramdam ang selos.

After nung Nursery, pinagsummer reading classes ako ng nanay ko. Kasabay pa nito ang pag-uwi ko sa bahay para magmemorize ng multiplication table. Pinaghahanda na nila siguro ako sa Grade 1. Noong naggrade 1 ako sa St. Jude Academy sa Cavite, siyempre handang-handa na ako. Talaga naman kasing nagagalit yung mga tao sa bahay namin kapag may hindi ka nagets agad kasi iniisip nila na napakadali naman ng ibinabato nila sa akin. Pero kapag sila naman yung hindi nakagets agad, hinahayaan ko na lang.

Sa Grade 1 ko unang nakilala yung best friend ko noong elementary. Tapos malaman-laman ko lang, kapitbahay pala namin siya. Bale sa sobrang galing ko sa school noon, pinapakopya ko na lang siya sa mga assignments namin, tapos maglalaro kami ng Playstation sa kanila. Wala kasi kaming Playstation noon. Siya ang nagmulat sa akin sa bagong paraan ng paglalaro. Siya rin ang nagbansag sa akin ng bago kong palayaw: Mar. Galing naman siya sa Marion. Maria Teresa kasi ang pangalan ng nanay ko kaya nagkaganyan. Marion kasi yung pinantatawag sa akin ng mga teacher ko sa school. Sa katamaran na rin siguro ng wika ng best friend ko, Mar na lang ang itinawag niya sa akin, na ginaya naman ng iba naming classmates. Halos kasabayan na rin ng Mar ang pagtawag sa akin ng Diko. Hindi ko na naman alam kung anong wika ito pero sa tingin ko e second child na naman. Paglabas ko ng bahay, sa Mar ako titingin. Pagpasok, Diko. Kung dalawang pangalan din man lang ang itinatawag sa akin e natutuwa na talaga yung kababawan ko. Nabalewala noon para sa akin si Martin. Pero kebs lang.

Simula Nursery hanggang sa maggrade 6 ako e consistent akong naging top 1 sa klase. Hindi naman sa pagmamayabang pero mabilis kasing makagets yung utak ko noong bata pa ako. Wala pa sigurong maraming distractions. Umalis si Crush noong Grade 4 kami at may pumalit naman noong Grade 5 na girlfriend ko sa ngayon. Para sa kakaibang kuwento kung bakit naging girlfriend ko ngayon yung ka-MU ko noong grade 5, sa ibang araw ko na lang siguro maisasalaysay yon kasi gusto ko sanang 2 pages na lang ang binabalak kong banong autobiography.

Nairita nga pala yung parents ko sa Mar. May ninong kasi akong pangalan e Mar, na taga sa amin din. Tsaka ang pangit daw talaga ng Mar. Dinagdagan ng tatay ko ng letter T tapos BOOM! alam mo na kung bakit naging Mart talaga ang pangalan ko.

Pagkagraduate kong valedictorian sa grade school e sabay kaming nag-entrance test ni MU sa Manila Science High School. Bumagsak siya tapos pumasa ako. Tapos siyempre, sad part ng kuwento kaya hindi na siya magiging part pa ng kuwentong to. Nabigla ako noon sa Masci kasi pakiramdam ko bumobo ako noon. Ang dami na kasing estudyante, tapos ang hirap-hirap na talaga ng Math. As in putang ina, naisip ko, putang ina talaga. Noong high school ako natutong manood ng porn, magcut ng klase, magdrafting, magmuni-muni sa sarili kung bakit ang bobo-bobo ko na sa Math, makipagpalagayang loob sa isa kong sarili kung valedictorian nga ba talaga ako, at magsulat sa Filipino.

Sa bawat Filipino subject kasi, bawat quarter e may ipinapasulat na kung anu-ano ang mga teacher namin. Iyong part lang na iyon noong high school ang pinakanaenjoy ko kasi nag-eenjoy din naman yung mga binobola kong mga teacher namin. Masarap magsulat, masaya, lalo na kung may iniuutos sila sa akin. Mahirap kasi magsulat kapag sinabihan nila ako ng kahit ano ay puwede kong isulat. Para akong pinabili ng regalong kahit ano na lang. Siyempre noong 4th year, malaking bagay sa amin yung UPCAT. Isang mahirap na desisyon iyon para sa akin kasi pakiramdam ko noon, kung anong course yung pipiliin ko e doon na talaga ako magtratrabaho. Nakakatakot, pero paminsan-minsan, exciting isipin kung anong mangyayari sa college life.

Pumasa ako ng BA English Studies, student number 2010-10*** sa UP. Ang pinagpilian ko lang kasi noon sa UPCAT Application Form e Math, Science at English. At dahil na rin sa matinding paghuhukay sa sarili, tinanggap ko na talaga ang sarili kong bano ako sa Science at Math kaya English ang kinuha ko. Hindi naman ako malay noon sa BA Filipino dahil sa maraming courses na nakalista e hindi ko man lamang sinipagang isa-isahin sila. Nag-decide akong magshift sa Filipino noong 2nd year college. At ayun na nga, natanggap naman ako at kasalukuyan akong nag-aapply naman sa ngayon sa UP Cineastes’ Studio.

Kasalukuyan akong nagboboarding house ngayon sa may Area 2, UP Campus, Diliman. Paborito kong kumain ng matatamis na pagkain, lalung-lalo na ng leche flan at pastillas. Marunong akong maggitara at sana’y gumaling naman ako. Hanggang marunong na lang kasi ako. Madali lang sigurong makipagkaibigan kung mapagkaibigan ang gustong kaibiganin. Ayaw ko sa ipis, jologs, OA, pinaghihintay ako, pila kapag enrollment sa UP, mga papansin kahit na alam ko rin naman sa sarili kong nagpapapansin ako. Mahilig akong maglaro ng computer games at naaadik na ako ngayon sa Skyrim. Marunong din akong magdota, magcounter strike, mag-install ng google chrome at magpatintero. Hindi ako marunong magphotoshop, maghead spin at magdrawing man lamang ng matinong Poring. Maliit, maitim, kulot, at naranasan na ring matawag na ita at katutubo noong grade school at high school kasabay pa ng pagtatanong kung saang tribo ako galing. Masaya maging kulot, natutuwa kasi siyang himasin ng girlfriend ko kapag nilalambing niya ako. I love that shit.

17 July 2012

Elef



Maraming posibilidad ang puwedeng mangyari kapag ang isang bansa o isang lugar ay mayroong iba’t ibang wikang ginagamit ng mga tao. Maaaring hindi ganoong magkakaugnay tulad ng Switzerland na may German, French at Italian bilang kanilang mga opisyal na wika, dahil sa may iba’t ibang grupo rin marahil sila ng tao na magkakaiba ang unang wikang ginagamit. Sa Canada rin ay mayroon parte sa kanilang lugar na French ang wikang ginagamit at iba pa rin ang Canadian English bilang variation ng wikang English na sinasalita sa kapitbahay nilang Amerikang may American English naman. Maaari rin namang magkakaugnay halos lahat ng mga wika sa isang bansa tulad ng kung anong nararanasan ng Pilipinas sa ngayon. Mayroon din naman kasing teoryang nagsasabing maaaring nanggaling sa iisang wika ang lahat ng wika. May teorya rin naman umaangkop ang wikang ginagamit base sa lugar na tinitirhan ng taong gumagamit nito. Dahil nga naman siguro sa pagkakaiba ng mga lugar sa buong mundo, hindi na rin mahirap sabihing pupuwede nga naman talagang magkaroon ng malalaking pagkakaiba sa mga wika ng lahat ng tao sa mundo kahit na, ayun na nga, pare-pareho lang naman tayong mga tao.

Sa aking mga nakalap ng datos, at base na rin sa nagawa naming table dati tungkol din sa mga wika sa Pilipinas, hinding-hindi pa rin ako nakahanap ng ibang translation sa mata ng Filipino mula sa iba pang mga malaking wika sa bansa. Ipinagtataka ko talaga ito sapagkat bakit ito lang talaga ang magkakapareho sa dalawang beses kong pangangalap ng salin ng salitang mata? Pinag-uusapan ba ng mga ninuno natin ito dati kapag nakikipagkalakalan sa kanila? Bakit iisa lang? Ito ba ang una nating nakikita sa mga bago nating nakakasalamuha? Gustung-gusto ba nating tumitingin sa mata? Hindi ko alam. Pero mula rito, maaari ko namang sabihing magkakapamilya nga ang mga wika natin sa Pilipinas. Sa pangalawang salitang aking napili e napansin kong kakaunti lang ang nagpapalit ng mga titik sa salitang ‘bahay’. Naglalaro lamang sa mga titik na ‘l’ at ‘y’ ang mga magkakahawig na salita. Nariyan din ang kamot at gamat para sa mga kamay. Magkahawig din ang lima at ima sa ibang mga wika para sa nabanggit na napiling salita. Mula sa pagkakahawig na mga ito ay makikita na ang mga tunog ng salita  sa wikang ginagamit o depende na rin sa lugar na ginagamitan nito ay nag-iiba o nagkakaroon nga naman ng variation. Variation sapagkat hindi naman nagkakalayo (tulad nga ng pagkakalarawang magkakahawig) ang mga salita kapag pinakikinggan ang mga ito. Madaling maintindihan kahit na iisang tunog lamang ang papalitan. Nagkakaroon ng mabilis na pagkakaunawaan dahil nga sa malapit sa nauunawaan o naaalalang tunog na nakaimbak sa memory ng isang taong marunong ng wika sa Pilipinas.

Sa ganitong pagkakahawig , tulad ng nagpapalitang ‘d’ at ‘r’ sa ido at iro para sa aso ng Hiligaynon, Bisaya at Mansaka, at ayam naman sa mga wikang Waray, Bikolano at Romblomanon, may dahilang heyograpikal pa rin ang makikita kung titingnang mabuti ang lokasyon ng mga wikang ito sa mapa ng Pilipinas. Nagkakaroon ng pagkakahawig kung magkakalapit nga lang naman ang mga lalawigan, naipapasa ang mga termino, nagagamit ng magkakalapit na mga tao kapag pumupunta sila sa iba’t ibang lugar na malapit sa kanila, at maaaring naipapasok sa wika ng pinuntahang lugar o maaaring isang pamilya lang din o angkan ang pinagmulan saka sila naghiwa-hiwalay ng titirhan para sa mas malawak na sakop at mas mainam, kumportable at maayos na pagkakahati ng mga yamang kailangan nila sa kanilang ikabubuhay. Ang kasong ito ay maaari lang sigurong ipasok sa mga ninuno pa natin, kaya marahil ay nagkakaroon pa ng iba’t ibang variation at pagkakahawig sa mga salita ng iba’t ibang wika ng Pilipinas. Magandang bagay na rin siguro ito sapagkat mas mabilis tayong magkakaunawaang mga Pilipino kung may ganitong maliliit na gap lamang ang mayroon sa iba-ibang tipong bokabularyo ng maraming wika. Kung madali lang din naman tayong magkakaintindihan e malaking bagay na rin iyon para maraming tao na ang nakikilahok sa pagtulong ng pagtataguyod ng isang bansa dahil sa madali lang sana para sa lahat ang pakikipagtalastasan at pagpapasa, pangangalap at pag-aayos ng mga impormasyon.

Pero Kasi...



Ayon kay Newmark (1988), mula sa kanyang dalawang aklat kung saan inilahad ng tagasalin ang labing-walong teknik ng pagsasalin, ang one-to-one translation o isahang tumbasan ay ang literal na salin na may isa-sa-isang pagtutumbasan ng salita sa salita, parirala sa parirala, sugnay sa sugnay, o pangungusap sa pangungusap. Ipinalalagay na kapag humahaba ang yunit ay mas hindi angkop ang pamamaraang ito. Mula rito, maaaring sabihing hindi sa lahat ng pagkakataon sa pagsasalin ay pupuwedeng gamitin ang teknik na ito. Hindi rin naman pupuwedeng marahil na iisang teknik lamang ang magagamit sa pagsasalin ng isang buong akda o teksto. Madalas, sa mga karanasan sa pagsasalin e nakagagamit ng higit pa sa tatlong mga teknik ang tagasalin para mas makabuo pa siya ng pinakaitatampok na akdang maiintindihan ng kanyang target na audience.

Nabanggit na kaninang isa-sa-isa ang magiging tumabasan kapag napagdesisyunan na ng tagasalin na gamitin ang teknik na ito. Simula sa salita-sa-salita, umabot ito hanggang sa pangungusap-sa-pangungusap. Pero nilinaw rin sa babasahin na hindi rin naman ito aangkop lalung-lalo na sa mga malalaking yunit. Siguro’y mas makasisiguro ang isang baguhang tagasalin katulad ko na gamitin lamang muna ang teknik na ito sa yunit na isa-sa-isa hanggang sa mas malinaw kong makita kung mabisa pa nga ba sa ibang yunit o may mas aakibat pang ibang teknik sa mga kailangan o nais kong isalin.

Halimbawa na lamang, sa yunit na salita-sa-salita, kung isasalin ko ang Ingles na, “The puppy is cute,” sa Filipino, gamit ang teknik na kanina ko pa binabanggit, makukuha ko ang, “Ang tuta ay kyut.” Malinaw na sa unang halimbawa na bawat salita sa pangungusap ng source language na Ingles ay naisalin o may katumbas mula sa aking salin sa Filipino na pangungusap, apat ang salita sa una, dapat bang apat din ang kailangan kong makuha sa target language? Pansinin ding ang cute ay isinalin ko sa kyut, gamit pa ang ibang teknik ng pagsasalin ayon kay Newmark: ang naturalisasyon. Pero alam ko namang maididiscuss pa ang teknik na ito sa iba pang papel. Nais ko lamang sanang ipuntong hindi lamang nadidikit sa iisang teknik ang pagsasalin sa isang pangungusap. Tulad ng nabanggit ko kanina, hindi iisang teknik lamang ang magagamit sa iisang akda. Dagdag pa rito, maaaring higit pa sa isa ang magagamit na teknik sa pagsasalin ng kahit isa man lang na pangungusap.

Hindi man ganoon kamalay sa atin, ang mga Pilipino ay madalas ding gamitin ang teknik na ito sa pagsasalin. Dahil nga sa pagiging bilinggwal ng ating bansa dahil sa pagtuturo ng Ingles, naeexaggerate natin paminsan-minsan ang pagsasalin kapag gusto nating magpahayag sa Ingles. Tulad ng sinabi ng isa kong prof, kapag gusto nating Englishin ang pangungusap na, “Ako ay tapos na,” malimit na maririnig natin ang, “I am finished already,” na kung titingnang mabuti e hindi na kailangang marinig pa ang already. Dahil sa marahil ay nais talaga nating maisalin lahat ng salita sa Filipino sa target na language, hindi sinasadyang sumosobra tayo hanggang sa umabot tayo sa lugar o bagay na sa tingin natin ay tama.

07 July 2012

Huwa Na Lan Nati Pag-usapa

May nanalo na naman bang hindi deserving? Talaga? Hindi raw ba nagpakatotoo si Myrtle? Ano ba talaga kapag real? Ano ba talaga kapag reality? Ano ba talaga nga ba talaga kapag reality TV show? Totoo ba ang mga tao sa camera? Kapag may nakita ba akong photo sa Facebook, puwede na akong manghusga? Puwede rin naman ata. Feeling ko kasi napatunayan ko na 'to. Nung first year high school pa lang ako sa Masci, may nakita akong malaking lalaking kabatch ko. Inisip ko lang naman, isip-isip ko lang naman talaga na feeling ko talaga at sobrang lakas talaga ng pakiramdam kong bobong kausap tong taong to kapag nakikipag-usap siya. Nang dumaan ang dalawa hanggang tatlong taon, tatak na sa maraming batchmates ko na kapag natawag ka sa ngalan niya o narinig mo ang pangalang ito e tatanga-tanga talaga ang maiisip mo. Hindi ko alam. Ayan na naman yung mga hindi ko alam. Marami naman talaga akong hindi alam. At isa na ito. Itong tamang akala ko. Tsamba? Suwerte? Lotto? O magaling lang talaga ako? Tama ako magmasid? Tama lang ako magmasid. Masaya magmasid sa mga tao. Lalo na kapag alam nilang pinagmamasdan mo sila tapos todo pakipot pa silang akala mo e pinapaparazzi na celebrity. Instant celebrity ika nga. Pero bakit nga ba ako tumama? Paano akong tumama? Ibinase ko lang ba ito sa pagmumukha niyang mukha talagang tanga? Sa ngiti niyang putang inang sarap sampalin ng tsinelas? Hindi lang naman siguro. Bago naman kasi ako manghusga ng tao, pinapakinggan ko muna sila magsalita, o tinitingnan ko muna mga sinusulat nila. Napakalaking advantage kapag pinakikinggan ko sila para sa pag-aassume kung anong klaseng tao sila. Medyo tama si Barney, minsan, 15 minutes ko pa lang naririnig ang isang tao, parang ayaw ko na siyang kasama, parang gusto ko na siyang sampalin. Medyo mahirap naman kapag binabasa ko lang yung sinusulat ng isang tao. Tulad nito, alam niyo na agad na feeling matalino lang ako at mahilig lang ako magpapansin sa internet. Feeling niyo kung anu-ano lang ang sinasabi ko at ang bobo-bobo ko naman talaga. Feeling niyo, wala naman talagang kuwenta mga sinasabi ko, walang laman, trying hard magpakagenius at epal lang. Assuming masyado.

Dineserve mo ba talaga lahat ng meron ka ngayon? Huwag na yang materyal na mga bagay na yan, kahit na alam naman nating wala sila kapag wala ang mga magulang mo. Yang talino mo? Matalino ka na ba talaga agad? Kung sa bagay, may mga mahihirap na matatalino talaga kapag nagpursigi. Sige, nasa sarili na rin yun kapag pagaganahin at determinasyon. So deserve mo nga. E bakit ka pa nagrereklamo sa dami ng gagawin? Bakit bawat oras na lang, kailangan ganito, kailangan dapat ganyan? Hindi ka puwedeng magdikta sa kung anong dapat na mangyayari sa 'yo di ba? O bakit ka pa nagrereklamo? Umabot ka ba sa kalagayan mo ngayon dahil lang sa pagpupumilit sa gusto mong mangyari? O sumunod ka na lang sa mga pinabuhat sa 'yo pero mura pa rin nang mura? Puwede bang gawin mo na lang?

Dineserve bang manalo ni Myrtle? Bakit? Kapag alam mo bang maraming camerang nakapalibot sa 'yo, magpapakatotoo ka pa rin ba? Hindi ko sinasabing iisa lang ang sagot ko sa papansing tanong na iyan. Pero kung ako ang tatanungin, syempre hindi. Unang-una, masaya minsang magpakamisteryoso. Yung ibang tao ka sa iba, ibang tao ka sa iba. Alam nating lahat yan. Kung wika nga ang pag-uusapan, nag-iiba ang ating wika kapag nasa labas na tayo ng tahanan o malayo tayo sa pamilya natin. Madalas nga, malayo pa tayo sa mga lumalapit sa atin, yung unang naging malapit sa atin. Hindi rin madalas malay, mas inaayawan pa natin sila, binebenta pa sa mga taong mas kakaunti ang naibigay, naitulong sa kabuuan ng buhay natin. Naiiwan na naman yung mga nasa bahay. Dineserve mo ba sila? O forever na lang silang magiging mga taong bahay? Nandiyan ka ba ngayon sa kasikatan mo kung wala sila? Pero bakit mas gusto pa rin natin sa labas? Kasi masaya? Walang rules no? Pero babalik at babalik pa rin tayo sa real, sa reality, sa walang camera, sa walang binenta at biniling boto, sa putang inang buhay na wala kang ibang gagawin kundi sundin ang mga sumisigaw.

Isang papansin ka lang, extra sa camera kumbaga. Kaunti bayad, puwede na.

Samtotyudunwanahir



Ang diglossia, ayon kay Ferguson (1959), ay isang uri ng bilingualism sa pagitan ng magkalapit at genetically na magkaugnay na mga wika o mga variety ng wika.[1] Sa madaling salita, ang diglossia ay nangyayari sa isang lugar kung saan mayroong dalawang nakahihigit na wika ang ginagamit. Halimbawa na lamang sa Pilipinas, mayroon pa ring pag-aalinlangan at mayroon pa ring mga debate tungkol sa kung mayroon nga bang diglossia sa ating bansa dahil sa kalituhang dinadala ng kung ang Filipino nga ba at Tagalog ay dalawang magkaibang wika. Hanggang sa ngayon, pinipilit na linawin ng Komisyon sa Wikang Filipino na ang Filipino ay hindi Tagalog, kundi malaking bahagi lamang nito ang ibinase sa Tagalog at ibinase pa rin naman daw ito sa iba pang mga wika sa Pilipinas.[2] Kung ako ang tatanungin, hindi naman talaga malalayo ang Tagalog sa Filipino sapagkat grammar pa lang ng Tagalog at maraming wika sa Tagalog ang ginagamit sa Filipino. Kung sasabihin nating isang malaking salik ng wika ang grammar na ginagamit nito, hindi talaga maitatangging tunog Tagalog talaga ang Filipino. Sa pagiging buhay at dinamiko naman ng wika, sa kanyang pagbuo ng mga bagong salita at panghihiram pa sa ibang mga wika, maaari kong sabihing nanghihiram lang naman talaga ang Tagalog, gamit pa rin ang kanyang sariling grammar, mula sa iba pang mga wika. Kung sasabihin kong nanghihiram ang isang wika sa iba pang mga wika, bilang isang likas na katangian ng iba pang mga wika, bakit pa kailangang ibahin pa ang tawag sa Tagalog at tawagin pa itong Filipino kung Tagalog na Tagalog ang tunog nito sa ating mga pandinig? Pagbabase nga ba ito sa iba pang mga wika ng Pilipinas kung manghihiram lang ng mga salita at iba pang mga termino mula sa iba pang regional languages, ni walang grammar na malayo sa Tagalog ang ginagamit ng nakararami? Sa kabila ng lahat ng ito, nalilito o nag-iiba pa rin ang aking mga isasagot sa kung ano talaga ang aking wikang ginagamit: kung Filipino nga ba, na natutunan ko sa paaralan, o yung kinalakhan kong Tagalog-Cavite, na hindi naman nalalayo sa mga naririnig kong ginagamit ng aking mga guro at propesor na “Filipino.”

Ayon pa sa Keywen.com, ang diglossia ay isang sitwasyon kung saan ang mga dialectal variety ng isang wika ay nagfafunction nang hindi magkapareho.[3] Dinagdagan pa nila ito na katulad pa ng maraming wika sa Timog Asya, ang wikang Bengali ay nagpapakita ng isang matinding kalagayan ng diglossia sa pagitan ng pormal o nakasulat na wika at bernakular o binibigkas/sinasalita na wika. Gaya ng napagkasunduan noong huling discussion naming noon sa Fil 115, na ang bernakular na wika ay ang mother tongue ng isang indibidwal, malilinaw na hindi naman natutunan ng isang tao ang kanyang unang wika (kung nakapagsasalita at nakaririnig man siya) sa pasulat na paraan, ni hindi ito itinuturo sa kanya. Natututunan lamang ng isang tao ang kanyang bernakular na wika o mother tongue sa hindi sapilitang patuloy na pakikinig at paggamit nito. Malamang sa malamang, alam niya agad kung mali ang kanyang napakikinggan sa wikang kanyang kinagisnan, pero hindi niya maipapaliwanag nang mahusay at malinaw kung bakit. Dito na pumapasok ang sinasabi kanina tungkol sa pormal o pasulat na wika. Kung ang paaralan ang may tungkuling ituro na sa mga mag-aaral ang kanilang wikang natututunan at ginagamit sa pang-araw-araw, bakit Filipino ang itinuro nila sa kanila. Okay lang sana kung Tagalog/Filipino ang bernakular na wika ng isang bata pero paano kung hindi? Isa pang magandang punto sa depinisyong ipinahayag sa talatang ito na iba ang wikang pasulat sa wikang pasalita o pagbigkas. Mangyari lang din lamang, ayon sa depinisyon ng register na nag-iiba ang wikang ating ginagamit depende sa sitwasyong ating kinapapalooban: kung tayo man ay nasa loob ng silid-aralan e pormal, at kung kasama ang ating mga kaibigan ay di pormal. Magkaiba talaga. Bakit nga ba, sa kung isang wika lang naman ang ginagamit, e bakas pa rin ang malinaw na pagkakaiba sa wikang ginagamit sa pasulat at pabigkas ng mga tao? Mula rito, maaari kong sabihing nagkakaroon pa rin ng mga variety ang wika, hindi lamang base sa lokasyong heyograpikal, hindi lamang base sa uring kinapapalooban sa lipunan at hindi lamang sa bawat nag-iisang indibidwal, kundi mayroon ding variety ang wika depende sa kung sino ang iyong gustong padalhan ng mensahe. Sa kabila ng kaliwanagang ito, may tanong pa rin akong susubukang sagutin. Bakit magkaiba ang wikang pasulat at wikang pasalita? Laganap na, lalung-lalo dito sa unibersidad ang sinasabing ponolohikal na variety ng wikang Filipino na nagsasabing ‘kung ano ang bigkas ay siya ring baybay.’ Kung pasalita lang naman ang pag-uusapan, hindi naman na talaga kailangan pang magtalo dahil sa nagkakarinigan at nagkakasagutan lang naman ang mga tao sa bawat pakikipagtalastasang kanilang gagawin. Pero kung ipapasulat mo na sa kanila ang kanilang mga sinasabi, lalu na sa wikang Filipino, at kung may susunod pa sa ponolohikal na variety na nabanggit, magkakaroon pa rin ng maraming pagkakaiba mga isusulat na salita. Halimbawa na lamang, maaari kong isulat ang salitang phonology sa wikang Filipino sa dalawang magkaibang paraan: maaari itong maging fonoloji o ponolohiya. Kung talagang ayaw pang manghiram, tulad ng ilang mga puristang Filipino, gagamit pa ako ng isang salitang “malalim” na maaaring katumbas ng nabanggit na salita. Kung susumahin, nagkakaroon pa rin ng mga pagkakaiba sa mga pagkakaiba ng wikang ating ginagamit. Nagkakaroon ng pagkakaiba sapagkat nagbabago ang kalayaan ng isang tao kung hindi niya ramdam sa isang sitwasyon kung kailangan niyang pansining maigi ang wikang kanyang ginagamit.



[1] “Diglossia,” huling binago noong Hulyo 01, 2012,
[2] “Diglossia in the Philippines,” huling binago noong Hunyo 05, 2007,
[3] “Diglossia,” huling binago noong Hulyo 01, 2012,

29 June 2012

Cotton Tail

Waterfalls. Wala akong maisip na pamagat. Pesteng mga pamagat. Mahaba ba dapat nilalagay rito? Hindi mo naman babasahin kapag nakita mong mahaba e. Lyrics na lang kaya? Hindi mo naman kakantahin malamang. Caption. Caption naman daw kasi. Kailangan ba? Baka nagpapapansin lang ako. E malupit naman ako magpapansin e. Joke lang. Hindi ako malupit. Si Trey Parker malupit. Si Chito Miranda malupit. Ako? Never naging malupit. Hindi mo alam kung bakit nandito ka na. Hindi mo alam. Hindi ka sure kung gusto mong ituloy. Natatakot ka. Feeling mo pinagtitripan ka. Feeling mo lang yun. Titingnan mo yung dulo. Tiningnan mo nga. Syempre joke lang, hindi mo tiningnan, pero titingnan mo talaga. Chinecheck mo na agad yung finish line? Puwede bang i-check ang daan bago ang race? Masisilip mo ba ang kalawakan ng karagatan kung trip mong maglayag? Kunwari may mapang ibinigay sa iyo, pero hindi mo naman ito magagamit nang maayos. Aasa ka pa rin sa sarili mo. Itutuloy mo pa ba? Gusto mo ba ito? Ginusto mo ba talaga? Minamanipula ka na ba? Hindi. Huwag kang makikinig sa boses sa isipan mo. Mag-concentrate ka sa nakikita at naririnig mo. Syempre nag-iisip ka pa rin. Iniisip mo kung bakit ka pa rin tumutuloy. Isasara mo na ba? Baka may malupit pa ring mangyari, kahit kanina pa wala. Matagal ka nang naghihintay. Naghihintay ka na lang sa wala. 

16 June 2012

Flush

Gabi. Kagagaling lang ni Dighay sa school. Siyempre, pagdating niya sa bahay e kunwaring makikitang pagod na pagod siya ng nanay niya para hindi na siya pagraratratin pa ng mga tanong na kinabukasan e maririnig niya na naman.

Dighay: Kumain na po ako sa labas.

Nanay: Kumain ka na ba?

Dighay: Nag-KFC na po ako bago umuwi.

Nanay: Ah. Nagkasya ba pera mo?

Dighay: Opo. Sige na, aakyat na ako sa kuwarto ko. Ang dami ko pa yatang assignments.

Nanay: Magtoothbrush ka muna. Baka makatulog ka na naman sa lamesa mo. Magsuklay ka nga ng buhok mo. Ang gulu-gulo o! Ang laki-laki mo na, hindi ka pa rin maalaga sa sarili mo. Paano kang magkakagirlfriend niyan?

Dighay: Oo na po. Eto na po.

Matapos magpakitang-tao ni Dighay e tinuloy na ang pag-akyat sa kanyang binubuong mundo. Madilim. Ilaw lamang ng kanyang lamp shade na color blue ang nagbibigay ng katiting na liwanag sa kanyang silid. Kalahati lamang ng kama niya ang makikita habang ang kanyang lamesa at laptop na nakapatong dito ang kinasabikan niyang puntahan pagkasara niya ng pinto at ilock ito.

Dighay: Nakakatamad gumawa ng assignments.

As usual.

Dighay: Sana online si Crush.

Facebook. Yahoo Messenger. iTunes. Isinaksak na ni Dighay ang kanyang headphones at naghintay nang magload ang lahat ng kanyang pinasukan.

Game.

Dighay: Uy! Online si Crush! Syeeeeeet men. (nagtatype) Anong assignments natin Crush?

As usual.

Crush: Biology. Hindi ka ba nakikinig kanina? :))

Dighay: Hindi e! Hehehe!! :)) XD Nakakatamad kasi makinig. Boring. :/

Crush: :))

Dighay: Anong kailangan sa Bio?

Crush: Madali lang. Parts of a microscope. Pati types.

Dighay: Wala na? Yun lang??

Crush: Oo. :)) Tapos sa Filipino, magbasa tungkol kay Francisco Baltazar.

Dighay: Yun lang?? 

Crush: :)) Oo nga! :))

Dighay: Sige salamat! Buti na lang online ka. Hehe. :)

Crush: NP. :)

Napagtantong kokopya lang naman pala ng mga sagot sa internet si Dighay kung sisipag-sipagin siya. Hindi na niya kailangang maghukay sa Google dahil sa Francisco Baltazar at microscope lang naman pala ang ipahahanap niya sa Diyos. No hassle. NO HASSLE? Mamaya na yan.

Dighay: Ang dali lang naman pala ng assignments. Pero buti na lang nagtanong ako. Leche yung teacher namin sa Bio. Putangna maliit na bata tapos ang taray-taray. Katamad pakinggan. Tapos yung sa Filipino matandang mareklamo. Tanda-tanda na, nagrereklamo pa rin. Tangna dukutin ko nunal niya sa labi e.

Muling chineck ni Dighay ang pintuan niya kung nakalock na talaga. Nagbukas ng bagong tab...

Dighay: Sige.. SIGE.. uhh... uhh... UHH... FUCK FUCK PUTANG-- UHH. AHH!!!

Balik kay Crush.

Dighay: (nagtatype) Uy, salamat ulit ah. :))

Crush: 

Nakakatamad pa rin gumawa ng assignment. Nadagdagan pa ang pagod ni Dighay. Dahil sa hindi na naman siya sinagot ng crush niya, minabuti niya na lamang na mag-ikut-ikot muna sa Facebook.

Dighay: Putangna. Nakakatamad! Nakakatamad sa school. Sa bahay. Kahit saan puta. Putang ina nakakatamad.

Sa sobrang bagot ni Dighay sa buhay e nagstat na lang siya sa Facebook.

Dighay: (nagtatype) Nakakatamad talaga!

Napansin ng isa sa mga kaibigan ni Dighay ang kanyang status kaya sumagot ito sa pagpapapansin niya. Pagpapapansing sagot sa nagpapapansin.

Sinok: Tangnamo! Ano ba gusto mo?

Dighay: Tite.

Sinok. Gusto mo tite ko?

Dighay: Hindi. Gusto ni Crush.

Sinok: Tang ina mo, huwag mong isama syota ko rito.

Dighay: Tang ina ko? Bakit? Ayaw ba ng syota mo tite mo?

Sinok: Tang ina anong problema mo? Syempre gusto niya no?

Dighay: E tarantado ka pala e. Ano pang ikinagagalit mo sa sinabi ko kanina e gusto naman pala ni Crush yang titi mo?

Sinok: Tang ina mo walang bastusan. Gago ka gulpi ka sa akin bukas.

Dighay: Ikaw pa may ganang manggulpi? Putang ina bastos ba yung sinabi ko? Magpaplastikan na lang ba tayo rito? Kapag totoo tapos hindi madalas makita, bastos na agad? E tarantado ka pala e! Sana hindi na lang tayo ginawang ganito kung ayaw nating makita nang ganito: kung ano talaga ang gusto natin, kung ano talaga tayo. Magpapakitang-tao na lang ba lahat tayo rito? Putang inang yan.

Tinamad lalo si Dighay. Nagbukas ng bagong tab: Google.com.

31 May 2012

You're Welcome

God ka nang God, e di ka nga marunong magpatawad?
Ano, gusto mo? Gusto mong aking iladlad?
Yang pagpapapansin mong walang patawad?
Huwag ka nang tatanga-tanga kung ayaw mong malaglag
Ano ba, nakikita ba talaga Siya o ika'y tungak na bulag?
Kapag tinira kayo nang ganito, feeling mo may palag
Kang titira pabalik para ano? Para magpaliwanag?
Ng ano? Kung paano kang nagiging mapalad?
May nangyaring malupit at masaya, si God na agad?
Kung sa bagay, wala naman akong damdaming sagad
Sa pagkamapangarapin mo; sa langit ay hangad
Pero kung mapangalandakin yang bunganga mong bangag
Sa Facebook o Twitter, pagtunganga'y saki'y labag
Sa katulad ng utak mong ang Ebanghelyo'y last week lang e nilipad
Na kung saan mang lugar, dala na ng hangin: karag-karag
Pilitin mo mang alalahanin, wala kang puso, HUNGKAG!
Butas yang dibdib mo, wag magmalinis, sawimpalad
At nagkakalat pa ng pictures, wow, maraming Tags,
Hits, Likes and Shares galing sa mga tulad mong internet fag
Magpopost ng ganito, sa internet naman nagbababad
Ni walang oras sa bible na pinababasa ni God
Photos ni Jesus sa timeline mo, wow, nakabilad
Galit na nakapulupot sa kaaway nama'y 'di kalag
Kumbaga sa laro, yang utak mo lag
Sige, padyak pa! Maraming uling, idagdag
Sa utak mong mangmang, aamin ding banayad,
Sa balak mong magpakitang-tao lamang, hatak ng kasikatan ay bihag,
Sa gimik mong walang lamang pagpapakatanyag,
Sa plastik mong yang madaling mabarag,

Itigil mo na ang nakahahawang kamandag

28 May 2012

Dapat

Forever nang masarap ang leche flan. Matamis. Pati yung syrup. Yung lahat. Buong leche flan. Masaya simutin. Kahit malagkit sa mukha, okay lang. Wala nang tanung-tanong kapag kumakain. Wala nang manners-manners kapag nasa hapag. Basta't alam mong ubusin yung gusto mong pagkain, ngatngat lang. Wala kang pakialam sa iba. Mga tao lang din naman ang gumagawa at nag-uumimbento ng tama. Wala naman talagang tama. Tao ka rin naman. Wala ka nga lang pikachu sa bulsa. 

Forever na rin masarap ang siomai. Steamed. Okay lang, malambot. Hindi sinlambot ng mamon. Malambot yung siomai wrapper. Okay na rin, sumasabay sa lambot ng karne. Kahit ano, hipon. Beef. Pork. Chick. Gulay. Kahit ano, carrots. Basta siomai. Kahit may itlog ng pugo, okay lang talaga. Forever na talaga silang masarap. Ikaw maghahanda, bibigyan ka lang talaga ng siomai. Pipisilan mo ng kalamansi, tapos lalagyan mo ng toyo. Padagdagan mo na rin ng chili. Masarap yung chili. Ang akala ko dati, yung balat yung maanghang sa sili. Yung buto raw pala. Puwede ring fried. Gusto ko yung fried. Malutong. Lahat ng malutong na pagkain, masarap. Chicharon, mani, bawang, balat. Lahat. Hindi lang sa basta malutong ang fried siomai kaya masarap. Iba yung lasa niya sa nakasanayang steamed. Feeling ko lang naman. O mas gusto lang talaga ng bibig ko yung malulutong. Lutong. Pakitong-kitong.

Forever nang masarap ang kapeng ako ang nagtimpla. Secret.

Forever nang nakapandidiri ang okra. Para kang nakikipaglawayan sa kung sinuman. Kadiri. Ayoko nang isipin. Kapag kumakain ka ng okra, may kasamang laway ng iba. Kaso napipilitan pa rin akong kumain ng okra kapag nasa pakbet. Nakasanayan ko na kasing kainin lahat ng pagkain malalagay sa plato ko kapag nakaupo na ako sa hapag. Ayokong nagtitira, parang ampangit. Baka na rin kasi maoffend yung nagluto. Kung ako man yung magluluto, panghihinaan din naman siguro ako ng loob kapag may tinabi sa niluto ko, kapag walang pumansin sa ginawa ko, kapag dinedma lang ang ipinundar ko.

Pinakamasarap na Feeling #11.5

Okay na? Kumain ng munggo. Bumili ng bagoong. Mamitas o magnakaw ng mangga sa kapitbahay. Pagsabayin. Bumili ng shawarma, palagyan ng chili sauce. Kainin. Magtimpla ng chocolate milk, damihan ang chocolate. Magpaluto ng adobong pusit sa lola. Ulamin. Maghintay. Huwag lalabas ng bahay. Hihilab? Enjoy.

Susubukan Ko 'Yan, Panlaman sa Utak Hindi Tiyan

Yung Facebook profile mo, parang CRS, kanina ko pa binabalik-balikan
Ang cute ng picture, may kutis mong malinis, nanaising halik-halikan
Mga linya, gusto kong ipraktis, nang maunawaan
Mahal kita, yung buhay mo oh please akin na lang
Ang korni na, parang ipis, ang sarap tapakan
Kokornerin, lalapitan, tsitsinelasin, lalabas ang laman
Cinareer ang pagpaslang, sobrang intense ng laban
Yung kay Pacquiao, shit, imbis na pagtulungan
Yung mga tao at pulitiko mabilis na pinagpustahan
Sa karerahan, ang pagtakbo nang labis ng kabayong hinihingal
Todong tatadyak ang mga tirador at tugis na tandang
Balbasero, maputi na ang buhok, hugis ng mukha'y buwan
Maraming naaalala, mula beginning hanggang finish ng nakaraan
Ako'y naiinis, dahil sa history ay walang kaalaman
Kaya mga sinasabi'y shit, boring at walang laman
Ang tulang ito parang sa disco, maingay pero walang maintindihan
Pero matagal pa ring inisip ko para mapagtiyagaan
Na parang CRS, na kanina ko pang binabalik-balikan
Mamintis na hihina ang boses, whisper sa kawalan
Careless, I feel, kapag hinimas mo ang aking tiyan
You won't fail, parang Christmas, sobrang kasiyahan
Pag wala ka, parang CRS, handa akong maghintay hanggang sa katapusan

07 May 2012

Darating

Hindi ko alam kung kailangan kong maghanda
Maganda na rin naman yung mga bagay na pinagkakasya
Sa isang maliit na box, libro, panty.
Pero bakit? Hindi ko naman na talagang ginustong sumakop
ng mga alaalang mahirap isipin kung titiklop
O nagpapapansin lang
Sama-sama silang gumagawa ng mga gagambang
Halos sabay-sabay na ring sumasapot
Sa mga walang saplot, sapot, supot
Supot ng mga alaalang hindi masigurado
Kung kailangan bang sunugin, irecycle
para kunwari tumutulong ako sa mga puno
Boobs, tite, puke, malamang mga tao
Naghuhubad para lang mahiya
Nagsasaplot para lang mapagsabihan, magtago
Sa loob ng damit, ng maskara, ng kasinungalingan
Kasinungalingang tumutuon sa tama, sa totoo
Sa tunay na hinahanap ng mga tao
Wala naman talagang bayag, atay, o buhok
Bulbol sa siko, bulbol sa tuhod, bulbol na dila
Bulbol sa dila, idadaan na lang sa ngipin, sa flash
Ngingiti, bibili ng plastic cover para balutan
Ang sarili, itago sa iba
Sayang lang ang puno
Dahan-dahan muna, mawawala ang liwanag
Kunwaring mag-eexercise ng leeg, ng ulo
ng buhok, basa.
Minsan talaga basa.
Pagpapawisan kaunti, tapos pahinga
kaunti lang din
Akala mo'y bumubulong ka na lang, pero hindi na talaga
Bilis, wala nang naririnig, nakikita
Pipikit, didilat, sisilip
Bilis, pawis, malinis
Kailangan nang maglinis

05 May 2012

Luc

Ang pelikula ay tungkol sa isang lalaking nangarap maging isang ganap na babae. Hindi man niyang napansin agad, at hindi niya rin naman ginusto, naging daan ang kick boxing para matupad ang kanyang pinakapinapangarap. Naging isang magandang ironiya ito para sa akin sapagkat kung sino pa ang mas madalas na makitang mahina ng lipunan ay siya pang mas nakapagtaguyod ng tunay na lakas, hindi lamang sa mula sa panlabas ngunit pati na rin sa panloob na pagpapakilala ng sarili. Isa si Toom sa mga nabubuhay na tao lamang din, ngunit sumisira sa mga “pinagbabatayan at kinokondisyong” pamantayang nakadikit sa pangangatawan ng isang nilalang, na magsisilbing hantungan ng kanyang magiging papel at responsibilidad sa buhay. Nagustuhan ko ang palabas sapagkat nagamit ni Toom ang pangangatawang nagkataon ay napunta sa kanya para makamit ang pangangatawang ginugusto niya talagang panatilihan. Kadiri man para sa akin ang pagpapasex change dahil sa operasyong pagtatanggal ng ari, nakatutuwang isiping may mga tao bumabalikwas sa idinidikta ng lipunan kaugnay ng matinding pagbase sa pangangatawan. Isa akong malaking tagahanga ng mga taong inaabot ang mga gusto nila at hindi nagpapatalo sa mga “tama” sa lipunang kanilang ginagalawan.

Nais ko ring pansinin ang sinabi ng kanyang ina sa simula na hindi dapat nagpapahaba ng buhok ang lalaki. Hindi rin daw dapat nagsusuot ng pambabae ang isang lalaki dahil sa pagtatawanan lamang siya. Mula rito, sa isang mababaw na pagtingin, mukhang ayaw lang mapahamak ng ina ang kanyang anak. Tama nga namang tingnang ayaw ng isang ina na nahihirapan at pinagtitripan ang kanyang anak. Kung nasasaktan ang anak marahil ay masakit din ito para sa kanyang mga magulang. Maganda na rin namang hindi pinahihirapan at nagagawa ang gusto ng mga magulang, ngunit sa mas malalim na pagtingin, sumusunod sa social construction ang ina. Marahil ay hindi pa nila tanggap ng kanyang asawa ang ninanais na kasarian ng kanilang anak. At dahil nga sa madalas na pagtuunan ng pansin ang mga bakla o bading, mas pinipili nila ang direksyong makabubuti para sa kanilang anak. O makabubuti nga ba talaga? Makabubuti ba ang pagpigil sa gusto ng anak kung wala naman itong halos na panama sa kanyang kinabukasan? Makapagpaphirap ba ang kanyang pagiging bakla sa pagkamit niya ng kanyang pangarap? Pinaghirapang sagutin ni Toom ang mga katanungang ito ng kanyang mga magulang. Ipit man sa ilang mga diskriminasyon, naitulak pa rin ng tinaguriang Beautiful Boxer ang kanyang sarili sa dulo ng kanyang minimithi.

Sa huli, nais ko na ring pansinin ang isang linya ni Toom, “In the ring, you have no choice.” Sinabi niya ito dahil sa kailangan niya talagang talunin ang kanyang mga kalaban. Kahit na sa paminsan-minsa’y nakikita niyang nahihirapan siya sa paghihirap ng kanyang kalaban, kailangan niya pa ring ituloy ang laban. Hindi niya lamang ito ipinakita sa ring kundi maging na rin sa labas ng stadium, sa kanyang buong reyalidad. Ang ring na iyon ay hindi ang pagkulong ng lipunan sa mga nararapat mo lang na gawin kundi wala kang ibang puwedeng gawin kundi ipaglaban mo ang gusto mo kahit ano pa mang idikta sa iyo ng iyong mga manonood.

Passenger's Seat?

Para sa mga Organizers?

1. Ano po yung mga usual dates na idinaraos ang Santacruzan sa lugar ninyo?

2. Bakit niyo po napili ang mga ganitong linggo? Anong oras? Bakit ganoong oras po?
3. Mula saan po nagsisimula ang prusisyon? Paano po ang ikot ng prusisyon? May kasama po bang mga sakristan at pari?
4. Kayu-kayo rin po ba ang pumipili ng mga Reyna at Hermana?
5. May mga nagvovolunteer po ba para magreyna o hermana?
6. Anu-ano po ba ang batayan sa pagpili ninyo ng Reyna? Pangangatawan? Pagmumukha? Dapat ho ba e sexy? Maganda? SEKSING-SEKSI? NAGSALI NA PO BA KAYO NG MATABA? O KAHIT CHUBBY PARA WALA NAMANG MASAKTAN KUNG NAKAKABIT MAN ANG INYONG TIMBANG SA INYONG PAGTINGIN SA SARILI?
7. Isinasali niyo rin po ba yung mga mayayaman? Yung may kakayahang magsponsor sa mga gaganaping pangyayari patungkol sa simbahan?
8. May back-up po ba kayong plano kung sakaling umulan? Bumagyo? May nagkasakit na Reyna o kung sinuman? May nawalang mahalagang gamit? O sa madaling sabi e naghahanda ho ba kayo ng pamalit? Pamalit na tao? Pamalit na bagay o kung anuman?
9. Magkano ho ang nagagastos ninyo?
10. Bakit ninyo dinaraos ang ganitong okasyon?
11. Masaya ho ba kayo sa ginagawa ninyo?
12. Bakit ho iyon ang mga pamantayang napili at napagdesisyunan ninyo para sa pagpili ng mga Reyna o Hermana?
13. Naging Reyna o Hermana na ho ba kayo? Anong feeling? Anu-ano ang mga preparasyong ginawa ninyo bago idaos ang mismong Santacruzan?

Para sa mga napili nang Reyna o Hermana?


1. Anong feeling?

2. Pinili ho ba kayo o nagkusang-loob ho kayong sumali?
3. Anu-ano ang mga preparasyong ginawa ninyo para matugunan ang hinihingi sa inyo ng nasabing okasyon?
4. Magkano ang gastos?
5. Kung saka-sakali, gusto niyo pa bang umulit? Bakit?
6. Bakit po kayo sumali dati?

Para sa mga pari?


1. Magaganda ba yung mga sumasali? Masaya ba silang tingnan?

2. Ayos ba?
3. Maganda bang idinaraos ang mga ganitong okasyon?
4. Ano ang significance nito sa bibliya? Meron ba?
5. Gumagastos ba ang simbahan para rito? O pera ng mga organizers ang nagagamit? Sino ba talaga ang mga hinayupak na gumagastos para sa mga ganitong pagkakataon?
6. Kung sinu-sino lang ba ang puwedeng maging Reyna o Hermana?
7. Bakit ba bigla na lang may ganitong pagtingin sa mga babae? Anong klaseng pagtingin ang ganitong pagdaraos?

04 May 2012

Astig


Ang buong artikulo ay halata namang tungkol sa body language na naturang makikita sa maraming Pilipino. Mayroon naman kasing dalawang paraan ng komunikasyon: ang verbal, kung saan gumagamit ng mga salita ang makikipagtalastasan, at ang di verbal, kung saan walang kasamang salita ang pumapaloob sa nangyayaring o sisimulang pakikipagkomunikasyon. Nakapaloob na rin dito ang body language, na gumagamit ng alinmang parte ng katawan, basta madaling maihahatid sa iyong kinakausap ang nais na iparating na mensahe. Maaari ko na ring idagdag sa mga naunang nasabi patungkol sa body language na malaking nagpapatakbong bahagi nito ay ang kultura. Nakapaloob kasi ito, ang body language, sa kultura. Kung walang kultura, hindi magkakaroon ng ibig sabihin sa kahit na kanino ang alinmang inilalabas o ginagawa ng isang tao. Magiging lutang lamang ito kung wala itong pinaghuhugutang kultura. Nagkakaroon lamang ng ibig sabihin at katanggap-tanggap lamang ang isang body language o anumang verbal na komunikasyon, o sa madaling sabi, ang isang wika, kung may itinataguyod itong kultura.
           
Nakapaloob sa inilakip na artikulo ang pagkakaroon ng body language ng mga Pilipino mula sa pagbati, mga negatibong reaksyon o di katanggap-tanggap sa lipunang Pilipino at kinokonsiderang bastos sa kahit na kaninong Pilipino, tamang etiketa sa loob ng mga silid-Pilipino, pagkuha ng atensyon ng mga Pilipino, paggalang sa matatanda at ang usapin ng pagngiti sa pagitan ng bawat Pilipino. 

Ang pagbasa ko pa lamang sa unang bahagi ng pagbato ng mga body language ng isang Pilipino e napangiti na ako. Paano ba naman kasi, totoo nga namang madalas tayong bumati nang kilay lamang ang ating ginagamit, sabay ngingiti. Napatunayan ko na ito noong high school pa lamang ako. Mayroon kasi kaming gurong Hapon. Hindi ko naman namalayan agad na binati ko siya na gamit ang aking kilay. Napagtanto ko na lamang na hindi ito ginagamit sa mga hindi Pilipino nang ang aking gurong Hapon ay nag-bow, bilang sagot sa pagtaas ko ng kilay sa kanya. Nakakatawa man, mas madali kong naintindihang may mga bagay na ginagawa ang mga Pilipinong natural nga lang talaga sa atin, hindi natin madalas namamalayan at tanging sa Pilipinas lang talaga ginagamit. Ginagamit lang din natin ang pagtaas ng kilay na bating ito kapag siguro’y nagmamadali tayo at walang oras makipag-usap sa ating binabati. Maaaring ginagamit din ang pagbating ito kapag hindi tayo naging masyadong malapit sa nais nating batiin. Madalas ding gamitin ito sa mga kaedad lamang o may maiikling agwat lamang ng edad na binabati pero miminsan o hindi naman talaga na ginagamit sa mga matatanda sa atin. 

Mula rito, gusto ko nang ipasok ang binabanggit ng artikulo na may mataas tayong paggalang sa matatanda natin. Hindi man nabanggit kung anong tawag, pasok na pasok ito sa diwang Pilipino na pagmamano ang inilalarawan ng nagsulat. Ang pagmamano ay madalas pa ring makikita sa tuwing may nagkakasalubong na magkapamilyang Pilipino pero may iilan na ngayong humahalik na lang sa kanilang matatanda. Maaaring pinipili na lamang ng matatandang halikan sila dahil siguro’y ang pagmano ang nagpapaalala sa kanilang matanda na sila. Kung titingnan nating mabuti, ang pagkakaron marahil ng edad sa kontekstong Pilipino ay mabigat at malaki ang ibig sabihin sa bawat indibidwal kaya ang pagmamano ay maaaring maging simbolo na ika’y matandang dapat igalang at may pinagdaanan na. 

Sa mga negatibong pagkilos naman sa kontekstong Pilipino, nabanggit sa artikulo ang pamemeywang, pagtitig nang masama at panduduro. Uunahin ko na ang pamemeywang. Ang pamememywang, sa paningin ng mga Pilipino ay naghahatid lamang ng mensaheng nakatataas ka o nagpapahiwatig ng mas mataas na awtoridad sa iyong kinakausap. Magiging bastos lamang ito kung gagawin sa harap ng nakatatandang kausap dahil sa nagmumukhang mas maalam na ngayon ang namemeywang kaysa sa matandang kanyang kinakausap. Sumunod na ay ang pagtitig nang masama. Popular naman na ito sa mga batang may ginagawa mali tapos idinadaan ng kanilang mga ina sa titig para magtumigil ang kanilang mga musmos sa patuloy na pangungulit. Ang pagtitig sa kontekstong Pilipino ay madalas na nakatatakot at nakapagdadala ng mabigat na pakiramdam, hindi lamang sa gumagawa, kundi sa ginagawan, wala mang lumalabas na salita sa bibig. Ipapasok ko na rin ang, “Makuha ka sa tingin!” ng mga Pilipino. Ang panghuli, ang panduduro ay isa pa ring bastos na pagkilos sa kinokomunika. Bastos ang dating nito sa kinakausap sapagkat mukhang pinipigilan mo siya sa kanyang patuloy na pagsasalita, o sa kanyang ginagawa. Madaling makapagpatigil ito ng ginagawa. May nakatatakot ding dating tulad ng pagtitig. Isa pang nakapaloob na usapin dito ay ang usapin ng mga hindi nakikitang nilalang. Ang pagturo lamang kung saan-saan sa Pilipinas ay nakatatakot sapagkat naniniwala ang maraming Pilipino na maaaring may maituro kang hindi mo nakikita. Ang maaaring sagot sa pagkakamaling ito ay ang pagkagat sa ipinanturong daliri. Ang psst, o pangkuha ng atensyon ng mga Pilipino ay simbilis lamang ng ginagawang pang-ikot ulo ng pantawag na hoy. Ang psst at hoy ay bastos din ang dating ngunit wala tayong magagawa, kahit na sinong gumawa o sumigaw ng ganitong mga wika, madaling-madaling titingin ang mga Pilipino kahit na hindi kilala ang boses na narinig. Ipinagtataka ko lamang ay kung bakit nakapaloob ito sa body language na artikulo e lumikha na ng tunog ang nakikipagkomunikasyon. Maaari bang ibig sabihin nito e kaya isinama ng sumulat ng artikulo ang pantawag na ito sapagkat wala namang umaangat na depinisyon sa diksyunaryo ang mga pangkuha ng atensyon ng mga Pilipino? 

Sa pagngiti naman, natawa rin ako sapagkat sa lahat na lamang ng pagkakataon ay nakangiti na parati ang mga Pilipino. Hindi naman nito ipinararating na baliw tayong mga Pilipino na kahit kailanman, kahit saanma’y nakangiti na lamang tayo, na kahit nahihirapan na tayo, kahit galit na galit na tayo e nakangiti pa rin tayo. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay ganoon pero marahil ay may kaunting pinaghuhugutan pa rin ito sapagkat may mga nginingitian na lamang na problema ang mga Pilipino. Sabi nga ni Bamboo sa kanta niya na Noypi: “Sa dami mong problema, nakuha mo pang ngumit. Noypi ka nga. Astig.” Ganito man, may mas malalim pa akong pagtingin kung susuriing mabuti ang sinasabi ng artikulo na parati na lamang tayong nakangiti. Nais ko sanang ipuntong masayahin lang talaga tayong mga Pilipino. Pantulak na rito na madali tayong mapangiti. Mahilig tayo sa mga piyesta, sa mga kasiyahan. Madadaldal ang mga Pilipino sa ibang bansa, ayaw natin ng nakababasag na katahimikan. Ang katahimikan sa atin ay malungkot. Ayaw natin ng malungkot, mahilig tayong mga Pilipino sa maingay na paligid, sa maraming makakausap, sa maraming kaibigan, sa masaya.
           
Sa lahat-lahat, natuwa naman ako sa nabasa kong artikulo tungkol sa body language ng mga Pilipino. Nawa’y hindi na ito mabura sa ating mga Pilipino, lalo na’t ngayo’y bumibilis na ang daloy ng komunikasyon dahil sa internet at cellphone. Maganda na ring nakikipag-usap tayo sa labas ng bahay, nakikisalamuha nang nakikita at nakakasama ang kinakausap, nararamdaman nang direkta at walang hiya ang katawan at ngiting Pilipino.

30 April 2012

Pinakamasarap na Feeling #2

Hintaying mag-summer. Okay na? Magtimpla ng kape sa tumbler. Huwag gagamit ng mainit na tubig para sa buong tumbler na puno ngunit gumamit lamang ng mainit para tunawin ang kape. Saka lagyan ng malamig na tubig at timplahing mabuti. Ilagay sa ref. Hintaying dapuan ng antok na imposible nang labanan. Bago matulog, inumin ang kapeng inihanda sa ref. Ubusin. Magsipilyo bago magpakasarap sa lambot ng kumot at unan dahil sa ang pangit talaga ng feeling na matutulog nang kaiinom lamang ng kape. Kapag nagising nang madaling araw, iyong mararamdaman ang uhaw na gustung-gustong mapawi. Kumuha ng malamig na tubig mula sa ref at uminom. Siguraduhing wala kang naaalalang nakakatakot kapag nasa bahaging ito na ng pinakamasarap na feeling. Pero dahil tanga ang sumusulat ng instructions e maaalala mo ang isang babaeng nakatingin sa iyo habang unti-unti siyang lumalapit. Matapos uminom at makipagkuwentuhan sa white lady e bumalik na sa kama. Ulit-ulitin hanggang sa mapawi na nang lubusan ang uhaw. Enjoy.