30 January 2022

The Boy Abunda Presidential Interviews, 2022 (Pacquiao)

source: https://youtu.be/BvNpOO9ehFM
disclaimer: this is not an official transcript.
average reading time: 39 mins

note:
before remarking on errors,
check the audio from source first.

Boy: Good evening. Welcome. Our special guest tonight, Senator Manny Pacquiao. Senator Manny, magandang gabi. Welcome at maraming salamat for being here.

Pacquiao: Magandang gabi po, at sa ating mga nanonood ngayon.

Boy: Let's start with the environment, specifically, Senator Manny, itong issue on mining. Noong Abril 2021, si President Duterte, nilift niya yung 9-year moratorium on granting new mining permits through Executive Order 130 kasi may moratorium 'yan e na walang mga bagong permiso ang pagmimina. Samantala, December 2021, the Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay nilift din nila yung ban ng open-pit mining sa pamamagitan ng Department Administrative Order No. 2021-40. Itong desisyon na ito ng DENR at tsaka ng Presidente ay pinuri ito ng mining industry. Samantala, binatikos ito ng mga human rights and environment defenders. Ito ang aking katanungan, Senador Manny, you are applying to become the next President of the Republic of the Philippines, 'pag kayo po'y pinalad na manalo, itong mga desisyon ni Presidente at saka ng DENR, pagtitibayin niyo ho ba ito o ipapawalang-bisa?

Pacquiao: Gusto ko lang pong iexplain sa inyo na yung mining kasi, hindi naman po ipinagbawal talaga 'yan sa mata ng ating Panginoon. Even before, sabi nga ng Panginoon, 'I give you, I brought you the land that you can dig copper out of it,' so meaning to say, there is a ano, but responsible. Kailangan, 'wag mong sirain yung kalikasan because ang kalikasan, bahagi ng ating buhay. 'Pag sinisira mo yung kalikasan natin, sinisira, pinapaiksi mo yung buhay natin dito sa mundo kasi isa lang ang katangian na nacreate ng Panginoon na kakaiba, ang tao. Ang pagcreate ng Panginoon sa tao, hindi niya, sinabi niyang by words. Nagform siya ng soil at binigyan niya ng hininga. Galing tayo doon sa universe that He created, so that's why, therefore, we are part of the universe that He created. Part sa buhay natin 'yan kaya the more na sinisira mo, the more na pinapaiksi natin yung buhay natin dito sa mundo.

Boy: Pero sa 'yong pananaw, Senador Manny, ay payag ka, ika'y pabor sa ethical, or ang tawag nila diyan ay sustainable mining, as oppose to total ban mining, a, total ban on mining.

Pacquiao: Hindi ako pabor diyan sa total ban, iban mo yung mga mining na 'yan.

Boy: Okay ka dun sa sustainable.

Pacquiao: Okay naman yun, basta responsible, at hindi mo, hindi ka nakakasira ng kalikasan.

Boy: Okay.

Pacquiao: For example, kailangan, may rehabilitation...

Boy: Program.

Pacquiao: Program.

Boy: Dahil ang sinasabi ng mga advocates ng laban sa pagmimina ay ito'y nakakasira nga ng natural habitat. Kahit daw e, may reforestation program ay hindi mo naman naibabalik yung talagang porma na iyong sinira. Marami daw mga natatanggal sa, na mga locals, yung mga naninirahan doon, nadidisplace, may water pollution. What do you wanna say?

Pacquiao: Kaya nga po na kailangan nating responsible mining. Mayro'n, may tinatawag na mga, like, small-scale mining, nagmimina, kaya ang sabi ko ay hindi natin ipinagbabawal 'yan pero kailangan, responsible na hindi naman makakasira ng kalikasan, at hindi makakasira ng tao, at maapektuhan yung mga tao.

Boy: Balik lang ako dun sa katanungan dahil nilift nga ng DENR yoong ban sa open-pit mining. Marami ang nagsasabi na ito daw ay talagang sobrang destructive, 'ika nga. 'Pag sinasabi mo, Senador Manny, na, 'Basta 'wag mo lamang sisirain ang kalikasan,' anong ibig mong sabihin, at anong dapat ang programa na meron ang responsible miners, halimbawa, para maayos yung kalikasan at hindi masira?

Pacquiao: Dapat may time period na nagmimina ka, and then after that, irehabilitate mo, yung gano'n na, para hindi talaga totally masira.

Boy: Ang sinasabi naman ng mga advocates, kahit ibalik mo raw yung mga kahoy, e, hindi na yun e. Naiba na. Naiba na yung kung nasaan yung mga kahoy, nasaan yung mga ilog, at saka lalo na yung water pollution.

Pacquiao: Yun nga, Boy, ang sinasabi ko na kailangan, kailangan talagang responsible mining. Kung nakakasira 'yan, bakit mo papayagan? Kung nakakaapekto sa komunidad na nasasakupan doon, nakakaapekto sa kanila, ba't mo papayagan?

Boy: So, Senator Manny, ikaw, 'pag ikaw ang naging Presidente ay itutuloy mo yung ginawa ni President Duterte na wala nang ban ang new permits on mining. Okay sa 'yo 'yon.

Pacquiao: Kokontrolin natin. Kokontrolin natin na hindi yung, halimbawa, for example, ang dami nang inissue nang inissue nang permit diyan, tapos mag-iissue ka pa ulit. Talagang masisira talaga ang kalikasan, I mean, kung example, Mindanao area, that area, isang license lang, o, magmine na, tapos may limit lang. Kailangan, nakatutok ang ating gobyerno para mabantayan ang mga open-pit mining na 'yan.

Boy: So, ireregulate, 'ika nga...

Pacquiao: Yes, yes.

Boy: Yung mga bagong mining permits kasi yung moratorium na 'yon ang nilift ng Presidente...

Pacquiao: Tama.

Boy: Pero yung open-pit mining, sa 'yong pagkakaalam, Senador Manny, hindi ba 'yan masyadong nakakasira sa kalikasan?

Pacquiao: Delikado po talaga 'yan kaya kailangan talaga ng pagsupervise ng ating gobyerno na titingnang mabuti kung ito ba'y dapat may open-pit mining dito, o, kasi kung crowded area na 'yan, e, parang...

Boy: Basta ang iyong kinakatigan ay yung sinabi ng Panginoon na, yung kanina sa umpisa ng ating pag-uusap.

Pacquiao: Hindi, yung, hindi naman ako sarado sa open-pit mining kasi hindi naman talaga 'yan, 'di ba, pero alalahanin natin na ang kalikasan is bahagi ng ating buhay. Diyan tayo galing. Hindi tayo cinreate ng Panginoon by words. 'Di ba, sabi ng Panginoon, 'Let there be light and...'

Boy: Maraming salamat, Senador Manny. Ngayon naman, pag-usapan natin ang COVID-19. Let's talk about the pandemic. Sa kasalukuyan, Senador Manny, dalawang bagay ang alam natin. Una, pinadapa tayo ng pandemyang ito. Mahigit three million cases sa bansa, sabi ng DOH. Mahigit fifty thousand deaths sa Pilipinas. Sabi naman ng John Hopkins COVID-19 dashboard, more than three hundred million cases around the world at mahigit nang five million deaths globally. Maraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho po, kabuhayan, mga mahal sa buhay. Marami ang nasirang relasyon, mga plano, mga pangarap. Yun po ang una. Alam natin na napakavicious nung virus. Pangalawa, alam din natin na ang virus na ito ay napakaunpredictable. Dalawang taon na natin itong nilalabanan, at maraming variants na ang ating naririnig. May mga Alpha, Beta, Gamma, Delta, Delta Plus, ngayon, yung Omicron. The virus, according to experts, acquires genetic changes. Nagmumutate ito. Kung kailan, paano, ano na naman ang susunod na pangalan, hindi natin alam. It is both vicious and unpredictable. Ito po ang katanungan, Senator Manny, given the unpredictability and the viciousness of this virus, at bilang Presidente ng Pilipinas, kung ika'y papalarin sa darating na eleksyon, ano ang programa mo para sa COVID?

Pacquiao: Unang-una po, kailangan na, yung sinabi sila, magpavaccinate, vaccinate, vaccinate, vaccination. Iannounce natin 'yan. Yung hindi magpavaccinate, so, huwag natin pilitin kasi naissue ngayon 'yan e, yung magpavaccinate o hindi. 'Wag natin pilitin, at 'wag natin aalisin doon sa mga hindi nagpavaccinate, na aalisin natin yung rights nila na magtrabaho, makapaghanapbuhay, so isa lang po 'yan sa aalisin natin na, hindi pilitin kasi lahat tayo, may karapatan na magdesisyon e, sarili natin. 'Yan yung gift na binigay sa atin ng Panginoon, yung free will to choose. Pangalawa po ay hindi po karapat-dapat na maglockdown na maglockdown, maglockdown at magsarado, resulting to closure ng lahat ng mga, karamihan sa mga businesses dito sa atin. Mawawalan ng pagkain ang ating mga kababayan. Mawawalan ng trabaho, lahat 'yan, and then solution, para hindi tayo mangutang nang mangutang ng pera para panggastos dito, kailangan, pangalagaan natin yun, magfocus tayo dun sa revenue income ng ating gobyerno para in case na may magganyan mang mga sakuna, hindi tayo mag-iisip agad, 'Mangutang tayo, mangutang tayo, mangutang tayo,' dahil wala tayong pera, which is kung may pondo ang ating gobyerno, walang problema kasi kayang hindi tayo maglockdown, maglockdown dahil may pondo ang ating gobyerno, madaling solusyunan, okay. For example, like, preparado na tayo, katulad nitong nangyayari sa bansa natin na maraming mga sakuna, typhoons na dumarating sa atin. Dapat before pa, nagprepare na tayo niyan, na mangyayari at mangyayari palagi dito sa bansa natin 'yan. Dapat may mga facilities na tayo na dapat silang silungan at hindi matitinag o matumba ng bagyo.

Boy: Okay. Puntahan ko yung pang-apat mong point na sinabi, Senador, yung hindi tayo nabibigla 'pag may dumadating na bagyo, katulad na lamang na hindi tayo nabibigla 'pag meron na namang bagong variant. Siyempre, ang ating dasal ay sana'y wala na at tapos na ito, kasi 'pag dumadating ang bagyo, parang nasisindak pa rin tayo, so ang sinasabi niyo po ay dapat may mga programa.

Pacquiao: May mga programa nga na nakaabang diyan. Kumbaga sa ano, ang sinasabi ko talaga dito sa ating bansa, Boy, na magkaroon tayo ng long-term concrete plan. Kasama lahat 'yan, sa mga, yung mga sakuna na dumarating sa bansa natin, plano sa pagdevelop ng ating imprastraktura, at tsaka yung economic development natin, yung ekonomiya natin na palakasin para makapagbigay ng trabaho sa milyun-milyong mga Pilipino.

Boy: Iyan yung long-term na solusyon na sinasabi niyo po.

Pacquiao: Yes.

Boy: Doon naman sa pataasin pa ang revenue collection sa ating gobyerno, paano ang gagawin mo doon, Senador Manny?

Pacquiao: Nako, 'yan po ang pinakaimportante talaga sa bansa natin dahil kung wala pong pondo ang ating gobyerno, mangutang nang mangutang, ta's may, gumagastos ang ating gobyerno taun-taon. Ngayon, 5.2 trillion something ang approved budget pero ang income ng ating gobyerno, nasa 2.7 trillion lang, so yung deficit no'n, uutangin natin yun, so ang sinasabi ko rito, managing a country, para kang nagmamanage ba, isimplify ko na lang, para kang nagmamanage ng isang bahay, na kung gumagastos ang bahay ng ganitong halaga, e, dapat hindi ka gagastos nang mas mataas pa diyan. E, sa bansa natin, kakaiba. Mas malaki yung ginagastos natin kaysa kinikita, tapos palaki nang palaki yung ginagastos, paliit nang paliit yung kinikita ng ating bansa.

Boy: Ano ang panggagalingan nung mga revenues? Ano ang panggagalingan nung mga kita na iyong sinasabi, Senator Manny?

Pacquiao: Unang-una, Boy, yung corruption. Maniwala ka sa 'kin. Mahigit isang dekada kong pagserbisyo, nakita ko 'yang, kaya ako talagang naglakas-loob na tumakbo talaga para ipaglaban ang ating bayan. Nakita ko ang kurapsyon sa ating gobyerno. Kung hindi mababago yung corruption diyan, hindi masugpo 'yan, walang mangyayari sa bansa natin.

Boy: Okay. Yung pangalawang point na sinabi niyo po ay lockdown, lockdown, lockdown, lockdown.

Pacquiao: Lockdown.

Boy: May mga nagsasabi naman, doon sa mga ibang bansa na nacontrol yung COVID ay maaga sila naglockdown, maaga, agresibo silang nagreact. Your comment.

Pacquiao: From the beginning, Boy, ito announcement ko, sabi ko, okay, magfocus tayo doon sa procurement ng vaccines pagdating ng ano, pero pagdating ng, habang wala pang vaccine, lockdown muna tayo, lockdown muna, para may ano pa, isang lockdown lang, tapos habang naglolockdown, magvaccinate tayo lahat, tapos 'pag marami nang vaccinated na tao, saka tayo mag-open, then hindi na kaagad maglockdown ulit, maglockdown na naman ulit. Vaccinated yung mga tao, lalo na yung mga nagtatrabaho.

Boy: Nag-umpisa ka doon sa point na may mga taong ayaw magpavaccine, 'wag nating pilitin, karapatan nila 'yon.

Pacquiao: Yes, tama po, tama po.

Boy: Pakipaliwanag.

Pacquiao: Yes po, karapatan po nila 'yan na 'wag natin silang pilitin dahil sarili po nila 'yan e. Natatakot sila, o sa paniniwala nila, sa kanilang belief, may karapatan po...

Boy: Let's now turn our attention to poverty, pero ang pag-usapan natin, Senador Manny, ay joblessness, yung kawalan ng trabaho, at gutom. Tuwing eleksyon, saksi ang sambayanan sa mga slogan ng mga kumakandidato...

Pacquiao: Tama po 'yan.

Boy: Na, lalo na sa pagka-Presidente. Alalahanin lamang natin, President Gloria, 'Pagkain sa bawat hapag-kainan,' President Erap, 'Erap para sa mahirap,' President Aquino, 'Kung walang corrupt, walang mahirap.' 'Ika nga, starring ang mahirap 'pag eleksyon. According to Philippine Statistics Authority (PSA), ang mga walang trabaho, para lamang maalala natin, Senador, October of 2001, 3.27 million, October 2010, 2.79 million, October 2016, two million, October ng 2021, 3.5 million. Ayon naman sa SWS (Social Weather Station), kaya ang ibig sabihin ho nito ay perception, ang mga kababayan nating nagugutom in percentages, taken into consideration, population fluctuation po, third quarter ng 2001, 9.3%, third quarter of 2010, 15.9% ang nagugutom, third quarter of 2016, 10.6%, September ng 2021, 10% or around 2.5 million Filipinos ang nagugutom. Ang ating katanungan, bilang nangangarap at nag-aapply bilang kandidato bilang Presidente ng Pilipinas, sa kasalukuyan, sabi ng PSA, 3.5 milyong Pilipino na walang trabaho, 2.5 milyong Pilipino naman ang nagugutom, as President of the Republic of the Philippines, with urgent problems of joblessness and hunger, Senador Manny, ano po ang inyong gagawin?

Pacquiao: Maraming salamat po, Boy, sa pagbibigay ng pagkakataon na iexplain ko sa inyo itong topic na ito. Ang gagawin po natin, palakasin natin yung ekonomiya natin. Mag-invite tayo ng, marami akong mga kaibigan na 'pag ako daw naging Presidente, mag-iinvest sila dito sa ating bansa, makapagprovide ng job, pero hindi po natatapos yung plano natin diyan. Kailangan mabigyan ng trabaho din yung mga milyun-milyong mga Pilipino na walang trabaho kasi 'pag may mga investor na pumapasok dito, ang unang requirements niyan 'pag para makaapply kang trabaho, kailangan, college graduate ka. Marami sa kababayan natin na hindi graduate ng college, o high school graduate lang, o under pa, hindi pa nakapaggraduate ng high school, so paano sila mabigyan ng trabaho? Ang gagawin po ng ating gobyerno, maglaan ng pondo, papautangin yung mga small, medium enterprises na walang interest para makapagstart sila ng negosyo nila at makapagbigay ng trabaho sa milyun-milyong mga Pilipino. 'Yan, gagana ang ating ekonomiya, lalakas ang ating ekonomiya, and then magfocus tayo sa PDC. Hindi ito post-dated check, hindi ito post-dated check, production, distribution, and consumption, 'yan ang laging pinagbabasehan, yung production, distribution, and consumption, para mamanage natin nang husto ang ating bansa, kaya naman talaga ako, naglakas-loob talagang tumakbo pa rin, ipaglaban ang ating bansa, ipaglaban ang sambayanang Pilipino dahil nakita ko kung ano ang kinabukasan ng ating bansa. Talagang lugmok tayo sa kahirapan, at utang tayo nang utang. Walang revenue income ang ating gobyerno kaya naman ako, talagang masama ang loob ko dahil dito sa corruption. Makita ko sa kulungan ang mga kawatan sa gobyerno, magsama-sama, 'yan ang kasiyahan ko.

Boy: Ayon sa statistics na, qinuote ito ni Deputy Ombudsman Cyril Ramos, twenty percent of the national budget, which is equivalent to around seven hundred billion, ay napupunta daw sa kurapsyon.

Pacquiao: Tama po 'yan. Seven hundred billion or more pa ang napupunta sa corrupt, sayang na sayang yun kasi masave mo lang yung five hundred billion...

Boy: Anong gagawin mo dun, specifically, sa kurapsyon bilang Presidente?

Pacquiao: Alam mo, Boy, marami akong mga strategy diyan e. Wala silang lusot pero hindi ko lang ibulgar sa kanila kasi magpeprepare yun e, mga kawatan 'yan e, ano 'yan e, kumbaga sa ano, may mga strategy na ako na gagawin para mapakulong ko silang lahat. Wala silang kawala. I will not compromise anybody.

Boy: Senator Manny, yung problema ng walang trabaho at nagugutom ay napakaimmediate. Meron ka bang short-term program, na itong ating mga kababayan na walang makain at walang trabaho ay maibsan naman ang kanilang pagdurusa?

Pacquiao: Kasama po 'yan. Kasama po 'yan sa ating programa, yung pagbibigay ng housing, libreng pabahay, at saka, yung hanapbuhay. Bibigyan natin 'yan ng hanapbuhay para may pangkabuhayan. Araw-araw, may pambili sila ng pagkain nang mabuhay sila kasi naranasan ko ang walang pagkain sa isang araw, naranasan ko na walang matulugan, naranasan ko na magutom. Tubig, iyong tubig lang, Boy, ang nakasurvive sa amin. Tubig lang, inom lang tubig, kaya hindi ko maalis sa sarili ko na emosyunal ako masyado pagdating sa mga mahihirap dahil dumanas kami sa, dumanas kami sa hirap. Nagutom kami. Tubig lang inumin namin para makasurvive kami sa isang araw. 'Yan yung desire ko, puso ko, na gusto kong tulungan ang ating bansa, tulungan ang mga mahihirap na tao dahil dumanas ako ng walang pagkain sa isang araw.

Boy: Kanina, nagsimula kang magpaliwanag doon sa sinasabi na iyong mga kaibigan abroad, na they are willing to help you 'pag ika'y pinalad maging Presidente ng Pilipinas. Can you be more specific, Senator Manny? Sinong mga kaibigan ito at ano ang kanilang maitutulong sa atin?

Pacquiao: Maraming salamat, Boy, at marami akong nakausap na kaibigan na mga bilyunaryong mga tagaibang bansa na 'pag ako daw nanalo ng...

Boy: Katulad, Senador Manny?

Pacquiao: Katulad ng, alam niyo naman kung sinong mga kaibigan ko, 'no, mga malalaki, 'pag ako nanalo ng pagka-Presidente ay mag-iinvest sila dito sa bansa natin, so sounds good, makatulong sa atin lahat.

Boy: Okay. Can you name names?

Pacquiao: Although, nandiyan naman 'yan si Jack Ma na lagi kong kaibigan at may investment na din naman 'yan dito sa Pilipinas, at marami pa po, hindi lamang sa, sa Amerika, marami.

Boy: Okay. Pangalawang point na sinabi mo kanina ay edukasyon, dahil kahit pumasok dito ang negosyo, kung wala namang qualification ang mga kababayan natin para makapagtrabaho, how will you implement an effective educational system?

Pacquiao: Ang gagawin natin, libreng edukasyon, kahit, kasi natatakot, libreng edukasyon pero may babayaran silang miscellaneous sa school so may bayad pa rin, so yung libre talaga hanggang makapagtapos ka sa kurso mo na kung wala kang panggastos, ang gobyerno ang gagastos sa 'yo, kahit anong kurso, pero magserbisyo ka sa gobyerno nang, halimbawa, dalawang taon, tatlong taon, after that, puwede ka nang magprivate kung hindi mo magustuhan sa gobyerno.

Boy: Maraming salamat, Senator Manny. Punta naman tayo sa OFW, sa Filipino migrants. Noong September 2019, estimated number of OFWs ay 2.2 million according to Philippine Statistics Authority (PSA). 96.8 of that are overseas contract workers, may mga kontrata. Ang walang kontrata ay 3.2%. Samantala, ang mga remittances, ang, na naipapadala dito sa atin ng OFWs, 28.9 billion US dollars noong 2018, 30.1 billion US dollars noong 2019, 29.9 billion US dollars noong 2020, at 25.9 billion noong, dollars, noong October 2021. Noong 2018, Senator Manny, remittances sent by OFWs accounted for eleven percent of the total GDP of the country. Sa kabilang dako naman ho, marami ang kanilang naipapadala na pera dito sa Pilipinas, pero may sinasabing social cost na dahil nga ito sa pagkakahiwa-hiwalay ng mga magulang at ng mga anak, dahil kadalasan, ang nanay o ang tatay, o ang tatay at ang nanay, ay nasa abroad, ang mga anak ay naiiwanan dito, so itong tinatawag na social cost ng OFWs ng migration, at ang sabi nila, ito ay unquantifiable because it contributes to the destruction of the Filipino family. Tanong, Senator Manny, 'pag ikaw ang Presidente ng Pilipinas, how will you balance the economic contributions of the OFWs, itong napakalaking remittances, and the unquantifiable social cost of migration that contributes to the destruction of the Filipino family?

Pacquiao: Tutulungan po natin 'yan sila, Tito Boy, kasi, Tito Boy na, talagang kawawa po 'yan sila. Sila po ang mga bayani talagang ituturing natin kasi malaki tulong nila sa ating bansa din. Nakakatulong din sila, and then ayoko mang, ang plano ko talaga, ayokong mahiwalay sila sa kanilang mga pamilya kasi diyan karamihan naghihiwalay e, yung mag-abroad yung isang pamilya, tapos ang asawa, mag-aabroad, and then pagbalik, wala ka nang babalikan, e, may kakilala nang iba, so yun po ang nangyayari do'n, pero pagdating po sa mga ganyang usapin ay malaki po ang talagang role ng mga OFW natin na dapat nating tulungan, at gabayan ng ating gobyerno, para naman sila, hindi mapabayaan.

Boy: Kasalukuyan kasi, Senator Manny, hindi natin maiiwasan, dahil may kakulangan nga ng trabaho dito sa Pilipinas so napipilitan kadalasan ang mga magulang o ang mga anak mag-abroad para kumita para sa pamilya, pero yung sinasabi nga natin, may social cost naman. Maraming napapariwara, maraming nabubuntis, maraming nag-aasawa nang maaga, dahil wala nga dito ang gabay ng mga magulang. Ikaw lang ngayon, bilang Senador at bilang possible President of this country, anong magagawa mo doon? Will you create a balance? Anong programa, anong polisiya, ang puwede mong magawa?

Pacquiao: Ang plano ko talaga, Boy, sa bansa natin, na ang trabaho, maghanap ng tao. Hindi ang tao, maghanap ng trabaho, para hindi na sila pumunta pa sa abroad para iwanan yung pamilya para maghanapbuhay.

Boy: Anong gagawin mo do'n para...

Pacquiao: Palakasin natin yung ekonomiya natin, at pagpapalakas ng ekonomiya natin para hindi maging, ano ba, pataasin natin yung salary standardization sa bansa natin. Maraming mga paraan na puwede nating gawin basta malinis lang. Sugpuin natin 'yang corruption. Makikita mo ang pagbabago sa ating bansa.

Boy: Senator Manny, bumabalik at bumabalik ka dun sa corruption. Can you tell us more, what you know about corruption in this country?

Pacquiao: Alam mo, Boy, kaya ako balik nang balik sa corruption, para malaman ng, kasi gusto ko malaman ng taumbayan na kaya nagkaganito ang ating bansa, kaya nagkaganito yung sitwasyon ng Pilipino, sitwasyon ng ating bansa, because of corruption. Kung wala 'yang corruption na 'yan, ang layo na ng narating ng bansa natin. Hindi tayo kulelat, at tayo pa siguro ang number one sa buong Asia. Totoong-totoo 'yan na sinasabi ko, diyan sa nadiskubre ko sa gobyerno, sa isang dekada o mahigit isang dekadang pagseserbisyo. Wala akong vested interest dito sa pansarili ko, kundi ang vested interest ko rito, para ang tao, matulungan ko. Yung mga kasama ko, kung saan ako nanggaling, yung isang kahig, isang tuka, yung hindi pa makakain, gusto ko naman guminhawa ang buhay nila. Gusto ko, yung mga susunod na henerasyon, hindi nila maranasan yun naranasan ko.

Boy: Senator Manny, yung kurapsyon na ating pinag-uusapan is deeply engrained doon sa sistema dito sa Pilipinas. Paano mo, paano mo babanggain yun?

Pacquiao: Boy, ito lang, kailangan, may political will ka, iimplement mo nang husto ang batas, na walang mayaman, walang mahirap, kasi sa Pilipinas, tanggapin natin katotohanan, ngayon, nangyayari talaga, na 'pag ang mahirap magnakaw, kulong. Mayaman, magnakaw, hindi makukulong kasi maraming pera. Isa na 'yan sa inexample ko, pero maraming aspeto ng buhay na talagang dehado ang mga mahihirap. Gusto kong ipantay. Gusto kong pantay-pantay tayong lahat, pantay-pantay na malayang maghahanapbuhay, may mga trabaho na makikita dito sa ating bansa.

Boy: Do you look forward to the day, Senator Manny, na mababawasan nang husto ang mga taong umaalis ng Pilipinas para magtrabaho sa abroad?

Pacquiao: Yes. Yes, gusto ko, tangkilikin ang sariling atin. Gusto ko, dito na kasi itataas na natin yung salary standardization e, across the board, at palakasin natin yung ekonomiya natin.

Boy: Gaano kataas ang taas nung mga suweldo na sinasabi mo?

Pacquiao: Ngayon nga, isinisigaw ko sa nurses natin, gusto ko, minimum, fifty thousand a month, so talagang ano 'yan, itataas natin 'yan. Kasabay ng pagpataas natin, palakasin natin yung ekonomiya natin, and then ipupush natin yung local autonomy para empowering the LGU, idodownload natin sa LGU lahat ang funding ng national para magkaroon ng mass development sa bawat area, hindi lamang dito sa Metro Manila, kundi pati sa mga probinsiya, madevelop na.

Boy: Senator Manny, comment, meron tayo ngayon Department of Migrant Workers. Ano ang nais mong sabihin?

Pacquiao: Ang masasabi ko lang diyan is ayusin. Kailangan, walang corruption diyan, at tulungan natin yung mga OFW natin na nangangailangan ng tulong.

Boy: Ngayon naman, Senator Manny, pag-usapan natin ang social media. I'd like to talk about cyber pornography, pornography on social media. Sa 2021 year-in-review report ng Pornhub, isang online adult video streaming website, sabi dito, ang mga Pinoy spend eleven minutes, thirty seconds watching porn making the Philippines top one over Japan and France. Some of the known social media sites, mga apps, Senador, Twitter, Snapchat, and some Facebook groups are being used as alternative porn sites. May kuwento lamang po ako. Si Billie Eilish is a young American, Grammy Award-winning American singer-songwriter. Last year, siya'y nainterview, at sinabi nga niya na, when she was eleven, naexpose siya sa pornography hanggang siya'y naaddict. May mga pagkakataon pa na ang akala niya ay lahat ng napapanood niya, yun ang normal, so she hooked up and had multiple sex partners dahil nga ang akala niya, yung kanyang pinanonood ay yun ang ginagawa talaga ng tao, and then in her words, sabi niya, when she realized na hindi maganda ang ginagawa ng porn, 'Porn destroyed my brain,' this is a direct quote, 'I felt devastated. I had nightmares and suffered from sleep paralysis. My mental health was damaged.' Last year po, she turned twenty, and she's now on the road to recovery. Ito ang tanong, Senator Manny, hypothetical lamang po ito, nalaman at naconfirm mo na ang isa sa iyong mga anak na menor de edad ay addicted sa cyber porn. Bilang magulang, ano ang gagawin mo, at bilang Presidente, paano mo ito itatawid doon sa iyong polisiya on the welfare and protection of children?

Pacquiao: Alam mo, Boy, isa 'yan sa mga sinusulong namin do'n, yung pagsugpo ng mga ganyang pornography. Dapat kontrolin ng ating gobyerno yung signal natin, yung internet signal natin, yung lahat ng technology. 'Di ba, dapat kontrol ng gobyerno para hindi maabuso. Ngayon, naaabuso at pati mga bata, nakakapanood. Dapat hindi makapanood ang mga bata.

Boy: Is that doable, Senator Manny?

Pacquiao: Doable po. Nagagawa po sa ibang bansa 'yan. Bakit hindi, sa atin hindi?

Boy: Hindi ba 'yan censorship, halimbawa?

Pacquiao: Hindi. Hindi naman po. Kailangan lang talaga natin na imamanage natin nang husto, na hindi ang mga bata makapanood ng mga ganyang...

Boy: Pero can you explain that? Paano? Dahil minsan, may mga nag-oopen ng account sa social media, nalalaman na lamang natin, ten years old, ang kanyang edad na inilalagay do'n ay forty years old. How do you actually manage problems like that?

Pacquiao: Yung iba kasi, hahanapan ka ng ID, yung tunay mong ID. Hahanapan ka ng ID mo para makapagregister ka para makapanood ka, makaopen ka. Hindi yung sasabihin mo lang doon, saka maniwala na sila. Kailangan, may ID, na valid ID.

Boy: Pero, hindi ba, Senator Manny, yung ID, naiimbento rin? Halimbawa, hiningan ka ng site ng ID, magpepresent ka ng ID na ika'y thirty years old...

Pacquiao: High-tech na kasi ngayon ang technology so macoconfirm 'yan by confirming that ID kung totoo 'yan o hindi.

Boy: Okay. Senator Manny, nalaman mo, hypothetically, na isa sa mga anak mong menor de edad ay naaaddict...

Pacquiao: Hindi ko matanggap, hindi ko matanggap yun.

Boy: Hindi mo matanggap. Anong gagawin mo? Anong gagawin mo? Hypothetical lang, halimbawa lamang, nalaman mo at naconfirm mo.

Pacquiao: Talagang susugpuin ko 'yang...

Boy: How will you do it sa iyong anak?

Pacquiao: Pangaralan ko siya. Alam mo, ang mga kabataan ngayon, hindi mo kailangan sigawan o pagalitan. Kausapin. Dapat ganun talaga, kausapin, at, 'Ito yung masama. Masama 'yan ginagawa na 'yan.' 'Yan, pangaralan natin. Yung mga anak ko, hindi ko, hindi na 'yan nakarinig sa akin ng nagalit ako, gano'n. Kinakausap ko lang 'yan sila. E, napalaki ko silang mababait na mga anak, masunurin sa magulang, mabait, kasi kinakausap ko lang. Sabi ko, 'O, hintayin mo pa ba na magalit ako sa inyo? Hintayin niyo pa ba yun na mamalo ako sa inyo? E, 'wag naman tayong dumating sa gano'n kasi gusto ko sa inyo, sumunod kayo kasi yung gusto niyo naman na ikabubuti sa inyo, bakit hindi? Gusto ko, masaya kayo, pero kung ikasasama 'yan sa inyo, maniwala kayo sa amin dahil ikasasama sa inyo 'yan.'

Boy: Senator Manny, bakit ang reaksyon mo, 'Hindi ko matatanggap 'yon.' Saan nanggaling yung reaksyon mong 'yon?

Pacquiao: Ay, karamihan po diyan ay diyan ang mga bata nagrerebelde sa mga magulang. Diyan ang, kumbaga, may sarili na silang ano, lumalaban sa mga magulang. E, ang magulang, importante 'yan. Wala ka rito sa mundo kung wala yung mga magulang mo.

Boy: How do you make sure na alam mo ang mga ginagawa ng iyong mga anak?

Pacquiao: Tinuturuan ko palagi 'yan...

Boy: Lalo na sa social media.

Pacquiao: Sa social media...

Boy: Lalo na sa, do you supervise? Nagrereport ba ang iyong mga anak kung ano ang kanilang mga activities sa social media?

Pacquiao: May time lang kami na puwede kayong gumamit ng social media.

Boy: A, meron. Kailan?

Pacquiao: Meron. May time lang. Halimbawa, school day ngayon so ilang, may oras lang na puwede kayong gumamit ng social media, ganyan, pero hindi doon sa mga ibang website na 'yan. Ano lang, yung mga makatulong lang sa inyo.

Boy: Halimbawa lamang, nalaman mo nga, hypothetical, na isa sa iyong mga anak ay addicted to porn. Dadalhin mo ba sa isang expert? Dadalhin mo ba sa doktor, halimbawa?

Pacquiao: Papayuhan ko muna. Papayuhan ko muna siya, na unang-una, ineencourage ko naman sila magbasa ng Bible, and then may Panginoon, at gumawa ng mabuti, ganyan, 'Masama 'yan.' Dadalhin ko sila sa tama.

Boy: So, kakausapin mo muna. You will not resort to going to a psychologist, o 'di kaya'y a psychiatrist, hindi muna yun?

Pacquiao: Hindi muna. Basta makaya mo kasi...

Boy: Bakit?

Pacquiao: Kaya nga magulang ka e. Kaya magulang ka, hangga't kaya mo, iano mo muna, alam mo na yung, unang-una, yung spiritual advice, tamang direksyon, gano'n, icounseling mo na.

Boy: Gaano kahalaga yung mga peers, yung mga kaibigan ng iyong mga anak?

Pacquiao: Iba kasi ako, Boy. Ako kasi ngayon, nagmamarriage counseling ako kasi, siyempre, experience ko sa buhay, you know, you know my experience in life, na dami kong experience sa buhay, so ngayon, dahil nagbago na 'ko ay talagang nagmamarriage counseling ako, yung kahalagahan ng isang pamilya at kahalagahan ng relationship natin sa Panginoon.

Boy: At 'yan ang nauuna.

Pacquiao: Yes.

Boy: Parati mong sinasabi 'yon, at naririnig natin, okay, pero nakakatuwa lamang na napakaganda ng iyong relasyon sa... Let's go to our next issue. Ito'y abortion pero, specifically, rape-related abortion. Sabi ng PINSAN (Philippine Safe Abortion Advocacy Network) at EnGendeRights, Inc., isang Filipina woman, isang batang babae ang ginagahasa every seventy-five minutes, about one in every eight Filipino women, who resorts to abortion, is a rape survivor, seventy women induce abortion every hour, complications from unsafe abortion is one of the five leading causes of maternal death and a leading cause of hospitalization in the Philippines, in 2012 alone, six hundred ten Filipino women induced abortion, and over a hundred thousand women were hospitalized and one thousand women died dahil po sa unsafe abortion complications. Since there is no access to safe abortion in the country, Senador Manny, at least three women die everyday from unsafe abortion complications. Ang aking katanungan, now that you're applying to be President of the country, sa iyong palagay po ba, is it time to enact a law on abortion that would allow pregnant rape victims the choice of legal and safe abortion?

Pacquiao: I'm against the abortion, Boy, at alam naman natin 'yan, ayaw natin ng abortion. Wala namang kasalanan yung bata na ibuntis siya tapos ipanganak dahil siya galing ano, so 'wag naman maapektuhan yung bata sa mga nangyayari, kumbaga sa ano, may healing pa naman e, may, kumbaga, may pagbabago pa, mangyayari, at icounseling yung narape, na hindi pa naman tapos ang lahat, na may pag-asa pang magbago ang lahat, magnormalize lahat, maintindihan ang lahat, na nangyari sa 'yo 'yan, alangan namang anong gagawin natin, kung ibabalik lang natin, 'di hindi natin, maprevent natin yung marape ka, so advise lang natin na hindi naman mapunta sa abortion dahil 'yan po ay masama.

Boy: Senator Manny, imagine that you're talking to a girl na ginahasa. Meron ngang kuwento, may isang doktor, tapos ang gumahasa sa kanya ay yung nagpaaral sa kanya. Meron pang mga cases na ang nanggagahasa ay magulang o 'di kaya'y kapatid, incestuous rape. Halimbawa, ika'y kumakausap sa isang batang ayaw niyang ipagbuntis dahil ginahasa siya ng kanyang tatay, ginahasa siya ng kanyang guardian, I know you said we will convince them, but how exactly are you going to do it?

Pacquiao: Basta hindi nila maintindihan, basta kagagahasa pa lang, kumbaga, hindi nila maano 'yan kasi sariwa pa ang sugat. Pagalingin mo muna yung sugat, and then doon mo marealize na ipaintindi sa kanila na...

Boy: How long is that, sa iyong karanasan sa pagcocounsel, Senator Manny?

Pacquiao: Siguro, ilang buwan, few months, then maheaheal 'yang sugat na 'yan, at maintindihan nang mabuti. Kailangan lang, tamang guidance counseling sa isang bata.

Boy: Halimbawa, hypothetical, sinabi pa rin ng batang babae na, 'Ang choice ko ay ayokong iluwal ang batang ito dahil produkto ito ng panggagahasa. It was against my will.' How do you actually answer that? Yun ang gusto kong marinig.

Pacquiao: Ito naman kasi, katulad ng sinasabi natin na counseling natin sila, pangalagaan natin sila, gawin natin ang lahat ng ating makakaya pero kung ano yung desisyon niya, hindi natin siya mapipilit, pero bawal 'yan, bawal 'yang abortion.

Boy: Pero yung, sa iyong paniniwala, and I understand that, pero yung counseling at suportahan natin siya, can you be more specific, Senator Manny? Paano yung, ano ang tamang salita, ano ang mga tamang proseso na ginagawa dito sa mga batang ito, halimbawa?

Pacquiao: Yung counseling kasi, Boy, hindi lamang sa word of God ang ishashare mo sa kanya, yung ipapakita mo na, 'Ito pa yung kinabukasan mo na haharapin. Ito yung kinabukasan mo na maganda, may maganda pang kinabukasan. Itong bata, baka iyong bata na ipapanganak mo, 'yan pa ang isa sa mga maging inspirasyon sa lahat ng mga tao pagdating ng panahon. E, maturuan lang nang husto, ganyan, matuwid mo pa yung buhay mo. Hindi nagtatapos ang, hindi pa nagtatapos ang ating, yung kumbaga, yung kinabukasan natin dito. Marami pang, mahaba pa ang kinabukasan hangga't buhay pa tayo.'

Boy: Doon sa debate, Senator Manny, between the choice of the woman and, yun nga, the baby, ang sinasabi mo ay walang debate, walang kinalaman ang bata. Ibig sabihin, mas importante yung buhay ng bata kaysa doon sa choice ng nanay.

Pacquiao: Hindi, intindihin niya yung, ang bata, ang buhay ng bata, kasi yung bata, nabuo 'yan dahil sa galing, may part ka rin diyan...

Boy: Kahit rape.

Pacquiao: Kahit rape, may part ka rin diyan.

Boy: Okay.

Pacquiao: May part ka rin diyan na, sa bata na nabuo. Hindi naman mabubuo 'yan kung sa lalaki lang e. Mayro'n ka rin diyan so...

Boy: Pero pinilit ka, Senator Manny.

Pacquiao: Yes.

Boy: Ginahasa ka e.

Pacquiao: Pinilit ka pero ang ibig ko sabihin, puwede pang maghilom. 'Pag masugatan tayo, 'di ba, maghihilom man, gumagaling? So...

Boy: Okay. So, maghihilom, and then you will understand that the child has the right to life. Yun ang iyong sinasabi.

Pacquiao: Yes, yes.

Boy: Dito sa 'ting bansa, meron tayong tinatawag na actually na therapeutic abortion na, halimbawa, kung ang buhay ng nanay naman, this is not rape actually, but kung ang buhay naman ng nanay ang nasa peligro ay may tinatawag na therapeutic abortion na ang nagiging ano ay yung bata. I mean, how does that sound to you?

Pacquiao: Yung maging abortion na...

Boy: Hindi, yung halimbawa, yung ang nanay ay, ikamamatay ng nanay ang panganganak.

Pacquiao: O, 'di, mag-isip ka. Magandang tanong 'yan a. Pag-isipan mo. Kung mamatay yung, kunwari, kung wala kang choice, nasa 'yo 'yan kung magdesisyon ka, kasi may...

Boy: Senator Manny, let's talk about drugs. Uumpisahan ko dito sa sinabi ni President Duterte sa isang talumpati sa Ozamiz City, 2017, and I quote, sabi ni Presidente, 'I feel so bad about all of these things kasi nalaman ko, paano ko makontrol in three to six months? Ang mga generals na pulis, nandiyan, tapos yung mga Bureau of Customs na inaasahan ko, PI, nasa droga. How will I succeed, e, nasa droga? Alam ko na nagkamali ako. Nagkamali talaga ako. Now, magtanong kayo, ang Pilipinas, are we or are we not a narcotics country? Yes, we are. Sabi ko, tama 'yang silang mga kritiko ko, 'E, sabi mo, noong nag-Presidente ka, three to six months.' Hindi ko alam. Pagpasok ko, e, Davao lang kasi ako so ang template ko, Davao. May droga pero sabi ko, maglaro ka do'n, patay ka talaga. Give me another six months. That self-imposed time of three to six months, well, I did not realize how severe and how serious the problem of drug menace in this Republic until I became President.' Katanungan, Senator Manny, you are applying to be the President of the country, how much do you know about illegal drugs in the Philippines? Gaano kalala ito? Are we or are we not a narco-country? Depende sa iyong kaalaman tungkol sa problema ng illegal na droga, ano ang programa mo laban dito?

Pacquiao: Grabe talaga ang droga sa bansa natin. Itutuloy natin 'yang war on drugs in the right way. Hindi 'yan, hindi natin puwedeng payagan lang, hayaan ang iligal na droga dito sa ating bansa, kundi sugpuin natin 'yan, kasi isa 'yan sa magiging, macocorrupt ang mga tao, lalung-lalo na yung mga sa gobyerno. Kailangan, pigilan. Tutuloy natin 'yan in the right way. Ibig ko sabihin, lahat, may karapatan para depensahan ang sarili pagdating ng panahon. Hindi natin papayagan 'yan.

Boy: Sa iyong palagay, ang Pilipinas ba is a narco-country, katulad ng sabi ni President Duterte?

Pacquiao: Ang Pilipinas, masasabi kong, hindi pa natin masasabing narco dahil iniimport ang droga e. Yung dalawang malalaking transaksyon na nakalusot sa Custom, may ibig sabihin, hindi dito minamanufacture, unless, kung dito ginagawa, e, masasabi natin 'yon, pero sa ngayon, mapigilan natin 'yan. Mapigilan natin 'yan at maiayos natin ang ating gobyerno.

Boy: Gaano kalala ito dito sa Pilipinas sa iyong palagay, Senator Manny?

Pacquiao: Matindi talaga. Mabuti na lang ay naging Presidente si Duterte at nabawasan yung mga gustong pumasok sa pagnenegosyo ng droga, at maraming nasugpo, 'no, pero hindi naman nasugpo lahat, 'no, nagkamali siya dun sa calculation niya na sugpuin niya ang droga in three to six months o. E, hanggang ngayon, ilang taon na, mag-aanim na taon na, hindi, dahil sa malaking, malaki talaga ang negosyo na droga dito sa ating bansa, at 'yan ay kasabwat ang iba, iilan sa ating mga nasa gobyerno, kaya sugpuin.

Boy: Okay. Kung sinasabi niyo po na itutuloy niyo yung war on drugs sa tamang pamamaraan, in the right way, and then after six years ay nariyan pa rin yung problema na 'yon, doesn't it follow na hindi nagwork, nagfail yung war on drugs?

Pacquiao: After six years, basta gawin natin ang ating makakaya, sugpuin natin 'yan. Mahirap kasi mangako tapos hindi mo matupad.

Boy: Pero bakit niyo itutuloy po yung war on drugs in the right way if it didn't work? Kasi after six years, naroon pa rin.

Pacquiao: No, kasi lalo tayong lugmok e, lalo tayong lugmok 'pag pabayaan natin yung droga.

Boy: That's right.

Pacquiao: Lalo tayong talagang maghihirap. Kailangan...

Boy: Pero bakit mo itutuloy yung war on drugs?

Pacquiao: Yung war on drugs naman, nandiyan pa rin yun, pinagbabawal natin yung droga dito sa 'ting bansa. Nandiyan pa rin 'yan.

Boy: Ano ang maiiba, Senador?

Pacquiao: Ang maiiba ay hindi yung labagin mo yung karapatan ng ibang tao, kumbaga sa ano, halimbawa, party sa drugs, magraraid ka, mag-aaresto ka, kailangan, may body cam ang bawat opisyal na mag-aaresto para makikita ang totoo kung sino ang nagsasabi ng totoo o hindi.

Boy: Yun ang ibig mong sabihin sa isasaayos mo.

Pacquiao: Isa 'yan sa mga gagawin natin para bigyan natin ng equipment ang ating mga kapulisan para maimplement nang husto ang batas.

Boy: Personally, Senator Manny, how much do you know about illegal drugs? Shabu, ecstasy, alam mo ang mga ito?

Pacquiao: Hindi ko masyadong alam yung mga sinasabi mo, ecstasy, pero yung, nung unang panahon, nung kabataan ko, natikman ko rin 'yan, hindi naman sa, ayokong magsisinungaling, ayokong magsisinungaling, natikman ko rin nung kabataan ko, pero nung natikman ko, masama talaga. Ibang klase.

Boy: I'll go back to that. Nung natikman mo, nais kong malaman kung bakit mo natikman? Was it because of peer pressure? Curiosity? Anong naglalaro sa 'yong isipan nung bata ka?

Pacquiao: Yung mga barkada, barkada-barkada. Yung mga bata, mga barkada, tapos, siyempre, hiwalay yung mama ko, sa magulang ko, walang, kumbaga walang magulang na nakatutok sa amin.

Boy: May reasearch na nagsasabing maraming mga bata ang naiinvolve sa droga ay nanggagaling nga do'n sa...

Pacquiao: Yung walang ano.

Boy: Mm, walang gabay, magkahiwalay ang magulang, so ganun din ang nangyari pero bakit hindi mo nagustuhan?

Pacquiao: Kasi nangarap ako. May pangarap ako sa buhay na gusto kong tulungan ang magulang ko, tulungan yung pamilya ko para maiahon sa kahirapan. Magsikap ako, e, kung magbisyu-bisyo ako, paano 'ko makatulong sa mga magulang ko? Paano 'ko makatulong sa pamilya ko? Anong kinabukasan ko? Gano'n. O, kaya nagcocounseling ako...

Boy: Senator Manny, let's talk about Philippine debt, utang. I'd like you to listen, Senator Manny, to these data from the Bureau of the Treasury. Nang matapos ang termino ni President Erap, ang utang ng Pilipinas ay 2.6 trillion pesos. Pagkatapos ni President Arroyo, umakyat ito to 5.1 trillion pesos. Umabot naman sa 6.5 trillion pesos nang matapos ang termino ni President Aquino. As of end November 2021, ngayong administrasyong Duterte, total Philippine debt is 11.93 trillion pesos. Madalas nating naririnig, hindi ka pa ipinapanganak, o hindi pa ipinapanganak ang baby na ito, may utang na...

Pacquiao: May utang na...

Boy: Dahil sa laki ng utang ng Pilipinas. Ang aking katanungan, Senator Manny, kung ikaw ay papalaring manalo bilang Presidente ng Pilipinas, paano mo babayaran ang utang na ito ng ating bayan?

Pacquiao: Salamat, Boy, sa makapag-explain ako niyan. 'Yang utang na talaga ng Pilipinas, 'yan ang pinakaconcern kasi kung bayaan natin na mangutang tayo nang mangutang taun-taon ay talagang sadsad tayo, bagsak talaga tayo, wala tayong kinabukasan na maganda. Ang pinakaconcern ng Pilipinas, yung revenue income ng ating gobyerno. Revenue income, kailangan, palakasin natin ang revenue income natin ngayon. Una, sugpuin yung corruption. Pangalawa, tutok tayo na, kailangan, kung ito yung ginagastos, kailangan, makakarecover itong revenue income ng ating gobyerno. Pagdating ng panahon, 'pag maano na, tumaas na 'yang revenue income ng ating gobyerno, hindi na tayo mangungutang. Magbabayad na tayo nang magbabayad taun-taon sa utang natin, at makinabang ang buong sambayanang Pilipino. Yun po ang target ko talaga. 'Yan ang misyon ko, na hindi tayo mangungutang. Kailangan, marami, may pondo tayo para 'pag may mga sakuna na dumarating sa bansa natin, e, may pondo tayo, hindi tayo kailangan mangutang dahil may pondo tayo. Kung kailangan, medyo traffic na sa kalye natin, magdagdag na ulit tayo ng mga Skyway, o kaya subway tayo, o bullet train. Hindi tayo mangungutang dahil may pondo tayo. Ganun dapat ang ating bansa, pero ngayon, bawat kilos, 'pag may sakuna, mga ganito, utang tayo nang utang, tapos biro mo, sa isang administration lang, from 6.5 trillion, sa isang administrasyon lang, halos nadoble, o nadoble pa ang utang ng Pilipinas. Yung 6.5 trillion na utang na 'yan, compose 'yan sa limang Presidente, Aquino to Aquino, Corazon Aquino, Ramos, Erap, Gloria, and Aquino, lima, tapos sa isang Presidente lang, nadoble yung, halos almost doble yung utang natin, unang-una, dahil lang din sa, dahil din dito din sa pandemya na dumating sa bansa natin, at dahil sa pababa nang pababa yung revenue income ng ating bansa. Dapat sana, 'O, Pilipinas, ito yung revenue income natin last year. Ngayon, ang target natin, ito ang income natin. Ang target natin next, another year, dito income natin.' Hindi e. Wala e. Paganun tayo nang paganun e. Paganun naman nang paganun ang gastos. Last year, ang inapprove natin, 4.5 trillion. Ngayon, 5.2, and yet tumaas pa lalo ang gastos, lumiit pa lalo ang income. Last year, 4.5 trillion ang inapprove. Ang income ng ating gobyerno, 'pag aalamin ko, nasa mga 2.9 trillion lang. Ngayon, bumaba nang 2.7 trillion, tapos tumaas pa lalo ang gagastusin natin, so 'yan yung sabi ko, kasi sanay akong magmanage ng bahay. Sanay akong maggastos sa bahay. Ako nagbubudget ng pera sa bahay para imanage, paano gastusin sa isang linggo, paano, anong bibilihin ko para makasurvive nang isang linggo, para may, in case na magkaroon ng, may ubo, may ano, may pambili ako ng Biogesic o Neozep, o anumang mga product na para panggamot, kahit papaano. Ang ating bansa, ganun e, ganun sana e, para lahat, hindi tayo utang nang utang.

Boy: What I'm hearing from you, Senator Manny, is that yung disbursements natin ay mas mataas doon sa ating kinikita sa revenues.

Pacquiao: Yes.

Boy: At saka, what you're trying to say, yung debt-to-GDP ratio, 'ika nga, nasa forty percent, ngayon, parang nasa sixty percent, wala nang elbow room para tayo'y makapangutang dahil na nga, sabi mo nga, dahil sa pandemya, oo, pero yun ay rerendahan mo talaga ito, that's what you're trying to say.

Pacquiao: Rerendahan ko 'yan talaga. Sabi ko nga, kahit tinatanong ako minsan, sa interview, tinatanong ako na, 'O, yung mga kabinete mo, sino bang iappoint mo do'n?' Nako, strikto ako mag-appoint ng kabinete kasi ako, isa akong atleta e. Mataas ang expectation ko 'pag mag-appoint ako ng isang kabinete dahil gusto ko talaga, may maabot, may maaccomplish ako.

Boy: Senator Manny, mag-uumpisa ka na meron, bilang Presidente, mag-uumpisa ka na may over eleven trillion na utang. Paano ka mag-uumpisa magbayad?

Pacquiao: Unang concern natin niyan, Boy, yung sinasabi kong revenue income ng ating gobyerno, pataasin natin 'yan.

Boy: Paano?

Pacquiao: Unang-una, pigilan mo 'yang corruption. Sugpuin mo 'yang corruption, tataas 'yang revenue income natin diyan, tataas yung...

Boy: Balik tayo sa corruption, ano?

Pacquiao: Mm-mm.

Boy: Bumabalik tayo sa corruption.

Pacquiao: Bumalik, puro corruption e. 'Pag pinigilan mo 'yang corruption na 'yan, tataas yung revenue income natin, and then hindi pa 'yan enough, hindi pa 'yan enough kasi yung mga source of income ng ating gobyerno, pinagbebenta lahat, naprivatize na. Hindi naman kasalanan ng mga private company na bumili dahil inoffer naman ng gobyerno. Yun po ang masama, kumbaga, ikaw, bahay mo, kayong pamilya, yung mga negosyo niyo, pinagbebenta niyo na. O, pagbenta, pagbayad, may pera kayo, pero pagkatapos no'n, naubos na yung pera ninyo, wala na kayong income, yung revenue income na bumabalik dahil nabenta niyo na e. Ayon..

Boy: Let's talk about the West Philippine Sea. Para klaro lamang, 'pag pinag-uusapan po ang West Philippine Sea, pinag-uusapan natin ang Scarborough Shoal, o Bajo de Masinloc, and the Kalayaan Island Group. Ito yung ating cinaiclaim. Bahagi po 'to ng Spratly Islands. Inaangkin po ito ng Tsina. Sa Subi, ang tawag natin, Zamora Reef, at sa Mischief, Panganiban Reef, at iba pa, nagtayo na dito ang Tsina ng mga hangars, underground storage, missile shelters, radar arrays, and other facilities. Noong July 12, 2016, naglabas ng desisyon ang Permanent Court of Arbitration (PCA), pabor sa Pilipinas sa issue sa West Philippine Sea. Atin ang West Philippine Sea pero patuloy pa rin itong inaangkin ng Tsina. Tuloy pa din tayo sa pagfifile ng mga diplomatic protests. As of December 2021, we have filed two hundred forty-one diplomatic protests. Sinasagot naman ho tayo ng Tsina. Nakakaone hundred fifty-two responses na po sila. Ang aking tanong, as President of the Philippines, Senator Manny, you are also the chief architect of foreign policy, if all diplomatic efforts fail, bilang Presidente, sa iyong pananaw ba, the Philippines is strong enough and prepared to fight a defensive war against China to protect our territorial sovereignty?

Pacquiao: Unang-una, hindi tayo dapat magpapabully. Kahit na maliit tayo, hindi tayo magpapabully, at ipaglaban natin yung atin. Pangalawa, puwede naman, mag-uusap e, ang kabilang panig, puwede naman mag-uusap e, na 'wag tayong magpapabully, 'wag tayong magpapasindak, kumbaga, ipaglaban yung atin, at pag-usapan natin in the right way, in the right way, kasi kung pagdating sa physical ay mas malaki sa atin ang Tsina, pero hindi tayo natatakot. Hindi tayo, kasi lagi nating kinakanta e, 'Ang mamatay nang dahil sa 'yo,' e, kumakanta tayo ng ganun tapos hindi natin gagawin, 'di ba, so wala naman tayong, no question, na kaya nating ibuwis ang buhay natin kasi yung mga ninuno natin, yung mga ancestors natin na lumipas, binuwis nila yung buhay nila para tayo'y magkaroon ng kalayaan, para sa ating bansa. Bakit hindi natin gagawin din 'yan, kung sakali, kung sakali, yung tanong mo na kung sakali, ipaglaban natin, pero ngayon, puwede naman daanin sa usapan, conversation lang, communication, importante, pag-uusap, para maresolba ang problema.

Boy: Pero kung, halimbawa, nagfail na ang diplomatic efforts, sa iyong palagay, handa tayo, kaya natin ipagtanggol, defensive war against China.

Pacquiao. Kaya natin. Sa loob natin, kaya natin. Malakas ang loob natin e. Hindi tayo basta-basta natatakot, lalo na yung mga may mga dugong Waray.

Boy: Yung sinabi mong bully ay yun ang ginagawa ng Tsina, binubully niya ang mga kapitbayan dahil napakalaki ng Tsina at napakaliit nga natin. Dun nga sa arbitration, hindi naman tinanggap ng Tsina ang imbitasyon na siya'y makipagharap sa Pilipinas. Ang pananaw ng Tsina ay infirm yung reklamo ng Pilipinas at saka hindi daw valid yung mga dahilan ng Pilipinas. Ang hinahanap ng Tsina ay bilateral talks yung pag-uusap. Kanina, sinabi mo na mag-usap tayo in the right way. Ano 'yon? Paano 'yon?

Pacquiao: Dialogue. Ang problema kasi, hindi naresolba 'yan sa isang dialogue, o dalawang dialogue lang. Sa ganitong usapin, maraming dialogue 'yan, at least, minimum, sampu o walo...

Boy: Pero seseryosohin ba tayo ng Tsina, e, ang laki-laki nila. E, ang dami-dami nilang pera tapos ang liit-liit natin.

Pacquiao: Ay, hindi, bakit hindi nila seseryosohin, e, pinaglalaban natin yung sa atin?

Boy: Mm-hmm.

Pacquiao: O. Seseryosohin tayo.

Boy: Go ahead.

Pacquiao: Ang kailangan lang nila ay marinig tayo, na firm din tayo. Hindi tayo, a, gano'n. 'Wag, 'wag gano'n. Ipaglaban natin ang atin.

Boy: Okay, at habang nag-uusap tayo ng Tsina, e, tuluy-tuloy naman yung kanyang pagbuibuild nung mga hangars diyan sa West Philippine Sea. Bilang Presidente, ano ang solusyon do'n? Kung nakikipag-usap ka sa 'kin nang matino, aba'y panindigan mo yung matino nating pag-uusap.

Pacquiao: Kasama 'yan sa pag-uusapan natin. Kasama 'yan sa pag-uusap natin, bakit kayo nag-ano diyan. Maglalagay din kami diyan o, bahagi kami diyan sa ginagawa ninyo, kasi nag-uusap pa tayo e, amin 'yan e.

Boy: Gaano kahalaga sa 'yo bilang Presidente ng Pilipinas yoong desisyon ng PCA, ng Permanent Court of Arbitration?

Pacquiao: Mahalaga 'yan kasi part tayo do'n, bahagi tayo, miyembro tayo e, ng international court e.

Boy: Okay. Kahit ang Tsina ay hindi nirerecognize yung desisyon na yo'n, kasi ganun ang Tsina, gusto makipag-usap pero 'pag nakikipag-usap naman, e, malaki sila, what I want to know, Senator Manny, is paano ka makikipag-usap sa isang bayan na sobrang malaki, yaman, tapos cinaiclaim yung iyong part of your territorial sovereignty?

Pacquiao: Nakausap ko yung ambassador, na wala naman daw nakikipag-usap sa kanila. Kailangan daw ng pag-uusap. Kausap ko sa...

Boy: Wala daw nakikipag-usap sa Tsina.

Pacquiao: Yes.

Boy: Okay.

Pacquiao: Kailangan, pag-usapan. Kailangan, napag-uusapan, at hindi nareresolba daw ang problema sa isang pag-uusap lamang.

Boy: Kailangan, marami.

Pacquiao: Kailangan, para maintindihan.

Boy: Naitanong mo ba, Senador, kung bakit hindi sila sumali doon sa arbitration?

Pacquiao: Ay, hindi ko naitanong 'yon, hindi ko naitanong 'yon, basta ang sabi ko, 'Sa amin, pinaglalaban din namin yung right namin.'

Boy: At ang sabi niya ay...

Pacquiao: Ganun din kasi sila daw, so kailangan, pag-uusapan. Sabi ko, 'Hindi namin, hindi kami gigive up diyan.'

Boy: Oo, dahil ang ating pinakakinakatigan ay yung UNCLOS, yung United Nations Convention of the Law of the Sea. Sila, ang kanilang ginagamit, historic rights, kuwento, 'Dahil nung panahon ay amin yo'n.'

Pacquiao: Panahon...

Boy: Oo, meron silang sinasabing gano'n.

Pacquiao: At ang Pilipinas ay probinsiya nila, yun ang narinig ko.

Boy: Naririnig mo 'yon, so, yun ang kanilang ginagamit na dahilan, so, naniniwala ho kayo na sa pag-uusap ng Tsina at ng Pilipinas ay mareresolba ito.

Pacquiao: Sa tingin ko, mareresolba.

Boy: Pero paano natin mapapahinto sila na, 'Stop encroaching into the territory of the Philippines, dahil nag-uusap pa tayo, puwede bang...'

Pacquiao: Kasama 'yan sa pag-uusapan pagdating ng panahon, 'pag tayo na ang administrasyon.

Boy: Naniniwala ka na seseryosohin tayo ng Tsina sa pag-uusap na personal?

Pacquiao: Basta firm ka.

Boy: Senator Manny, let's go to the tenth question. Pag-usapan natin ang Presidential qualifications. You're applying to be President of the Republic of the Philippines. It's a complex job, napakalaking trabaho po.

Pacquiao: Tama, tama po 'yan.

Boy: Ilan lamang po ito sa mga ginagawa ng Presidente, he's the head of government, he's the chief architect of foreign policy, commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines, he signs budgets, manages finance, appoints justices recommended by the Judicial Bar Council, confers the National Artist Award, manages disasters and pandemic, fights drug wars, head of his/her political party, has power over aliens, has power of eminent domain, practices general supervision over local governments, and pardons convicts, among others. Ganun po kakumplikado ang trabaho ng isang Presidente. Samantala, sa ating Saligang Batas, Article Seven, Section Two, of the 1987 Constitution, ang qualifications para maging isang Presidente ay ang mga sumusunod, natural-born Filipino, registered voter, must be able to read and write, forty years of age at the day of the election, and must have resided in the Philippines ten years before the election is held. Ang katanungan po, ngayon po na kayo'y nag-aapply bilang Presidente ng Pilipinas, sa inyong palagay po ba, napapanahon na ba para amyendahan ang provision na ito ng Saligang Batas, oo, hindi, at bakit?

Pacquiao: Talagang amyendahan ang Saligang Batas natin dahil hindi na naaayon doon sa bagong henerasyon ngayon yung mga, especially, yung technology lang, high-tech na e. Yung batas na ginawa natin, wala pa yung mga technology nung araw.

Boy: So, itong provision ng constitution, sa iyong paniniwala ay dapat iamend na.

Pacquiao: Amyendahan, amyendahan.

Boy: Oo. Dahil may mga nagsasabi naman na the wisdom, the spirit of this particular provision ay para mabigyan ang mas nakakaraming tao ng pagkakataon manilbihan at maging Presidente ng Pilipinas. Your comment.

Pacquiao: Yes, tama 'yan, tama 'yan, para may mga, maraming mga Pilipino na magagaling, at devoted sa pagseserbisyo, at gustong makatulong, at umunlad ang ating bansa.

Boy: Sa ibang bayan kasi, Senator Manny, like sa Turkey, I think, requires higher education. Sa Indonesia ay high school graduate. Sa France, isa sa mga requirements ay dapat may bank account. Sa Great Britain naman, hindi ka puwede...

Pacquiao: Bank account...

Boy: Meron. Doon naman sa Great Britain, parang ang isa sa mga, ay, hindi ka naman puwede maging Prime Minister na hindi ka MP, member of parliament. Sa Myanmar, dahil sa nangyari nga kay Aung San Suu Kyi, hindi ka puwede maging Presidente kung asawa mo ay foreigner, so in other words, meron mga peculiarities ang batas na ito, so pagdating dito sa Pilipinas, dahil sabi nga ni, ng dating senador, Miriam Defensor Santiago, e, ang police officer daw, 'pag nag-aapply ng trabaho, hinahanapan ng diploma, ang kumakandidato bilang Presidente ay hindi. Your comment.

Pacquiao: Puwede naman siguro 'yan amyendahan ang batas natin, isasali natin 'yan, either high school graduate or college graduate. Wala namang problema, ayon sa kung anong gusto ng taumbayan.

Boy: Para sa 'yo, importante 'yon.

Pacquiao: Importante 'yan dahil importante na alam mo kung paano imanage ang bansa, alam mo kung ano yung gagawin mo, at yun po ang sinasabi ko, 'wag mong tahakin yung isang landas na hindi mo alam yung gagawin mo.

Boy: E, paano, may isang tao, tatahakin ang isang landas, na kahit hindi niya alam, gusto lang niya? E, may pera siya. Meron siyang apelyido pero wala siyang kaalaman, halimbawa, 'Gusto ko tumakbo sa pagka-Presidente ng Pilipinas.' What do you have to say?

Pacquiao: Alam mo, yung isang tao na 'yan, hindi natin alam kung ano yung kaalaman niya. Basta qualified siya sa pagtakbo, e, 'di takbo, kasi, kung example, sa position ko, para malaman lang, sa tingin niyo ba tatakbo ako ng Presidente na hindi ko alam yung ginagawa ko, hindi ko alam yung mga gagawin ko para sa pagpalago ng ating ekonomiya? Hindi ko gagawin yun kung wala akong alam. Tumatakbo ako dahil alam ko, na alam na alam ko kung anong gagawin ko, lalung-lalo na sa pagsugpo ng corruption at pagpapalakas ng ating ekonomiya, nang makapagbigay ng trabaho sa milyun-milyong mga Pilipino, mapalakas natin ang ating ekonomiya, at maipagmalaki natin ang ating bansa, kasi ang tagal ng panahon, ang haba ng panahon, na inalagaan ko, dugo at pawis ang puhunan ko para mailagay natin ang bansa natin sa mapa ng mundo. Mailagay natin ang, 'pag sinabing Philippines, maalala nila, may magagaling na mga Pilipino, so in that way, kumbaga sa ano, kaya nating gawin, kaya nating gawin at hindi ko, hindi ako nagdedesisyon dito na wala akong gagawin, kumbaga, gusto kong ipagmalaki natin ang bansa natin sa ibang bansa, maging number one ulit ang ating Pilipinas, magkaroon ng trabaho ang milyun-milyong mga Pilipino, at higit sa lahat, Boy, ang pangarap ko, ang pangarap ko, ayokong maranasan sa mga, yung mga susunod na henerasyon, ang naranasan kong hirap sa buhay. Yun ang, 'yan ang nagbibigay sa akin ng lakas. Ayaw kong maranasan nila ang naranasan kong hirap sa buhay, kaya gusto ko, ang mga bagong henerasyon, yung mga bagong ipapanganak pa lang o napanganak na, magkaroon sila ng magandang kinabukasan dito sa ating bansa, na anytime, puwede silang mag-apply ng trabaho, makakuha kaagad ng trabaho, puwede pang magdouble job, magtrabaho sa araw, magtrabaho sa gabi. Gusto ko, ang trabaho, maghahanap ng tao. Hindi ang tao, maghanap ng trabaho. Gusto ko lumago ang ating, gusto ko, walang pamilya na walang tahanan. Responsibilidad ng ating gobyerno, ng ating government, na magbigay ng pabahay sa ating mga kababayan.

Boy: Senator Manny, sabi mo kanina, pinaghandaan mo ito, 'Palagay niyo ba, ako'y kumandidato sa pagka-Presidente ng Pilipinas, hindi ko ito pinaghandaan?' Paano mo eksakto, pinaghandaan ito?

Pacquiao: Inalam ko kung ano yung dapat nating gawin sa ating bansa, yung problema ng ating bansa, at kung paano resolbahin yung problema sa ating bansa, kaya ako nagdecision na tumakbo.

Boy: Dahil nalaman mo na lahat yung...

Pacquiao: Nalaman ko lahat, nalaman ko lahat ng problema ng ating bansa, pagpapalakas ng ekonomiya, pagsugpo nitong kurapsyon, pagsugpo nitong mga...

Boy: Senator Manny, ngayon naman, punta na tayo doon sa personal issue-based question. Ngayon pa lamang tayo nagkita after that controversy noong 2016.

Pacquiao: Oo nga e.

Boy: In an interview, you were quoted to have said, and I quote, 'Common sense lang. Makakakita ka ba ng any animals na lalaki sa lalaki, babae sa babae? Mas mabuti pa yung hayop, marunong kumilala. Kung lalaki, lalaki. Kung babae, babae. Kung lalaki sa lalaki, babae sa babae, e, mas masahol pa sa hayop ang tao,' and then you posted an apology post noong February 16, 2016, at ang sabi mo, 'I'm sorry for hurting people by comparing homosexuals to animals. Please forgive me for those I've hurt. I still stand on my belief that I'm against same-sex marriage because of what the Bible says but I'm not condemning LGBT. I love you all with the love of the Lord. God bless you all, and I'm praying for you.' Ito ang katanungan ko, Senador Manny, at wala ako ditong follow-up sa iyong kasagutan. Ako po at maraming tao ay naniniwala that gay love is equal to all forms of human love. Ano po ang inyong pananaw?

Pacquiao: Naniniwala po ako sa kasabihan na love one another. Tama po 'yan. Yung naramdaman mo, naramdaman ko. I love you as my brother, I love everyone as my brother and sisters, so naniniwala po kayo sa human love. Ang issue po na 'yan ay matagal na po, at humingi po ako ng sorry sa kanila kung nakaoffend ako sa kanila. E, hindi naman tayo perpekto dito sa mundo. Lahat tayo, makasalanan, and, at higit sa lahat, mataas pa rin ang respeto ko sa mga LGBTQ, at hanggang ngayon ay marami po akong mga supporters na mga LGBTQ.

Boy: Maraming salamat.

Pacquiao: Maraming salamat po.

Boy: Now, it's time for our political fast talk. We have sixty seconds to do it. Senator Manny, bakit hindi dapat iboto si Mayor Isko?

Pacquiao: May corruption issue.

Boy: Bakit hindi dapat iboto si Senator Lacson?

Pacquiao: Lacson, hindi ko alam.

Boy: Bakit hindi dapat iboto si VP Leni?

Pacquiao: Hindi ko alam.

Boy: Bakit hindi dapat iboto si Senator Marcos?

Pacquiao: Ay, may bahid ng corruption, may issue ng corruption, alam mo naman, ang corruption sa ating bansa ay talagang 'yan ang dahilan bakit tayo naghirap.

Boy: Bakit ikaw ang dapat namin iboto?

Pacquiao: Naranasan kong matulog sa kalye, naranasan kong walang pagkain sa isang araw, at ramdam ko ang naramdaman ng sambayanang Pilipino, at nakita ko ang problema ng ating bansa. Dahil sa nakita ko, kaya kong resolbahin.

Boy: Let's now go to our final question, answerable in sixty seconds, wala rin akong follow-up. March 19, 2018, si President Duterte withdrew the Philippines from the Rome Statute. Noong nangyari yung withdrawal, nagtake effect ito, March 17, 2019, the Philippines was no longer a member of the International Criminal Court. The withdrawal happened matapos ianunsyo noong ICC Prosecutor Fatou Bensouda ang pagbubukas ng preliminary examination sa Pilipinas with respect to the alleged crimes against humanity na nagaganap sa bansa dahil sa war on drugs. The President has threatened to arrest the ICC Prosecutor if she conducts activities dito sa Pilipinas kasi sabi nga ay hindi na tayo miyembro ng ICC, and the ICC has no right to do any investigating. On November 2021, the Philippine government requested a deferral of the ICC's request for examination under the principle of complementarity, claiming that the country had begun yung ating sariling imbestigasyon. The current ICC Prosecutor, Karim Khan, in a document dated November 18, said they will temporarily suspend its investigation into the Philippines as it assesses the scope and effect of the government's request for deferral that cited the investigations being done by the Department of Justice. Mga human rights advocacy groups are urging the ICC to proceed with the investigation to not further delay justice for the victims. Hypothetical naman ito, Senador Manny, halimbawa, ikaw na ang Presidente, sumulat ang ICC Prosecutor na si Karim Khan, at nagrerequest na siya at ang kanyang team, na pumunta dito sa Pilipinas para simulan na ang investigation, ang preliminary investigation sa 'di umano'y mga krimen laban sa sangkatauhan na may kinalaman sa war on drugs ni President Duterte. Ano po ang inyong gagawin, papayagan mo ba sila pumunta dito sa Pilipinas, oo, hindi, at bakit?

Pacquiao: Unang-una, papayagan natin, pero unang-una, gusto nating respetuhin din yung decision ng Pangulo kasi that's his prerogative as executive, 'no, as a leader, at papayagan natin sila nang mag-investigate dito sa atin, at basta hindi lang maabuso yung sovereignty natin. Meron tayong sovereignty na hindi maaapakan yung ating mga kababayang mga Pilipino, 'no, na maipaglaban natin yung, madepensahan natin ang ating mga kababayan, so walang problema, open sila na mag-investigate dito sa ating bansa.

Boy: Senator Manny, maraming salamat.

Pacquiao: Marami pong salamat.

Boy: Thank you for your time. God bless you at mabuhay ka.

Pacquiao: Thank you. Marami pong salamat, Boy.

Boy: Sa inyong lahat na bahagi ng aming pag-uusap ni Senator Manny Pacquiao, God bless you. Stay safe, and good night. Mabuhay ang Pilipinas.

29 January 2022

The Boy Abunda Presidential Interviews, 2022 (Isko)

source: https://youtu.be/cdTqmIGgF_Y
disclaimer: this is not an official transcript.
average reading time: 38 mins

note:
before remarking on errors,
check the audio from source first.

Boy: Good evening, and welcome. Our guest tonight, Mayor Isko Moreno.

Isko: Thank you, 'To Boy. It's an honor to be here. Thank you very much.

Boy: First, let's talk about the environment. Mining in particular because this is one of the most controversial environmental issues. Noong Abril 2021, President Duterte lifted the nine-year moratorium on granting new mining permits sa pamamagitan ng EO 130 (Executive Order 130). December 2021, the Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay nilift din ang ban on open-pit mining through Department Administrative Order No. 2021-0. Pinuri ito ng mga tagamining industry, ibig sabihin, ang mga desisyong ito na dalawa, ng DENR at tsaka ni President Duterte, samantala, binatikos ito ng mga human rights and environment defenders. Ang aking katanungan, Mayor Isko, you are applying to become the next President of the Republic of the Philippines, if elected, pagtitibayin mo ba ang mga desisyong ito o ipapawalang-bisa?

Isko: Pagtitibayin natin because isa sa pinakamagandang asset ng bansa ay yung ating mga minerals, 'no? There is also what you call the responsible mining, and there is gold standard and world standard of mining and responsible one, and it has to be applied to everyone, to anyone, 'no, and at the sitwasyon natin ngayon, sa hirap ng buhay ng ating bansa, sa hirap ng epekto ng pandemyang ito sa ating ekonomiya, we need to generate more FDIs or foreign direct investment, more investment, more jobs, more source of income. We cannot keep on taxing our people base para mapatakbo natin ang gobyerno. Kailangan nating kumita pero we can be responsible in our environment, and I think there is already rules in this world that is applicable and can be applied to our mining industry.

Boy: Klaro lamang, so, patitibayin, pagtitibayin mo yoong paglift ng moratorium do'n sa paggrant ng new permits.

Isko: We will allow mining.

Boy: You will allow mining.

Isko: Yes.

Boy: But what you're trying to say is you will allow sustainable mining.

Isko: Yes.

Boy: And you will also allow open-pit mining katulad ng sinabi ng DENR.

Isko: The mining, it has to be an industry.

Boy: Okay.

Isko: Hindi 'yan puwede tayong magbackyard nang magbackyard at maging iresponsable na lamang. It has to have a rule, and rules and standards of this world can be applied in our industry, the mining industry that we're going to open or we're going to continue. Yun ang importante kasi with that, magkakaro'n ka ng sustainable mining tapos mapapangalagaan mo ang kapaligiran at the same time.

Boy: Sa iyong kampanya, would you accept mining money?

Isko: Mining money?

Boy: Na donation? Halimbawa, may isang nagsabing, 'Mayor Isko, gusto kong tumulong,' pero galing sa mina ang pera.

Isko: Well, kung yung mina na pinanggalingan ay hindi iligal, at ligal at makatuwiran yung pagnenegosyo nila, responsableng pagnenegosyo, why not? E, kailangan ko ng lahat ng uri ng tulong.

Boy: For the sake of argument, Mayor Isko, pinag-uusapan yung destruction of the natural habitat kasi merong nagsasabi, 'Kami, sustainable mining kami. Ibinabalik namin yung mga kahoy,' at lahat, 'no? Ang argumento laban doon ay 'pag ibinalik mo naman, iba na e, iba na yung posisyon ng kahoy, napollute na yung tubig. What do you have to say?

Isko: Well, that's why you have to be responsible to your action. If there is a clear-cut rule that those people who will violate or destroy the environment, irresponsible mining, then the rules should be applied to any John Does and Mary, whether foreigner, partnered with Pilipinos, or Pilipino-own na mining company, and, Tito Boy, what we need is to create jobs because we've lost so much nowadays. What we need is new business because the economy is really affected by this pandemic. We have to be aggressive, we have to be practical, but at the same time, we have to be responsible also for the next generation, and these are the things that are existing in the world, with the gold standard of mining, and that should be...

Boy: I have the new data actually. A hundred eighty-four thousand jobs have been created, 102.3 billion pesos ang contribution sa GDP.

Isko: At ito pa isa, dapat 'pag nagbukas tayo ng mina, 'no, dapat may industriyang nacecreate. Dapat meron din tayong industriya like, for example, let's just say, for the sake of argument and conversation, we wanted to get the ore, and I think we should come up with a plant producing steel, then it creates another jobs, so kumbaga, kailangang hindi lang tayo hihinto dun sa pagmina, o tapos ibebenta na sa labas. It can create another industry to produce such material.

Boy: Ang record kasi, at kasama dito ang ilang sustainable mining companies, there is biodiversity laws, merong ecological imbalance, they haharass minsan ang mga locals, ang mga tao na naroon. 'Pag sinasabi mong we must stick to the rules, exactly, as President, ano yun?

Isko: Well, if there are existing laws, it is applicable to anyone, to any corporation, whether it is startup mining company, whether large corporation company, the rules are the same. Yun yung sinasabi kong predictability and certainty of rules so those who will violate, no matter how big they are, they have to be shut down, and those who comply, tutulungan ng pamahalaan para lalo silang yumabong.

Boy: Mayor Isko, let's go to COVID-19. Let's talk about the pandemic. Sa kasalukuyan, dalawang bagay ang alam natin. Una, ikaw, ako, at lahat ng nagmamasid sa pag-uusap na ito ay alam nating lahat, pinadapa tayo ng virus na ito. Sabi ng DOH, mahigit sa three million cases sa bansa na, and mahigit fifty thousand deaths dito sa Pilipinas. Sabi naman po ng John Hopkins COVID-19 dashboard, more than three hundred million cases around the world and more than five million deaths globally. Maraming mga Pilipino, Mayor, ang nawalan ng trabaho, kabuhayan, mga mahal sa buhay. Marami ang nasirang relasyon, mga plano, mga pangarap. 'Yan ang una. Pangalawa, alam din natin na ang virus na ito ay napakaunpredictable. Dalawang taon na natin itong nilalabanan, at maraming variants na ang ating narinig. Nariyan ang Alpha, Beta, Gamma, Delta, Delta Plus, Omicron. The virus acquires genetic changes, meaning, it mutates. Paano, ano ang susunod, nobody knows. It is both vicious and unpredictable. Ang tanong, given the unpredictability and the viciousness of this virus, bilang Presidente ng Pilipinas, ano ang programa mo para sa COVID-19 ngayon?

Isko: Well, what we have done in Manila is to really confront COVID-19 and prepare for any worse scenario. O, we acquire medicines, we acquire oxygens, we acquire facilities, we acquire more medical frontliners, then at the same time, bukas ang ekonomiya, bukas ang trabaho, so, given a chance, may awa ang Diyos, palarin ako, I'll treat it as an endemic because mas maraming namamatay sa ibang sakit sa ating mga ospital dala ng hindi na nakakapunta dahil napupuno nang napupuno yung ating mga hospital, private or public, so, this, nowadays, if you see Spain and other countries, they're treating it differently. It's like a normal flu nowadays. Now, the thing is we have to strengthen our vaccination because sabi mo nga, virus, it has to be approached scientifically. We must continue to believe in, you know, in these existing antiviral medicines that we acquired in the city of Manila that are existing in the world, remdesivir, tocilizumab, baricitinib, molnupiravir, may bago pa ngayon, boxlovid, which we are about to acquire in a matter of few days, so we have to be ready, always ready, always ahead of the numbers of capacity than the numbers of infection, then we must open, we must offer job, we must open business, we must be aggressive in dealing with this COVID-19. We can learn how to live with COVID-19 and go back to work safely. That is our approach in Manila, and that is the approach that I'm going to do in the entire country.

Boy: Okay. Yung be prepared, naipaliwanag nang mabuti, naiintindihan natin, with your enumeration of the virus meds para sa COVID. Dun lamang ako dun sa confront. Anong ibig sabihin when you say, we must confront the virus? Ito ba yung lockdown? Ito ba yung...

Isko: No, no, no, no...

Boy: Ano pong ibig sabihin ng lockdown, ng confront, I'm sorry.

Isko: Confront, it's live with it. Live with it. Live with it.

Boy: Okay.

Isko: As long as we build more hospital the way we build the bagong Ospital ng Maynila, we build like, for example, Manila COVID-19 Field Hospital in Luneta, para yung may mga sakit na walang kakayanang mag-isolate, meron silang paglalagakan, papanatag ang pamilya nila, at ang pamilya nila, tuloy maghanapbuhay, so these are the things that are doable, duplicable, scalable, so we've shown you the prototype on how to address it. Manila is the most dense city, city in the country, if not in Asia but as you can see, siksikan na kami pero bakit hindi bumubulwak? Because lagi kami naghahanda ahead of time. May projection. We also think of the worst scenario, and I'm fortunate, thanks to British government, I was sent to, December, ay, no, February of 2020, I spoke with COBRA, I got the plan of British government, cinopy ko, inimplement ko, except for the weather because we don't have winter, so puwede siyang paghandaan, and in the long-term process, because if this COVID-19, dumating ngayon, may, it may, another type of virus, I think it's high time for the state, for the government, for the Philippine government to invest into our human resources, scientist, doctors, to create our own agency to find cure and medicine of our own. Pansinin mo, Tito Boy, lagi tayong nakadepende sa bakuna. Huli tayo. Natatawa nga 'ko dun sa sinabi nung isang bansa, pag-aaral nila, late daw ang Pilipinas sa vaccination. Kaya kami nalate, late niyo kaming binigyan ng bakuna e, so we must have that kind of access. If they can do it there, we can do it here, and I think it's high time for the state, the national government, to invest, to, like, for example, UP-PGH, UP Medicine, or other schools...

Boy: On our own vaccine.

Isko: On our own vaccine.

Boy: Sarili nating gamot.

Isko: On our own vaccine, on our own medicine. Magaling tayong Pilipino kaya tayo nahihire sa iba't ibang malalaking kumpanya sa mundo. Now, let's pull them back to the country, and invest on it, and I think it's high time for us to discover our own vaccine, discover our own medicine, because kaya natin.

Boy: And it may take a little while...

Isko: It may take a little...

Boy: Pero meron tayong sarili. Okay.

Isko: Exactly. That's why ito yung paghahanda, pero ito yung future.

Boy: Mayor Isko, paliwanag lang, ano yung endemic versus pandemic, para maunawaan namin.

Isko: Well, ang logic is, it's like meron kang trangkaso, meron tayong ubo, kumbaga, as long as nababawasan mo yung mortality rate because you have medicine, you have vaccine, you have medicine, you have oxygen, you have antiviral drugs, and, of course, machineries in our public hospital, equipment, the way we did, we build...

Boy: So, what is the difference between an endemic and a pandemic...

Isko: Normal na tayo. Yung ganyan na lang, na kahit may pag-ubo mo, yung nilalagnat ka, gusto mong mag-isolate, mag-isolate ka, gusto mong magtrabaho, magtrabaho ka, yun...

Boy: What does it do to the... Okay. Let's talk about poverty, specifically, yung kawalan ng trabaho at gutom. Tuwing eleksyon, may mga slogan ang mga nag-aapply bilang Presidente. Panahon ni President Gloria, narinig natin yung, 'Pagkain sa bawat hapag-kainan,' President Erap, 'Erap para sa mahirap,' President Aquino, 'Kung walang corrupt, walang mahirap.' Ang ibig sabihin, ang dating nito sa amin, starring ang mahirap 'pag eleksyon. According to the PSA, the Philippine Statistics Authority, ang mga walang trabaho, ito lamang ay dadaanan ko, mabilisan, October of 2001, 3.27 million, October 2010, 2.79 million, October of 2016, two million, October 2021, 3.5 million. Ayon naman sa SWS (Social Weather Station), ang mga kababayan nating nagugutom in percentages, taken into consideration the fluctuation of the population, third quarter of 2001, 9.3%, third quarter of 2010, 15.9%, third quarter of 2016, 10.6%, September 2021, ten percent or around 2.5 million Filipinos ang nagugutom. Ang katanungan, bilang nag-aapply sa pagka-Presidente ng Pilipinas, at given itong mga data na galing sa PSA na meron tayong 3.5 million Filipinos na walang trabaho at 2.5 million na nagugutom, bilang Presidente ng Pilipinas, with these urgent problems of joblessness and hunger, ano po ang inyong gagawin?

Isko: Well, we did it in Manila again. We created, poverty alleviation 'yan e, pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng tao, so we created housing. Housing creates jobs. Housing infrastructure, vertical infrastructure that addresses social perennial problem which is homelessness, or ownership, 'no, nagcreate pa siya ng maraming industry. Tinamaan ng semento, tinamaan ng bakal, tinamaan ng trabaho, equipment, gasolina, and so on, and so forth, so you must be aggressive. That's why when I said, I will continue the Build, Build, Build of President Duterte, but build more schools, build more hospital, build more housing, because these will generate jobs, these will stimulate our economy, and this creates opportunity to business, and to the people, so that's one, and with regard to the environment, for example, let's just say nag-open tayo ng mining, 'no? Imaginine mo, maraming mga nasa bundok, walang trabaho, 'no, then let's start reforest, magreforestation tayo, reforest tayo ng ano, magtanim tayo ulit ng mga puno, then we, yung mga IPs, yung mga...

Boy: Indigenous people.

Isko: Indigenous people, ihire natin. Sila ang pagtanimin natin. They know better than anybody else on how to plant trees, so you address the environment, you open something, it affects something, you address it and it affects something, so maraming puwedeng gawin, but I do believe the minimum basic needs, and I remember my professor in UP would always say, MBN, minimum basic needs. When you address housing, education, health care, and jobs, these will alleviate the status, kalalagayan ng ating mga kababayan. That's why since time immemorial, nung ako'y maggobyerno, ito na tinutukan ko. Nung ako'y mag-alkalde, yun ang ginawa ko lahat, pabahay, eskuwelahan, ospital, trabaho. We've lost seven percent in our business. We grew twelve percent in two years, pandemic, we are positive five percent. We grew in terms of income without raising taxes, without raising taxes. Nag-aamnestiya pa 'ko. We've issued the longest amnesty in the city of Manila's history. Six months, twice, but we generated more income because naging episyente, naging masinop, ang pamahalaang lungsod ng Maynila.

Boy: Yung iyong programa both addresses long- and short-term problems?

Isko: Yes. The social perennial problem is homelessness so we wanted to create jobs. At the same time, we address that, so you created also helping an industry, 'di ba? Ang pagtatayo ng building, maraming beses siya, yung trickling-down effect, 'no, yung tinatamaang industriya, so when you stimulate, sinagot mo na yung problema ng tao, na paulit-ulit, and in fact, nga pala, wala 'kong slogan kasi ang slogan, hindi naman 'yan gumagamot sa problema ng tao. In fact, ang tawag ko diyan, porn, ano, ano, porn poverty ba 'yon, yung ginagahasa mo yung kahinaan ng tao, so sa akin, sa Maynila, pantay-pantay, mahirap, middle class, mayaman, kaya yung housing namin, the in-city vertical housing, addresses homelessness, non-ownership, at yung nangungupahan, nagkakaro'n ng pagkakataon. Pantay sila.

Boy: Mayor Isko, 'pag pinag-uusapan ang, ito nga, kahirapan, poverty, specifically, itong homelessness, halimbawa, tsaka gutom, meron bang epekto ang corruption?

Isko: Of course, malaki.

Boy: Kasi naalala ko...

Isko: Dahil kapag matakaw ang, ito, bibigyan kitang magandang halimbawa. O, for example, six months, pinakain namin ang Maynila, bakit? Seven hundred thousand families, sabi kasi ng SWS, with your data, in 2020, September, sabi, magkakaroon daw ng taggutom sa 2021 so ang ginawa namin, cinancel namin ang road maintenance, nilagay ko sa food security program. Six months, kumain ang seven hundred thousand families in the city of Manila. Every month, seven hundred thousand, so yes, it's true. Kapagka talagang may mga magnanakaw sa gobyerno, makakati ang kamay, kawawa ang tao.

Boy: Undersecretary Cyril Ramos said, of the DOF, that twenty percent of the national budget goes to corruption, about six hundred...

Isko: He knows better than me. He's a former president.

Boy: But you agree.

Isko: Most likely. It's happening. We saw it e. May mga nakukulong, may mga sentensyado nga, hindi nakukulong e. Buti pa yung, naaawa ako dun sa isang matanda e. E, nagkamali lang na kunin yung mangga ng may mangga e, nakulong e. E, yung mga nagnakaw sa kaban...

Boy: And that tells you what, Mayor?

Isko: That is inequality. That is grave injustice, lalo na sa mahirap.

Boy: Let's talk about OFW, migrants. As of September 2019, ang estimated number of OFWs worldwide is 2.2 million according to PSA again. 96.8 nito ay may mga kontrata po overseas. 3.2 ay walang kontrata. Ang mga remittances ng mga OFWs, just for us to have an idea, ay noong 2018 po, 28.9 billion US dollars, noong 2019, 30.1 billion US dollars, noong 2020, 29.9 billion US dollars, as of October 2021, 25.9 dollars. In 2018, remittances sent by OFWs accounted for eleven percent of the total GDP of the country. Sa kabilang dako nito, Mayor, ay may tinatawag na social cost. Ito yung unquantifiable because it contributes to the destruction of the Filipino family. Kung ika'y papalarin manalo bilang Presidente ng Pilipinas, how do you balance the economic contributions of the OFWs and the unquantifiable cost of migration that contributes to the destruction of the Filipino family?

Isko: That's why when I said, about a few weeks ago, a peso spent in Metro Manila doesn't give us any growth, so the same peso that I'm going to spend in terms of development in Metro Manila, I will spend it in the far-flung areas because it will generate more economic growth and opportunity in the provinces, so parehong pera pero niredirect mo. When you have this, when you have opportunity for the farmers, binigyan mo sila ng pagkakataon na bilhin ng gobyerno sa tamang halaga yung kanilang produkto, panatag sila, magtatanim sila. Meron silang ayuda sa gobyerno na matatakbuhan para yung kanilang abono, yung kanilang patubig, then nobody wanted to send their children somewhere else, so, when there is an opportunity, because most, most of these numbers that you're saying, is from the far-flung areas, sa probinsiya. Kaya 'yan umaalis ng bansa, siyempre, 'di mo naman masisisi, sa hirap ng buhay, tapos makukuwento ng kapitbahay, ako nga e, 'di ba, nangarap ako maging seaman, dahil yun ang gusto ko talaga, maging kapitan ng barko, because there's an opportunity there. Now, how to create an option? Yun yung sinasabi ko kanina, Tito. You have to generate more FDIs. If you create more foreign direct investment, then it will generate more opportunity. At the rate we're going, about four billion dollars, yung mga neighboring countries natin na thirteen billion dollars, thirty billion dollars, why? Napakamahal ng gasolina natin, napakamahal ng kuryente natin, so hindi nagpupuntahan sa 'tin yung mga pabrika, yung mga industriya. Doon sila lahat nag-iinvest. Ang rules natin, hindi certain. Andami mong kinakausap, kinausap mo na, maniniwala ka ba, na I think by the hundreds of signature, just to approve, Tito Boy, just to approve a PPP? You know what I'm gonna do with that? Okay, ayan ba rule, one hundred? O, lahat kayong one hundred na tao, maupo kayo rito sa lamesa. You sign. You read, you sign. If you agree, you sign, then we finish, in less than one month. It will take two years just to push for the PPP, not yet approve, to push for PPP, so there are rules, too much bureaucracy, too much redundancy, unnecessary redundancy, in the rules. Now, bumaba na sa nasyunal, pababa na sa lokal, pagdating sa lokal, hanggang tanod, problema ng negosyante, so paano papasok sa 'tin ang negosyante, paano natin sasagutin na sila, ''Wag na kayong pumunta ng abroad, 'wag kayong mag-alala, magdadala 'ko ng negosyo dito, magdadala 'ko ng investors...'

Boy: 'Hindi na kayo aalis.'

Isko: 'Hindi na kayo aalis.' Now, you have an option, the value of income abroad, the value of income in the country plus with your family, this, without your family, and that's you, how address the social cost of going abroad.

Boy: Are you in agreement with the creation of the Department of Migrant Workers of the President?

Isko: Well, there's so many laws already. Tito Boy...

Boy: So, what you're trying to say is you don't need, hindi mo na kailangan itong departamentong ito.

Isko: Bago 'ko gumawa ng isang batas, I'll make sure na yung isang department na 'yon ay yun din ba yoong ginagawa. Kung hindi naman, then we'd create, pero what is important...

Boy: Sa iyong pananaw right now, is that a duplication?

Isko: Well, I don't know. I don't know yoong intricacy, yung mga, OWWA, POEA, and so on, and so forth, but the thing is ito, ang pinakamabisang tulong natin sa OFW, yung POLO. We should put professional people in our embassy abroad, oo. Yun labor officer natin. O, kasi, kita mo, e, ilan na ba ang naapi nating mga kababayan? Ilan ba ang naaargabyado nating mga kababayan? Mga kontrata nila, hindi nirerecognize. Iba ang, iba ang sinulat dito bago umalis. Pagdating do'n, iba ang ginagawa. How do they get protected? And yet you're telling me, billions and billions of pesos, or dollars, for that matter...

Boy: Ang ipinapadala dito sa Pilipinas. Mayor Isko...

Isko: Ang pinapadala dito, and they don't get premium.

Boy: Yeah. When you become President, do you look forward to the day na malaki ang mababawas sa ating migrant workers?

Isko: I'm hoping so, with your help, with the help of everyone and the investor, building trust again for the country's, ano, credibility, as a country, of nation, you know, certain of rules, predictable, and that's very important in investment.

Boy: Ano yung pananaw na tinatawag natin silang bagong bayani?

Isko: Well, ginagahasa din ang ating mga OFW ng mga pulitiko e. Tinatawag lang na bagong bayani. Sa'n ka nakakita ng bagong bayani, 'pag nagpositive sa airport, pinagbabayad natin ng six thousand pesos? That's why we offered Manila COVID...

Boy: At saka it normalizes the risks of working abroad.

Isko: O, 'di ba? I mean, pa'nong bagong bayani? 'Pag dumating dito, kawawang-kawawa. Six thousand pesos, nagbabayad. That's why we offer Manila COVID-19 Field Hospital for free for OFW at the very least that we can do, so iba yung kyaw-kyaw, iba yung lip service.

Boy: Let's talk about social media. Pag-usapan natin ang internet, specifically, cyber pornography. Noong 2021, year-in-review report ng Pornhub, isang online adult video streaming website, sabi dito, ang mga Pinoy daw spend eleven minutes, thirty seconds watching porn making the Philippines top one. Talo natin ang France at tsaka ang Japan. Some of the known social media sites, apps, Twitter, Snapchat, ngayon ay minsan, ginagamit na minsan, and some Facebook groups are being used as alternative porn sites. May kuwento lamang ako, dalawa, mabilisan lamang 'to. Si Billie Eilish is a young...

Isko: Singer.

Boy: Yeah, American, American singer-songwriter. She's twenty years old. She turned twenty actually last year. Ang kuwento niya, in an interview last year, sabi niya, 'Eleven years old, I got exposed to pornography.' Pagkatapos daw ay naaddict siya sa porn, and then may mga pagkakataon na ang kanyang napapanood ay ang akala niya, normal, so she was hooking up with multiple sex partners dahil yun ang kanyang napapanood. In her words, sabi niya, 'My brain was destroyed. I felt devastated.' She had nightmares...

Isko: At eleven years old, may access siya?

Boy: Meron. Sleep paralysis, and then her mental health was damaged. Last year, she turned twenty nga, sabi ko kanina. Now, she's on the road to recovery. Tanong, at ito'y hypothetical, nalaman mo at naconfirm mo na ang iyong menor de edad na anak ay addicted to cyber pornography. Bilang magulang, ano ang gagawin mo, at bilang Presidente, kung ika'y papalarin, ng Pilipinas, paano mo ito itatawid sa iyong polisiya on the welfare and protection of children?

Isko: Okay. Well, as a parent, you always talk to your children and be reasonable to them, and try to, you know, explain them the gravity of the situation, specially kung menor de edad, 'no? That is the job of being a parent to your children. Wala namang perpektong magulang, wala namang perpektong pamilya, but at the very least that you can do is really talk and try to be sensible to your children, but as a leader, alam mo, Tito, e, mapalad ako, e, nakapag-aral-aral ako kung saan-saan, ako, nababahala na more than the porn, 'no, more than the porn, another problem with us is the, yung masyado nang palasak yung social media, abuse, 'no, words, sinasabi mo nga ngayon, pati social media, ginagamit na as porn site. I'll teach them a very good lesson, this social media company. I'll make them responsible because nagiging outlet yoong kanilang mga sites. I'll make them responsible that all those account must be real. Alam mo, may plano talaga akong ganyan na papapanagutin natin yoong mga pinagbabalewala lamang ng mga social media companies na 'to. It destroys our country. It destroys society. It destroyed already a country and countries because of this pagbabalewala. Now, and technically, I'll block their IP address. I'll make the ICT, as a powerful agency, to go after to this corporation, to go after to this website, and so on, and so forth, then I'll start talking to, for example, let's just say GCash, PayMaya, fintech, or even credit cards, you know, banking system, kasi para naman mapanood mo 'yan, kailangan mong magbayad e, so there are so many things that we can do technically. We'll go after them because I do believe it's an issue, an issue to a person, an issue to a family, and it has to be addressed by the state.

Boy: Okay. I heard you but you're aware na ang isang twelve year old child can actually get into an app by faking all the requirements.

Isko: Accounts, yes.

Boy: Doon yung sinasabi mo na... Go ahead.

Isko: Yeah, yun yung sinasabi ko na dapat 'pag kumukuha ng account, 'no, 'pag naggagawa ng account, let's just say, para sa mga manonood natin, pinakamadali na siguro, 'pag kukuha ka ng Facebook account, you have to submit the data to prove that you are Boy Abunda, picture of Boy Abunda, data of Boy Abunda, be submitted before you created an account. Hindi yung lima singkong email lang, lima singkong cell phone numbers lang, puwede ka na magkaro'n ng account.

Boy: Pero, Mayor, you give this to the platform.

Isko: Of course, you have to agree. You have to agree. Hindi ka naman nila pipilitin na to sign up e.

Boy: Nung sinasabi mong, 'I will hold these platforms responsible.'

Isko: Yes.

Boy: Ginagawa 'yan ng maraming bayan, 'di ba? Nakita natin si Zuckerberg, for example, in the US Congressional...

Isko: Yes. US... Yes. Yeah, they were...

Boy: How do you do that in the Philippines, makipag-usap at makipagharapan sa 'yo?

Isko: E, pagka hindi nila ginawa, 'di block ko IP address nila.

Boy: Okay.

Isko: Wala na silang negosyo sa Pilipinas, 'di ba?

Boy: Hindi kaya magalit sa 'yo ang tao?

Isko: Well, hindi naman 'to Mr. and Mrs. Congeniality. Leadership is all about protecting your people, proteksyunan mo mamamayan mo, unahin mo tao mo, yun nasasakupan mo. That's how you, how you define yourself. There are things now what you call, madalas mo 'kong marinig, Tito, maasim man ang suka, kailangan mong inumin. Ganun ang pagiging leader. Kaya ka inilalagay, o, para pamahalaanan mo ang tao.

Boy: But isn't that a bit too extreme? Ito ang problema na maliit. E, alam din natin lahat ang magagandang bagay na dulot ng social media for example.

Isko: Well, it create jobs. Kung wala ka namang masamang intensyon, kung wala ka namang masamang balak, e, nothing to worry, 'di ba? For example, Boy Abunda, check. Blue, Isko Moreno, blue, confirm account. You cannot just, ito, Tito Boy, bago maubos yung oras, what if I created a Boy Abunda account, and I posted something there? Can you be held liable, e, it's not you? See, that's the problem, so it create more problem than benefits, and we know for a fact, it destroyed a country already, at some portion of this world.

Boy: There is actually a fake Boy Abunda account...

Isko: See.

Boy: I've written to Facebook to complain many times over. Walang ginawa.

Isko: Exactly. Sino tatakbuhan mo? Ang leader. Ang estado. Ang bansang kinabibilangan mo. Dapat katabi mo.

Boy: Mayor Isko, let's talk about abortion, specifically, rape-related abortion. Sabi ng PINSAN (Philippine Safe Abortion Advocacy Network) at EnGendeRights, Inc., isang Filipino woman and girl is raped every seventy-five minutes, about one in every eight Filipino women, who resorts to abortion, is a rape survivor, seventy women induce abortion every hour, complications from unsafe abortion is one of the five leading causes of maternal death and a leading cause of hospitalization in the Philippines, 2012 alone, six hundred ten thousand Filipino women induced abortion, over one hundred thousand women were hospitalized, and one thousand women died due to unsafe abortion complications, dahil wala nga tayong access to safe abortion in the country, at least, Mayor Isko, thirty women die everyday from unsafe abortion complications. You're applying to be President of this country. Sa iyong palagay, panahon na to enact a law on abortion that would allow pregnant rape victims the choice of legal and safe abortion?

Isko: Nope. Life is life to me. Same thing that I apply to criminals. Due process of law will be observe. Equal opportunity, equal chance, and, you know, the same thing, when I value those lives are suspected criminals, yoong karapatang pantao nila na maipaliwanag ang sarili nila, the same manner applied to any life. I don't like taking life so ayoko ng abortion but I am pro-choice in terms of other things like yung kung ano yung mga accessible na puwedeng ibigay ng estado para sa family planning but when there is life already, when there is life already, nobody should take it away kasi ipinagkaloob ng Diyos yun. O, that's my personal opinion.

Boy: Pinagkaloob ng Diyos pero the situation is ginahasa ang batang ito, ang babaeng ito, nagbubuntis ng isang bata na unwanted. Does that still fall into your reasoning...

Isko: Yes.

Boy: Na 'yan ay bawal?

Isko: Dahil yung bata na yun na sa sinapupunan ng nanay, walang kakayanan ipagtanggol ang sarili niya. Buhay na yun e. Life na yun e.

Boy: Pero, Mayor, kung choice ng nanay?

Isko: No, hindi lang yun para sa kanya. Buhay din yun nasa tiyan niya. There is a life inside the womb. Life is life. Only God can take it away, not human being.

Boy: Dadagdagan ko pa ito ng certain points. Tatay ang nakabuntis sa anak, o 'di kaya there was a story about, there was a story about a doctor na nabuntis ng nagpaaral sa kanya, ang kanyang guardian. Kahit sa mga pagkakataong ganito?

Isko: Hindi maganda ang social status, hindi maganda ang social impression, for whatever impression, kung anuman ang sasabihin ng ibang tao, it may, 'no, it may had a bad effect sa society, sa katatayuan ng ina o ng bata, but life is life. Bawat buhay, mahalaga. Ang buhay ng mahirap, buhay ng middle class, buhay ng mayaman, pare-pareho ang halaga. The same manner, yung walang kamalay-malay na bata sa sinapupunan ng ina, paano man siya naconceive, in a bad way or in a good way, life is life.

Boy: Mayor, paano naman yung karapatan ng merong malay na ina, na ayaw niyang magkaanak?

Isko: Tama naman 'yon pero, 'di ba, yun yung buhay natin. Hindi ko ginusto maging basurero. Hindi ko ginusto kumain ng tira ng tao but yun ang pinagkaloob sa 'kin ng tadhana. Ipinilit kong magsigasig. Ipinilit kong ibangon ang sarili ko. Pinilit kong pagbutihin ang sarili ko nang makilala 'ko ng lipunan nang maayos na tao. Meron akong kalungkutan sa buhay nang mga nagdaan pero hindi ako puwede mamuhay na lamang sa mga nagdaan para sa 'king kinabukasan. Life must go on. We must face these challenges. We must, and that's where the church, the state, the family, come in. We support.

Boy: Mayor, but it's, that's a different story.

Isko: Yeah.

Boy: Oo.

Isko: Yeah, I mean, I'm just saying...

Boy: Nung ika'y naghirap, nung ako'y naghirap, we made certain choices but in a situation where, halimbawa, ang tatay ng iyong ipinagbubuntis ay ang sarili mong ama.

Isko: Napakasaklap.

Boy: At hindi mo maatim na magkaroon ng anak sa iyong ama. Wala ka bang choice bilang babae, bilang tao?

Isko: Tito Boy, masaklap 'yon. Naaawa ako sa gano'ng sitwasyon pero hindi ako Diyos para kumuha ng buhay ng tao. Diyos ang nagbigay ng buhay, Diyos lamang ang puwedeng kumuha nito.

Boy: But you're aware, Mayor, that there's such a thing as therapeutic abortion dito sa Pilipinas...

Isko: If there is therapeutic abortion that are existing, then let's have a therapeutic way of dealing and helping the mother with an unwanted children. O, 'di ba, meron namang isang way. There's always two sides of the coin. It's hard, Tito Boy. Don't get me wrong. Mahirap na katatayuan 'yon ng isang ina na nangyari sa kanya yung ganoon pero we must go on. We must fight. We must help as a state, and as a family.

Boy: Okay. Ang sinasabi ko lamang sa therapeutic abortion ay isang pagkakataon kung saan pinipili ang buhay ng ina, I think, medically, hindi rin ako sigurado dito, in a situation where endangered ang buhay ng ina.

Isko: Ah, that, I don't know, that, I think that's medical, 'no, oo, but this, as a matter of rule, as a matter of principle, life is life. Every life must be safe.

Boy: Ito'y may kinalaman sa iyong religion. May kinalaman sa iyong faith.

Isko: Ah, in a way. Takot ako kay Jesus.

Boy: Mayor Isko, pag-usapan natin ang drugs. Let me start with a quote from the President, from President Duterte, at ang sabi niya, 'I feel so bad about all of these things kasi nalaman ko, paano ko makontrol in three to six months? Ang mga generals na pulis, nandiyan, tapos yung mga Bureau of Customs na inaasahan ko, PI, nasa droga. How will I succeed, e, nasa droga? Alam ko na nagkamali ako. Nagkamali talaga ako. Now, magtanong kayo, ang Pilipinas, are we or are we not a narco-country?' Sabi ng Presidente, 'Yes, we are. Sabi ko, tama yung silang mga kritiko ko, 'E, sabi mo, noong nag-Presidente ka, three to six months.' Hindi ko alam. Pagpasok ko, e, Davao lang kasi ako so ang template ko, Davao. May droga, pero sabi ko, maglaro ka do'n, patay ka talaga. Give me another six months. That self-imposed time of three to six months, well, I did not realize how severe and how serious the problem of drug menace in this Republic until I became President.' Ang katanungan, you're applying to be the President of the country, Mayor Isko, how much do you know about illegal drugs in the Philippines, gaano kalala ito, ang Pilipinas ba ay isang narco-country, o hindi, depende sa iyong pagkakaalam tungkol sa problema ng illegal drugs dito sa Pilipinas, ano ang programa mo laban dito?

Isko: Well, unang-una, hindi ako naniniwalang narco-country tayo unlike, you know, at the time ng Columbian era, 'no, in the '70s, in the '80s. We have not reached that way, I mean, that far, 'no, but there is drugs, and it destroys family, community, and, of course, a country. It can destroy a country. Now, in fairness, in fairness a, and I have to give credit when it's due, in fairness kay Pangulong Duterte, talagang halos hirap na hirap, kung hindi nawala, halos mawala yoong droga sa kalsada. Nung magmayor ako, meron lang akong isang rule na, you know, the way I grew up in the street, o, kaya ako, hangga't maaari e, talagang dinidiplomasya ko, 'no, na basta ako, zero tolerance, non-negotiable, drugs is drugs, if you commit it, commit, selling, you know, we'll apprehend you, kakalawitin ka namin, kukunin ka namin, and we are certain about it, kaya ang drugs sa Maynila, 'no, nag-ano talaga, nagsubside. Almost, masasabi mo, hirap na hirap silang magdeal, then the second thing that I have to give to President Duterte, nawala yung manufacturing sa Pilipinas kasi noong dati, dito, may mga nahuhuli, sa Paco, sa subdivision, sa mga posh subdivision, nagpaplanta ng droga, but the problem with that, nawala nga yung clandestine na operation ng manufacturing of drugs, but the thing is, you know one thing that I found? Bulk nang dumarating dito, so there must be something wrong with our borders, 'no, there must be something wrong with our ports, so, kasi kung wala na yung manufacturing, hirap na magbenta, bakit kung dumating at mahuli namin, forty-eight kilos, forty kilos, five kilos? Nahuhuli namin, malalaki kasi nakapackaging na, so I think it's high time for us to address our boundaries, our entries, the port of entries, then 'pag wala na nagpaplanta, wala na pumapasok, then naturally, walang available na drugs.

Boy: Mayor Isko, would you continue the war on drugs of the President?

Isko: Why not? Why not?

Boy: Anong pagkakaiba kung ipagpapatuloy mo, anong pagkakapareho kung ipagpapatuloy mo?

Isko: Basta papapanagutin kita sa mata ng batas, hindi sa batas ng sinuman, sa mata ng batas, which we are doing, and we will continue to do so if given a chance. No ifs, no buts.

Boy: Will it be bloody?

Isko: No. Well, I mean, sorry to say this, you know, things happen, officially, at within the rules, pero at the rate we're going...

Boy: Officially within the rules...

Isko: Yeah, kasi engkwentro e, engkwentro e, o, wala kang, napatayan nga 'ko ng pulis e. E, inunahan pa yung pulis ko e. There are incident pero ito maganda, Tito Boy. I can honestly say to you, at ninety-seven percent, nahuhuli namin, buhay...

Boy: In Manila, in the city of Manila.

Isko: In Manila, so merong prototype, na dahil I grew up in the streets, I grew up with criminals, I grew up with that kind of environment, ako pa mismo nagtuturo sa lespu minsan kung pa'no sasakutihin.

Boy: Having grown up with the criminals, having grown up in the streets, and I know your story, nakatikim ka ng drugs? 

Isko: Never, not solvent, not shabu, not damo, pseudoflex, pidol, corex, tapos coccaine.

Boy: Mayor, bakit?

Isko: Ayoko...

Boy: Bakit ayaw mo?

Isko: Kasi masisira ulo mo e. Sosolvent kang ganyan, nagrurugby ka, tutuyuin ang...

Boy: Bakit alam mo doon nung bata ka na nasisira ang ulo mo?

Isko: E, nakikita ko sa mga kababata ko e, saka kaya nga ako nagbasura, kaya nga ako nagsidecar boy, kaya ako naghanapbuhay, kasi gusto ko, chicha, hindi addict. Ayaw ko. Nakita ko yun araw-araw e. E, dadaan ka sa eskinita, o, kaya ka nga tusukin ng bolo e, sa liit ng eskinita, maaamoy mo, damo, tapos it turn out, makikita mo yung mga taong 'to, kung 'di namatay, nasa mental hospital, so nakita mo na, kaya ayokong gawin, kaya never, ever, not a single drop or taste, or even curiosity.

Boy: Hindi ka napressure ng iyong mga kaibigan?

Isko: Well, salamat sa Diyos, o, dahil ayoko talaga.

Boy: Okay. You talked about borders. Mabilisan lamang. How will you do it? You talked about ports, na doon pumapasok yung droga.

Isko: I'm, mga, alam mo, kaya first time, mag-appoint ako, navy, ang ating national defense, and we're an archipelagic country.

Boy: Let's talk about the Philippine debt, utang. Pakinggan natin yung data mula sa Bureau of the Treasury. Nang matapos ang termino ni President Erap, ang utang ng Pilipinas ay 2.6 trillion pesos. Matapos yung Arroyo administration, umakyat ito sa 5.1 trillion pesos. Umabot sa 6.5 trillion pesos nang matapos ang termino ni President Aquino. End of November 2021, ngayong administrasyong Duterte, ang total Philippine debt is 11.93 trillion pesos. Madalas nating naririnig, hindi ba, yung hindi pa ipinapanganak, e, nagbabayad na dahil sa laki ng utang ng Pilipinas. Ang aking katanungan, kung ikaw ay papalaring manalo bilang Presidente ng Pilipinas, how do you intend to pay the national debt?

Isko: Well, one, we must pay. It's an obligation, and there is no shame if the state will borrow money. It's part of business. It's part of stimulating a hurting economy because you need to stimulate our state, itong ating bansa dahil sa sobrang ginigiba tayo ng pandemyang ito, okay. Now, there is no bad thing about the state, the LGU, borrowing money, as long as it provides opportunity and business, so ibig sabihin, kailangan, may balik. Kaya mo siya ginagawa dahil gusto mo lang istimulate ang ekonomiya ng iyong bansa, but I think, 'no, I think we can still pay kasi hindi ka naman papayagan pautangin kung hindi mo pa kayang magbayad. Meron namang ano 'yan e, may cap naman 'yan, and in fact...

Boy: Debt-to-GDP ratio.

Isko: Bukod doon, talagang sasabihin naman sa iyo 'yan, masisiyasat ka, lalo na kung international monetary fund, mga foreign organization. In fact, ang pinakamalaking may utang sa buong mundo, Estados Unidos e, but they continue to have a good economy. I think ilang trillion dollars na yung utang nila but they manage, and that's how you do it as a state, 'no? Now, pa'no natin mababayaran? Marami tayong asset na it became liability. Marami tayong asset. For example, may mga lupang tinatanganan ng gobyerno pero nakatiwangwang. These are assets that non-performing, can be dispose of, then create source of income to offset whatever debt servicing that we can do so that we can lessen the debt servicing in our GAA or General Appropriation Act, then we can create more development and investment from our GAA.

Boy: Okay. We must pay is a very good point.

Isko: We have to.

Boy: Oo. There was a point, I think, when we were allocating twenty percent of the national budget for debt management. Ang isa pa ay base sa aming research. We are a good debtor kaya tayo'y pinauutang.

Isko: Which is good. I think we have a good credit rating nowadays despite of the situation.

Boy: Ang nangyari nga lang, yung... Yeah. Yung sinabi ko lamang na debt-to-GDP ay nalaman din natin na medyo sagad na tayo do'n at sixty percent, medyo wala na masyadong elbow room dahil nga sa pandemya.

Isko: And that's why, yung kaninang mga tansagot ko sa 'yo, we need to encourage foreign direct investment, and for us to be competitive, we have to cut some corners, in terms of loss, to generate and attract. Kailangan natin talaga e. Kailangan natin ibalik yoong, yung sigla ng pagpupuhunan sa bansa ng banyaga.

Boy: At paano 'yan ginagawa?

Isko: Ay, well, we have to be competitive in terms of life. For example, ito, specific, yung kuryente natin, napakamahal. That's why I made a commitment to the general public, I'll cut it into fifty percent, yun taxes, so that we can be more competitive, so there are so many things, then perception, it is very important. Are we certain about our rules? Are we predictable? These are the things that investors may ask, whether domestic or foreigners, and it's very important. I'm just fortunate that my teacher taught me very well in understanding those things.

Boy: Balikan ko lamang yung mga sinasabing mga assets na hindi nagagamit na puwede namang ito'y ibenta sa, you're talking about Filipino businessmen, na maaaring makagamit do'n sa mga lugar na 'yon at pagkakitaan ng gobyerno.

Isko: Exactly, exactly. For example, let's just say, hypothetical, hypothetical lang, I have, what, four hundred eighty hectares of Ninoy Aquino Airport, then I have, I'm creating a new airport in Bulacan, and I have an airport, big airport, in Clark, then I'm building North Rail, the Tutuban, Malolos...

Boy: That to you is excessive?

Isko: Ha?

Boy: That to you is excessive?

Isko: Hindi. Underutilization, or maximizing opportunity for our country to grow. May utang ako, may asset ako, underperforming, non-performing...

Boy: But is that good to have so many airports?

Isko: No, it's not good.

Boy: That's what I was trying to say.

Isko: It's not good.

Boy: Okay.

Isko: That's excessive. Yeah, so, tingnan mo ngayon yung efficiency, ito na, pumapasok na yung administrative management ng isang tao on what is efficient, and what is productive, how to define these things, well, siguro, sa experience ng isang administrador, oo.

Boy: At 'ya'y handa ka.

Isko: I've been in government for twenty-three years, from local to national, then local...

Boy: Let's talk about, Mayor Isko, the West Philippine Sea. Pag-usapan natin 'to dahil pinag-uusapan ang West Philippine Sea, pinag-uusapan natin ang...

Isko: Puwede 'to?

Boy: Please. Ang Scarborough Shoal at ang bahagi ng Spratly Islands, specifically, the Kalayaan Island Group. Itong mga lugar na ito ay inaangkin ng China. Sabi ng Tsina, 'Amin ito.' Sa Subi, ang tawag natin, Zamora Reef, at Mischief, ang tawag naman natin ay Panganiban Reef, at iba pa, nagtayo na dito ang Tsina ng mga hangars, underground storage, missile shelters, radar arrays, and other facilities. Noong July 12, 2016, naglabas ng desisyon ang Permanent Court of Arbitration (PCA), pabor sa Pilipinas sa issue sa West Philippine Sea. Sabi ng korte, atin, sa Pilipinas ang West Philippine Sea pero patuloy pa rin na inaangkin ito ng Tsina. Tuloy din tayo sa pagfifile ng mga diplomatic protests. As of December 2021, we have filed about two hundred forty-one diplomatic protests. Sinasagot naman tayo ng Tsina, one hundred fifty-two responses mula sa Tsina. Ang aking tanong, as President of the Philippines, you are also the chief architect of foreign policy.

Isko: Exactly.

Boy: If all diplomatic efforts fail, bilang Presidente, do you think the Philippines is strong enough and prepared to fight a defensive war against China to protect our territorial sovereignty?

Isko: Militarily, no. We know that already, oo, but I do believe in a civilized world, in a civilized time, we are guided by law and order. In fact, that's why we are participants of international organization like United Nation, and in this case, the law of the sea. The court in Hague decided in our favor. It's ours. No question. Historically, it's ours. Under the seventeen, the Velarde map, 'no, the 1737 map, I don't know the specific year, it's ours, then technically, it's ours. We are signatory, the other countries are signatories in that, then those countries that are signatories, in the law of the sea, they must come together and help us because the sauce for the gander is the sauce for the goose. 'Pag sila'y nangangailangan, tayo'y hinihingan. Tupdin natin ang ating tungkulin sa mga pinirmahan nating kontrata, pinirmahan nating mga agreement. They should come. Now, internally, then that's why I will appoint national defense for the first time in history, if I'm not mistaken, first time, ang chief ko ay navy. Why? Because we are an archipelagic country, and a good thing for us, there is no disturbance in the eastern board but the western board, from Aparri to Jolo, there is challenges there, smuggling, and the West Philippine Sea. Now, I'll try to be sensible with China. We will be fearless in dealing with West Philippine Sea, we are, at the same time, we will be fair in terms of trade with other countries, that includes China. We must coexist in economic relationship but we'll always be loyal, loyal, and loyal to the Filipino people, and that is what I'm gonna do. Kung ano nakuha mo, diyan ka muna, brod. 'Wag ka muna magpalaki, oo. E, baka naman magkasubuan tayo, but historically, we were occupied by superpowers. We excel. Nanaig tayo, but point-blank, militarily, we cannot go now, but other countries, strong nations, militarily, meron tayong partnership sa kanila. Meron tayong relationship sa kanila. Meron tayong agreement sa kanila. They should come and help us. That's where, and now, and this is high time for us to show proof of their word and their relationship towards us.

Boy: Okay. Maraming interesado sa South China Sea dahil about 5.3 trillion worth of shipborne trade, dumadaan dito kaya America, Australia, et cetera, I think that's knowledge available to all of us. Yung liit naman ng bayan, I'd just like to make reference, I'm not saying I'm for war, but in 1979, Vietnam fought a bloody war, not about the West, the South China Sea, but about border. Ang akin lamang, Mayor Isko, ay, okay, sinabi ng tribunal, halimbawa, 'Sa Pilipinas 'yan.' 'Di naman nakikinig ang Tsina e. Inimbitahan to be part of the arbitration, tinanggihan naman nila because the complaint is, 'Infirm, the allegations are not true,' at saka hindi daw inexhaust yung bilateral talks with China. Yun ang dahilan ng China, so as we talk, sinasabi pa rin ng Tsina, 'Amin yun,' so     what do you do?

Isko: Well, you keep on claiming it's yours but as far as we're concerned, historically, it's ours, and technically speaking, under existing rules, and laws, and agreements, it's ours. Favorably, binigyan tayo ng pabor doon sa decision.

Boy: Ng PCA. Ang ginagamit lang ng Tsina, yung historic rights daw nila. Tayo naman, ang...

Isko: Nung nine, that's nineteen what? 1940s then the Velarde map, the Portuguese, the Dutch, the Spanish, keep on coming in...

Boy: Ang ginagamit naman nating dahilan ay the United Nations Convention on the Law of the Sea na nagsasabing this is well within the two hundred nautical miles from the outermost island of the Philippines pero ang sinasabi ng Tsina, 'Bilateral talks lang ako. Ayoko ng arbitration,' so...

Isko: And that is my question to UN, 'What are you doing?'

Boy: Hindi nga, ang Tsina nga, umaatras e.

Isko: That's why whether umattend siya...

Boy: So, you will go to the United Nations and depend on the UN.

Isko: Of course, you are part of it. You are signatory. You are a member, 'di ba? You agreed. Hindi pupuwedeng palakihan tayo ng muscle dito. That's why I told you, 'To Boy, in a civilized world, in a civilized time, we are guided by law and order but for now, my interest is makapangisda ang Pilipino ro'n, and I guarantee you that. Kahit nandodo'n sila, makakapangisda ang bawat Pilipino do'n. That, I guarantee to every Filipino.

Boy: Let's talk about Presidential qualifications.

Isko: Am I qualified?

Boy: You're applying to be President of the Republic of the Philippines. Napakacomplex. It's a gargantuan job. Una, the President is the head of government, he's the chief architect of foreign policy, commander-in-chief of the Armed Forces of the Philippines, signs budgets, manages finance, appoints justices recommended by the Judicial and Bar Council, confers the National Artist Award, manages disasters and pandemics, fights drug wars, head of his/her political party, has power over aliens, has power of eminent domain, practices general supervision over local governments, and pardons convicts, among many others, Mayor Isko. That's how complex a job of a President is. Samantala, sa ating Saligang Batas, specifically, Article Seven, Section Two, of the 1987 Constitution, ang qualifications para maging isang Presidente ay ang mga sumusunod, natural-born Filipino, registered voter, must be able to read and write, forty years of age at the day of the election, and must have resided in the Philippines ten years before the election is held. Kung ika'y papalarin maging Presidente ng Pilipinas, sa iyong palagay ba'y napapanahon na para amyendahan ang provision na ito ng Saligang Batas, oo, hindi, bakit?

Isko: 'Di naman. Marami nang dapat baguhin sa ating Constitution, 'no, but these are the things that hindi naman kailangang masyadong pagtuunan ng pansin, simply because at the end of the day, it is the people. It is, in a democracy, it is the people who will choose. They will choose a high school finish, o may doctorate sa Oxford, o, they can choose. Yun ang bisa ng demokrasya, and I think what we should go after is paano natin gagawing mas mature yung ating mga mamamayan sa pagsisiyasat sa ating mga kandidato, o, paano tayo magiging responsableng mamamayan sa pagpili kasi ang kwalipikasyon, e, ako, naniniwala ako a, yung dapat may pruweba. Hindi yung, 'Ginawa ng tatay ko kaya gagawin ko,' yung, 'Ginawa ng asawa ko kaya ito gagawin ko,' hindi yung ginawa ng kamag-anak nila. Where were you when we needed you most? What have you done for your fellowmen, for you to be voted as their head of the state, or being a President? Yung pruweba is a very good qualification of any candidate because you can dream of so many things, you can think of so many things. You just sit in a, one whole day in a room, you can think of a lot of things. This as what you call lip service but wala kang karanasan, ni hindi mo nga alam mga katatayuan ng paano kumalam ang sikmura, at alam naman natin na napakarami sa demograpiya ng ating bansa, yun ang nararamdaman, then how can you relate? You can always choose words. You can sugarcoat things. You can choose better words to describe particular members of the society but wala 'yon. At the end of the day, where were you? What have you done for your fellowmen, and I think that's what matter most more than the education, more than what, education is needed, that, I agree, but you can learn that. Tito Boy, high school finish ako when I entered into government service, and I saw the, nakita ko yung kahalagahan ng edukasyon pero hindi lahat, doon nagsisimula. Ang nagsisimula ang pagiging leader, e, yung ikaw bilang tao, nauunawaan mo ba yoong kababayan mo, yung sasakupin mo, yung paglilingkuran mo?

Boy: Mayor Isko, itong mga sinasabi mo na, 'Nasaan ka nung kailangan ka namin?' Yung karanasan, if I'm getting you right, are you willing to amend the Constitution at iinclude itong karanasan bilang bahagi ng qualification?

Isko: And that's a good point. That, I agree with you, 'di ba, kasi importante yun e...

Boy: Kasi merong mga peculiarities ang bawat bayan.

Isko: Yeah.

Boy: Halimbawa, sa Myanmar, hindi man ako agree, isa ngayon sa kanilang qualifications ay dapat hindi ka mag-asawa ng foreigner dahil may kinalaman kay Aung San Suu Kyi, 'di ba? Indonesia, high school graduate. Turkey, parang higher education.

Isko: Alam mo, magandang ginagawa, magandang pamantayan, yung sa justice system natin. Bago ka maging judge, may X number of years ka na nagtrabaho...

Boy: Great Britain, bago ka maging Prime Minister, you have to be an MP, a member of parliament.

Isko: Exactly, so, meron kang puwedeng dagdagan. 'Wag mo nang baguhin, kasi kawawa naman yung isang magsasaka sa bundok ng Tralala, nagsikap siyang maigi, iraos yung kanyang anak, at yung kanyang anak, naging mabuting mamamayan, nagsikap at biglang naging leader, mawawalan ng pagkakataon na maging leader na ng bansa. Mali 'yon. That's...

Boy: Napapag-usapan lamang natin dahil naalala ko ang sinabi ni, the late Senator Miriam Defensor Santiago na iginagalang natin nang husto, sabi niya, ''Pag nag-aapply ka nga bilang police officer, nirerequire ka na college graduate. Ano pa kaya ang pagiging Presidente?' na napakacomplex but I get your point.

Isko: Yes, but kasalanan din ng state. Bakit?

Boy: Paano?

Isko: We didn't made education available to everyone, at sa'n ka nakakita, ang makapagkolehiyo ka, kailangan mo lumuwas ng Maynila. Ilan kayo, Tito Boy? Sorry, mas lamang ang edad mo sa akin a. Ilan kayong pumunta sa Maynila para mag-aral sa Maynila?

Boy: Kaunti lang, dalawa.

Isko: Exactly, exactly, that's my point, so bago natin iclaim pataasin ang standard ng educational attainment ng isang kandidato, we made sure that education is available to any John Does and Mary, Pedro and Petra, para walang dahilan, 'E, ba't hindi ka pa nag-aral? Libre na nga,' 'Ba't hindi ka nag-aral, gusto mo palang maglingkod?' So, sa akin, okay ang pag-aaral, Tito Boy, pero at some point, may kasalanan pa tayo e so punan muna natin yung kasalanan nang mawalan ng dahilan ang isang taong hindi makapag-aral, kung yun ang argument.

Boy: No, I was not referring just to the education. Yung mga ibang requirements kasi, iba-iba, peculiar sa bawat bayan. Tapos na tayo sa ating sampung katanungan, Mayor Isko. Punta naman tayo sa personal issue-based question na iyo lamang, at ako'y magtatanong, you have sixty seconds to answer.

Isko: Sure.

Boy: Wala akong follow-up. In 2007, Mayor Isko, you ran for vice mayor under Asenso Manileño. 2010, nagsanib-puwersa kayo ni former Mayor Alfredo Lim. In 2012, iniwan mo ang Nacionalista Party para sumama sa Pwersa ng Masang Pilipino with the former President Joseph Estrada na tumatakbo noon laban sa dati mong kapartido na si Mayor Lim. Noong 2016, tumakbo kang senador. You were adopted by Senator Grace Poe, at ang kanyang partido ay Galing at Puso, and you were also adopted by Senator Bongbong Marcos' party, kung hindi ako nagkakamali. 2019, you ran again under Asenso Manileño. You can answer that. Because your critics accuse you of being a political butterfly, what do you have to say?

Isko: Okay. Now, I'm a founder of, one of the founding father of Asenso Manileño. I've never left Asenso Manileño. Parties that you're mentioning is alliances from the local party which I belong and founded with Danny Lacuna. As president and chairman, never kaming nawalang Asenso Manileño. In fact, ngayon, Tito Boy, isa sa pinakamalaking partido, eighty percent ng local party is Asenso Manileño. We started with six, started in 2007 when we created it. It's now 2022 so that's about fifteen years na, and we continue to be Asenso Manileño, and never ko naging partymate si Erap, si Lim, kasi nag-aalliance kami. Kami ang kinukuha. Now, political butterfly, with all honesty, you know, I would rather, if I may borrow, my loyalty to the party ends where my loyalty to the people begins, sabi ni Manuel Quezon. Yun ang akin. Ang loyalty ko, sa tao, no matter what.

Boy: Maraming salamat, Mayor Isko. Ngayon naman ay gagawin natin ang political fast talk, sixty seconds. Sanay ka dito dahil maraming beses ka nang naging bisita sa aking iba't ibang mga programa. 'Kay. We begin. Mayor Isko, bakit hindi dapat iboto si Senator Lacson?

Isko: Senator Lacson? Puwede naman iboto rin...

Boy: Senator Pacquiao.

Isko: Mabait naman siya e. Okay naman.

Boy: Bakit hindi dapat iboto si VP Leni?

Isko: Maghihiganti sa mga Marcos at Duterte.

Boy: Bakit hindi dapat iboto si Senator Marcos?

Isko: Maghihiganti sa mga dilawan at pinklawan.

Boy: Bakit ikaw ang dapat iboto?

Isko: Hindi ako maghihiganti kaninuman. Wala 'kong paghihigantihan. Ako, sa dami ng problema, sa bilis ng problema, kailangan natin ng mga tunay na solusyon at mabilis na aksyon. That, I can do in my own little way.

Boy: Maraming salamat. Let's go to the final question. Muli, you have sixty seconds to answer this. Wala akong follow-up, at narito ang katanungan, latag mo na ito, Mayor Isko. March 19, 2018, President Duterte withdrew the Philippines from the Rome Statute. When the withdrawal took effect on March 2019, the Philippines was no longer a member of the International Criminal Court. The withdrawal happened matapos ianunsyo ni then ICC Prosecutor Fatou Bensouda ang pagbubukas ng preliminary examination sa Pilipinas with respect to the alleged crimes against humanity na nagaganap sa bansa dahil 'di umano sa war on drugs. The President has threatened to arrest the ICC Prosecutor if she conducts activities dito sa Pilipinas because we are no longer an ICC member and the ICC has no right to do any investigating. On November 10, 2021, the Philippine government requested a deferral of the ICC's request for examination under the principle of complementarity, claiming that the country had begun its own investigations. The current ICC Prosecutor, Karim Khan, in a document dated November 18, sabi niya, they will temporarily suspend its investigation into the Philippines as it assesses the scope and effect of the government's request for deferral that cited the investigations being done by the DOJ. Human rights advocacy groups are urging the ICC to proceed with the investigation to not further delay justice for the victims. Tanong, Mayor Isko, sumulat, hypothetical, ang ICC Prosecutor na si Karim Khan, at nagrerequest, 'Presidente Isko, puwede ba kami, ako at ang aking team, pumunta sa Pilipinas para simulan na ang preliminary investigation sa 'di umano'y mga krimen laban sa sangkatauhan na may kinalaman sa war on drugs ni President Duterte?' Bilang Presidente, ano po ang inyong gagawin? Papayagan mo ba sila pumunta dito sa Pilipinas, oo, hindi, bakit?

Isko: Welcome kayo rito. Wala naman tayo tinatago. Our justice system continues to work, and it's effective, gumagana, nothing to hide. I've nothing to hide. You come here investigate. Do what you have to do. We must continue to recognize our agreement. We are a signatory of this agreement, whether it is ICC, Hague, United Nation membership. We must continue to recognize and welcome these people, para nang sa gano'n, bumalik ulit tayo dun sa status na, a, wala naman tayong ikinukubli, saka walang dapat kabahan, ang sinuman, kung wala ka namang ginawang kasalanan, so welcome na welcome sila sa 'tin.

Boy: Mayor Isko, maraming salamat.

Isko: Thank you, thank you.

Boy: Thank you for your time.

Isko: Thank you sa opportunity na ito't maraming-maraming salamat, Tito Boy.

Boy: God bless you at mabuhay ka.

Isko: Ay, may awa ang Diyos. Thank you.

Boy: Maraming salamat, at sa inyo pong sumama sa amin ngayong gabi sa aming pag-uusap kasama si Mayor Isko, maraming salamat. Kayo'y mag-iingat. God bless. Mabuhay ang Pilipinas. Good night.