12 June 2024

ano ba

palaging hinahanapan ng kabuluhan
ang mga nais na aawayanin, waring
sabik sa mga butas na palalakihin
nang palalakihin, sabik na maging
mas na mas mataas pa dahil lang
sa binusisi pa talagang pagkolekta,
siya lang dapat ang makakita, siya
lang naman talaga ang nakakakita.

o siya, o siya, wala naman talagang
gustong makipag-away sa 'yo. ni
mga kakausap nga siguro'y may
pagkaipunan din ng mga hinaing
nilang mahinaing ka't kuro pa'y
kailang magngangalit sa loob-loob
naman, for a change, for this hate
on just surface has just surfaced
for there's no just surface for just
the surface. roots under bear not
only how the blames should have
started but also really these almost
irreparable consequences of their
palaging paghahanap ng kabuluhan.

sino ba talaga ang may kasalanan?

11 June 2024

tanawin

hindi ko pa rin binubuksan
ang mga natitirang linya
ng insulto at agam-agam
na makapagpapabalik
sa mga noon pang pagsakay
ng jeep patungong rekta
sa ibang mga sakayan.

kung hindi pa nakakabisa'y
sagli-saglitan pang sisilip
sa magkabilang pasahero,
hindi naman sa pagiging
apurado pero huwag naman
sanang sigurado na ang
pag-aalinlanga'y delikado.

hindi ninyo ito maipapakilo,
maniwala naman sana kayo,
pakiusap. maski pang wala
naman dapat pang ipaalam,
may natitira pa naman siya
na mga hiya at agam-agam.

10 June 2024

i don't need help

how come you can easily
find these hidden structures
entombed in the deepest
mists and absences, floating
air sacs as the only signs
of life? how come it
never feels just right?

yet it weirdly whispers well
while it touches my soul raw.
somehow i'm sure that it'll
never forget that i had once
been complete, and was just
ready to go.

i am ready to go, but you
can only take me as far
as these hidden figures
of depth. trusting fears
as substitute for lies, one
can only trust death 'cause
when the winds slow down
the path into abyss, a current
isn't was, will never be will be,
and only just is.

09 June 2024

pre-glances

paagnas nang lumalabo
nang lumalabo natitirang
antas ng pakikinig, titigil
at makikiapid. padahan-
dahan nang nakakalimot
na mabagal ang mga alon,
hindi nagagalit sa atin
ang mga puno, maging
ang lait ng kalangitan,
wala talagang tinamaan.

hindi na ba maisasadya
pangungupad sa lupa?
pangungusap ng kindatala,
iniwan na lang sa parirala,

at siwang-diwa, siyang
kalalagyan ng lahat
ng hindi pa nasisikatan,
nakapanghigit sa sarili.

dahil ano pa nga ba
ang hinihintay kung
sa tawag lang madali,
wala pang atu-atubili?

08 June 2024

cool 'to

ganito makinig kay bullet dumas
nang live: para ka lang nag-iisang
nanay, first time manganak,  wala
kang ibang manual kundi iyong
mga nadekwat na pangaral mula
sa iba't ibang tsismis at searches;
lahat, sabay-sabay na magsisiinog
papasok sa iyong kalamnan.

hahayaan mong mapaglaruan nila,
wala kang magagawa. hahanapin
nila ang iyong kaluluwa; ibibigay
mo naman, wala kang magagawa.
papaikut-ikutin ka, matutumba ka
na lang, at wala kang magagawa,

at sa iyong pagkalagak, wala kang
muling maalaala 'pagkat sa 'yong
pagbuklat, naipanganak kang muli;

ang unang pagpatak ng 'yong luha,
hudyat na kanya ka nang nakuha.

07 June 2024

hours, days

there're these long lost bars
na hindi ko naman sinasabing
hindi ko na masasabi, pero
bakit may pinipili lang ako
sa katamaran at pag-iisip,
sa pagtulog at pag-idlip,
na sometimes, inaabot pa ako
ng lima o apat na oras,
which are weirdly distributed
but really mess up with
how i swim in my hours, days.

mamaya-maya lang, saturday
na naman, wala na naman
akong napala. ano pa rin pala
ang mapapala ko kung palarin
ako ng hours, days, which are
repetitions of repetitions, like
how i always recognize art
as rejumbled pieces of nature
and plastic, just getting more
and more malabo miserably
with every iteration. i am
never content with my own
creations.

despite all that, i try not
to wait so much dahil mahirap
maghanap ng nawawalang
puzzle piece, at kahit pa na
in the first place, that is all
what we have ever done
for hours, days.

06 June 2024

no dust

sneak attacks generally work
sapagkat sa kung kadalasan
ang preoccupation ay natindi,
kaagad na masasambulat
kahit na dinaniw lamang
ang bawat daan, ni hinding
umabot sa tiyaga't concentrate.

hahayaan lang mag-initiate
ang target being. you don't
have to worry, really. letting
them be how they always are
ang makapaghahatid lamang
sa kaniya sa 'yo, saka siya
mapapahanap ng nawawala
na salita habang focused din
sa added na mga sukat.

they'd be forced to think
that everything illogical
be just forced thinking,
thinking of everything
they are, as they should.

at habang parurok na siya
sa pagproklamang siya pa rin
ang the best, it'll only take like
a couple of seconds, and
you already know the rest.

05 June 2024

what was

bumaba ako sa ulanan
nang makabiling agad
ng cup noodles, pang-
init sa aming tiyan at
pakiramdam—
naulan pa kasi, basa pa
ang kalsada. ipinaalam
sa akin ng kalawang
ang pamamahiyang
isinusuklob, paulit-ulit.

iiwasan ang karampot
na galit. baka kasi sila
ang uminggit na naman
ng cup noodles, pang-
irap sa aming alam at
pakialam—
napagbibigyan pa kasi,
mas malayo sa kalsada,
mas malayang mandaya.

bumalik akong dala na
ang cup noodles namin.
umalis nang may husga,
umuwing may tira-tira.

04 June 2024

numb shelter

i can always die waiting,
try dying, or wait trying,
'cause this body has been
ready for far too long.

it has, oh, it has been,
for far too fucking long,
and nobody else makes
else for else, and else,
it shouldn't have been
too long. else, it still
would have, no doubt,
and it's only a matter
of time, no clout will
ever be needed. i take
everything, even faded.

i'll let it live inside me,
and for many times,
not just once, i will get
to count nothingness,
oh, pay me less, you
should be grateful,
for i have nothing left.

is it just me craving rest
while i obsess living best
amongst breaking heads?

oh, please. just please.
just... please... don't need
no rioty bleeds, and if
i ever do just carry seeds,
don't mind me, please.

just do whatever else
your momma ceased.

03 June 2024

softbound

i woke up to one warm,
orange sunrise, the heat
was almost unhateable,
and the reflects it made
as i opened my window
for scum foreign winds
were mellowly melting
my eyes.

i wanted to savor, save
everything that might
not happen any longer.

what happened next
didn't matter anymore,
as seven dead photos
should've never existed,
pictures of peace-prays—
could have been perfect.

02 June 2024

scratches

nung isang araw pa ako
binobother ng gatuldok
na mga tila nagmantsa
nang anti-constellations
'pagkat wala namang
pag-aya sa akin kundi
pilitin na namang ako'y
magbabanat ng gloves,
sabon, maaaksayang
tubig pampawi, tubig
na pangulit, panlambot,
pampagana sa nauuhaw.

at nang matapos na rin,
ang hindi matapus-tapos,
at tapos pa, patapos na
hanggang sa lapnos na.

01 June 2024

weightless

naputulan ng kuryente
dito sa amin ngayon.
kagyat akong napaisip
na babalik naman agad,
na sasaglit lang sa phone,
at hindi rin magtatagal,
magbabalik na rin ako.

pero nagkamaling tanga,
mamula-mulang baterya,
naghihintay nga pala 'ko
since when? kanina pa?

kaya nahiga muna ako
sa kama kong naluluto,
pugong limot bantayan,
iniwan at pinabayaan.
unti-unting lumulubog
'di muna pinaalsang patay.
inaakay na 'kong kusog,
hayaan nang mahimlay.

hinihila ako sa tahimik,
with alintanang pawis.
then i start to notice
a pass not too weird.
sa lahat ng de-kuryente,
ako lamang ang gising.
pilit ko mang ipikit
ang aking pantingin,
lumilinaw talagang lalo
huning ibong umiging
pumasok pa sa 'king isip,
ayaw nang 'di mapansin.
ayaw pang sa pagliko'y
dagdag lang kaibiganin.

aba, ay, walang ihahalo
sa seryosong palitan
ng mga nais na bumoses
sa pakitang-gilas lamang.
kaya kung hindi naman
talagang maintindihan,
inilipat aking mga unan,
musika'y 'di maayawan.

06 May 2024

web of quests

minsan, nalilimutan kong
may sinusundan na pala 'ko.
nawawala na lang talaga
sa isip ko. nagpaplano siya
na matagal para makatakas,
parang ako, hindi iniintindi
ang panganib ng hinaharap.

sanay siyang manghula
ngunit ayaw niya namang
magpaputol. minsan, limot
kong may sinusundan na
pala siyang isip, lampas pa
sa isipan ng iniisip ng isip ko.
isipin mo yun? madalas,
hinahayaan ko na lamang
din siya. sino ba ako
para magreklamo? siya
ang nagdulot sa kanya,
at ako naman ay iwan
sa pamimili ng mga ako.

saka lamang siya babalik,
at sakto, kung kailan
nakaikot na rin ako,
handa nang maghagis
ng lambat na kay tagal na
ring hindi pinapalitan.

lumalampas pa talaga ako
minsan. pero natuto na rin
akong magtimpi. pinahihinga
ko rin sila at inaalalang
sa akin naman sila nanggaling.

maaalala rin kaya nila? o hindi
ko na dapat pang isipin? dahil
kung iniisip man nga nila ako,
kusa sana nila akong kalingain,
o kilalanin man lang, o subukang
maipakilala sa iba, kahit yung
mga simpleng ako na lang muna.

wala namang intense na kapalit.
wala namang nagmamadali.
wala ring nagpapadali kundi
walang katapusang palitan,
alitang walang galit, buhay na
sa kalunus-lunos na kagustuhang
makapanggaya. kapuwa na
nagkakayayaan, kapuwa na may
nais na tapusin.

kung may mauna mang pasalubong
ay maghahanap muna ng lilim.
aaralin ang bawat bato't bituin
sa paligid. makikibalita hanggang
sa gutumin. maghahanap
ng makakain. manghuhuli
kung kinakailangan. huwag lang
may maiiwanan. minsan lang ako
may nalilimutan.

03 May 2024

make some noise

malayang nagsasabing may bala
sa tinalupan. yakag na ang mga
'di na mabilang pang pagkurot
sa kung sakali. maaga na agad
ang bukas, sira pa rin at lagi
ang kahapon. mananatili kang
antok na lang kung tinitiis
ang pagbangon, ng pagbangon,

'pagkat 'di lang ikaw ang galit
sa mundo. bad trip na rin
ang mundo sa 'yo. sino lang ba
'tong ubod ng handang matakot
sa matagal niya nang kinikilala?

hindi matapus-tapos at
parating napapagod.
ang pagtitiwala sa imbentong
alamat ang hudyat ng pagkasira
ng pag-iintindi sa iniisip ng iba.

meron naman talagang pakialam
ang lahat. tsismosong sumasanib,
nakikianib sa hiyawan, palakpakan,
walang pakundangan. higitan mo
mang may ubaya, may pagbangga
sa sentido, at pag-aabot ng tubig
na malamig, ang mainit
ay mananatili munang mainit
hanggang sa umikot nang muli
ang daigdig. matutong maghintay.

magkakasugat din ang langit.
pipirasuhan ka rin ng panggapi.
manganganak din ang tuwa.
huwag ka nang maiinip pa.

kasya ka na sa kanila.

iba ka sa lungkot ng ibinaon na
nilang mga alaala. ang nag-iisa
ay pagtatakpan, ang malungkot
ay pagbibintangang ganid,
ang tahimik ay ipaaanod sa ragasa
ng kalsada, ang walang kuwenta
ay makakatikim ng hustisya.

kaya't ano 'yang pinagsasasabi mo
na iba ka? hibang ka na!
magbilang ka na dahil kung
hindi ka pa subukang halatain
ng mga pilit mong iwas
na pambubura, alam mong
hindi ka na aabot pa
sa hunos-dili na.

21 April 2024

folds of folds

ang pagdagok sa nailag
sa kapagkang alas-sais,
sinusubukan nga lang
na magkaroon ng iiyo,
at nalalaman mong ito:

dahilan ay mayroong
sinindihan, wala kang
niliyabang panyabang.

hindi ulanang maaaring
magbukas ng bintana,
at magpapasok-hangin,
walang ibang aatupagin
kundi maghintay, pipikit,
iaasa na lahat sa langit.

pagbalik ay magkasakit,
malayo pang gumaling.
kailangang may minahal,
maging ng mamahalin.

29 March 2024

lazy lazy

gago, pre, they always seem like
they're hungry. you'll hear 'em
when they hear you. they'll let
you know about something
you never cared about before.

the time is always exact. they
never rush nor slack. sleeping
at any point of a day is always
this piece of reveal na they're
safe being with me, kahit na
minsan e hindi ko sila pansin.

hindi naman siguro ako lugi
but i feel like i'd never win.

28 March 2024

kailan balik mo

minsan na rin bang tinawag
na pag-uwi ang 'yong akalang
bisita lamang? nakahanda sila
agad-agad, unang padala lang
ng iyong pagsambit. mayroon
laging mas sabik pa kaysa iyo.

mag-aagawan pa kung sino
ang handang malamigan
sa sahig. makikisali ka sa gulo,
at sila'y awang-awa naman
sa iyo. itatanong kung anong
gusto mong ulam kinabukasan.

kahit ano po, kayo po bahala,
iyong tanging ipinamagitan.

27 March 2024

prototype of a silencer

you should tone down
for a little bit. i feel like
i'm starting to get scared
of what might happen
if this place turns into
its own jungle. i wouldn't
like the hassle of meanings,
intrusions of patience.

don't you already know
how it feels like getting
mobbed by aliens? how they
know things by default, how
they're sure of happenings,
futures we really should not
care about but end up ruining
our cereals. at least you,
of all people, should avoid,
at least, a massacre, a riot
of some sort because if you
don't actually try something,
there'd be of one last resort.

26 March 2024

not even

hindi ka ba naaalog diyan
sa kinauupuan mo, maski pa
hagisan ka ng kamatis, kutya,
at ng delubyo? anong ilusyon
sa iyong kokote ang patuloy
na umiinog, at patuloy kang
umiirog kahit patuloy kang
kinukuyog?

nahihibang ka na yata.

hinding nagmula sa pahinga
ang magpapakapit sa iyo.
may dahilan kung bakit
nagbubuhos ang tao bago siya
na yumao sa paghigop-hilik
ng hinigitang kainipan. 'wag
ka sanang pagpawisan diyan
sa pinagmumura mong isipan.

dahil kung papakatandaan
ang sa lahat ng nakaraan,
walang ibang kumpara diyan
kundi ingay lang ng bulaan.

25 March 2024

you got me

alam mo, paminsan-minsan,
napag-iisip-isip ko rin kung
kakayanin ko bang ibsan
ang bigat ng malaking sungay.
kung sa bagay, sino ba naman
ako para magreklamo kung
ang problema ko lang nama'y
hanap ng laman sa gutom ko.

hindi ako tulad mo, kumakatas
ng tone-toneladang natatanging
mahahalaga sa pagiging buhay.

samantalang ako, kinakatasan
ng peke-pekeang pangarapin
sa buhay. parehas tayo lagi
na magsisikap na magsisikap
kahit isa sa atin ay umuuwi
lang din sa pagkukunwaring
mga paghagilap. kung ang oras
ay maiaatras, isa lamang sa atin
ang mang-iirap. isa sa atin ang
mapapanatag na ang buhay
ay punung-puno ng paghihirap.
yayakapin nang lubusan bawat
bitak na hinakbangan dahil
ano pa nga ba ang pagkayod
kung isa lang ang nakinabang?

24 March 2024

parambula

gumagamit ka ba? hindi ko na
malaman-laman kung may tae
pa ba sa dinadaanan namin.
gumagamit ka 'no? ba't hindi
pa rin napasok sa loob 'tong
mga batang 'to? 'tang 'na mo a.

hindi nga sabi e. ba't hindi
pa rin naniniwala sa 'kin 'tong
kupal na 'to? mas alam mo
na ba agad kahit hindi ikaw
ang nakakita? ha? para kang
mama mo e. putang ina.

weh, 'di nga?

e 'di 'wag kang maniwala.
alam ko ang nakita ko. wala
namang napilit sa 'yo, 'di ba?

ba't ka nagagalet? konti na
lang at sasapakin ko na 'yang
pagmumukha mong panget.
nagtatanong lang e.

nagkukuwento lang din ako.
kuwentong nauwi sa kantsaw,
na nauwi sa ngiwi, ngiwing
may kasamang alinlangan,
tungong 'di mapagkatiwalaan.
ewan ko sa 'yo.

bahala ka sa buhay mo.

matitikman din balang-araw
siyang hain ng bathala sa 'yo.

23 March 2024

bus stop

diyos ko, lord, ikaw na marahil
ang pinakamahalagang kausap
sa bawat nahuhuling tagaktak
ng aking pagpapawis. malapit
na malapit na akong masawi,
at ikaw na lamang ang nasa
aking isip, sa sugod ng aking
bawat kalamnan, sa higpit ng
aking bawat pagkapit, o,
panginoon, akong may-sala
sa iyo, sa aking sarili, sa aking
katabi, patawad na marami.
ako'y—

...night sky, makes city lights
shine like diamonds. our song
plays on the rasumilid na
ang anino ng konduktor, tumabi
na pala siya sa aking sapatos.
kaunting iniusog ang aking bag,
ta's abot ng singkuwenta.
we're living it up...

sa'n 'to? alabang? estudyante?
inagaw ko ang iniabot na papel,
habang kinukumbinsi ang sarili
na wala nang natira pa sa akin.
please, gagawin ko ang lahat,
umabot lang ako. hindi na ako,
kailan man, manghihingi sa 'yo
ng kahit na ano, magpakung
saan man, manggugulo sa 'yo,
ibigay mo lamang sa akin 'tong
kaisa-isang

at biglang pumreno ang bus,
kasunod ang isang malakas
at mahabang busina sa labas.
putang ina mo! 'tang 'na ka!

hindi ba't nangyayari lang 'to
sa palabas? patayin niyo na 'ko.

22 March 2024

don't you

nakasalampak lang
sa salas, titig sa palabas
ng tv. tutok nang mukha
sa mukha, naghihintayan
kung sino ang may unang
gagawiin. lilipat ng tingin
sa repleksyon sa sahig.

itutulak ang sarili
para makabangon.

mauupo muna't kukuha
ng unan sa sofa. isa. isa pa.
sasalampak muli. aabutin
ang remote. maglilipat,
magpapalit ng ingay. unti-
unting lalaksan— hoy, ang
lakas ng tv mo! unti-unting
hihinaan... sabay sa kunot
ng kilay, ng noo.

akala mo kung sino. tingala
sa kisame. magpapapansin
ang bilog na nag-iiba-iba
ng kulay. red, white, blue.
i never wish to fight you
so just let me be, and maybe
i'll let you, too.

29 February 2024

adik ka ba

the worries of my subconscious
only remanifest themselves once
i've served enough hallucinatory
plated with blank static trying its
very best to numb my mind. as i
drift into empty space, my body
forgets the comforts hugging my
every zone. i come alone, and i
come along. come what may be.

i only meet them here. we talk,
and then we cry. shouting won't
bother anyone as well. pleadings
with guilt and compassion are
among readings of petty illusions.

my mind has minds of its own.
they curse. they accuse. they will
not even make me refuse. they go
on and on, they do not stop until
a random pop and fizzle kicks me
back up again. i will not remember
why i am angry, albeit i won't stop
serving them enough hallucinatory.

07 February 2024

don't you worry

tuwing may pakuwang nakikiusap ka
sa 'king tabi, sa mga pagkikipag-usap na
ika'y akin pa bang sinisinta, nawa ay
maghunos-dili ka sa 'yong sinasambit
sapagkat kapagka maragsa ang bugsong
iyo ay siyang dantay mong damay rin
ako. 

          ngunit wala akong ibig sabihin na
tigilan at pigilan mga ibig na hamakin
ng damdaming ibig lang limutin ang
hapdi ng ibig na alanganin bagkus ituloy
ang sarili sa alaalang minsang pakuwang
nakikiusap ka sa 'king tabi, isang dali na
ika'y aking unang sininta. nawa ay lubos
maging akin ka, aking buong sinambit

sapagkat kapagka pagkuwang nakiusap ka,
dantay kong damay na huwag makiusap pa.

04 February 2024

Zend Luke vs Emar Industriya


Round 1

Emar Industriya

Kamusta? Kamusta biyahe? Buti nga nakarating ka pa. Napanaginipan kasi kita na napapraning ka na. Kulang na sa tulog sa paghahanda, ay kulang na rin sa pahinga, sa paghihintay ng araw na ito kung saan mamamatay ka. Malabo? Puwes, ating palinawin. Bawat rima pinipino, 'tong kalaban gigilingin, sasalain na maigi, mula itaas hihilahin, kakaladkarin ka sa dilim pailalim, at padiin kita susukatin, at bara-barang babarahan itong binabae na barbaro habang binabarang ka ng barang bumabara sa utak mo. Pati angkan nito madadamay, isasagad hanggang buto. Panoorin mong naaabo kaluluwa ng lolo mo. Kausap ko ang iyong apo. Sa hinaharap ah. 'Tong lolo niyo, 'wag niyo gagayahin 'to. Tarantado 'to. Kaya pupuruhan ko 'to ng purong metapora. Purong Tagalog na magpapaurong ng 'yong dila nang hindi na kayo, kayo makarinig pa ng kulang na walang bisa, diwang walang wika, wikang walang usisa na galing sa halimaw pa daw na hinihika at puro lang kapantasan? Puwes, ito'y pintas sa 'yong kapintasan. Kumpas pa lang ng aking bantas ay tastas ka't magkakalasan, at sa kaitaas-taasan, tapos na kitang mapagbayaran kaya kahit patayin kita ngayon ay wala na 'kong kasalanan. Ayos lang? Salamat sa diyos. Naarbor na kasi kita nasa sinapupunan ka pa lang. Kaya kinaaawaan na kita nagsisimula ka pa lang. Yung unang kanta mong naisulat ibinulong ko 'yon sa 'yo nang hindi mo alam. Pinatubo kita't pinabunga nang may ngunguyain akong kaluluwa sa panahon ng pagkalam ng aking sikmurang tumutunaw lang ng makatang pampantasya. Ito'y paggahasa ng pagbasa ng paghasa ng panlasa. Dura ko ang kamalasan ng paglalakbay mong dito madidisgrasya. Dahil buhay at kamatayan ang ating distansya. Kaya 'wag ka nang umasa. Magapi mo ko'y mananatiling pagnanasa. Dinaragdagan mo lang ang masasakit mong alaala. What's up?

Zend Luke

Kamusta? Kamusta, Emar? Isang dating kakampi. Matagal na tayong 'di nagkita. Nabulag ka kasi. Ako ang nais na kalaban sa taas ng panahong nakatunganga. Ang mga sungay ko at ang pamamahinga mo ay magkasabay lang na humaba. Mahal na mahal mo ang katamaran. Yun ang hindi ko maarok. Pinaghahanda mo pa ng meryenda 'pag dumadalaw ang antok. Tambay, hilata, pagmumuni-muni lang ang trabaho mo, pre. Sana mabagsakan ng troso itong nagbibilang ng poste. Kung makapal ang iyong apog, mahihiya ka na, 'tol. Balat-kalabaw natapat sa itak ng matador. Luzon, Visayas, Mindanao, sa tunog ko binabiyahe. 'Di nagsusulat sa tubig pero dumadaloy ang mensahe. Katastropiya ang sagot sa mataimtim mo na dalangin. Bagyo ang nakikinig sa mga binubulong sa hangin. Sige, tumingin ka sa 'kin kung matapang ka talaga. Bakit nauutal-utal 'yang nangungusap na mata? Sa 'stilo mo may kulang bagamat isa ka sa mga una kong pamantayan. Si Lukas ang kumpletos rekados, at isa ka lamang kasangkapan. Moderno na ang rap. 'Yang 'stilo mo'y naiwan. Napuyat na kusinero, ika'y natulog sa pansitan. Malungkot ang 'yong mundo. Mag-isa kang naaaning. Kahit maghulog ka ng maraming kutsara, wala pa ring bisitang darating. At 'pag nakaramdam ng gutom, mas sumasalbahe siya, bay. Nambabato siya ng bato para mabato lang ng tinapay. Dalawang pilosopo sa makikita na konsepto. Aristotle at Socrates nagdedebate sa impiyerno. Emar kontra kay Lukas pero tiyak na mas lamang ako sa 'yo. Sa mapanibo na hardin, mangingibabaw ang paruparo. Time.

Round 2

Emar Industriya

'Wag naman. Grabe ka. 'Wag mo 'ko sigawan. Hindi ako pang-ubusan ng boses. Pang-ubusan ako ng lahi. 'Yang hipnotismo mo, sa 'kin ngayon nananalamin kaya sa 'yo sumasapi. Ang agimat mong dala, nang tinitigan ko'y biglang nahati. Pati mga anghel de la guwardiya mo'y pinapakuluan ko na sa talyasi. Agresibo lang ito manalita ngunit ang asignatura hindi epektibo, kaya hindi integratibo, kaya hindi mo aral ang 'yong 'stilo. Tingin ko nga sa 'yo, sinto-sinto ka pati ang iyong kolektibo. Kakatanaw mo kay Tata Lino, tinakwil ka na ng sarili mong tribo, tapos dito pa susuot? Dito sisiksik? Sa mundo kong nilikha, ikakamatay mo ang pananaliksik. Sige, dito ka sumuot sa akademiko kong siksik. Yayakap ka sa apoy at sa impyerno ka hahalik dahil kung tingin mo nakikita mo na o makikita mo pa na kahit gumamit ka ng ikatlong mata, mamamatay kang dilat sa pagtingin ng Industriya. Hindi mo natunugan? Hindi na abot ng iyong prediksyon. Puwes, gumagana ang lahat ng mga ginawa ko sa 'yong orasyon. Hindi mo 'yan mararamdaman, ang lason at ang impeksiyon, kasi hindi sakit ang pumapatay sa 'yo kundi ang iyong desisyon kaya tadtad 'to sa taludturan. Wala sa kalingkingan nitong tagatubig, masusunugan. Ako ang ningas-katagalugan. Sa krus ka ipapako, iaalay sa larangan. At ikaw ay aking iaahon para sa ere ka pugutan. At maging saksi ang mundo... Siyempre, at para maging saksi ang mundo at ang isang katauhan na ang blangkong silid ay dapat lang na minamata para matauhan. Iaalay na rin sa 'yo ang hindi malimutang kalungkutan na magpapantay sa mga paa mo habang ikaw ay lumulutang. Gano'n. Gano'n. Gano'n 'to kagaan. Tinatangay lang ng hangin. Kulang-kulang 'tong kukulangin, halos tayo'ng dapat na bilangin, kasi wala nang paraan para sa daan ko 'to palarin. Sa 'king kamay ka mamamatay, at 'yan ang napatunayang pangitain. Patunay lang na ang pangitain ay kaya kong totohanin. At 'yan ang pinagkaiba natin.

Zend Luke

'Wag naman gano'n. Kaibigan mo 'ko, Emar. Puwede mo 'kong ituring na kakampi. Mahaba pa ang buhay, ayos lang magkamali. Kung ang oras ay ginto, doon ka nagmadali. Dumadami ang 'yong kasalanan dahil sa ninanakaw na sandali. Mahihirapan, magdurusa 'tong kaluluwang nilitis. Ako'y empleyado sa purgatoryo at ang trabaho ko ay tigalinis. Didisiplinahin, paparusahan 'tong kawatan na salarin. Mapuputulan ng daliri itong kumakapit sa patalim. Kaliwa ka nang kaliwa, walang problema, hala sige. Ang kaso, 'di ka nananalo, nananatili kang kadiri. Ang rason kapag natalo, 'di naintindihang maigi. Mag-aral ka na lang ng aikido, magaling ka lang magdepensa sa sarili. Matatamo ay kahihiyan dito sa patayang hanggang dulo. Wala ka nang mukhang maihaharap kapag naputulan ka ng ulo. May espada at martilyo, pangbarbaro ang aking asal. 'Tong galing sa gintong dekada, dadalhin ko sa panahon ng bakal. Gutom na matuto. Lungkot sa loob, mapanlumo. Luhod at sunod sa buod at panuto. Punso na may nuno. Tungkod ang panturo. Tugtog, malaguro. Bugok at bulok na busog sa tulog na bangungot. Doo't nakusog mga kumo sa bungo nasulod pagkabuno. Dugo magulo't nabuo na pagguho. Tutok sa pagtupok, tiyak sunog sa pagsuyo. Tunog, malaguro. Lubog ang pulos, ang bundok at pook paroon at patungo. Usok. Industriyalismo. Pagkawasak ang sigawan. Kung may tenga ang lupa, naririnig ka ng kalikasan. Walang makakaalam na ako ang pumatay sa 'yo. May pakpak ang balita pero nahagip ng aking palaso. Naputol ang puno ng buhay at ginawa ang sagrado kong papel. Ang panulat ko'y balahibong binunot mula sa pakpak ng arkanghel. Sumindi ako ng kabute at tinaktak ko nang gan'to. At ginawa ng diyos ang tao galing sa nahulog na abo. Papatunayan kong mali ang nagsasabing kami'y pareha. Magkaiba tayo ng tela sa pagtatahi ng letra. Ako, sa liriko, may puwersa. Sa pandinig, mabenta. Parang galit na boksingero, ito'y kumakagat sa tenga. Itsura ba'y magkamukha? Para sa 'kin ay insulto. Kung diyos ang sining, ako ang sining, ito'y isa sa 'king rebulto. 'Tong kauri, tatalunin. Magkalaban na tayo, bay. Wala na ang daan ng mga tumakas, sinunog ko na ang tulay.

Round 3

Emar Industriya

Hindi. Gago, hindi ka gumagalos kahit magpakamakata. Naghukay ka 'ata nang malalim, tama 'yan. Diyan ka hihilata. Buhay kitang ililibing kasama ng nagkakandamatay mong talata. Nais ko lang makakita ng makatang naaagnas habang nagmamakaawa. Dahil yung hinagpis mo, ulila, kaya pikit-bulag ang 'yong diwa. Kulang sa hilamos ng kumukulong mantika, nang kumunat at maunat ang maskara nitong manika na kahit imekaniko ni Moniko, ang mekanismo mo ay mahi... Mga sawsaw. Sa timbangan lang 'yon ng aking palagay. Yung estilo mo, hindi kongkreto, aligaga pa't hindi mapalagay. Bata ka pa at supot kung sa mundo ko 'to ilalagay. Kikikilan ka lang ng dose anyos na ako't may kalalagyan ka kapag hindi ka naglagay. Kasi papunta ka pa lang, Zend, papunta na 'ko ulit. Yung daan mong binaybay, ako ang bumutas niyan pabalik. Kaya nga tama ka ng landas, e. Mali ka lang ng armas na bitbit. Didigma ka ba naman sa kagubatan na ang dala mo'y pamingwit? May sakit ka sa isip. Palakpak kayo nang palakpak, may sakit 'to sa isip. Hindi nasusumpungan, na kahit sa masusing pagsusuri, hindi na 'to mabubuksan. Tapos ang asta, parang kaya mo 'kong silaban? Ako ang dagat-dagatang apoy, hindi kita mararamdaman. Kahit sa balat, walang talab. Uugod-ugod ang 'yong piyesa. Ika'y leon sa gubat na binulag ng mariposa. Uminom ng tubig nang tumutuba, nawalan na ng panlasa. Handa niyo pa rin bang tikman ang sulat ni Lukas nang nakakasulat lang ngunit hindi nakakabasa? Kasi, 'tol, yung pangungusap mo, putol-putol. Linya'y buhol-buhol. Pinagtatagping pinagdurugtong, pakunwaring nauulol. Ulol. Yung talim mo, bingaw-bingaw, masahol pa sa mapurol. Tila walang tumatama na suntok ang nagsuot ng asarol. Pero kahit saluhin ko lahat ng 'yong ipupukol, ibuburol ka pa rin sa burol na baul ang ataul. Ilaw ang ulo mong gaparol habang nagsisilab ako ng dayami sa kubol. At kung mabubuhay kang muli, 'tang ina, tarsier ka na lang sa Bohol na pinagkaputol-putol-putol-putol-putol. What's up, Ahon 14?

Zend Luke

Hindi. Isang buwan ka sa 'king ulo, nag-isip ako nang kusa. Parang anit ko ang daigdig tapos ikaw ang kutong-lupa. Mahina daw ang mga tao, puwes sa kamao ko sasagupa. Papatulugin ko na 'tong lobo nang 'di na makapagbilang ng tupa. Namumuna, nanghuhusga porket mulat na po siya. Kung meron kang tatlong mata, ibig sabihin, mas marami ang 'yong muta. Hinaluan mo ng yabang ang mga sulat mong sinalin. Anak ni Habagat at Magindara, ika'y mahangin na malalim. Lirikalan sa lirikalan? Makikipagpalitan ka ng puwersa? Madilim na silid-aklatan, mangangapa ka sa mga letra. Liriko, bumabakat, at ang lakas ko na terible. Kada linya, mabangis, parang mga marka ng tigre. Hihingi ba 'ko ng pasensiya o tatapusin ko na 'tong lokong 'to? Ang bulong ng aking konsensiya, tinalo ng mga boses sa ulo ko. Peke na makata habang ako ang totoo. Parang obaryo lang ni Gaia, mahiwaga ang nabubuo. Ngayon, kusang sasambulat dala kong proyekto. Asignatura at kultura, gawin kong perpekto. May postura't istraktura aking monumento. Mula kay Buddha ang nakuha ko na ornamento. Kada bungad, mga sugat ang naging epekto. Sa pag-usad, mga sukat dadalhin sa metro. Walang kupas nga lang, Lukas na siyang sinemento. Pinapamulat mga sulat na may sentimyento. Si Emar, malademonyo, pero sa pag-ibig, napinsala. Isang mabangis na diyablo na tinalo lang ng diwata. Ginawa ka daw utusan, naging mahinhin ka na masiyado. Naging 'di makabasag-pinggan, pinaghuhugas na lang ng plato. Dumadapo ang buhay 'pag narinig ang aking sipol. Sungay mo, nagsasanga-sanga, pero walang pumapatong na ibon. Nakatutok ako sa sulat, nakatitig, parang nagninilay. Tapos biglang nag-apoy ang liriko kaya nasunog ang aking kilay. Makikita niyo sa laban na 'to, deretso sa ulo ang pinsala. Sarap hatawin ng maso 'yang bungo mo hanggang memorya, mawala na. Delikado kaniyang isip, deretso sa utak, mga bala. Parang pinanis ko album mo, mabubura ang alaala. Isa-isa kong tutugisin kung marami ang ikaw. Pinapasok sa lambat, mga kaluluwang ligaw. 'Di lumalagpas sa oras, pero nairaos ko yung punto. Nilalabas na kita sa kahon sa loob ng dalawang minuto.

27 January 2024

café conundrum

i invited myself in this game
of words between window pane
rivulets, lightly casting screenshows
upon the sidewalk. that lamppost,
i can almost guarantee you, it was
half-blinking before i even started
talking shit to myself into this game,
stirring cold cups, strange pups,
old grumpies i mock. don't stop

for me, please, nothing is necessary.
you shouldn't have to worry. i brought
my own umbrella, and besides, it is
more fun for me to actually fumble
inside homilies than to step outside
and scale with my aching ankles.

i'd sigh but for relief, unknowingly
shaping hollows on this window again,
rushes and clangors filling up an
unleft void 'til that fucking lamppost
snaps me back in just to spite me.

we will not ever know what
it was supposed to be.

10 January 2024

framed still

a story develops
hindi nang biglaan
na lang may bunga
at mga hayop na
nag-aagawan.

now, it could very well
start at the very end
knowing na hindi na
lutang ang nakikinig.
mayroon lang kaunting
kalituhan, 'di babayaang
maging intense masyado
sa metaphors, structures,

pero sometimes, kahit na
indifferent ang paghahalo,
at some point, matatapos
pa rin sa pagkakaunawaan,
sa bungang kakahilingan.