01 May 2026

fragment 19

nag-umpisa ka munang magtaka pero unti-unti nang kumukunot ang iyong mga kilay at noo. ano itong pilit niyang iminumungkahi sa iyo na bigla-bigla na lamang tumapos sa iyong sariling yangkaw? pilit mo ring ipinagkakait sa kaniya, maging sa iyong sarili, ang kahit bigyang-aninag man lang ang tinuturo niyang dako.

mayroon ba siyang problema sa iyo? nasisira na kaya ang kaniyang kokote? mali ba ang mga desisyon mo para sa inyo? at kailan pa siya nawalan ng tiwala sa iyo? gulong-gulo ka na sa iyong loob-loob at unti-unti nang naninikip ang iyong dibdib. nagbalik ka sa paglalakad ngunit sa mas matulin na pagtanggi pa rin at pagkaubos ng pakialam.

hindi mo naisip na lumingon pa ulit dahil sa pagkalunod sa galit. nahaharangan ang bawat bait ng pagsagot na hindi naman makatuwiran. sa pagpansing panumbalik ng hiningang tumitigil-hinto, lumingon ka sa unang pagkakataong muli't nasilayan siyang hapong-hapo, lumuluha, at nais ka pa ring pakiusapan.

No comments: