lumapit ka nang dahan-dahan at huminto sa puntong may pagsalubong. bakas sa kaniyang mukha ang awa at lungkot ngunit nakapagtatakang walang kahit ano mang bahid ng galit ni inis. tumigil nang ilang saglit ang paghabol sa mga nilampasan at nakaligtaan. dahan-dahan ding tumahimik ang inyong mga isipan.
siya ang muling naunang ngumiti. ngiting may malumanay na pag-unawa sa iyo. ngiting dumidistansiya ngunit walang takot. ngiting walang panghuhusga. ngiting may malawak na pasensiya. ngiting nagpapatawad. ngiting nag-aanyaya. iniangat niya ang kaniyang kamay at humaling pahila sa iyo. unti-unting gumaan ang iyong pakiramdam ngunit ano itong paninibago sa iyong lumalabo palang paningin? pinagmasdan niyang tumulo ang unang patak ng iyong unang pagluha.
No comments:
Post a Comment