04 March 2017

100 Cigarettes - III

III

Nagising ako sa kaunting kaluskos. Hindi ko alam kung nanggaling sa iyo o sa bus. Hindi ko rin alam kung guni-guni ko lang at trip na ’kong gisingin ng utak ko. Baka rin kasi dahil sa iyo ‘pagkat maya’t maya mo ako nilalambing. Ikaw ang una kong sinilip, ikalawa, sa bintana. May ilang minuto pang umusad pero hindi ko na ramdam ang usok ng lungsod. Alam kong malayo na tayong muli sa pamilyar. Kaunting usad pa’t kumanan ang sinasakyan nating bus sa isang building na maraming kainan at nakaparada ring mga bus. Pumarada sa isang tabi’t inannounce ng konduktor na mayroon tayong labinlimang minutong stop over.

Ayos. Yosi break.

Tumayo na tayo at napansin kong iniwan mo ang isa sa mga bitbit mong bag. Sinabi mo sa aking wala namang kukuha no’n. Isang bag lang naman yung dala ko pero dinala ko pa rin. Naalala ko na lang kasi bigla yung minsang napagtripan ako sa bus malapit sa Sentral.

Pagbaba ng bus ay maraming nagbebenta ng hotdog, buko pie, at chicharon. O yun lang din yung mga kilala kong pagkain. Tinanong kita kung may gusto kang kainin. Wala ka pa yata sa mood ngumata. Inalok din kita ng yosi ngunit ayaw mo pa rin. Hinila na lamang kita tungo sa aking dibdib, niyakap at hinalikan ang puyo.

Napansin mong ubos na ang yosi ko’t matapos ang ilang saglit pa’y niyaya mo na ulit tayong bumalik sa ating mga upuan. Nakailang kilig ka na rin sa ginaw ng aircon kanina pa kung kaya’t hinubad ko na ang aking jacket at nakipagpalit sa iyong, uh, cardigan? Polo? Anyway, nakapagpalit na tayo bago pa man umandar muli ang pagbiyaheng umakit sa panibagong paghimlay.

Napagkuwentuhan nating panumandali ang pelikulang isinaksak ng konduktor hanggang sa pinasuyo na natin ang antok. Nakailang oras muli sa kalsada ng panaginip bago makarating muli sa panibagong stop over. Pagbaba’y dinala ko pa rin ang aking bag at sinundan ka tungo sa isang McDonald’s.

“Anong gusto mo, baby?” pabalik na alok mo sa akin. Ako ma’y wala talaga sa mood gumastos para sa pagkain o kung anupaman hangga’t hindi pa ’ko mamamatay sa gutom.

“Wala. Sige lang.”

Nagpatuloy ka sa iyong pag-order. Bumili ka ng isang sandwich at isang order pa ng fries. “Sure ka, baby? Libre kita.” Magic word muli. Saka ko lang din naisip na hindi pa rin naman ako gutom.

“Sige lang.”

Naipunch na ng kahera ang bill at inabot mo na ang limandaang pisong tinanggihan kanina ng taxi driver.

“Ma’am, wala ho ba kayong smaller bill?” tangging muli ng kahera. Tingin ko nga e wala. Sinabi mo sa aking puro 500 bills yung laman ng pitaka mo.

“Ito na,” sabay kuha ng wallet ko sa bag, buti na lang dinala ko yung bag ko. Kung hindi, baka nagreklamo pa ’kong pabulyaw sa kawalan nila ng panukli bilang din namang stop over sila at 24 hours ang kanilang restaurant.

Pero hindi ko rin naman nga kabisado ang galawan sa mga fast food sa kadahilanang wala naman akong karanasan sa pagtatrabaho sa mga ganito. Nag-abot na ako sa kahera ng smaller bill na pangarap niyang isuksok sa kaha nang makapagserbisyo pa sa nagugutom ding nakapila.

Bumalik na tayo kung saan nakaparada ang bus matapos mo pa akong takuting iniwan na tayo ng bus. Ha-Ha. Hindi na muna tayo sumakay ng bus bagkus ay nagsindi na muna ng yosi. Binuksan mo na rin ang lalagyan ng sandwich na binili.

“Anong sabi sa ’yo ng mga tao?”

“Saan?” pagtataka ko. “Dito? Sa Baguio?”

“Sa’kin puro ingat eh.”

Si Jose lang din naman nakakaalam halos na magpupunta ako ng Baguio. Pati mga kapatid ko. Jemar, Guno at Raylyn pa pala, fuck. “Wala. Puro pabili ng ganito tsaka pabili ng ganyan.”

Inalok mo ako sa huling pagkakataong kumagat sa iyong sandwich. Itinuro ko na lamang ang aking retainer. Pagkaubos natin ng ating mga yosi e bumalik na tayo sa ating mga upuan. Ipinagpatuloy mo ang pagkain sa fries at ipinatong ang cup ng coke sa gilid na bintana.

Baka matapon, sabi ko sa aking sarili. Tinanong ko kung diretso lang ba yung dadaanang kalsada at tinawanan mo lamang ako. Ipinaliwanag kong baka ‘pag lumiko kasi yung bus e matapon nga yung coke. Hindi ko na sigurado kung pinakinggan mo pa ’ko dahil patuloy ka pa rin sa pagtawa. Inilipat mo na lamang ng puwesto yung coke. Hiniram mo na rin ang aking laptop dahil may ipagpapatuloy ka pang gawin para sa ilan mo pang mga subject. Kinuha ko na agad, binuksan, at iniabot sa ’yo. Pinaingatan ko ring huwag matapunan ng coke at fries ang keyboard. Nang maubos na ang natirang fries at coke, at makasiguro’y isinandal ko na ang aking ulo sa likod bago pumikit.

Naramdaman kong paunti-unti akong dumudulas tuwing halos mananaginip. Minabuti kong sumandal naman/na lang sa iyong balikat. Pinahintulutan mo naman ako kahit na baka mahirapan ka’t nakikibigat lamang ako sa mga pasanin mo.

Nakapuslit pa rin naman ako ng ilang mga hilik at pekeng gunita. Sa ngayo’y nagtagal at noong sumapit na ang mapang-asar na hila ng pagbango’t pagmulat, pinilit kong sumandal muli sa aking likuran, habang makapagsingit ng isang halik sa iyong pisngi at makasilip sa iyong boses. Good morning sa tanghali.

Nilingon ko ang kanang bintana habang ginagalaw-pansilay ang kurtina. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon e wala naman nga akong kaide-ideya kung saan na nga ba dumadaan ang bus. Tiningnan kong muli ang pelikula sa TV at sina Piolo at Sarah na ang umaarte. Chineck ko ang aking phone kung nagreply na nga ba yung tinext ko na pag-aabutan ko ng mga tula ni Wame.

Wala pa rin. Ibinalik ko na sa aking bulsa ang phone at makalipas ang ilang minuto’y tumunog nang may tumatawag sa phone ko. Puta sinong tatawag sa’kin? Kinabahan ako nang saglit kasi baka hinahanap ako sa boarding house, ng nanay ko. Paranoid android.

Madali kong sinagot ang phone. Nanay ko nga.

“Tite,” bungad ng caller.

“Tite,” putok-panumbalik ko sa kanya.

“Sa’n na kayo?”

“Hindi ko alam,” silip kong muli sa maaliwalas na araw sa labas. “Maraming puno eh.”

“Haha. Puta para pa ’kong tatay ah. Kamusta kayo.”

“Hahaha. Okay lang,” Sabay kaunting bullshitan lang ulit, tapos baba. “Si Jose, tumawag,” paliwanag ko sa iyo. Parang nanay amputa. “Namiss na agad ako.”

Niyakap kitang muli at hinalikan sa pisngi. Sinesend mo na yata ang mga tinapos mo sa laptop dahil panay reklamo ka na sa kupad ng connection. Patuloy pa rin sa paglalandian sina Piolo at Sarah sa TV habang nanririndi na ako sa pagpansin ni Piolo sa mga flat na tono. Akala niya, siya, hindi. Nakikitawa ka na rin sa bawat bullshit na binibitawan ng pelikula.

Pasok pa rin ang tirik ng araw sa mga kurtina ng bus. Walang bahid ng pagbisita ng kulimlim. Napipinto na ang paghinto natin sa pagdiss sa ilang banong linyahan ng emosyon sa palabas. Parang pumapatag na naman yata yung puwet ko. Naramdaman kong nais ko nang muling manigarilyo. Dumaang muli ang ilang bukirin, puno, baka, paayusan ng kotse, at tarpaulin ng mga tindahan at ilang mga kupal. Humintong saglit ang bus sa gitna ng kalsada’t kumabig pakaliwa.

Ikatlong stop over ng biyahe. Halos palampas na rin sa tanghali ang oras. Bumaba na tayo para makapagyosing muli. Ako na ang nauna’t sumaglit ka muna sa banyo. May isang malaking sementong ash tray muli sa may paradahan. May mangilan-ngilan din akong kasabay na humihithit. Sa kabila ng kalsada’y isang malawak pang bukirin at isang lumang tindahang hindi ko mawari kung bukas o kung ano. Ilang hithit pa’y palapit ka nang muli sa akin at umakma na akong iabot ang kaha. Hindi ko sigurado kung magsisindi pa ako ng panibago pero minabuti kong hintayin ka na lang matapos.

Pagsakay muli ng bus, inisip ko kung malayu-layo pa ba tayo sa Baguio, at baka may oras pa ako para buksan yung laptop ko at mangalikot ng mga hindi ko naman mapapakinabangan nang matagal dahil sa pesteng attention problem. Tiningnan kita para kung sakaling may maisip akong iba. Ikaw lang tuloy yung naisip ko, kaso nakatingin ka lang muna sa bintana. Binaling ko ang atensyon sa TV matapos kang titigan panumandali.

Naramdaman ko na lamang bigla ang iyong pabalik na lingon sa akin, “Mga isang oras na lang, baby.” Sabay sabi kung nasaang kalsada na tayo. Medyo lumuwag ang aking loob at piniling matulog na lang muli. Maya’t maya kong muling nararamdaman ang paglalambing mo sa aking pandinig. Maya’t maya rin ay naramdaman kong nakakaidlip ka dahil wala nang lumalambing sa akin. Lumipas ulit ang ilang minutong pag-usad ng bus sa ating pag-idlip at tumambad na lamang sa aking sumunod na pagmulat ang pakiramdam na paulit-ulit na paliku-liko ng bus, liku-likong kalsada. Kumakapal na rin ang maninipis na tila ulap kung tingnan. Pakiramdam ko noon, ang taas-taas na natin sa bundok. Lumalabo na rin ang bintana at bumibisita na rin ang kulimlim. Dumarami ang mga kubo sa daan at sunud-sunod na mga paggiling ng bus.

Naalimpungatan ka siguro habang iniisip kong tanungin kung malapit na ba tayo. “Fog,” banggit mo sa akin matapos silipin ang kalsada. Kinuha at binuksan mo ang iyong bag. Napansin kong magreretouch ka yata ng makeup. Napaisip tuloy ako sa tuwing kailan ka lang ba nag-aapply/nagreretouch o random lang yung bilangan. Tinanggap ko na lamang sa sarili na malapit na nga yata tayo sa Baguio.

Nakailang akyat at liko pang muli ang bus bago pa man pumasok ang ginaw ng kabundukan at magkatao na naman ang mga kalsadang dinaraanan. Lalong dumarami ang mga tindahan, restaurant, iba’t ibang establishment, mga inn, at matataas na kabahayan. Nanumbalik ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil papalapit na nang papalapit ang kahapon ko pang hindi matulugan. Tapos ka nang magmakeup at umakma na sa iyong mga dalahin. Hinanda ko na rin ang aking bag at sarili. Unti-unti nang bumabagal ang takbo ng bus at nadaragdagan pa lalo ang mga taong naglalakad. Madali lang tantyahin minsan kung turista lamang silang tulad natin dahil sa wala pa silang nahahanap na matutulugan sa dami rin ng kanilang mga dalahin. Puwede ring kauuwi lang nila kung saan.

Pumasok at pumarada na ang bus sa isang terminal ng Victory Liner bilang hudyat ng huling stop ng biyahe. Saan tayo unang pupunta, tanong ko sa aking sarili ngunit panatag dahil ikaw naman ang bahala sa atin.

“Anong sasakyan natin?” bago pa man tayo makalabas ng terminal.

“Taxi,” madaliang sagot mo sa akin habang tumitingin sa labas kung mayroon man. Paglabas nati’y naglakad tayo’t tumawid at napansin kong may tinarget ka na palang taxi/taxi driver na kakausapin. Kinausap mo nang saglit ang driver saka niya tayo pinasakay. Weird dahil nakabukas lahat ng bintana sa sasakyan. Magmumukha naman tayong gago kung nag-aircon pa tayo dahil napakalamig ng simoy kahit na tirik na tirik ang araw. Natanga lang din ako dahil nakailang liko at usad lamang ang taxi’t bababa nang muli tayo. Ang lapit lang pala ng ating tutulugan. Hindi mo na rin siguro lubos na maalala kung pasaan nga bang muli ang mga pasikut-sikot at nangangapa ka pa sa iyong alaala.

Mura din lamang ang bayad sa taxi at ako na ang sumagot dahil kanina ka pa nga pala hindi nakakapagpabarya. Pagbaba nati’y tiningala ko ang inn na tutuluyan natin. May isang nakaparadang puting kotse at ilang mga display na proof ng gusali na isa silang legit na tulugan. Pagpasok ay walang taong sumalubong sa atin.

Magkano kaya rito. Alam kong matagal na nating tinantya ang gastos natin para sa buong karanasan sa Baguio at mukha namang kinonsidera mo ang ating budget. Sa reception area’y may isang bell at isang computer. Maya-maya’y may dumating na isang empleyadong may bitbit na ‘di ko malaman kung kubrekama o tuwalya, “May reservation po ba sila?”

“Tumawag po ako kagabi,” paglilinaw mo. “Sabi po nung nakausap ko, meron pa raw pong vacancy.”

“Sandali lang.” Pumasok sa isang kuwarto ang empleyado’t tungangang muli tayo. Maya-maya ulit ay may lumabas na isang matanda. Napansin niyang mukhang wala nga tayong tutulugan kung kaya’t may hinanap/binanggit siyang pangalan nang maasikaso na tayo. Salamat naman. Kanina pa nga yata ako naninikip at naninigas.

Hindi naman nagtagal at may pumuwesto nang tunay sa reception. “May reservation po ba sila?”

“Ay, tumawag po ako kagabi at sabi po nung kausap ko, may vacancy pa raw po.” Sinilip ko at may chineck na table ang empleyado. Mukhang hindi naman siya iritable at makakakuha tayo ng kuwarto. Kumuha na siya ng susi’t sinundan na natin siya pababa kung saan ipapakita sa’tin ang isang bakanteng kuwarto.

Pagbukas ng pinto’y may isang kama at pribadong palikuran. Ibinaba na natin ang ating mga bag saka ako humimlay nang wagas sa hindi gaanong malambot. Sinabi mo sa aking ikaw na muna ang magbabayad at napagkasunduan natin, habang kausap ang empleyado, na hindi natin kakayaning bayaran ang pandalawang gabing pananatili’t magyu-Yuj Inn na lamang tayo kinabukasan. Umakyat ka na’t sumunod sa kanya, at naiwan ako upang unti-unting tanggaping nasa Baguio na nga pala tayo.

Okay naman ang lawak ng kama’t kuwarto ngunit hindi ko gusto ang dami ng bintana. Mayroong bintana sa itaas na pasok na pasok ang init ng liwanag ng araw. Sa gawing harapan ng kama’y isang bintanang bagamat may kurtinang makapal e hindi kumportable sa pakiramdam. Hindi ako kumportable sa kuwartong ito. Kinuha ko ang aking bag pati ang isa mo pang bitbit at umakyat muli sa reception.

Mukhang nakapagbayad ka na’t iniabot na sa iyo ang susi. Tumabi ako sa ’yo sa harap ng bell, “Puwede pa po bang lumipat?”

“Oo naman, Sir. Saan po ba?” tanong sa akin ng empleyado. Tinanong mo naman ako kung bakit at sinabi kong ayaw ko doon. Hindi ko na binanggit na dahil sa dami ng bintana.

“Doon na lang sa katabi, Kuya.”

Pumayag na si Kuya at sinundan natin siyang muli sa katabing kuwarto. Suwak dahil walang bintana at liwanag lamang mula sa butas sa itaas ng pinto ang nakakapasok. Iniabot na niya sa atin ang susi’t isinara na ang pinto. Kaunting pananabik muli. Ibinaba na natin ang mga gamit sa isang mesang may salamin sa gawing pader at mangilan pa sa kama. Chineck ko lahat ng switches ng ilaw sa kuwarto. Mayroong isa para sa banyo at isa para sa kuwarto. Walang pintong naghahati tungong palikuran ngunit wala na tayong pakialam doon. Mayroong dalawang tuwalya ang nakapatong sa mesa at minabuti kong ilipat ang mga ito sa banyo, saka ako umihi sa bowl.

“Mga kumot ‘yang mga ‘yan, baby,” nginitian mo lamang ako.

“Huh? E mukha kaya silang tuwalya.”

“Kumot ‘yan, baby.” Alright, fine. Kinuha kong muli ang mga tuwalya at napagtantong walang mga kumot sa ating kama. Oo nga ‘no. Sinara ko na ang ilaw sa banyo.

Naisip kong masyadong maliwanag at nais mo nga palang magsex pagkahanap natin ng kuwarto. Masyado namang madilim kapag walang nakabukas na ilaw at hindi sapat ang mga butas sa napili kong kuwarto. Hindi naman ako nag-alala dahil pagbukas ko ng ilaw ng banyo’y voila. Perfect.

Nauna ka nang dumapa sa kama’t mukhang pagod na pagod ka na rin. Ibinagsak ko na rin ang aking katawan katabi mo sa pagod ng pag-upong biyahe. Unti-unti akong lumapit sa ’yo’t hinalikan ka agad sa labi. Humalik ka rin agad pabalik sa’kin. Bawat kumpas ng mga labi nati’y parang kay tagal nating hindi nakapagsamang muli.

Unti-unti na ring bumibilis ang balikan ng pakiramdam hanggang sa ipinasok mo na ang iyong dila sa akin. Malumanay siyang pinahintulutan ng aking mga labi’t naghintay ako ng pagkakataong ipadala naman ang akin. Maya-maya’y umuungol na tayong dalawa ngunit wala pa ring bakas ng kasawaan sa palitan ng lamutok at dulas.

Hinihila natin ang bawat isa, palapit nang palapit, padikit nang padikit ang ating mga katawan. Kapwang nakikiramdam sa susunod na gagawin kahit naging likas lahat ng mga kilos. Bawat himas at lambing sa ating mga tagiliran at buhok ay naaayon ang tulin. Sobra nating namiss muli ang isa’t isa.

Ibinaba ko na ang aking kamay sa iyong mga pagkababae. Dahan-dahan kong hinimas ang bawat sangkatlong tig-iisa habang patuloy pa rin sa pag-uusap ng ating mga dila’t labi. Hindi rin nagtagal ay ‘di ka na nakapagpigil na bisitahin ang akin.

Bawat dampi ng iyong kamay ay kumalabit sa aking pagkalalaki. Lalong nadagdagan ang higpit sa aking pantalon at gusto ko nang magpumiglas. Hinila na lamang kita bigla at naramdaman mong kailangan mo nang pumatong sa akin. Habang ika’y nasa itaas ay unti-unti ko nang hinubad ang iyong pantaas. Tinanggal ko na rin ang akin. Bumalik ang iyong mga labi sa akin at sinadya ko nang tanggalin ang tumatakip sa iyong dibdib. Para ulit akong batang first time mag-Google search ng hubog ng babae. Hinimas at pinisil ko silang dalawa habang ibinababa mo na ang zipper ng aking pantalon.

Hinila mo na ang aking pambaba kasunod ng pang-ilalim. Matapos, pinagmasdan naman kitang hubarin ang iyo nang wala halos pagmamadali. Sakto lang naman dahil marami tayong oras at ang sarap mong panoorin kapag naghuhubad ka, o ‘di kaya’y nagbibihis. Itinapon mo na sa gilid ng kama ang iyong pambaba’t lalo akong nasabik pa sa ’yo. Hinawakan mo na ang akin at itinapat sa iyo. Nakailang saglit lamang ng tapyas sa hanggan at pinapasok nang muli tayo sa makapangwala sa sarili na alapaap.

Taas-baba. Ramdam sa bawat agos ng dulas ang pumalibot sa ating mga katawan. Bumibilis muli ang tibok ng ating mga puso’t naging iisa na lamang ang ating pintig. Iisa nang muli tayo. Baba-taas. Hindi alintana ang lahat ng mga problema sa buhay. Ang isa’t isang mga mata lamang ang ating pakialam. Malayo na tayong muli sa kanilang lahat. Wala na tayong muli sa mundo.

Lalong nadagdagan ang sarap at napansin kong unti-unti nang nauubos ang aking mitsa. Humalik kang muli sa aking labi, saka bumiyahe ang iyong dila sa aking pisngi, tungo sa aking tenga. Bawat ungol mo’t halik sa aking dinig ay isang bagong patong na saksakan ng hitik na ligaya. Inilibot ko ang aking mga braso sa iyong likod at niliyaban pang lalo ang alab. Kaunting saglit na lamang at malapit na ’kong umabot sa marahas/masaya na rurok.

Humudyat ako sa iyong tagiliran. Umakmang iangat ka muna mula sa akin, “Malapit na akong labasan.”

“Seryoso?” nang may kaunting pagod. Nalungkot ako at nagalit sa aking sarili. Ngunit wala pa rin talaga ako sa wisyong magpakairesponsable.

“Sorry,” na lamang ang naisagot ko.

Ngumiti kang bahagya. Lalo mong diniinan ang bawat pagsalo mo sa akin, “Gusto mo namang iputok sa loob ‘di ba, baby?” May lambing sa iyong boses na kay hirap tanggihan. Parang gusto mong saluhin lahat ngayon. Umiling ako na parang gago ngunit kinagat mo lamang ang iyong labi habang patuloy pa rin sa paghingi sa aking pagtatapos. “’Di ba, baby gusto mo naman?” sabay ungol pang lalong nagpabilis sa nagbabadyang pagsabog ng aking kalamnan.

Umiling akong muli at pinilit ka nang tanggalin sa pagkapako. “Sorry,” pangulit kong atungal sa iyo.

Umangat ka na’t nagpahingang saglit sa aking tabi, “Okay lang, baby.” Hinalikan mo na lamang ako sa pisngi.

“Gusto mo bang iputok na lang sa boobs mo?” pahabol kong request at baka sakaling mabawasan ang hinayang mo sa iyong sariling kagustuhan.

“Sure, baby.” Mabuti na lang, at salamat na rin. Sabay nating tinungo ang dulo ng kama’t lumuhod ka na sa harap ko nang makapuwesto na ako ng maayos na upo. Kinuha na siyang kaagad ng iyong kanang palad at dumiretso ka nang muli sa pag-atim sa aking lagkit. Minasdan kita habang tinatantya pa ang diin at bilis ng iyong paghimba.

Nagtagpong muli ang ating mga mata’t lalo akong ginanahan sa iyong palad. Maya-maya’y umuungol na ako’t naramdaman mong malapit na ako. Hindi ko na tinanggal pa ang aking pagtingin sa iyong mga mata’t unti-unti nang bumibilis ang aking pintig. Kaunti na lamang. Sige pa. Malapit na. Malapit na. Sige pa, baby. Malap-FUUCCCK!

Sa aking bawat ungol ay lumapat na ang bawat pagkawala ng katas sa iyong dibdib. Parang nawala na ako sa aking sarili’t inabot ng magkabila kong kamay ang malalambot mong alindog. Idinikit at ipinanghimas ko sa bawat shot ng ligayang aking pinakakawalan.

“Ang dami ah,” unang dinig kong muli sa iyong boses. “Yep, ang dami, baby.” Parang masaya ka’t marami kang sinasalo. Unti-unti na akong nanlambot at bahagya nang bumagal ang aking paghinga. Napahiga na lamang akong muli sa kama, bumagsak sa ikalawang pagkakataon. Humiga ka sa tabi ko. Nagpahinga lamang ako nang sandali’t pinuwersa ko na ang iyong katawan sa panibagong puwesto. Siyempre, ikaw naman.

Hinalikan muna kita sa iyong labi, saka ako lumipat sa iyong pisngi, at saka nagtagal sa iyong tenga. Kinalikot ng aking dila ang bawat sulok ng iyong pandinig. Nakakalimutan ko minsang huminga. Hindi kita kayang tiisin. Hinawakan ng aking kanang kamay ang iyo. Pinalibot, pinaikot nang marahan at saka lumipat ang aking bibig sa iyong dibdib. Pinaikot kong muli ang aking dila sa isang gitna habang hinihimas at pinipisil ang kabila. Unti-unti akong nag-outro at hinalikan na ang iyong dibdib sa huling pagkakataon. Nagpaalam na ang aking dila’t hinalikan nang paisa-isa ang iyong pusod, tiyan, katawan. Hindi nagtagal ay nagkatagpo kaming muli. Hinalikan ko na muna siya. Dalawang beses. Hindi ko na rin napigilan ang gutom at binuka ko na ang aking bibig nang siya’y matikmang muli.

Ice cream.

Sana’y hindi na maubos. Unti-unti ka nang dumudulas. Hindi na rin sana tumigil pa ang iyong pag-ungol. Ipinasok ko na ang aking daliri nang maramdaman ko ang iyong pag-apaw. Nang makaramdam pang muli’y dalawang sabay na ang aking ipinasok. Labas. Pasok. Pasok-labas. Basang-basa ka na, baby. Basang-basa na kita. Diniinan ko pa nang bahagya ang bawat pag-eenjoy ng dila ko sa ’yo. Taas-baba, baba-taas muli. Paulit-ulit lamang.

Lalong dumiin din ang iyong mga pag-ungol at maya-maya’y kumapit ka na sa aking buhok. Sumabunot, pumisil, at kumikilos nang walang kontrol ang iyong mga binti at boses. Napansin kong palakas na nang palakas ang iyong bawat ungol. Humigpit nang humigpit ang iyong pagkakakapit. Diniinan ko pang lalo ang aking pagkain sa ’yo’t paglambing ng aking mga daliri nang hindi nagbabago ng tyempo. Nakaramdam na ’kong muli sa ’yo at hindi mo na napigilan ang pinakamalakas mong ungol. Lalo akong nasarapan sa tindi ng iyong pahintulot sa akin. Hindi mo na rin nakontrol ang pag-angat at gaslaw ng iyong buong katawan sa kahibangang ipinararamdam ng aking dila. Dumaan ang ilang saglit ng kawalang muli sa mundo’t humigpit pang lalo ang pagsabunot mo sa’kin, “Mart.”

Tumigil nang impunto ang aking bibig. Hinalikan ko na siya sa huling pagkakataon. Tumabi na akong muli sa iyong pagkakahiga. Niyakap kong muli ang ngayong lansaplot mong katawan. Inayos ang buhok sa iyong tenga. Hinalikan sa iyong pisngi at labi. Yumakap ka nang muli sa akin.

03 March 2017

100 Cigarettes - II

II

Okay naman yung The Stanford Prison Experiment. Alam kong maganda yung pinapanood ko kapag hindi ako napa-alt tab. And I tell you, brother. I tell you. Hindi ako lumipat ng window. Not even once. Ho. Ly. Shit. Hindi ko alam kung natutuwa ako kapag may tinotorture psychologically pero nakuha ng actors yung puso ko.

Siguro, may nakalipas na lampas isang oras bago ako makarinig ng yapak ng pag-akyat sa hagdan patungong kuwarto namin. Bumukas ang pinto. Hindi ko nakilala agad kung sino. Nagtitigan pa yata kami nang dalawang segundo. Sino ‘to?

“May yosi ka pa?”

“(Jose?) Meron pa, kaso menthol ‘to,” narinig ko nang muli ang paghakbang ni Jose sa hagdan kaya pinause ko na yung film (Putang ina, pero okay lang. Narealize ko ring ngatal na pala ako sa nikotina. Kung may gano’n mang pakiramdam talaga.) at dinala yung kaha ko ng yosi na ninakaw ko lang sa kama ng isang roommate.

Pagdating ko sa garden, nakaupo na si Jose. Inabutan ko na siya ng yosi. Nagsindi na kaming pareho. Liwanag na lamang na dumidikit sa usok ang tanging mapaglaro sa aming mga paningin. Inaantok na siguro ako.

“Ready ka na?”

“Hindi pa. Sandali lang naman ako mag-impake. Nagpadala pa ng laptop si Danielle. Hindi ako makatanggi.”

“Kung sa bagay, kung mahal mo talaga yung nagsabi, hindi ka talaga makakahindi.”

Tawanan.

“Hindi ako makatulog. Ikaw rin ba?”

“Nakatulog ako. Kaso nagising ako kaninang mga alas tres. Hindi ulit ako makatulog.”

“Binangungot ka ba?”

“Hindi.”

“Excited lang yata ako,” kunwaring paliwanag ko. Ang alam ko kasi, noong maliit pa ako, hindi ako makatulog nang ganito kapag may field trip kami, or swimming kung saan mang malayo, tapos kailangang gumising nang maaga. “Mamayang 5:15 siguro maliligo na ako.” Chineck kong muli yung relo ko, “Mga isang oras na lang naman.”

Ululang muli. Kuwentuhan. Hinanaing. Hiling. Hithit. Buga. “Kape tayo.”

“Tara. Baka may kape si Gio,” sabay pasok sa loob. Narinig kong kinatok ni Jose yung kuwarto ni Gio. Maaga nga palang gumising si Gio dahil may training siya sa track araw-araw. Pagpasok ko, “Energen lang eh.”

“Puwede na ‘yan.” Kaso, unang putang ina ng umaga.

“Shit.”

“Wala nang mainit? Putang ina hahahaha!” Naisalin na kasi ni Jose yung laman ng sachet bago pa man tingnan yung thermos kung may laman. Binuksan niya yung ref para kumuha ng malamig na tubig.

“Malamig yung ilalagay mo?”

“E wala eh.”

“Ayoko. Ikaw na lang,” sabay talikod sa hindi ko trip na malamig na Energen. Mainit na strawberry juice, papatusin ko pa. Lumabas na lamang akong muli sa garden nang huling makapagyosi bago maligo. Maya-maya’y lumabas na rin si Jose dala-dala yung walang kuwenta niyang tasa ng bullshit.

Pinilit niya talaga eh ‘no. Seryoso ba siya. Hithit. Buga. Pabawas na ang kapal ng usok simula kaninang madaling-araw pang muling pagkikita namin ni Jose. Pasilip na rin ang liwanag ng araw. Sana wala pang tao sa banyo.

“Malapit na ’ko maligo,” hithit.

“Gising na ba si Dane?” usisa ni Jose.

“FX na raw eh. Pero medyo malayo pa raw naman.” Pero tingin ko, wala ring siksikan sa traffic. Maaga pa eh. Buga. Tinapon ko na sa kalsadang may araw-araw na janitor ng upos sa umaga. Hindi ko alam kung mapagpasalamat siya kasi may nadagdag sa gagawin niya sa bawat paglilinis niya o wala siyang pakialam sa pagpapasalamat ko na hindi napupuno kailanman yung ash tray namin sa harap ng gate ng 108.

Umakyat na ’ko sa kuwarto ko’t inihanda na ang lahat ng dapat dalhin bago bumaba para maligo. Matapos makapagtoothbrush, maghilamos, at manginig ang buto sa putang inang lamig ng tubig ay umakyat nang muli ako sa kuwarto’t tinriple check lahat ng bibitbitin. Brief. T-shirt. Laptop. Charger ng laptop. Charger ng phone. Wallet. Coin purse. Sampung kopya ng Sansaglit. Shoelaces at malaking panyo (just in case). Lalagyan ng retainer.

“Magdadala ba 'ko ng iPod?” aking pagdadalawang-isip. “Hindi na siguro.”

Isinalpak ko na ang lahat sa backpack. Naglagay ng isang panyo sa kanang bulsa, kasama ang lighter. Ang alam ko, may isa pa akong stick sa baba. Kinuha ang phone sa aking mesa’t inilusot naman sa kaliwang bulsa. Pinatay ang ilaw sa kuwarto. Lumingon kung sakaling may nakalimutan. “Putang ina ang dilim,” at bukas muli ng ilaw. Wala na, “Game.”

Napansin kong bumilis muli ngunit nang bahagya ang pagtibok ng puso ko. Excited na naman ako. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit hindi constant yung pananabik ko sa ’yo. Minsan kasi, ikaw lang namimiss ko. Minsan, iniisip kong muli yung pupuntahan natin. Minsan, nasobrahan lang sa nikotina yung dugo ko.

Sinindihan ko na agad ang huling stick habang hinihintay ko ang text mo.

“Nasaan na raw si Dane?”

“Hindi ko alam. Sabi ko itext niya ’ko ‘pag maglalakad na ’ko pa-Sentral.”

“Yung pipe ah,” huling paalala.

“Sige.”

“Sa’n yung jacket mo?”

Oo nga ‘no. “Putang ina, oo nga ‘no? Haha.”

“Tang ina mo. Haha.”

Nagmadali akong umakyat sa kuwarto. Tang inang ‘yan. May palingun-lingon ka pang nalalaman, hayop ka. Tang ina mo. Hindi ko na alintana kung may nakalimutan pa akong iba. Dineretso ko lamang kunin yung makapal na itim kong jacket saka tumakbong pababa, pabalik sa garden. May gana pa yung yosi ko.

“Magdadala ba ’ko ng tuwalya? Hindi na ‘no?”

“’Wag na. Meron naman dun yun.”

“’Wag na ‘no? Halos lahat naman ng motel may tuwalya eh. Dapat.” Sana. Dapat. Hindi ko na rin kasi maisip kung magkakasya pa yung tuwalya sa bag ko dahil sa kumpol ng mga libro ni Wame. Hindi naman ako naninisi o ngalit. Mas okay ring mas magaan/hindi ganoong umaapaw yung laman ng bag ko. Huling hithit.

Huling buga. Wala ka pa rin. I mean, yung text mo. “Ang tagal ng text ni Danielle. Maglalaptop na lang muna ’ko. Anong oras kayo magkikita ni Mitzi?”

“Wala pa nga ring text eh.”

Binuksan kong muli yung laptop ko. Kaso bad trip kasi bigla ko na lamang naalalang wala nga pala kaming internet. Tinuloy ko na lang yung panonood ng pelikula. Maya-maya’y dumating na rin sa wakas yung text mo na maghuhudyat ng aking paglabas ng gate. Bumilis muli ang saya ng puso ko.

“Punta na ’ko do’n.”

“Ingat. Babayu.”

“Babayu.”

Sobrang excited kong maglakad, as in. Hindi ko mapigilang minsan pang ngumiti. Gusto na kitang makita. Gusto na kitang mayakap at halikan. Maamoy, marinig ang boses. Makausap, makatabi. Mahigit tatlong araw lamang tayong hindi nagkita pero hindi ko na maisip kung kakayanin ko pa bang wala ka nung oras na matanggap ko yung message mo na makapagkikita na tayong muli. Hindi ko na ininda kung matatalisod pa ba ako sa mabatong daan patungong gate ng UP.

Paglabas ko sa kanto ng bukid, inasahan kong masisilayan na kita agad. Wala pa rin. Itinuloy ko pa ang mapangmadaling lakad. Parang nagugulat ako sa tuwing may taong pumapasok sa gate, kahit hindi ikaw. Papalapit na ako nang papalapit sa gate, hindi pa rin kita nakikita. Sinilip ko pa yung likod ng guard house at baka sakaling nag-aabang ka roon habang nagyoyosi.

Wala pa rin.

Nakalampas na ako ng gate. Sinilip sa huling pagkakataon yung guard house. Wala pa rin. Paglingon ko sa kaliwa, nakita na kita. Hindi ko na napigilan. Napangiti ako. Ngumiti ka rin noong makita ako. Kumaway ka rin nang bahagya lamang. Napansin kong nagyoyosi ka pala. May hawak ka ring bimpo. Nang tayo’y muling nagkalapit ay nagyakapan na tayo kaagad nang mahigpit. Hinalikan kita sa pisngi. Hindi ko masabi nang harapan kung gaano kita namiss pero siguro pareho lang din naman tayo ng nararamdaman sa isa’t isa.

“Sabi mo, malapit ka na.”

“Nagyosi lang ako, baby.”

“Tara.”

Inakyat na natin ang overpass. Dalawa yung dala mong bag. Hindi na ako nag-atubili pang tumulong kasi mukhang magaan naman. Tsaka alam mo namang hindi mo na kailangang mahiya pang magpabuhat sa akin kung sakaling mabigatan ka. “Saan tayo bababa?”

“Cubao.”


Nakarating na tayo sa kabila. Ubos na ang hingal ng puso ko kakahintay nang kapanabik sa ’yo kung kaya’t tila hindi ko na naramdaman pa ang pagod sanhi ng ilang baitang din ng pagpanik at pagpanaog. Mga ilang minuto rin tayong naghintay nang biglang, “Gusto mong magtaxi na lang tayo?”

Uhm.

“Sagot ko.” Magic word.

“Sige.”

Lumipas muli ang katiting na mga minuto at nakapagpara rin ako ng masasakyang taxi. Binuksan mo ang pinto at binanggit sa driver kung saan tayo bababa. Mabuti’t pinasakay tayo agad. Nauna ka nang sumakay sa taxi’t tumabi na ako sa ’yo.

Nakadalawang minuto muna ng pagbuwelo bago ang isa sa’tin ang nagsalita. Hindi ko na rin napigilan pang halikan yung ilong mo dahil sa tuluy-tuloy mong sipon. Humalik din ako sa ulo mo, maging sa pisngi. Napangiti ka naman. Sinubukan kong magkuwento tungkol sa pinanood kong pelikula. Tingin ko, hindi ko naisalaysay nang maayos. Mahina rin kasi ang memorya ko sa maraming detalye. Nagpakita ka naman ng maliit na kutsilyong binili para sa ’yo ng pinsan mo. Binanggit mong matulis ito. Pag-abot mo sa aki’y hindi ko mabuksan. Napansin mong natanga na ako sa mekanismo ng punyeta kung kaya’t kinuha mo sa akin, binuksan nang wasto, saka ibinalik. Matulis nga.

Magmula sa East Avenue, bigla na lamang kumanan ang driver. Pansin ko namang masikip ang traffic, mabuti na lamang at napagdesisyunan mong magtaxi tayo. Nakabalik din naman nang pumasok/gumamit ng isang U-turn yung driver sa Edsa. Ang kaso, mahaba pa rin ang pila ng mga kotse sa kalsada.

“We… have a problem.”

“Ano?”

“Hindi makakasama si Jose sa Cavite. Kaya bang dalawang araw tayo sa Baguio?”

“Yeah, sure. Kaya naman.”

“Hindi kasi puwedeng ikaw lang yung mag-overnight. Sorry kung ngayon ko lang nasabi. Late na rin kasi nagsabi si Jose. (Nawala lang talaga sa isip kong itext ka.)”

“Okay lang.”

“Kaya ba?”

“Kaya naman.”

Unti-unti nang bumagal ang arangkada ng taxi. Medyo maluwag naman na ang daan. Tumingin ako sa aking kanan at tumambad sa akin ang isang terminal ng mga bus. Mag-aabot ka na sana ng limang daang bayad para sa pagsakay natin sa taxi pero wala pang panukli ang driver. Ako na ang nagbayad ng pamasahe para hindi na magpabarya pa yung driver kung saan at naaatat na rin akong bumaba. Sandali ko lang naman inisip kung madali ba kitang mapagbibigyan at hindi na sisingilin sa taxi na sinabi mong ikaw ang sasagot. Hindi ko rin kasi tantyado kung makakamagkano tayo sa Baguio.

Pagbaba mula sa taxi, madali kitang tinanong kung may naiwan ba sa loob. Sinilip ko na rin para makasiguro. Wala naman. Muntik na akong dumiretso sa daan kung saan lumalabas ang mga bus ng terminal. Mabuti na lamang at hindi ako gaanong nagmadali at tiningnan kung saan ka paraan. Sinundan kita at nakitang papalapit sa entrance para sa mga pasahero. Hindi na chineck ng guwardiya yung mga bag natin, hindi ko rin sigurado kung bakit.

Pagpasok, una kong napansin ang maraming upuan sa waiting area para sa mga pasahero. Hindi naman siksikan, hindi kulob, saktong kaunti lang ng mga pasahero. Nakita ko rin ang ilan sa mga bilihan ng pagkain at inumin, at sana, yosi. Dumiretso ka na sa bilihan ng mga ticket at pareho na tayong naglabas ng kanya-kanyang ID. Hindi ka nabigyan ng discount ng nagbebenta ng ticket dahil sa wala pang sticker ng unang semestre yung ID mo. Sabi mo naman, okay lang. Naglalaro lang naman sa isang daan yung patong.

“May yosi ba diyan?” turo ko sa tindahan ng sari-saring pagkain at inumin, merienda.

“Tingnan natin.”

“Anong yosi mo? Reds? Black?”

“Isang pack na bilhin mo.”

“Reds na lang.” Marlboro.

“Okay, baby.”

Sinamahan mo akong bumili ng isang kaha ng pula. Naatat na akong bumili ng yosi hindi lang dahil ngatal na tayo pareho. Ramdam ko rin naman yung haba ng biyaheng ating lalakbayin. Lighter lang din kasi yung laman ng kanang bulsa ko. Parang kulang ‘pag walang isang kaha ng yosi eh.

“Magsi-CR lang ako, baby.”

“Saan ba yung CR?” Retorika. Sinundan kita nang hindi naghihintay ng sagot. Siyempre, nauna akong natapos sa iyo. Paglabas ko ng palikuran e nakita ko sa harap ang isang malaking sementong malapasong ash tray. Hindi ko alam kung abo lamang at mga upos ng yosi yung laman no’n pero mukhang may mga dagdag na ring alikabok at buhangin. Nauna na akong nagsindi. Maya-maya’y lumabas ka na rin at inabutan na kita ng isang stick.

Hindi nagtagal ay may lumapit na isang aleng may bitbit na sanggol. Unti-unti akong lumayo, paatras tungong harapan ng CR. Iniba ko rin ang direksyon ng buga ng yosi. Putang inang hassle. Napansin mo ang aking paglayo maging ang sanhi nito kung kaya’t sumunod ka at tumabi sa akin. Hindi ko naiintindihan kung anong sinasabi ng ale. Tila umaawit siya o kung ano, o kung kinakausap niya yung sanggol. Hindi ko alam kung wala akong balak intindihin yung sinasabi niya o hindi siya nananagalog. Hindi ko rin maintindihan kung bakit inilapit niya yung bata sa malaking smoking sign. Baka hindi marunong magbasa? Hindi rin. Nakita niya tayong nagyoyosi at nagkalat sa bahaging iyon ng terminal ang mga upos. Mabuti na lamang at umalis na siya bitbit ang bata matapos ang ilang minutong katangahan.

“Ang weird lang na lumapit siya dito.”

“Baka pinapahamak niya yung alaga niya or something.”

Lumapit ka sa akin at idinikit ang iyong katawan. Humawak sa aking kanang pisngi’t nag-abot ng panibagong halik. Niyakap kita’t hinalikan sa ulo matapos amuying panumandali ang iyong buhok. Yumakap ka rin sa’kin.

“Nasa ’yo yung tickets ‘di ba? Nakalagay ba dun yung bus number?” Baka kasi maiwan tayo. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako e alam mo naman yung galawan dito. Parang natatakot akong maiwan e makailang ulit ka na nga palang nakasakay tungong Baguio. Siguro’y sanay lamang ako sa kadalasang mga kasablayan ng mga pinaplanong mga bagay. Maya-maya’y,

“O yung mga bibiyahe po ng Baguio diyan, nandito na po yung bus ninyo,” nagparada na ang isang Victory Liner bus na may libreng wi-fi. Habang pasakay na tayo’y ipinaliwanag mo sa akin na mayroong mga pagkakataong may sumasakay na mga pasaherong walang ticket noong nagtanong ako tungkol sa kung paano kung paalis na ang bus at hindi pa naman ito napupuno. Inilahad mo ring parating saktong umaalis ang bus ng Victory Liner, na sumusunod sa oras noong nagtanong naman ako kung nagpupuno ba ng mga pasahero ang mga bus dito.

“Guaranteed seats naman ‘di ba?” sabay hanap ng seat numbers sa mga upuan. Ikinagulat ko ang bigla mong pag-upo. “Pa’no mo nalamang diyan tayo?” Hindi ko kasi mahanap. Itinuro mo sa akin kung saan matatagpuan ang hinahanap ko sabay tawa sa kawalang-muwangan ko. Tumabi na ako sa ’yo, huminga nang maluwag, ipinuwesto sa baba ang bag, at nagsuot na ng jacket.

“Nasa ’yo ba yung ticket?” pag-aalala ko pa rin. Alam ko namang nasa iyo, nasa bag mo. Hindi pa rin ako mapakali. Bahala na. Ikaw naman ang bahala sa akin, sa atin.

Makaraan ang sampung minutong paghihintay, umarangkada rin ang bus na ating sinakyan. Ang galing, sabi ko sa aking sarili. Ngayon lamang ako ulit nakasakay ng pampasaherong sumusunod sa schedule. Madali akong naatat kung kaya’t inilabas ko ang aking laptop nang maipagpatuloy at matapos ang pinapanood kong pelikula kaninang madaling-araw.

“Alam ko ‘yan,” matapos mong makita ang title ng aking piniling video file.

“Napanood mo na or yung experiment mismo?”

Sinagot mong hindi mo pa napapanood ang pelikula ngunit may kaalaman ukol sa experiment. Doon ko lamang napagtantong kilala pala ang experiment na ito. Interesante kung bakit sumikat o kung bakit hindi ako napalipat ng window, kumaligtang bagot sa pinanonood.

Noong una’y sumandal ka sa akin habang nanonood. Maya-maya’y hindi na ako sigurado kung nanonood ka pa nga ba. Tinanggal mo na ang saplot sa iyong mga paa saka namaluktot pahiga sa iyong puwesto habang nakasandal pa rin ang iyong ulo malapit sa aking dibdib. Tuluy-tuloy pa rin ako sa panonood. Saka ko lamang namalayang tulog ka na nang hindi ka na nagreact nung nagsalita ako isang beses tungkol sa pinanonood.

Tahimik ka na sa iyong pagkakahimlay. Naramdaman ko na ring makikisiping ang antok sa paparating na haba ng biyahe. Sinubukan kong manood ng panibagong mga pelikula/episode ngunit hindi ko rin nakayanang tagalan. Isinara ko na ang aking laptop at nagbaka sakaling makakuha rin ng tulog na hindi ako sinundo kagabi.

E punyeta, hindi rin ako makatulog. Hanggang pikit-blackout lang ang kaya ko. Hindi naman maingay yung mga pasaherong kasabay natin. Kaso, bukod sa nararamdaman ko pa yung bawat pagliko ng bus at pagbabanggaan ng mga gamit sa loob, hindi ko rin maiwasang mairita sa tunog ng binuksang TV ng konduktor.

Doon ko lang narealize na hindi ko kayang matulog nang sapilitan sa bus kapag umaga, kahit wala pa akong tulog. Hinayaan ko na lang. Pinilit kong panoorin yung palabas. Natuwa naman ako nang ilang minuto. Hindi ulit nagtagal, nabagot na naman ako. Pasilip-silip ako minu-minuto sa magkabilang mga bintana. Pakiramdam ko, nasa Kamaynilaan pa rin tayo. Pero pakiramdam ko rin, malapit na tayo tumahak ng N-lex.

Kakaisip kung anong gagawin, at matapos ang ilang minuto pang palingat-lingat ng gagawin at aatupagin habang nakaupo, dinapuan na rin ako sa wakas ng katiting na antok. Yumuko akong bahagya at sinilip ang iyong mga talukap kung mahimbing ka pa rin. Ikinilos ko nang kaunti ang aking katawan hanggang sa makahanap ng puwestong maaari kong isandal na rin ang aking ulo. Naghandang muli managinip.

01 March 2017

100 Cigarettes - I

Yumi

Pasintakal

Isinulat ang akdang ito hindi para mag-ambag
sa makulay na koleksyon ng panitikan ng Pilipinas.
Hindi para magpakita ng husay sa pagsulat,
na wala namang mababakas mula sa kabuuan,
ngunit para magpaalala lamang. Diary ng tanga, siguro.
Nilikha ni Mart ang mapagkunwari
at bobong pagsasalaysay na ito
para lamang kung sakaling gusto niyang
makaalalang muli e magbabalik na lamang siya
sa sarili niyang tono ng paggunita. Baka sakali lang
may makaligtaan pa rin pero wala pa rin naman
siyang pakialam sa gusto ng ibang tao.


Hindi nagsusulat nang dahil lamang sa danas.
Ang mismong pagsulat ay siya ring danas.

I

Lakas makaintro. Overflow. Kadalasan, kapag foreign, madaliang weird ang tingin. Madumi, pangit, masama. Malayo, hindi atin, odd, strange, at iba pang mga salita sa thesaurus. Iba rin talaga kapag maalam sa wika, minsan, nakakadulas magsalita. Mas masarap mag-isip at makiisip.

Mayroong dalawang uri ng pamamaalam sa Japan. Hindi ko alam kung meron sa iba. Hindi rin ako sigurado kung meron sa Tagalog. Ang una, yung, “Ja ne.” Puwede ring, “Mata ne,” “Ja,” “Mata,” at “Ja, mata ne.” Ginagamit ang mga ito sa kausap kapag namamaalam ngunit may malamang na pagkakataong magkikita pa kayong muli. Mapapansing sa tuwing nanonood ng animé, kapag naririnig, ang mababasang translation sa ibaba e, “See you,” o “Later.” Parang ganun na nga.

Hindi ako Hapon, okay. Ang ikalawa naman ay yung binibigkas na, “Sayounara.” Ito naman yung ginagamit na pamamaalam kapag hindi ganoong kaagaran ang muling pagkikita. Maaaring sabihing pamamaalam kapag pupunta sa abroad ang kausap, o nakipagbreak sa karelasyon. Puwede ring gamitin kapag pipila sa Enchanted Kingdom habang naghihintay para sa isang ride.

“Sana hindi mahaba yung pila sa bus papuntang Baguio,” banggit ko sa aking sarili. Wala naman kasi akong ideya kung anong mangyayari sa umpisa. Ang alam ko lang, ikaw ang bahala sa akin. Halos dalawang linggo ko na sigurong iniisip kung anong mga gagawin natin, although hindi ko talaga alam kung ano yung mga iyon kasi nga, wala akong ideya.

Hindi ko rin alam kung nasaan na si Wame. Kanina ko pa siya hinihintay rito sa Vargas Museum. Halos makatapos na ako ng dalawang pelikula. Mag-aalas tres na rin. Ang alam ko, alas dos yung napag-usapan namin. Pero hindi naman ako naaatat. Marami pa namang baterya yung laptop ko. Sana man lang magtext kapag malapit na siya.

“San ka na?” Nagpadala na ako ng text. Baka sakaling maibsan yung tanong ko.

“Sandigan na,” reply naman ni Wame. Mabuti. At least may ideya na ako sa bagay na iyon. Pinilit ko na lang tapusin yung kasalukuyang pelikulang pinapanood ko kahit antok na antok na ako. Hindi na ako bumili masyado ng kape at yosi para may dagdag na pera kapag gumagala na tayo sa Baguio. Kahit siguro pangjeep man lang o taxi.

Maya-maya, namataan ko na sa malapit si Wame, naglalakad. Hindi man lang nagtext para asahan kong kaunting oras na lamang akong maghihintay. Wala lang. Nasurpresa lang naman ako. Hindi naman bad trip.

“Naks!” bati niya sa akin. Nakita niya kasi yung magkakapatong na apat na hardbound na kopya ng thesis ko. Napangiti ako sabay kinilig nang malumanay, pero hindi halata. Sana.

“May yosi ka?” tanong ko sa kanya.

“Meron.” Yes!!! Sigaw ko sa aking sarili. Kaninang umaga pa ako nangangatal sa yosi pero tatlong araw na akong nangangatal sa ’yo. Isinara ko na yung laptop ko at nagsindi matapos makahingi sa katiting na yosi count ni Wame.

“Pupunta raw kayong Baguio?” tanong naman ni Wame sa’kin habang inaabot yung limang kopya ng Sansaglit.

“Oo, bukas. Mga alas sais nang umaga kami aalis. Ba’t nasa Baguio ngayon si Janine?”

“Dun nagtatrabaho yun.”

“Ah.” Hithit. Buga.

“Teka, pinapapirmahan pala ni Janine yung isa,” sabay buklat sa front page ng isang kopya. “Bale kumuha ka na lang muna ng limang piraso dun sa pitong kopya na inorder ni Joker.”

“Bakit?” usisa ko.

“Sampung kopya kasi yung hinihingi ni Janine. Bale papalitan ko na lang sa Friday yung lima para kay Joker.”

“Ah, baka kasi hindi ako pumunta ng Christmas party namin sa TOM. Aattend kasi si Joker dun eh. Pero sige, baka ipaabot ko na lang. Text mo na lang din sa’kin yung number ni Janine.”

“Sige.”

Nag-usap pa kaming kaunti tungkol sa huling inupload na battle ni Tipsy D. Sinabi ko sa kanyang hindi pa rin ako nakakapili kung sino bang mananalo sa Tipsy D vs BLKD. Siguro kapag hindi nagchoke si BLKD, tataas yung chance na manalo siya against Tipsy D. Pero hindi pa rin ako sigurado talaga kasi pareho silang magaling at parehong may bagong inihahain bawat battle. Kahit na medyo predictable na magiging magaling sila pareho sa stage, may inaasahan pa ring bago ang crowd mula sa kanila.

Hithit. Buga.

“O pa’no, mauna na ako.”

“Sa’n ka na?” usisa kong muli kahit wala na ako masyadong pakialam na isapuso yung isasagot ni Wame.

“Sa Magdangal.”

“Sige. Hinihintay ko pa kasi yung text ni Sir Scheds. Papapirmahan ko na ‘tong thesis ko.”

“Nakita ko si Sir.”

“Ah, nandiyan na ba?”

“Oo, kakarating lang.”

Buti naman pala nalate si Wame. Baka sakaling nalimutan ni Sir na itext ako na nakarating na pala siya ng UP.

“Salamat. Punta na ’ko sa department.”

“Sige.”

Hithit. Buga. Hagis. “Sige.”

“Sa ’yo na ‘yan,” sabay turo sa isang natirang stick ng kaha.

“Yes! Salamat.”

Ipinasok ko na yung laptop ko sa bag. “Puta,” bubuhatin ko na naman yung apat na makapal na punyetang pinaghirapan ko naman. Okay lang. Medyo malapit lang naman yung building ng department. Sinindihan ko na agad yung huling yosi kasi hindi pa naibsan sa isang stick yung ngatal kong lampas tatlong oras kong ininda.

Matapos ubusin ang yosi, malamang sa malamang ay naglakad na ako tungo sa department. Tatlong palapag lang naman yung inakyat ko habang buhat yung mga punyeta. Pero sulit na rin kasi nakita ko na si Sir Scheds sa loob.

“Hi, Sir. Magpapapirma po ng thesis.”

“Naks! Tingnan mo Ate Su, advisee ko yung naunang nagpasa ng hardbound copies.” Edi kinilig na naman ako nang kaunti.

“Sir, andiyan pa po ba si Ma’am Abiera? Mag-uuwi po kasi ako ng sarili kong kopya sa Kabite.”

“Iwan mo muna. Bakit, ayaw mo na bang bumalik sa UP? Haha. Sawang-sawa na?” singit ni Ma’am April.

“Hahaha. Ayoko na po rito. (No offense. Mahal ko ang UP. Pero nakakapagod na.)”

“Umuwi na kasi si Ma’am Aura eh,” sagot ni Sir. “Puwede mo namang papirmahan kay Ma’am April pero may ‘for’.”

“Nagawa na ba yun dati, Ate Su?” paninigurado ni Ma’am April.

“Hindi ko sigurado eh. Pero mukhang puwede naman.”

“Puwede naman yun,” gatong na pagaang-loob ni Sir Scheds. “Uwing-uwi ka na ba?”

“Oo, Sir eh. Wala muna akong planong bumalik.”

“Sige na papirmahan mo na kay Ma’am April. Puwede naman yun.”

“Akin na,” alok ni Ma’am sa akin. Inabot ko na ang isang kopya. Yung kopya na iuuwi ko sa Kabite.

“Kahit yung tatlong natira na lang po yung papirmahan niyo kay Ma’am Abiera,” pakiusap ko sa kanila. “Thank you po.” Natapos din ang pagpapapirma. Tatlong beses na akong nakakahinga nang maluwag this sem. Yung una, nung matapos kong itype yung huling salita ng unang draft ng thesis ko. Wala na talaga akong pakialam sa revisions noon. Sabi mo nga, kung anong nilagay ko run e iyon na talaga. Tapos tatawa tayong dalawa. Ikalawa, nung matapos yung thesis defense/presentation ko. Hindi na kita pinapunta roon. Nakakahiya naman kasi. Nanliliit ako kapag kasama kita. Hangang-hanga kasi ako sa pag-iisip at pagsusulat mo. Ikatlo, ito. Puwede ko nang isampal sa mga tao sa bahay yung thesis ko. Kaya sinadya kong pakapalin.

“Tara, yosi muna tayo,” huling alok ng adviser ko sa nikotina, for now.

“Wala na ’kong yosi, Sir eh.”

“May yosi ako. May lighter ka ba?”

“Meron, Sir.” Hahaha. Tang ina, tingin ko umaasa lang ako sa araw na ito para sa mga magmamagandang-loob sa akin o masasalubong ko sa daan na kakilala.

“O tara.”

Nagtungo kami ni Sir Scheds sa isang parang balkonahe sa building ng FC kung saan maraming puwedeng magyosi. Doon din tayo nagyoyosi noong mga panahong sa FC pa ako nagsusulat ng thesis.

“Ano nang plano mo?”

“Hindi ko talaga alam, Sir. Haha. I have no idea how to adult. Ni wala akong alam kung paano gumawa ng resumé.”

Inexplain kaagad ni Sir Scheds kung paano gumawa ng resumé sa pinakasimpleng paraan. Alam ko naman yung mga bagay na yun. Marami-rami na rin akong nakitang resumé. Kaya ko lang siguro sinasabing hindi ako marunong sa maraming bagay e natatakot lang akong tumapak sa panibagong baitang.

Matapos no’n ay tinanong ko si Sir kung anong puwede kong trabaho o kung saan. Sumagot naman siya na mayroong isang offer sa UP Pampanga. Once a week lang daw, at sagot ng school yung expense sa biyahe. Tinanong ko kung sinong puwedeng kausapin ukol doon at sinabi naman niyang kakausapin niya sa e-mail yung nag-aalok. Nagpasalamat ako’t itinapon ang upos ng yosi matapos ang huling hithit.

“Papicture ka muna kasama yung thesis mo,” alok ni Sir habang papasok kami ng building.

“Ah. Haha. Sige, Sir,” aking pagpayag.

Matapos kaming kuhanan ni Ate Susan nang tatlong beses sa cellphone ni Sir Scheds ay nagpaalam na ako sa department. “Thank you, Sir.”

“Sige.”

Wala pa rin ako sa mood gumastos kaya naman pinili kong huwag sumakay ng Ikot kahit medyo pagod ako at walang gana sa mundo. Maya-maya’y habang naglalakad, pumasok sa isipan kong ito siguro ang huli, for now, na tatahakin ko ang Freshie Walk. Medyo boring nga lang yung kalungkutan ko kasi hindi ko dala yung iPod ko.

Makarating lang din sa wakas sa 108, okay na lahat ng pagod. Wala pa pala si Jose. Umakyat na agad ako sa kuwarto matapos makapagyosing muli (bumili muna ako ng isang stick sa tindahan at isang bote ng Cobra). Ibinaba ko na ang aking bag. Nakahinga nang maluwag sa UP sa huling pagkakataon. “Putang ina mo, UP. Natapos din ako sa ’yo.”

Inilapag ko ang aking bag at inilabas muli ang aking laptop. Binuksan, isinaksak, sinaksakan ng mouse, pinuwestuhan ng mousepad. Namili pa akong panumandali kung maglalaro muna ako o manonood ng pelikula. Bigla kong naalala na hindi pa siguro bayad yung boarding house sa internet para sa buwan ng Disyembre. Bigla ko itong naalala kasi napansin kong hindi nagloload yung nirerefresh kong page sa browser. Bad trip. Medyo lang. Masakit pa naman kasi yung ulo ko. Baka hindi ako makapaglaro nang maayos. Binuksan ko na lamang yung Films folder at pumili ng pelikula.

Play.

Humiga na ako sa kama habang ibinababa sa wastong anggulo yung lid ng laptop. Okay naman pala ’tong Goosebumps. Nakakatawa. Hindi ko balak bigyan ng review o summary yung film. Ilang pahina na akong nagsusulat pero hindi pa rin kita nakikita. Nasasabik na ako sa bahaging iyon pero gusto ko ring maging maayos yung pag-alala ko. Tsaka, hahaha, hindi ko na rin maalala masyado yung pelikula. Natatakot naman akong magmadali kasi baka wala ka nang panahong huminga. At may makaligtaan akong mahalagang detalye tulad ng mga usapan natin, na malayung-malayo sa kapasidad mong umalala.

Naaalala kong intense na yung mga nangyayaring eksena nang biglang tumunog yung phone ko. May tumatawag sa akin, sa ganitong oras. Madilim na kaya! Baka si Jose? Inabot ko na yung phone ko matapos ipause yung video. “Si Jose nga,” sabay pindot sa loudspeaker.

“Hello?”

“Bakit?”

“Sa’n ka?”

“Andito ako sa second floor. Sa’n ka ba?”

“Malapit na ’ko sa street. Yosi?”

Kakayosi ko lang pero, “Sige.” Nauna na akong nagbaba. Napakiramdaman ko yatang wala na kami masyadong pag-uusapan. Tsaka natapos na yung paanyaya. Puwede naman na sigurong mag-usap pa pagbaba ko.

Bumili akong muli ng isang stick. Sinindihan sa zen garden. Naghintay. Lumabas ako ng gate. Baka sakaling mamataan ko si Jose at maibsang muli yung pagkaatat kong wala namang galit. Maya-maya, nakita ko na siya sa malayo, naglalakad.

Pagpasok niya sa zen e inilapag niya na yung kaha niya sa malaking itim na mesa/amplifier.

Hugot. Sindi. Hithit. Buga.

“Pahingi ako.” Ubos na kasi yung yosing binili ko. “Meron ka pa? Marami?”

“Go lang.”

“Inom ba tayo, Se?”


“Parang ayaw ko e. Pero kung gusto mo, okay lang din naman.”

“Inom tayo,” anyaya kong muli.

“Go lang.”

“Ito ang tunay na tuldok. Haha.”

Ilang linggo na ring nagmamaktol si Jose kung bakit ako aalis at mang-iiwan. Maraming beses ko na ring sinasagot na matagal ko nang gustong pakyuhin yung UP, pababa. Gusto ko na talagang umalis. Pagod na akong mag-aral at magsulat para sa grades. Gusto ko lang mag-aral at magsulat para sa sarili ko. Pansariling pressure at hindi yung wala na akong pakialam na accomplishments kapagka natapos ko nang gawin.

“Anong oras kayo aalis bukas?”

“Mga alas sais na nang umaga. Sa UP gate sa may Sentral kami magkikita. Maliwanag naman na yun ‘di ba? Hindi na ako magpapahatid sa ’yo.”

“Ahh.”

“Nagpadala kasi ng laptop si Danielle. Tapos ang daming lamang pera ng wallet ko,” pag-aalala ko sa bukid na babagtasin ko kinabukasan.

“Excited ka na ba?”

“Isa-dalawang linggo na kaming excited. Haha.”

“Nice, nice. Anong mga pupuntahan niyo? Sa’n kayo matutulog?”

“Hindi ko alam. Si Danielle bahala sa lahat.”

“Ah, oo nga pala ‘no.”

“May gusto ka bang pasalubong?” pilit kong sinambit.

“Kahit lengua lang ako,” na nagpaluwag sa aking paghinga. “Tsaka pipe na rin, pati luntian.”

“Puta, haha. Sige titingnan ko.”

“Alam naman ni Dane yung mga galawan dun e.”

“Siguro,” sagot ko. “Inom tayo.”

“Parang ayaw talaga ng katawan ko eh. Dalawang linggo nang may gin yung tiyan ko,” paalala ni Jose sa akin. Oo nga naman. Panay naman kasi celebration the past few weeks kasi patapos na ang sem. “Pero kung gusto mo nga, inom tayo.”

“Sige, sige. Maya-maya, bibili na ako.”

Nagyosi pa kaming muli at dumating si JC. Nakipag-usap tungkol sa kasal, pelikula, at iba pa. Sumapit na ang butod ng dilim. Mangyaring pumasok si JC sa loob ng bahay. Ako nama’y nagtungo na sa kuwarto para kumuha ng perang pambili ng kasalanan. Pagbaba’y rumekta na sa tindahan.

“Pabili,” tukatok ko sa tindahan ni Tiya. “May gin pa po kayo?”

“Ay! Nakupo!”

“Patapos na ang sem!”

“Patapos na ba?!”

“Opo. Graduate na rin po ako. (Hehe.)”

“Kunggrats!” sabay abot ng gin. “Ano pa sa ’yo?”

“Tsaka isa pong iced tea.”

“Anong iced tea?”

“Kahit ano po.”

“Itong dalandan?”

“(Iced tea ba yu--) Iced tea po ba--. Sige po, ‘yan na lang.”

Abot. Bayad. Sukli. Babayu.

Ipinatong ko na sa mesa/amplifier ang mga pinamili matapos itabi yung putang inang vase na matagal ko nang gustong basagin. Pampasikip lang amputa. Minsan, nababasa pa yung mga gamit ko sa mesang yun kasi hindi naman pansin agad na diniligan pala ni Mang Jun yung halamang nakatanim sa punyetang vase na yun.

Miss ko na yung inuwing ash tray ni Apom. Matagal na yatang binasag/ninakaw.

Maya-maya’y lumabas na si Jose, dala ang mga aparato. Nagsimula na akong magtimpla habang naggigitara’t umaawit si Jose ng Orange and Lemons songs. Inalog ko yung mix (gin + tubig + dalerndern) sa loob ng isang kanta. Halung-halo naman na siguro yun.

Natapos na ang kanta. Handa na naman ang lahat. Uminom na ako ng isang shot. Inabutan ko na rin si Jose ng kanyang panguna.

“Yung pipe ah.”

“Sige.” Sunud-sunod na shot na ang dumating. Hindi pa kami nangangalahati ngunit tila may kaunting amats na agad kaming dalawa. Laking pagtataka ko kasi halos dalawang linggo na nga kaming umiinom ng gin, bakit ngayon lang kami tinamaan nang maaga.

“Gutom yata ako. Kanina pa ako hindi kumakain.” Laking pagtataka kong muli dahil alam kong kasama ni Jose si Mitzi kanina at malamang e nakapagdinner na sila. Siguro kasi, matagal kong inalog yung mix. Baka nakalat nang maayos yung alkohol. Hindi kami sanay na may amats, kahit kaunti, kapagka halos 1/3 pa lang yung nababawas sa bote. Hindi ko alam kung mababad trip ako kasi amats lang din naman talaga yung habol namin. “Bibili lang ako Chiz Curls.”

Dumukot ako sa bulsa ng bente pesos na bill mula sa sukli ni Tiya kanina. Gutom naman talaga ako, pero hindi talaga normal yung bilis ng pagsundo ng amats sa’min. Pagbalik ko sa garden, binuksan ko na agad. Sinubukan ko pang isa-isahin yung pagdukot hanggang sa pinakyu ko na rin sa wakas yung sarili ko kasi puno na yung kamay ko ng cheese curls sa bawat sumunod nang bunot.

“Paborito ni Miguel ‘to. Ay. Piattos pala. Si Kuya, Chippy. Dati, Nova.”

“Hindi naman masarap yung Nova.”

“Hindi nga. Ang alam ko sa mga nagda-diet yun e. (Pero ulol. Junk food pa rin yun, ang alam ko.) Pa’no na nga pala sa Wednesday?”

“Mukhang malabo talaga, men.”

“Anong oras ba meet niyo sa Ayala Museum?”

“Alas tres, nang hapon. Parang nakakabitin kasi kapag gabi tayo umalis dito tapos aalis din sa Cavite nang kinabukasan.”

“Oo nga. Sige.” Sayang. Gusto mo pa namang makita na yung bahay namin sa Cavite. Hindi ka na nga nakapunta last year, itong taong isang taon nating inantabayanan, hindi mo pa rin naabutan ang bahay ng boyprend mong Kabitenyo. Hindi bale.

Nagpatuloy sa mga shots. Sinagad na rin ni Jose yung orange playlist niya sa gitara. Napag-usapan din naming isusulat ko ang buhay niya kapagka sumikat na siyang gitarista/musiko sa Pilipinas. Gusto niya yung wika ng 108 yung mananatili. “Kaya lang, baka tayu-tayo lang din yung makagets nun e ‘no?”

“’Di ‘yan. Ako’ng bahala. Kung ako nga na hindi pa ganoong katagal dito pati yung mga kasama ko sa bahay, sina Mig, at Kuya, nagets agad (, pa’no pa kaya yung iba?),” aking pag-usig na ituloy ang proyekto. “Si Guno rin gustong magpasulat tungkol sa buhay niya. Basta kayo ang bahala magkuwento. Ako na sa pagsulat.”

Shots muli. Awitan. Ululan.

Saktong amats lang at naabot ko na rin sa wakas yung peak na sinasabi mo. Hindi ako nabibitin. “Walang mabibitin ah.” (Wala nga.) Sana naman. Wala muna akong pera ngayon manlibre ng Jollibee delivery. Wala rin ako masyado sa mood manlibre para marami nga tayong pera kinabukasan. Pero ang alam ko sa ganitong estado, nasa mood akong kumain.

“Kain tayo,” panapos na paanyaya ko pagkasalin ng huling shot. “Bukas pa naman yata yung Balay. Libre ko na. (Syit.)”

“Libre mo?”

“(Huwag na lang kaya. Nagtanong naman si Jose, ‘di ba?) Oo nga. (Fuck.) Tara? Inumin ko lang ‘to. Last shot,” sabay tayo mula sa upuan. Yung baso lang yung naipasok ko sa loob ng bahay kasi nawawala yung takip ng punyetang bote ng Sprite. Kaso, nasa peak nga pala kami ng amats ni Jose na walang pakialam sa mundo. “Tara.”

“Tara,” sagot ni Jose na nasa labas na ng gate. Lumabas na rin ako at ako rin na lang ang nagsara. 120 pesos lang yung dinala ko. Kasya naman na siguro yun sa dalawang order ng chao fan plus toppings.
Kaso, putang ina.

“Wala na po kaming chao fan. Ubos na.”

“Ubos na raw?”

“Ubos na.”

Fuck.

Umorder na lang kami ni Jose ng tatlong kanin at platitong medyo malaki na punung-puno ng lechon kawali. Solb naman. Okay na sana. Kaso, putang ina ulit. Biglang pumasok sa kainan sina Guno at Raylyn. Okay lang sana si Guno eh. Kaso kapag andiyan si Raylyn, baka mag-away pa sila. Wala pa namang pinipiling lugar minsan si Raylyn kapag namumulaklak na yung bibig niya. Hindi naman ako galit sa awkward. Pero may ibig sabihin pa rin yung salita kaya siya inimbento.

“Pupuntang Baguio ‘yan bukas! 10K baon niyan,” panimula ni Jose.

“Baguio? 10K? Hayop!”

“May gusto ba kayong pasalubong? (Fuck.)” Hindi ko naman naisip na paaalalahanan ni Jose lahat ng taong masasalubong namin. Ang alam ko talaga, si Jose at Jemar lang ang nakakaalam. Putang ina. Haha. Medyo okay lang naman. Kaibigan ko pa rin naman yung dalawang mokong. May amats din siguro si Jose kaya kung anu-ano na lang yung lumabas sa bibig niya.

Nagpabili ng pine tree, strawberries, at kung anu-ano pa yung dalawa. Hindi ko naman tinanggihan. Ang pinakasinigurado ko lang sa harapan nila, “Sige, titingnan ko.”

“Ay, ‘wag!” pagpigil ni Guno. “Pang-inom na lang natin. O ‘di ba?”

Hindi ko alam kung nahalata ni Raylyn na biro lamang iyon pero, “Ay, wow, kapag may inom—bla-bla-bla-rant-ayoko-nang-pag-usapan-kasi-awkward-crei.” Tahimik na umalis sina Guno at Raylyn mula sa Balay. Nakapagbayad na rin kami ni Jose.

“Ano, hindi na kita ihahatid bukas ah?”

“Oo nga. Maliwanag naman na yun.”

“Yung pipa ah.”

“(Tsaka luntian na rin kamo.) Pati lengua. Sige.”

Umakyat na akong muli sa aking kuwarto. Medyo may amats pa rin ako. Sinubukan kong maglaro hanggang sa antukin. Nang dapuan na ako ng pungay sa mata, humiga na ako. Iniisip ko ulit kung anong mangyayari kinabukasan kasama ka. Kung saan tayo pupunta. Saan tayo matutulog. Saan ako kakain. Saan kita kakainin. Maraming mga tanong. Ano kayang itsura ng UP Baguio. Itsura ng mga kainang gusto mong makita ko. Kung may mall kaya doon. Nakakasabik. Nakakakaba rin nang kaunti. Hindi ko alam kung bakit pero parang first time ulit mangyayari ang lahat. Yung tipo ng kabang masaya. Yung masiglang pagtibok ng puso. Lalo akong nanabik, hanggang sa lalong bumilis yung pagtibok ng puso ko. Hanggang sa napagtanto kong hindi ako makakatulog sa ganitong pakiramdam.

Binuksan kong muli yung laptop ko. Tumapos ng isang round ng laro. Hindi pa rin ako inaantok. Bumaba ako para magyosi, panulak sa pagkagising ng diwa ko. Nagasolinahan din siguro ng matagal-tagal nating ‘di pagkikita. Hindi lang pala ako sa Baguio sabik na sabik. Pagbalik sa kuwarto, naglaro akong muli ng isang round. Hindi pa rin ako inantok.

Baba.

Yosi.

Kuwartong muli.

Tinamad na ako sa rotation. Puro talo lang din yung laro ko kahit inaayos ko naman. Bobo lang kasi yung mga kakampi ko, mga putang inang bots, madalas. Ang hirap magbuhat ng team, lalo na kapag ikaw/dalawa lang kayong marunong. Isinara ko na lang yung laro. Bumaba. Sindi. Hithit. Buga. Chineck ko yung relo ko. Alas tres na pala nang madaling-araw. Pagkaubos ko ng stick ay bumalik na ako sa kama ko. Binuksan ang Films folder. Pumiling muli ng pelikula.

Play.

25 February 2017

Keeo

Nagkita kami sa may Sarah's dati. Walang may dalang pera. Wala ring may kasiguraduhan kung bakit pero parang totoo ang siyang nais. Walang gustong kumibo talaga kumbakit, basta ang siya, ipinaaako niya na lang muna sa akin.

Malamang sa inodoro, walang bumili ng beer. Pero tingin ko, tingin namin, okay lang. Tingin ko, tingin namin, hindi na namin kailangan niyon. Gangster na kung barikada, kapuwa na lamang kaming nagsindi ng paubos na ring yosi.

Usok na lamang ang namagitan sa amin. Gustuhin ko mang gustuhin niya, natatakot pa rin akong pagtawanang muli ng buwan.

May iniabot na lamang siya sa akin. At alam ko ring naaalala niya ako, at maaalala ko rin siya. Nakakatuwa ang hiyaw ng lapis at kulay. Minsan lang ulit akong nakaramdam ng ganito.

Umalis na kami sa Sarah's matapos ang bullshitan, tungo sa panibagong bullshitan. Naghanap kami ng mauupuan, at tila naipaghahalo ko na naman ang lahat ng dapat na hindi maalala.

Siya lamang ang gusto kong maalala.

Ang kanyang boses ng pag-aya noong nagbiruan kami, sa likot ng aming mga kamay. Siya ring boses na tumulang lalong umanyaya sa akin. Ang kanyang ngiting ang sarap bigyang-kahulugan, o mayroon lang talaga akong pilit na iniilagan, at inaalagaan. Ang kanyang paghingi sa aking hindi ko kinayang talikuran.

Siya'y nagpaalam. Umalis na ako. Hindi naman masakit, binalot lamang kami ng mga tanong na siyang sinagot din, sa isang gabi ng awitan at hintayan, makalipas ang ilang buwan.

Ilang buwan din ang lumipas. Hindi na samantala ang bawat hapon. Paulit-ulit ko na lamang binasa ang kaisa-isa niyang mensahe sa aking cellphone,

"Oo."

10 February 2017

Candy

Kung gusto mo akong hanapin,
Kung gusto mo pa akong makita,
Huwag kang magsisimula sa mga alaala,
                sa ating mga alaala
Huwag kang magsisimula sa mga bakas
                na sadyang iniwan na natin
Lalong huwag kang babalik sa mga bagay
                na makapagpapaalala lamang sa iyo
                ng mga espasyong nalikha
                at nawala
Huwag kang daraan sa mga semento
                at kalsadang pinaghintayan natin
Huwag kang hihithit ng usok, ni pipitik ng abo
                mula sa mga durong tayo ang nag-umpisa
Huwag kang maghahalo ng mga alak
                na sumabay sa pag-ibig na nagpahilo sa atin
Huwag kang maghahanap sa mga bituing
                tiningala natin gabi-gabi,
Sa mga damuhang ating inupuan,
Sa mga palabas na gusto mong mapanood,
Sa mga palabas na gusto mong gawin,
Sa mga palabas na gusto mong gawin natin,
Sa mga lupon ng musikang tayo lamang ang may unawa,
Sa musikang tayo lamang ang nakakikilala,
At sa mangilan pang pagkakataong-tagpo ng isip,
Sa mga oras at hibla, na hindi mo naman kinayang gampanan,
Kasabay ng bawat balkonahe, bintana, bungwitan, at bukasan
                nang makapagsinding muli ng bago

Kung gusto mo akong makilala pa
                makilalang muli, mahanap,
Doon mo lamang ako makikita
Sa pagitan ng boses na hindi nagtigil magpaalala sa iyo
                na hindi ka mapapantayan kailanman ng umaga,
                na ikaw lamang ang siyang makapagpapasunod
                sa bawat pintig na ikaw lamang din ang gumigising,
Sa pagitan ng bawat tansan, at upos
Sa pagitan ng mga titik na pinaglubilo, tanging tungo sa iyo,
Sa pagitan ng bawat paghihintay ng panibagong koro, o berso,
Sa pagitan ng bawat ingay,
Sa pagitan ng bawat mulat, at himbing,
Sa pagitan ng bawat umaga, at hapon, 

Bawat araw, at buwan, bawat oras, minuto, at segundo,
Sa pagitan ng bawat katahimikan,

Sa pagitan ng bawat kape, at timpla
Sa pagitan ng lungkot, at ligaya,
Sa pagitan ng paghihintay, at pagtitimpi,
Sa pagitan ng mga yakap, at ngiti
Sa pagitan ng mga pangako, at halik
                na makapagpapaalala sa iyo, at sa akin
                na mayroon na tayong pagitan

18 January 2017

Come, Me

Manggagaling ako noon, palagi,
O minsa'y kadalasan
Mula sa panganib na araw-araw ko ring inibig
Araw-araw nating inibig
Araw-araw tayong naghuhubad
     ng kanya-kanyang maskara
Bilang pagtatapos
     ng kung anumang hingiin nila sa atin
Atin lang ang mga umagang iyon
Atin lang din ang kulimlim
Atin ang maghapong inipon lang natin
     hanggang sa muling pag-uyap

Araw-araw mo akong hiningi
Hindi pagbibigyan ang kabulagang
Pilit na binabantayan ng 'di makilalang hambangan
Magbabalik ako sa iyo, sa mga ihip na paipo
Kakagat nang maputi ang hiyaw ng mga ulap
Sisinagan ako ng mapurol na daan
     hanggang sa muling pagbagsak ng mga dahon

Nanggaling sila sa iyo
Ikaw na natanging alaala
Mula sa panganib na tayo lamang ang nagtapos

08 January 2017

Kapag Nakita Mo na Siya - Maimai Cantillano

Kapag Nakita Mo na Siya
ni Maimai Cantillano

Kapag nakita mo na siya, huwag kang magtaka kung ‘di ka agad niya makilala. Kung ano yung naramdaman mong kilig, baka yun naman ang naramdaman niyang inis. Kung paano mo siya titigan, baka ganun ka lang din niya lagpasan, balewalain, at hindi pansinin. Kung gaano kabilis yung tibok ng puso mo nung nakita mo siya, baka ganun din kabilis ang pag-alis niya. At sigurado ‘ko, itataboy ka niya palayo.

At kapag nangyari ‘yon, ‘wag mo sanang isiping wala nang pag-asa. Siguro, sanay na lang din talaga siyang mag-isa. At sa hinaba-haba ng panahon ng pag-iisa niya, iniisip niyang hindi niya na kailangan ng iba, ng isang katulad mo na maaaring magdala sa kanya sa ibang mundo. Marahil ganyan ang turo sa kanya ng buhay at pag-ibig – ang damhin ang lahat ng sakit, ang tanggapin ang anumang ibato ng buhay, ang palayain ang lahat ng emosyon hanggang sa wala na siya muling maramdaman pa.

Kaya’t kapag nakita mo na siya, hindi na siya naniniwala sa paghiling sa mga bulalakaw. Hindi na siya namamangha sa mahika ng buwan at mga bituin, o sa kung anumang puwersa ng uniberso na maaaring magtulak sa kanya patungo sa’yo. Hindi na siya naniniwala sa anumang salita na nilikha ng pag-ibig. Hindi na siya naniniwala sa pag-ibig.

Kapag nakita mo na siya, baka ang tanging papel na lamang ng puso niya ay ang panatilihin siyang buhay. Baka tumitibok na lamang ito upang padaluyin ang dugo sa katawan niya, dahil kapag nakita mo na siya, hindi niya na alam ang pakiramdam ng magmahal at ng mahalin, ng arugain, at yakapin.

Ngunit, huwag kang mag-alala dahil mukha lang naman ng pag-ibig ang nakalimutan niya. At ipaalala mo ito sa kanya. Huwag kang magsasawang ipaalala sa kanya kung gaano siya kaganda. Huwag kang titigil sabihin sa kanyang mahal mo siya kahit na sa bawat pagbanggit mo ng mga salitang, “Mahal kita,” ay pait at sakit ang naaalala niya. Huwag kang titigil na sabihin ito sa kanya hanggang sa maalala niya na sa likod ng bawat pait ay may tamis. Sa likod ng bawat sakit, ay may ligayang dulot ang mga salitang, “Mahal kita."

At kung saktan ka man ng mga salita niya, gantihan mo ito ng yakap. Kung magpumiglas siya, hatakin mo siya pabalik at yakapin ulit. Kung paulit-ulit siyang umalis, paulit-ulit mo rin siyang habulin. Kung paulit-ulit siyang bumitaw, paulit-ulit mo rin siyang hawakan.

Pakiusap, huwag na huwag mo siyang bibitawan. Huwag na huwag mo siyang pakakawalan. Ipaalala mo sa kanya na minsan rin siyang naniwala sa paghiling sa mga bulalakaw, na minsan rin siyang namangha sa mahika ng buwan at mga bituin, na minsan rin siyang naniwala sa mga salitang nilikha ng pag-ibig, na minsan rin siyang naniwala sa pag-ibig.

Ipakita mo sa kanya ang bagong mukha ng pag-ibig. Pakiusap, huwag na huwag mo siyang susukuan hanggang sa maisip niya na ang pag-iisa ay mayroon ding hangganan.


03 January 2017

Merlyelp

Sumilip ang bago
Hindi naman na alintana
Kung anuman yung pilit mahuli
Kay sarap nang magkibit
     ng balikat
Pamaalam, sa mga luma
Sa mga ewan, sa mga mali
Sa mga hindi ninais
Masimulan
Paalam, sa lahat ng bago
At lahat ng paborito ng iba
Tamang maging tama na

Katatapos lang ng usok
Lumubay na sa 'di taal na init
Magsisindi na ng panibago
Hihigop nang muli
Ngunit ng sariling nais
     ng kamusta
     ng paalam na talaga

25 December 2016

Albien

2015.


Pumunta ako kagabi sa Blackout yata yun ng Aces yata yun, malay. Sinama lang ako ng mga kaibigan ko kahit wala akong pera. Umutang lang naman ako.

Una kitang nakita malapit yata sa bar, papunta ako dun. Nakapula ka, I think, na dress? Hindi ko alam. Madilim. Nagtagpo yung mga mata natin, halos dalawang segundong titigan, tapos kaunting paninigurado kung kilala ba natin yung isa't isa. Sabi ko sa sarili ko, bahala na, kakaway na lang ako.

Kumaway naman si gago. Kumaway ka rin pabalik. Hindi ko na maalala kung naghello ka ba, o hi. O kamusta.

Hindi mo yata ako kinamusta kasi hindi ko naman maalalang may sinabi ako tungkol sa hindi pa ako graduate. Tinanong mo lang yata kung sinong kasama ko. Sabi ko, ako lang.

Magkabatch tayo, alam ko. Magkablock pa nga yata. Kaunti lang naman tayo nun. Una yata kitang nakabond nung enrollment, First Year, Second Sem. Hindi ako marunong magtanong dati kung anong pangalan ng isang babae.

Kakahiya. Iniisip ko kasi baka isipin mong may motibo agad, o something. Tanga ako eh.

Pero meron din naman. Or wala. Hindi ko alam. Hindi ko alam yung pangalan mo. Kaya siguro nung nagkita tayo kagabi, wala rin tayong mapag-usapan. Ay, hindi mo pala ako kinausap. Pero okay lang.

Hindi okay na hindi ko alam yung pangalan mo.

Nagkataon, siguro after 1-2 hours na pagwawala ng mga tao sa bar, at pagdrop ng bass, nagkita muli tayo. Or nakita lang kita ta's nilapitan. Tapos nagkita nga tayo. Natatawa kasi ako sa 'yo kaya nilapitan na kita. Nilalabanan mo yung kalasingan, pagkahilo. Para kang puno ng malunggay na malapit nang tumumba sa lakas ng hangin, pero ayaw patinag. Steady kang nagheheadbang, papikit-pikit, pilit na hinuhukay sa ilalim ang malay pero sa sobrang lalim mo na yata e mukhang hindi ka na makakaahon.

Pilit na lang din akong lumapit sa 'yo.

"Haha! Alam mo ba 'tsura mo? Gan'to ka na oh!"

Sabay nagpatumba-tumba rin akong malunggay.

"Isuka mo na kaya 'yan."
"HAAA?!"

Lumapit ako sa kanang tenga mo, "Isuka mo na 'yan."

"Saan ba puwedeng sumuka?"
"(Malamang hindi rito at sa CR.) *turo sa banyo. Doon."

"Saan?" sabay patong ng kamay mo sa balikat ko. Naramdaman ko yung bigat ng pagkahilo mo. Hanggang sa dalawang braso mo na. Lalong bumigat. Itinulak mo na ako, at sumunod ka naman sa akin.

Inalalayan naman kita tungo sa banyo. Inalis mo na yung nakapatong mong mga braso. Hindi ko na rin maalala kung nagthank you ka nung naglalakad ka na papasok.

Tumawa na lang ako.
Umiling.
Ngumiti.
Umalis.

Wala na yatang pagkakataon pa para magtanong ako ng pangalan kung gano'n mo na ako kakilala. Parang nakakahiya ulit.

14 December 2016

VV Row, Ren B

Gugulo iyon sa paligid
Sa lahat ng nakapansin
Hindi naman mailagan
Hindi rin makahingi ng tawad
Kahit sa sarili
Ilang beses pang mapapapayag
Ilang ulit ding nangingindat
Hindi rin makahingi ng saglit
Kahit na ilang bigat pa ang halaga
Titimbang ang mapaglarong ulap
Habang unti-unting iidlip
Sa pungay ng hapong paningin

Hindi na makahingi ng idlip

12 December 2016

Swoot

Hindi pa rin sinisikatan ang kulimlim
Mahaba-habang ligoy ng simoy
Iduduyan ko na lamang ito
Iduduyan ko na lamang ang lahat
Ibahala na muna sa iyo ang bigat
Hayaan mong hayaan ako
Palipasin mo ang aking pamaalam
Sa aking pagbati sa umaga
Siya rin akong babati ng ayaw
Sa mga lawis at kulirap
Iduduyan ko na lamang sa iyo
Iduruyan ko na'ng lahat
Latak na lamang ang mga ngiti
Wala nang tumutulong pihit
Walang iba kundi ako
Ako na lamang ang maaaring mapagod
Humimlay, manahimik, humingang muli
At wala kang magagawa kundi
Iduyan na lamang ako
Iduyan mo na lamang ako

01 December 2016

Folf

Pam- uh
Pamul- syet
Pamula, pula.

Hindi ako galit
Naiinis lang ako
Kahit ayaw sumabay ng dugo ko
Sa mga hindi mong ibinabalik
Sa aking mga sulyap
Maging ang pagsabay ng hanging
Sa aki'y dedma lamang ang sagot mo
Patay na patay na ang liwanag sa iyo
Subukan man nila,
Nagkukusa pa rin bumalik
Ang aking mga paumanhin,
Mga paanyaya, mga pasya,
Mga paliya, mga pahiya
Namumula na naman ang mga labi
Kikitid ang lingat, at hihingi ng palusot
Babatid sa iyong pisngi kung
Ikaw rin ba
O ako na lang
Ako lang

Paumanhin

30 October 2016

Upd9

Nasa panahon ako ngayon ng pagitanang pagnilay at pagdurugo sa mangilang papel. Isinantabi ko na rin muna yung Relapse at Recap, pero tatapusin ko pa rin sila, sana. Pinag-iisipan ko pa kung ilalagay ko rito kapag natapos ko na lahat. Hindi ko naman din kayang abandunahin ito. Mahal ko ito eh. E ikaw? Charaught. 

Anyway, huwag mabahala. I miss you, too.

16 September 2016

Ni V

Hindi ko alam kung alam mo na
O alam mo na pala
O sadyang mabagal lang talaga
Ang ikot ng mundo
Wala naman akong sinadya
Kailanman
At kailanman, madalas kong
       ipaabot sa iyo
Kung sino ka pa ba naman sa akin
Ngunit ni hindi kung sino ka talaga
Sa akin
Magsisimula ang lahat
Pero sino ba ang magtatapos
At saan ito magtatapos
Kung madalas manadya ang mundo
Sa atin

12 September 2016

Wllr

Higpit na lang ding aamin
Ang iyong mga braso
Sa mabahid na kilig
Galing sa kung bakit hindi pa makuntento
Sa paghimbing ang araw
Hahanapin mo akong muli
Sa dilim, sa gitna ng kay-rupok mong katawan
Hihilahin mo 'ko at kita'y lalambingin
Kagyat nang mapapawi
Ang ginaw na kinasanayan
Pabalik-balik sa init
Magpakung sino, saan
Sa dilim man, o akap ko
Tanging may silbi sa iyo

11 September 2016

Sabihin Mo, Keyboard Gangster, Yung Pang-30 Minutes

[September 7, 2016, 11-ish pm]

Yung kuwartong (****** **** **g-) amoy tamod, yosi, at tilamsik ng beer galing sa bibig. Pareho lang pumupunas, sabay pahid, kung saan-saan na lang kami dumudura.

O ano, meron akong ano- ah, ano rito, mga tatlong stick na lang ng Winston Lights. Hindi ko natripan kasi ngayong araw yung Pallmallive Naturals. Wala na muna akong pakialam sa boses ko. Inuna ko na rin sindihan kanina yung lucky stick, baka sakaling tamaan ng kidlat.

Mabuti na lang. Lumapit na ako agad sa may isang tindahang may tanging liwanag sa street. Nakita kitang gising pa, kasama ng dalawang kumag na lasing na lasing na rin. Tiningala ko yung buwan. Binadtrip lang ng ambon yung mga mata ko. Pahid ulit. Maliwanag pa pala. Tulog pa rin ang mga tilaok.

Ikaw ang una kong nakita, tapos tiningnan. Bumating-lasing din sa mga repapips power representationsz. Apir dito, kayod doon. Wala naman kaming medyo pakialam sa isa't isa. Sa iyo lamang.

Kinausap kita. Naalala mo naman pala ako. Siyempre, agarang tanong kung saan nga ba ako nanggaling sabay tingin sa relo mo. Tumingin din ako sa relo ko, baka sakaling makaramdam ka rin ng pekeng vibes.

"Isang kaha po ng Marlboro, pula," medyo bitin kasi.
"Wow, reds ka (rin) pala," hithit, tingala, buga.
"Wala eh," hindi ko na alam ang susunod.

Ikaw na rin ang nag-umpisa, wapakels na ako sa next episodes.

"Dun ka pa rin sa *Subdivision niyo nakatira?"
"Yeap," pagpigil, kamot ulo, "'Kaw ba?"
"Dun pa rin."

Malamang. Sumundot na rin ako ng isang stick matapos taktaking pamekeng hangod ng lasing ang aking kaha. Flick. Burn. Higop.

"Kaso walang tao sa amin ngayon."

Nayari ang mokong. Tumukol na bigla. Binulsa ko na agad yung kaha ko. Katatapos ko lang magchess kanina kaya pag-iisipan ko na muna yung lantad mong huyakoy.

"Oh? Bakit?" malamang sa malamang ulit.
"Hindi ko alam. E kasi," bla bla bla. May namatay rin sa akin. Ipinaliwanag mo pang hindi ka maaaring magpaliban sa tarvaho.
"Ah, sa'n pala work mo ngayon?"
"Sa Makati lang. 'Kaw ba?"
"Dun din."

Hits. Usok. Panay balikan na ng tingin at silip sa aking likuran kung dinig pa nga ba tayo ng dalawang tambay. Pabalik-balik din ako sa kung anong meron sa iyo at bakit nagkakaganito.

"Ga'no katagal na silang wala?"
"Matagal-tagal pa," lasing ka ba? O sinadya mo na lamang. Nagmamadali ka na rin siguro.
"Boring 'no?"
"Boring."
"May dala akong laptop dito," badyang flat nips and fuck. "Beer?"
"Beer? Hahahahaha. Hindi ka ba hahanapin sa inyo?"
"Hahanapin, malamang."
"Sure ka ba?"

Ang lakas kaya ng aya mo. Tumango na lamang ako ng dalawang beses at nagbabayu na tayo sa dalawang spicy fuckers.

Kaunting lakad. Kaunting ambon. May dumaang motorsiklo sakay ang dalawang spicy fuckers na kumakaladkad ang mga gilagid. Tumingin ako sa iyo, nginitian mo naman ang tsonggo.

Unti-unti nang bumagal hanggang sumakto. Tumigil na tayo sa harapan ng inyong gate. Walang susi. Wirdo. Matagal pa naman na akong takot sa kabilang subdivision na 'to, ninyo.

"Pasok ka," malamang.

Ikaw na ang nagsara ng gate,
nagbukas ng pinto,
nagsara,
nagbukas ng ilaw,
naglapag na tayo ng mga bag,
nagbukas ng pinto,
nagbukas ng ilaw,
nagsindi.

"Nonood pa ba?"

Nginitian mo na lamang ako.

Sa labi, sa likod, kahit makailang daplis pa sa inog ng daghan. Ikaw ang bahala sa akin at ako rin ang bahala sa iyo. Kikising ang ungol ng aircon ngunit wala pa ring magtatap'sin sa 'ting dalawa. Tayong dalawa na lamang muli ang sabay sa mundong balu-baluktot. Ni hindi sila magkamayaw sa kung kailan pa nga o pasaan at paano. Tayo na lamang muli at tayo na lamang.