February 6, 2026

what time is it

kailan bang titila ang mga nangyayaring pamamahinga? naiwan ka naman na dati sa kalsada nang mag-isa kaya ayos lang din. pilit mo pa ring pinababagal ang bawat kumusta nang magpatuloy pa kahit na sobrang saglit lang ang paglayo sa mga mapagpanggap na boses.

litong-lito pa rin kaya sila hanggang ngayon? napapaisip ka tuloy nang maligalig kung kasalanan pa rin kaya ng guro iyon o mayroon na ring pagkukulang ang nagpapakalat ng pilit namang adhika na ang napakalabong sistema ng panghuhusga ay sasapat na bilang pamalangkas ng mga uumpisahang sagip sakaling makalampas pa sa dambuhala na balakid na kung tutuusin ay mapapasimple namang tunay kung sa ilalim ng pagbubungkal ang pangunahing tirada.

tinatamad na rin siguro silang isipin pa ang pinakapayak na solusyon ukol sa ikatatalas ng pagsagip ng mga gaya-gaya na lamang sa natatanga rin namang kulang na kulang sa danas ngunit hindi mo mawari hanggang ngayon kung nahihiya lang ba o nahihirapan na talagang humingi ng tulong. kung sa bagay, medyo mahalaga lang naman talaga ito, kung tutuusin.

No comments: