11 November 2013

Bytes

Aaminin ko, magaling ka talaga kumanta. High school pa tayo nung una tayong magkakilala. Dalawa lang tayong magbestfriend, kahit na medyo weird sa mata ng marami kasi nga lalaki ako tapos, babae ka. Matagal ko nang pinangarap noon na magkaroon ng banda. Yung ate ko kasi, nakahiligang makinig sa mga banda noong maliliit pa kami. Isang CD, ipapasok niya lang sa players, tapos maririnig na yon sa buong kuwarto namin. Ibang CD, ibang araw. Puwede ring ibang oras. Puwedeng makarami kami ng CD sa loob ng isang araw. Lublob ako sa ganoong musika, musika ng mga banda. Kahit anong banda pa yan. Hindi ako ganoong kapartikular sa mga uri. Basta ang alam ko, kaya ko silang pakinggan lahat. Kaya sa sense na masaya ako kapag napakikinggan ko yung kahit na anong ganoong musika. 

Nag-aabang din siya ng mga bagong labas na CD. Sabik yun parati kapag naibalita sa music magazine na may irirelease yung isang banda na CD. Agad bibili yun. Hindi pa naman kasi uso yung torrent dati. Abang-abang lang. Saktong magsasawa, bagong CD. Sawa sa bagong CD. Kapag wala pang bagong CD, magpapamiss yung lumang CD. Hanggang sa salit-salit na rin. Hanggang sa kahit magshuffle na rin paminsan-minsan dahil sa walang kasawaang pagsasawa sa humaling.

Hanggang sa dumating na yung unang gitara ni Ate. Iyon yung mga gabing nagsasalit-salit yung tugtog ng mga CD niya at ng kanyang gitara. Pinapanood ko lang siya. Sakto lang kasi sa kamay niya yung laki ng gitara. Saka niya ako tinuruan matapos ang dalawang taon. Bumili na siya ng bagong gitara. Minana ko naman yung kanya.

Balik tayo sa 'yo. Ikaw naman yung kikilalanin nila. Ay, hindi nga pala kita kilala. Ang alam ko lang, pareho lang tayo ng hilig - .

Nagkakasoundtripan non. Walang teacher. Wala pa yata o wala na talaga. Sabi ng mga kaklase natin, ang ganda talaga ng boses mo. Sabi ko rin naman sa isip ko yon. Puwede rin kasing pambanda. Ayoko ng masyadong bokal tapos sobrang heavenly na baka masapawan lang yung paggigitara ko o yung iba pang instrumento. Unless sobrang galing nating lahat. I mean, nating lahat, na apat hanggang limang miyembro ng pinapangarap kong banda. Pero hanggang pagtingala na lang muna sa mga ulap matapos ang bawat kantang jinajam nating dalawa. Kapag tayong dalawa na lang ang magkasama.

Lumapit ka sa akin, isang araw, may hawak na pinilas na papel mula sa likod ng notebook mo. Alam kong lyrics yon ng kanta, hindi mo pa man binabanggit sa akin. Ang ipinagtataka ko lang, bakit mo pa pinilas. Medyo tanga ka rin e no. Pero wala na rin akong pakialam medyo ukol don. Tiningnan ko. Mga salita lang, malamang. Puro salita, nakaayos pataludtod. Saka ka bumirit, wala man lang pahintulot. Pero okay lang ulit, kasi nga, sabi namin, maganda nga naman yung boses mo.

"Okay ba?"

"Naman."

Inulit mo. Itinaas mo nang isang beses ang iyong mga kilay habang nakatingin sa akin. Ah okay. Inilabas ko na mula sa case yung gitara. Kapa sandali yung bass. Sabay hula. Sabay tsamba. Hanggang sa unti-unti ko nang nabuo yung verse. Nagring na yung bell para magpapila para sa pagpasok ng flag ceremony.

Tinapos ko na nang lunch yung kanta mo. Kanta mo? Kanta natin, may hati akong 1/3 o 1/4 man lang para sa chords. Pero wala naman sigurong epekto yon. Pero sa akin ka unang lumapit at nagkumilay. Aakuhin ko na ang pag-aangkin. Ako na nauna e. Kahit  na sa pilit-pag-alala lamang nung tono na narinig ko makaapat na ulit na beses mong kantahin kanina lamang sa harap ko bago pumila.

Dumami na yung mga kanta mo, natin. Dumami na rin yung mga araw papalapit sa graduation.

"So anong plano mo?" habang katabi mo ako't kinakausap sa baba habang pinapanood nating nagtatalumpati yung magaling sa Math nating vale.

"Ewan. College siguro? Ta's trabaho. Ewan."

"We should start a band."

Bumilis yung tibok ng puso ko. OMFG. Ito ba yon? Ganito ba yon? Kung sa bagay, nandon na yung heat.

"Sige, subukan natin," nang hindi pa rin humaharap sa 'yo. Nakangiti naman ako sa sabik.

Lumipas ang bakasyon. College. Somehow, nakahatak tayo ng bahista at drummer. Somehow, nagawa natin yon kasi pareho tayo ng university at college. Somehow, magkasama pa rin tayo. Nakakabuo ng kanta. Practice sa isang nirerentang lugar na may band instruments. Bonding time. More songs. More practice. Masaya. Jamming LvUP! Jam lang nang jam. Ikaw yung parati may gustong beat at lead. Mga ideyang dig din naman namin.
E may lumapit.

"Ano, kunin natin?" sabi ni Drummer.

"Tara, putang ina!" sabi mo.

Edi go. Pagkatapos ng pangalawang gig, may lumapit na sa 'yo. Mabilis na pintig ng puso nang may kaba at sabik at tuwa at pawis at ngiti at lahat-lahat na. Wala naman kasi tayong alam sa ganyan kahit na alam nating gusto natin yan. Ikaw lang yung nilapitan. Ininterview ka saglit. Ikaw lang yung hinila at ininterview. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan niyo. Hindi ko na rin alam kung ano yung mga sinabi mo.

Kinabukasan, nakatanggap ako ng text message that we needed to disband. Well, why the fuck? Sobrang bilis lang ng mga pangyayari. Ano 'yon? Hindi porket madaling palitan ang gitarista, bahista at tambol e ganon na lang? Oo, ikaw yung nagcompose ng lahat mga kanta natin. Ikaw sa kanta. Yun lang siguro yung binibili ng tao. We should start a band my ass. Ang nakakairita lang sa ngayon, yung we at yung band. Bullshit. Ano ka, hermit crab? Baka siguro kasi, nasilaw ka. Or not. Puwede ring malaki yung kumpiyansa mo sa sarili mo at feeling ko naman may edge ka talaga sa pagbuo ng banda natin, ng una mong banda, sa pagbuo talaga ng banda. Pero still, WTF pa rin. Matagal kong makakalimutan yung ganito. Mabilis lang yung mga pangyayari, kaya mabilis ko na ring isinalaysay. Nahawa tila ako sa katangahan mo.

10 November 2013

Bentsingko

Bane Ching Co?

Ang init. Madaling-araw, kainit-init. Mainit. Mainit talaga. Well, medyo madaling-araw. May nakailang daan nang mga paniki sa mga bintanang hindi siguro isinasara ng guard. Medyo madaling-araw. Madaling-araw akong umalis ng bahay. Parati. Minsan, may mga naaabutan pa akong shooting star dahil sa isinara na rin iyong lamp posts kapag lumalabas ako ng bahay. Jeep. Bus. Lakad. Gate.

Babatiin ko araw-araw iyong guard na naglalaro lang ng Pokémon sa Gameboy ng anak niya. Tapos, deretso na sa Main Building. Tapos, ayon na nga, tititig na lang muli sa punong nakatayong matayog sa Quad A na binabalik-balikan ng mga paniki.

Titig pa. Tititig pang sandali. Nag-iisip. May assignment ba kami? Mukhang wala naman. Alam mo iyong feeling na may bumabagabag sa 'yong may nakalimutan kang gawin, tapos, hindi mo maalala? Nakakairita, 'di ba? Wala akong ganoong mga feeling sa ngayon. Mabuti. Titig muli. Lilipad na naman ang isang paniki. Madilim pa rin. Medyo madilim na lang. Violet nang muli ang kalangitan. Iyong mga ulap, I mean. May mga humuhuni na ring mga ibon. Tumalikod na ako sa bintana.

Sinipa ko na ang aking bag patagilid. Umupo na ako sa dilaw na sahig. Maraming crack, magaspang, walang langgam. Wala naman talaga ganoong karaming langgam noong mga panahon natin. Noong mga panahon natin, wala ring dapat bubong iyong Quad A. Wala pang mga kainan kung hindi iyong nasa baba na malapit sa Maceda. Wala ring langgam doon. Kahit nandoon tayo.

Isinandal ko na ang aking likod sa pader ng Science Department. Wala ring mga guro. Wala pang mga guro. Nadagdagan ang mga humuhuni sa labas. Palakas na nang palakas ang busina ng mga nagdaratingang jeep at bus. Sunod-sunod na rin ang usad ng mga tren sa LRT. Pakanan. Pakaliwa. Light blue violet na ang kalangitan. Muli akong tumingin sa kanan. Parang exercise. Miss ko na ring mag-ehersisyo, sa PE. Sumayaw. Sasayaw nang sasayaw sa tapat ng Maceda habang iyong iba, e, nagbibihis pa.

Hawak. Kamay. Baywang. Balikat. Mata-sa-mata. Ngiti-sa-ngiti. Paa sa paa. Paulit-ulit na iikot. Paulit-ulit. Uulit pang magkakamali. Uulit pang tatapak. Paulit-ulit na lamang akong nagkakamali. Parati na lamang akong nakatatapak. Tinawag na ang lahat. Walang pumila. Dumeretso na sa auditorium sa 3rd floor na isang aircon na nga lang ang gumagana, hindi pa pinagagana.

Umupo na ang buong section sa sahig. Isa-isa nang tinawag ang magpapares. Umakyat na. Pumuwesto. Pinindot na ni Carlos ang play. Kinabahan sandali. Bira. Ikot. Angat. Tingin sa harap. Sabay pa. Ikot. Sabay sa tugtog. Malapit na. Bakit walang nagkamali?

Bumaba na ako sa 1st floor patungong Quad A para sa flag ceremony kasabay ng ilang mga kaklaseng isa-isang nagsidatingang unti-unting lumikha ng ingay na hindi nakaiirita. Panibagong araw na naman. May araw na nga pala. Hindi na nakakagulat at masakit sa tainga ang mga dumadaang sasakyan. Mas marami nang muling gising na mga tao. Nasaan ka na?

07 November 2013

Sa Ating Alaala

My girlfriend wanted me to do her writeup for her yearbook.


"Yes, UP ako," paulit-ulit na banggit sa sarili. Wala naman sigurong nag-isip na paminsan-minsan, kabaligtaran din ay masasabi ko. Hindi ko pa inisip noon, noong freshie pa ako. Hindi pa ganoong kakritikal mag-isip. Hindi pa ganoong nakakikita ng mga bagay na hindi pa nakikita. Hindi ganoong nakapag-iisip ng mga hindi pa naiisip. Kinilala lamang ako noon bilang taong mahilig sa musika, tahimik pero masiyahin. Kasama ang aking mga kaklase nang matagal sa paglikha ng mga ideya, pagpapagana ng hiraya at siyempre, sa pagguhit ng iba't ibang mga lugar nang mayroong malalalim na pinagbabatayan, natuto akong tumanggap ng negatibo ngunit makabuluhang kritisismo. Napagtanto ko ring hindi lamang purong talino ang kailangan para maging matagumpay. Hindi pa pala ako magaling talaga at lubhang marami pang maaaring mapaunlad sa sarili ko. Kung akala ng iba, alam kong magaling ako kaya ako nasa UP, maaaring magkamali sila. Sa kaunting banda, maaaring makitang tama iyon ngunit nakikita ko ang UP bilang nagtulak sa aking tingnang muli sa salamin ang aking sariling nagkakamali, nakalilimot, at kulang na kulang pa ngunit patuloy namang nalilinang ang angkin. Sa kabila ng lahat, nais kong maiwan ako bilang alaalang kahit na nahihirapa'y nakangiti pa rin sa lahat ng oras.

06 November 2013

Tang

Ayo. Kopang. Bumangon. -.- Ugh. Wala na yung katabi ko. Maaga nga pala yung pasok ng kapatid ko. Alas sais yata e, sinusundo na siya. As usual, magulo yung kama. Siyempre lukot na lukot yung kumot. Yung ilang mga unan, nagsihubaran na. Sa kabilang maliit na kama, yung isa kong kapatid, may nakatakip lamang na kumot na nakatupi pa rin mula sa kanyang mata pataas, tulog pa rin. Tulog pa rin. Sinubukan kong bumangon. Oo, sinubukan. Ayoko pa nga siguro talaga. Pumikit ako ulit. Isip. Mananaginip. Sana.

Ayo. Kopa. -.- Ugh. Fine. Bumangon na ako nang nakaupo sa kama. Inilapit na ang lamesang kinapapatungan ng aking laptop. Type password. *******. Enter. Twitter. Facebook. Ano bang una kong gagawin? Wala akong ganang kumain. Wala na yatang gatas. Ayoko na rin palang maggatas. Bababa ba ako? Teka, YouTube muna. Iupdate na lahat ng subs. Matapos kunin ang huling download link para sa FDM, naghanap na ako ng masusuot na T-shirt at brief saka dumeretso sa banyo. Patong damit. Hubad. Relo. Shower. Shampoo. Sabon. Banlaw. Tuyo. Suot. Labas. 8 minutes na lang, matatapos na yung huling download. Edi okay. Twitter. Facebook. ... 4 minutes. Tang ina, ang tagal. Memes. Blah. 1 minute. Lumabas na ako para kunin yung sneakers ko. Medyas. Sapatos. Sintas. 11 seconds. . . Done. Sarado lid. Baba.

Bakit hindi ako nagpaalam?

Siguro kasi, tulog pa yung isa kong kapatid. Yung katulong namin, hindi ko naman nakakausap. Yung mga magulang ko, nasa malayo. Yung mga aso ko... Sana man lang nagpaalam ako kahit sa kanila man lang. Kahit sa kama ko man lang na for the nth time kong hindi inaayos ang sapin at tinutupi ang kumot kasabay ng pagsasalansan ng mga unan. Nakakatamad kasi, magugulo rin naman kapag matutulog na. Pero kung minsan, kapag naiirita rin ako sa gulo ng kama, inaayos ko rin naman. Hindi nga lang ngayon. Siguro rin kasi, wala si Nanay. Siya yung pinakamahilig magpalinis at magpaayos ng mga bagay at tambayan sa loob ng bahay. Siya rin kasi yung pinakamahilig maglinis at magfeng shui at magpapasok ng kakaibang mga energy sa loob ng bahay. Kaya siya rin yung pinupuntahan naming tatlong magkakapatid kapag may nawawala. Tapos mahahanap niya lang in an instant. That universal mother thing. Pero this time talaga, no. Nakakatamad magtupi ng kumot. Tsaka naligo na ako. Mabango. Ayokong mapahiran pa ng pinagtulugan. Not that I sleep dirty and sleep dirty. Mabaho lang talaga at parang sobrang dumi ng mga bagay kapag bagong ligo ka. Ayoko talaga, minsan. Kapag wala ring magagalit, kahit alam kong mali, basta't walang manghuhusga't puputak o kung ano, huwag na lang gawin. Tamarin na lang. At least, kaya kong gawin yung bagay kapag nakaharap o pinapanood na. At least.

Isinara ko na ang maingay na gate. Umaakyat na ng bundok para sa jeep.

Medyo matagal akong naghintay, mga 25 minutes. Okay na rin. Bumaba na ako sa sakayan ng bus matapos ang 30-minute na biyahe. Ngayon na ba? Mamaya na. Masyadong mausok dito. Sumakay na ako sa air-conditioned bus. 25 minutes din. Bumaba na ako sa bus stop. Medyo malayo pa yung station. Dati, kaunting lakad na lang. Ngayon, maraming lakad na mula sa pink na stop. Pero okay lang. Nagsimula na aong maglakad. Sa aking kanan, bakal na haran. Pinagkabit-kabit na tubong makakapal na bakal. Hindi ko na inisip kung may pattern ba o wala. Wala rin namang pakialam ang mga tao tungkol sa mga bagay na yon. Lakad pa. Sa aking kaliwa, bulag at lumpo, at iisang tao lang. Mayroong isang napakalumang wheelchair pero mukhang gumagana pa naman. May nakapatong sa likod na bahagi ng wheelchair ang isang rainbow-colored na payong, nakabukas. Matagalo ko nang sinasabi sa sarili kong gusto ko ng ganitong payong. Moving on, may maliit na karatulang nakasabit na parang ID sa matandang nakaupo sa wheelchair:


BOLAG
LOMPO
Konting tulong lang po.
Marami salamat po.

Or... something like that. Siyempre yung normal na tao, OMFG nakaaawa si Manong. Huhu. Jujubells. But I can't do anything. I'm too busy to give... or something like that. Hindi makapagbigay. Minsan din kasi, nakakatamad kumuha ng kahit barya lang, kahit nasa bulsa mo na. Minsan lang naman.

Baka meron din sigurong fucking stagrammers. They would either (1) take a goddamn picture then hashtag something bittersad about it or (2) will put coins on the goddamn lata of the bolag and then take a picture with overhashes on it.

Baka meron ding grammar nazi, which would be quite wrong dahil sa pisikal na sa dila ito ng ating mga karatig sa Visayas, or the other Northern Parts. Tatatlo lamang ang kanilang vowel sounds. Sanay ang kanilang dila sa ganon. Ikaw ba, kung sanay ka sa hindi pagtupi ng kumot sa kama, matutupi mo ba 'yon kanina? Exactly. And don't even try to rebut na, "E kung yung mga nag-aaral nga banyagang wika, kailangan, kuhang-kuha nila, sila pa kaya?" Well, stupid argument, again, because (1) baka naman 'di nakapag-aral pero natutong magsulat at bumasa yung nagpatong ng kartolina or whatever or (2) maraming cognates ang maraming salita sa maraming wika ng Pilipinas.

Baka meron ding nagsuspetya sa kung paano nga bang umabot sa lugar na ito ang isang bolag. Paano? Baka mayroong nagtulak? Anong baka? Mayroong nagtulak. Tumingin ako sa kanan. Tumanaw ako nang malayo. Pagtawid-mabilis ng aking paningin, mayroong dalawang kotseng nakaparada. Paanong nakakaparada roon? Wala na siguro akong pakialam, siguro, sa ngayon, muna. Parehong tinted. Itinaas ko na ang aking pag-aninag sa palapag ng mga riles - sa mga taong nakatanaw rin nang malayo habang naghihintay ng tren ng MRT. Mayroong mga nakatingin sa baba. Wala na rin akong pakialam sa kanila. Mayroon ding nakaparadang trak sa may 'di kalayuan. Wala na rin akong pakialam. Dumerederetso na ako ng lakad. Sorry, medyo wala akong pakialam, sa ngayon, muna.

MRT station na. Dito na lang. Puwesto. Hugot. Puwesto. Sindi. Hitbugz. Mga 5 minutes. Okay na okay. Nanlalamig na naman yung lalamunan ko. Pero okay lang. Okay naman talaga e. Medyo nagising yung mga ugat ko sa katawan. Medyo nagising na ako. Umakyat na ako at nagpacheck ng bag sa guard na hindi naman nagchecheck pero kapag hindi mo naman binuksan yung bag mo e magagalit. Pasok card. Hintay tren. Darating. Bukas pinto. Pasok. Andar. Baba sa Quezon Ave.

Sino yung nagsulat at nagpatong? Nag-almusal lang ba siya? Maaawa ka sa kalagayan ng tao o sa panggagamit na rin sa kanya? Pakinabang. Pakinabangan.

03 November 2013

Steel Gate, Steel Guard

Katatapos ko lang manood ng horror movie. Oo. Horror na pelikula. Kaso comedy. Buti na lang. Matagal ko na kasing isinumpa ang panonood ng nakakatakot. Hindi ko kasi kayang magtagal sa isang lugar, kapagka katatapos ko lang manood ng nakakatakot. Kahit 2 minutes lang. Hindi ko talaga kaya. Sobra kasi mag-isip yung utak ko. Kahit alam kong hindi mangyayari, pakiramdam niya, mangyayari pa rin. Tang ina mong utak ka. Parati mo na lang akong dinedehado sa maraming sitwasyon. Palibhasa, ikaw lang ang matatakbuhan ko kapag wala akong makausap, which is madalas. Kaya siguro medyo normal lang para sa akin ang maging mag-isa. Kahit na medyo nasasaktan ako kapag walang nag-aanyaya sa akin kapag may lakad. Puro lang ako upo at isip. Wala nang panahon maglakad. Wala sa lugar masaktan kasi, hindi ko naman sila kaclose. Kita mo na? Sila yung ginamit ko, hindi kayo. Ni hindi ko kayo kayang kausapin nang pasulat mismo. Ikaw lang naman yung madalas kong kasama, kasi nasa tuktok lang kita. Masaya kang kausapin kung minsan, pero madalas, napapahaba yung pagpapakawalang kuwenta nating dalawa. Sinara ko na yung media player, tapos nang sumalangit yung credits. Chineck nang sandali yung Facebook, sabay rant sandali sa Twitter.

Bumaba na ako, tiningnan ang buong silid. Hindi ko pa rin mapigilan ang sariling silipin ang pader. Galing silip, sabay aninag, tapos tingin. Tapos titig. Appreciate sandali, ngingiti, tapos bumaba na ako sa kama ko. Maginaw pa rin. Inabot ko na yung jacket ko mula sa magulong kama. Sinuot ko at kinapa ang dalawang bulsa - coin purse lang na mabigat-bigat ang laman - bakit wala rito? Pinuntahan ko yung shorts kong nakasabit. Kinapa ko yung isang bulsa - nandito pala. Nilagay ko na yung dalawa sa magkabilang bulsa ng jacket ko at dumiretso na ako sa pintuan ng silid. Lumingon ako para pumili ng mabubuksang ilaw. Pinili ko yung dalawang magkabilang dulo at iniwang nakasara ang nasa gitna. Nag-alinlangan. Binuksan ang gitna sabay sara ng malapit sa pintuang ilaw. Alinlangan ulit. Sinara lahat. Isip. Binuksan ang gitnang ilaw. Nang masiyahan na sa desisyon, pinili ko nang maging huli iyon at lumabas na.

Ang init syempre. Medyo malamok na rin. Mabuti na lang mahilig sa braso ang mga nangangagat kapag nakatayo ako. Bumaba na ako sa garahe at nagpaalam sa mga tao. Sabi ko, bibili lang ako isaw. Lumabas na ako ng gate na maingay at isinara ito nang maingay. Pagtingin ko sa kaliwa, may mga tambay pa rin sa ilalim ng liwanag sa katabing bahay namin na sari-sari store. May isang nakaparadang motorsiklong mayroong nakaupong isa. Nagkukuwentuhan lamang sila. Isang hakbang muli. Umaambon pala. Isinuot ko na ang hood ng jacket at nagsimulang maglakad paglingong muli.

Umabot na ako sa isawan. Pumili ako ng dalawang stick ng betamax. Iniabot ko na sa tagapaypay kasunod ng sampung piso. Namimiss ko na yung gulaman nilang tinitinda. Pabagu-bago rin kasi yung mga nagtitinda rito. Bale yung mga nagtitinda ngayon, wala silang panulak. Pero okay lang. Hindi naman din yun kasi yung pinunta ko, 'di ba? Hintay pa rin. Pasok kamay sa magkabilang bulsa. Tingala. Tingin sa gilid. Lingon.

"Tustado, Kuya?"

Itinaas ko lamang ang aking mga balikat. "Luto?"

"Luto na lang, Kuya?"

"Luto."

Tiningnan kong muli ang buwan. Maiitim na ulap. Parang painting. "Kuya, luto na 'to." Isinawsaw ko na ang dalawang stick sa malaking plastic na lalagyang mayroong lamang suka, toge at sili. Hinalo ko gamit ang dalawang stick. Angat. Ngasab. Solb. Naglakad na ako patungong basketball court. Walang naglalaro. Walang ilaw. Walang cover. Wala ring cover. Kinapa kong muli ang yosi't lighter. Nandun pa rin naman sila. Inakyat ko na ang court sabay lakad papuntang halfcourt. Tumingin ako sa kaliwa, walang net. Bakit yung nasa kanan, meron? Tinapos ko na yung isa pang kalahati at umakyat muli, patungong playground. Walang bata. Walang maingay. Wala pa ring tao. Mayroon akong naririnig na mga nag-uusap na tambay sa malapit na kainan slash sari-sari store sa tapat ng playground. Umaambon pa rin. Maraming puno. Basa ang playground. Nilapitan ko yung swing na pang-apatan. Umupo. Basa nga pala yung playground. Unti-unting kumalat na parang tinagusan ako nang walang napkin ang basa sa puwitan ko. Kinapa ko yung likod ng shorts ko - basa. Bahala na. Iniupo ko na nang todo ang pambahay kong shorts. Kapang muli. Dukot. Dukot. Puwesto. Sindi. Hithit. Buga.

Masarap magyosi kapag umuulan. Makapal ang usok. Tuluy-tuloy. Buo. Bawat buga, mas maraming naiisip. Hithit. Buga. Tingin sa buwan. Malapit na palang magpasukan. Maraming beses na namang pipila. Maghihintay. Pero sila lang yon. Ako, maghihintay lang ako. Hithit. Buga. Kapa. May incomplete pa ako na isa. Bakit ba kasi ayaw akong babaan ng prof ko? Okay lang naman sa 'kin. 'Di ko naman habol ang maglaude. Ni hindi ko habol gumraduate. Pero sayang din, kaya graduate na lang. Hithit. Buga. Kaba. Mayroon na lang pala akong dalawang sem. Sana dalawang sem na lang yon. Ayoko nang mag-extend pa ng isang sem. Paminsan-minsan, deep inside, naiinggit din ako sa mga nakapagtapos. Kahit na alam ko sa sarili kong kapag ako yung nakapagtapos, baka tapos na talaga. Hithit. Buga. Kaba. Putang inang thesis yan. Sana madali lang. Simula noong lumipat ako sa wika, bawat sem na lang, kinakabahan ako. Apat na sem na akong kinakabahan. Kinakabahan pa rin ako. Mali. Kakabahan na naman ako. Kakabahan ako nang kakabahan. Hindi na natapos. Bawat simula na lang ng sem. Hithit. Buga. Pitik. Salamat.

Tumayo na ako, sabay hubad ng jacket. Ipinulupot ko na sa aking bewang. Nakakahiya naman kasing makitang basa yung puwet ko. Nakakatawang tingnan. Ayoko munang mapagtawanan. Saka na siguro sa defense ko. Lumabas na ako ng playground. Naroon pa rin yung mga nag-uusap sa tindahan slash kainan. Nilampasan ko na sila't nagtuluy-tuloy na patungong bahay. Naroon pa rin ang mga tambay, ang motorsiklo. "Pabili."

"Ano sa 'yo?"

"Cobra."

"Plastik pa?"

"'Di na."

"Iwan mo na lang diyan yung bote."

Sipsip. Dighay. Patong. Muli kong binuksan ang maingay na gate. Sarado. Ingay. Lumapit  na ako sa pinto ng bahay. "Tara, kain na."

"Gising na ba si Kuya?"

"Gigisingin ko na."

Umakyat na akong muli sa kuwarto. Malamig pa rin. Kahit papano nakakalimutan ko pa ring bawian yung horror na pelikula. Kasi nga, comedy.

08 October 2013

Rizal Z

Hindi na magiging mahaba ang pangalan niya. Sana maging mainstream pa rin siya.

Si Rizal, noong nagsisimula pa lamang matuto sa kanyang mga magulang ay natuto nang maging malapit sa Diyos Kristiyanismo at intelektwal dahil sa kahiligan sa pagbabasa. Kung mabubuhay si Rizal, kung magiging kaedad ako ni Rizal noong bata pa lamang ako, kung saan hindi pa ganoon katindi ang pagiging uso ng social media sa internet, lalung-lalo na sa Pilipinas, maaaring maging palabasa pa rin siya at relihiyoso dahil sa kahit naman na nagpatalo na ang mga Espanyol at umalis na ng Pilipinas ay nanatili pa rin ang relihiyong Kristiyanismo. Hindi ito nawala kaya naman ang puntong relihiyong nakuha ni Rizal sa kanyang mga magulang ay hinding-hindi mawawala.  Ang pagiging relihiyoso ni Rizal ay isang malaking bagay pa rin kung tutuusin sapagkat ito ang malaking sumasakop sa kung paanong tinitingnan ng mga Pilipino ang buhay nila. Dahil sa napatunayan mula sa mga binasang kabanata sa buhay ni Rizal sa klase, ang pagiging palatanong tungkol sa “mahihirap” na bagay ni Rizal ang naglunsad din sa kanya upang kuwestiyunin hanggang sa talikuran niya na rin mismo ang “Kristiyanismo” na ipinakilala sa kanya ng kanyang magulang. Hindi ba’t alam niyang ang relihiyon ay hindi isang masamang bagay, na mabait ang Diyos at matulungin pero ang kinalakhan niyang panahong habang nakasasalamuha ang mga prayle, sa ilalim ng kolonyalismo ay hindi naging maganda sa kanyang paningin. Doon lamang siya nagkaroon ng pananaw kung bakit ang relihiyon ang isa sa mga bagay na akala ng mga tao’y nagbibigay-linaw ngunit sa huli’y binubulag na pala ang karamihan sa mga Pilipino. Oo nga’t walang mga prayle ngayon at halatang nandaraya sa mga Pilipinong hindi naman madre, padre, o taong-loob ng simbahan ngunit nagkakatotoo pa rin ang sinasabi ni Rizal na ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit tamad ang mga Pilipino’y ang relihiyon. Kung babalikan ang unang mga pahayag, bakit iniaasa na lamang ng mga Pilipino, na ang kanilang tadhana, ay nasa kamay nga naman ng isang Makapangyarihan? Totoo naman ito, sa usaping mayroon naman talaga, bilang gobyerno, o iba pang kumokontrol sa gobyerno, na mayroong Makapangyarihan sa lipunan. Pero paano ang relihiyon bilang makapangyarihang ‘di halata sa mga Pilipino? Makikita pa rin kaya ito ni Rizal sa hindi na ganoon kalapastangan ng mga pari dahil wala nang mga prayleng kolonisador sa ngayon? Kung magpapatuloy ang pagiging intelektwal, palamasid, palaisip at palatanong ni Rizal, sa usaping relihiyon, maaaring maikintal pa rin sa diwa niyang kuwestiyunin ang Kristiyanismo. Bakit? Sa panahon ngayon, mayroon nang Ateismo. Maaaring masagi ang kanyang isipan kung bakit may mga taong walang relihiyon kaya siya magiging palatanong sa isyu, at sa mga tao na ring kasangkot dito. Magbabago at magbabago pa rin talaga ang pananaw ni Rizal sa relihiyon kahit na sa panahon ko siya mabuhay.
       
   Kung sasapitin ng paglaki at wala nang papatay sa kanya kahit na ano pang relihiyon o pagtalikod ang gawin niya, maaari nang ipagpatuloy ni Rizal ang pagiging Ateista kung sa ganoon lang din siya makapagbubukas ng diwa’t magiging mapagpalaya sa mga ideya. Mas maaga siyang makapag-iisip ng mas magagandang mga bagay, dahil hindi na lamang naikakahon sa dami ng mga pagbabawal ng relihiyon. Maipagpapatuloy niya ang pagiging liberal at mag-aaral pa rin sa Ateneo’t lalo pang magiging mausisa sa mga bagay-bagay, dahil hindi nagtatapos ang kagustuhan niyang matuto nang matuto. Magpapatuloy pa rin ang pagiging mahilig niya sa panitikan, kahit na lunsad ang internet sa ngayon, dahil si Rizal, unang-una, bilang din namang palamasid, magiging palatanong mula sa pagmamasid, maghahanap at maghahanap siya ng kasagutan sa mga aklat. Kung gusto pa ring labanan ang ganitong ideya na hindi mag-iinternet si Rizal, at sabihin na nating mas mabilis sa Google at maiisip naman ni Rizal iyon, pupuwede pa rin. Kung intelektwal din naman si Rizal at uhaw sa kaalaman ay hinding-hindi siya mailalayo sa mga intelektwal ding websites. Manonood siya ng video sa internet, mga palabas sa TV, mga pelikula ng Pilipinas, pelikula ng ibang bansa’t magiging kritiko ng mga ito, kung paanong nakapagpapahalaga at ambag sa lipunan, at maaari rin siyang maging direktor ng kanyang sariling pelikula kung magiging kabisado niya ang pagkritik sa mga ito’t kung paano sila nililikha! Ang pagiging malapit ni Rizal sa paglalahad o paghahayag ng mensahe sa makasining na pamamaraan, sa tingin ko, ay hinding-hindi mawawala sa kanya.
        
  Siyempre, hindi diyan nagtatapos ang pagkalap at pagkalat ng kaalaman ni Rizal, mangyayari rin ang sinasabi sa mga kabanata sa buhay niya na mangingibang bansa siya para pa rin sa kapangyarihang intelektwal. Sa Europa pa rin ang diretso niya dahil sa usaping pangkasaysayan, hindi naman magbabago kung saan nagbukal ang magagandang pilosopiyang kumalat sa maraming parte ng mundo’t umabot kay Rizal. Habang kinikritiko (pa rin) ang dahilan sa likod ng malalaking kaibahan ng mga airport ng Pilipinas kaysa sa mga airport ng ibang bansa, siya ay magtutweet o post pa rin sa Facebook tungkol sa kanyang mga napupuntahan. Oo’t marami ngang ganito sa ngayon pero nais kong ibahin pa rin sa atin si Rizal. Ang pagiging malaki ng ulo ni Rizal ay hindi pa rin mawawala sa kanya’t ipagpapatuloy pa rin niya ang pagdodokumento ng kanyang mga nagagawa sa buhay kung kaya’t magiging mas malinaw para sa mga susunod nang henerasyon ang kanyang sinusubukang gawing kadakilaan. Alam pa rin niyang magiging tanyag siya balang-araw kaya imbis na magsulat siya gamit ang pluma sa kanyang diary ay mamakinilyahin niya na sa kanyang laptop, mismo sa kanyang blog ang mga pangyayari sa kanyang paglalakbay para sa kaalaman. Ngunit, hindi pa siya sikat sa mga ganitong panahon, kasi nga, tipikal pa lamang ang ganitong dating ngunit malayo pa rin sa karamihan dahil pagiging maalam pa rin ang habol ni Rizal. Huwag pa ring iiwan ang imaheng artista siya’t ang pagiging masining at mapaglahad din ng kanyang mga bagong ideya o malalim na pagkritiko’y hindi mailalayo sa kanyang pagkatao. Alalahaning ang mga bumuo sa kanya bilang Rizal noon, ang panitikan at ang sining, ang siya pa ring mga bagay na bubuo sa kanya ngayon.
      
    Sa ibang bansa lang kaya magpupunta si Rizal? Kung ating babalikan ang tunay na Rizal sa panahon niya, kinailangan niya pa talagang mangibang bansa para lamang matuto sa kasaysayan ng Pilipinas dahil sa ginawang pagsasara ng kurtina ng mga prayle. Kung ngayon ay lantad na ang It’s More Fun in the Philippines campaign ng DOT, kung marami na rin lamang nakasulat tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas sa iba’t ibang mga silid-aklatan, hindi na rin malayong Pilipinas muna ang libutin ni Rizal bago niya libutin ang mundo. Kung mayroong nakaisip, tulad ni William Henry Scott na maraming hindi pa nalalaman ang karamihan sa mga Pilipino tungkol sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas, hindi malabong maisip din ito ni Rizal, sa dami ba naman ng kanyang mababasa tungkol dito kumpara sa panahon niyang sobrang katiting. Sa dinami-daming kanyang maaaring mabasa tungkol sa Pilipinas, nanaisin niya ring puntahan ang mga lugar na kasangkot katulad ng ginawa niya sa mga Europeong bansa. Kahit na ang isa sa mga layunin niya’y makapag-aral at matuto sa kasaysayan ng Pilipinas, magiging uhaw pa rin siya sa kaalaman. Hindi niya rin kailangan pa, kung tutuusing maging surgeon ng mata dahil maaari naman nang ipagamot ang kanyang ina sa ganitong mga panahon. Naipaliwanag na rin dating may-kaya ang kanyang pamilya, lalo na ng kanyang kuyang nagpaaral sa kanya.
        
  Siya ang isa sa mga makapagtatanggal ng lente at makahahalata na hindi siya ang may hawak sa salamin, sa kulturang sinasabing sumasalamin sa pagkatao. Bilang opthalmologist ng pangmamatang kultural, mahahalata niyang mayroong naghahawak sa salamin ng kulturang Pilipino at hindi ang Pilipino mismo ang nagsabit nito sa kanyang dingding. Isa si Rizal sa mga sisilip sa likod nito’t uunawain kung ano ang dahilan ng pagiging ganitong kasaklap na kinahinatnatnan ng kultura ng Pilipinas. Sa pagiging maalam niya sa panitikan, hindi malayong sumulat na naman siya ng nobelang kultural at sosyal. Sa aspetong pangkultural na pagmamasid, kung kinuwestiyon na niya dati pa at ‘di malabong maging Ateista siya sa mga panahong naggagalugad sa Pilipinas at mundo, ‘di rin malabong magtanong ang Atenista tungkol sa kanyang sariling kultura. Ang mga pananaw tungkol sa kasaysayan at kultura’y magkadikit kung kaya’t maaari niyang talakayin ang mga bagay-kultural na nakaaapekto sa mga Pilipino, sa kanilang mga pamumuhay at paghahanap ng dahilan sa pagiging mahirap ng Pilipinas. Babalik at babalik sa pagtingin sa may hawak ng salamin.
        
  Sa patuloy na pag-agaw sa may hawak ng salami’y papasok na rin sa usaping panlipunan. Bilang pagpapatuloy at pagpapatibay sa pagkataong Pilipino, dahil na rin sa naising itaguyod ang sarili, ang sariling kultura, ang paghahanap ng problema sa Pilipinas, partikular sa lipunan ay sasagi sa intelektwal na katulad ni Rizal. Kukuwestiyunin ang pagkakaroon ng mahihirap kahit na napakakatolisado ng Pilipinas. Kukuwestiyunin ang pinapakita ng media kumpara sa kanyang mga nakikita. Kukuwestiyunin ang habol ng ibang bansa sa Pilipinas. Kukuwestiyunin ang mga kasinungalingang hindi nakasulat pati ang mga katotohanang hindi nakasulat. Kukuwestiyunin ang mga nakuwestiyon na. Ang ganitong pag-iisip ni Rizal ay mas lalaong maipayayabong kahit na hindi na siya umalis ng Pilipinas. Laganap na ang pagsasalin at internet kung kaya’t mabilis kumalat ang mga isyu, ang mga balita tungkol sa lipunan ngayon. Mas mapadadali ang pagkalat ng kanyang nobela (o pelikula!) sa panahon ngayon. Mas maraming makaaapekto’t magiging mga kritiko na rin. Sa ganitong usapin, maaaring maging malabo na ang maaaring maging pagsikat, bilang pagsasabi na rin ng katotohanan sa bahaging ang pagsulat ng “Rizal Ngayon” ay mahirap dahil hindi rin talaga masasabi. Sinisikap lamang ng manunulat na dalhin ang mga umaangat na katangian ni Rizal na nagdala sa kanya sa kanyang katanyagan sa panahon niya noon na maraming nakaapekto sa mga artista’t kritiko ngayon. Hindi lang naman si Rizal ang maaaring makaimpluwensiya sa mga manunulat ngayon. Hypothetically nating tanggalin si Rizal sa kanyang panahon, sinong bayani kaya ang maaaring makaimpluwensiyang mag-isip-panlipunan sa ngayon? Maaaring si Bonifacio pero kay Rizal natuto si Boni. Sino pa? Maaaring iba pang manunulat na nakaimpluwensiya kay Rizal. Maaaring si Marx o iba pang mga teyorista. Sa ganitong maraming kalaban na sa panitikan at pagiging matinik na ng pagtanggap ng mga hurado’t pagiging popular ng mga target na mambabasa, magiging mahirap nang sumikat si Rizal dahil nga’t marami pa ring tamad at bulag na Pilipino. Mahirap din namang magpakamainstream at pasukin ni Rizal ang larangan ng pagpapatawa para lamang mapansin dahil naniniwala akong isang napakaseryoso niyang tao. Maaaring maging sikat na lamang siya sa akademya ngunit mahihirapan na siyang pumasok sa popular na panitikan. Hindi rin niya  mapapasok ang mga genre ng pagpapatawa, o horror na patok sa mga Pilipino. Kung drama lang din lamang ang pag-uusapan, si Direk Rizal ay maaari. Kung hahanapan lang din natin siya ng butas sa katanyagan, hindi kaya niya subukang magsulat ng pelikulang tungkol sa pag-ibig ngunit makapanggugulat ng soysyalismo’t realismo? PangCinemalaya ang dating ngunit kilalang manunulat si Rizal at satirikal magsulat. Maaari siyang makalusot sa paghawak sa leeg ng MTRCB para lamang sa mga bata at madre. Hindi ba’t bukambibig niya ang pagiging pag-asa ng kabataan? Matatakot pa ba siya sa panahon ngayon? Kung magiging napakamalikhain niya’t mahiwatig sa kanyang mga simbolong gagamitin sa pelikula, maaari pa nating maisalba ang kanyang pagdodokumento ng kanyang buong buhay para lamang sa daang kasikatan.
        
  Sa pagiging tanyag na ni Rizal sa pagpapakilala’t pagsasalaysay ng pagkataong Pilipino, maaari rin siyang magsiwalat ng mga bagay. Kung hindi siya natakot sa mga kolonisador na prayle’t handang ikamatay ang pagpapakilala ng pagkakapantay-pantay, imposible namang matakot siya sa kapwa Pilipino. Oo, nagpapapatay ng mga nagsisiwalat sa kanila, pero wala pa ring talab kay Rizal ang pananakot kahit anong panahon pa man siyang manggaling-puluti’t ilaglag sa bagong espasyo. Magiging manunulat pa rin sa mga pahayaga’t patuloy na magkukuwestiyon sa mga problema ng lipunan. Hindi niya lilimitahan ang kanyang sarili dahil sa pananakot na naririnig bagkus susulat sa kanyang blog o pahayagan tulad ng Rappler’t maaaring maging trend sa internet dahil sa “bandwagoning” ng social networking sites. Napilitan ma’t pagpapapansin ang motibo ng mga taong nakikisali sa mga tunay na palaban, ang mga ideya pa rin na kanilang nasagap mula kay Rizal ang magsisilbing kislap sa kanilang mga mata na mayroong ginagawang mga pandaraya, tulad nina Napoles at Solis.



Problem was: "Ano kaya si JR ngayon?"

30 September 2013

FlipTop - Spade vs BLKD

Round 1

BLKD

Ginoong Gio de Leon, ang angas mo, wow. Ang pambungad ko lang, Spade, mukha kang siopao.

Ang malas mo sa balasa, ako agad nakalaban mo. Mga bara ko ang babara sa pag-aastang raha mo. Kahit alas ka pa sa alaska ko, sapaw at baon ka. Gambit, isang hawak ko lang sa 'yo, Spade, sabog ka. At ang Spade ay pala, kaya't sa aking pagsagupa, ang mapapala mo lang ay ang paghalik sa lupa. Ganyan maglaro ng salita, madali lang sa henyo. Pagtapat mo sa 'kin, play agad, parang Instagram video. 

Mapunta tayo sa Batch 1. Kami yung emcees na pumasa sa unang tryouts ng ligang 'to. Apat na special picks plus yung pangunahing tatlo. Kampyon 'to, kaso mula no'n, wala nang naiambag pa. Ikaw na nga lang aktibo sa top three, napag-iwanan pa. Matapos ang ilang buwan, kami nina Libs, Aklas, Sayadd ang nanaig. Walang nakadig kay Gio, kaya si Gio, nanatiling daig.

Gio, daig, dig, kailangan pa bang iexplain 'yan? Wait lang, si Anygma pala ang dapat na may iexplain, man. Ano bang turing mo sa tryouts? Katuwaang game lang? Matapos kaming pahirapan, pinapasok mo mga tulad ni Jade Wunn? Pero balik tayo kay Spade 1, este, sa Batch 1. Tuwing laban mo, handa kaming sa pagkatalo, ikaw, damayan. Tuwing laban namin, atat kang makisalo sa karangalan. Batch 1, parang Filipino pride na sigawan ng iba. Iba ang suporta sa pakikiari sa pinaghirapan ng iba.

Ano bang maipagmamalaki mo bilang indibidwal? 'Yang pagiging pogi mo? E ginagamit mo lang naman sa panloloko, Gio. Nung laban niyo ni Sparo, inamin mo, kaliwete ka. Nagtitriple time ng babae, sa bawat isa, may baby pa kaso bago pa 'yon, may kanta na 'tong ang pamagat, Querida. Ginawa para maling gawa ay maingawa at maibida. Ang tanong: Bakit? Ba't kailangang iannounce pa? Para guwapo ka? Para pogi ka? E 'di ikaw na. Dahil kung kailangan mo pang manloko para patunayan ang pagkalalaki mo, niloloko mo lang ang sarili mo. Ang tunay lang, ang pagkasalbahe mo. At hindi ka lapitin ng babae, malandi ka lang, tsong. 'Pag nagbeso-beso si Tipsy D at si Notorious, mas macheeks ka pa do'n.

Nagbibilang ng kaibigan, halatang napahanga 'to, wow. Ang pantapos ko lang Spade, mukha kang siopao!

Round 2

BLKD

Binasted daw ako para sa Dos Por Dos, ang anggulong 'yon, panget. Ako ang tumangging kumampi kay NothingElse, kay Batas, at kay Target. At sinasabi mong transparent, pati 'yon, panget 'yon. Yung hologram ni 2Pac, translucent 'yon. 

At tapos, sabi mo sa laban mo kay Sparo, nerd ka. Nagbanggit lang ng mga baril na nakilala sa Counter-Strike, nerd na? Nang-aangkin ng titulong hindi naman kanya. Feeling matalino, feeling thug life pa. Gusto mo ng nerdy reference, may gunfire pa? Sapat nang apat nang .45 para iflatline ka. Walang nakuha? Bigyan muna ng textbook at calcu 'to. 'Tong si Gio, walang metry, walang alam sa anggulo.

Kaya 'di talino ang dahilan kung ba't bumagay ka sa The Pharm, kundi 'yang fit shirt at itsura mong malasecond rate na sKarm. Wala pa 'kong kanta sa Pharm pero maraming nananabik. Yung mga nagsound trip sa tracks mo, nanghinayang lang sa beat. Kahit walang beat, sadyang malupit ang ineexpress ko. Mas pinapakinggan pa ang judging ko kaysa sa best verse mo.

Kasi 'tong intel ko, heavy, ang kay Gio, light. Kung may mabigat man 'tong info, bawat kilo, byte. Ako, kumpleto anggulo, para kill on sight. Kala niyo may tricks yung cam parang sa Neo fight. Kaya parang neophyte, ako'y nananakit ng kapatid, parang hazing lang. Hanggang Batch 1 ka lang, ako, mala-Batch 81. Wala 'tong mararating sa pagrarap, ako na'ng aako ng misyon dahil sa pagrock ng mic, 'tong de Leong 'to, walang direksyon.

Basta kung anong uso, agad, sunod ka kaya isang kumpas ko lang, mapapaluhod ka. Sa pag-angkas sa antas ko, 'di 'to dapat sumugal. Binigyan kita ng compass at mapa, 'di pa matutong lumugar kasi kung walang Isabuhay, 'di naman tayo magtatapat, neknek mo. Kaya lang naglapit para kay Aric, Wip, at SSO! At kapag restless 'to, wala nang rest-rest 'to. You'll get served in Filipino, Barrio Fiest resto. Uuwi 'tong nakabarong, magiging best dress 'to kaso may bulak sa ilong, magiging breathless 'to.

Halatang astound 'to sa round ko, ang bulalas mo, "Wow!" Ang panapos ko uli, Spade, mukha kang siopao!

Round 3

BLKD

Gusto ko sanang magrebut, sumagot nang paangas, kaso 'di ako nagrerebut 'pag walang linyang malakas.

Gusto niyong makarinig ng bars, yung teknikal, yung malalim? May magandang halimbawa si Spade, unawain natin. "Silencer, gusto mo ng mamon? Yung makapal na labing 'to, pare ko, gagawin kong palaman dun sa sabon na hindi mo na kailangan pang imulat." Ano daw? Baka kailangan ng slow it down. "Silencer, gusto mo ng mamon? Yung mak-" Pwe! Tsong! Kahit freestyle pa 'yon, malaking kagaguhan 'yon. Ultimo si Aklas nalabuan do'n! At bakit ba laging may tulok, uhog, tae, ihi, luga ang rap mo? Kanino ka ba nagpapatulong sumulat, sa mga anak mo? Mapafreestyle o written, malabo ka, tsong. Ang lagyan mo ng laman, 'yang utak mo, 'wag yung sabon.

Tatlong dragon, naalala niyo pa 'yon? Sina Shehyee, Apekz, Spade, pinagbuklod ni sKarm para lang ihain sa 'kin, ipabugbog. Tapos na 'ko sa dalawa, namasdan niyo ang paglubog. Green Ranger, isang ihip ko lang, 'tong dragong 'to, susunod. Dragun-dragunan ka lang kasi, parang dragon dance. Sa suguran ng sunugan, tiyak na wala 'tong chance. 'Di 'to tatagal sa heat, parang bandwagon fans.

May husay ka naman, ayaw mo lang umabante pa. Buhay-rapper ka na nung ako'y buhay 'studyante pa. Nauna kang magrap pero ako'ng hahabulin mo kasi inaral ko lahat bago tinangkang pasukin 'to. Yung freestyle mo, abot ko na sa isang araw lang na practice. Bago mo abutan writtens ko, mahahanap mo muna Atlantis. Tagahanga lang ako noon, emcee na ngayon. Emcee ka na no'n, tagahanga na lang ngayon. 'Di sapat ang itsura at pagiging una sa pagpapayabong ng career. At patunay ang labang 'tong daig ang pogi ng maappeal.

Ako ang greater contender, you better go now. Ang pantapos ko uli, Spade, mukha kang siopao.

18 August 2013

Yung Iba Ro'n, Plastik

Sinubukang pagkumparahin, ni Leslie Anne Liwanag ng DLSU Manila sa kanyang papel na pinamagatang David vs. Goliath: Ang Pakikipagtunggali ng Masinag Market Laban sa SM Masinag sa Lungsod ng Antipolo, ang isang palengke (Masinag Market) at isang  bagong shopping center (SM Masinag). Sa simula pa lamang ng kanyang presentasyon ay nahinuha ko nang mananalo, o mas magmmumukhang papanigan ng kanyang papel ang SM Masinag dahil sa sinabi niyang gusto malaman ng kanyang saliksik kung "paanong nakikipagsabayan ang mga makalumang palengke sa mga bagong shopping center." Doon pa lamang, masasabi ko nang kahit na mukhang pagkukumparahin niya pa at magpipilit na lamang na mapatingkad pa ang imahe ng Masinag Market, nakikita kong mayroon na siyang nakikitang pruweba, mula sa mga naobserbahan niya nang mga tao at nangyayari sa dalawang kaligiran, na mas tinatangkilik na ng mga mamimili ang SM Masinag. Kasi  kung titingnan niyang, halimbawa sa umpisa, na magkapantay ang dalawa para subukang pagkumparahin, marahil ay hindi niya gagamitin ang salitang nakikipagsabayan. Ano 'to? Mabilis ang isa at humahabol ang isa? Nang inilahad na niya nga ang kanyang mga datos at diskusyon gamit ang kanyang pangunahing paraan ng pagsuri na iba't ibang tunggaliang kapital, lumamang na ng isang puntos ang SM Masinag. Kinailangan niyang magpasok ng bagong tunggaliang kapital dahil sa magkakaroon ng pantay na marka ang dalawang naglalaban, o pinaglalaban. Ginawa niya ito para magkaroon lamang talaga ng panalo mula sa dalawa at hindi na lamang basta pagkumparahin ang dalawa. Lalong tumingkad ang plano ng mananaliksik na magkaroon ng mas maganda na bilihan sa kanyang inobserbahang lungsod.

Sa dulo ng kanyang presentasyon, sinubukan niya namang hindi ipahalata ang kanyang pagkiling sa isang panig. Binanggit niyang, "As long as mayroong pagtugon sa tao, nagpapatuloy ang negosyo." Lubhang napakalabo na nito para sa akin (kasi tanga nga ako) sapagkat tila nasisira ng ganitong pangwakas na pangungusap na inilahad ko nang pinahihiwatig ng mananaliksik kanina. Kung hindi na niya sana nilagyan pa ng check mark ang SM Masinag bilang pag-apruba sa kanyang kinakampihang lokasyon, matatanggap ko pa na wala talaga siyang pakialam sa dalawa bilang pag-apruba na rin sa kanyang piniling pahayag ng pagtatapos. Negosyo lang pala ang mahalaga e. Bakit ka pa nagsulat? Why the title? Why the primary objective?

Mula sa kanyang mga rekomendasyon, maaari ring sigurong nahirapan siyang huwag talagang pumanig sa isa dahil iminungkahi niya talagang wala dapat papanigan ang isang mananaliksik. Bakit niya pa inirekomenda ito? Dahil ba sa hindi niya ito nagawa nang taos sa kanyang saliksik? Hindi na rin kailangan pang sabihing mahalaga ang pagkakaroon ng mabisang adviser dahil kumon na itong maiisip ng isang mag-aaral na sa unang pagkakataong gagawa ng kanyang thesis.

11 August 2013

Verb and Orthography Inconsistencies

Nakakuha ako ng anim na maaari kong tingnan bilang mga pag-aaral sa grammar, o isa o ilang mga bahagi ng grammar ng isang wika sa Palawan. Sinubukan kong suriin ang mga pag-aaral na ito upang maipakita kung paanong nagsimula at saan pa maaaring tumungo ang mga ganitong saliksik. Isa-isa kong ibibigay ang mga sangguniang ito, babanggitin kung anong taon at kung sino ang may mga akda, at sisikaping mabigyan ng katangahang pagpuna, mapangahas na paglalarawan, pagpapapansing pag-uugnay at pilit-hinikayat na magtanong. Huwag magpapadala sa utos ng hari.

PALAWAN

Tagbanwa

A Linguistic Atlas of the Philippines
compiled by Curtis McFarland (1980)
Study of Languages and Cultures of Asia & Africa
Monograph Series No. 15
Tokyo: TOYO SHUPPAN

Ang probinsiya ng Palawan ay mayroong mga naninirahang in-migrant na Tagalog, Sebuano, Ilokano, Hiligaynon, at iba pa. Mayroon ding mga Kuyonon (isang Kanlurang Bisayang wika) at Kagayanen (isang wikang Manobo).

Ayon kay McFarland, mayroong anim (6) na wikang Palawan: Kalamianon, Agutaynon, Batak, Tagbanwa, Palawenyo, at Molbog.

KALAMIANON
- sinasalita sa mga isla ng Calamian (Busuanga, Coron, Culion)
- Tagbanwa; isang dayalek ng Kalamianon; ang dayalek na ito ay wala umanong kaugnayan sa distinct na wikang Tagbanwa.

AGUTAYNON
- sinasalita sa mga isla ng Agutaya at malawakang ginagamit din sa Hilagang Palawan

BATAK
- sinasalita sa isang area sa hilaga ng Puerto Princesa

TAGBANWA
- sinasalita sa isang area sa palibot ng Aborlan sa Gitnang Palawan

PALAWENYO
- sinasalita sa timog na bahagi ng main island ng Palawan sa mga vicinity ng mga munisipalidad ng Quezon, Brooke's Point, at Batarasa
- mayroong mga significant na pagkakaiba sa pagitan ng Palawenyong ginagamit sa mga silangan at kanlurang coast, at maaari pa nga silang maging magkaiba talaga.

MOLBOG
- sinasalita sa mga timog na munisipalidad ng Balabac at Batarasa

Census Data

KALAMIANON
1970 - 1,645 (Coron at Busuanga)
1975 - not counted pero isinama sa bilang ng Palawenyo; Ang Kalamianon-Tagbanwa naman ay isinama sa Tagbanwa. Ang mga Tagbanwa speaker sa Coron at Linapacan (3,000) ay inihanay raw dapat sa Kalamianon.

AGUTAYNON
1975 - 25,475
~ 7,423 (Palawan: Agutaya, San Vicente, Linapacan)

BATAK
1975 - 1,400 (hilaga ng Puerto Princesa)

TAGBANWA
1975 - 10,251 (TAGBANWA + KALAMIANON-TAGBANWA)
~ 9,270 (Palawan)
~ 3,000 (Aborlan)

PALAWENYO
1970 - Palawenyo
7,525
1975 - Palawenyo
53,019
~ sinasama na rin dito ang Kuyonon
~ 42,122 (Palawan)
~ 7,000 (Brooke's Point, Aborlan, Quezon)
1975 - Pinalawan
29,098
~ 28, 734 (Palawan = Batarasa, Quezon, Brooke's Point)

MOLBOG
1975 - 5,639
~ 4,485 (munisipalidad ng Balabac)
~ 831 (Batarasa)

Relationships

Mga Wika ng Palawan
I. Hilaga
A. Kalamianon
B. Agutaynon
II. Timog
A. Batak
B. Tagbanwa
C. Palawenyo
D. Molbog

Ang mga wika ng Palawan ay nasa ilalim ng Meso-Philippine Group kasama ng Central Philippine Group at ilang mga wikang Mangyan.

Parating mayroong wikang Tagalog sa paghahambing sa mga inihaing table.

Hindi nagbigay ng mga pagsusuri sa mga inilagay na paghahambing ngunit nakatutulong naman kahit papaano ang mga ginamit na mga salita para makapagpakita ng pagkakahawig at pagkakaiba ng mga salita at pangungusap.

Nakatutulong din ang mapang isinama sa pag-aaral upang mas makita ng ibang mananaliksik ang distribusyon kaakibat na rin ang dami ng mga nagsasalita dahil sa isinamang census ng bawat wika at ng kinabibilangan nilang lugar.

Mayroon ding pagtatangka sa karamihan sa mga salita kung papaanong bibigkasin. Halimbawa'y gumamit ng tutuldok upang maipakita ang pagpapahaba sa pagbigkas at ang simbolong 'q' para magpakita ng impit sa mga dulo at umpisa ng isang pantig.

Handbook of Philippine Language Groups
Teodoro A. Llamzon
Ateneo de Manila University Press
Quezon City 1978

Naghain ng iba pang mga kaalaman tungkol sa Tagbanwa ng Aborlan.
 
Halimbawa:
 
A. The Community
- Tagbanwa, Tagbanua, Tagbanuwa
- matatagpuan sa mga isla ng Palawan
- ang Aborlan ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng isla ng Palawan
- ngunit kumalat na sila ngayon sa mga lugar na Lamani, Kulangdanum, Apuruan Bobosawan, at Labtay (Napsaan)
- posibleng nanggaling ang salitang Tagbanwa sa (taga + banwa) o mga taong nakatira sa countryside o galing sa inland area.
- tinatawag ding Aborlan ang nasabing wika
- 1970 census ng mga nagsasalita: 8,623
 
B. Economy
- food
- clothing and ornamentation
- handicraft and manufacturing
 
C. Social institutions
- marriage
- religion and beliefs
- literacy
~ Ginagamit pa rin nila ang kanilang sinaunang anyo ng silabikong pagsusulat.
~ Ang syllabary nila ay mayroong labingwalong (18) simbolo.
~ Nagsusulat sila sa bamboo gamit ang isang maliit na patusok na kutsilyo.

Magandang ipinakikita ang mga ganitong bagay tungkol sa pinag-aaralang wika at tagapagsalita dahil mayroon silang mga kaalamang maaaring hindi na maisasalin pa sa ibang wika. May mga kaalaman at tradisyong namamatay kung mamamatay lahat ng nagsasalita ng isang wika. Masasayang lamang ang mga kaalamang iyon na matagal nang naipapasa sa maraming henerasyon dahil nakadikit ang mga ito sa kultura at wika ng mga tao.

Ang pagpapakilala halimbawa ng Chinese jars at Muslim origin ng mga sandata ng Tagbanwa ay maaaring makapagsabi ng mga nakasalamuha nang mga tao ng mga taga-Palawan. Ang kanilang mga ugnayan dati ay hindi lamang makaaapekto sa kanilang mga ginagamit na kasangkapan sa pang-araw-araw na gawain kundi maging sa kanila na ring wika.

Isinama ang mga ginagamit na salita para sa mga miyembro ng pamilya. Ang mga ito ay hinati sa dalawang grupo: Nuclear Family at Extended Family. Mayroon ding mga katawagan para sa mga miyembro ng pamilya ng asawa.

Nagsimula ang pagtalakay sa mismong grammar sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga available na katinig, patinig, at diptonggo na nasa ilalim lahat ng ponolohiya.

Sumunod na sa bahaging ponolohiya ang mga panghalip na nahahati naman sa tatlo: Singular, Dual (1st and 2nd person), at Plural.

Kasunod nito ang bahaging Demonstrative Pronouns na ginagamit sa wika.

Isinama rin ang mga pandiwa na may kasamang paglalahad kung papaanong ginagamit ang mga panlaping ginagamit sa Aborlan Tagbanwa. Ang ginawang table ay nahati sa Focus (Actor, Goal, Location, at Instrument) at sa Mood (Non-finite, Finite: Imperfect, Perfect, Future, at Recent Past at Gerund).

Mayroon ding listahan ng mga terminong ginagamit para sa pagbibilang (Cardinal, Ordibal, at Distributives).

Sa bahaging Particles naman makikita ang mga Case Marker para sa mga Personal at Non-personal Nouns. Nasa ilalim din ng bahaging Particles ang mga linker na ginagamit sa nasabing wika.

Sa dulong bahagi ng pag-aaral'y may mga halimbawang pangungusap para maipakita ang sintaktika at malinaw na makita ang simpleng pagkakasunud-sunod ng mga salita sa loob.

Alfabeto Tagbanwa (Tagbanwa Alphabet)
with some reforms
Norberto Romualdez
Imprenta "CULTURA FILIPINA"
Cabildo, 191, Intramuros
1914

Ayon sa akda, ang Tagbanwa ay isang cognate ng Bisayan, Tagalog, at iba pang wika sa Pilipinas.

Dahil daw sa halos 50% ng populasyon ng mananalita ng wika ang gumagamit ng alpabetong Tagbanwa, sinubukang gumawa ng mga reporma ni Romualdez para mas madali at gawin ang alpabeto na mas mabilis at mas mabisang behikulong magagamit ng mga mas malalayo pang rehiyon ng Palawan.

Nasa wikang Espanyol ang akda.

Ang alpabeto ay mayroong labing-anim (16) na titik na mayroong tatlong (3) patinig at labintatlong (13) katinig. Ang direksyon ng pagsulat ay pahalang pakanan. Ang alpabetong Tagbanwa ay silabiko.

Nireporma ang alpabeto para maisulat ang mga salita mula pa sa ibang dayalekto at wika. At para rin maisama ang ng Bisaya at Tagalog na mga wika, at para sa tunog na ng wikang Espanyol. Pinagcombine din ang ilan sa mga katinig para mairepresent ang mga katinig na tunog na C, Z, F, N at iba pang kombinasyong BL, CL, X, ND, PR, etc. Ginawa ang mga repormang ito para na rin maisulat ang Doctrina Christiana sa nasabing wika upang gamiting mga halimbawa at exercises.

Sumunod nang bahagi ang transcription ng mga titik ng alpabeto. Ang mga tunog ay A, E/I, O, U, KA, GA, GA (NYA), TA, DA, NA, PA, BA, MA, LA, YA, WA, at SA. Ang pagkakasunud-sunod ng pagsulat ay simula transkripsyon ng alpabeto, kasunod ng kung paano itong bibigkasin at panghuli'y salin sa Espanyol.

Nilagyan ng tuldok sa pagsulat ng mga titik I/E at O/U sa itaas na bahagi para paghiwalayin. Mayroong tuldok ang mga titik I at U para maihiwalay mula sa mga walang tuldok na E at O. Kung susulat naman ng mga consonant cluster, pinagdidikit ang dalawang katinig na mga titik na mukhang isinulat na script. Halimbawa, ang mga titik ng BA at LA ay pinagdidikit (walang puwang, mayroong linyang nagkakabit sa dalawa) upang makabuo ng tunog na BLA.

Makikitang nagkaroon ng pagdaragdag sa mga titik ng alpabetong taal. Dahil nga sa kinailangang aralin ng mga prayle ang mga wika ng katutubo, kung mayroon mang alpabeto o ortograpiya silang ginagamit, mayroong dito nagsimula. Hindi lamang inaral sapagkat makukulangan sila sa pagtuturo kung iyon lamang ang gagamitin kaya't nadagdagan ang mga naunang ponolohiya ng Tagbanwa.

Mapapansing mula sa akda ni Llamzon, nasa labingwalo (18) na ang simbolong ginagamit pansulat ng mga nagsasalita ng Tagbanwa. Sa mga unang pag-aaral naman ni Romualdez, labing-anim (16) naman ang bilang ng ortograpiya ng Tagbanwa. Iyon kaya ay dahil sa pagiging lima ng mga patinig na nagsimula sa tatlo?

Sa paglipas ng panahon, hindi naman ipinagwalang-bahala ng mga nagsasalita ng Tagbanwa ang itinuro sa kanila ng mga prayle. Ang mga pagbabago sa kanilang wika, maliban pa sa mga salitang banyagang hiniram ay maaaring nag-ugat pa sa kanilang paraan ng pagsusulat. Mula sa maliliit na pagbabago, pagdaragdag ng mga tuldok at pagpapakilala ng dikit-dikit na pagsulat, nagbabago rin ang kanilang paggamit sa wika at lalo pang nadagdagan ang kanilang bokabularyo.

Magbasa Tami It Tagbanwa (Let's Read Tagbanwa)
An Alphabet Revision Book in Tagbanwa of Palawan, Philippines
Summer Institute of Linguistics Philippines, INC.
1977
Peter and Christine Green

Ayon sa Paunang Salita na isinulat ni Juan L. Manuel (secretary), mahalaga ang pedagohikal na pagkatuto ng wika ng isang mag-aaral. Kung matututunan ng isang bata na basahin ang isang wikang kanyang pinakanauunawaan, magkakaroon siya ng confidence na matutunan pa ang pambansang wika.

Ang aklat ng alpabeto ay dinisenyo para raw matulungan ang mga mananalita ng Tagbanwa, na naturuan nang pansamantala ng Pilipino, ngunit wala pang sapat na kasanayan sa pagbabasa.

Ang mga titik sa Tagbanwa at Pilipino ay halos pareho lamang daw ngunit ang 'e' sa Tagbanwa ay pareho ng pagbigkas sa Ingles ng salitang 'the'. Ang mga impit naman ay ginagamitan ng kudlit.

Nagsisimula ang pagtuturo sa pagkakasulat ng malaki at maliit na titik. Halimbawa:

Aa

Mayroong nakaguhit na larawan ng isang bagay na nagsisimula sa titik na iyon. Kasunod nito ang isang halimbawang payak na pangungusap gamit ang salita o terminong ginagamit para sa larawang nakaguhit, na nagsisimula sa titik na itinuturo. Kasunod na itinuturo ay kung paanong sinusulat ang mga titik at sa huling bahagi'y iba pang mga halimbawa ng mga salitang nagsisimula sa itinatanghal na titik.

Mayroong nakaguhit na larawan ng isang bagay na nagsisimula sa titik na iyon. Kasunod nito ang isang halimbawang payak na pangungusap gamit ang salita o terminong ginagamit para sa larawang nakaguhit, na nagsisimula sa titik na itinuturo. Kasunod na itinuturo kung paanong sinusulat ang mga titik at sa huling bahagi'y iba pang halimbawa ng mga salitang nagsisimula sa itinatanghal na titik.

Ang pagkakasunud-sunod ng mga titik ay, A, B, K, D, E, G, I, L, M, N, Ng, P, R, S, T, U, W, at Y. Matapos ang pagtuturo sa bahaging Y ay tinalakay naman ang mga halimbawa sa kung paanong binibigkas sa mga salita ng Tagbanwa ang impit.

Sumunod na bahagi ay ang Glossary na mayroong tatlong column: Tagbanwa, Pilipino at English.

Mayrooong labingwalong (18) titik na ginamit sa aklat. Mali ang suspetiya kanina dahil walang titik O mula sa mga ito. Pinaghiwalay lamang ang E at I at naidagdag ang R dahil wala namang 'Ra' sa silabikong alpabeto ng Tagbanwa.

Sa pagbabanggit pa lamang na halos pareho lamang ang mga titik ng Tagbanwa at Pilipino ay nakapagtataka na. Nabanggit na kanina na mayroong sariling pagsulat o ortograpiya ang mga Tagbanwa. Ang Pilipinong ito, na alam nating nakabase sa Tagalog, kung itinuturo nga naman sa paaralan ay gumagamit ng alpabeto Romano.

Ngunit maaari ring na ibig sabihin ng aklat ay ang Ponolohiya, kung saan tinatalakay ang mga tunog ng patinig at katinig na magagamit sa dalawang wika ay halos magkakahawig nga naman.

Naunang nailimbag ang aklat na ito kaysa sa ginawang pag-aaral ni Llamzon. Hindi nalalaman ng mga gumawa ng aklat ang kahalagahan ng taal na ortograpiya ng mananalita ng Tagbanwa o hindi lang sinlalim ng pananaliksik ni Llamzon ang kanilang ginawa.

Maaari ring makita itong dahilan ng pagiging endangered ng wikang Tagbanwa.

Central Tagbanwa:
A Philippine Language on the Brink of Extinction
Robert A. Scebold
Summer Institute of Linguistics
Linguistic Society of the Philippines
Manila
2003

Nagsimula ang aklat sa kaligirang pangkasaysayan at dinamikong sosyolingguwistika ng Palawan. Mayroon daw ebidensiya na nagkakaroon ng Language Shift sa nagdaang limampu (50) hanggang animnapung (60) taon. Mula raw sa walong daan (800) hanggang isanlibong (1,000) bilang ng mga nakatira sa Gitnang Palawan, dalawang daan (200) lamang mula sa mga ito ang may inang wikang Tagbanwa. Karamihan pa sa mga ito ay matatanda. Karamihan na raw sa populasyon ng mga mas nakababata ay nagsasalita na ng Cuyunon o Tagalog bilang inang wika. Ngunit mayroon pa rin namang mga gumagamit ng Tagbanwa bilang kanilang pangalawang wika.

Sa bahaging gramatikal naman, una at nakahiwalay ang phonology sa grammar. Isang buong kabanata ang isinulat na pagtalakay sa phonology. Nasa ilalim ng phonology ang Syllable and Word Structure. Karamihan daw sa mga salita (ugat) ng Tagbanwa ay mayroong dalawa (2) hanggang tatlong (3) pantig. Tinalakay rin ang:

A. Stress

B. Ambivalent Segments

1. High Front and High Back Vocoids
2. Lengthened Vocoids
(Ang vocoid ay pantig na tunog sa pagitan ng isang katinig at isang patinig.)
3. Affricate
4. Aspiration
5. Glottal Stop
C. Phonemes

1. Stop
2. Glottal Stop
3. Fricatives
4. Nasals
5. Flap
6. Glides
7. Vowels

Ayon naman sa aklat na ito, ang Gitnang Tagbanwa ay mayroong apat na patinig:
1. i
2. i
3. u
4. a

D. Morphophonemics
1. Consonant Weakening
Halimbawa nito ay and /d/ na pinalilibutan ng mga patinig ay humihina mula sa pagiging stop patungo sa pagiging flap.
2. Nasal Assimilation
aN - an, am, aN
3. Nasal Assimilation with Consonant Deletion
Kung voiceless stop o fricative ang unang katinig ng isang salitang ugat, ito ay nawawala na sa pagbigkas.
4. Vowel Harmony
Halimbawa:
/pa/ + /tabas/ => /patabas/
/pug/ + /tabas/ => /pugpatabas/ => /pugputabas/

E. Coexistent Phonological Features Carried by Spanish Loan Words
Nilinaw ni Scebold na ang Tagbanwa ay isang Austronesian na wika pa rin ngunit sa loob ng isandaang taon at higit pa, naisama na sa lexicon ng wika ang mga salita ng Espanyol.

Magandang ihiniwalay pa rin ni Scebold ang mga taal na bahagi ng grammar ng Tagbanwa para maipakita kung anong mga katangian mayroon ang wika nang hindi pa naiimpluwensiyahan ng banyagang wika. Kung sinasabi niya na ngang endangered na sa mga panahong ito ang Central Tagbanwa, maganda na ring maisulat niya ang grammar ng wika para manatili o hindi masayang ang kung ano pang mga kaalaman ng wika at ng kanyang kultura ang maaaring makita pa na wala sa iba.

1. Syllable Patterns
Naidagdag ang CCV.

2. Coexistent Contrasts
Kung allophones ang [o] at [u], magkahiwalay ang mga ito sa mga hiram na salita sa Espanyol.

3. Coexistent Phoneme

F. Orthography
P, T, CH, (hiram na salita), K/C, B, D, G, V, S, H, M, N, NG, L, R, W, Y, '/- (impit), I, I, E, U/O, A.

Sa bahaging ito naman, mapapansing iba na naman ang ortograpiya ngunit kung iisipin, maaaring ang Central Tagbanwa ayisang dayalek ng Tagbanwa. Nakapagtataka lamang na idinagdag ang impit na nasa simbolong ' o - na hindi naman inirerepresenta sa sinaunang ortograpiya ng Tagbanwa. Bahagi kaya ito ng dahil sa impluwensiya ng Espanyol, kinailangan pang maisulat ang simbolo para sa impit na matagal nang nasa ponolohiya ng Tagbanwa ngunit hindi tinitingnang di hiwalay sa mga simbolong kinikilala? O ginamit lamang ito bilang gabay ng mga prayle para sa pag-aaral ng wika kung kaya't kinailangan nila ng marka para sa impit dahil hindi naman natural sa Tagbanwa ang paggamit pa ng simbolo para rito?

Sumunod na kabanata ang Grammar:
A. Morphology
1. Affixation (Derivational and Inflectional)
a. Prefix
b. Suffix
c. Infix
d. Reduplication
e. Combination

B. Lexical Categories
1. Nominal
a. agent, object, goal
b. Noun Marking Particles
c. Common and Derived Nouns
d. Personal Pronouns
e. Demonstrative Pronouns
2. Modifiers

Noun Phrase
1. Possessive
2. Demonstrative
3. Descriptive
4. Appositional
5. Embedded
Predications
1. Non-verbal Clauses
2. Existence and Possession
3. Verbal Clauses
4. Quotation
Negation
Semantic Relations
1. Conjunction/Addition
2. Disjunction/Alternation
3. Contrast
4. Temporal Relations
a. Sequence
b. Simultaneity
c. Co-occurrence
d. Span-Included
e. Beginning-Postspan
f. Prespan-End
5. Result-Reason
6. Mean-Purpose
7. Condition Consequence
8. Concession-Contraexpectation
9. Comparison
10. Verbal Simile ('midyo')
11. Verbal Comparison ('kisa')

Verbs

1. Basic Verbal Inflection
a. inflection for temporal aspect
b. focus (agent and non-agent: basic categories of focus)

2. Other Aspectual Inflections
a. Abilitative (physical ability to do the verb)
b. Potentiality (something that may happen)
c. Generality (general action affecting general groups)
d. Opportunity (unexpected opportunity)
e. Involuntary
f. Collective (done in a whole group)
g. Continuous

3. Other Verbal Aspects Moods
a. Imperative (instruction)
b. Recently Completed
c. Immediate Future
d. Customary or Habitual
e. Continuous or Repetitive
f. Inceptive ('impisa' or 'to begin')
g. Optative (something should happen; 'dapat')
h. Causative Voice (prefix pa-)

Sumunod na bahagi pagkatapos ng kabanatang Grammar ay A Brief Lexicon. Hinati sa dalawang bahagi ang kabanata: Central Tagbanwa-English Dictionary at English-Central Tagbanwa Index. Mayroon nang mga salita mula sa wikang Espanyol. Ang pagkakasunud-sunod ng mga titik ay A, B, D, E, I, G, H, I, K, L, M, N, O, P, R, S, T, U, V, W, Y.

Kung babalikan ang ginawang aklat nina Peter at Christine Green, walang titik O sa kanilang listahan.

Natanggal din mula sa kanilang listahan ang Ng dahil ang mga salitang (nasa A Brief Lexicon) nagsisimula sa Ng ay nasa ilalim na ng mga salitang nagsisimula sa N. Ngunit ang mga salitang ito ay kasunod lamang ng mga salitang nagsisimula sa pantig No- at huling bahagi na ng listahan ng N. Kung titingnang mabuti ang pagkakasunud-sunod ng mga titik, nauuna ang G kaysa sa O. Maaaring malay itong paghiwalay ng Ng mula sa iba pang mga tunog kahit na nakalagay pa ito sa ilalim ng N.

Role Combinations and Verb Stem Classes in Kalamian Tagbanwa
Edward Ruch
Pacific Linguistics Series A - No. 41
Papers in Linguistics No. 5
Department of Linguistics
Research School of Pacific Studies
The Australian National University
1974

Ayon sa akda, maraming beses nang sinubukang iclassify ng linguists ang mga verb stem ng mga wika sa Pilipinas. Ang mga naunang pag-aaral ay sina:
a. Woolf - affixation potential (1970)
b. Ballard - affix meaning (1973)
c. Redi - clause structure (1966)
d. Forster and Barnard; Chandler - participant roles encoded by non-predicate tagmemes (1968; 1974)

Pero wala sa mga nabanggit sa itaas ang naging satisfactory para maging generative classification ayon kay Ruch (1974).

Sinubukang gamitin ni Ruch ang lahat ng mga nabanggit niyang halimbawa ng pagkaclassify sa wikang Kalamian Tagbanwa.

Sa unang classification, na ayon sa affixation potential, mayroon siyang labing-isang (11) klase:
Class A1: ag-, aN-, -um-, -en, -an, i-
Class A2: ag-, aN-, -um-, -an, i-
(Ang N sa aN- ay isang morpoponemang umaayon sa kasunod nitong katinig na tunog.
Halimbawa: p at b > m; t at s > n, etc.)
Class B1: ag-, aN-, -en, -an, i-
Class B2: ag-, aN-, an-, i-
Class C1: ag-, -um-, -en, -an, i-
Class C2: ag-, -um-, -an, i-
Class D1: aN-, -um-, -en, -an, i-
Class D2: aN-, -um-, -an, i-
Class E: ag-, en-, -an, i-
Class F1: aN-, -en, -an, i-
Class F2: ag-, -an, i-

A. subject focus: ag-, -aN-, -um-
B. object focus: -en
C. referent focus: -an
D. accessory focus: i-

Sunod niyang isinulat base naman sa participant roles. Para naman daw sa bahaging ito, ang mga panlaping -en, -an, at i- lamang ang isinama sa classification. Ang mga role ay:
1. Agent
2. Patient
3. Goal-Patient
4. Location
5. Goal
6. Source
7. Goal-Source
8. Beneficiary
9. Instrument
10. Quantity (measurement)
11. Concomitant (entity that accompanies agent during the action but in an inert manner)
12. Agent-Source
13. Possessor
14. Stimulus-Reason (motivation)
15. Time (moment the action is carried out)

Ang mga verb stem ay maaaring mag-occur sa mas marami pa sa isang role combination. At dahil nga sa maaaring matagpuan sa iba-ibang role combinations ang isang verb stem, umabot sa labinlimang (15) class ang naitala sa akda para sa mga pandiwa ng Kalamian Tagbanwa para sa awtor.

Isa pang pagtatangka sa pagsasakategorya ng mga pandiwa ng Kalamian Tagbanwa ay ayon sa kahulugan ng mga panlapi. Halimbawa: Ang unlaping i- ay nagsisignal na ang agent ay lumalayo mula sa kanyang orihinal na posisyon para magawa ang aksyon. Isa pa ay ang mga unlaping ag- at paN- ay nagsisignal naman ng intense distribution ng action na maaaring sa maraming patient o maraming goal.

Naglaan ang awtor ng metodolohiya kung paano siyang umabot sa kanyang mga nagawang pagkaclassify. Ayon sa kanyang kongklusyon, ang pagkaclassify ng mga pandiwa ayon sa affix potential ang pinakamadali at pinakamabilis. Pero kahit na mahirap at matagal gawin ang pag-aassign ng role combinations, mas marami pa raw itong maipakikita tungkol sa papaanong puspusang nagagamit ang mga pandiwa.

Kung tutuusin, hindi naman sigurong dapat minamadali ang paggawa ng grammar o kahit anong bahagi man nito kung marami pa naman ang mananalita. Kung mas puspusan ang gagawing pagsasakategorya'y maaaring makabuo ng mas detalyadong klasipikasyon ng mga pandiwa. Ngunit sa sobrang dami kasi ng maaaring posibilidad sa mga pandiwa ng Tagbanwa, talagang mahihirapan at matatagalan ang pagbuo ng mga klasipikasyon.

Mapapansing lubhang napakarami ng nagawang klase kung gagamitin niya lamang ang affixation potential ng bawat pandiwa. Ang pagkakahati ng isang klase, halimbawa ng A na mayroong A1 at A2, nawawala lamang ang -en sa listahan kaya't nabubuo ang ikalawa. Ang hulaping -en ang naging basehan ng pagkakahati ng isang kategorya. Mayroon ding pagtatangka, sa ilalim ng affixation potential, na nakabase sa focus ng pandiwa na ang -en ay para sa object focus. Nangyari ito marahil sa tatlong panlaping ag-, an-, at i- ay kadalasang pupuwede sa isang salitang ugat pa lang. Gayundin ang -um- at -an ngunit hindi ganoon kadalas. Ang hulaping -en ang hindi ganoong kadalas na ginagamit.

Kung babalikan ang pagsasakategoryang ginawa ni Scebold (2003), mayroon pa ring nakabatay sa mga panlapi. At ang kanyang ginawa ay hindi na nakabase sa dalas ng paglitaw ng panlapi sa paggamit sa wika ngunit nakabase na sa aspetong paggagamitan ng pandiwa. Nadagdagan din ng iba pang pagtingin sapagkat pinansin ni Scebold ang mga katagang 'dapat' at 'impisa' na kasama ring ginagamit sa mga pandiwa. Hindi na nadidikit lamang sa salitang-ugat - panlapi na pag-aaral ang pagsasakategorya ng mga pandiwa.

Final Notes
M
2013

Ang ortograpiya ng wikang Tagbanwa ay pinadaan sa maraming pagbabago. Mayroon pang nagtangkang tanggalin na talaga ito para lamang maipakilala nang husto ang wikang pambansa. Oo nga't mas madaling kilalanin ang wikang pambansa kung lilipat sa alpabeto Romano ngunit sayang ang yaman ng mga sinaunang mananalita ng Tagbanwa. Mabuti na lamang at mayroong mga mananaliksik na piniling panatilihin ang ortograpiyang ito.

Ang pagsasakategorya ng mga pandiwa ay isang malaking hangarin dahil mahalagang makita at masinsinang mabuong muli ang detalyadong bahagi ng mga pandiwa hanggang sa pinakamaliit na detalye. Ang ganitong pag-aaral ay maaaring magbukas sa ilan pang mga tanong at posibilidad na hindi pa napagtatanto ng mga katutubong mananalita ng Tagbanwa. Ito ay maaaring maging malaking tulong para sa pagpapaunlad pa lalo ng kanilang wika.

Dahil nga sa paglunsad ng ibang wika sa malalaking bahagi ng Palawan, nakatutuwang mayroong mga pag-aaral na ginawa tungkol sa balarila ng Tagbanwa, isa sa mga wika nito, para hindi tuluyang mawala at maging bahagi na lamang ng kasaysayang punung-puno ng pagbabago at pagbubura.

10 July 2013

The Colonized's Portrait

Ayon kay Memmi, ang paglalarawan sa kinokonolisa ay ginagawa ng mga kolonisador para sa kanilang adbentahe. Nilinaw niya ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa na pagtingin ng mga kolonisador sa kanilang mga nasasakupan bilang mga tamad. Sa kanilang mga aliping nagtratrabaho nang maayos bilang din namang takot sa kanilang mga kaparusahang matatanggap, sinisikap ng mga tamad na gawin ang mga iniuutos ng kanilang pinuno. Hinding-hindi ito makikita ng mga namamahala sa kanila dahil sanay sila sa pagkukumpara ng paggawa ng mga trabahador ng kanilang lahi kaysa sa pagtratrabahong ipinapakita ng kinokonolisa. Gustung-gusto nilang isinisingit ang mga kakayahan ng kanilang lahi kumpara sa kilos ng kanilang mga alipin. Sa ganitong pagkukumpara, parati nilang ipinaririnig na mas mataas ang kanilang lahi, at hinding-hindi nito mapapantayan ng kung ano pa mang husay ng kanilang nasasakupang ibang lahi. Mula rito, kung susubukang ikumpara sa nangyari sa Pilipinas ang ganitong pagtingin ng mga kolonisador sa mga katutubo, tinawag pa nilang Indio ang mga sinaunang Pilipino. Ang ganitong pagtawag sa kanilang mga kalaban ay nagsisilbing pagtatakda na ng kababaan at kababawan ng kakayahan ng kabuuan ng lahing sinusubukan nilang sakupin. Pinupuntirya na nila ang mga ideolohiya ng mga katutubo tungkol sa kanilang mga sarili upang manghina sila't tanggapin ang mga ipinapagawa sa kanila ng mga Espanyol habang umaasang makapapantay nila ang mga banyaga basta't sumunod sila sa kanila o kaya'y gayahin sila. Nakalilimutan nila ang kahalagahan ng tunay nilang kultura, ang sinaunang napakayamang nakagisnan. Nagiging adbentahe ito sa mga banyaga dahil sa oras na natanggap na ng kanilang mga nasasakupan na mas mababa sila sa kanila at panay katamarang kilos lamang ang parati na lamang nakikita ng namumuno, magkakaroon na ng palusot ang mga kolonisador na babaan ang kani-kanilang mga suweldo at abusuhin pa lalo ang kanilang puwesto, tulad ng binabanggit ni Memmi.

Sinabi rin ni Memmi na ang ganitong mababang pagtingin sa mga kinokonolisa ay hindi lamang sa iisa o maliit na grupo. Ito ay pangkabuuang kolonya. Ito ay pagtatakda ng pangkabuuang pagtingin sa bawat hindi nila kalahi na ibang-iba sila sa kanila at ang mga ito ay pare-pareho lamang. Ayon pa kay Memmi'y hindi sila tinitingnan bilang mga indibidwal na may kanya-kanyang talento o kakayahan. Nakikita sila bilang iisa lamang, magkakahawig, magkakapareho ng mabababang interes sa buhay, makakamukha ng mga kilos. Kung madalas pa'y nag-iimbento pa ang mga kolonisador sa kung ano ang tingin nila sa mga alipin. Halimbawa na lamang sa mga sinaunang Pilipino noon na tiningnan ng mga Espanyol at Amerikano bilang mga hindi sibilisado. Ano ba talaga ang kanilang depinisyon ng sibilisado? Nakapag-aral ng "tamang" edukasyon? May propesyon? May pera? Nagdadamit ng "pormal" gaya ng black suit & tie o kaya nama'y palda? Hindi ba't ang pagtingin sa bawat kultura'y dapat pantay-pantay kagaya ng pagtingin sa lahat ng wika bilang magkakahanay lamang ng antas? Kaya ba sa mga Espanyol ay ipinagkait nila ang kanilang wika sa karamihan ng "mahihirap" na Pilipino? O kaya ang pagturo sa mga Pilipino ng Ingles ng mga Amerikano dahil ang edukasyon daw ang mag-aahon sa kanila mula sa kanilang kahirapan? Sila-sila lamang ang nagpakilala sa atin ng konsepto ng kung sino ang mayaman at kung sino ang mahirap, kung sino ang nasa ibaba at kung sino ang nasa itaas. Ano pa man ang planuhin nila, kinakailangan nilang isaksak sa kokote ng kanilang mga kinikonolisa na mababa sila para kapag tumaas ang tingin nila sa mga kolonisador, hindi lamang nila tatanggaping mahihina ang sarili nila't wala na silang magagawa pa sa kanilang sakit at susubukan na lamang abutin ang antas ng mga banyaga't gayahin silang parati. Hanggang sa kasalukuyan pa rin nama'y makikita ito lalung-lalo na pagdating sa wika. Nagkakaroon ng diglossia o pagkakaroon ng antas sa pagtingin sa mga wika na wala naman dapat. Lahat ng wika ay magkakapantay ngunit sa nangyayari ngayon sa Pilipinas, mukhang hindi. Mayroong pagtingin sa mga nakapag-aaral na marunong silang mag-Ingles na nagsasabing may adbentahe sa buhay. Hindi naman sinasabing maling maging bilingual ang isang Pilipino sa Filipino at Ingles ngunit nagiging edukado at mas mataas ang tingin sa mga marurunong mag-Ingles. Bakit, kapag hindi ba marunong mag-Ingles, hindi na agad matalino? At hindi na lamang ito sa wika nagtatapos. Maraming estudyanteng nakakapagtapos ang nais mag-abroad, lalung-lalo na sa Amerika. Mas gugustuhin pa nilang magamit ang kanilang mga natutunan at kakayahan para sa kanilang sariling kapakanan nang hindi inaalala ang kapakanan ng pinanggalingang bansa. At dahil nga sa mas mataas na patingin sa kultura ng ibang bansa o mas magandang oportunidad, nakalilimutan na kaya ng Pilipino ang tunay na sarili? Nalimutan nga lang ba o piniling huwag na lang pansinin ang sarili? Papansinin na lamang ang iba't doon na lamang tutulong. Babalik at babalik pa rin sa orihinal na sinabi ni Memmi na ang ganitong pagtatanim ng mababang pagtingin sa sarili ay magiging adbentahe sa kapakanan ng mga kolonisador. Ang mga Amerikano pa rin ang makikinabang sa huli ng mga nakakapagtapos na Pilipino.

Nagsimula ang ganitong paghulma sa edukasyon, sa edukasyong hinanap ng mga Pilipino noon na ipinagkait sa kanila ng mga Espanyol. At dahil pa sa nais ng mga Amerikano na maging "handa" ang mga Pilipino, kinailangan daw nating maging maalam sa pagpapatakbo ng sariling bansa. Tinawag pa ang mga Pilipino na hindi marurunong at hindi pa kakayaning tumayo gamit ang sariling mga paa. Hindi na naging malaya ang mga kinikonolisa na isipin kung ano ang nararapat para sa kanila. Para kasi sa mga kolonisador, parating magiging mali ang mga gagawing desisyon ng mga alipin kung hindi naman nila ito iniutos. Hindi kailanman nasunod ang alipin para lamang sa kanyang sariling kagustuhang nakabase sa pansariling desisyon at interes. Lahat ng kanyang ikikilos ay para lamang sa interes ng kanyang pinuno, nang hindi niya man lamang namamalayan. Ang nakikita niya na lamang sa ngayo'y ang kanyang pinunong dapat niyang sundin dahil tanggap niya nang mas mataas ang kaalaman nito sa kanya, na kapag ginawa niya ang gusto ng pinuno, baka sakaling maging maganda na ang pagtingin nito sa kanya't dumating ang araw na makapantay na nito ang banyaga o kaya nama'y magkaroon na ng positibong pananaw tungkol sa kanya ang kolonisador. Pero hinding-hindi ito mangyayari. Dahil ang mataas na pananaw lamang na mananatili sa pagitan ng dalawa'y ang paglalaway ng kinokonolisa sa lahi ng kolonisador. Ang nakikita niya na lamang ay ang kanyang sarili, naglalakad sa itaas ng entablado habang tinatanggap ang diploma at nakikipagkamay, iniisip na makapupunta na siya sa ibang bansa't makapagtratrabaho nang matiwasay. Matapos makapagtapos, Amerika'y nakagapos, Pilipinas, kinakapos.

03 July 2013

Filipinas ni Xiao

Pangalan: Xiaoyu Castro
Edad: 5 taong gulang
Ina: Reilyn Castro

Ina: "Bigla na lang siyang nag-i-English. Nakuha niya 'yon sa panonood ng cartoons sa TV. Nagsasalita na siya nang diretso simula noong isang taong gulang pa lang siya. Ipinasok siya sa paaralan noong tatlong taong gulang pa lang. Kapag nagustuhan niya ang isang kanta, nakakabisa niya ang chorus ng isang kanta. Naaalala niya agad ang tono ng chorus ng isang kanta at kaya niya na itong ulitin. Wala siyang problema sa pagsabi ng [p] at [f], pati sa [b] at [v]. Sa [s] lang siya merong problema. Tsaka ito (Xiaoyu), isang beses niya lang makita, kapag nagustuhan niya, madali niyang nagagawa. Halimbawa noon, yung sa hula-hoop. Isang beses pa lang naming ipinakita kung papa'nong gagamitin yung laruang hula-hoop, hiniram niya na agad sa akin. Sinubukan niya 'yon agad. Pagkatapos niya magkamali nang ilang beses, maya-maya e mas marami na siyang nagagawang paikot kaysa sa kaya kong gawin."

Obserbasyon: Matagal makabuo ng isang buong pangungusap ang bata. Mahilig siyang gumamit ng mga katagang tsaka at tas (tapos). Mahilig siya sa mga numero at kulay. Marahil ay iyon ang itinuturo sa kanya sa ngayon. Sinubukan niya ring ibahagi sa akin ang kanyang nalalaman tungkol sa mga araw sa isang linggo. Maaaring sinasabi niya sa akin ang mga natututunan niya sa paaralan at ang mga itinuturo na rin sa kanya ng kanyang Mommy.

Sinubukan kong ipabigkas sa kanya ang mga salitang fifty at pipti. Pareho niya silang nabibigkas nang maayos. Ngunit noong pinabigkas ko na ang filipinas, ang nasasabi niya'y filifinas o kaya nama'y pilipinas. Nagtutunog (th) ang kanyang [s], katulad ng luneth (Lunes) at muth-tatha (mustasa). Siguro, kung sa edad niya, maaaring nalilito pa siya kung magkasunod na ganitong mga halimbawang tunog (p-f/f-p) ang kanyang bibigkasin ngunit sa tingin ko'y makukuha niya naman ito nang tama sa kanya pang paglaki dahil kinaya niya namang makilala ang pagkakaiba ng tunog [p] sa [f].


Sumisigaw siya madalas sa bawat dulong linya ng kanyang inaawit na kanta. Mahilig siyang kumanta ng random na mga pantig gamit ang mga tonong kanyang naaalala. Halimbawa, sa tono ng Call Me Maybe ni Carly Rae Jepsen, ang kanyang mga binibigkas na liriko ay, "bar-ber-ber-bai-bai" ngunit kaya niya ring kantahin nang maayos ang chorus ng nabanggit na kanta.


Napansin kong mabilis ding mag-iba ang pinapaksa ng kanyang mga pangungusap na binibigkas. Ganoon siya gumamit ng mga katagang tas kahit na wala namang direktang kaugnayan ang susunod na sasabihin sa nauna. Halimbawa na lamang: (Tinanong ko kasi siya kung kailan ang kanyang kaarawan.) "May (Mayo) birthday ko. Tapos yung cake ko, chocolate, chocolate, pink. Okay. Dalawa yung chocolate e. Alright? Alright? Okay na (Sa tingin ko'y napapansin niyang itinatype ko ang bawat sinasabi niya kaya niya siguro ako hinintay sa bahaging ito. Ngunit matapos ang panandaliang pagtigil, tuluy-tuloy na ang kanyang pagsasalita.) Yan lang e. Sa birthday ko, meron akong chocolate cake at pink cake. Tapos kapag tinuturuan ako ni Mommy, ganto yung Castro (apelido niya, habang sinusulat niya ang kanyang pangalan sa isang papel). Okay, okay, okay na yan. Ang init!"


Minsan di'y sumasagot siya sa wikang Ingles. Halimbawa na lamang: Kapag tinanong ko siya ng isang oo-o-hindi na tanong, ang isasagot niya lamang ay yeth (yes) o kaya no. Sumisigaw rin siya ng Fire! paminsan-minsan sa kalagitnaan ng pagkanta niya ng random na mga pantig. Sinabi ko ring magbilang naman siya at ang isinagot niya sa akin ay, "No, not again!" Kinuwento rin sa akin ng kanyang Mommy na nagtupi siya ng kanyang mga damit noong araw na iyon. Noong tinanong ko si Xiaoyu kung ilan yung tinupi niyang damit, ang isinagot niya sa akin ay, "Lots some lots some lots some!"


Xiaoyu: "Isusulat ko pangalan ko ah. X. (Itatype ko na sana ang kanyang pangalan.) Hello, tulala ka. Yan. Yan yung pangalan ko. Yan lang yung pangalan ko. May (Mayo) birthday ko. Tapos yung cake ko, chocolate, chocolate, pink. Okay. Dalawa yung chocolate e. Alright, alright, okay na. Yan lang e. Sa birthday ko, meron akong chocolate cake at pink cake. Tapos tinuruan ako ni Mommy, ganto yung Castro (apelido niya, habang sinusulat niya ang kanyang pangalan sa isang papel.) Okay, okay, okay na yan. Ang init!


Cinolor namin kanina yung white, white cake, pink cake, brown cake, black cake. Bukas na daw yung gift tsaka yung cinolor pa namin yung hilahan pag gusto mong magdala ng toys. Tas umuwi na ako. Tas kumain kami ng chicken. Ha? Sabi mo? Kasi pag sinulat mo, erase-in ko yan e. Fire! Tug-tug-tug da-la-la! Fire! Ra-da-da-da! Ikaw, drawing mo rito yung pangalan mo.


Monday, Tuesday ba? Wednesday, Saturday, Linggo, Luneth (Lunes).


Pag wala akong school, pupunta si Kyle dito tas maglalaro kami ng mermaid tsaka Barbie tsaka adun kami sa kusina naglalaro kami ni Kyle tsaka nagtitinda kami nagtitinda sila Mommy tsaka si Daddy. Tsaka pag ano pag umalis na si Kyle tas bumaba- tas pag-a pag ayaw na ng Mommy ni Kyle tas ayaw niya na pumunta tas maglalaro na kami ng laruan ni Kyle, lutuan.


Gusto ko maglaba paglaki, tsaka mag-dryer. Takot ako sa gagamba na lumilipad. Tsaka ayaw ko niwe-wake up pag tulog ako. Inaantok ako pag tulog pa yung iba pag wala akong pasok e. Nakalimmutan ko pang sabihin yung ano yung pumunta kaming SM tas sumakay kami ng roller coaster, tas tinaas ko yung kamay ko tsaka nagtatablet kami. Okay, okay, okay.


Kaya kong magdrawing ng number 1 tsaka number 7, number 5, number 8, number 3. Tsaka number 4! (Magbilang ka.) No! Not again! (Anong favorite mong palabas?) Ahh, finesferb (Phineas and Ferb) tsaka sabi nung ano. Si Perry, may blue tsaka green. May blue at green. La la la-la-la-la, it's so wrong. 


Ang favorite kong color, pink, orange, sandali, sandali. Pink, purple, blue, green, red, orange, di masyado pink, di masyado blue, tsaka di masyado red, tsaka di masyado black, tsaka ginawa kong princess yung toy ko, tsaka socks to e (Ipinakita niya sa akin ang kanyang laruan.).


(Ano yung tinupi mo kanina?) Lots some lots some lots some damit. Pangarap kong magluto!"

22 June 2013

Malaki sa Maliit

click ]

Mababasa mula sa artikulo kung gaano kahalaga sa isang sanggol na may edad na isang taon at kalahati ang pagkatuto ng kanyang wika. Importante sa sanggol na ito ang patuloy na pakikipag-usap sa kanya ng kanyang mga magulang. Mula sa pakikipag-usap na ito'y maririnig ng sanggol ang mga basic na tunog ng mga patinig at katinig ng kanyang magiging pangunahing wika. Binanggit pa sa artikulo na hindi pinapansin ng sanggol o balewala sa kanya ang mga naririnig ng tunog na hindi naman likas sa wika ng kanyang mga magulang o sa wikang kanya nang nakagisnan. Hindi lamang mga tunog at kung paanong bigkasin ang mga salita ang natututunan ng sanggol kundi pati na rin ang grammar at bokabularyo ng kanyang magiging wika. Maaaring isiping madali nang mauunawaan ng isang sanggol kung tama ang pagkakabuo ng isang payak na pangungusap at kung mali rin ang pagkakabigkas ng isang salita. Hindi pa man direktang nakapagsasalita at nakabubuo ng mga salita, ni parirala at pangungusap ng kumpleto o may diwa ang isang sanggol, unti-unti nang natututunan ng kanyang utak ang mga tama at mali sa kanyang wikang kinagigisnan.

Napakagandang isiping kahit sa pinakamaliliit na detalye ay nauunawaan na ng isang napakaliit na sanggol ang kanyang  mga naririnig. Halimbawa na lamang, mula sa mga eksperimento at resultang ipinahayag sa artikulo, napansin ng mga sanggol ang pagpapahabang ginawa sa pagbigkas sa isang napiling salita. Pinapatunayan lamang nito kung gaano kadaling matuto ang utak ng  isang sanggol. Marahil ay kung susubukan na sa matatanda ang ganitong uri ng eksperimento gamit naman halimbawa ang dalawang halos magkasintunog na mga salita, kagaya ng nabanggit sa artikulo, mahihirapan sila. Mas madaling matututunan ng isang bata ang isang wika kaysa sa isang matanda. Maaaring responsibilidad iyon ng isang bahagi ng utak ng isang bata na mayroon pang kalakasan o masiglang-masigla pa kung kaya't mas madali ang pagkilala sa mga mali at tama sa kanyang natututunang wika.

20 June 2013

Talo Nga Ba?

"Ang pagmamapa ng mga kapangyarihang kolonyal ng daigdig ay pagtatangka rin ng pagmamapa ng kaisipan ng mga sinakop."


-- Sila na mga nagtangka at nagtagumpay sa pagsakop, ay hindi lamang lawak ng teritoryo ang nais na mapa sa kanila. Hindi lang din mga lantad na nais tulad ng mga hilaw na sangkap at "paglilinis" nila sa mga katutubo dahil hindi raw "sibilisado" ang mga ito. Habol din nilang maging sila tayo, nang hindi man lamang natin namamalayan. Hindi naman nila magagawang maging kalahi na lamang nila bigla ang kanilang mga kolonya kaya't idinaan na lamang nila sa paghubog ng mga kaisipan ng mga katutubo na tangkilikin ang kanilang lahi upang naising maging katulad nila, at sa mas malala pa'y hangaring maging dayuhan na talaga.

Halimbawa na lamang ng mga Espanyol na unang dumating sa mga isla ng Pilipinas. Noong una'y pinlano nilang huwag ituro sa atin ang kanilang banyagang wika sapagkat natatakot ang mga kolonisador na malaman ang kanilang tunay na mga pakay. Bagkus, inaral nila ang mga katutubong wika saka nila itinuro ang kanilang relihiyon. Nagkaroon ito ng epekto sa mga katutubo na kuwestiyunin kung bakit ibang wika ang ginagamit ng mga nagtuturong prayle at namamahala pang iba sa kanilang mga lugar. Tinawag pa silang Indio noon ng mga Espanyol. Maaaring magkaroon ito ng bisa sa mga katutubo na mas mataas ang wika ng mga mananakop kung kaya't aangat lalo ang pagtingin nila sa banyagang mananakop. Mag-iiba ang tingin sa sarili, magiging mababa, at maghahangad na pumuti at maging tulad ng isang Espanyol para makaangat sa ibang kanyang kalahi.

Ano naman ang ginawa ng mga Amerikano? Naiiba ba ang ginawa nila dahil lang sa kabaligtaran ang ginawa nila mula sa ginawa ng mga Espanyol? Kung aalalahanin natin, itinuro ng mga Amerikano ang Ingles sa mga Pilipinong sabik naman sa edukasyon. Muli, sa pamamagitan ng wika, inatake na naman ng mananakop ang diwa ng mga Pilipino. Unti-unti nilang sinubukang gawing mga "Amerikano" ang pag-iisip ng mga Pilipino gamit ang wikang Ingles, gamit ang edukasyon. Ang mga bagay na itinuro noon sa kanilang mga pampublikong paaralan ang nagsilbing bagong mga konsepto, na hindi naman halos lahat mauunawaan nang lubos ng mga Pilipino. Nasa wikang banyaga na nga, dayuhan pa ang mga konsepto. Nagkaroon man ng lantad na hangarin ang mga Amerikano na "inihahanda" lamang nila tayo para sa pagdating ng panahong iiwan na nila tayo, inihahanda na pala nila tayo maging mga Amerikano.

Nakaalis man ang mga mananakop, nananalaytay pa rin sa diwa ng karamihan sa mga Pilipino, na naipapasa pa sa sunud-sunod na mga henerasyon, ang kalapastanganan nila sa ating napakaganda sanang kultura. Hindi man nagtagumpay ang ninais nilang mapa ng kanilang teritoryo, mababakas pa rin ang mapa ng kanilang mga ideolohiya.

24 May 2013

Spoilers

Mga putang inang walang awa na nagpopost ng latest chapter ng Naruto. Pa'no yung mga naghahabol? E mga tarantado pala kayo e, mga sabik sa atensyon, masabi lang na nasa latest sila at makapagyabang. Gago kayo, mga gago kayo. Pati yung nagpost ng picture nung mother sa How I Met. Hinayupak. Alam niyo yung binibuild na tension ng creators, tapos may mga naghahabol, tapos masspoil lang? Puke ng ina niyo na pagkakapal ng bulbol. Updated naman ako pero inaalala ko lang yung mga naghahabol. Dumadaan sila ngayon sa mga nadaanan na natin. Malayo na tayo. Malayo na ang naabot natin. Hayaan nating iparamdam sa kanila yung naramdaman din natin. Kapwa tayong fans. Huwag nating sirain yung nagkakaisa sanang damdamin. Huwag kupaloids para lang sa atensyon. Itaas natin nang maayos yung mga hinahangaan natin, hindi lamang ito papuri para sa kanila kundi maging pagtanaw rin sana ito sa mga taong nagsisimula pa lamang kilalanin, o hindi pa lubos na kilala ang mga kinahihiligan natin.