Sa mga unang araw ng aming klase sa EDCO 101, ipinangkat
kami ng aming guro at iniutos sa aming pag-usapan ang ukol sa guidance
counselor services na naipatupad noong kami ay nasa mababa at mataas na
paaralan. Sa aming grupo’y napagkasunduan naming maskara ang aming itanghal sa
kadahilanang marami sa amin noon ang takot sa guidance counselor ngunit hindi
naman siya dapat kinakatakutan. Natawa ako sa aking sariling mga karanasan noon
dahil, oo, totoo nga namang may dating sa lahat ng mag-aaral sa aming paaralan
ang bukambibig na, “Ipapaguidance kita!” Noong mga panahong isinasagawa namin
ang activity ko lang napagtantong bakit hindi ko man lamang sinimulang isipin
ang kahulugan ng salitang guidance at
kung bakit kabaliktaran ang aking nararamdaman sa tuwing naririnig ko ito.
Sinabi ko bigla sa sarili kong guidance nga e, igaguide ka, bakit ka nga ba natakot
noon? Mayroon kasi kaming dalawang guidance counselor noong nasa mataas na
paaralan ako. Yung isa sa kanila, mabilis magalit, masungit sa umpisang kilala,
at yung isa naman, kabaligtaran niya. Pero noong nawalan ako ng wallet isang
araw at umakmang papaiyak na habang binabagtas ang tanging bukas na opisina sa
paaralan, alas sais nang gabi, nakita rin ako sa wakas ng guidance counselor na
masungit. Pero hindi naman pala. Madali niyang nabasa ang ang mukha at nasabi
ko kaagad ang aking problema. Yung tipong siya pa yung nagbigay sa akin ng
pamasahe para lamang makauwi. Natuwa ako noon kasi bigla na lamang nabaligtad
ang baligtad kong tingin sa mga guidance counselor. Ang problema, sana, sa
maraming guro sa Pilipinas, hindi sanang nagagamit na panakot ang guidance dahil bukod sa nakakatawang
kontradiksyon ng mga depinisyon, nawawalan ng saysay ang kanilang mga opisina’t
pinag-aralan.
No comments:
Post a Comment