Sinulatan ko ang aking sarili. Si Past Mart,
precisely. Sobrang tamad kasi niya. At galit na galit ako sa kanya dahil kay
Future Mart niya naman iniasa ang lahat, ang kanyang bundok na naman ng
responsibilidad. Pinaalalahanan ko na lamang siya, matapos pagalitan, na
magsipag-sipag naman siya minsan, kahit sa susunod na semestre, para magkaroon
naman kami ng pantay na responsibilidad. Hay nako, Past Mart, alam ko namang
iniisip mong mahihirapan ako, at ako na naman pero hindi sa lahat ng
pagkakataon sa buhay e magpapakasasa na lang parati. Subukan mo naman din lang
mahirapan, kahit isang gabi lamang na nagsusulat, at nag-aaral, bilang malasakit
na rin sa lahat ng ginawa, bilang ganti sa mga ibinuhos na pawis at stress sa
iyo ni Future Mart. Nagmumukha tuloy part II ng liham ko ang repleksyong ito sa
sobrang galit ko sa iyo.
No comments:
Post a Comment